Three
Chapter 3
Enjoy reading!
3rd.
Henna immediately stood up when their class dismissed. Siya na lang kasi ang naiwan dahil nakatulog siya at ang mga mababait n'yang kaibigan ay iniwan siya kaya nagtatakbo s'yang lumabas at naabutan ang mga kaibigan na naglalakad sa corridor.
Sinundot niya ang pisnge ni Laine nang makatabi niya ito.
"What?!" Inis na bulyaw ni Laine sa kanya kaya nagpeace sign siya.
"Iniwan niyo ako eh." Aniya.
"Kasi sleepy head ka pa rin." Sagot ni Francheska sabay siko ng mahina sa kanya.
"Hi Miss Laine."
"Ang ganda niya talaga."
"Cool."
"Idol."
"Ayiii. Kinikilig ako sa kanila ni Kuya Zync."
Bati ng mga estudyanteng nakakasalubong nila and as usual si Henna at ang mga kaibigan lang ang bumabati rin pabalik kaya 'wag ng umasang papansinin sila ni Laine. Snob at pa'cool eh.
Narating nila ang cafeteria kaya agaw pansin na naman ang kanilang grupo. Silang anim kasi ay galing sa mga mayayamang angkan at maimpluwensya kaya sila ay hinahangaan lalong-lalo na si Laine dahil sa brusko at supladang attitude nito.
Maraming humahanga, may nang'babash, may nag'la'like din at share, meron pang views. Haha! Lels!
Tinungo nila ang reserved table para sa kanilang grupo. Nilingon ni Henna ang kaibigang si Laine na nahuli sa paglalakad.
"Paespesyal talaga." Bulong niya habang nakangising nakatingin dito.
Mas lalong lumakas ang tilian at ingay sa loob ng cafeteria nang pumasok ang tatlong nagsisigwapuhang lalaki. Ang isa na nangunguna sa paglalakad ay may badboy look at may mga piercings sa tenga. Makakapal ang kilay nito na mas lalong nagbibigay kagwapuhan. Ito ang mas ma'appeal sa tatlong lalaki dahil isa rin itong sikat na modelo ng isang kilalang clothing line. Dirediretso itong lumapit kay Lara at humalik sa pisnge ng dalaga.
"Hon." Bati nito sa babae.
"Bryle Monteclaro." Sambit ni Cynthia sa pangalan ng lalaki. "Ahitan natin yang kilay mo? Masyadong makapal eh." Tumawa lang ang lalaki.
Ang isa naman ay may sunny aura at palangiti. Ito ang pinaka'cute at pinakacharming sa tatlong lalaki. At kagaya ni Henna ay feeling politiko ito.
"Hello! Good noon. Sa mga hindi nakakakilala sa akin ako si Rexell Santos!" Bati nito sa mga babaeng freshmen college.
Mas lalong lumakas ang ingay nang pumasok ang huli sa tatlong lalaki. Hindi man kasing ma'appeal gaya ni Bryle o hindi man kasing charming ni Rexell, ang huling lalaki ay hindi magpapahuli sa kagwapuhan. Siya ang pinakamatangkad sa kanilang tatlo at siya rin ang patay na patay sa nobyang si Laine. Agad n'yang niyakap mula sa likod ang nakatayong nobya kaya napatili ang ilan sa sobrang kilig.
Sila ang tinaguriang Perfect Couple ng Laroa University.
"Ayieeeeeeeeee!"
"Kyaaaaaaaa!"
"LaZy!"
"Nakakakilig!"
"Ang sweet talaga ni Kuya Zync."
"LaZy!
"Uyyyyyy! PDA na yan!" Hiyaw ni Henna.
"Hi babe." Bati ni Zync kay Laine sabay halik sa pisnge nito saka ito inakbayan at inalalayang umupo sa bakanteng upuan.
Umay na umay si Henna dahil sa naglalandiang kaibigan kaya nilingon niya si Rexell na pasimpleng nanananching kay Franchesca at kay Cynthia at Al na nagbabangayan. Sinipa niya ng malakas ang paa ni Al sa ilalim ng mesa.
"Ouchy! Sino yung sumipa sa foot ko?!" Hiyaw nito. "Ikaw 'no?" Bintang nito kay Cynthia kaya natatawang pinapanood ni Henna nang halos magsuntukan na ang dalawa.
Pero nakuha ang atensyon ng lahat ng taong nasa cafeteria nang biglang may sumigaw.
