Twelve
Chapter 12
Enjoy reading!
3rd.
Napabuntong hininga si Katarina saka umupo sa sanga ng punong kanina niya pa tinutungtungan. Tanaw na tanaw niya mula doon ang bintana ng kwarto ni Zync at Bryle sa Laroa Hospital. Seryoso lang ang mukha niya habang pinaglalaruan ang gintong dagger na may simbolong pakpak ng ibon sa kamay.
"Pssst. Dunyaaaaa!" Rinig niyang mahinang sigaw sa ilalim ng puno kaya dumungaw siya doon at nakita ang nakabusangot na mukha ni Sia.
"Aren't you going home yet?! I need food!" Halos pasinghal na wika ng babae halatang bad trip dahil siguro sa gutom o sadyang inborn na sa mukha nito ang busangot.
"Go ahead." Aniya saka muling bumaling sa puno. Medyo madilim sa gawing 'yon pero maaari siyang maaaninag kung tititigang mabuti.
"No way dear, you haven't eaten yet since lunch. Are you on diet?!"
Napailing siya dahil medyo napalakas ang boses nito at napalingon sa bintana ang mga nasa loob kaya pilit niyang tinago ang katawan sa trunk ng puno.
"Later Iseah, just go ahead. I need first to secure the area."
Humugot ng malalim na hininga si Sia saka bumagsak ang balikat dahil sa yamot sa kasama.
"Fine. You're being overly fvcking protective to that guy already." Anito na may malakas na boses. "Baka iba na 'yan ha. Pisti ka, bawal ka ma'fall!" Dagdag nito na may pilit at tunog inipit na tagalog. Bumungisngis pa ito bago tumalima bago umalis.
Marahas na nilingon ni Tari si Sia pero nilamon na ito ng dilim at hindi na niya tanaw. Lukot ang mukhang binalik niya ang tingin sa bintana saka bumalik ulit sa dating pwesto.
**
Hindi makatulog si Zync na kahit ilang tabletas at injectable na gamot na ang na'intake niya, masyado siyang nalasing sa nangyari kanina. He still can't believe na muntik na siyang mamatay kanina. Nilingon niya si Bryle na nasa kabilang kama, natutulog. Naoperahan na ito at nakuha na ang bala.
Kakalabas lang ni Laine para bumili ng hapunan, kasama nito si Francheska kaya ang naiwan sa loob ay si Rexell na nakatulog rin sa sofa.
Natatakot siya dahil malinaw na malinaw sa utak niya na siya ang tukoy ng mga gangsters na 'yon, hindi ang mga kaibigan niya o si Laine. Bakit kaya siya gustong saktan ng mga taong 'yon? Bakit pati mga kaibigan niya nadamay. May nagawa ba siyang masama sa ibang tao?
Sinapo ni Zync ang kanyang ulo at napapikit ng mariin dahil nakokonsensya siya sa sinapit ni Bryle. Mas malala kasi ang lagay nito kumpara sa kanya. Nagpa'blotter na rin sila kanina sa pulisya at nalamang mga gangster nga ang mga lalaking 'yon. Nasa watch list na ito ng pulisya dahil sa mga reklamo rin ng ibang tao na nagawan rin ng masama ng grupong ito. Rinig niyang sabi ni Laine kanina na Cancerus gang ang pangalan ng grupo.
Binisita rin sila kanina ng isa sa mga heads ng Laroa, si Mr. Demetry Nolan. Sinabi nito na naayos niya na ang mga nangyari sa parking lot saka naiwas na rin sa publiko at media ang balita. Nagtataka nga siya kung paano nito nagawa dahil masyadong mabilis nalinis ang gusot pero naisip niyang sobrang maimpluwensya ang mga heads ng Laroa ayon sa sabi-sabi ng mga tao.
Alam na rin ng ama niyang nasa Cambodia for business trip ang nangyari at gusto nga nitong umuwi kaso pinigilan niya dahil ligtas naman siya kaya ang ginawa nito ay binigyan siya ng bodyguards na kanyang tinutulan.
