FINAL BLOW
EPILOGUE
Enjoy reading!
HIS Point of View.
It's not my intention to hurt you like this, Zavina. All I wanted is to give the life and the world you deserve to have that your family had refused to let you experience.
I've seen it in your innocent eyes the desire to explore this chaotic but beautiful world that itched me to plan all of these, to make complicated things inevitable and to crave for power to subdue over people and things.
But... why are you slipping away from me? Why do you hate me?
I am aware that I have done things in wrong way... that I let the demon inside me to take over in facing situations but you're the reason why this demon awakened.
The blood that runs in your veins, the name you're carrying, the kingdom you love made this demon wants to protect you... for this monster loves you so dearly, Zavina, my pumpkin.
I am sorry but I have to take back what is mine and destroy everything that has touched you.
You are mine, Zavina.
*****
HER Point of View.
Indeed, I am enigmatic. Ano ang ibig sabihin ng salitang ito?
It is an adjective word which means 'full of mystery and difficult to understand or to explain.'
In other words enigmatic is arcane, cryptic, deep, impenetrable, inscrutable, mystic, occult, uncanny and mysterious.
In tagalog mahiwaga, mabalaghan, mapanlito, enigmatiko, mahirap ipaliwanag, mahirap intindihin.
Nang tumungtong ako sa lupain ng Kaharian ng Slovenia no'ng araw na lumuhod ako sa harap ng lahat, simula no'n may mumunting galit na sa puso kong kumikiliti sa buo kong pagkatao.
Pero masyado itong mahiwaga. Nakakalito iwari kung bakit galit ako sa lupaing iyon sa unang tapak pa lang nang pagbabalik ko. Napakahirap ipaliwanag ang nararamdamang iyon.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit gano'n ang sakit ng pagtibok ng puso ko sa sariling kaharian.
Lalo na no'ng oras na humarap ako sa sariling pamilya. Nandoon pa rin ang galit pero pumangibabaw ang lungkot na pakiramdam habang tinitingnan ko silang nakatingin sa akin na para bang ako ang pinakawalang kwentang bagay na nakita nila.
Mayroon ding awa sa puso ko dahil nakikita ko sa mga mata nila ang kakulangan sa kanilang mga pagkatao. Hindi sila kuntento sa kung ano ang mayro'n sila. Kaya nasabi ko sa sarili kong sila ay mga sakim at mga kawawang nilalang.
Habang nakatayo sa harapan nila, tinaggap ko lahat ng sakit ng mga salitang ibinato sa akin ng taong bayan pati ang mga bagay na literal na ibinabato sa'kin dahil parang sanay na ako at sa kadahilanang mas natuon ang pansin ko sa mga bagay na naglalaro sa aking isipan.
Naninibago ako sa mga ala-alang nagraragasa sa aking utak... na para bang hindi ko pagmamay-ari ang ala-alang iyon, na hindi ako ang dalagang prinsesa na nakaupo katabi ng Hari sa trono, na hindi ako 'yong prinsesang tinitingala nilang lahat.
Nakakapanibago ang pakiramdam na iyon.
Hindi ako pamilyar sa lahat... maliban sa lungkot at galit na nararamdaman ko na tila matagal na iyong nakatanim sa aking puso.
Napakamahiwaga.
Nakakalito.
Napakahirap ipaliwanag
Hindi ko maintindihan.
Damn... indeed I am ENIGMATIC.
Kaya ang ginawa ko ay hinayaan kong maging parte ng buong pagkatao ko ang lahat ng hindi pamilyar na mga ala-alang 'yon. Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili ko na bawiin ang respeto ng lahat sa akin na kanilang ibinasura... na ibalik ang respeto at pagtingala ng lahat ng tao sa akin.
Wala akong pagsisisi na pinatay ko ang buong angkan ng Takei. Ano nga lang ba sila kapalit ang respeto, pagtingala at takot na makukuha ko sa lahat?
