Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Seven

Chapter 7

Enjoy reading!

3rd.

Nanaig ang katahimikan sa buong hallway na pati ang pagsinghap ng ilan ay nawalan ng tunog. Nakatagilid pa rin ang ulo niya dahil sa pagsipa ni Jameson na 'di sinasadyang siya ang matamaan.

Naramdaman ulit ng lahat ang katahimikan na nakakakaba na hatid ng kanyang presensya.

Dahan-dahan n'yang inangat ang ulo at narinig ng ilan ang mahinang pagsinghal niya. Ginalaw-galaw niya ang kanyang leeg pakanan pakaliwa habang nakapikit pa rin. Namamanghang nakatitig ang iba sa kanya dahil sa kagandahang taglay niya ngunit nangingibabaw ang mapanganib n'yang awra sa mga oras na ito.

Pati ang grupo ni Laine at Zync ay natigilan rin na kasalukuyang nakatayo sa kanyang likuran.

Minulat niya ang kanyang mga mata at matamang tinitigan si Jameson sa mata, namutla si Jameson nang magsimula s'yang humakbang at ang takong ng sapatos niya ay tila tambol na umalingawngaw sa tenga ng lalaki. Umatras ang lalaki nang makalapit siya kaya mas lalo s'yang lumapit dito.

Inilapit ni Katarina ang mukha kay Jameson at binigyan ng isang kakaibang ngiti ang lalaki. Napanganga ang lalaki sa ganda ng ngiting iyon kaya napangisi ito sa pag-aakalang hindi siya magagalit sa nagawang hindi sinasadyang pagsipa.

Mas lalong napangisi si Jameson nang inilapit niya ang kanyang mga labi sa tenga nito. Naramdaman nito ang kanyang mainit na hininga.

'Damn. She's so beautiful and hot!' Untag ni Jameson sa isipan.

Diretso ang tingin ni Katarina sa lalaking nakatayo sa likod ni Jameson. Nakipaglaban naman sa titigan si Rusty sa kanya.

"It's not how you do it, too weak for a football captain." Marahan at malumanay na bulong niya sa lalaki.

Biglang nanlaki at tila umusok ang ilong ni Jameson nang mapagtanto ang kanyang binulong. Marahas itong lumingon sa kanya ngunit huli na nitong napansin na nakaatras na pala siya at ang kanyang killer heels ay humalik na sa pisnge ng lalaki.

Tumilapon si Jameson palayo ngunit hindi pa man ito nakakahulma sa pagkagulat ay naramdaman nito ang pagsipang muli ni Katarina sa kabila nitong pisnge.

"That's what you fvcking call double roundhouse kick, idiot!" Hiyaw ni Sia na nakipagkumpulan rin pala sa mga usi.

Nakatanga lang ang lahat sa kanya dahil sa kanyang mabilis at maliksi na paggalaw na tila nagsasayaw ng ballet dahil sa magaang pag-ikot ng katawan. Babagsak na sana si Jameson sa sahig nang sinalo ito ni Katarina gamit ang isang paa at initsa niya ito pabalik pataas. Hinuli niya ang kwelyo ng lalaking nakapikit dahil sa sakit at gulat. Nilapit niya ang mukha ng lalaki sa kanya.

"How was it?" Nanlilisik ang mga matang tiningnan niya ito. Nakangiwing napalunok naman si Jameson dahil sa takot at pilit iniiwas ang tingin sa kanya. "That's how you kick, captain." Binitiwan niya si Jameson at sisipain na sanang muli nang may dalawang kamay na pumigil sa kanyang binti.

Napatingin si Katarina sa mga may-ari ng mga kamay na iyon. Napangisi siya nang makita ang mga seryosong tingin nina Laine at Rusty sa kanya. Marahas n'yang binawi ang binti at umayos ng tayo.

"Dude!" Sigaw ng mga kaibigan ni Jameson atsaka dinaluhan ito nang bumagsak ito sa sahig dahil sa takot.

"Oh my gosh, sweetheart! What is going on here?!" sigaw naman ni Aica na kakarating lang.

Matalim ang tingin ni Laine sa kanya habang ang tingin naman ni Rusty ay 'yong tingin ng isang presidente sa isang nagkasala.

"Oh my gosh!"

"She's scary!"

"Nakakatakot siya!"

"Masakit yun!"

"Ang galing niya!"

