Forty-One: REMINISCED
Chapter 41: REMINISCED
Enjoy reading!
3rd.
"Tell me everything Kleo Zanarry." Katarina said full of authority.
They're now at the garden located at the back of Clementin Mansion. Tamara was standing beside her, looking so powerful and dominant emitting the vibration of a Mafia Queen but Katarina's presence won't go least. She's now radiating her aura as the Wing Regal and the future Queen of a puissant kingdom.
"I did as what you have told me but that incident four years ago scarred her innocence. She suffered PTSD and eventually she experienced sleeping disorder, shouting your name in the middle of the night and panicking looking for help. At ikaw lang ang kilala niya noon, palagi ka niyang hinahanap."
Katarina swallowed the lump on her throat. She turns to look at Tamara's face. Diretso lang ang tingin ng huli pero bakas sa mukha nito ang lungkot.
"But... I couldn't see any drop of recognition in her eyes a while ago." Kinakapos ang hiningang aniya.
"Mmm." Tumango ito at biglang yumuko. Ilang saglit na tumahimik si Tamara na tila pinipili ang salitang sasambitin. "A year after being diagnosed with PTSD, she recovered but she tends to forget things... and one of it was you. I had to make things easier for her. I was advised by her doctor to avoid anything that could make her remember the incident for the meantime. So I had to interdict your name and everything about Slovenia when it comes to Kelena Zonia."
Bumuntong hininga si Tamara saka nilingon si Katarina. Nagulat pa siya nang biglang lumuhod ang kapatid sa harapan.
Who would have thought that a great wicked Mafia Queen of potent Bermond Mafia under Chthonic Society is now on her knees, kneeling in front of the mighty Wing Regal of Empyreal Community?
Kung meron mang makakakita sa ganitong eksena... siguradong magiging malaking balita ito sa dalawang malalaking grupo.
This could mean victory to Empyreal and defeat to Chthonic. In other words, this could start a war between the two. A leader should not kneel to someone because it might be considered as a disgrace to her entire community especially to someone who doesn't belong to your respective group.
This could also means that Bermond Mafia is giving its full loyalty and faithfulness to the Wing Regal, no one can stand against it even Chthonic neither Empyreal.
"Forgive me, Your Highness for I failed to do my promise." Mahinang saad ni Tamara habang nakaluhod pa rin at nakayuko. Nawala na ang kapangyarihan sa tinig nito. Naging mapakumbaba at puno ng respeto.
"Why Kleo? What makes you kneel in front me?" malumanay na tanong ni Katarina na nakatitig lang sa ulong nakayuko ni Tamara.
"Two years ago a war in the Madriaga mansion happened."
Natigilan si Katarina dahil sa narinig. Binalik niya ang isipan sa nakalipas na dalawang taon.
Two years ago... it was a triumphant year for her. She had accomplished a big mission that made her got the highest rank in Empyreal and she had redeemed back the respect from her people she deserved, she became the Wing Regal.
It is also the time when she received a totem from Empyreal, her tattoo at her whole back. It is her insignia as the highest ranked assassin of the community. Then a gift from her grandfather, the King gave her the silver Desert Eagle .50AE, her favorite handgun. The gift symbolizes as a token of pride from the kingdom of Slovenia.
"Then?" napapalunok na aniya.
"A Yakuza clan sabotaged Bermond's shipments and transactions. I found out and made a plan. My empire vanquished that Yakuza clan's thriving territory here. I totally take hold the supremacy of Chthonic base here and to the countries of Southeast Asia. Akala ko panalo na ako but then again a month after of my supremacy, a bad news came to me... that Yakuza from Japan was massacred, the whole clan vanished. No one left even their traces. At sa Bermond nabunton lahat ng pang-aakusa. Its sister Mafia group suspected Bermond to be the massacre executors. It made a tension in Asia's Chthonic Society between mafia groups. I tried my best to clean my name and my empire's reputation but some of my partners betrayed me, they had an alliance with Cryptus Mafia. They made the Gangster League go against Bermond. A war happened exactly a year ago and it left a wound in Bermond's system. I had found out that an assassin was behind the death of all Takei Yakuza Clan but I still have no idea who it was..."
Seryosong pahayag nito habang nakayuko pa rin. Subalit bakas sa boses ni Tamara ang lungkot at sakit.