Naging ganid ako at do'n nagising ang halimaw sa puso ko na tila matagal nang nakakulong sa kasulok-sulokan ng pagkatao ko.
Tuwang-tuwa ako nang makuha ang pinakamataas ng ranggo sa Empyreal. Taas-noo akong muling humarap sa mga tao. Puno ng kumpyansang hinarap kong muli ang mga nangungutyang titig ng sarili kong pamilya.
Hindi pa ako nakuntento... gusto kong makita ang takot sa kanilang mga mata sa tuwing titigan ako.
Ginawa ko ang lahat para ipakita sa kanilang mali ang taong kinawawa nila pero...
Change is inevitable.
Nagbago ang takbo ng isip ko dahil sa kambal na produkto ng kasamaan ng taong sumira sa'kin.
Pero sinapawan nila ang sakit sa aking puso kung kaya't walang pag-alinlangang tinanggap ko ang isang misyon sa ibang bansa, sa Pilipinas.
Masakit mang malayo sa mga anak ko pero kinaya ko dahil gusto kong magtayo ng sariling imperyo sa ibang teritoryo para sa kanila, para mailayo ko sila sa Kahariang puno ng sakim at kasamaan. 'Yon ang nasa isip ko bago umakyat sa eroplano papunta sa Pilipinas.
Base sa mga ala-ala ng aking utak... may kapatid ako sa ina sa bansang ito at iyon ay si Kleo Zanarry o mas kilalang Tamara Georghette Madriaga na leader ng isang makapangyarihan at maimpluwensyang Mafia.
Kaya mas naging kampante akong maitatayo kong may matatag na pundasyon ang sarili kong imperyo sa tulong niya at ginamit ko ang misyon ko para mas lumakas ang aking nasasakupan.
The Target of Execution but as the same time The Target of Protection...
Noong una pa lang, sinasabi na ng isipan ko na isa lang ang dapat naming protektahan at tama nga ako. Siya lang.
Si Zync Orlando.
Alam kong napakasakim ng Triad sa pangunguna ng kinasusuklaman kong Flamenco Mafia at hindi nga imposible na hahabulin nila ang nag-iisang tagapagmana ng isang napakamayamang pamilya.
Pero may mga bagay at pangyayari na wala tayong kontrol...
Kagaya sa kung ano ang maaari mong maramdaman at pagtingin sa isang tao.
I just found myself helplessly falling deep towards Zync Orlando. I just found myself feeling crazy towards my mission.
Kaya ang isang mission ay naging bahagi na ng pagkatao ko... bahaging hindi na kailanman mawawala sa'kin, na kahit ang pagiging prinsesa ko sa isang malaking kaharian, na kahit ako ang Wing Regal ng isang maimpluwensyang organisasyon o kahit ang mga kalaban ay hindi ng mga 'to kayang alisin si Zync Orlando sa aking sistema dahil...
Siya ang lalaking mahal ko na gusto kong maging katuwang ko habang buhay. I love him so much. I love Zync Orlando.
But there are things aren't meant to goes along in your way, particularly, if you are SCARRED.
Maraming sugat, pasa at galos na nagbigay sa'kin ng hapdi, kirot at sakit. Dumadaing at humihiyaw ang aking kalooban sa tuwing nagagalosan ang aking puso, tuwing nagkakapasa ang aking isipan at sa tuwing nasasaktan ang aking damdamin.
Malaki ang naging pilat ng kahapon sa buhay ko at alam kong hinding-hindi na ito mawawala kahit ano pa man ang gagawin ko. Mananatili itong parte ng aking pagkatao.
My being has been scarred because I was broken. And I was broken because I SUFFERED.
Kailanman hindi naging patas sa akin ang buhay. Maraming pasakit at paborito akong paglaruan ng tadhana hanggang sa punto na...
...na naging halimaw na ako.
Then in the midst of suffering of this beast I was TAMED.
Sa hindi malamang dahilan isang titig niya pa lang tiklop na agad ang halimaw. Hindi niya man nakita o naramdaman, matagal niya nang napaamo ang halimaw na ito. Matagal niya nang tinuruang maglaro nang masaya ang halimaw habang lumalaban.