"Damn! Why did you that?!" sigaw ni Aica na s'yang Miss Laroa sa kaharap na si Jameson na soccer team captain. Nanlilisik ang mga mata ni Jameson na nakatingin naman kay Rusty Jeturian, ang University Student Government President na kasalukuyang nakasalampak sa sahig at basa ang buong mukha.
"Ikaw'ng bakla ka, bulag ka ba ha?! Tingnan mo ang ginawa mo sa sapatos kong inapakan mo!!" Sigaw ni Jameson sa lalaki.
"Sweet heart! You don't need to push him like that!" Asar na asar na sigaw naman ni Aica sa nobyo.
"Tumahimik ka!" Sabay hablot sa damit ni Rusty patayo at inambahan ng suntok.
At dahil may sa lahing bayani si Tandang Laine, agad s'yang napatayo na sinundan naman ni Zync. Naglakad palapit si Laine sa kaguluhan at hindi na tuloy ni Jameson ang pagsuntok sa kawawang lalaki dahil sinangga ito ni Tandang Laine. Biglang namutla si Jameson nang makita kung sino ang sumangga sa kamao niya.
"L-laine." Utal n'yang sambit. Pabatong binitawan ni Laine ang kamao ni Jameson at saka inalis ang kamay na nakahawak sa damit ni Rusty.
"Get your boyfriend out of here baka mapatay ko yan." Mapanganib na utos ni Laine kay Aica, mabilis namang tumango ang babae dahil sa takot.
Isa rin ito sa katangiang hinahangaan ng lahat kay Allaine Cortez. Ayaw nitong may nakikitang inaapi o sinasaktan. Sadista rin ito sa mga bully kaya takot na takot silang banggain ang babae dahil hindi ito magdadalawang isip na bangasan ang kung sino mang mangbadtrip sa kanya.
Tinulungan ni Laine si Rusty na makatayo ng maayos. Napabuntong hininga naman si Zync at saka bumusangot. Bumalik sila sa pagkakaupo sa kanilang table. Ganun rin si Rusty na umupo sa tabi ni Jessy Lao, ang kanyang V-president. Inis na inis si Rusty habang pinupunasana ng mukha.
"Uy bakla. Ayos ka lang ba?" Tanong ni Jessy sa kaibigan pero inirapan lang siya ni Rusty.
Ngunit biglang tumahimik ang buong paligid na tila may masama at malamig na hanging dumaan. Nakakapangamba ang katahimikang nangyari.
"A-ano yun? Bakit biglang tumahimik?" Nagtatakang tanong ni Franchesca.
Nagkatinganan sa isa't-isa ang grupo ni Laine sabay lingon sa entrance ng cafeteria sa 'di malamang dahilan. Tutok na tutok silang lahat dito na pati sina Aica at Jameson ay natigilan sa paglalakad.
Hanggang sa marinig nila ang tunog ng takong na papalapit sa cafeteria.
"What the hell is that?!" mahinang bulong ni Bryle.
"Nakakasakal ang katahimikan." Ani Henna na nangungunot ang noong nakatutok sa entrance.
Maya-maya pa, natatanaw nila ang isang babae na animo'y naglalakad ng malumanay sa fashion runway, naka'black tank, high waist ragged skinny jeans, black leather heeled boots na ang bukod tanging gumagawa ng ingay at longsleeves na nakatali sa kanyang bewang. Naka'cap ito kaya hindi makikita ang mukha at pati ang buhok ay nakatago sa cap. Tanging nakikita nila ay ang kanyang kulay dugo na mga labi.
Tutok na tutok sa kanya ang lahat na tila inaabangan ang bawat hakbang ng babae. Napatigil pa siya sa may bandang entrance ngunit ni hindi man lang iniangat ang visor ng cap niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad at muling napatigil sa mesa nina Rusty at Jessy. Kitang-kita ng iba kung paano napanganga si Jessy nang tumigil sa mismo sa harap nila ang babae.
Si Rusty naman ay nanatiling blanko ang tingin sa babae at nakakunot noo pa. Taray ng bakla. Nasira ang katahimikan nang biglang umalingawngaw ang isang tawa at tunog ng isang tumatakbong tao papasok sa cafeteria.
"Bwahahaha! That was so fvcking hilarious! Haha! Hey! Dunya! Hahahahaha! That was epic. Fvck! Have you seen their fvcking faces?! Damn, why didn't I take pictures of those fvcking dumbasses?! Haha!" Lintanya ng babaeng tumatakbo tungo sa loob ng cafeteria.
