Nine
Chapter 9
Enjoy reading!
3rd.
When she saw Zync getting inside his car, she fetch out her phone to call Sia. After a few rings, she finally picked up the phone. Shouts and noises welcomed her on the other line. She winced because of it.
"Where is she?" She asked Sia.
Sinuot niya ang Bluetooth connected earpiece at pinasok sa bulsa ang cellphone saka sinuot ang helmet. Agad s'yang umangkas sa motor at pinasibad iyon, following Zync's car.
"Hmm. The butterfly is fine and she's just doing some fvcking stunt out here. I think I'm gonna fvcking enjoy this night. Haha!" Sia answered strenuously. Tari rolled her eyes as she imagined Sia's smirking face.
Seryoso lang ang mukha niya habang sinusundan ang lalaki na binabagtas ang highway.
"Location?"
"Under Laroa. Fcvk Katarina! Why didn't you tell me that there's such a fvcking huge district underground?! Whoa! This place is monstrous! I want to build a castle here and I gonna name it Frosty D'fvck Palace! Hahaha---!" She ended a call with a smug annoyed face.
**
Seryoso ang mukha ni Zync na nagmamaneho pauwi ngunit sa kalagitnaan ng pagbabyahe ay natigilan siya at napapreno nang may humarang sa kanyang mga nakamotor at mukhang armado pa. Lumakas ang tibok ng kanyang puso dahil sa kaba at takot nang bumaba ang mga lalaki may dalang armas.
Mukhang mga hoodlums...
Kinalampag ng nauunang lalaki ang hood ng kanyang sasakyan, napapitlag siya at kinapa ang cellphone ngunit dahil sa kaba hindi niya ito mahanap. Kinatok siya nito sa bintana at sinenyasan siya na buksan ang pinto pero mas nagulat siya nang may sumulpot na dalawang babaeng nakaitim lahat: leather shorts and top, boots, trench coat na umaabot hanggang sa tuhod, may mga suot itong maskara na tanging mga labing itim lang ang nakikita.
Nakipagrambulan ang dalawang babae sa mga lalaking humarang sa kanya na nasa bilang labing lima. Halos hindi na kumurap si Zync sa nakikita. Namamangha siya sa laban ngunit mas nangingibaw ang kaba niya dahil sa TV at big screen lang siya nakakakita ng ganitong klaseng laban.
Napapalunok siya...
Pagkatapos ng ilang minuto tumba na ang mga lalaki na ang tanging natira ay ang lider nila. Natatakot itong nakatingin sa mga babaeng kumalaban sa kanila.
Pati si Zync ay nanginginig dahil hindi niya alam kung iaatras niya ba ang kanyang sasakyan o iaabante at sagasaan ang mga nasa harapan. Kinapa n'yang muli ang cellphone, natuwa siya nang may nakapa pero pagtingin niya ay agad ring naglaho ang tuwa dahil power ang bank nakuha niya.
"Sino kayo?!" Rinig n'yang sigaw ng lalaki habang umaatras. Tumawa ang isa sa mga babae na para bang inosenting bata.
"Ikaw sino ka po?" Balik na tanong nito.
Nanlaki ang mata ni Zync nang lumingon sa kanya ang isa sa mga babae. Parehong matangkad ang mga ito at sexy, mapuputi at may parehong mahahabang itim na itim na buhok. Inilabas nito ang kanyang baril at itinutok ng diresto kay Zync.
Napahugot siya ng malalim na hininga nang halos hindi na magkamayaw ang kanyang dibdib sa sobrang kaba at napapikit nalang dahil sa baril na nakatutok sa kanya. Nakarinig si Zync ng putok ng baril at pinakiramdaman ang sarili kung tinamaan ba siya ngunit wala s'yang naramdaman maliban sa kanyang puso na gustong kumuwala sa kanyang dibdib.
Napamulat siya at nakitang may bagong dating. Isa pang babae. Nakatalikod ito sa kanya. Naka'grey shirt at maong na jogger pants with sneakers. Nakaponytail ang mahabang itim na buhok, may cap na suot at may suot rin itong nose and mouth gear.
Only her deep ocean blue pair of orbs can be seen on her face because of the gear and the visor of her cap. She turned her head to her back and their gazes met. Zync was stunned by her eyes.
She then again looked to the people who caused ruckus in front of Zync. She smirked behind the gear while looking at the two girls and the injured guys lying on the cold street. The two loud bangs of the gun was made by one of the two girls a while ago and shot the leader's thighs. She tried to trick with Zync by pointing her gun to him but that's when this woman in grey v-neck shirt came.