But while the beast was playing the demon STABBED her.
Kahit may mahiwagang sama ng loob ako sa sariling kaharian ay galit pa rin ako nang malamang kinanti nila anng Slovenia nang malayo ako. Galit ako pero biglang natakot...
I was SCARED and CONFUSED.
I am only 20 years old but I felt like I lived for hundred years already. Para bang matagal na akong takot at naguguluhan sa larong binigay sa akin ng buhay.
Yet, I had overcome my fears... my strength and innards got REUNITED again.
It helped me to face and to fight with life's game while holding my head up high.
Then I SUCCEED.
Pinagpatuloy ko ang pakikipag-patintero sa mga kalaro kong mas masarap tawaging kalaban. I continued to play and gave them a good game they wanted. And fortunately, I always got the point.
But there are things that are meant to be REVEALED.
Secrets were kept for a good or bad reason. There are secrets remained untold and there are secrets must be unveiled.
So I EXPLODED.
I let the beast to take control and eventually a demon awakened.
I was SURPRISED and the heck it was... I was NAILED letting the demon dominating my whole-being.
I killed many. Alam kong wala akong ni katiting na karapatan na kumitil ng buhay ng kahit sino pero hindi ito ang kagustuhan ko. Gusto ko lang namang maranasan ang mga ginagawa ng ibang simpleng tao, ang maging masaya pero bawal.
I had the chance to look over the mystery that lies within me and things happened unexpectedly.
My other parts SILENCED and I had the time to REMINISCED.
Ilang beses na akong nasaktan at patuloy pa ring nasasaktan. Walang tigil, ayaw paawat. Namanhid ako sa sakit at do'n nalaman ko ang isang katotohanang nagtatago sa likod ng misteryo ng isang prinsesa na nagngangalang KATARINA ZENKIAH OLSON CLEMENTIN.
I realized all along I am BLINDED.
Simula pa lang pala bulag na ako sa katotohanan dahil puro kasinungalingan lang pala ang pinaniniwalaan ko. Naging bulag ako dahil sa mga ala-alang akala ko ay pagmamay-ari ako.
And then I CRIED.
Hinayaan ko ang sarili kong umiyak at ilabas lahat ng sakit dahil umaasa akong maibsan kahit kaunti man lang.
Because I am so TIRED.
Pagod na pagod na ako. Akala ko ako ang siyang may hawak sa larong ito pero isa pala ako sa pinaglalaruan. Ang sakit-sakit na sa sobrang sakit ay hinihiling ko na lang na mawala na ako. Tama na. Ayoko na. Pagod na ako.
Gusto ko nang sumuko dahil pagod na ang puso't isipan ko.
But then there are things don't want you to stop. They are people will give you the hope and strength to carry on.
And therefore, I TRIED to stand up and CLAIMED back my confidence to win this game.
Sinubukan kong tumayo at muling ibalik ang determinasyon ko sa labang ito.
Thus I had DEFIED the scream of fear of my mind and my heart.
Nasasaktan man ako, napapagod, trinaydor, nagdusa, nawasak saka nagkapilat at may halimaw na naninirahan sa puso ko ay kailangan kong manalo para sa lahat.
Kailangan kong lumaban para sa sarili ko at para sa mga taong mahal na mahal ko.
Para sa kanilang lahat ng ito.
Kina Kianarra at Kean Arri...
Sa Kaharian ng Slovenia...
Sa Empyreal...
Kina Tamara at Tattiana...
Sa KZ Empire...
Kay Sia, Al at sa anak nila...
At higit sa lahat ay para kay Zync Orlando.
Gagawin ko 'to para sa kanila.
And in order to make things right I have to embrace the truth that has been concealed behind the name Katarina Zenkiah O. Clementin.
"Katarina." lumuluhang nilingon ko siya.
His voice is a lullaby to my ears. Nakakagaan ito ng aking mabigat na nararamdaman.
