Forty-Nine: INDEED ENIGMATIC
Chapter 49: INDEED ENIGMATIC
THE LAST CHAPTER
Enjoy reading!
3rd.
"Are you on your positions?" nakangising tanong ni Tamara sa mga kasamahan sa suot niyang mouthpiece.
[Yes Queen.] sunod-sunod na sagot ng lahat.
[Ah?] pumangibabaw ang boses ni Sia. [Why am I being surrounded with these black fvcking ladies?! Fvck! Pumayag na nga akong kotse na lang dadalhin ko at hindi motor pero daig ko pa ang presidente sa bantay?! Tamara! Fvck you!]
[Hoy! 'Wag mo ngang murahin si Queen! Leche kang babaita ka—] boses naman ni Carina pero naputol iyon.
[Sorry for that Miss Tamara.] paghihingi ng paumanhin ni Morisette na siyang magsisilbing mata nila ngayong gabi sa buong siyudad, nasa black house ito kasama si Demetrey at ang ibang IT experts ng KZ at Bermond.
"Is your team ready, Eye?" tanong ni Tamara dito.
[Yes, Miss Tamara... everybody is just waiting for your orders.]
"Good. Connect me again to everyone."
[You can now speak, Miss Tamara]
"Stay still people." aniya.
Kung tutuusin hindi na kailangan ng tulong ni Katarina... because Tamara knew that her sister is strong enough for a bloody battle, kayang-kaya nitong ubusin lahat ng kalaban nang mag-isa lang. Nakaya nga niyang ubusin ang isang buong angkan ng Yakuza, mga gangsters at hoodlums pa kaya?
But Tamara had known better. Napakatuso ni Flynn Flamenco lalo na ang Triad. She could feel something big than this is happening tonight.
Lalo na ngayon na hindi niya maasahan si Katarina dahil she's at trance of impulsiveness. Alam niyang nasa utak lang ngayon ng kapatid ay ang pumatay at maghiganti which a big no sa ganitong klaseng pakikipaglaban.
Tamara blasts her big bike in full speed and drifted it in a one way road, sinasalubong lahat ng paparating na mga sasakyan. It was easy for her to play along with other cars on the road because she's a road monster. Muli siyang lumiko pakanan, papasok na sa Brgy. San Joaquin kung nasaan ang Road of Death.
She maniacally drifted her bike again and took a sudden stop. Agad ring napapreno ang motor na nakasalubong niya. Bumaba si Tamara sa kanyang motor saka hinubad ang suot na helmet pero napangiwi siya nang malakas siyang sinipa ni Katarina mismo sa mukha. Hindi man natumba pero halos yumanig ang utak niya sipang 'yon.
Napaayos siya ng tayo saka kinunutan ng noo ang kapatid ngunit napaatras siya nang makita ang mukha nito. Kahit nakita niya na ito kanina sa Panorama View ay iba pa rin talaga sa personal. Nakakatakot ang mukha ni Katarina, mukhang hindi na nga siya nito kilala dahil natatabunan na ng sobrang galit ang mga mata nito.
Akmang sisipain siyang muli ni Katarina nang mahawakan niya ang binti nito nang mahigpit. Sinubukang hilahin ni Katarina pero hindi nito magawa dahil sa mahigpit niyang pagkakapit. Nagpumiglas ito pero mabilis na nakalapit sa harap nito si Tamara at malakas itong sinampal.
"Wake up!" mariing sigaw niya sa mismong mukha ng kapatid. Napansin niya agad ang panginginig ng kamao nito at pag-igting ng bagang.
"Do you think your anger will save him?! Akala mo ba makakatulong sa'yo 'to?!"
Humarap si Katarina sa kanya na may malamlam na mga mata. Bahagyang napanganga si Tamara dahil sobrang lungkot ng mga mata nito... ito ang mga matang nagdudusa at naghihinagpis. Nakakalunod ang sakit na pinapakita ng mga mata ni Katarina na kahit si Tamara ay hindi papangaraping maranasan.
"I-I want to finish this, Tamara. Ayaw ko nang papatagalin pa. Pagod na ako." mahinang saad nito na tila nahimasmasan na at na gawa nang makilala ang kapatid.
"Who doesn't want this to stop?! That's why I am here to help you, Katarina! I don't want you to fight in this alone! Kaya please lang, Ate... hayaan mong makipaglaban rin kami kasama ka. 'Wag mong sarilinin ang lahat ng 'to." may pagmamakaawang saad ni Tamara.
"This is my responsibility, Tamara."
"Damn that responsibility!" sigaw niya. "I am your sister and it is my responsibility to help you and to protect you! Hayaan mo namang protektahan ka rin ng iba! Hindi 'yong hahakupin mo ang lahat! You need others too, Katarina! Please, learn to rely and depend on others!" nakukunsuming tumalikod si Tamara saka naglakad na tungo sa kanyang motor.
"I'm sorry." mahinang saad ni Katarina kaya napahinto si Tamara.
"No Katarina. Maybe you've done mistakes but it was never your fault. You did things according to what you believe is right, so be it. Don't blame yourself but lift up and you've got a lover boy to save. You don't want to lose him too, right?"
Naalala ni Katarina si Zync... ang kauna-unahang lalaking pinahalagahan niya ng husto. Mission man si Zync pero naging mission ito ng puso niya. May mga time na napapagod siya sa mga problemang kinahaharap ngunit sa tuwing papasok siya sa kanyang kwarto ay napapangiti na lang siya dahil si Zync ang naging mood lifter niya, ito ang nagsisilbing stress reliever ni Katarina.
Marami na silang pinagdaanan sa maikling panahon at may mga bagay rin siyang ipinagkait kay Zync. Magalit man siya minsan sa lalaki ay hindi kaya ng puso niyang hayaan ito at pabayaan. May mga oras na akala niya ay tuluyan na siyang iiwan nito pero nanatili ito sa tabi niya.
Hindi niya man minsan maintindihan ang mga pinaggagawa at pinag-iisip nito ay alam ng puso niya kung ano ang nararamdaman niya kay Zync.
"Pero pakiusap lang, Ate... isipin mo ang kundisyon mo. Mag-ingat ka sa bawat galaw mo. You don't want to lose them both, right?" napatingin siya kay Tamara na ngayon ay nakaharap na sa kanya.
Napakagat labi siya dahil muntik niya nang makalimutan ang isang napakahalagang katotohan na ipinagkait niya kay Zync.
"Hayaan mong ako ang kumilos para sa'yo." dagdag pa ni Tamara.
Hindi na siya nakapagsalita pang muli at tumango na lang.
