Para Sa'yo (35)
hindi ko pa kayang itapon ang singsing
pero kakayanin ko ang magsinungaling
sa harap mo aking sasabihing
"umalis ka na, kaya ko ang wala ka, nuon pa."
hindi ko pa kayang ika'y bitawan
pero kakayanin ko ang itago ang mga larawan
ang mga dating usapan sa telepono'y hindi na babalikan
"buburahin ko na ang numero mo, sa buhay na wala ka, kailangan ko nang masanay."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com