Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Forty-Five: SURPRISED

Chapter 45: SURPRISED

Enjoy reading!

3rd.

Consuelo Town House, Berlin Germany. 25th of May this year, 11pm.

"Claw, Armando Consuelo has fallen." Katarina whispered in the attached mouthpiece in her gear, telling Iseah that their mission is done.

"Great but I'm in a not-so-good situation right now. Care to lend some help, Feather?"

She immediately located Iseah with the use of her wrist tech-gear connected to Iseah's. Naabutan niya itong pinalibutan ng mga taong naka-dark red suit. Mabilis niyang tinumba ang lalaking malapit sa kanya hanggang sa lima na lang ang natira.

"Who are you?" tanong ni Iseah o mas kilalang Claw sa Empyreal sa mga lalaki. Tumayo naman si Katarina o Feather sa tabi nito.

"Hi Wings!" nakangising bati ng lalaking nasa gitna, nasa late 40's ang edad nito.

"Jacobo Cortez." tawag ni Katarina sa pangalan nito.

"Long time no see Katarina. It's been 2 years." binigyan ng lalaki si Katarina nang nakakalokong ngisi.

Umigting ang bagang ni Katarina, "Why are you here?" kumuyom ang kanyang kamao nang maalala kung paano at saan niya nakilala si Jacobo Cortez.

"We're on a mission but it seems like we're late. Thank you for doing my supposed to be job." kumibit-balikat pa ito.

"Who is he, Feather?" tanong ni Iseah. Nanginig ang mga kamao ni Katarina saka binalingan ang katabi.

"Flynn Flamenco's right hand man." Mahina ngunit puno ng galit na sagot niya. Sandaling natigilan si Iseah at biglang nanlisik ang mga matang binalingan si Jacobo.

Nagulantang na lang ang mga lalaki nang wala silang kahirap-hirap na pinatumba ni Iseah hanggang sa si Jacobo na lang ang naiwan. Sinipa nito si Jacobo nang sobrang lakas sa leeg kaya napaluhod ang lalaki. Tumawa ito ng nakakaloko.

"Are you forgetting something, Princess Katarina Zenkiah?" natigilan si Iseah sa muling pagsipa dahil sa tinanong nito sa kasama. Iba kasi ang tono ng pananalita nito. Parang may halong awa.

Natawa si Jacobo nang makita ang kaguluhan sa mukha ni Katarina. "Hahaha! Don't you remember when Flynn raped you? Don't you remember the prod—"

"Damn you!" sigaw ni Iseah saka pinagsisipa si Jacobo ng ilang ulit.

Sinukob si Iseah ng nag-uumapaw na galit nang maalala ang masalimoot na pangyayari sa buhay ng prinsesa. Binuhos nito lahat ng galit sa bawat pagsipa rito at ni hindi man lang lumalaban ang lalaki.

Naalala ni Iseah ang araw nang niligtas nila si Katarina... sobrang payat nito, maputla at halatang matindi ang hirap na pinagdaanan. Hindi makapagsalita o makakain ng maayos. Mas lalo siyang nagpuyos sa galit nang maalala ang nangyari pagdating nila sa kaharian.

Awang-awa siya sa sinapit ni Katarina dahil imbis na simpatya ang matanggap nito sa mga tao ng Slovenia... galit at masasakit na salita o pasaring ang natanggap nito lalo na sa pamilya dahil sa hindi nagawang pagprotekta sa namatay na kapamilya nang nilusob ng Flamenco ang Royal Mansion kung saan namatay ang Reyna Cathard at Prinsepe Zacarias.

"I'm going to kill you, a**hole!" galit na galit na sigaw ni Iseah at 'di napigilan ang luhang tumulo. Ayaw na ayaw niya nang balikan ang ala-alang iyon. Nasasaktan siya para sa prinsesa. Pinipiga ang kanyang puso sa sinapit ng kanyang kaibigan... papatayin niya ang kung sino mang nagwalangya kay Katarina.

Samantala, nanatiling seryoso naman si Katarina habang nanlilisik ang mga matang nakatingin lang kay Jacobo.

Dinuro ni Iseah si Jacobo. "Tell me you fvcking bastard, where's Flynn?! I'm gonna kill that fvcking a**hole! You'll gonna fvcking pay for what you did to the princess!"