"We need to move, Princess." anito na may kakaibang ngiti sa mga labi.
"Plan?" tanong niya.
Ngumisi lang si Tamara, napatitig si Katarina sa ngising iyon at agad niyang nakuha ang ibig nitong sabihin.
Habang namamanghang napatitig si Tamara sa kanyang mga matang nagniningning na kulay asul na para bang malalim na dagat na kung saan hindi alam ng kung sinuman kung anong klaseng halimaw ang naninirahan sa kailaliman ng karagatang puno ng misteryo. Umiba na rin ang klase ng liyab no'n na tila umaayon sa nararamdaman ng nagmamay-ari.
The beautiful blue stunning stars turned to be blazing comets for Zync and for everybody.
Nawala na ang lungkot at napalitan ng determinasyon... determinasyon ng kamatayan.
****
"Cuenca with your team go directly to the North side of San Joaquin." utos ni Tamara. "Topp with your team go to the east and standby. Carina to the west side."
[Copy.]
"Al, where are you?"
[I'm on the location already, Miss Tamara.]
"Nagawa mo na ba?"
[Yes, handa na po kami.]
"Xylah."
[My reapers and snipers are ready, Queen.]
"Nicolai."
[Waiting for your orders, Queen.]
Nilingon ni Tamara si Katarina na naglalakad na papunta sa kanyang motor.
"Demetry and Morisette... keep an eye."
[Yes Queen/Yes Miss Tamara.]
"Now everyone move." muling utos ni Tamara sa lahat pero...
[What the fvck?! Paano ako?! Gagawin niyo lang ba akong tau-tauhan dito ha?!]
Natigilan si Tamara at napailing.
"Sia stay at our back."
[Ugh! Fvck you very hard Tamara!]
**
Nilingon ni Katarina si Tamara na nakatingin rin sa kanya. Tumango siya rito bago niya pinaharurot ang motor papunta sa direksyon ng ROD. Narinig niya ang pagbusina ng mga sasakyang nakasunod sa kanya kaya gumanti rin siya sa mga ito. Pinabilisan niya ang pagpapatakbo upang lagyan ng distansya ang pagitan nilang dalawa ni Tamara.
Pagkalipas ng ilang minuto ay narating nila ang bungad ng San Joaquin kung nasaan ang ROD, narinig na niya ang ingay na nanggagaling sa pinakadulo ng lugar. Naging mas mahigpit ang pagkakahawak niya sa clutches ng motor at inactivate ang mute button nito. Walang ingay niyang binabagtas ang daang tungo sa ROD.
Nakita niya ang ibang kasama na nakapwesto na sa iba't-ibang bahagi sa paligid ng ROD.
Itinaas niya ang kaliwang kamay at sumenyas.
Pagkakita ni Tamara ng sinenyas ni Katarina ay mas binilisan nito ang pagpatakbo upang maka-overtake sa kanya. Biglang naglaho ang ingay na nanggagaling sa ROD at napangisi si Katarina dahil do'n.
**
Pinaingay ni Tamara ang tunog ng motor na dala at huminto ilang metro ang layo sa bungad ng ROD.
Nakita ni Tamara si Katarina na naglalakad na lang papalapit sa mismong lugar. Bahagyang lumingon ito sa kanya saka ngumisi at iyon ang naging hudyat ni Tamara para gagawin ang dapat gawin.
Tamara again started the engine. Pinaikot niya ng dalawang beses ang motor sa lugar nang naka-activate ang mute mode nito. Tapos pinindot niya ang red button sa motor... it was a self-destruction button.
She deactivated the mute button and a disturbing sound of an engine echoed the whole place.
"20 seconds." mahinang sambit niya.
May dalawampung segundo na lang ang natitira bago ito sumabog kaya pinosisyon niya ang motor saka mabilis na pinatakbo ito tungo sa mga sasakyang nakahilera.
"15."
Pinalipad ni Tamara ang motor sa ere. Tinantya niya ang distansya at ang taas nang magiging lipad ng motor.
"10."
Nang magawa ang nais mabilis na tumalon si Tamara papunta sa damuhan. Napapikit siya nang mapagtantong hindi magiging maganda ang pagbagsak niya.
Ngunit naramdaman na lang ni Tamara ang lambot sa pagkabagsak kaya agad siyang napamulat. Napuno ng pagtataka ang mukha niya nang mapag-alamang bumagsak siya sa isang airbed.
"Oh ano, ayos ba Queen?" nakangising pagmamalaki ni Bryle na halatang nagpapalakas sa kanilang leader.
"What are you doing here?" may halong galit na tanong ni Tamara sa lalaki, nagtatakang bakit nandito ang makulit na gangster at wala sa posisyon dapat nito.
"Napadaan lang, Queen. Sige sige." pagrarason nito saka nagpakamot-kamot ng ulo habang bitbit ang airbed na iniwan si Tamara.
**
Samantala, nanginginig sa galit si Katarina habang nakatanaw sa nangayayari sa loob ng ROD. Nasasaktan siyang makitang nasa ganitong sitwasyon si Zync.
Inalis niya na ang tingin kay Zync at hinintay ang sunod na mangyayari.
"Let the show begin." mapanganib na saad ni Lara Steeve na ikinatawa niya nang mahina.
"Fool." bulong niya.
Napangisi siya nang makita ang takot at kaba sa mga hoodlums habang nakatingala sa bagay na nahuhulog.
"5, 4, 3, 2, Die." mahinang sambit niya kasabay noon ang pagsabog ng motor sa dagat ng mga hoodlums.
Higit singkwenta rin ang nahagip ng pagsabog na iyon.
Itinabingi niya ang ulo nang inilantad ni Tamara ang sarili sa entrance ng ROD at walang habas na pinagpuputol ang mga parte ng katawan ng mga nadadaanang tao gamit ang dalang katana. Natutuwa siyang makita ang pagkabigla ng mga taong nasa stage na tila hindi ng mga 'to inasahan ang nangyayari.
Napakunot ang noo niya nang makita ang taong may hawak na high-powered guns. Pero kalauna'y natawa siya nang mahina dahil sa napansin. Napailing siya dahil walang kamalay-malay ang kalaban sa nangyayari.
Tumigil si Tamara sa ginagawa at inangat ang ulo. Natuwa ito nang makita ang gulat na mga reaksyon ng mga kalaban. Nilingon nito si Katarina sa gilid ng stage.