Napapikit ako dahil sa mahigpit niyang yakap.
"Please... don't cry." napangiti ako dahil sa ganitong kasimple lang napapakalma niya ang kaguluhan ko.
Zync Orlando is the meaning of my own chaos and at the same he's my peace, my reliever and his arms is my refuge.
"Uuwi na tayo ha?" aniya habang nakatitig sa akin, hawak-hawak ang magkabilang pisnge ko at pinupunasan ang aking luha. "Naghihintay ang mga anak natin." dagdag niya pa kaya mas lalong bumuhos ang luha ko.
Hinagkan niya ang aking noo.
Gusto kong magsalita at sabihin sa kanya kung gaano ko kagusto ang sinabi niya. Kung gaano ako kasaya na tanggap niya ang mga anak ko kahit hindi naging maganda ang nakaraan ko.
I want him to know how precious he is for me and how happily contented I am having him as a part of me. I want him to feel that he is important to me and lastly, I want him to know how much I love him.
Ngumiti ako at buong tapang ko siyang tinulak palayo sa akin kahit labag sa kalooban ko. Pinihit ko ang aking katawan upang tumalikod sa kanya.
"K-katarina?" kumuwala ang kanina ko pang pinipigilang tunog ng sakit sa aking bibig nang marinig ko ang boses niya natatakot, takot sa maaari kong gawin.
Pero ito ang pinakamagandang bagay ang magagawa ko sa ngayon.
Ang talikuran siya.
Mabilis akong humakbang palayo sa kanya at ramdam ko rin ang mabilis niyang pagsunod.
Tatalikod ako hindi para iwanan sila kundi para sa kapayapaang pinapangarap ko. Tatalikod ako para hanapin ang natitirang parte ng katotohanan ng pagkatao ko para sa muli naming paghaharap ay buong-buo na ako.
Tumakbo na ako dahil ramdam ko na rin na hindi lang si Zync ang humahabol na sa akin.
Naririnig ko ang pagtawag sa akin nina Tamara, Sia at ng iba pa pero pumangibabaw ang tinig ng lalaking mahal ko.
"KATARINA!"
Sobrang nasasaktan ako ngayon na tila sasabog na ako sa sobrang sakit ng rebelasyon sa pagkatao ko at idagdag pa ang pagtalikod ko sa kanilang lahat.
"KATARINA!"
'No! 'Wag mo 'kong tawagin sa pangalang 'yan.' Yan ang gusto kong isigaw pabalik sa kanila.
Pero hindi pa ito ang tamang oras para d'yan. Lahat ay may takdang oras at ang sa oras na ito ay ngayon ang itinakdang panahon para tahakin ko ang daan patungo sa katotohanang ipinagkait sa akin.
Kailangan ko munang malayo at mawala sa kanilang landas para ayusin ang lahat.
Napaiyak ako nang malakas habang tumatakbo palayo sa kanila.
Ang sakit isiping hindi nila ako kilala. Oo, wala ni isa sa kanila na kilala kung sino talaga ako.
Kung sino man ako ay 'yon ang pinakamalaking misteryo sa buhay ko.
Now I know why I don't understand myself and on how my mind works. Ngayon alam ko na kung bakit masyado akong misteryoso.
Indeed, I am Enigmatic.
I now understand Reccaza.
She doesn't know me... for the Katarina she knows was the exact opposite of me.
...because I will never be HER and SHE will never be ME.
...because Katarina Zenkiah Olson Clementin is NOT me.
Who am I?
-End of She's Enigmatic Season One-
Ayiii... tepez ne she. LuL!
Oh greatness gracious! No words can express how much a wannabe writer could be so happy after finishing her/his own story.
So, thank you very much freaks of being part of She's Enigmatic Season One and see you in BORROWED (S.E. Season Two).
Here's the link:
https://www.wattpad.com/myworks/72310299-borrowed-she%27s-enigmatic-seasontwo
GOD bless us all.
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com