Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Thirty-Five: EXPLODED

Chapter 35: EXPLODED

Enjoy reading!

3rd.

Nakanguso si Zync habang kanina pa nakatitig sa pinto ng kwarto ni Katarina, nahihiya siyang pumasok dito dahil sa mga sinabi niyang sa mansion niya dadalhin si Allaine tapos sa kwarto pa mismo ni Katarina patutulugin, nahihiya siya dahil sa mga makasariling kagustuhan, nahihiya siya dahil naguguluhan siya sa gustong gawin at nahihiya siya dahil mukhang tama si Rusty.

Napaigtad siya bigla nang bumukas ang pinto ng kwarto ni Sia na nasa hindi kalayuan. Paglingon niya do'n ay napanganga at nanlalaki ang mga mata niya nang makita si Sia at ang suot nito. Napameywang ang babae at maangas na nakatingin sa kanya na parang sumisinghal nang 'What are you fvcking looking at fvcker?!'.

Pinasadahan niya ito nang tingin. Tanging maliit at manipis na sando lamang ang suot nito kapares ang kakarampot na algae green na underwear. Lantad ang malinis na pusod nito at flat na flat na tiyan saka puson.

Pero talagang napako ang tingin niya sa nakaprint na phrase sa panty nito. Naka'ravie font at itim ang kulay.

'Slippery when wet!'

J

May malaking emoji pa sa baba nito.

Naalala niya tuloy ang gabing iyon. Ang gabing unang halik nila Katarina. Ang imahe ni Katarina na basang-basa at nakasandal sa malumot na sea wall, na nakanganga ng bahagya at nakapikit ang mga mata dahil sa ginagawa niyang pagpapaligaya dito. Kakulay na kakulay nito ang kulay na suot ng underwear ni Sia, kasing dilim rin ng font ang kadiliman ng gabi at tugmang-tugma ang nakasulat sa mga nangyayari.

Basang-basa at sobrang madulas... ang seawall.

"What the hell?!" biglang bulalas ni Al nang makalabas siya sa kwarto nila. "I told you not to go out with that! Nagpanty ka pa! Sana naghubad ka na lang! Tang*na mo talaga, Frost!" hinablot nito si Sia papasok sa kwarto at iniwanan nang masamang tingin si Zync.

"Fvck! Be fvcking gentle, Al!" angal ni Sia dahil sa malakas na pagkahablot ng nobyo.

Napakurap ng ilang beses si Zync at sinundan ng tingin sina Al.

"Tsk. Tsk." Napalingon siya bigla sa kanyang gilid nang marinig iyon. Nakita niya ang nakangiwing mukha ni Katarina.

Bumaba ang tingin nito saka muling napa'tsk at napailing saka pumasok sa kwarto. Pabalya nitong sinara ang pinto kaya napaigtad siya.

Napapalunok na binaba niya ang tingin at do'n niya nakita ang rason kung bakit napuno ng galit ang mga mata ni Al at napuno ng dismaya ang mga mata ni Katarina. Baka na bakat sa kanyang sweat pants. Nasapo niya ito at nagmamadaling pumasok sa kwarto ngunit naka-lock ang pinto.

"Katarina! Open the door!" kumatok siya nang kumatok. "Please, open this door! It's not what you think! Let me explain! Katarina!" paulit-ulit siyang kumatok at sumigaw.

Gusto niyang sabihin na hindi niya pinagnanasaan si Sia. Gusto niyang sabihin na si Katarina ang nasa isipan niya sa mga sandaling iyon.

Inabutan siya ng siyam-siyam, hindi pa rin siya pinagbuksan ni Katarina kaya nagtatakbo siya palabas ng mansion.

"Mr. Orlando! Where are you going?!" sigaw ni butler Clark nang makita siya pero hindi niya iyon pinansin.

Lumibot siya sa likurang bahagi ng mansion at hinanap ang punong palaging niyang tinitingnan tuwing nag-iisa siya sa kwarto. Mabilis niya itong inakyat at pumatong sa sanga kung saan kasing taas ng balkonahe ng kwarto ni Katarina.