Mabilis na kumilos si Katarina at dumaan pa talaga siya sa stage. Hinablot niya si Joshua Recto at kinaladkad ito. Ang bawat taong nadadaanan niya ay natutumba dahil mabilis ang mga kamay at paang ginagawaran ito ng mga atake.
A critical hit that could damage a person's any parts of the body and system.
Narating niya ang gitna at tumabi kay Tamara. Nakatunghay lang siya kay Joshua na namumutla na nang makilala siya. Narinig niya pa ang pagsinghap ng ilan. Nag-angat siya ng tingin at agad nagtama ang kanilang mga mata ni Zync...
Tinitigan niya ang mukha ni Zync na walang reaksyon ngunit ang mga mata nito ay sumisigaw ng sari-saring emosyon.
Itinaas niya ang isang kamay saka nakangising nilibot ang tingin...
"Let the real show begin." aniya na rinig sa buong ROD dahil sa kagagawan ni Morisette. Pinitik niya ang mga daliri at nagsimula ang tunay na laban.
"Fire! Shoot now!" sigaw ni Joshua sa pinakalider ng kanyang mga underlings na may hawak na high-powered guns.
Pero nang lumingon ito nagulat siya sa nakita...
"Fvck this!" malutong na mura ni Sia habang kinakalikot ang high powered gun na hawak-hawak. "Die fvckers! Die and rot in hell!" pinaulanan nito ng mga bala ang ibang hoodlums malapit kay Joshua.
Nanginginig sa takot na umatras palayo habang nakasalampak pa rin sa semento si Joshua.
"E-everything's twisted." wala sa sariling anito.
**
Natulala si Zync nang makita ang mukha ni Katarina. Titig na titig ang mga matang may nag-uumapaw na emosyon sa babaeng pinapanalangin niyang h'wag sana masaktan sa mangyayari ngayong gabi. Nagtagpo ang kanilang mga mata at nanindig ang balahibo ng lalaki dahil do'n.
Tumulo ang isang butil ng luha sa kanang mata nang marinig niya ang boses ni Katarina na kahindik-hindik sa buong lugar. Ramdam na ramdam niya ang galit nito ngayon. Natatakot siya sa pwedeng mangyari.
Nagsimulang magkagulo ang paligid at ang tuwang nararamdaman ng hoodlums at gangs na sakop ng Flamenco ay nasapawan ng kilabot at takot sa nangyayari ngayon.
Muling nagtama ang kanilang mga mata. Bumuka ang mga labi ni Katarina na tila may gustong sabihin, napatitig doon si Zync...
'I'm sorry.' she mouthed at hindi iyon nagustuhan ni Zync. Napailing siya. Gustong-gusto niya nang tanggalin ang busal sa bibig pero hindi niya magawa.
'No please... Katarina.' pagmamakaawa niya sa kanyang isipan.
Ngumiti nang matamis si Katarina sa kanya bago ito tumalikod at nakipaglaban. Tumulo ang luha sa mga mata ni Zync dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Bakit pakiramdam niya hindi niya na muling makikita pa ang ngiting 'yon?
Bakit sinisigaw ng puso niya na dapat niyang pigilan si Katarina sa kung ano mang gagawin?
Bakit gusto niyang hawakan ang babae at huwag hayaang mawala sa kanyang paningin?
'Katarina!' sigaw niya sa kanyang isipan at patuloy pa rin sa pagluha.
**
Tatakbo na sana palayo si Joshua dahil nakikinita na nito ang kahihitnatnan ng lahat ngayong gabi nang may bumunggo dito kaya napasalampak ito sa semento.
Nakita niya ang isang taong nakasuot lahat ng itim at nakahelmet saka may hawak na high powered gun na nakilala niyang pagmamay-ari nila, dahil sa logo ng Triad na nasa katawan ng baril.
Hinubad nito ang helmet saka binato sa mismong mukha ni Joshua.
"Surprise!" hiyaw nito saka pinaputok ang baril tungo kay Joshua ngunit laking gulat ng lalaki nang matumba ang tatlong hoodlums sa gilid nito.
"X-xylah." sambit ni Joshua sa pangalan ng babae.
"Missed me, darling?" pang-aasar ni Xylah sa lalaki, napalunok naman ito ng laway dahil nakikita ni Joshua ang galit sa mga mata nito.
"X-xy..."
"Akala mo makakatakas ka sa'kin? Akala mo papalagpasin ko lahat ng ginawa mo sa'kin no'n?! Hoy gago! Para malaman mo, ngayong gabi ang kamatayan mo!" sabay hampas nang malakas kay Joshua gamit ang katawan ng hawak na sandata.
"Magtutuos tayo ngayong gago ka!" hindi na hinayaan ni Xylah na makatayo pa si Joshua.
Samantala, yamot na yamot si Sia sa mga reapers na pinapaligiran siya dahil hindi siya makalagaw ng husto.
"Ano ba?! Hayaan niyo nga ako dito! Mga bwisit 'to!" pero hindi siya pinansin ng labin-limang babae na pare-pareho ang suot. Puro itim. "Isa! Hindi na talaga kayo makakapaglipstick ng itim kinabukasan!" banta niya pero hindi pa rin siya pinansin.
Aatakehin niya na sana ang mga babaeng nagbabantay sa kanya nang mahagip ng mga mata niya si Katarina na dadaan sa kanilang harapan.
"Hoy! Babaeng Graeae!"
Napalingon si Katarina sa kanya at salubong ang kilay nang makita siya. Tila hindi nito nagustuhan ang kanyang presensya.
"You know how much fvcking important you are to me, right! I hate seeing you miserable. I'd witnessed how you broke many times and fvck you b*tch for making me fvcking miserable too. You're always contagious and I never fvcking like it. I'm hurting seeing you fvcking cry and in pain so please stop fvcking hurting me, Katarina!" nanggagalaiting sigaw ni Sia na puno ng emosyon pero tumango lang ng isang beses ang babae saka nagpatuloy sa paglalakad.
"Ugh! Fvck you! Fvck you!" pahabol niyang sigaw kay Katarina.
"Stop the fuss, babe." napatingin siya kay Al nang lumapit ito sa kanya.
"Fvck you!"
**
Halos nangalahati na lang ang mga hoodlums dahil pinalibutan sila ng mga tauhan ng KZ at Bermond at wala na silang madaanang exit na walang bantay.
"Sh*t! Sh*t! This is not happening to us!" natatarantang paulit-ulit na sambit ni Lara habang pinapalibutan sila ng mga tauhan sa may stage upang protektahan.
Kasama nito sina Cynthia, Jessy, Henna.
"This is our end." walang magawang wika ni Cynthia habang pinapanood ang unti-unting pagkaubos ng grupo nila.
