Thirty-Three: STABBED
Chapter 33: STABBED
Enjoy reading!
3rd.
Hinahabol ni Zync ang kanyang paghinga dahil hindi niya alam kung ilang oras na siyang nasa loob ng drum. Nauubusan na siya ng hangin dahil sa sobrang sikip, malaki siyang tao at may kaliitan ang drum na ipinagsidlan sa kanya.
Paano siya napunta sa sitwasyong 'to?
Earlier...
Habang papunta sa eskwelahan, naisipan niyang dumaan sa bahay ng mga Cortez. Nagbabasakaling umuwi na si Laine. Naiinis rin siya dahil pagkagising niya kanina wala na naman si Katarina sa tabi niya.
Pagka-park pa lang niya sa harap ng bahay ni Allaine ay may nagtext sa kanya at nabigla pa siya nang MMS iyon. Nilukob siya ng takot, pag-alala at kaba nang makita ang picture.
It was a picture of Allaine, battered and tied in a chair. Hindi gumagalaw ang babae pero kita sa picture ang pagdaloy ng dugo mula sa bibig nito. Nanginginig siya at namuo ang luha sa kanyang mga mata at may natanggap siya ulit na SMS.
Quoting: SHE'S DYING INSIDE AND OUT BECAUSE OF YOU ZYNC ORLANDO. IF YOU WANNA SAVE HER ASS, MIND TO HAVE EARLY LUNCH WITH US AT */address/*?
Pagkatapos matanggap ang mensahe ay hindi na siya nagdalawang-isip pa na puntahan ang address na iyon, hindi niya pansin ang takot at kaba dahil natatabunan yun ng pag-alala kay Allaine nang marating ang isang malaking mansion.
Agad siyang bumaba ng kanyang kotse at nagulat nang may sumalubong sa kanyang isang lalaking kasing edad lang niya. Hindi na siya nakapalag nang inakbayan siya nito at inakay papasok sa bahay. Nanginginig ang kalamnan niya dahil sa baril na nakatutok sa kanyang tagiliran.
Pinipigilan niya ang sariling magsalita para magtanong kung nasa'n si Laine dahil puno ng armadong kalalakihan ang loob ng mansion. Nakangisi ang mga ito sa kanya.
"Welcome to our humble abode, Mr. Zync Orlando." saad ng lalaki nang bitawan siya nito saka malakas na tinulak paupo sa sofa.
Nanlisik ang mga mata ni Zync.
"Where is she?! Where's Allaine?! What have you done to my girlfriend, a**hole?!" 'di mapigilang sigaw niya pero tumawa lang nang malakas ang lalaki saka sinenyasan ang mga tauhan.
Nagulat na lang si Zync nang pinagtulungan siyang hubaran ng mga lalaki hanggang sa naka'boxers na lang siya. Ginapos ang mga kamay niya sa likod saka pinasada sa buong katawan niya ang isang detector.
"Negative sir." saad ng lalaking may hawak ng detector.
"We better be cautious, masyadong wais ang protektor mo. Hindi niya hahayaang masaktan ka o mawala ka man sa paningin niya pero I am sure this time, nagwawala na ang babaeng yun ngayon dahil wala ka nang kawala sa kamatayan mo."
"Who are you?! Are you one of those gangsters who were after me?! Bakit niyo ginagawa ito? Ano ba talaga ang kailangan niyo sa akin, ba't gustong-gusto niyo akong patayin?" pigil ang luhang saad ni Zync na ngayon ay nakaluhod na sa harapan ng lalaki.
Biglang nawala ang demonyong ngisi ng lalaki at napalitan ng seryosong awra.
"Yes, you're right. Isa kami sa mga naghahabol sa'yo but you know what? Hirap na hirap ang lahat sa pagpatay sa'yo dahil sa magiting na hero mo. She's really a pain in the ass pero ngayon buti na lang at nakuha namin si Cortez. Hindi lang ikaw ang lalagutan ng hininga, pati na rin ang babaeng pumoprotekta sa'yo pagkatapos ko siyang laspagin mamaya." tumawa nang malakas ang lalaki.
"Don't you dare, dumbass! 'Wag na 'wag niyong sasaktan si Katarina!"