"Forgive me, Princess Katarina... I failed to protect Kelena Zonia. She got a bullet in her head from the war. I thought she's dead when I saw her drowning with her own blood. But she was just like you, she's brave. She survived and won against death. I decided to bring her to America for her recovery and for other medical procedures. Kakauwi lang niya last month dito sa Pilipinas. She fell into coma for 6 months then she woke up not remembering anything, permanently."
Nanigas si Katarina sa narinig...
"T-tell me that Yakuza's name." mabibigat ang paghingang wika niya.
May namumuong ideya na sa kanyang isipan pero ayaw niyang paniwalaan. Ayaw niyang marinig ang maaaring isasagot ni Tamara pero kailangan.
"Takei Yakuza."
Pagkarinig ni Katarina dito ay napaatras siya at napaiwas ng tingin. Her eyes came misty a few seconds after and the lump on her throat made her unable to speak. Umuwang ang kanyang labi at doon humagap ng hangin para makahinga.
Napaangat ng tingin si Tamara nang maramdaman ang reaksyon ni Katarina. Nakita nito ang kakaibang lungkot at pagsisisi sa kanyang mukha. Maya-maya pa ay nakita ni Tamara ang paglandas ng luha sa pisnge ng kapatid.
Tumayo si Tamara saka tinitigan ang kapatid. She got a hint why Katarina reaction went like this.
"Are you—?" hindi natapos ni Tamara ang gustong itanong nang tumango ng sunod-sunod si Katarina at kagat-labing yumuko para iwasan ang nagbabagang tingin ng una.
Sandaling natigilan si Tamara at maya-maya pa ay napasinghal nang hindi makapaniwala.
"I'm sorry." Sambit ni Katarina habang nakayuko pa rin. Lumalandas man ang luha sa pisnge niya ay hindi pa rin makikitaan ng kahit na anong ekspresyon ang kanyang mukha but not her tears, it could show how much she's hurt while saying those two words. Her tears could send out a weary sound even they're just silently falling. "I didn't—"
Hindi niya na naituloy ang gustong sabihin nang malakas na dumampi ang nag-iinit at galit na galit na palad ni Tamara sa kanyang pisnge. Her head tilted sideways.
"B*tch!" malakas at galit na singhal nito.
Mahinang natawa si Katarina at marahas na pinahid ang luha saka sinalubong ang galit na tingin ng kapatid.
"Two years of incarceration in the hands of the enemy changed me... Wing assassins succeed on rescuing me then when I came back home, akala ko sasalubong sa akin ang masasayang mukha sa kaharian. But into my dismay, I was condemned by my own people for failing to protect my family. The Queen Cathard and Prince Zacharias died that day. I was supposed to be the protector of them but I failed. They also thought that Kelena Zonia died. Akala rin nila patay na rin ako. The King was furious because his potential successors died but then they found out I am still alive and became an abductee of the enemy. I came home blamed and reprehended. Alam mo naman na noon ay hindi ko kayang pumatay o manakit ng tao kaya hindi ko masisisi ang mga tao sa kaharian na ikahiya ako dahil hindi ko nagawang iligtas ang ating pamilya."
Natahimik si Tamara dahil sa narinig. Umiwas ito ng tingin.
"The King almost denounced me in whole Slovenia but an Empyreal boss came for a reclaim, she gave me a chance to prove my real worth as the crown princess. She challenged me to do something big that could make the people see me as their future queen. I went to Empyreal State to accept a mission order from the bosses. My mission was... to eliminate the whole Takei Yakuza alone. And the Takei's were my first kill."
Tiningnan ni Katarina si Tamara. Tahimik rin itong umiiyak.
"I'm sorry kung dahil sa kagustuhan kong iligtas ang pangalan at pagkatao ko ay nadamay kayo. Patawarin mo ako, Kleo kung tinanggap ko ang mission na iyon para sa pansarili kong dahilan, nasira ang reputasyon mo at ang Bermond."
Nabigla pa si Katarina nang inabot ni Tamara ang kanyang pisnge.