Kahit nahihirapan ay nagawang tumawa at magsalita pa ni Jacobo saka binalingan si Katarina, hindi pinansin ang sigaw ni Iseah.

"Hahaha! It's saddening that you have forgotten the existence of the products of Flynn's deeds." natigilan silang dalawa dahil sa sinabi nito. Hinubad ni Iseah ang kanyang maskara at nilingon si Katarina sa sobrang gulat.

"What do you mean?" tanong ni Iseah kay Jacobo pero ngumiti lang ito nang malungkot, nawala ang nakakalokong ekspresyon sa mukha.

"Exactly 3 years and 1 month ago you gave birth to your twins... Flynn Flamenco's offspring."

Natuod si Iseah sa kinatatayuan habang parang binuhusan ng balde-baldeng yelo si Katarina.

"N-no." tanging sambit ni Katarina na pailing-iling.

"So the Memory Alterer Drug was really effective huh. You really forgot about them... you forgot how you suffered just to bring them to life." napahawak si Katarina sa kanyang ulo saka nilapitan si Jacobo at paulit-ulit na sinipa. Kinwelyuhan niya ito.

"Fvcking tell me everything! Where are my children?! Where are they?! What have you done to me?!" galit na galit na untag ni Katarina habang lumuluha.

Ngumisi ito, "I won't tell you, princess" nanghihina ngunit seryosong sagot ni Jacobo. Hinubad ni Katarina ang kanyang maskara.

"Tell me or I'll fvcking kill you!" muli niyang sinipa si Jacobo.

"Why so beautiful Princess? Do you know that Flynn is crazy about you? He loves you so much that he'll do anything just for you."

Natawa si Katarina sa narinig.

"Love me?! If he fvcking love me why did he killed my grandmother and brother?! If that love really existed why did he raped me?! Why the hell did he abduct me?! Why did he fvcking played me for fvcking two years?! Why did he keep my children away from me?! Why?!" sunod-sunod na tanong niya habang umiiyak.

"He loves you so much Katarina! Everything he'd done and did were all for you! Everything happened was all about you, Katarina! Flynn was crazy doing all of these because of you! This is all for you!"

"For me?! Dammit! I never knew that love goes that way. Why does he have to make me suffer if he loves me?! Tell me! He doesn't love me! He's a demon! And a demon like him doesn't know what love is! I hate him! I loathe him!"

"I wish I could tell you everything, Princess." Malungkot na sagot ni Jacobo.

Pinatayo ni Katarina si Jacobo at malakas na sinuntok sa dibdib, nilagyan niya 'ynn ng sobrang pwersa na may masamang epekto sa pagtibok ng puso ng isang tao. Napaluhod si Jacobo at itinaas ang kamay na may hawak na baril.

"T-this— w-will lead— y-you to them." putol-putol na wika ni Jacobo at inabot ang isang puting baril.

Wala sa sariling inabot ni Katarina ang baril at laking gulat niya nang natumba itong may butas sa noo. Paglingon niya kay Iseah ay nanlilisik ang mga mata nito habang nakatutok ang kamay na may hawak na baril sa bumulugtang si Jacobo Cortez.

"Don't you fvcking believe everything he has fvcking said, Princess! Always put on your mind that they are demons." galit na untag ni Iseah.

Napaupo si Katarina sa damuhan at umiiyak na tinitigan ang puting baril.

*****

Bwisit na bwisit si Zync na nagdadabog na tinungo ang pintuan. Pakamot-kamot siya ng ulo dahil sa yamot.

'Kainis! Bakit ba kasi ang higpit ng pagkatapis ko nitong towel?! Ni hindi man lang natanggal sa mga ninja moves kong 'yon kanina sa ibabaw ng kama?!' inis na reklamo niya sa isipan.

Blag! Blag! Blag!

"Oo na! Oo na! And'yan na! Potek! Siguraduhin mo lang na importante 'yang sadya mo kundi isusumpa kita! Lalagyan kita ng malupit na pakyu sa noo!" sigaw niya. Lalong siyang nainis nang marinig ang tawa ni Katarina. "Hoy! Katarina! 'Wag kang tumawa d'yan! 'Di pa tayo tapos! Magtutuos tayo mamaya!"

Blag! Blag! Blag!

Marahas niyang binuksan ang pinto at pinikit ang mga mata upang sumigaw ng isang pinakamalupit na pakyu nang...

