Twenty
Chapter 20
Enjoy reading!
3rd.
Hindi mapigilan ni Zync na 'wag mangamba habang tinatahak niya ang isang private room sa hospital. Nakatanggap siya ng tawag kanina at hindi niya nagustuhan iyon. Kumatok siya sa pinto ng kwartong sadya na agad rin namang bumukas. Bumungad sa kanya ang isang magandang mukha ng isang dalaga na kasing edad niya.
"Ikaw ho ba si Zync Orlando?" Tanong nito na may seryosong mukha. Tumango lang si Zync. "Good afternoon. Halika pasok." Aya nito sa kanya kaya agad siyang pumasok.
"Kakagising lang ni Papa. Sige, iwan ko muna kayo para makapag-usap." Saad ng dalaga saka lumabas ng kwarto.
Naglakad siya papunta sa loob. Nakita niya ang isang may kaedarang lalaki na may benda sa ulo na nakahiga sa kama. Ngumiti ito ng matamlay sa kanya nang magtama ang kanilang mga paningin.
"Good afternoon, Sir Zync." Bati nito sa kanya.
"Detective Marquez." Aniya saka umupo sa silyang nasa gilid ng kama. "What happened?" Nag-alalang tanong niya.
Ang lalaki ay si Detective Marquez. Matagal na nagtatrabaho under his dad, isa itong matinik na detective kaya ito ang kinuha niya para umasikaso sa isang bagay.
"I'm sorry po, sir Zync pero hindi ko na po magagampanan ang trabahong binigay niyo." Anito na halatang may kinakatakutan.
"Bakit? Kulang ba ang bayad ko sa'yo? Sige dodoblehin ko kung 'yon ang gusto mo. Diba magaling ka?"
Umiling ang lalaki.
"Pasensya na po pero mas importante ho ang pamilya ko kaysa sa pera. Hindi ko po magagawa ang gusto niyo kung ang kaligtasan ng pamilya ko ang kapalit."
"Sabihin mo sa akin Detective Marquez kung ano ba talaga ang nangyari kung bakit ka humantong dito?"
Nagdadalawang isip muna ang lalaki bago magsalita.
"May nakuha na po akong impormasyon sa mga taong gustong patayin ka pero natunugan ng grupong 'yon ang pag-iimbestiga ko. Kinidnap nila ang anak ko, 'yong nandito kanina kaya pumunta ako sa lugar na sinabi nila at ito ang nangyari sa akin..."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?!" Malakas na singhal niya dahil sa inis.
"Pinagbantaan nila ako na papatayin ang anak ko kung malalaman mo kung sino sila! Kaya kung pwede po umalis na kayo dahil alam kong nasa paligid lang sila, binabantayan ang bawat kilos mo."
Gusto pa sanang makausap ni Zync ang detective dahil sa sinabi nito sa nakuhang impormasyon pero hindi na ito umimik pa at bumalik na ang anak nito saka siya pinagtabuyan paalis. Naiiyak si Zync sa nangyari. Kinuha niya si Detective Marquez pagkatapos mangyari ang insidente sa parking lot kung kailan sila naospital ni Bryle pareho pero ito lang ang kahihinatnan ng lahat.
Hindi niya alam kung ano ang susunod na gagawin. Nangangamba kung kailan siya ulit malalagay sa panganib. Dumiretso siya sa kanyang kotse saka dumukmo sa manibela.
"What shall I do now? Detective Marquez is the best detective I could get but this... argh! Damn it! Baka matuluyan na ako sa susunod nilang gagawin sa akin o ang masaklap pa may madadamay na naman. Paano kaya kung uuwi na lang ako sa Hawaii? Para hindi madamay ang mga malalapit sa akin. Aish! Nakakainis naman eh. Ano na ang gagawin ko? Sino ang lalapitan ko?" Tumulo ang luha ni Zync sa kawalan ng ideya sa kung ano ang dapat niyang gawin.
*****
Katarina just woke up after 6 hours of deep slumber. Naglalakad siya pababa ng hagdan nang sinalubong siya ni butler Clark. Tumigil siya sa paglalakad at tiningnan ang butler.
"Good evening, Miss Katarina. You have a visitor waiting downstairs." Anito saka yumuko at naglakad pabalik pababa. Ni hindi man lang siya hinintay sumagot. Uma-attitude din ang butler niya eh.
Hanep.
"Who would it be?" Ang sarili na lang niya ang tinanong. Imbis na mainis sa inasta ng butler ay nagpatuloy siya pababa ng hagdan.
Dumiretso si Katarina sa receiving area at nagulat sa kung sino ang bisita niya. Hindi niya na pala kailangang puntahan ito para bantayan dahil kusang lumapit na ang kanyang subject for protection. Sinalubong niya ang tingin nito.
"Katarina." Sambit nito at tumayo.