"No... hindi kita sinisisi. Nagulat lang ako kanina dahil sa nalaman, for two years of looking for the culprit assassin, I never expected na ikaw pala ang may gawa no'n but I won't ever blame you for that. You suffered enough already and I don't want to add on it. Actually, I was glad that Takei is eliminated, they were pain in my ass before and I was amazed by you... you were able to eliminate them all. You're a monster!" humugot ito nang malalim na hininga. "May kasalanan rin ako sa'yo, Ate. I came late that day... kung sana mas maaga akong dumating, hindi lang si Zonia ang maililigtas ko. Pati ikaw sana."
Niyakap ni Katarina nang mahigpit si Tamara.
Naalala niya ang gabing iyon...
Pagkatapos ng kahayupang ginawa ng lalaking iyon sa kanya sa harapan mismo ng batang si Kelena Zonia o mas kilala na ngayon bilang Tattiana Georgia Madriaga ay dumating si Tamara, it was Tamara's time to visit her half-siblings pero sa gano'ng sitwasyon nito naabutan sila sa Royal Mansion.
She asked Tamara to save Zonia, her sister was hesitant to follow her request. Ayaw siyang iwanan nito pero wala na silang nagawa pa dahil nag-iisa lang ito laban sa grupo ng lalaking iyon. Tamara came there alone and unprepared for a fight.
Tamara was able to escape with Zonia and went home in the Philippines to hide but Katarina was abducted by that guy and held her in imprisonment for two years of torture.
Her heart thomped fast as she reminisced the happenings in the past.
Napabuga ng hangin si Katarina saka iniwaksi ang mga naranasan noon. "Don't say that, Kleo. Saving Zonia was enough for me. Seeing her now grown so well with you makes me glad that you're the one who'd taken care Zonia. Thank you very much."
"No. No. I saved her but I left you with that rogue. Forgive me for leaving you behind. Mapatawad mo sana ako, Ate."
"Ssssh.. It wasn't your fault Kleo. Nakita ko kung paano mo kami pinagtanggol sa kabila ng mga natanggap mong masamang pagtrato galing sa pamilya natin. At hiniling ko naman sa'yo diba na ilayo mo ang bunsong prinsesa sa lugar na 'yon at masaya akong tinupad mo iyon. So please don't ever blame yourself and let me see your smile, Kleo."
Ngumiti si Tamara pero tinawanan lang ito ni Katarina dahil tabingi ang ngiting binigay nito. Halatang hindi sanay ngumiti.
"You never changed, Kleo. You still have that distorted smile." Komento niya dito kaya biglang nawalan ng emosyon ang mukha ni Tamara, bumalik ito sa dati.
Pagkalipas ng ilang minuto ay pareho silang bumuntong-hininga na tila nakahinga nang maluwag at nabunutan ng tinik sa lalamunan.
"What's your plan, Katarina?" seryosong tanong ni Tamara. Pareho silang tumingin ng diretso sa kawalan.
"KZ is going well and I will serenely leave this place after conquering Flamenco's territory here."
"Are you sure about this?"
"Yes Kleo, I have to go back home and see myself the problem in Slovenia. Even though I don't have any access inside I could still feel then tell that there's something wrong in my Kingdom. I need to find it out." Nilingon ni Katarina ang kapatid. "I have a favor to ask."
"You know that I will always do anything for you, Katarina. Spill it."
Ngumiti si Katarina. "Please protect KZ and my people here for me."
"Well, kneeling in front you might be at use. Don't worry about it, Katarina. I will take care of KZ and most especially... him." Sabay lingon nito sa taas sa may balcony ng kwarto ni Katarina.
There stood Zync Orlando, looking down at them and watching them intently.
Napalingon rin si Katarina.
Nanlaki naman bigla ang mga mata ni Zync at dahil sa gulat sa biglang paglingon ng dalawa ay nagtatakbo ang binata papasok sa kwarto. Nabangga pa ito sa glass door. Napailing si Katarina dahil sa nasaksihan.
Muli silang natahimik. Si Katarina ang unang nagsalita.
"I've been waiting for you to show yourself on me, masyadong kang mailap Kleo. Hindi kita matiyempuhan kaya kailangan ko pang gulpihin at takutin ang mga bata mo."
Biglang nanlisik ang mga mata ni Tamara nang may naalala dahil sa narinig.
"By the way, stealing an impresa from one of my District leader is a crime. D'you know that?" malamig na saad ni Tamara.