"FVCK YOU, FVCKER! Why so fvcking tagal to bukas this fvcking door?!"

Napamulat siya sa gulat dahil sa matindeng bulyaw ng taong gustong niyang taniman ng pakyu sa noo. Napakurap ng ilang beses si Zync.

"Pakyu ka! TABI!" sigaw nitong muli saka siya malakas na hinawi. "KATARINA! Fvck!" umalingawngaw sa buong silid ang tinig nito.

"What's with the fuss, Iseah?" tanong ni Katarina sa beast mode na babae.

Samantala, napaatras naman si Zync nang hinawi siya ni Sia kaya napasandal siya sa dingding at sa 'di inaasahang pangyayari biglang nahulog ang kanyang tapis at lumantad ang precious. Sabay pang napalingon ang dalawang babae sa kanya pero mabilis pa sa kidlat siyang nakatakbo papunta sa walk-in closet.

"Bwiseeeeeeeeet!" nanggagalaiting sigaw niya sa loob.

Nang makabihis ay agad lumabas ng walk-in closet si Zync.

"Susunod ako, Iseah." rinig niyang wika ni Katarina.

Lumingon sa kanya si Sia bago lumabas saka siya nito pinakyuhan with feelings.

"Bwiset ka! Pasalamat ka buntis ka! Fetus pa lang 'yang anak ni Al ay magsisisi na!" pahabol niyang sigaw sa babae. Binalingan niya si Katarina na seryoso ang mukhang nakatingin sa kawalan.

"Anyare sa'yo?" tanong niya dito saka bahagyang tinapik ang balikat.

Ngumiti lang ito nang malungkot saka bumuntong hininga.

"Bakit? May problema ba?" nag-alalang tanong niya nang makita ang lungkot nito sa mga mata na malaya niyang nakikita ang napakaganda nitong kulay. Bahagyang umiling si Katarina pero tumango 'di kalaunan. Kumunot naman agad ang kanyang noo.

"Ano 'yan? Good news saka bad news?" hinarap siya nito saka hinawakan sa pisnge.

"I have visitors... I want you to meet them." Wika nito na nakangiti nang matamis pero nag-alala pa rin siya dahil nakikita niya ang lungkot nito sa mga mata na tila ba natatakot at nag-aalangan.

"But why do I feel like na hindi mo ako gustong ipakilala sa mga bisita mo?" tanong niya dito nang prangka pero natawa lang si Katarina.

"Of course not kaya nga I want you to meet them. I'm sure they will like you." Napangiti na rin siya nang makitang kumislap ang mga mata nito. Naisip niyang baka mga importanteng tao ang bisita ni Katarina.

"Ako kaya? Magugustuhan ko sila?" wala sa sariling tanong niya. Kitang-kita niya kung paano nawala ang ngiti sa mga labi ni Katarina saka umiwas ng tingin.

"Katarina?" nagtatakang tawag niya dito dahil sa naging reaksyon ng babae sa tanong niya. "Bakit?"

"Hindi ko alam." turan nito saka humugot nang malalim na hininga.

"Anong hindi mo alam?"

Umiling si Katarina, "I-I don't know if you'll gonna like them." bakas ang pag-alala sa boses nito.

"Why not? I'm sure I'm going to like them because it's your visitors and I could feel they're someone close to you." alo niya dito saka binigyan ng mabangis niyang ngiti. Natawa naman ang babae nang makita ang gilagid niya.

"Tara na? Baka mainip ang mga bisita mo." aya ni Zync kay Katarina saka ito inakbayan palabas ng kwarto.

**

Pagkababa nila nang hagdan ay nagtaka si Zync kung bakit marami na namang MIB sa paligid. Nakita niya si Sia na nakatalikod sa kanilang gawi at may kausap na nakaupo kaya hindi niya kita kung sino ang kausap nito.

Nakakuha kaagad sila nang pansin, yumukod ang mga MIB nang makita si Katarina gano'n din ang subordinates ng KZ. Lumingon si Sia sa kanila na sobrang kunot ang noo na tila may nalaman itong hindi magandang balita.

Gumilid si Sia kaya bumungad sa kanila ang mukha ng isang babaeng may matinding pinagdaanan. Bakas sa mukha nito ang takot at lungkot. Meron din itong mga pasa sa mukha at nangingitim na eyebags na animo'y walang tulog ng ilang araw. Maputla rin ito at nangangayayat.