Tinikom niya ang bibig nang makita ito na nakatayo sa balkonahe, na nakatagilid sa kanyang gawi at may kausap sa cellphone.

"Is there something else you need, Jake?" rinig niyang anito. "Okay, I'll go there tomorrow. See you."

Humaba at tumulis ang nguso ni Zync dahil sa narinig. Sino si Jake? Kikitain pa nito kung sino mang unggoy na Jake na 'yan! Pumoprotesta si Zync sa kanyang isipan nang muling marinig ang boses ni Katarina.

"What are you doing there?" tanong nito kaya napalingon siya, nakatingin ito sa gawi niya kaya wala sa sariling tinuro niya ang sarili. Nagulat pa siya nang tumango ito at muntik pa siyang mahulog, do'n niya lang napagtanto na nakita na nga siya nito.

"Hehehe." Pekeng tawa niya.

"Bumaba ka diyan mas nagmumukha kang unggoy kaysa kay Jake." Napatingin siya ulit kay Katarina. Nagulat siya dahil alam nito ang iniisip niyang unggoy si Jake. Tumulis ulit ang kanyang nguso.

"Ikaw eh! Pinagsarhan mo ako ng kwarto! Ayokong bumaba kung ayaw mo kong papasukin!" bwelta niya nang maalala kung bakit umakyat siya ng puno.

"Makakapasok ka na kung malambot at malamya na."

Kumunot ang noo niya dahil hindi niya maintindihan ang sinabi nito at narinig niya ang mapang-asar na tawa ng babae habang nakatingin sa baba... akala niya sa baba talaga ngunit ibang baba ang tinitingnan nito.

"Katarina! Bastos ka!"

"Ako pa? Sinong bastos sa'tin aber?" hindi makapaniwalang angil ni Katarina sa kanya.

"Ikaw!"

"Ako pa ha? Ako ba ang tinigasan at tinayuan nang makakita ng babaeng nakapanty lang? Tell me O, ako ba?" puno ng panunumbat na bwelta ng babae sa kanya habang tinuturo-turo pa nito ang sarili.

Ngumuso si Zync at bumulong-bulong.

"Eh hindi naman si Sia ang dahilan kung bakit naging gano'n eh!"

"Talk to my hand, O." tumalikod si Katarina at papasok na sana sa kwarto.

"Katarina naman eh! Ikaw! Ikaw ang iniisip ko! Kaya gumano'n!"

Natigilan si Katarina at nanlalaki ang mga matang nilingon si Zync.

"Gumano'n?! Hah! Walanghiya kang lalaki ka! Ang bastos-bastos mo! Diyan ka matutulog!"

"Katarina naman eh!"

"Heh!"

*****

Napatigil sa pagsipsip ng kanyang kape si Zync nang makita niya kung sino ang pumasok sa coffee shop kung nasaan siya ngayon. Anim na magagandang babae at halos mabali ang mga leeg ng mga lalaki pati ang ibang babae na napapalingon sa kanila. Apat sa kanila ang kilala ni Zync.

Ang mga malalantod na miyembro ng Daratina na humarass sa kanya nang minsan pumunta ang mga ito sa mansion para kay Katarina ngunit halos maiyak siya nang dumugin siya ng apat at pinaghahalikan, 'di tumigil kung hindi dumating si Katarina at binigyan ng tig-iisang sipa ang apat dahil sa ginawa sa kanya.

Napalingon ang isang hindi niya kilala sa kanya kaya nagtama ang mga mata nila. Napaiwas naman agad siya ng tingin. Parang sinundutan ang pwet ni Gazelle (Lagarri Gang) dahil sa pagtama ng mga mata nila ni Zync.

"Yiii. Girls look at that guy in the corner! He's so gwapooo! Akin na 'yan ha, ako nauna." sabay turo kay Zync na nakatingin sa kanyang kape.

Napalingon naman ang ibang babae sa kanya. Natawa ang Daratina at agad lumapit sa mesa ni Zync.