"No! This is not yet our end!" galit na untag ni Henna saka kinuha ang cellphone at denial ang numero ni Allaine.
"Answer the phone!" inis na inis na sambit nito nang hindi sinasagot ng kaibigan ang tawag.
Napakagat ito ng labi nang matanaw ang isang babaeng may nakakalokong ngisi na papalapit sa kanila. May dala itong machine gun, katabi nito sa magkabilang gilid ang dalawang lalaki na seryoso ang mukha habang pinapalibutan ang tatlo ng mga babaeng nakaitim na may mga dala ring armas.
"No way!" hiyaw ni Lara nang makilala ang isang lalaki. "Bryle! Help me!" sigaw ni Lara sa nobyo pero tumawa nang malakas ang babaeng katabi ni Bryle. "I don't wanna die! They just dragged me into this! I don't want this!" dagdag pa nito.
"Shut up, b*tch!" saway ni Henna kay Lara.
Napangisi si Henna nang sa wakas ay sinagot na ni Laine ang tawag. "Laine! We need help here!" ilang ulit sumigaw si Henna sa kausap ngunit walang may nagsasalita pero maingay sa kabilang linya.
**
"Thank you Eye. Now, connect my line." ani Sia sa transmitter kay Morisette.
[Done.]
Samantala, nakarinig si Henna ng tawa sa kabilang linya. "Thank you for calling Jollibee delivery!" sagot ng taong nasa sa kabilang linya pero parang narinig ni Henna ang boses na iyon sa malapit kaya napatingin si Henna kina Sia na naglalakad na papalapit sa stage.
"What is your order, Madame?" nakakalokong tanong ni Sia kay Henna na rinig niya rin sa hawak na cellphone.
"B*tch!" sabay bato ng cellphone kay Sia pero ginawa lang nitong baseball bat ang baril nang hinampas pabalik ang cellphone at nasapol sa mukha si Cynthia.
"Ouch!"
"Damn lowly fvcker! That's how you hit some fvck!"
Pasimpleng umeskapo si Jessy sa may stage at naging matagumpay ito. Tumakbo ito papunta kay Zync na nakagapos pa rin sa may elevated part ng stage. Umiiyak pa rin ang lalaki na nakatitig lang sa kawalan.
Naisip ni Jessy na si Zync ang magiging daan nito para mabuhay. Gusto nitong gawing hostage si Zync para makatakas.
Ngunit naramdaman na lang ni Jessy ang pagsalpok ng likod sa isang poste. Nagpagulong-gulong ito sa malamig na semento at agad ring tumayo upang harapin ang kung sino mang mapangahas na sumipa.
Napaatras ito ng isang hakbang nang makita ang mukha niya. Diretsong nakatingin sa mga mata ni Jessy ang mga nag-aapoy na mga mata ni Katarina.
Pilit na nilabanan ni Jessy ang kaba upang atakehin siya. Sumigaw muna ito saka mabilis na tumakbo tungo sa kanya at bibigyan na sana siya ng pwersadong suntok ngunit itinaas lang ni Katarina ang kanang kamay at sinalubong si Jessy.
Hinuli niya ang leeg nito. Binaon niya ang mga daliri sa leeg ng babae at inangat ang katawan nito sa ere. Nagpumiglas ang babae at halos lumuwa na ang mga mata nito sa higpit ng pagkakasakal niya.
"S-spare m-me." nahihirapang pagmamakaawa nito sa kanya ngunit walang buhay ang mga matang nakatitig lamang siya sa babae. "P-Please." muling saad nito pero patuloy pa rin siya sa pagsakal dito.
"D-demon." wika ni Jessy. "Hinding-hindi ka magiging masaya kailanman." tumulo ang luha ni Jessy at tinanggap na lang nito ang katapusan ng buhay ngunit bigla niya itong binitawan.
"Why?" mahinang tanong ni Katarina.
Umuubo na si Jessy dahil sa kakapusan ng hangin. Habol-habol ang hininga nito nang tinapunan siya ng tingin.
"Why can't I be happy?" tanong niyang muli kay Jessy.
"Y-you don't deserve because you are a demon, Katarina! You killed many. Bagay sa'yo ang magdusa para sa kabayaran ng pagiging halimaw mo!" matapang na bulyaw ni Jessy at saka ito tumayo.
Tinaas ni Katarina ang dalawang kamay saka ito tinitigan hanggang sa kumuwala ang kanyang malutong na tawa na narinig sa buong ROD kaya natigilan ang lahat sa pakikipaglaban at napalingon sa kanilang gawi.
Napahawak pa siya sa kanyang sikmura dahil sobrang natatawa siya sa hindi malamang dahilan. "You're funny." aniya kay Jessy na nakatanga sa kanya, "That was a great joke. Could you give more?"
Nanggagalaiting nakatitig naman ang isang lalaking miyembro ng gang ni Henna na boyfriend ni Jessy... walang pagdadalawang isip itong tumakbo tungo kay Katarina saka inundayan ang babae gamit ang isang mahabang espada.
Pero laking gulat na lang nila nang bumulagta ang lalaki sa harap ni Katarina. Hawak-hawak niya ang leeg nito habang ang isang kamay ay hawak ang dibdib ng lalaki.
"How could you disturb me? Don't you see I'm laughing because of her joke? Can't you feel that I am happy? Alam mo bang nakakainsulto 'tong ginawa mo?" sunod-sunod na tanong ni Katarina na may ngisi sa mga labi. "Kaya humanda ka sa magiging parusa mo. Sarap o hirap?"
Ngunit hindi na nakapagsalita pa ang lalaki nang diniin ni Katarina ang mga daliri ng kamay niyang nasa dibdib nito at buong pwersang kinalabit ang mga ugat na nahuli ng mga daliri. Ilang beses niya itong inulit-ulit at tinigil lang nang makuntento na.
Nanginig ang buong katawan ng lalaki na ngayon ay nakanganga na lang at nandidilat ang mga mata. Pinwesto ni Katarina ang mga daliri sa leeg nito at hinawakan ang dapat na hawakan saka biglang hinila at narinig pa ni Jessy ang pagtunog ng buto sa leeg ng nobyo.
Nanginginig na nakatingin si Jessy sa nobyong walang buhay pagkatapos sumuka ng dugo na may kasama pang laman-laman.
"Y-you killed him." natulalang saad nito. "Nooooo! Marcooo! You demon you killed my boyfriend!"
"Mmm'. You're right! I'm a demon!" tila tuwang-tuwang saad ni Katarina nang tumayo na ito pagkatapos patayin ang lalaki.