"Cool! Gaya ni Laine!"

"Nakakatakot 'yong tinginan nilang tatlo."

"I will give you a warning Miss Clementin. Hindi tinotolerate sa school na 'to ang karahasan. You messed up the other day at the parking lot and you've done it again today. Hurting your fellow student is prohibited in this institution." May awtoridad na saad ni Rusty.

Tinagilid niya ang kanyang ulo at tinitigan ng mabuti si Rusty at binalingan si Laine.

"How about you? Do you want to say something, Miss Cortez?"

Ibubuka na sana ni Laine ang kanyang bibig nang bigla itong tinakpan ni Zync na nakangiting labas ang gilagid saka marahang hinila ang nobya palayo sa dalawa.

"Hehe! Hindi siya sasali." Saad nito na natatakot na rin kay Katarina at hindi na nanlaban si Laine, hiniyaan na lang si Zync sa ginawa.

"This serves as a warning, Miss Clementin. The next time you hurt a student, let's see face to face at the Disciplinary Office with your guardian."

"What the fvcking hell, Mister! How dare you say that?!" Singit na bulyaw ni Sia kay Rusty dahil sa naging saad nito.

"In case you don't know Miss Frost, I am the University's Supreme Student Government President. I have the very right to say all of those."

"I don't fvcking care! She wasn't the one who started it and in case you forgot Mister University's Supreme Student Government President, you are the reason why she dealt with that a*shole who doesn't fvcking know how to kick! That was your mess and she was just an innocent passerby who got herself involved in your problems! So fvck you to the highest extent Mister University's Supreme Student Government President!" Malakas na angil nito kay Rusty na lumapit na sa kanilang dalawa.

Tumaas ang kilay ni Rusty saka mataray na tiningnan si Sia.

"And that doesn't give her a reason to beat him up! One kick would do but what she did wasn't tolerable. Baka nakakalimutan niyo na bago lang kayong dalawa dito. You are not on your territory so better know the place where you stand and don't you dare use that tone on me again, Miss Frost." May halong galit na turan ni Rusty kaya mas lalong namuo ang tensyon sa pagitan nila.

Lumapit si Sia kay Rusty at binigyan ng matalim na tingin ang lalaki.

"Are seriously fvcking serious?! I don't care, Mister University's Supreme Student Government President if I am not in my territory 'coz I don't give a damn. You don't know me. You fvcking don't know us." Nanggagalaiting wika ni Sia.

Umirap si Rusty saka mas tinapangan ang tingin dito.

"Who are you then? Why did the two of you transfer in this University? Don't worry Miss Frost, you don't know me too. It's a tie." Bumaling si Rusty kay Katarina. "Again, this is a warning Miss Clementin. Better be cautious."

"Sounds interesting." Biglang sambit ni Katarina kaya napatingin si Rusty sa kanya. Napangisi siya. "Who are you, Rusty?"

Napaiwas ng tingin si Rusty sa 'di malamang dahilan.

"You'll regret messing with us, Mister University's Supreme Student Government President. Remember this face and put this on your fvcking mind that my name is Iseah Frost and you don't fvcking know me." May pagbabantang saad ni Sia saka tumalikod at nagsimulang maglakad palayo. Humawi naman ang mga estudyante.

Nadaanan ni Sia sina Laine. Ngumisi ito.

"Hi Miss Cortez and hey there Mr. Orlando, have a good fvcking day." Bati nito sa dalawa saka tuluyang umalis.

Naiwang nakatitig naman si Katarina kay Rusty. Itinaas ni Katarina ang kanyang kaliwang kamay at marahang hinawi ang buhok na tumabon sa kanyang mukha kaya napatingin si Rusty sa bagay na suot-suot ng kanyang daliri.

Napaatras ito.

"Who are you, Katarina?" Tanong ni Rusty habang hindi tinantanan ng tingin ang bagay na iyon.

"I am nobody." Sagot niya saka tinalikuran ang lalaking 'di makapaniwala sa nakita.

Nilapitan ni Katarina si Jameson na nakatayo na ngunit inaalalayan ng nobya. Napaatras ang mga ito.

"I am not angry Captain, gusto ko lang malaman mong magaling akong sumipa baka kulang kayo sa team."

Ngumisi siya saka umalis na rin sa eksena.

-End of Chapter 7-

Thank you for reading freaks! God bless you.

Hugs and kisses!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com