"Hi Zync... alone? Mind if we share table?" may kalandiang wika ni Rafaella na ikinangiwi ni Zync.

"Kilala niyo siya?!" irit ni Gazelle dahil hindi pa nito nakita si Zync.

"By the way, this is Gazelle and Naomi, new members namin." Pagpakilala ni Tiarrah sa dalawang kasama.

"Oh my gosh! It means siya si Zync Orlando?!" tili ni Gazelle. "Girl! Siya si Zync Orlando! Ang gwapo!" baling nito kay Naomi na nakangiti lang.

Umupo nang walang permiso si Gazelle sa tabi niya at lumingkis sa kanyang braso.

"Ang bango!" kinikilig na sambit nito. Napabalikwas naman si Zync.

"H-hey! B-back off!" saway niya sa babae sabay tulak dito.

"Matagal-tagal rin hindi tayo nagkita pogi. Kamusta?" tamong ni Narkizza na umupo sa kanyang harapan.

Inirapan niya lang ang babae saka umusod palayo kay Gazelle. "Ay masungit. Type ko toooo!" tili ng babae.

"Why are you alone? Come with us and let's have some fun." Wika naman ni Daniella sabay kindat sa kanya. Napangiwi si Zync.

"Pwede ba? Can't you see that I'm not interested?" Singhal niya sa mga babae.

"Sama ka na sa'min Zync. Papaligayahin ka namin." Pangungumbinsi ni Rafaella sa kanya.

"Ayoko nga. Please leave me alone."

"H'wag ka ngang pa'hard to get! Alam ko naman na malapit nang tumigas 'yan dahil katabi mo ako." pang-aasar ni Gazelle.

"D*mn it! Will you please back off?! I'm not interested in any of you."

"What are you doing?" napalingon silang lahat dahil sa nagsalita. Boses pa lang ay kilalang-kilala na nila. Namutla ang Daratina habang ang dalawang Lagarri member ay pinagpawisan.

"S-sila ang unang lumapit sa akin, C." kinakabahang usal ni Zync habang nakatingin sa mga mata niya. "Cross my heart!"

"I'm asking you, what are you doing?" muling saad ni Katarina saka iniwas ang tingin at tiningnan isa-isa ang anim na babae. "What did I told you?" sabay lingon sa mga babae na napayuko.

"I'm sorry." mahinang usal ng mga babae.

Napanguso si Gazelle saka bumaling kay Zync at akmang hahalikan nito si Zync nang tinampal ni Katarina ang nguso ng babaeng hihirit pa sana.

"Araaay naman po 'teh. Ang gwapo ni Zync e." reklamo nito sabay himas sa ngusong nasaktan.

Umalis ang anim na babae at iniwan silang dalawa.

Pinapanood ni Zync ang pag-upo ni Katarina sa kanyang harapan, hindi ito nakatingin sa kanya dahil palinga-linga ito. Nang magtama ang paningin nila ay napalunok siya dahil sa ngiting ipinukol ni Katarina sa kanya. Kakaiba 'yon. Parang may hindi magandang mangyayari.

"H-hehehe." Alanganing tawa ni Zync upang alisin ang tensyong nararamdaman.

Titig na titig sa kanya si Katarina nang binaling nito ang tingin sa kanyang likuran. Lilingon na rin sana siya nang biglang tumayo si Katarina saka nakayukong linapit nito ang mukha sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang magkabilang pisnge. Napalunok siyang muli dahil sa maliit na distinsya sa pagitan nila.

"Don't ever look back." Mahinang sabi ni Tari sa kanya habang nakatingin sa likuran niya.

Napatingin siya sa labi nito at 'di napigilang inguso nang sobrang tulis ang bibig upang maabot niya ang labi ni Katarina. Binalingan siya nang masamang tingin ni Katarina.

"Ang damot-damot nito." reklamo niya. Napatingin siya ulit sa nang-aakit nitong labi. Nilabas niya dila at pasimpleng dinilaan ang ibabang labi ni Katarina.