(a/n: Impresa – a totem or crest or emblem)
Natawa si Katarina at naalala ang kwintas na kinuha kay Xylah, and Bermond District X leader.
"Oh that." Natatawang aniya. "If you could have seen her face when I snatched her necklace, it was so priceless but I was quite disappointed, she's not qualified to be a district leader kung hindi niya nga magawang pag-ingatan ang kanyang impresa."
"Hey! Are you insulting me?! Don't you dare underestimate my leaders. I know their potentials and such. I chose them because I knew them very well. Then... how could you compare your skill to my reaper?! For Pete's Katarina! You are the Empyreal's Wing Regal! You knew your strength! Kaya 'wag mong laitin ang kakayahan ng mga tao ko." Naiinsultong turan ni Tamara na nagpatawa nang malakas kay Katarina.
"Hey ka rin, I didn't compared myself to your reaper 'no! You never really change. Pikon ka pa rin."
Inismiran ni Tamara ang tumatawang si Katarina.
"Psh. Ewan ko sa'yo. Let's go inside. Zonia is waiting for us, we haven't eaten breakfast yet. Be hospitable ka naman d'yan mahal na prinsesa."
"Whoa! It's not my fault you decided to visit me this early!"
Nagpatuloy sa bangayan ang dalawa habang papasok sa mansion but eventually, they masked their selves with stolid expression when they had reach the living room where their underlings were waiting for their return.
*****
After that oh-so-breath-taking-breakfast with very dominant and powerful leaders, people around Clementin Mansion was still hang over.
Kahit si Sia ay hindi makapaniwala na nakaharap niya ang infamous wicked Mafia Queen ng isang makapangyarihan mafia sa Chthonic Society. She has been hearing Tamara's name and deeds in underworld. And she knew that this Mafia Queen is somehow related to Katarina, ngayon niya lang nalaman na magkapatid pala. No wonder may pagkapareho silang dalawa.
On the other hand, Al and Zync didn't have a happy breakfast as well dahil sa tension na bumabalot kanina sa hapag. The two sisters were formally talking about random things such as Mafia and Empires but on how they talk to each other gave more an eerie tension in between. They're both fond of answering each other with few words only, na kahit ang iba nilang kasama ay hindi na maintindihan ang ibig nilang sabihin.
Tanging si Ryleen at si Tattiana lang ang hindi nakaramdam ng tension na iyon. The two already got along with each other. Magkasundong-magkasundo ang dalawa.
Katarina was so happy being reunited with her sisters. She's been waiting for this moment since she arrived in this country.
"So, Tamara Georghette Madriaga was the one you're talking about?" tanong ni Al kay Katarina na prenteng nakaupo sa love seat sa sala ng bahay nito sa KZ Realm.
Kakatapos lang ng kanilang meeting kasama ang lahat ng miyembro ng KZ Empire. Silang dalawa ang naiwan sa bahay dahil si Sia ay sinalakay ng antok habang si Zync naman ay nasa eskwela.
"Yes." simpleng sagot niya.
"Kapatid mo siya." Saad ni Al na tila ngayon niya lang naproseso ang katotohanang kapatid ni Katarina ang isang nakakatakot na Mafia Queen.
"Obviously, Al." pairap na sagot niya dito. Kanina pa siya nayayamot, gusto niya nang makita ang pagmumukha ni Zync sa hindi mapangalanang dahilan. Namimiss niya na ito kahit naiinis siya sa tuwing magsasalita ito. Lately, she has this fetish towards Zync's magical gilagid na lumalabas tuwing ngingiti.
Natawa naman si Al. "I am just wondering how you two turned out to be sisters. You came from Empyreal and she's from Chthonic. That's strange. Naisip ko lang na kung kapatid mo siya ay dapat kasama mo siya sa grupo mo and I never heard about you having another sister except for Princess Zonia that all of us thought was already dead." Napapaisip na tanong nito.
"Stop being nosy, Al. It's annoying."
Nawala naman ang ngiti ni Al nang makitang seryoso ang mukha ng kanina pang wala sa mood na si Katarina. Wala siyang suot na contact lenses ngayon kaya malaya nitong nakikita ang asul niyang mga mata.