Tumigil ang lalaki sa pagtawa saka nagtaas ng kilay.
"Katarina huh?" tumango-tango ito. "Sounds hot and sexy. Seems this day to be our lucky day then." naglakad palayo ang lalaki pero tumigil.
"Hayop ka!"
"By the way, hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ka nilang ipapatay at wala naman akong pakialam dun." anito na hindi lumilingon sa kanya. "Dalhin na yan sa warehouse and don't let your guards down, any minute by now... dadating siya para sa taong yan." tuluyan itong nawala sa kanyang paningin.
Hindi na siya nakapalag pa nang kinaladkad siya ng dalawang lalaki at dinala siya sa likod bahay. Napapangiwi siya dahil sa mga bagay na tumutusok sa kanyang mga paang walang sapin.
May isang mukhang chapel sa likod bahay pero nagulat si Zync nang pagkapasok nila dun ay isa pala itong malawak na training ground. Malinis ang paligid, may mga drums sa kanang parte, may tila boxing ring sa pinakadulo, may mga armas sa isang parte pero higit na nakakuha ng kanyang pansin ay ang babaeng nakagapos sa pinakagitnang parte ng lugar.
"A-allaine?" mahinang sambit ni Zync at hindi alintana nang malakas siyang itinulak ng mga lalaki. Kinadenahan pa ang kanyang kanang paa na merong mabigat na bilog na bakal.
"Babe!" sigaw niya at akmang tatayo nang bigla siyang linatigo sa likod ng isa sa mga lalaki.
Napadapa siya sa sahig at napadaing.
"B-babe." inangat niya ang ulo at tinukod ang mga kamay upang makatayong muli.
Inasahan niyang lalatiguhin siyang muli pero umalis na ang mga lalaki. Nakatayo na siya pero hindi siya makapaglakad nang maayos dahil sa mabigat na bakal sa kanyang paa.
"Allaine, please... do you hear me?" aniya na paunti-unting naglakad papalapit sa bubog sarado na babae.
Nang ilang hakbang na lang siya papalapit sa babae ay nakarinig siya ng isang mahina ngunit nakakalokong tawa na unti-unting lumalakas at umalingawngaw sa buong lugar. Natigilan si Zync at napanganga nang biglang inangat ng babaeng nakagapos ang kanyang ulo na maluha-luhang tumatawa, mukha itong baliw.
"B-babe?" utal na wika ni Zync pero patuloy pa rin sa pagtawa si Allaine.
Mas lalo siyang nagulat nang bigla itong tumayo at nahulog sa sahig ang taling akala niyang nakagapos sa katawan ng babae.
"A-allaine." napaatras si Zync nang makita ang nakakalokong ngisi sa namamagang mukha ni Laine.
"Tsk. Tsk. Tsk." umiling-iling ito nang ilang beses na tila bang isang malaking pagkakamali ang pagpunta ni Zync dito.
"W-what's the meaning of this?!" unti-unti niyang napagtanto kung ano ang nangyayari. "So you're one of them?! You want me dead too?!" tumakas ang luha sa kanyang mata dahil sa sakit na nararamdaman dahil sa rebelasyong nakalahad sa kanyang harapan.
Tumawang muli si Allaine. "You're really a fool. Tsk. Tsk. Tsk. Siguro kung wala si Katarina matagal ka nang nakalibing. Matagal ka nang wala sa landas namin."
Hindi makapaniwalang tiningnan ni Zync ang babae.
"So all along niloloko mo lang pala ako?! Para ano Laine?! Para kunin ang tiwala ko at patayin?! Wala kang puso! Minahal kita Laine! Mahal kita!" bumuhos ang masaganang luha sa kanyang mga mata.
Ngumiti lang si Allaine saka naglakad palapit sa kanya.
"Gwapo ka talaga, Zync Orlando." anito nang makalapit sa kanya.
Natigilan siya nang marinig ang boses nito nang malapitan. Napaatras siya.
"Y-you... who are you?! You're not her! Hindi ikaw si Allaine!" sigaw niya dito na ikinatawang muli ng babae. "Nasaan si Allaine?! Sino ka?!"
"Magaling. You're not that fool after all..." anito saka umatras.