"Who are you?" Tanong ng isa sa dalawang babae na may hawak na baril. Itunutok nito ang baril sa bagong dating.
Hindi ito sumagot, instead, she moved to jump on Zync's car hood and stood up to leap to the woman with the gun. She kicked the girl's arm then the gun flew upward she stepped back to catch it and put it on her back, inside the belt.
The other girl attacked her but she hit the girl using her elbow on the nape which made the girl unconscious while the other one gaped and tried to punch her but she back dive two times to dodge the attack.
Zync couldn't help but to get out of his car to see a clearer view of the commotion. Masyado s'yang nadadala sa action scene na nasa kanyang harapan. Nakakamangha pero nakakakilabot.
Napaatras siya ng ilang beses dahil sa galaw ng bagong dating lalo na nung nawalan ng malay ang isa. He couldn't understand why but he felt secured when this woman in grey came.
Nasuntok ang bagong dating ng natirang babae sa panga. Tumagilid lang ang ulo nito at agad ring humarap sabay iling na para bang nang-iinsulto dahil mahina ang suntok na ginawad ng naka'itim na babae. Nagngitngit naman ang isa, sinubukan nitong muli atakehin ang babaeng naka'abo pero laking gulat nito nang binigyan siya ng malakas na sipa sa mukha.
Nawalan ng balanse ang babaeng naka'itim at humampas ang katawan nito sa sasakyan ni Zync na nakatayo lang sa malapit kaya napaatras palayo ang lalaki. Hindi pa nakuntento ang naka'abo, sinipa pa nito sa tagiliran ang babaeng nakaitim.
"Waaa! Ako rin pa'try Ate! Pasuntok!" Nabigla sila nang may biglang tumili sa 'di kalayuan.
May isang dalagita na nasa edad trese ang biglang sumulpot at nagtatakbo papunta sa kanilang kinaroroonan. Dinaanan pa nito ang mga lalaking nakahandusay tsaka pinagsisipa. Tuwang-tuwa ito na tila nasa parke lang gumagala. Nang makaabot ito sa mga babae, lumapit kaagad ang dalagita sa naka'abo saka humawak sa laylayan ng damit nito. Hinila'hila nito na para bang batang nanghihingi ng pagkain.
"Ate! Ako naman ang lalaban sa kanya." Masayang wika nito na may malaking ngiti sa labi. "Huwaw! Anganda ng eyes mo po!" Manghang-mangha dagdag nito habang titig na titig sa mga mata ng babae.
"Ugh!"
Napalingon ang dalawa nang marinig pagdaing ni Zync sa kanilang harapan. Sinuntok ng babaeng nakaitim si Zync sa sikmura. Napakunot ang noo ng babaeng naka'abo nang makita ang mukhang nasasaktan ng lalaki.
Galit na tiningnan niya ang babaeng naka'itim at nilapitan. Hinablot niya ang damit nito at malakas na binalibag sa semento.
Nilapitan naman ng dalagita si Zync na nakahulma na sa sakit. Napatingin si Zync dito at napangiwi sa hilatsa ng bata. Nakasuot ng puting damit na hanggang tuhod na halos naging itim na dahil sa sobrang marumi, gutay-gutay pa ito, nakapaa lang ang dalagita at sobrang rumi ng balat. Parang pugad ng manok ang buhok at may eye patch pa ang kanang mata.
"Angwapu muuuu puuuuuu!" Hiyaw nito saka dinambahan ang nakatangang lalaki. Napasigaw si Zync at malakas na itinulak ang dalagita kaya napaupo ito sa kalsada. Mangiyak-ngiyak itong tumingin sa lalaking bakas sa mukha ang pandidiri.
"Huwaaa! Uwaaa! Masakit 'yon ah!" Malakas na pagnguwa nito. "Ate na blue ang mga mata! Inaway ako ni Kuya poging masungit. Huhu!" Sumbong nito sa babaeng naka'abo. Tumayo ang dalagita at susugurin na sana si Zync nang may humawak sa damit nito.
Nagulat pa ang dalagita nang biglang s'yang lumutang sa ere 'yon pala ay binuhat siya ng babaeng naka'abo at pinaikot ng mabilis. Tumama ang kanyang paang sobrang itim sa mukha ng babaeng nakaitim na tumilapon dahil sa malakas na pagkakahampas sa mukha nito.
"Kyaaaaaaaah!" Tili ng dalagita pagkababa sa kanya ng babaeng naka'abo.