"Morisette?" sambit ni Katarina.

Malaki ang pinagbago ng babae kaysa noong huling kita ni Katarina dito. Nangangayayat ito at wala na ang kakaibang sigla sa mukha ng babae.

Agad napatayo si Morisette nang makita si Katarina. Tumakbo ang babae papalapit sa kanya at biglang napaluhod.

"Your Highness!" iyak nito. "Mi Dispiace." Paulit-ulit na sambit ng babae. Pumiyok-piyok pa ito dahil sa malakas na pag-iyak.

"Slovenia is in Rosso Codice, Sua Maestà. Tutto mettere sottosupra."

"W-what?" gulantang na tanong ni Katarina.

"The Triad! They had already taken over the control all over Slovenia... everything's messed up, Princess. The kingdom is now a war zone and the Empire is in dark state."

Nanlamig at namutla si Katarina dahil sa narinig.

"H-how?" nauutal na tanong niya. Nanghina ang kanyang tuhod at muntik nang matumba kung hindi lang siya nasalo ni Zync, agad naman siyang inalayan ng binate.

"N-nagsimula ang lahat ng kaguluhan sa mga probinsya last may... the time when you went on a mission. They had already vanquished Slovenia's armed forces... then the palace went under attacked when you and Iseah left the country."

"Fvck." mura ni Iseah dahil sa narinig at nanghihinang napaupo sa sofa, dinaluhan naman agad ito ni Al at pinakalma.

Napailing si Katarina. "W-what about the King?! My parents?!"

"The K-king... kinulong siya sa dungeon kasama ang mga miyembro ng council. Duchess Kataleya is being held in the Ljub tower while your father is missing."

"Bakit 'di niyo pinaalam agad sa'min?! How about the Empyreal?!" singit ni Sia na nakatayo na sa likod ni Morisette.

Mas lalong lumakas ang hagulgol ng babae, "Lord Malachi... he had freeze the linkage between Empyreal and Slovenia."

"W-what?" nanlamig si Katarina habang nawalan naman ng malay si Sia dahil sa mga narinig. Nagkagulo ang sala dahil sa nangyari sa buntis kaya dinala ni Al ang babae sa kanilang kwarto.

"K-kailan mo lang nalaman 'to?" tanong ni Katarina kay Morisette. Nakaupo na siya ngayon sa sofa katabi niya si Zync na nakaalalay sa kanya habang si Morry naman ay kaharap niya. Gusto nang magtanong ni Zync tungkol sa nangyayari pero pinili na lang ng binata na manahimik at suportahan ang dalaga.

"4 months ago when you asked me to gather some data about Flamenco's territory here in the Philippines. 'Di sinasadyang nabuksan ko ang isang confidential file ng Empyreal at nakita ko do'n ang letter ng hari about Freeze Linkage pati ang pagtanggal niya ng karapatan sa Empyreal na makialam sa Slovenia kaya hanggang ngayon nanahimik ang organisasyon."

Napapikit si Katarina dahil sa narinig. Wala na. Sira na ang kanyang plano.

Freeze Linkage, a temporary nullification of a connection between two parties in a range of time.

"That's why I dig more... do'n ko nalaman ang nangyayaring giyera sa mga probinsya na tinago ng council sa ating mga miyembro ng Wing. Ilang noble family na rin ang namatay hanggang sa nilusob ang Ljubljana. Ilang buildings ang pinasabog ng sabay-sabay pero walang ginawa ang council... nanahimik ang hari. Hinayaan niyang mamatay ang mga tao." muling tumulo ang luha ni Morry.

"Three months ago... pinasok ang palasyo pero tahimik pa rin ang hari at hinayaang masakop ang lahat ng Triad. Tanging kaming mga miyembro ng Wing lang ang nakipaglaban pati si Duchess Kataleya but we're outnumbered and they had the King as their hostage kaya wala kaming nagawa kundi sumuko. We can't afford to lose another life. Lahat ng boundary ng Slovenia ay pinasara pati lahat ng port."

"How did you escaped?" 'di napigilang tanong ni Zync. Bahagyang nakayakap ang binata kay Katarina... nilingon ito ni Morry.


"Miss Angelica helped me escape... mahigit sampung beses kong sinubukang tumakas pero ngayon lang ako nagtagumpay but Miss Angelica got killed along the way dahil sa pagprotekta sa kambal." humagulgol si Morry.

