Chapter 2
Chapter 2
Kinaumagahan ay yamot akong nagising.
Medyo nag-iba rin ang ihip ng hangin noong sabay-sabay kaming kumakain sa kusina.
Si mom ay halatang good mood.
"How's study, baby?" nakangiting tanong niya habang kumukuha ng kanin at ulam. "Oh, this is so delicious!"
Sumubo muna ako saka sinagot si mom. "Uhm... okay naman, mom. Malapit na ang exam kaya medyo busy na kami."
"Good. Keep it up my baby!"
Kahit hindi sabihin ni mom ang dahilan bakit siya good mood ay alam ko na rin. Natural at nadiligan ni dad.
Medyo nasamid ako dahil naalala ko ang nasaksihan kagabe.
"Dahan-dahan, anak..." si mom.
Hindi ko pa rin lubos maisip na ang pinaka-nirererespeto kong babae sa balat ng lupa at ang kinasusuklaman ko ay maaabutan ko sa ganoong sitwasyon.
I mean, it's normal since they're my parents. Pero hindi ko dapat nasksihan ang mismong iyon, lalo na at pinanuod ko pa talaga!
"Theo, ang sabe ko, kamusta ang love life?!"
Natigilan ako sa pagmumuni nang marinig ko ang pasigaw ngunit bulong na boses ni dad.
Fuck. Nabungol yata ako.
"Kami pa rin ng girlfriend ko." malamig na sagot ko. Ngunit tinatantsa ko na huwag mag-tonong bastos dahil baka sakalin na naman ako. Pero hindi pa rin ako mapanatag sa galit na nararamdaman ko sa demonyong kausap ko ngayon.
"Hmm... kailan namin makikilala?" si dad ulit, ngayon ay ibinaba na ang hawak na kutsilyo at tinidor bago itinutok ang atensyon sa akin.
Natigil ako sa pagsubo ng hotdog. Inayos ko ang upo saka sinagot si dad, "Maybe next month kapag hindi na po hussle since may ongoing projects pa kaming ginagawa."
Pareho kase kami ng program na pinili ni Dianne at same courses din at same block.
"Ganyan din ang sinagot mo dati, Theo. Ayaw mo bang ipakilala sa amin ang girlfriend mo?" parang inis na ang tono ni dad na ikinakagat ko ng labi para magpigil sa inis.
Sumulyap ako kay mom para humingi ng tulong, pero nakayuko lang siya at kumakain nang tahimik.
Sumagot ako nang maayos, "Hindi naman sa ganoon, dad. Promise, next month ay dadalhin ko siya dito."
Doon lang nakuntento sa sagot ko si dad. Nagtuloy na rin kami sa pagkain saka sabay sabay na lumabas sa hanggang sa garahe.
Bumeso ako kay mom bago sumakay sa sasakyan ko. Ngunit hindi pa man umiinit ang pwet ko sa silya ay tinawag ako ni dad mula sa sasakyan niya.
"Sumabay ka na sakin."
Natigilan ako. "But---"
"Sa NTC rin ang punta ko, sumabay ka na." Walang argumentong hinihintay ang pagsasabe ni dad niyon kaya napilitan akong bumaba sa sasakyan saka isinara iyon.
NTC means North Thomas Campus. North Thomas University ang pinapasukan namin. Hindi ko alam bakit doon rin ang punta ni dad.
Tumango ako saka binuksan ang wing ng sasakyan niya bago sumakay sa shotgun at isinara ang pinto.
Binuksan ko muna ang wingshield bago ako kumaway kay mom.
"Ingat kayo!" aniya habang kumakaway.
Parang kinurot ang puso ko dahil masaya akong makita ang magandang mukha ni mom na nakangiti. Hindi yung puro lungkot ang nakikita ko dahil kay dad.
Buong oras kaming tahimik sa sasakyan at okay lang sakin iyon dahil ayaw kong kausap 'to.
Humapyaw ako kay dad.
Totoo namang magandang lalaki ang ama ko dahil iyong lolo ko ay may lahing chinese at european. Kaya maganda ang bunga nito kay dad lalo na't mas malapit ang dugo niya sa foreign kaysa sa akin.