"Orlando!" mahinang ngunit mariing banta ni Katarina.

"Tamo 'to! Ano ba ang nangyayari bakit ka ganyan? Pwede bang bitiwan mo na ako? Dahil ang awkward nito! Kung gusto mo ng kiss, bibigyan naman kita eh. Umupo ka lang at ako ang tatayo upang hindi ka mahirapan." Bumungisngis pa siya sa sinabi. "Shet! Kinikilig ako sa sinabi ko." Dagdag niya pa na may namumulang mga pisnge.

"Stay still and be ready." Seryosong wika ni Katarina na nakatingin pa rin sa kanyang likuran. Kung titingnan ay para silang naghahalikan kaya agaw-pansin na rin ang posisyon nila.

"B-bakit?" kinakabahang tanong ni Zync nang mapansing ang kanyang kaseryosohan ngunit hindi siya nito pinansin.

Naging malikot ang mga mata ni Katarina hanggang sa makarinig sila ng pagbalabag sa kanyang likuran. Sinubukan ni Zync na lumingon ngunit hindi siya hinayaan ni Katarina. Nagulat ang mga tao sa coffee shop, 'yong iba ay naghiyawan at agad lumabas ng shop, nakita ni Zync sa kanyang peripheral view ang mabilis na pagtakbo ni Tiarrah sa kanyang gilid papunta doon sa cashier counter. Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ito sa gilid ng mukha ni Katarina.

"A-ano ang nangyayari?" takot na tanong niya dahil sa malalakas na pagkalabog at daing sa kanyang likuran.

"Shhh. Ready?"

"W-what's h-happening, C?!"

"Ssshhh. Stay still, sweetheart. Everything's gonna be alright." malumanay na pang-aalo sa kanya ng babae kaya napatitig sya sa mukha nito, nakatingin ito sa kanya pero agad ring lumikot ang mga mata.

"When I say go, you need to stand up and go with the flow!"

"W-what?"

Nagulat pa siya nang biglang takpan ni Katarina ang kanyang mga mata.


"GO!"

Natuod si Zync nang maramdaman niya ang isang mabilis at may kabigatang bagay ang dumaan sa kanyang gilid at ginawang suporta pa ang kanyang balikat.

"A-anong nangyayari?! Katarina!"

"Lumabas na tayo." Rinig niyang sabi ni Katarina sa kanyang likuran. Nakatakip pa rin ang isang kamay nito sa kanyang mga mata.

Doon lang napagtanto ni Zync na si Katarina pala ang tumukod sa kanyang balikat upang makapwesto sa kanyang likuran. Tinulak ni Katarina si Zync palabas, halos madapa pa ito dahil sa ibang customer na humahangos palabas.

"W-wait! Bitawan mo na lang ako, C! Baka madapa ako!"

"Just keep on walking." ani Katarina sa kanyang tainga. Kaya napaigtad si Zync.

"Ano ba, nakikiliti ako." Natatawang aniya.

"Psh."

Naririnig ni Zync ang sigawan ng ibang customers at mga kalabog sa paligid. Kaunti na lang ang tao ngayon dahil maggagabi na at hindi naman masyado dinadayo ang coffee shop na ito.

"Katarina?" tawag niya dito habang naglalakad na sila tungo sa nakaparadang kotse.

"Hmmm?" nakahinga siya nang maluwag dahil akala niya baka iba na ang may hawak sa kanya. Marahan siyang pinapasok ni Katarina sa back seat ng isang kotse. Tinanggal na nito ang kamay na nakatakip sa mata niya.

Inusod siya ni Katarina para makaupo ito sa tabi niya. Nakatingin ito sa coffeeshop na hindi na makita ang loob dahil sa mga nakatabing na mga folds sa glass wall ng buong shop.

"W-what is happening?" naguguluhang tanong niya pero hindi siya pinansin ni Katarina.

Inabot niya ang kamay ni Katarina. He intertwined their fingers then holds it tight.