Naputol ang pag-iisip ni Zync nang bumukas ang pinto.
"Where na kasi si Henna? Baka tinugis ng babaeng 'yon ang gang na 'yon ha, magkalahi pa naman kayong dalawa Laine, feeling wonderwoman." Pumaibabaw ang tinig ni Al saka bumungad sa kanya ang mukha ng nobya na seryoso at may bitbit na paper bags.
Sumunod naman pumasok si Francheska, Cynthia, Al at Lara na may kanya-kanya ring bitbit.
"Hindi ka natulog?" Tanong ng nobya sa kanya saka lumapit sa bedside table at pinatong doon ang bitbit. "Okay ka lang?" Dagdag nito.
Gumalaw siya para umayos ng upo pero biglang kumirot ang kanyang sugat sa tagiliran at agad siyang dinaluhan ni Laine.
"Ugh... ouch!"
"Huwag ka kasing malikot! Bakit ba kasi nakaupo kana?! Aish." Sermon nito. Natawa na lang siya at inabot ang pisnge ng aligagang babae, marahan niya iyong hinaplos.
"Calm babe, I am okay." Aniya saka sumandal sa unan.
Bumuntong hininga ito at tiningnan siya sa mga mata. Bakas sa mga mata nito ang konsensya at pag-alala.
"I love you." Sambit nito kaya ramdam niya ang pag-init ng pisnge niya. Napakamot siya ng ulo at matamis na ngumiti.
Naghagikhikan naman ang mga kasama sa loob na inaayos ang kanilang hapunan dahil sa kanilang dalawa. Nagising si Rexell na may mga pasa rin sa mukha. Pinagsaluhan nila ang pagkain. Sinusubuan siya ni Laine kaya kilig na kilig ang leche.
Ngunit napakunot ang noo niya nang makarinig ng mahinang sigawan sa labas ng bintana. Sa tabi kasi ng bintana ang kanyang kama, sabay silang napalingon doon ni Laine pero hindi na rin nila iyon pinansin dahil baka may tao sa labas.
Nagkulitan at nag-usap muna silang magkabarkada hanggang sa nag-uwian na ang mga ito, ayaw sanang umuwi ni Laine at Lara pero pinauwi niya ang mga ito para magpahinga na napapayag niya naman.
Alas onse na ng gabi pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Pinaiwan niya kaninang bukas lang ang bintana dahil gusto niya ng preskang hangin kesa sa aircon, feeling niya nasusuffocate siya.
Nakatingin lang siya sa labas ng bintana kung saan kitang-kita niya ang puno ng mga bituin na langit. Tumatakbo sa kanyang isipan ang mga nangyari kanina, nararamdaman ni Zync na hindi pa matatapos ang mga pangyayaring ito, na may kasunod pa na maaaring mas masama pa kaysa dito, na mas masasaktan siya. Ayaw niyang madamay ang mga kaibigan kaya gusto niyang tapusin kung ano man ang kailangan ng Cancerus. Gaya gumawa siya ng sariling plano...
Naputol ang kanyang malalim na pag-iisip nang makarinig siya ng malakas na reklamo ng isang gutom na sikmura. Mabilis siyang lumingon kay Bryle pero alam niyang hindi galing sa loob ang tunog kaya binalik niya ang tingin sa bintana pero hindi sa langit kundi sa may puno sa labas. May nakita siyang gumagalaw na silhouette ng tao doon kaya biglang nilukob ng kaba ang kanyang dibdib.
"Who are you?!" Malakas niyang sigaw. Sa takot ay napaupo siya at hindi napansin ang pagkirot ng sugat.
Naaninag niyang lumingon ang taong 'yon sa kanya na nakaupo sa sanga at nakasandal sa trunk, mukhang nagulat rin ito sa boses niya kaya bigla itong nahulog sa puno.