Susugurin na sana siya ni Jessy nang biglang may humarang sa babae.
"Ooops. Not so fast, weakling." pigil ni Carina sa Jessy saka ito kinaladkad at binugbog ng walang pakundangan.
Tumalikod si Katarina at nagtama ang mga mata nila ni Zync. Nakagapos pa rin ito pero wala na ang busal sa bibig. Punong-puno ng takot ang mga mata nakatingin sa kanya na tila nakakita ito ng isang mabangis na halimaw.
Ito ang ayaw mangyari ni Zync simula nang makilala niya si Katarina. Ayaw niyang tuluyang maging halimaw ang babae. Ayaw niyang mas marami pa itong mapapatay. Ayaw niyang baka mapahamak si Katarina sa mga ginagawa nito.
"T-tama na." umiiyak na sambit ni Zync kay Katarina. "Please, umalis na tayo dito. Tama na, Katarina." pagmamakaawa niya sa babae.
Sobrang sakit ang nararamdaman niya dahil sa panloloko ng mga taong pinagkatiwalaan ngunit mas masakit sa kanyang nakikita ang isang taong napakamahalaga sa kanya ay unti-unting winawasak ang sarili nito. Nasasaktan siyang nakikita itong walang takot na pumatay ng tao.
"Katarina." tawag niya sa pangalan ng babae na nanatiling nakatingin sa kanya gamit ang walang buhay ngunit nagliliyab na mga mata.
Kumuwala ang tunog ng iyak ni Zync nang tinalikuran siya ni Katarina at naglakad palayo sa kanya.
"K-katarina!" sigaw niya dito. "B-bumalik ka dito!"
'Sh*t! Ni hindi man lang ako kinalagan.' reklamo niya sa kanyang isipan habang umiiyak na pinanood niya si Katarina na naglalakad tungo sa mga kumpol ng hoodlums na may mga dalang armas.
Naramdaman ni Zync na lumuwag ang tali sa kanyang katawan kaya napalingon siya sa taong pumutol sa tali. It was Tamara.
"Tss. Stop it. Mukha kang abnoy." nakangiwing saad nito. "O eto. Magpakatanga ka." Sabay abot ng dalawang baril saka siya tinalikuran. Napairap si Zync saka tinago ang isang baril sa likod at hinawakan nang mabuti ang isa. Kinasa niya ito...
Tumigas ang mukha ni Zync at nilingong muli ang direksyon ng pinuntuhan ni Katarina. Nakikipaglaban ito ng mano-mano sa mga armadong kalalakihan. Walang takot siyang naglakad patungo doon. Malapit na sana siya sa lugar na iyon nang hinarang siya ni Henna.
"Hey moron." puno ng sugat at pasa si Henna, halatang bugbog sarado ito sa kung sino man ang may gawa. Napangiwi si Zync sa hilatsa ni Henna. Gulanit na din ang suot at gulo-gulo ang buhok, mukhang babae ang nakalaban nito... brutal na babae. May hawak pa itong mahabang kutsilyo.
"Hindi pa ba kayo susuko?" matapang na tanong niya sa babae.
Tumawa ito nang malakas. "Kami susuko?" tanong nito na nakaturo sa sarili. Hindi ito makapaniwala sa tanong niya. "Ako ang leader ng Strike Gang! Tapos susuko?! Nagpapatawa ka ba?" nanlilisik ang mga matang tinutok nito ang kutsilyo kay Zync.
"Can't you still see what's happening around you?!" tinuro ni Zync ang paligid na unti-unti nang nauubos ang mga tauhan ng kalaban. "You're losing this war, Henna! Sumuko na kayo! Gusto mo na bang mamatay ha?!"
"I don't care if I will die today! Wala akong pakialam kung maubos man kami dito! Basta hinding-hindi ako susuko! Magkamatayan man!"
"Henna you're my friend... ayokong may mamatay man kahit sino sa atin. Please, itigil mo na 'to. Tingnan mo sila..." tinuro ni Znyc ang Cuenca Triplets, Topp Gang at ang ibang mga gangs na kinupkop ni Katarina. "Kinaya nilang ibaba ang pride nila at humingi ng tulong kay Katari—"
"Shut up, stupid! Hinding-hindi mangyayari na luluhod ako sa babaeng 'yon! She's the reason behind this war! Wala kang alam, Zync! Hindi mo alam kung ano ang tunay na nangyayari ngayon!" nanggalaiting sigaw ni Henna saka lumapit sa kanya. Kaya kahit ayaw niya ay tinutok niya dito ang hawak na baril. Napahinto si Henna at tumawa nang malakas.
"D-don't push me to hurt you, Henna." nanginginig na banta niya.
"You were just an instrument, Zync..." sambit nito sa gitna nang pagtawa. "Isa ka lang walang kwentang bagay na ginagamit para sa mas may kwentang bagay. Naiintindihan mo ba?!"
"What do you mean?" kunot ang noong tanong niya dito.
"Marami kang hindi alam Zync... hindi mo alam ang tunay na dahilan kung bakit ka nadamay sa kaguluhang ito. Pare-pareho lang tayong lahat dito na ginagamit! Kagaya mo, kaming lahat ay instrumento lang din."
"Alam ko, Henna!" napasigaw na rin si Zync.
"Alam mo?! Anong alam mo?! Na hinahabol ka ng organisasyon dahil sa yaman ng pamilya mo?! Na ginawa ka nilang susi sa immunity para sa mga gangs na sakop nila upang makuha rin nila ang mga yaman namin?! 'Yan ba ang alam mo Zync?! Hindi ka ba nagtataka kung bakit biglang sumulpot si Katarina dito?!"
"I am aware that I am her mission, Henna! Alam kong pinadala si Katarina dito ng Empyreal. Kilala ko na kung ano at sino siya, Henna. Kaya 'wag ka nang maghanap pa ng ibang rason para lang hindi ka tumigil sa kalokohang 'to!" huminga nang malalim si Zync. "Look, she's willing to help all of you. Kaya niya kayong kunin sa anino ng organisasyon na 'yan, so, please... tama na. Sumuko ka na."
Tumawa ulit nang malakas si Henna na tila nababaliw sa narinig. "Oo nga at alam mo na kung ano at sino siya pero gaya ng sabi ko marami kang walang alam dahil isa rin siya sa mga instrumento dito Zync! Hindi niyo pa nakikilala ang tunay na kalaban, Zync! Na kahit si Katarina ay hindi niya pa nakaharap! Kaya wala rin siyang magagawa para mailigtas kami Zync o kahit ikaw! Kahit ang sarili niya dahil kung demonyo siya mas demonyo ang mga taong ito Zync!"