"Kambal?" kunot-noong tanong ni Zync pero walang may natanggap na sagot ang binata.

"I am the Wing Regal, I think I could do something... ngayon alam ko na kung bakit ako pinaalis ng Hari. I'm flying back to Slovenia. Now." biglang saad ni Katarina na ikinatahimik ng dalawa. Napanganga si Zync habang natigilan sa pag-iyak si Morry at napatitig sa mukha niya.

"No!" sigaw ni Morry na napatayo. "Hindi pa pwede! Masyado pang maaga! We can't lose you, Princess!"

"Katarina, hindi ako payag." Ani naman ni Zync.

Marahas na tumayo si Katarina saka naglakad palabas ng receiving area ng mansion agad namang sumunod sina Morry at Zync pero pareho silang natigilan nang...

"MOMMY!/ MAH~!"

Sabay na dumamba ng yakap ang dalawang bata sa magkabilang hita ni Katarina. Agad tumulo ang luha niya nang sa wakas nakita niyang muli ang kambal. Natuptop niya ang kanyang bibig habang nakatunghay sa mga bata. Lumuhod siya saka kinulong ang kambal sa kanyang mga bisig.

"I missed you." paulit-ulit na sambit niya at pinugpog ng halik ang dalawang bata.

Nakangiting nakatingin lang si Morry sa mag-iina habang si Znyc ay parang nakakita ng multo. Nanlalaki ang mga mata, nakanganga at natuod sa kinatatayuan.

"We mish you chu, Mah~! Arra mish sho muuuch!" utal na wika ng batang babae na may kulot na kulay light blonde na buhok, bright blue is the color of her orbs pero ang maliit na mukha nito ay parang hinulma sa mukha ni Katarina.

Napangiti si Katarina saka hinalikan sa labi si Arra. "I love you, baby."

"Yabyu too, Mah~!"

"How about me, Mommy?" seryoso at hindi utal ngunit nakangusong sambit naman ng batang lalaki. Nakangiting binalingan ito ni Katarina. Kamukha-kamukha nito si Arra pero dark brown ang tuwid nitong buhok.

"I love Arri very much, too." Aniya saka hinalikan rin sa labi ang batang lalaki na si Arri.

"K-katarina?" natigilan sa paglalambingan ang mag-ina dahil sa boses na iyon. Lumingon si Katarina kay Zync habang nakalambitin sa kanyang leeg ang kambal.

"Z-zync." alinlangang sambit ni Katarina.

"Who is he, Mommy?" tanong ni Arri.

"Who are they?" mahina at may halong takot na tanong ni Zync habang nakakuyom ang kamao.

Napayuko si Katarina.

"Mah~" tawag ni Arra sabay sapo sa pisnge ng ina. Napaangat siya ng tingin, agad nagtama ang kanilang paningin ni Zync.

"Z-zync... meet my twins, Kean Arri and Kianarra." saad niya. Tumayo si Katarina at umakap naman ang kambal sa kanyang mga hita.

"I-I can't..." napapailing na sambit ni Zync. "I'm sorry." naglakad si Zync papalapit sa kanila pero nilagpasan lang sila nito at agad lumabas ng mansion.

"K-katarina." tawag-pansin ni Morry kaya do'n lang niya napansin na lumuluha na pala siya habang nagtatakang nakatingala sa kanya ang kambal. Napangiti siya nang malungkot.

*****

Hindi mawaglit sa isipan ni Katarina ang rebelasyon ni Jacobo Cortez. Ayaw niyang paniwalaan ang sinabi nitong nagkaanak sila ni Flynn pero may kung ano sa kanyang damdamin na gustong maniwala.

Naka-check in sila ni Sia ngayon sa isang 'di kilalang hotel sa Bonn Germany. Limang oras na ang nakalipas nang mamatay si Jacobo.

Nakaupo lang siya sa couch habang hawak-hawak ang baril na binigay nito. Hindi siya makatulog dahil sa mga sinabi nito. Galit sa kanya si Sia dahil ayaw nitong maniwala sa sinabi ni Jacobo at baka patibong lang daw ito para mapatay siya ng kalaban o makuhang muli.