Al clears his throat after finding himself gawking at Katarina, specifically at her eyes. "A-ahm. Do you have something to tell me? Ba't mo 'ko pinaiwan dito?" he said trying to divert the topic.
"It's about Pologemia Gang. I want you to investigate Madame Ursula, the owner of Polo Casino and Hotel. Give it to me first thing in the morning."
Napatango si Al. "Right, first thing in the morning, Your Excellency."
Al received a death glare from Katarina after calling her that.
*****
"C!" masayang tawag ni Zync kay Katarina nang makita niya ang dalaga na nakaupo sa kama. Kakagaling niya lang from school at hindi niya inasahan na maabutan niya si Katarina dito. Akala niya ay aalis ito lalo na't nagkita muli ang magkakapatid. "You're here?!"
"Oh eh bakit parang gulat na gulat ka na nandito ako sa kwarto KO?" mataray na wika nito na pinagdiinan pa talaga ang salitang 'ko'.
Tumulis naman ang nguso ni Zync. "'To naman ang taray-taray. Natuwa lang ako na nandito ka sa bahay at hindi ka gumala." Aniya sabay lapag ng bag sa couch.
"Gumala? Anong tingin mo sa'kin? Gumagala? Hindi ako palagala!" mataray pa ring turan nito saka humiga ito sa kama. Napansin ni Zync na nakapantulog na ito.
"Ba't ba ang maldita mo ngayon? Nakakainis ka na ah!" naaasar na turan ni Zync. "Akala mo ang ganda-ganda mo 'e mas maganda naman sa'yo si Tamara." Bulong niya pero narinig iyon ni Katarina.
Nagulat si Zync at nagtaka nang biglang padabog na tumayo si Katarina. Nanlilisik ang mga mata nitong tiningnan siya. Hinihanda naman niya ang sarili dahil sa mukha pa lang ni Katarina ay mananadyak na ito pero bigla siya nitong nilampasan at tumungo sa pinto.
"Akala mo ang gwapo-gwapo mo rin?! Mas gwapo sa'yo si Rusty!" sigaw nito na ikinagulat niya. Hindi pa siya nakakaimik ay binuksan na nito ang pinto saka binalibag.
"H-hoy! 'Yon gwapo?! Potek!" pahabol niyang sigaw.
Napakamot ng ulo si Zync. "Problema no'n? Palagi na lang ako minamalditahan. Aish!" padabog rin siyang pumasok sa banyo.
*****
"Morning." bati ni Al nang maabutan sila Katarina at Sia na kumakain. Alas cinco pa lang ng umaga pero ang dalawa ay naghe-heavy meal na.
Maraming putahe ang nakahain sa harap ng dalawa. Napangiti si Al nang makita ang kinakain ni Sia, masarap na nilalantakan nito ang hita ng lechong turkey pero nanlaki ang mga mata niya nang makitang katana ang ginagamit nitong panghiwa. Pagtingin niya sa gilid ng pinggan nito naroroon ang iba't-ibang klase ng kutsilyo... may dagger, swiss knife, hunter's knife, kunai, meron pang shuriken at ibang armas. At ang bawat isa doon ay ginagamit ni Sia sa pagkain.
Pagbaling naman niya kay Katarina ay magana itong kumakain ng iba't-ibang recipe ng manok at nanlaki ang mata niya nang makitang mas marami pa ang sili na sahog kaysa sa manok.
Napalunok si Al nang sabay na lumingon ang dalawa. Hawak ni Sia ang dagger na may hiwa ng turkey sa dulo, hindi binabawi ang tingin sa kanya habang sinubo nito ang ulam.
"A-ang aga niyo namang nagising." alinlangang aniya pero umiwas lang ng tingin ang dalawa at nagpatuloy sa pagkain.
"May check-up ka mamaya sa OB?" biglang saad ni Katarina nang hindi lumilingon kahit kanino.
"Oo, sama ka?" sabay hiwa sa isa pang hita ng turkey.
Nagulat si Al nang marinig ang matatas na tagalog ni Sia, hindi agad siya nakaimik.
"Bakit naman ako sasama?" tanong ni Katarina sabay subo sa isang kutsarang puro na lang yata sili.
"Ay oo nga pala sinungaling ka." Sarkastikong turan ni Sia sabay ismid at hiniwa ang laman gamit ang hunter's knife.