"Aww. Fvcking'ina!" Rinig niyang daing nito at napagtantong babae ang nahulog kaya hindi alintana ang sugat na muling dumudugo, mabilis siyang tumayo at tumakbo sa bintana bitbit ang dextrose.
Dumungaw siya sa bintana pero wala na siyang nakitang babae sa baba.
"Saan na 'yon?" Takang tanong niya. Ang kaninang kaba na nararamdaman ay biglang napalitan ng kakaibang pakiramdam. Feeling niya kung sino man ang taong 'yon ay binabantayan siya at sinisigurong ayos siya. Napangiti siya ng wala sa sarili.
Naabutan siya sa gano'ng sitwasyon ng attending nurse nila at doon niya lang napansin ang dumudugong sugat kaya pagkatapos malinisan ang sugat pinainom si Zync ng pampatulog.
**
Sapu-sapo ni Katarina ang beywang habang nakasandal sa katawan ng puno, hindi niya maitago ang ngiwi sa mukha dahil sa sakit ng pagkahulog. Nakatulog pala siya habang nakaupo sa sanga at nagulat sa malakas na sigaw ni Zync kaya nahulog siya. Tumunog ang kanyang sikmura kaya napailing siya at ngayon lang nakaramdam ng gutom. Hindi nagtagal umalis na rin siya sa hospital nang makasigurong walang kahina-hinala sa paligid at may iniwan na rin siyang taong magbabantay sa dalawang binata.
Umuwi siya sa bahay at agad kumain. Pagkatapos kumain ay tinungo niya ang hardin saka umupo sa damuhan.
She looked up to the starry sky and let her brain fly back to the yester. Napangisi siya nang maalala ang huling paghaharap nila ng kanyang lolo.
'I know you're up to something, Lolo.' she said mentally.
Alam niyang hindi lang ang nagawang kapalpakan sa huling mission ang dahilan kung bakit sila pinatapon sa Pinas at tinanggalan ng access sa buong organisasyon kung saan sila nabibilang, Wing Organization.
A group of secret agents mostly assassins who were paid to kill and to hunt down prey for a huge amount of money and benefits, Wing assassins were known to be heartless and brute. Wing Organization is under Clementin Empire who holds the Sovereignty of Slovenia.
The Empire as well as the organization is being protected by the government and at same time being feared. Syndicates are also distant from Wing agents, because no one can bribe Wing Organization. They are neutral but they believed in their own meaning of justice.
Wing agents/assassins were highly educated, skilled and well-trained, they undergone training since they were kids and being sent to mission when they reach the right age which is 16. Katarina Clementin is one of the best agents as well as Iseah Frost.
Lord Malachi Alexandrous Clementin is the Wing lord and the reigning King of Slovenia.
**
Kinabukasan.
Nakaupo si Katarina sa isang bench sa harap ng Laroa Botanical Garden. Kunot-noong kinuha ni Tari ang kanyang tablet sa bag. Binuksan niya iyon at agad nag'tipa.
"How can I catch you, Flynn?" Tanong niya sa sarili.
She typed the word FLAMENCO. Many articles appeared but one caught her attention, an article with a logo in it as its icon. A silhouette of a woman doing a pace for a flamenco dance with the word flamenco around the circle is the logo and the letter F under it. She tapped to open it but she failed because it is a private website. She sighed and fished out her phone to call someone she knew who can help her.
"Aaah-Oh my--- hello who's this?! Don't --- ah - you know--- you're disturbing ---- Oooooh faster honey! --- me?!" Napangiwi si Tari dahil sa bumungad sa kanya.
"Morisette." Seryosong saad niya sa kausap sa telepono.
"Oh my! Stop! Stop! Stop honey! Stop right there! This is important, get up and leave---" Napangisi si Tari dahil sa narinig niyang pagkakataranta ng kausap.
"But honey---" Rinig niyang reklamo na isang baritonong boses.