Hindi nakapagsalita si Zync at nanatiling nakatitig lang kay Henna.
"Alam mo naman siguro diba na hindi na maganda ang sitwasyon ngayon ng kaharian nila? Kilala ang bansa nila bilang isa sa mga pinamakapangyarihan at pinakamalakas na teritoryo sa mundo, Zync pero ano? Wala silang nagawa at nasakop pa rin sila ng Triad! Sa tingin mo may magagawa si Katarina dito? Kakayanin niya kayang labanan ang organisasyon gayong hindi niya kilala ang sarili—" napahinto si Henna sa pagsasalita nang bigla siyang sinakal ni Katarina.
"You're too noisy." galit na wika ni Katarina.
"H-hindi mo sila mapipigilan, K-katarina." nahihirapang saad ni Henna sa pagitan ng mahirap na paghinga.
Hinigpitan ni Katarina ang pagkakasakal niya kay Henna at buong pwersang tinapon ito sa mga motor na nakaparada.
"K-katarina." tawag-pansin ni Zync sa kanya.
Nilingon niya ito, akmang tatawirin ng lalaki ang kanilang distansya nang pasalubong na tumakbo dito si Katarina ngunit napahinto na lang si Zync nang tumilapon si Joshua na dapat sasaksakin ang lalaki.
Nilapitan ni Katarina si Joshua at walang habas na ginawaran ito nang malalakas na sunod-sunod na suntok. Ni hindi man lang magawa ni Joshua na gumanti. Sinabunutan niya si Joshua at pilit pinatayo.
"Anong alam mo sa plano ng Triad?" mariing tanong ni Katarina sa lalaki. Tumawa ito kahit sumusuka na ng dugo saka umiling, pinapahiwatig na hindi ito magsasalita.
Tinulak niya si Joshua at bumwelo upang gawaran ng straight kick ang dibdib nito. Malakas na dumaing si Joshua at biglang bumulagta sa semento.
"Sabihin mo!" singhal ni Katarina. Muli niyang kinwelyuhan ang lalaki at nilapit ang mukha niya dito.
"Y-you're a l-lie." nanghihinang saad nito. Natigilan si Katarina saka mas hinigpitan ang kapit sa damit nito. "T-they're not starting yet, Princess. P-patikim pa lang ito para sa'yo."
Malakas na sinapak ni Katarina sa mukha si Joshua kaya muli itong bumulagta. Tumayo siya saka kinuha ang kanyang silver handgun sa tagiliran. Kinasa niya ang baril at tinutok sa lalaki. Kakalabitin niya na sana ang gatilyo nang maramdaman niya ang mga brasong pumulupot sa kanyang katawan at niyakap siya mula sa likod.
"T-tama na." bulong ni Zync sa kanyang tainga at mahigpit siyang niyakap. Binaba nito ang kanyang kamay na may hawak na baril. "Sssh. Stop this."
Napadausdos bahagya ang braso ni Zync sa may bandang taas ng puson ni Katarina at nagulat nang maramdamang may nakaumbok ang tiyan niya.
"K-katarina may bilbil ka?" 'di makapaniwalang tanong ni Zync dahil sa pagkakaalala nito flat na flat ang tiyan niya.
Malakas na siniko ni Katarina si Zync sa sikmura kaya napabitaw ito. Hinarap niya ang lalaki at pinanlisikan ng mata pero pinasadahan siya ng tingin dito mula taas-pababa.
Nakasuot si Katarina ng itim na V-neck shirt na pinaresan rin ng itim na leggings. Kunot-noong napako ang mata ni Zync sa may bandang tiyan ni Katarina dahil bahagyang nakikita ang umbok do'n.
Hindi talaga si Zync makapaniwala na magkakabilbil si Katarina. Kunsabagay naging matakaw si Katarina no'ng nakaraan. Hindi niya masisi ang babae dahil sa mga problemang kinahaharap nito kaya pagkain ang naging stress reliever.
Pero nanlaki ang mga mata ni Zync nang pinulot ni Katarina ang kustilyong duguan sa mga paanan nito saka mariing hinawakan. Napasigaw dahil sa gulat at takot ang lalaki nang binato ni Katarina tungo sa kanyang direksyon.
'Shit! Ito 'yong sinasabi ni Dad no'n e! Na h'wag na h'wag sabihin sa babaeng tumaba siya! Nagiging halimaw daw!' bulalas niya sa kanyang isipan.
Napapikit siya pero imbis na makaramadam ng bumaon na bagay sa kanya, biglang may dumagan sa likod niya kaya natumba siya padapa sa semento.
"A-aray!" napamulat si Zync saka humarap sa kanan at gano'n na lang ang gulat niya nang bumulaga sa kanya ang mukha ng isang malaking lalaki na nakadilat ang mga mata at may kutsilyong nakabaon sa noo.
At ito ngayon ang nakadagan sa likod niya. Nahirapan si Zync na tulungan ang sariling makawala sa pagkakadagan ng malaking lalaki kaya inangat niya ang ulo at nakita si Katarina na nakatunghay sa kanya na walang emosyon ang mukha.
"Ito ba? Ito ba ang gusto mo?! Ano ba Katarina! Tama na! Tingnan mo 'o! Wala na silang laban sa inyo, sa iyo! Bakit ba ang dali-dali sa'yong pumatay Katarina?! Oo, masasama silang tao pero please tama na! May mga dahilan rin sila kung bakit nila nagawa ang lahat ng 'to! May iba d'yan na baka napilitan lang o 'di kaya ay hindi alam ang kanilang ginagawa! Tama na!" umiiyak na saad ni Zync na nakatingala kay Katarina at iniinda ang bigat ng lalaki sa kanyang likod.
"Maawa ka naman sa sarili mo, C! Hindi ko kayang makita kang tuluyan maging halimaw! Mabubuhay ka naman diba nang hindi pumapatay? Please Katarina. Ipanalo mo ang laban na 'to nang walang magbubuwis ng buhay. Baka ikaw pa ang mawala sa'kin. Ayokong mangyari 'yon Katarina. Mahal na mahal kita. Kaya please lang, alisin mo ang lalaking 'to sa likod ko! Aba! Namimihasa ka na, ikaw ang may gawa tapos ako ang magbubuhat?! Hindi na ako makahinga nang maayos." dagdag pa ni Zync na nakangiwi dahil doble ata ang laki ng lalaking nakadagan sa kanya.