"Nagsalita ang hindi sinungaling." Paismid na usal ni Katarina.
"At least ako marunong umamin 'e ikaw? Kailan ka aamin? 'Yong huli na ang lahat? 'Yong patay ka na?" pairap na wika ni Sia sabay abot ng Tomato Juice na nasa loob ng bullet-shape-glass niya.
Habang si Al ay lalong lumaki ang pagkanganga dahil sa hindi makapaniwala sa naririnig mula kay Sia. Palipat-plipat ang tingin ng binata sa dalawa.
"'Wag kang mangialam sa mga desisyon ko. Alam ko ang ginagawa ko. Isipin mo ang sarili mo kaysa sa pangingialam sa ibang tao." May pagkasinghal na saad ni Katarina sabay inom ng kanyang Chili Juice.
"May pakialam ako Katarina, lalo na sa'yo. Ipinanganak akong tutukan ang bawat desisyon at galaw mo. May karapatan akong pagsabihan ka." Pabagsak na nilapag ni Sia ang baso, saka ang pakpak naman ang pinagdiskitaan.
"Tapos na ang obligasyon mo bilang squire ko. Ako ang Wing Regal at ikaw ay isang Wing Elite lamang. Walang karapatan ang isang Wing Elite na pakialaman ang kahit na anong desisyon ng Wing Regal. Gumalang ka sa mas nakakataas sa'yo." Pabagsak ring nilapag ni Katarina ang baso.
"Oo, ikaw ang Wing Regal at ako ay isang Wing Elite lamang pero sa Empyreal iyon. May sinumpaan akong pangako sa harap ng mamamayan ng kaharian ng Slovenia when I was five... nangako akong bantayan ka at maging anino mo habang buhay sa hirap at ginhawa. Hindi maaalis ng ranggo mong Wing Regal ang sumpang iyon." Saglit na sinulyapan ni Sia si Katarina saka umirap at nagpatuloy sa pagkain.
"Bilang reyna mo at ng kaharian ng Slovenia balang araw may kakayahan akong baliin ang sumpang iyon. Kaya sa ayaw at sa gusto mo ako pa rin ang masusunod." Sabi ni Katarina saka nilingon ang isang maid na nakatayo. "Water please." Aniya na agad ring sinunod ng nakayukong maid.
Samantala si Al naman ay hindi pa rin makahulma sa katotohanang marunong magtagalog si Sia.
"Pero hindi maaalis ng pagiging reyna mo ang pakikialam ko sa'yo bilang kaibigan mo. Mangingialam ako sa'yo hangga't gusto ko." Nilingon naman ni Sia ang maid na nakatayo sa gilid nito. "Water nga." Binigyan naman agad si Sia ng maid.
"Kaibigan my ass. Sinong nagsabi sa'yo na magkaibigan tayo?" turan ni Katarina saka tiningnan si Sia na ngayon ay madilim ang mukhang nakatitig rin sa kanya.
"Hoy! Below the belt na 'yan ah! Magkaibigan tayo!" singhal ni Sia.
"Belt? Saan?" tanong ni Katarina saka sumilip sa ilalim ng mesa. "Wala ka namang suot na belt ah. Naka-panty ka lang naman ngayon at walang belt." Nagkakamot sa ulong turan ni Katarina.
Nanlaki ang mga mata ni Al saka sinilip ang ibaba ni Sia. Agad namula ang mukha ng binata nang makitang tanging sando at panty lang ang suot ni Sia.
"Eh sa naiinitan ako eh! Ikaw nga naka-bra at panty shorts lang!" bulyaw ni Sia na napipikon.
Kaya napalingon si Al kay Katarina at nakitang gano'n ang suot ni Katarina. Bra at panty shorts na pinatungan ng manipis na blazer.
"At least ako may bra 'e ikaw?! Bakas ang nips mo oh! Walang bra!" bulyaw ni Katarina sabay bagsak ng hawak na kutsara at tinidor.
"Uso 'yan ngayon 'no! Hindi mo ba alam?! Si Gigi Hadid, Kendall Jenner, Miley Cyrus at kung sino pang mga super models at artista d'yan ay hindi na nagba-bra! Sagabal lang 'yan! May advantage kaya ang walang bra, better access! Diba Al?" binalingan nito ang hindi makapagsalitang si Al at agad ring binalik ang tingin kay Katarina.