Napanganga si Zync nang biglang hinubad nito ang bugbog saradong mukha ni Allaine, isang rubber mask ang suot nito. Bumungad sa kanyang nanlalaking mga mata ang isang morena at magandang mukha ng isang babae.
"..but still foolish enough to be caught by death." nakangising dagdag nito.
Kumunot ang noo ni Zync dahil sa pamilyar na mukha nito hanggang sa naalala niya kung sino ang babae.
"Remember me?"
"T-tara... Taranfina Cuenca. You are Taranfina Cuenca." usal niya kaya napalakpak si Tara. "And that guy... it was Raggaison Cuenca." dagdag niya nang maalala ang mukha ng lalaki kanina.
Biglang namutla si Zync nang makilala ang mga taong dumakip sa kanya. Kung nandito si Tara at Raggai, it means nandito rin si Ishmafel Cuenca. Sila ang Cuenca Triplets, ang sikat na trio gangsters ng Helldrix University na kalaban ng Laroa sa lahat ng aspeto.
Cuenca Gang o CG ang pangalan ng kanilang grupo ngunit binansagan sila ng mga estudyante ng Helldrix na TaRaGis Gang dahil sa masasamang ugali nila na deserving murahin palagi at dahil na rin sa kumbinasyon ng pangalang ng triplets.
Nakaharap na ni Zync ang grupong ito noon nung nagfi-feeling gangster pa siya sa isang street fight pero dahil siya si Zync Orlando ay hindi siya nagawang bangasan ng tatlo sa kadahilanang sumulpot bigla ang mga elite guards ng kanyang daddy saka siya sapilitang inuwi sa kanilang mansion.
"Scared?" tanong ni Tara. "Don't be, Zync dahil oras na lang ang bibilangin mo malalagay ka na sa tahimik." anito saka bigla siyang sinapak sa mukha.
Natumba si Zync.
"Why are you doing this?!" bulyaw ni Zync saka pinilit tumayo at masamang tiningnan si Tara.
"Ano ba naman ang isang buhay na meron ka para sa buhay naming tatlo diba?" anito na may malungkot na mga mata. "I'm sorry pero gagawin ko ang lahat 'wag lang kaming magkahiwalay ng mga kakambal ko kapalit ang buhay mo."
Naging mabilis ang mga nangyari at nagawang ipasok ni Tara si Zync sa drum ng walang kahirap-hirap.
Tumulo ang luha ni Zync dahil sigurado siyang katapusan niya na. Hinang-hina na siya dahil sa kapos ng hangin pati na rin sa gutom.
"K-katarina."
*****
Nagtutulakan sina Daniella at Narkizza (Daratina Gang) kung sino ang unang lalapit sa seryosong at parang wala sa mood na mukha ni Katarina.
Hawak-hawak niya ang kanyang cellphone at napapikit nang mariin nang malocate ang kinaroroonan ni Zync. Kanina niya pa ito hinahanap dahil hindi ito nagpakita sa eskwelahan ng buong araw. Nalingat lang siya sandali wala na agad ito.
Tiningnan muli ni Katarina ang screen ng kanyang cellphone. May red dot sa isang specific na lugar at may nagbi-blink na kulay green sa gitna nito kaya kampante siyang buhay pa si Zync. Hindi alam ng lalaki na may nilagay siyang tracking device sa ngipin nito nang may nangyari sa kanilang dalawa.
Maliit lang ito na tila maliit na tuldok lang at hindi matatanggal kahit anong kain o toothbrush. Hindi rin ito made-detect ng kahit anong detector dahil sa ginamit na materyales sa device, isa iyon sa mga imbensyon ng Clementin Empire na si Katarina mismo ang nagdesign.
"Ikaw na..." siko ni Dani kay Narki.
"Ayoko nga. Ikaw na." tulak naman ni Narki kay Dani.
Kanina pa sila nagtutulakan kung sino ang lalapit sa kanya dahil pinatawag sila nito pero nang maramdaman nila ang awra at nakita ang galit sa mga mata ay natakot sila.
"Lalapit ba kayo o papatayin ko kayong pareho?" aniya sabay tutok ng baril sa dalawa. Halos madapa silang dalawa makalapit lang sa kanya.