Alam niya ang posibilidad na 'yon pero iba ang sinasabi ng puso niya. Maaaring mabitag siya kung sakaling kumagat siya sa sinabi nito at muli maging bihag ni Flynn ngunit may kung anong hindi niya maintindihang pakiramdam ang nagsasabing totoo ang sinabi nito... na may anak sila ni Flynn, ang bunga ng kawalang'yaan nito.

Dalawang taon na simula nang makatakas siya sa mga kamay ni Flynn, nang niligtas siya nila Sia at ng team nito, pero ang sakit na dulot ng ginawa ng lalaki sa kanya ay presko pa rin... hindi imposible na ginamitan siya ng drugs na pampalimot para mawala sa kanyang ala-ala ang existence ng kanyang mga anak, isang kilalang scientist si Flynn Flamenco na leader ng Flamenco Mafia na isa sa tatlong grupo na bumubuo ng Triad.

Humugot siya nang malalim na hininga saka binalingan ang puting baril. Halatang espesyal ang pagkakagawa ng baril na ito. Kinalikot niya ang baril at ni-disassemble. Binusisi niya ang bawat parte nito hanggang sa may napansin siya sa natatanging bala ng baril. Marahan niyang hinimas ang bala at tinuon ang daliri sa magaspang na parte.

Pinikit niya ang mga mata upang matukoy kung ano ang hugis ng kagaspangan nito. Unfortunately, wala siyang magnifying glass kaya tiis-galing muna siya.

Napatango-tango siya habang nakapikit pa rin nang matukoy niya ang unang hugis.

"S?" patanong na sambit niya. "Hmmm.."

"Dot... there's a dot after letter S."

"O."

"R."

"A."

"K."

"E."

"What are these alphabets stands for?" napakamot siya ng ulo pagkatapos. Kumuha siya ng papel saka sinulat ang mga nakuhang letra.

She rearranged the letters twice 'till she got the correct order of it.

S. KOREA

"South Korea." mahinang basa niya sa sinulat. "They're in Korea."

Sandali siyang napaisip. Naalala niya ang pinasok na teritoryo ng Flamenco sa Korea, tatlong buwan makalipas nang matanggap niya ang ranggo bilang Wing Regal ay pinadala siya sa Korea para sa isang mission. May kinuha siyang chemical na pinakakaingatan ng Flamenco na tinago doon, ang MAD Chemical.

"Deokheung-ri Gwangju, South Korea." sambit niya sa pangalan ng lugar kung saan matatagpuan ang FF Lab ng Flamenco.

Posibleng malapit lang do'n ang lugar kung saan tinago ni Flynn ang kambal.

Muli niyang binalingan ang baril, sinipat niya ulit ang bawat parte nito nang biglang lumiwanag ang mukha niya nang makita ang nakaukit na mga letra sa katawan. Kung titingnan ay parang mga guhit lang ito pero kung susuriing maigi ay mga letra pala.

"Okdong Gwangju."

Napangiti siya nang malaki saka agad siyang kumilos upang makalipad papunta sa Korea. Hindi niya na ginising si Sia at piniling 'wag ipaalam ang pag-alis niya.

Nang makalapag sa Incheon ay agad siyang kumuha ng plane ticket papuntang Gwangju hanggang sa wakas ay nakaabot na rin siya sa Okdong, gabi na kaya naisipan niyang mag-check in sa isang inn. Kinabukasan ay agad siyang naglibot sa buong lugar pero nalipasan na siya ng araw ay wala paring napala.

Napansin siya ng matandang receptionist ng inn na tinutuluyan na nanlalantang papasok sa inn at tinanong kung ano ang problema, nag-alangan siya no'ng una pero sinabi niya na rin na hinahanap niya ang nawalay na mga anak. Nainis naman siya bigla nang makita ang awa sa mga mata ng matanda. Ayaw na ayaw niyang kaawaan siya.

Aakyat na sana siya sa kanyang kwarto nang may dumating na isang babae na mas matanda sa kanya ng higit sampung taon. Pamangkin pala ito ng matanda... may lahi itong Pilipina. Natuwa siya dahil nakakaintindi at nakakapagsalita siya ng salitang Filipino.

Nang gabing iyon ay akala niya matutulog siyang puno ng tanong sa isipan tungkol sa mga bata pero laking gulat niya nang kilala siya pala ng babaeng iyon.

"Miss Clementin?" nanlalaki ang mga matang tanong nito. Nagulat pati ang matanda at napatitig sa mukha ni Katarina.

"Do you know me?"