"No buts, I'll call you tomorrow. Let's make it wilder!" Malanding wika ng babae kaya napairap si Tari.
"Kyaaaaaaa! Katarina?! Is this you?" Sigaw maya-maya ng babae sa kabilang linya.
"Can you be more disgusting than that Morry?"
"Oh shut up, you weren't born yesterday. I sacrificed a night for you. But kyaaaaaa! You called! I missed you Tari! How are you?"
"I need your help." Napatingin si Katarina sa kanyang paligid at nakitang nag-iisa lang siya sa buong lugar.
"Oh?" parang hindi siguradong sagot ng kausap.
"Would you?"
"Tari... but your grandfather warned me about you asking for help." Nag-aalinlangang sagot ni Morisette. Tumawa si Tari ng mapakla.
"That old man. Tss."
"But because you are special to me, I will help you Tari." Nagliwanag agad ang mukha ni Tari dahil sa bawi ni Morisette. "Secretly." Nakakalokong dagdag nito.
"Are you sure?"
"Yeah, you're my best friend woman. I'll do any favor from you, you know that. How's Iseah by the way?"
"She's doing good but still foulmouthed." Tumawa ng malakas ang babae.
"That has no chance of changing Iseah will always be a fvcking word automated machine."
"And you're the fvcking machine." Nakangiwing aniya. Tumawa ng malakas ang kausap.
"I've been to heaven more than fifty times this week yet you are depriving yourself, loosen up Queen." Mas lalong lumukot ang mukha ni Katarina at napairap.
"Zip your mouth, you're gross. Anyway, are you ready to listen to my request?"
"Old maid... psh! Okay fine, all ears on you babe."
Katarina explained to Morisette what she needs and wanted to know. Morisette Everstrife, her and Sia's comrade in W.O. She's a wing agent slash assassin but she's part of intelligence department for her exceptional skills in computer especially in hacking. She's known for the name Hacking Mistress.
"Okay. I'll just beep you up everything first thing in the morning." Napangiti si Katarina.
"How are they?" Biglang tanong niya.
"Who?"
"Them." Makahulugang aniya.
"Oh, the twins? They're doing fine highness. Jane is taking good care of them but they keep on asking about you." Napayuko siya at napakagat labi. Pinipigilan ang pagtulo ng nangingilid na luha.
"I miss them."
"Ow? Don't worry, I'm gonna send you a video of them. Cheer up sweetie I know they misses you a lot too, maybe anytime soon if I could take them out in your grandfather's eyes, we will fly there ASAP."
Napangiti siya.
"Don't worry about it, Morry. They are safer there, six months will be fast."
Natapos ang tawag at napabuntong hininga si Tari na may bagsak na balikat.
Napatingin sa kawalan si Tari at bumuntong hininga. Bata pa lang siya, ganito na ang buhay niya. Buhay na pumapatay ng taong pumapatay. Napayuko siya atsaka nilaro ang singsing na kanyang suot.
"A life that kills those who kill." Saad niya at napangiti ng mapait. Natigilan siya nang may naramdamang presensyang palapit sa kanya. Napangisi siya. Tumigil ang mga paa ng taong 'yon sa harap niya. Tinitigan muna ni Tari ang sneakers nito papuntang ripped pants ng hanggang sa tight sleeveless shirt na pinatungan ng grey cardigan. Nang magtama ang mga mata nila agad niyang itinago ang ngising pilit lumalabas.
Matagal silang nagtitigan hanggang sa ang bagong dating na mismo ang umiwas bago umupo sa kanyang tabi. Ilang minuto muna ang hinintay nito bago magsimulang magsalita.
"Who are you?" Walang emosyong tanong nito sa kanya. Nanatiling nakatingin sa malayo si Tari at batid niya ring hindi nakatingin sa kanya ang babae.
"I am nobody." She answered monotonously.
"What exactly are you?" Tanong nito ulit pagkatapos ng ilang minuto. Umangat ang isang sulok ng labi ni Tari dahil sa mga tanong ng katabi.