Mas moreno ako kumpara sa kanya ngunit dahil madalas akong taong bahay ay hindi ako maitim. Tanned skin.
Nakasuot siya nang cashmere polo shirt saka tailored chinos sa pambaba. Hapit sa kanya ang suot na chino kaya halata ang dinadala sa gitnang bahagi ng binti.
Napaiwas ako ng tingin nang maalala ang nakita kagabe.
Suot ko ngayon iyong binigay ni mom na gift sa akin last month, iyong merino wool na shirt, pinaresan ko ng pambabang Japanese selvedge denim. Nakahubad iyong suede jacket ko, para malanghap ng katawan ko ang lamig.
Pagkarating namin sa campus ay agad ipinark ni dad ang sasakyan saka bumaba. Sumunod akong bumaba.
Gusto ko sanang mauna maglakad pero inakbayan niya ako saka sumabay sa kin.
Pigil ang inis ko sa mga oras na 'to.
Naamoy ko ang pabango ni dad, mabango talaga 'yon dahil 23k ang brand na pinili niya, gastador ang tangina.
Kung tutuusin, perpektong tao talaga si dad sa mata ng iba. Magandang lalake, mayaman, at matalino.
Pero demonyo.
Maraming naghihiyawang mga babae sa paligid kapag dumadaan kami. Kapag ako lang ay hindi sila ganun kaingay, pero iba ang hatak pag magkasama kami ng demonyo kong ama.
Nakakasuka siya kasabay.
Dumaan kami sa main hallway patungo sa Science Department at tinungo ang engineering building. Tahimik lang ako at pumapalatak habang si dad naman ay kumakaway at ngumingiti sa mga babae. May ilang mga bakla rin na maton kumilos ang kumindat kay dad na ikinatawa niya.
Gago.
Naghiwalay kami sa pasilyo ng departmento ko kalaunan na ikinahinga ko nang maluwag.
Saktong pagpasok ko sa room namin ay bumungad sakin si Dianne at nagligkis ng braso sa bewang ko. Naghalikan kami roon, walang pakialam sa iba.
"Hoy, dahan-dahan!" anang kaibigan kong si Train. Siya lang ang kaibigan ko dito, ang iba ay acquaintances. Pero hindi kami gaanong ka-close dahil dito lang kami sa campus nag-uusap bukod doon ay kapag may party na nagaganap.
"Nah, man. How's your mom?" si Train ulit matapos makipag-bro hug sa akin.
"Safe."
Tumango siya. Aware siya sa parents ko, at di niya rin ipinagsasabe sa iba maging kay Dianne kaya naman panatag ako.
"Hmm? May something ba na wala akong alam?" nagtanong bigla ang girlfriend ko kaya naman nagkatinginan kami ni Train.
Ngumiti ako saka nagdahilan. "Don't worry, baby, it's about my mom's incoming birthday party. Medyo stress lang siya dahil malapit na iyon."
Although totoo naman na malapit na ang birthday ni mom, at palaging may party iyon. Bawat birthday sa aming pamilya ay grabe ang handaan. Maraming invited na big names. Pero hindi stress si mom doon. Iba ang dahilan ng stress niya palagi.
Naghintay kaming lahat sa profs namin kalaulan. Ngunit nangunot ang noo ko nang pumasok ang head namin kasabay ng dad ko.
"Hello, good morning. Diba sabe ko nakaraan mag-iinvite ako ng magaling na Chief Engineer na nagmula rin sa NTC? There he is!" Magalak na bungad ni Professional Tan, ang head department. "Chief Engineer Leonard Shanti Razon!"
Lahat ng blockmates ko napatingin sa akin.
Of course, who wouldn't know my dad?
Pero, fuck this. Bakit kailangan pa niyang insultuhin ako? I mean, what's this? Bakit need niya pang pasukin ang school life ko? Hindi ba pwedeng kontento na dapat siya na maganda ang grades ko?
What the hell is this!
Paniguradong gagamitin na naman niya ang connection niya para makialam sa buhay kolehiyo ko! Ayuko nun potangina.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com