"Summon Naomi (Lagarri G), Melo (Dark Note G), Stel and Grey (Topp G). We will be on a mission tonight."
Agad tumalima ang dalawa upang tipunin ang mga taong sinabi niya. Napalingon si Katarina sa main door ng black house nang bigla itong bumukas. Pumasok sa loob ang humahangos na si Ryleen bitbit ang new found friend niya na si Yesha (Lagarri Gang), magkasing-edad lang ang dalawa.
"Ateeee! I heard na may mission kayo later?! Aaaaa! Sama kami ni Yesha." Nagtatalon na saad ni Ryleen.
"No."
Napanguso si Ryleen at tiningnan ang tahimik na si Yesha dahil natatakot ito kay Katarina.
"No! Sasama kami!" pagmamatigas ni Ryleen sabay padyak pero natigilan nang tinutukan niya ito ng paboritong niyang baril.
"Go back to the mansion, now." utos niya dito kaya bago niya pa makalabit ang gatilyo ay kumaripas na ng takbo ang dalawa.
**
Nakatungtong si Katarina sa pader ng warehouse na mukhang chapel sa likod ng Cuenca Mansion. Kakarating niya lang at nang makatanggap ng signal na nasa paligid na rin ang kanyang mga kasama ay walang kahirap-hirap siyang tumalon.
Narinig niya ang putukan sa labas at alam niyang hindi siya bibiguin ng mga bago niyang underlings na dating miyembro ng Flamenco. Napangisi siya sa isiping iyon.
"Cuenca Triplets, magiging akin rin kayo." anas niya at tumakbo sa isang direksyon.
Tumigil siya sa pagtakbo nang may sumalubong sa kanya.
"Taranfina Cuenca." aniya. Ngumisi naman si Tara.
"Finally! Nice meeting you Wing Regal. Ikaw pala ang kinakatakutan at tinitingala ng Empyreal Community, ang ayaw pakialaman ng Chthonic Society and at the same time ang malaking tinik sa lalamunan ng Triad." wika nito na para bang manghang-mangha na makaharap siya.
Empyreal Community- a group of different organizations and empires that produces assassins, spies and agents all around the world. (em-pi-ri-yal)
Chthonic Society – underworld or the group of mafia's and gangsters. This is the contrary of Empyreal Community. (thä-nik)
The Empyreal works even with or without the government, basically they are the floating community in which they have their own will to choose who to follow or not. While on the other hand Chthonic works secretly and sometimes illegally. But both are the masters of their own self.
Triad – the rebellion force of Empyreal and Chthonic, composed of three powerful groups including Flamenco Mafia.
"Bilib rin ako sa'yo dahil nahanap mo pa rin si Orlando, hindi nga maipagkakailang ikaw ang pinakamataas na ranggo ng Empyreal. Maswerte ang Wing Organization sa'yo dahil inangat mo nang husto ang inyong angkan pati ang inyong kaharian---"
Hindi na naituloy ni Tara ang nais sabihin nang bigla itong barilin ni Katarina sa dalawang hita. Natumba ito. Naglakad siya papalapit dito at binigyan ng isang malakas na sipa sa mukha.
"Masyado kang madaldal." aniya saka ito iniwas at pumunta sa mga drums.
"Sh*t! Baka hindi na humihinga 'yun." Bulalas niya habang hinahanap si Zync sa mga drums. Rinig na rinig pa rin niya ang putukan sa labas at ang iba pa nga ay nakapasok na sa loob pero hinayaan niya ang kanyang mga underlings.
**
"K-katarina." bulong ni Zync at kasabay nun ay ang pagsilay ng liwanag sa kanyang mga mata. Napapikit siya.
Pero malakas na tumibok ang kanyang puso nang marinig ang pamilyar na boses na nagmumura.
Naramdaman niya ang pagtumba ng drum na kinalalagyan niya kaya naalog ang utak niya at panandaliang nabingi siya dahil sa malakas na impact ng pagkabagsak. Gusto niyang murahin si Katarina dahil alam niyang tinadyakan nito ang drum para matumba.