"I have wings Allaine sometimes horns but don't worry I don't have tails nor fangs." Aniya.
Tumawa ng nanunuya ang katabi.
"I know you're up to something. Tell me Katarina, why did you come in to our world? Are you going to ruin everything around us?" Napalingon si Tari dito at tumawa ng malakas.
"Oh? Did I already enter your world, Miss Cortez?" May bahid rin ng panunuya ang kanyang boses. Napatingin rin si Laine sa kanya at matatalim ang mga titig nito pero nilabanan iyon ni Tari ng blankong mga titig.
"This is yours. I know this belongs to you." Sabay bato sa kanya ng isang matigas na bagay na kulay ginto. Sinalo iyon ni Tari gamit ang dalawang daliri. Tumawa siya saka tiningnan ang kanyang golden dagger.
"Thanks but how?" May ngising sabi niya. "Interesting."
"I saw this symbol once." Tukoy nito sa simbolo na nasa dagger. Mas lalong umangat ang sulok ng labi ni Tari.
"Where could it be?" Intersado-interesadong tanong niya.
"Strip naked to make it visible." Tugon nito na may mga matatalim na tingin.
Tari laughed knowingly and ended it with a glare to Laine.
"Uh-oh, don't be so creepy Miss Cortez. Are you fantasizing my body? Don't tell me you're not straight?" Tumawa siya. "You can have this." Sabay abot uli ng dagger sa katabi.
"I don't use a weapon which kills. I am not a killer like you." Matigas na tanggi ni Laine habang masama ang titig sa kamay ni Tari na hawak- hawak ang dagger.
"Having this kind of thing doesn't mean you have to kill, Laine. I want you to have this."
"I don't need that especially coming from you."
"It's saddening me to get rejected by you, Miss Cortez."
"Shut up. I don't like you ever since you show up in this school. I could feel that you bring no good to everyone."
"But I am not really good, I am worse than any Laine. Take this, I want you to always remember that I already exist in your world and you'll be having a hard time of getting rid of me." Pinatong ni Tari ang dagger sa ibabaw ng hita nito. "Yet, I assure you I don't mean danger to anyone." Tumayo siya.
"Why?" Tanong ni Laine sa kanya habang tinitigan siya.
"As what you've said, I entered you world and I know your origin. Time is coming that everything will go backside down and I need to protect someone."
"You're enigmatic." Nagugulihang sambit nito. Lumingon siya kaya nagkatinginan sila.
"I know, Laine. I know..."
Maya-maya pa umingay na ang paligid, palatandaan na tapos na ang klase.
"Girls look!"
"They're together!"
"Gosh! Ang dalawang astig magkasama!"
"Are they friends?"
"They are both pretty."
"Hahaha! Come to think of it magkasama silang dalawa. 'Yung isa mukhang galit parati sa mundo (sabay turo kay Laine) at 'yung isa naman parang walang pakialam sa mundo (sabay turo kay Tari)! Hahaha! Grabe. They can be called The Weirdo Duo."
Bumalik sa pagiging walang emosyon ang mga mukha nina Tari at Laine. Kumunot ang noo ni Laine at blanko naman ang mga mata ni Tari. Tumayo na rin Laine at naunang maglakad paalis hawak-hawak ang dagger ni Tari.
Napatingin sa kamay nito si Tari at napangisi saka naglakad na rin paalis dahil may kailangan pa siyang bisitahin sa ospital.
"Kyaaa! Papunta sila rito."
"Hi Ate Laine!"
"Hello Ate Tari!"
"Ang ganda niyo! Peshur naman tayo."
Nang marating ng dalawang babae ang hallway sabay silang huminto habang nakaharap sa magkabilang direksyon bali nakakatalikod sila sa isa't-isa. Sabay na humugot ng malalim na hininga at sabay humakbang paalis.
-End of Chapter 12-
Thank you for reading freaks!
Hugs and kisses...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com