Ilang ulit napatango ang babae.

"No! No way... this is not happening." Sambit ng matandang receptionist at biglang naiyak. Nagtaka naman siya sa inakto nito pero niyakap ito nang mahigpit ng babae.

"Tita, I am very sorry but the time has come. Let's just accept this." ani ng babae at mas lalong lumakas ang iyak ng matanda.

"No! I won't let you do this! Tell that woman to go home and never come back here! I won't let you die!" nagwawalang saad ng matanda. Nagsalubong ang kilay ni Katarina dahil sa narinig.

"What's happening? What does she mean?" tanong niya sa babae, matagal bago nagsalita ang babae. Hinawakan siya nito sa braso saka hinila palabas ng inn. Sumigaw naman ang matanda upang pigilan sila.

"I'm sorry, Tita. I love you." Wika ng babae sa matanda bago siya tuluyang hinila paalis.

"I am Criselda." Anito nang makapasok sila sa isang itim na kotse. Agad nitong pinatakbo ang kotse. "Do you speak tagalog?" tanong nito. Tumango naman siya.

"March 4, ****." Napatingin siya rito habang nagda-drive nang sambitin nito ang petsang iyon. "That's the date when you gave birth to the twins. Ako ang nagpa-anak sa'yo."

Napapikit siya at nagharumentado ang kanyang puso dahil sa narinig. Totoo nga... totoong ang sinabi ni Jacobo Cortez bago ito mamatay. Pero bakit? Ano ang dahilan nito kung bakit nito sinabi ang tungkol sa mga bata? Magkalaban sila... ano ang dahilan?

"I knew this day would come." dagdag nito.

"W-what?"

"Tatlong taon akong nagtago dito sa Okdong, dalawang buwan pagkatapos mong manganak ay inutusan ako ni Sir Jacobo na magpakalayo-layo kasama ang kambal. Hindi ko alam kung bakit pero tumakas ako paalis ng Sierra Leone sa tulong ni Sir Jacobo papunta dito sa Korea."

"Hindi alam ni Flynn?"

Natahimik saglit si Criselda saka umiling. "Hindi, dahil wala siyang pakialam sa mga bata. Ikaw lang ang prayoridad niya at may mga bagay na nais iwasan si Sir Jacobo na maaaring mangyari kung mananatili ang kambal sa puder nila. Masyadong masama at tuso ang Triad."


"Bakit ginawa 'to ni Jacobo?"


"Walang kinalaman ang mga bata sa kung ano man ang sigalot sa pagitan ng mga grupong kinabibilangan natin. Inosente sila. Produkto sila ng isang masamang hangarin kaya gusto ko at ni Sir Jacobo na ilayo ang mga anak mo sa magulo nating mundo." napangiti si Criselda. "At sa tamang oras ay ibabalik namin ang kambal sa taong nararapat mangalaga sa kanila at ikaw 'yon Miss Clementin... ang kanilang ina."

Hindi agad nakaimik si Katarina at pinroseso pa ang mga nalaman sa kanyang utak.

"Now is the time for everything, ngayon magsisimula ang lahat." Makahulugang anito.

"But... bakit gano'n ang reaksyon ng tita mo kanina?" naalala niya ang mukha ng matanda kanina na siyang ikanabahala niya.

Malungkot na napangiti si Criselda, "Ang muli ninyong pagkikita ay ang aking katapusan."



"What?!" bulalas niya.

"Dito na nagtatapos ang mission ko, Miss Clementin therefore my life ends here."

"No! I won't let you die!" sigaw ni Katarina saka muling dumalaw sa kanyang isipan ang mukha ng matanda kanina. Naranasan niya nang mawalan ng mahal sa buhay at walang kasing sakit ang mamatayan ng taong importante sa buhay mo.

"Sumumpa ako, Miss Clementin. Hindi ko ito maaaring suwayin."

"Hindi ka mamamatay. Ako ang bahala."

"Wanted ako sa organisasyon dahil sa pag-alis ko nang walang paalam. At may mga bagay na hindi natin mapipigilan kahit ano man ang iyong gawin."

Hindi nakaimik si Katarina at nalunod sa isiping tunay ngang may mga anak siya.

Narating nila ang isang maliit na bahay na tinutuluyan nito. Pagkapasok niya ay bumungad sa kanya ang dalawang bata na nakaupo sa sofa sa harap ng dalawang malalaking maleta, nakabihis na rin ang mga ito.