"You may sit." Aniya at sabay silang umupo nang magkaharap.
"What brings you here, Mr. Orlando?" Nakataas ang kilay na tanong niya.
Matiim niya itong tinitigan and she could tell that her visitor seems to be troubled over something. His eyes speak anxiousness. Hindi ito umimik kaya sinenyasan niya ang mga tauhan na nakatayo sa kanilang paligid na iwan silang dalawa. Nakayuko lang ang lalaki halatang may pinagdadaanan.
Tumayo siya at umupo sa tabi nito, napalingon si Zync sa kanya.
Nagkatitigan silang dalawa. Walang may nagsalita hanggang sa si Katarina na mismo ang umiwas ng tingin at bumuntong hininga. Nanatili namang nakatingin sa kanya si Zync na tila gustong-gusto nang magsalita pero hindi magawa.
"Sabihin mo na." Saad ni Katarina na nakatingin lang ng diretso sa harap. Seryoso ang boses niya. Napalunok naman si Zync saka muling tumungo. "Don't make me wait, Orlando." Dagdag niya pa.
Tumikhim si Zync. "I-I don't know what to do anymore." Mahina at nauutal na wika nito at muling tumahimik.
"Then do nothing." Sagot niya kaya napalingon sa kanya ang katabi na naguguluhan.
"H-hindi mo pa nga alam ang lahat." Nakangusong sabi ni Zync.
"Edi sabihin mo para malaman ko. That easy." Sabay lingon kay Zync at tinaasan ito ng kilay. "What's bothering you, Orlando? Tell me."
Huminga muna ng malalim si Zync bago nagsalita. "N-nasa panganib ang buhay ko, Katarina. Sunod-sunod na piligro ang nangyayari sa akin ngayon. May gustong pumatay sa akin. Ang hindi ko matanggap may nadadamay na at isa ka na do'n. Hindi ko alam kung paano mo nagawa ang pagliligtas sa akin at ayaw ko ring magpasalamat dahil nilagay mo ang buhay mo sa panganib. Nakokonsensya ako, Katarina. Nahihiya ako sa inyo, sa mga taong nasaktan dahil sa akin." Pag-aamin nito at bakas ang paghihirap sa mukha.
Hindi nagsalita si Katarina, hinahayaang maglabas ng mga problema si Zync.
"Hindi ko masabi kay Daddy ito dahil mag-aalala siya. Ayaw ko namang sabihin sa mga kaibigan ko dahil siguradong magfe-freak out sila, ngayon pa nga lang hindi na sila mapakali lalo na si Laine at ikaw ang pinaghihinalaan nilang may gawa sa panggugulo sa amin."
Mas lalong tumaas ang kilay ni Katarina.
"Napansin nila na nagbago ang lahat simula ng dumating kayo. Ayaw kong maniwala sa sinasabi nila dahil wala silang pruweba. I hired a private investigator para dito pero pati siya nalagay rin sa panganib ang buhay at pinutol niya na ang koneksyon namin. Hindi ko na alam ang susunod na magiging hakbang ko, Katarina. Ayaw ko nang may masaktan na ibang tao dahil sa akin, nahihirapan na ako."
Sinapo ni Zync ang mukha gamit ang dalawang palad. Tiningnan naman ni Katarina ang lalaki. Hindi niya alam kung paano ito iko-comfort. Hindi siya sanay sa taong naglalabas ng mga hinaing tulad nito. Nasanay siyang puro matigas ang kalooban at walang pakialam na mga kasama.
"Bakit ka nandito ngayon? Bakit sa akin mo sinasabi ang lahat ng 'yan?" Tanong niya dito.
Napatingin si Zync sa kanya habang nakatungo pa rin at nakadikit sa mga palad ang kanang pisnge nito. Hindi ito sumagot dahil nahihirapan rin ito, hindi mahanap ni Zync ang sagot sa tanong ni Katarina, masyadong mahirap sagutin.
"I-I don't know, Katarina. H-hindi ko alam." Mahinang sagot nito kasabay nang pagtulo ng kanyang mga luha.
Natigilan si Katarina habang nakatingin pa rin sila sa isa't-isa. Biglang kumirot ang kanyang puso dahil sa tanawin. Nararamdaman niya ang paghihirap ng lalaki at pati siya nahihirapan na rin. Gusto niyang sabihin dito na huwag mag-alala dahil ito ang rason kung bakit nasa Pilipinas siya ngayon, na si Zync ang unang dahilan kung bakit siya nag-aaral sa Laroa, na si Zync ang taong responsibilidad niya para protektahan. Gusto niyang isatinig ang sinasabi ng puso niya na huwag matakot dahil gagawin niya ang lahat huwag lang masaktan ang lalaki, na kaya niyang patayin kung sino mang manakit dito. Gusto niyang ipaalam na si Zync ang kanyang kasalukuyang mission.