'Mahilig talaga sa tadyak ang babaeng 'to.' aniya sa kanyang isipan. 'Ba't pa kailangang patumbahin kung pwede man lang niya akong ilabas sa drum sa ibang paraan?'
"Hey..." ramdam niya ang ilang ulit na pagtapik sa kanyang pisnge. Maya-maya nagawa niya ring magmulat muli at makarinig ng maayos.
"Katarina." paos ang tinig na aniya. Yumuko si Katarina saka hinawakan ang pisnge niya.
"I'm sorry." Paulit-ulit na hingi ng tawad nito, napangiti siya.
"Katarina... gago ka talaga." saad niya dahil hindi niya kayang palagpasin ang pagtadyak nito sa drum kung may ibang paraan naman.
Natigilan si Katarina saka napangiwi pero hindi na nito pinansin ang sinabi niya. Galit ang mukhang tinanggal nito ang kadena na may bakal sa kanyang paa. Hinimas pa ng babae ang namumulang balat niya.
"I'm sorry." anitong muli. Hindi niya magawang magsalita dahil sa natutuyong lalamunan.
Tumayo ito saka hinubad ang suot na trench coat, nagulat pa si Zync nang may kinalikot ito sa tela at biglang naging malaking cloak ito. Tinulungan siyang tumayo ni Katarina saka sinuot sa kanya ang cloak.
"Pangit ng katawan mo." anito na ikangiwi niya.
"Patawarin mo ako't nasaktan ka nila at naging pabaya ako." Wika nito na hindi nakatingin sa kanya kaya hinarap niya ang babae saka mahigpit na niyakap.
"Katarina." Sambit niya saka nag-unahan sa pagtulo ang kanyang mga luha.
Sobrang nagagalak siya dahil hindi pa rin siya pinapabayaan ni Katarina.
Pero laking gulat niya nang inikot siya ni Katarina at nagkapalit sila ng posisyon. Naramdaman niya ang pagtama ng isang bagay sa katawan nito dahil mahigpit silang magkayakap. Pinalakbay niya ang kamay sa likod ng balikat nito at naramdaman ang isang bagay na nakatusok doon.
Katarina is stabbed.
Pagtingin niya sa harapan, nakita niya ang nakangising mukha ni Ishmafel Cuenca.
"How sweet." anito na may halong pangungutya. "Akala mo ba Wing Regal kaya mo kami? Hindi porket ikaw ang pinakataas na ranggo sa grupo niyo hindi ko hahayaang sirain mo ang mga plano namin!"
Napalibot ng tingin si Zync at nakitang napapalibutan na sila ng mga tauhan ng triplets. Nakita niya rin si Tara na sugatan sa isang gilid at si Raggai katabi nito.
Nabigla na lang si Zync nang mawala sa bisig niya si Katarina, pati ang kalaban ay nabigla rin dahil sa isang mabilis na galaw ay nagawa nitong paulanan ng shurikens ang tauhan ng triplets na magpaparalisa sa buong katawan ng mga nito.
Hindi nila pinatay ang ibang tauhan, binigyan lang nila ito nang sugat gamit ang kanilang sandata na may lason.
Tumayo nang tuwid si Katarina saka walang ngiwing binunot ang nakatusok ng kustilyo sa likod ng kanyang balikat.
Sumulpot naman ang underlings ni Katarina saka pinalibutan sila. Nagulat pa ang triplets nang sabay-sabay na hinubad ng walong na nakapalibot sa kanila ang suot na maskara. Napanganga sila.
"Traitors." galit na sambit ni Ishmafel nang makilala ang gangsters na kasapi ng kanilang organisasyon.
"Villarosa... what's the meaning of this?" gulat na tanong ni Tara nang makilala si Al na isa sa mga kasama ni Katarina. Nagkibit balikat lang ito saka nilapitan si Sia na tinutulungang makatayo ng maayos ang nanghihina na si Zync.
"Die or deal?" saad ni Katarina.
Napatingin sa kanya ang triplets.
"Wag mong ubusin ang pasensya ng Flamenco, Wing Regal! Hindi mo alam ang kaya nila! Mamamatay rin kami pati kayo. Mamamatay tayong lahat!" sigaw ni Raggai.