"Bakit model ka ba?! Artista ka ba?!"
"Hindi pero tingnan mo ang mukha ko! Diyosa ng Mount Olympus!"
"Sino ka? Si Medusa?! 'Wag mo 'kong utuin!"
"Gorgon si Medusa, hindi goddess! Ano ka ba?! Akala ko mas superior ka sa'kin sa lahat ng bagay?! Dapat matalino ka!"
"But still! Medusa is a Greek Divinity so it means she's also a Greek Goddess yet she doesn't resembles human being, because she's a monster! Not all gods and goddesses look perfect and beautiful! Some are uncanny, strange and alien like you!"
"What the fvck?! Nakakasakit ka na ng damdamin ah! Bakit akala mo si Aphrodite ka 'e you're one of the Graeae sisters naman!"
Luminga-linga si Katarina sa kanyang gilid. "Oh? Wala naman akong mga kasamang bulag at bungal na mga kapatid ah! Bakit isa lang ba ang mata at ipin ko?! Hoy! Para sabihin sa'yo kumpleto ang ngipin ko! 16 sa baba, 16 sa taas! Eh ikaw nga, hindi ka pa tinutubuan ng wisdom tooth! So kulang ka ng dalawa!"
Padabog na tumayo si Sia.
"Hoy ka rin! Para sabihin rin sa'yo tumubo na ang isang wisdom tooth ko! Kahit tingnan mo pa! Isa na lang ang kulang! Isa! Hindi tatagal kukumpleto na 'to! Nga naman kasi matanda ka na kaya kumpleto na agad ngipin mo! Gurang!"
"Anong gurang?!" tumayo rin si Katarina. "Hoy babaeng walang bra! Mas matanda ka sa akin ng walong buwan!"
"Oo nga, alam ko naman 'yon! Kaso 'yang utak mo mas matanda pa sa hari kung mag-isip kaya ka buraot at busangot!"
"Ikaw naman isip-bata kaya ka abnormal at mukhang autistic!"
"Oh ano suntukan na lang oh?!"
"Bakit pa suntukan kung pwede namang patayan?!"
"Sige! Akala mo natatakot ako sa'yo?! Hoy! Para sabihin ko sa'yo hindi mo ako kayang saktan dahil mahal mo ako pati na ang anak ko na nasa loob ko!"
"Aba! Paano ka nakakasiguro d'yan?! Kaya kitang saktan!"
"Sige nga! Sige nga!"
Tatalon na sana si Katarina sa mesa nang biglang...
"What is happening here?!" gulat na untag ni Zync nang maabutan ang gano'ng eksena. Kakabangon niya lang dahil ginising siya ni Ryleen na nag-aaway na naman daw si Sia at Katarina. Natigilan ang dalawang mag-uupakan na sana.
Nanlaki ang mga mata ni Zync nang makita ang suot ni Katarina at Sia.
"Dammit! Why are you two wearing that in front of the food?! Where's your table etiquette and decency?! Anong akala niyo nasa beach kayo?!" galit na galit na sigaw ni Zync sa dalawa. Agad ring nagsialisan ang mga maids dahil sa takot. Naiwan na lang silang apat kasama si Ryleen na nagtatago sa likod ng estante.
"Dude, hindi sila naka-swim suit." Bulong ni Al kay Zync.
Pero umismid lang si Zync saka nilapitan si Katarina. Walang alinlangang binuhat niya ito na parang sako ng bigas.
"Hey! Put me down! Babangasan ko pa 'yang si Medusa na walang bra!"
"Fvck you! Isa kang hamak na Graeae lamang! Gurang! Gurang kaaa!" sigaw rin ni Sia na binuhat na rin ni Al.
-End of Chapter 41-
Thank you for reading freaks! God bless you.
Anyway, Graeae are crones, sisters of Gorgons, kung nakapanood kayo ng Percy Jackson... sila 'yong tatlong matatandang babae na kulubot ang mukha na may iisang mata lang na pinag-aagawan nila.
I wanna know your thoughts towards this chapter. So please comment it down.
Hugs and kisses...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com