"Tita Criselda!" sabay na sigaw ng dalawa saka yumakap sa babae. Natuod naman si Katarina sa kinatatayuan. Napaiyak siya dahil totoong-totoo sila. Totoong may mga anak siya.

"I have a surprise for you." nakangiting sambit ni Criselda pero bakas sa mukha nito ang lungkot.

Nagtatalon ang batang babae sa aligagang nagtanong kung ano ang surpresa nito habang nakangiti lang ang batang lalaki.

"Look who's with me." anito saka tumayo at tinuro si Katarina.

Napanganga ang dalawang bata at lumiwanag ang mga mukha.

"Mommy/Mah-meh!" malakas na sigaw ng mga bata saka tumakbo tungo sa kanya. Matagal niyang niyakap ang dalawang bata saka nilingon si Criselda. Nagtatakang tiningnan niya ito kung bakit kilala siya ng mga bata.

"They know you." mahinang wika nito, napatango na lang siya. "Aalis na sana kami ngayon papuntang Pilipinas dahil may nakakaalam na ng lokasyon namin sa Flamenco. Kailangan ko silang itago pero dahil nandito ka na, magiging panatag na ako."

Nagulat na lang siya nang biglang tinaas ng babae ang kanyang damit at nakita ni Katarina ang digital timer sa mismong balat nito.

"There's bomb implanted in me... a voice activated bomb. Kapag dumating ang oras na marinig ko ang boses mo ay maa-activate ang bomba and now you only have 10 minutes left." Sobrang lungkot na pahayag ni Criselda saka binaba ang damit.

Hindi makapaniwalang tiningnan ni Katarina ang babae.

"Who did that to you?!" sigaw niya kaya sa sobrang gulat ng mga bata ay napayakap ito nang mahigpit sa kanyang mga binti.

"You have to go, Miss Clementin." Anito.

Hindi natinag si Katarina. Nilapitan niya ang babae at pinilit na tingnan ang katawan nito at hinanap kung saan banda ang bomba. Gustong niya itong sagipin.

"It's no use Miss Clementin... my heart." umiiyak na saad ni Criselda. "It's the bomb." napaatras si Katarina at napailing.

Pati siya ay napaiyak na rin at naalala ang mukha ng tiyahin ni Criselda.

"N-no."

"2 minutes left." anito. "Arra, Arri. Good bye." Nakangiting paalam nito sa mga bata.

"Good bye, tita Criselda." Sabay na saad ng mga bata na tila alam na nito ang ibig sabihin ng babae.

Wala siyang nagawa. Pikit-matang nilisan nila ang bahay. Sa huling pagkakataon ay nilingon niya si Criselda.


"Please... save Flynn, Katarina." saad nito na ikinagulo ng kanyang isipan.

Nagulat pa siya nang pagkalabas nila sa pinto bumungad sa kanila ang mukhang nakasimangot ni Iseah Frost.

"How dare you fvcking went here in Korea leaving your shadow in Germany?!" singhal nito saka kinuha ang dalawang maleta kaya binuhat ni Katarina ang dalawang bata na tahimik lang.

Mukhang hinanda talaga ni Criselda ang mga bata sa kung ano ang mangyayari.

"Where are we going, mommy?" Tanong ni Arri.

"Do you want fun?"

"Yeah! Yeah!" masayang anas ni Arra.

"We're going somewhere fun."

"Yehey!"

Tumigil sila sa harap ng Hummer H3.

"Hop in!" ani Sia nang makapasok ito sa driver seat.

Nang makasakay ang mag-iina ay agad pinaharurot ni Sia ang sasakyan.

Niyakap ni Katarina ang mga anak at nilagyan ng head set ang mga bata.

Halos yumanig ang lupa dahil sa napakalakas na pagsabog. Malayo sa kabihasnan ang bahay na 'yon kaya walang may nadamay na ibang bahay.

"You're indeed a mother already." ani ni Sia nang nakangiti na sa kanya.

She smiled... very surprised with these beautiful gifts she received.

-End of Chapter 45-

Thank you for reading freaks!

TRANSLATIONS:

Mi Dispiace – I'm sorry.

Rosso Codice – Red Code

Sua Maestà – Her Majesty

Tutto mettere sottosupra – Everything's messed up.

Hugs and kisses...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com