"Katarina?" tawag-pansin niyang muli dito, lumingon sandali si Katarina sa kanya at binigyan siya ng isang simpleng ngiti. Magsasalita na sana siya nang makarinig sila nang isang malakas na pagsabog at nakaramdam ng pagyanig ng lupa.

Nanlalaki ang mga matang napatingin si Zync sa coffeeshop. Sumabog ang kalahating parte nito at unti-unti nang kinakain ng apoy. Nilingon niya si Katarina na seryosong nakatingin rin sa shop.

"Ano ba talaga ang nangyayari?"

Lumingon si Katarina sa kanya, inabot nito ang kanyang pisnge. Ngumiti ito sa kanya nang pagkatamis-tamis.

"Capturing your supposed killers, baby."

*****

EARLIER

"What's your plan tonight?" Tanong ni Sia kay Katarina pagkaupo nito sa kabilang sofa.

"Hunting." mahinang sagot niya habang nakakunot ang noong nakatuon ang mga mata sa screen ng hawak na tablet.

"What gang?" tanong naman ni Al na kakababa lang, umupo ito tabi ni Sia. Agad namang lumingkis si Sia at maharot na hinalikan ang leeg ng lalaki. Siniko naman ni Al si Sia na napasimangot.

"Sonata del Maria." sagot ni Katarina.

"Ah? Napakahirap hulihin ng gang na 'yan. They are good as Cuenca Triplets." saad ni Al.

"But who could be better than the Wing Regal, love?" malambing na saad ni Sia sabay yakap sa braso ng nobyo.

Napailing si Katarina at hindi na lang pinansin ang dalawa nang magsimula ang mga itong maglandian.

"Are you going somewhere?" napalingon si Katarina sa may hagdanan nang marinig ang boses ni Zync. "Ugh! You two look disgusting! Nasa second floor lang kwarto niyo oh! Do'n nga kayo!" sita nito nang mapatingin sa gawi nina Sia na naglalampungan pero hindi naman nila pinansin ito at sabay na tumayo saka pumunta sa kusina upang doon ipagpatuloy ang ginagawa.

Binalingan ni Zync si Katarina na nakadekwatrong nakaupo sa sofa at seryosong nakatunghay sa tablet.

"Date tayo later." Biglang saad ni Katarina na nakatingin pa rin sa tablet kaya agad nangunot ang noo ni Zync at nagmadaling nilapitan si Katarina, mabilis nitong hinablot ang tablet saka tiningnan kung sino ang ka'video chat nitong inaya ng date.

Pagkakita niya sa screen ay nagtaka ito nang makita ang nagpi-play na video, Episode 5 ng Vampire Knights.

"You were just watching anime?!" bulalas ni Zync saka binalingan ang babaeng masamang nakatingin sa binata. "I thought you had..."

"Give me that back!" sabay agad ni Katarina sa tablet. Ni-switch off nito ang tablet saka inalis sa tainga ang suot na wireless earphones.

"Sinong inaya mong magdate?" malumanay na tanong ni Zync kay Katarina. Ngumiwi ang dalaga saka inirapan ang kaharap.

"Kaname, but he has a night class that's why I asked Zero instead." walang-ganang sagot niya sa binata.

"Ano?! Seryoso ako, C!"

"Bakit? Hindi ba ako seryoso, O?" balik na tanong ni Katarina. "Psh, date tayo mamaya." Bubulyaw na sana si Zync nang mapagtanto nito ang sinabi ni Katarina. Agad itong namula at nagpipigil ngumiti.

"A-ano?" pigil ang ngiting tanong nito.

"6pm... Sonata Coffee Shop, near Buevo boundary. See you." tumayo si Katarina saka lumabas ng mansion.

"Teka lang!" habol ni Zync sa babae ngunit mabilis na itong pumunta sa garahe at agad pinaharurot ang dalang motor.

*****

Wala pang 6pm ay nakita na ni Katarina ang sasakyan ni Zync na pumarada ilang metro malayo sa kanyang kotse. Kanina niya pa siya sa labas ng Sonata Coffee Shop. Binunot niya ang kanyang cellphone saka tinawagan si Tiarrah.