Napatingin ang lahat sa bagong dating na parang baliw na tumatawa, nagmumura at nagsasalita na hindi nila alam kung sino ang kinakausap nito. Napasinghap ang karamihan nang inangat ng bagong dating ang kanyang ulo. Sino nga ba ang hindi mapapasinghap kung ganyan siya kaganda?
"Woah?!"
"Oh my gosh! She's so pretty!"
"She looks like a doll!"
"Who is she?!"
"Dude! Sino sya? Ang ganda grabe!"
"She looks new here."
"Ang ganda nya!"
Nagsimulang magbulungan pero agad rin namang tumahimik nang magsimulang maglakad ang naunang babaeng naka'cap.
"Hey Dunya!" Sigaw ni Sia sa babae pero ni hindi man lang ito lumingon.
"Ansama mo talaga!" Singhal ni Sia na may pilit na tagalog.
Natulala na naman si Al kay Sia kaya pasimple nilagyan ni Cynthia ng bubble gum ang damit ni Al.
"Oh fvck!" Mahinang mura ni Sia nang makitang halos lahat ay nakatingin sa kanya. Gustong-gusto niya na sanang singhalan ang mga nakatingin ay pinigilan niya ang sarili sapagkat binigyan na lang ng matamis na ngiti ang mga nakatingin.
"Hello. Hello." Bati niya.
Pagkatapos ng first subject kanina ay hindi na muling pumasok si Sia.
"Oh hey guys. We've seen each other again." Bati niya kila Laine nang dinaanan niya ang table nila.
"It's you." Mahinang sambit ni Zync na nakatulala kay Sia, nilingon ni Sia ang lalaki at tinaasan ng kilay. "So it means..." Hindi niya natapos ang nais na sabihin at napatingin na lang sa babaeng naka'cap na nakaupo na ngayon sa 'di kalayuang mesa.
Napatingin tuloy si Laine kay Zync at pasimpleng sinamaan ito ng tingin pero 'di nagpaawat ang lalaki sa pagtitig sa babaeng iyon. Tumawa ng mahina si Sia at iniwas ang tingin kay Zync.
"Hi Sia." Bati ni Franchesca sa kanya.
"Hello Chesca!"
"Hey. I'm Rexell." Sabay abot ni Rexell ng kamay kay Sia ngunit tinitigan lang yun ng huli at ngumiti ng malapad sa lalaki pero sa loob-loob niya ay sinasapak niya na ito.
"Hello Rexell. Hello everyone, I'm Sia." Bati niya sa lahat ng nasa table. Napahiyang binawi naman ni Rexell ang kanyang kamay.
Nagtama ang paningin nina Laine kaya mas lalong kumunot ang noo ni Laine nang bigyan siya ng kakaibang ngisi ni Sia.
"Hi Laine." Pero hindi siya sinagot ng babae kaya tumawa siya.
"Aah. I feel bad that it seems you don't like me, Miss Cortez. Anyway, it's fine. I'll get along with you sooner... same with you Mr. Orlando. By the way, that woman is my bestfriend and she hates waiting. Haha! So, have a happy lunch guys. Gotta go!" Aniya habang nakaturo sa babaeng naka'cap saka tinalikuran ang magbarkada.
Dumiretso si Sia sa counter at nag-order. Bitbit ang tray ay umupo siya sa harapan ni Katarina na hanggang ngayon ay suot-suot pa rin ang cap.
"Oh fvck with that cap of yours. You better take that off." Komento niya sa kaharap pero nanatiling nakayuko pa rin ito.
Tumayo si Sia at sinilip ang mukha ng babae, nakapikit ito. Walang pahintulot n'yang inabot ang visor ng cap at hinubad. Slowmong lumadlad sa balikat ng babae pababa ang napakahabang itim na itim na buhok. Katarina slowly opened her eyes. Everybody gasped in amusement when her face finally was shown to everyone. Now they know why Jessy Lao reacted that way when the woman with this goddess like face stopped over their table a while ago.
"She's gorgeous."
"She's a goddess."
"Ang ganda niya!"
"Bongga! Kung magandang-maganda si Sia, her bestfriend is stunning and beyond gorgeous." Bulalas ni Al.
"There you go. You look nicer without this cap Katarina." Ani Sia na ngumiti ng malapad.
Napalingon si Katarina sa pwesto nina Laine at nagtama ang mga paningin nilang dalawa at agad rin namang binaling ni Katarina o Tari ang tingin sa katabi nitong si Zync. Ngumisi siya at tuluyang iniwas ang tingin.
"Weird." Sambit ni Laine.
-End of Chapter Three-
Thank you for reading freaks. God bless you more and more!
Hugs and kisses,
DK (^_^")7
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com