Kumuyom ang kamao ni Katarina.
"Alam ko ang kaya nila. Alam na alam ko." sagot ni Katarina na may nanlilisik na mga mata kaya takot na napaatras ang kaharap nitong si Ishmafel.
Naalala na naman ni Katarina ang kahayupang ginawa ni Flynn Flamenco,
"Die or deal." muling aniya.
"Tama na! Hindi ko na kaya! Please mga kuya, hayaan mo na lang siyang sakupin tayo! Gusto ko pang mabuhay! Gusto kong lumaya sa mga anino nila! Kuya Ish, Kuya Raggai please... sumuko na tayo sa kanya. Siya na lang ang pag-asa natin."
"No! Hindi niya tayo kayang ipagtanggol sa Flamenco lalo na sa Triad!" –sigaw ni Raggai.
"Tama ang Kuya Raggai mo, Tara. Kailangan lang nating patayin ang Orlando'ng yan para makuha natin ang immunity at kung mapapatay natin ang Wing Regal, makukuha natin ang pinakamataas na ranggo sa Empyreal! Ipagmamalaki tayo ng Triad!" –Ishmafel.
Natawa si Katarina sa narinig, natatawa siyang nagawa pa ng mga 'to na pag-usapan ang planong pagpatay sa kanya ng harapan.
Umiling ng ilang beses si Tara habang nakatingin naman sila Katarina sa kanila. Si Zync naman ay pinainom na nila Sia ng tubig at gamot na energizer, nakatingin lang ang lalaki sa likod ni Katarina. Nakasuot ito ng hapit na puting longsleeve kaya kitang-kita ang mantsa ng preskong dugo sa damit.
"No! Look at them!" sabay turo ni Tara sa mga dating kasapi ng Flamenco. "They are still alive and free because they are now under her wings! I have been following the Wing Regal for a month and I could tell that she's a good master to them! Mga kuya please, tama na. Sumuko na tayo." pagmamakaawa ng namumutlang si Tara dahil na rin sa walang tigil na pag-agos ng dugo sa dalawang hita na may tama ng bala.
"No!" pagmamatigas ni Ishmafel.
"Hayaan mo nang sumama si Tara sa kanila, Ish. Mas mapapanatag akong nasa panig siya ng Wing Regal dahil tama si Tara sa mga sinabi niya." sabi ni Raggai. "At sasamahan kitang harapin ang deadline natin sa sabado."
"Wag kuya please! Don't do this to me!" sigaw ni Tara na pilit tumayo nang maglakad si Raggai sa isa pang kapatid. Dinaluhan naman agad ito nina Narkizza at Daniella.
"Psh, drama." anas ni Katarina. "It's a deal then." desisyon niya.
"What?!" sabay na sigaw ng dalawang magkapatid dahil sa sinabi niya.
"Are you familiar with this motto: All for one and one for all?" tanong niya kaya natigilan ang dalawa at napatingin sa umiiyak na si Tara. Ang sinabi ni Katarina ay ang kanilang motto. Sabay na napayuko ang dalawa at lumuhod sa harap ni Katarina. Umiiyak ang mga ito saka nilagay ang kanang kamao sa puso.
"I, Ishmafel U. Cuenca promise to serve and protect the Wing Regal the rest of my life together with my siblings: Raggaison U. Cuenca and Taranfina U. Cuenca. Pagmamay-ari mo na kami, Wing Regal." umiiyak na pagsusuko nito.
Napahagulgol naman si Tara dahil narinig at nawalan ng malay.
Napangiti si Katarina saka hinarap ang wala na ring malay ngayon na si Zync na inaakay ni Al. Hinaplos niya ang pisnge nito saka dinampian ng halik ang mga labi.
"Hala! Pervertita!" bulalas ni Sia nang makita ang ginawa niya.
"Katarina. You're stabbed." sabi ni Al.
Napangiti si Katarina na nakatingin lang kay Zync.
"I know, but this wound is all worth it seeing him still breathing."
-End of Chapter 33-
A/N: I apologize for my typos, wrong spellings and wrong grammars. Hoping for your kind consideration!
Enwey! Thank you for reading freaks.
Hugs and kisses,
Atiii CL wl love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com