Nagsalubong ang kilay ni Katarina. Umupo ito sa harap niya saka hinawakan ang kanyang baba. Nilapit ni Katarina ang mukha sa lalaki.
"Aba! Kalalaki mong tao tapos hindi mo matulungan ang sarili mo? Bahala ka sa buhay mo!" singhal ng babae.
Nanlalaki ang mga mata ni Zync at 'di makapaniwalang tinitigan si Katarina. Mas lalong tumulo ang kanyang luha dahil ayaw siya nitong tulungan pero nagulat na lang siya nang hinalikan siya nang mariin ni Katarina sa mga labi.
'Shet. Ang romantic niya. Pramis.' sarkastikong aniya sa isipan.
Humiwalay ang labi ni Katarina sa kanya saka ito ngumiti nang mapang-asar.
"You're safer there, O. Kaya diyan ka muna... mahal ko." Agad naman nagtigidig ang puso ni Zync dahil sa sinabi ni Katarina pero agad ring napawi 'yon nang tinalikuran siya nito at naglakad palayo.
"H-hoy! Napakasama mo talaga sa'king babae ka! Alisin mo 'ko dito!" pahabol niyang sigaw at sobrang napangiwi dahil feeling niya mapipisat na siya.
"O?" maya-maya pang rinig niyang may nagsalita sa gilid niya. "Buhay ka pa?! Hahaha! Fvck!" tumawa nang malakas si Sia habang nakatingin sa kanyang sitwasyon. Tinuro-turo pa siya nito na tila bang tuwang-tuwa ito sa kanyang masalimoot na sitwasyon.
"U-uy. Alisin mo nga ang lalaking 'to sa likod ko." utos ni Zync sa babae pero tumigil ito sa pagtawa, tinitigan siya saglit saka tumalikod at iniwan siya.
"Pakyuuu ka Ayseyaaah!"
*****
Natapos ang kaguluhan, wala nang lumaban sa kanila. May mga hoodlums na piniling sumuko kaysa sa lumaban at mamatay. Habang sina Henna naman ay bugbog sarado at hindi na rin kayang lumaban kaya hawak na sila ngayon nina Sia.
Pero nagulat na lang sila nang biglang sumulpot sa harap nilang lahat si Katarina na kanina pa nila hindi nakikita... humihingal ito na tila nakikipaghabulan.
Tumayo si Katarina nang maayos saka diretso ang tingin sa direksyong pinanggalingan niya.
"Get out." seryosong wika niya na narinig nang lahat. Nagtaka naman sila ngunit hindi na sila nakapagsalita nang biglang may na nakaputing ninja suit na sumulpot sa harap ni Katarina.
May bitbit itong dalawang samurai.
"Are you here to fight? Or you've got a message to tell?" tanong ni Katarina sa ninja pero bigla siya nitong sinugod...
Samantala, tatakbo na sana si Zync at Sia tungo kay Katarina nang pigilan sila ni Tamara.
"Stay still. Let her do her thing."
Umangal ang dalawa pero wala silang magawa dahil sobrang talim ng tingin ni Tamara sa kanila.
**
Iwinasiwas ng ninja ang hawak nitong samurai kay Katarina, she immediately bended her body backwards to avoid the attack. Patuloy ang pag-ilag niya sa matalim na samurai ng ninja. Hanggang sa napaatras siya sa isang poste. Itinaas niya ang dalawang kamay saka mahigpit na kumapit doon.
Inangat niya ang sariling katawan upang maiwasan ang atakeng pwedeng humati sa katawan niya. Hinuli ng kanyang paa ang isang samurai ng ninja at mabilis na sinipa iyon paitaas. Nang hindi pa nakakahulma ang nijna ay ginawaran niya na ito ng mabilis na sipa sa panga kaya napaatras ito ng ilang hakbang.
Bumitaw si Katarina sa pagkakapit sa poste at mabilis na umikot upang sumipa. Tinamaan niya ang samurai at mabilis na tumungo iyon sa direksyon ni Zync.
Halos mawalan ng hininga ang lalaki dahil sa paparating na bagay at pinikit na lamang nito ang mga mata upang hintayin ang masakit na pagbaon ng samurai sa katawan.
Hanggang sa nakarinig si Zync ng pagdaing sa likod. Napamulat ito at napalingon sa likuran. Nakita nito ang isang hoodlum na pugot na ang ulo at ang samurai na nasa malapit sa katawan nito. May hawak pa na balisong ang hoodlum na iyon.
"Muntik ka na do'n dude. Haha! Mabuti na lang mabilis si Katarina at naunahan niyang pugutan 'yan." natatawang saad ni Bryle.
Napanganga si Zync.
**
Binalik ni Katarina ang tingin sa ninja. Prente itong nakatayo sa 'di kalayuan sa kanya. Tumakbo ito tungo sa kanya at inangat ang isang paa upang sumipa. Lumuhod siya at inunat ang kaliwang paa, to block the other leg of the ninja. The ninja stumbled down but it immediately somersaulted to elude Katarina's counter attack. Gumulong ang ninja palayo sa kanya.
Katarina stood up and did not wait any second, she run towards the ninja and leap over the shoulders of the ninja who was still about to stand up.
She locked up both of her thighs in its neck and she pulled her body downwards, when her hands reached the ground she pulled her legs together with the ninja's head who can't escape because of her tight grip.
They both fell down on the ground with the ninja lying on its back. She moved her legs to lock her neck again when the ninja grab it. The ninja tried to twist her leg but she kicked its face so hard which caused the ninja's nose bleed.
The white cloth covering the ninja's face was now stained with blood.
Tumayo si Katarina gayun din ang ninja na sapo ang mukha. Marahas na hinubad ng ninja ang tabon sa mukha kaya nakita nilang lahat ang mukhang tinatago ng babae.
Napamura nang malakas si Sia nang makilala ang babaeng ninja, "Reccaza!" bulalas ng buntis.
"It's you." mahina ngunit seryosong saad ni Katarina nang makita niya ang mukha ng babae. Ngumiti nang nakakaloko si Recca kahit na dumudugo ang ilong nito.
"Yes, it's me Princess. It's nice to see you again in good shape." anito saka pinasadahan ng tingin ang kanyang kabuuan.
"Reccaza." banggit ni Katarina sa pangalan ng babae.
Reccaza Astronov. Wing assassin. Iseah's teammate. A Russian international. After the rescue mission for the Princess two years ago, the Empyreal declared her death after a month.
"Yes Princess? Is there something you need?" nakangising tanong nito sa kanya.