Tumambling ang babaeng naka'abo papunta sa naka'itim at binigyan ito ng right hook, kaya pumutok ang mga labi nito. Nilapitan niya ang babaeng naka'itim sa marahas na hinawakan ang balikat nito at nilapit sa kanyang mukha.
"Do you want me to take off your mask and let that man know who are you?" Tanong niya na may boses robot dahil sa suot na mouth and nose gear with voice modulator sa babae sabay turo kay Zync na nakatanga sa kanila. "I could kill you now but I'm not that bad. Now, leave this place and stop messing up with that man!" Seryosong saad niya sabay tulak sa babaeng naka'itim.
Hirap na hirap tumayo ang babaeng naka'itim na naglakad papunta sa itim na koste sa 'di kalayuan at pinaandar ito. Tinigil nito ang kotse sa harap ng walang malay na kasama at agad na pinasakay. Umalis na ang mga babae at naiwan ang mga lalaking nakahandusay sa kalsada.
Kinuha ng babaeng naka'abo ang cellphone at may tinawagan.
"Butler Clark, locate me and send some men here to clean up my mess." Aniya saka binaba ang cellphone at nilingon ang dalawang nakatayo sa kanyang likuran.
Laking gulat niya nang biglang sinuntok ng dalagita si Zync sa mukha na agad ikanawala ng malay ng lalaki. Napasinghal siya nang makita 'yon.
Naglakad siya papalapit sa dalagita at sa nakahandusay na si Zync. Malakas n'yang sinampal ang nakangiting dalagita na ikinagulat nito. Umiyak ito atsaka susuntukin na sana siya pero malakas n'yang tinulak ang noo nito gamit ang isang daliri.
"Behave." Aniya kaya natigilan ang dalagita at maluha-luhang nakatingin lang sa kanya.
Nilapitan niya ang lalaking walang malay at binuhat papasok sa backseat ng kotse nito.
"Black eye 'to." Aniya habang nakatingin sa namamagang mata ng lalaki.
Binalingan niya ang dalagitang nasa likuran niya.
"You drive." Utos niya dito saka malakas na tinulak sa driver's seat ng kotse ni Zync. Tuwang-tuwa naman ang dalagita na tila nakalimutan na nito ang pananampal niya.
"Waaa! I'm gonna drive fast and furious! Hahaha!" Tuwang-tuwang wika nito sabay patugtog ng malakas.
Naglakad ang babae tungo sa kanyang motor saka pinatakbo ito at tumigil sa harap ng sasakyang ni Zync. Kinuha niya muna ang cellphone saka tumawag.
"Katarina." Bungad sa kanya ni Sia na s'yang tinawagan.
"Update?" Aniya.
"Psh. I'm in a fvcking riot right now. This fvcking district is under attack. Fvck!" Ilang ulit pa ito nagmumura at rinig niya pa ang putukan sa kabilang linya.
"Where's Laine?" Kunot noong tanong niya.
"She left already. She's with her bestfriend." Pagkarinig sa sinagot ng babae ay agad n'yang pinutol ang tawag. Nilingon niya ang kotse ni Zync, heavy-tinted man ay she gestured her hand to follow her. Alam n'yang nakita iyon ng dalagitang magda'drive.
Hindi alam ni Tari kung marunong ba itong magdrive. Pero hindi pa man nakakalayo ay narinig niya ang malakas na pagsalpok ng kotse. Paglingon niya binangga nito ang isang poste napailing siya at nagpatuloy sa pagda'drive nang makitang minaniubra ng dalagita ang kotse para makabalik sa tamang pwesto.
**
Pagkarating nila sa harapan ng bahay ni Zync agad n'yang isinigawa ang dapat gawin. Hindi agad sila nakapasok sa subdivision kung saan nakatira si Zync kaya she tranquilized the guard.
Bumaba siya sa kanyang motor at pumasok sa sasakyan ni Zync, from her pocket she pulled out a syringe with a liquid on it and injected on Zync's nape. It's a drug which can make a person forget his memory that happened 5 hours before he fainted.
So ibig sabihin, malilimutan ni Zync ang lahat nang nangyari simula pagkaalis nito ng Laroa University.
Tumalima agad siya para makaalis dahil 15 minutes gigising nang muli ang guard...
"Huwaaa! 'Wag mo'ko iwan Ate. Huhu!" Iyak ng dalagita nang makitang aalis na siya. Labag man sa kalooban ay inuwi niya na lang dalagita.
-End of Chapter 9-
Thank you for reading freaks!
Hugs and kisses...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com