"Zync is here already. Go inside after 15 minutes."

"Copy boss."

"Uy Daniella, ano bang mukha ni Zync Orlando?" rinig niyang tanong ni Gazelle sa kabilang linya bago pinutol ang tawag.

Sunod niyang tinawagan si Femm na ngayon ay isa sa mga pinapaaral niya ng computer engineering sa L.U. Ang lahat ng biktima ng Tea Syndicate ay nasa Laroa Subdivision na nakatira dahil nagawang sakupin ni Katarina ang buong subdivision sa pamamagitan nang pagbili nito.

"Have you sent them the info?" tanong niya nang sinagot ni Femm ang kanyang tawag.

"Opo. Kakagat po sila, sigurado ako."

"Good." Pinatay niya ang tawag at hinintay ang pagdating ng Sonata del Maria Gang.

May apat itong miyembro.

Maria Sanchez, ang leader ng grupo at isang tunay na babae.

SOra Blanco, NAtalia Garcia at TAfna Digo, ang kukumpleto sa Sonata del Maria Gang. Mga dating macho na naging sexy, transgenders.

Pagkalipas ng labin-limang minuto ay pumasok na sa loob ng shop ang Daratina kasama ang dalawang miyembro ng Lagarri.

Napangisi si Katarina nang makitang may dumating na sasakyan. Bumaba doon ang apat na babae na kanyang hinihintay na agad ring pumasok sa shop.

Tinawagan niya si Femm.

"Miss Katarina?"

"Very good." Aniya saka binaba ang tawag.

Bumaba na rin siya sa kanyang kotse at pumasok sa loob ng shop, nilibot niya ang tingin sa buong coffeeshop. Napadako ang tingin niya sa mesa inaakupa ng SDM at agad ring umiwas. Parang normal lang ang apat na nag-uusap at nagkakape. Pero kung titigang mabuti ay makikita mo ang malilikot na mga mata ng apat na nakapwesto sa likuran ni Zync.

Lumapit siya sa mesa ni Zync. Nainis pa siya nang maabutang kinukulit ng anim na babae ang binata.

Nang pinaalis niya ang anim ay agad ring pumwesto ang mga ito gaya nang pinagplanuhan. Umupo sina Tiarrah, Naomi at Narkizza sa katabing mesa ng apat na babae habang umupo sina Daniella, Rafaella at Gazelle malapit sa entrance.

Pasimpleng tumango si Katarina kay Tiarrah bago tumayo upang hawakan ang mukha ni Zync nang akmang lilingon ito. Tumayo ang isang myembro ng Sonata del Maria, si Sora, 'yong pinakamatangkad sa apat at walang kung ano-ano'y binalibag ang mesa nina Tiarrah dahil sa ginawang pambabato ng papel na nilukot ni Naomi upang batuhin si Sora.

Nagkatinginan si Narkizza at Gazelle. Tumayo si Gazelle upang isinirado lahat ng folds sa buong shop. Nagkagulo ang ibang casualties sa loob kaya pinalabas agad nina Rafaella ang mga tao.

Malakas na sinipa ni Tiarrah sa sikmura ang babae. Hanggang sa nagsipagtayuan na rin ang ibang myembro ng Sonata at nakipaglaban kina Naomi.

Nanatiling kalmado si Katarina habang nakaharap pa rin kay Zync at pasimpleng pinagmamasdan ang nangyayaring laban. Muntik na niyang patulan ang panlalandi nito kaya mabuti na lang magaling siyang kumontrol.

Mabilis niyang tinakpan ang mga mata ni Zync nang tumakbo sa kanilang gawi si Maria na may hawak-hawak na punyal. Binuhat ni Katarina ang sarili at ginawang suporta ang balikat ni Zync upang makalipat siya ng pwesto sa likod ng lalaki. Sinalubong niya nang malakas na sipa sa mukha ang babae.

Agad namang lumapit si Narkizza sa kanila at hinarap si Maria na panandaliang nahilo dahil sa malakas na sipa ni Katarina.