"You're one of them." saad niya na ikinatawa ng babae.
"Hmm. Maybe yes..." patango-tangong tugon nito. "Or maybe no. Who knows?"
"You're one of them." pag-uulit ni Katarina sa sinabi na tila siguradong-sigurado.
Sumeryoso ang mukha ni Reccaza. "I became one of them." sagot nito na diniinan ang bawat pagsambit ng salita.
Pasimpleng tinitingnan ni Katarina ang goma na interior ng isang gulong ng motor na nasa kanyang paanan. Habang hinugot ni Reccaza ang mga daggers nitong nakatago.
"Why?" tanong ni Katarina.
"Because everything is a lie!" sigaw nito saka binato ang mga daggers tungo kay Katarina.
Agad namang yumuko si Katarina at pinulot ang gomang iyon. Ginamit niya ang goma panangga sa mga pinapaulang daggers ni Recca. Iwinasiwas niya ang goma hanggang sa lumiit ang distansya nilang dalawa. Mabilis niyang initsa ang goma kaya nahuli niya ang leeg ni Recca. Inikot niya ang kamay kasama ang katawan upang mabigyan ng pwersa ang pagkakaikot ng goma sa leeg ni Recca.
Ngunit umikot rin si Recca paharap sa kanya na kahit nahihirapan na itong huminga dahil sa pagkakasakal ng goma. Sinampa ni Recca ang isang paa sa tuhod ni Katarina upang kumuha ng pwersa at malakas na sinipa si Katarina sa tagiliran.
Agad namang nasangga ni Katarina ang binti ni Recca gamit ang braso pero nabitawan niya ang goma. Napaatras siya palayo sa babae.
Inalis ni Recca ang goma sa leeg at hinawakan saka umikot ng dalawang beses upang bumwelo. Binato nito nang ubod nang lakas ang gomang iyon tungo kay Katarina.
Hindi naman agad siya nakaiwas at nasapol ang kanyang mukha. Napaatras siya ng ilang beses at sinapo ang dumudugong ilong.
"Dammit." pagmumura niya dahit sa kirot.
"Now we're even." ngisi ni Recca nang makitang dumudugo na rin ang ilong ni Katarina.
"Are you not even afraid? Look around you. You're alone while I got an army. What is your intention of your sudden appearance here, Reccaza Astronov?" malumanay na tanong ni Katarina habang sapo ang ilong.
Ngumisi si Recca at marahas na pinahid gamit ang braso ang tumulong dugo sa ilong.
"I was sent here to give a very special gift for you, Princess."
"Then spill it, Wing."
"I'm a wing no more, Princess in case you forgot. I am now a freed fowl."
"I said spill it!"
"Oh? Becoming impatient, Princess? Not so you..." napapailing na turan nito. "The Princess Katarina I knew wasn't impulsive and she's not even impatient. She was calm and composed. She was quiet and vigilant. She doesn't know how to smile, to laugh neither to play around with people... yet she was very good in fighting just like what you are doing but you know what?"
Natigilan si Katarina at napakuyom ang kamao.
"The Katarina that I knew can't kill." seryosong dagdag ni Reccaza. "Whatever may the situation be... she doesn't have the confidence to kill even if it could kill herself, she couldn't! The Katarina I knew has a façade of a monster but a weak distressed princess inside. She was helpless and a coward, a very exact opposite of the Princess Katarina that is now standing in front of me."
"Stop! I don't know what you're talking about!"
"You really don't know that's why I am here." huminga nang malalim si Reccaza. "I am here to make you open your eyes to see the truth. I want to elide those lies they wanted you to believe on. I can't take this anymore seeing you like a fool demon ruining yourself."
"W-what are you talking about?" napaatras si Katarina habang sinaad iyon.
"Zavina." sambit ni Reccaza sa isang pangalan na naging dahilan kung bakit nagwala ang kanyang puso at gustong kumuwala sa kanyang dibdib.
"Are you familiar with that name, Princess?" mahinang tanong ni Reccaza.
Samantala, nagtaka naman ang lahat dahil hindi na naglaban ang dalawa. Hindi nila marinig ang kanilang pinag-usapan. Humakbang si Tamara papalapit sa kanila ngunit agad ring natigilan nang tinutok ni Katarina ang kanyang baril kay Reccaza.
"What are you talking about?!" malakas na sigaw ni Katarina.
"This." turo ni Reccaza sa kawalan gamit ang dalawang kamay. "This is a big lie."
"Just tell me directly for Pete's sake Reccaza!" she yelled impatiently.
Naglakad papalapit si Reccaza sa kanya kaya mas hinigpitan niya lalo ang kapit sa baril. Nang makalapit ito sa kanya na nakahalik na ang nguso ng baril niya sa pisnge nito ay parang wala lang na marahang hinawi ni Recca palayo iyon sa mukha.
Mas lalo itong lumapit sa kanya at nilapit ang bibig sa tainga saka bumulong.
Nang lumayo si Recca sa kanya ay nanginginig na siya dahil sa mga reyalisasyong bumaha sa kanyang utak na dulot ng mga salitang binulong nito. Nabitawan niya ang baril at gulat na gulat ang mukhang sinundan ng tingin si Recca na dumidistansya na sa kanya palayo.
Ngumiti nang malungkot sa kanya si Reccaza at laking gulat niya pati ng ibang nanonood sa kanila nang biglang naglabas si Reccaza ng Jagdkommando Tri-Dagger at sinaksak sa sariling dibdib. Diniinan pa nito ang pagkasaksak nito sa sariling puso.
Natumba ito sa kanyang harapan na nakatitig pa rin sa kanyang mga mata.
Tumulo ang luha nito, "P-please, save everybody..." nanghihinang saad ni Reccaza. "...P-princess Z-zavina." tuluyang pumikit ang mga mata nito at nakangiting niyakap ang kamatayan habang iniwang tulala ngunit umiiyak ang prinsesa.
'Zaviii baby.'
'I love you, Zavi.'
'Don't die please! I'm sorry, Zavi!'
'Zaviii!'
'Zaviii! I'm sorry!'
'Zaviii!'
Indeed, She's Enigmatic.
-End of Chapter 49-
Yes! So far ito ang pinakamahabang chapter. 7k+ words!
Next stop: Epiiiilogue na!
See you sa Season Two!
By the way, posted na nga pala ang prologue ng BORROWED: She's Enigmatic Season Two. Hehe! Atsaka... hindi na lang ito Action, Adventure o Mystery lang... may halong Science Fiction na. Charot!
'Yon lang.
Hugs and kisses,
CL with love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com