Malakas na tinulak ni Katarina si Zync palabas ng shop. Pinapasok niya ito sa kotse, kanina pa talak ng talak si Zync pero hindi niya ito pinapansin hanggang sa maramdaman niya ang nanlalamig nitong kamay sa kanyang kamay.

Samantala sa loob ng shop, binuksan ni Gazelle ang tatlong gas tank ng kitchen pati ang mga kalan saka nagmamadaling umalis sa kitchen.

"2 minutes!"sigaw ni Gazelle kaya agad lumayo sa kitchen area ang ibang kasama.

Malakas na sumabog ang kusina kung saan nakatago lahat ng weapons ng Sonata. Nagsidapaan ang anim na babae at tinago ang mga sarili upang maiwasan ang naliliparang sharp nails, debris at ibang weapons mula sa kusina.

Meanwhile sa loob ng kotse kung saan sila Zync...

"Ano ba talaga ang nangyayari?" bakas sa tinig ni Zync ang takot sa nangyayari.

Lumingon si Katarina sa binata at inabot ang pisnge nito. Ngumiti siya dito nang pagkatamis-tamis.

"Capturing your supposed killers, baby."

Napatanga naman si Zync at natigalgal.

**

Hindi naiwasan ng apat na miyembro ng SDM ang ibang weapons na lumilipad at nabiktima ng kanilang sariling armas.

Samantala, hinila ni Katarina si Zync palabas ng kotse saka lumipat sila sa sasakyan ng binata. Sa shotgun seat niya ito pinaupo.

"Stay there. Let's talk later." habilin niya sa hindi makapagsalitang lalaki bago sinarado ang pinto.

Hindi nakasagot si Zync dahil binusalan siya ni Katarina. Sobrang ingay niya kanina kaya hindi na nakapagtimpi ang babae at nagawa nga ito. Binusalan siya saka ginapos ang mga kamay sa likod.

Pinanood niya na lang ang coffeeshop na unti-unting tinutupok ng apoy. Nakita niya pa ang paglabas ng anim na babae, gutay-gutay ang mga damit nito at sabog ang mga hitsura.

Napalingon siya sa kanyang kaliwa nang may dumating na dalawang itim na van. Lumabas sa unang van sina Joseff Topp at mga gang members nito, sa ikalawang van naman ay pawang mga lalaking nakablack suit... nakikilala ito ni Zync na mga tauhan ni Katarina.

Binalik niya ang tingin sa coffeeshop nang makita ang naglalakad na pabalik si Katarina. Umaapoy ang kanyang mga mata habang tinititigan ang bulto ng dalaga.

Sinalubong ng Topp Gang ang anim na babae at dinaluhan habang 'yong mga naka-suit ay kinuha ang apat na miyembro ng SdM sa loob ng natutupok na shop.

Nanlaki pa ang mata ni Zync at muntik na mapahagalpak ng tawa nang makita ang isang miyembro ng SdM na buhat ng nakasuit at biglang nahulog ang buhok nitong... wig.

Titig na titig siya kay Katarina na papalapit sa kanyang kinaroroonan, tinaas nito ang kamay at may tinapon sa nasusunog na establisyemento.

Walang ingay ngunit malakas yumanig ang lupa nang muling sumabog ang shop. Nakita ni Zync kung paano nalusaw na parang bloke ng yelo ang natitirang bahagi ng coffeeshop.

Pumasok ang babae sa driver's seat ng kanyang sasakyan. Nabigla siya nang lumapit ito sa kanya saka tinitigan siya sa mga mata at naramdaman niya ang kamay nitong pumasok sa bulsa ng kanyang pantalon. Mas lalong uminit ang kanyang pakiramdam.

Nakangisi itong ipinakita sa kanya ang susi ng kanyang sasakyan galing sa kanyang bulsa.

"Let's go home, sweetheart." anito.

And his heart exploded like how the coffee shop explodes.

-End of Chapter 35-

Thank you for reading freaks. GOD bless you more and more!

Hugs and kisses...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com