She stretched out her right arm and reached Zync's tear-filled face. Marahan niyang pinahid ang luha nito sa magkabilang pisnge, napapikit naman ang lalaki.
"I don't have any idea on how to comfort someone." Panimula ni Katarina habang pinapahiran ang tumutulo pa ring luha, napamulat ang lalaki at tiningnan siya. Napako naman ang mga mata ni Katarina sa sariling kamay na nasa pisnge ng lalaki. "And I want you to know that I won't ever regret what I did before, catching an arrow for you is worth it." She let out a faint smile.
Binawi niya ang kamay at umiwas ng tingin saka umayos ng upo.
"K-katarina..."
"I could see that you're troubled and I'm glad that you chose to come here instead of going anywhere else. I can't assure your life's safety but this I promise you, I won't ever let anyone hurt you Orlando." Saad niya at nilingon ang lalaki. Ilang sandali nag-usap ang kanilang mga mata.
"Bakit ka nagsasalita ng ganyan?" Sa wakas nahanap ni Zync ang boses. Mas lalo itong nahihirapan sa sinabi niya. Dumagdag ang iisipin ng lalaki.
"I'm not a hero or a villain but I could protect you from both." Makahulugang aniya saka tumayo.
"Katarina..."
"H'wag ka nang masyadong mag-isip tungkol diyan, Orlando. Hayaan mo akong problemahin 'yan." Saad niya habang nakatalikod sa lalaki.
Hindi nakaimik ang lalaki at sa ikalawang pagkakataon nawalan ito ng boses. Naguguluhan ito sa mga sinabi ng babae and at the same time tumututol sa lahat ng sinabi niya. Hindi rin alam ni Zync kung bakit si Katarina ang nilapitan, gusto lang nito nang taong makausap at mapagsabihan ng mga dinadalang problema. Hindi nito inaasahan ang mga sinabi niyang siya ang bahala sa kaligtasan ni Zync.
"W-who are you, Katarina?" Pilit ang boses na tanong ni Zync sa kanya na nagawang palingunin siyang muli dito.
"I am nobody. Bored ako at gusto ko lang nang may pagkakaabalahan."
*****
Umalis si Zync sa mansion ng mga Clementin na may magulong isipan. Hindi niya maintindihan si Katarina kung bakit sinabi nitong poprotektahan siya sa mga panganib. May parte ng kanyang puso na natutuwa pero mas nangingibabaw ang pangambang maaaring masaktan ito ulit nang dahil sa kanya. Pagkatapos nitong sagutin ang tanong niya kanina ay bigla na lang itong umalis at hindi niya alam kung saan pumunta.
"Ni hindi man lang ako inayang mag-dinner, eh ang yaman-yaman. Buraot naman. Gutom na gutom na ako." Reklamo niya habang nakatingin sa engrandeng mansion. Nakaupo na siya ngayon sa loob ng kotse at pilit pinapakalma ang sarili.
Kinakabahan na naman siya na baka may mangyari sa kanyang masama ngayon. Gabi na rin kasi.
"Poprotektahan daw pero hindi man lang ako ihahatid pauwi. Anong akala niya sa sarili niya, si wonderwoman? Pero hindi naman raw siya hero baka siguro kalahi niya sina Lara Croft at Aeon Flux."
Sa huling pagkakataon nilingon niya ang Clementin Mansion.
"Hindi ako papayag na ikaw ang poprotekta sa akin." Puno ng kaseryosohang usal niya.
Simula nang makilala niya si Laine, ito ang parating pumoprotekta sa kanya tapos ngayon pati ba naman si Katarina. Eh hindi naman siya bata o babae na pagmumukhaing mahina. Nakakasakit na rin sa ego ang mga babae ngayon. Masyadong mataas ang sense of responsibility to the point na pati ang pagpoprotekta sa lalaki ay aako-in.
"Psh."
Binuhay niya ang sasakyan at pinatakbo na ito ngunit pagkalipas ng ilang minuto, napansin niya ang pabilis na pabilis ng pagtakbo ng kanyang kotse. Nawawalan na siya ng control at hindi gumagana ang preno.
"Sh*t!" Mura niya nang wala na talaga siyang control sa sasakyan. Marahas niyang kinakabig ang manibela upang iwasan ang ibang kotse sa daan.
"Damn! Damn! Damn!" Sabay hampas ng ilang ulit sa busina upang mabalaan ang mga sasakyang kasabay at nakakasalubong na nasa hindi magandang sitwasyon siya.
Gumewang-gewang na ang kotse buti na lang humahawi naman agad ang ibang sasakyang nakakapansin sa kanyang sitwasyon. Laking ginhawa niya nang makalabas sa highway pero nakabuntot na sa kanyang likuran ang mga police cars dahil sa overspeedng na siya at mukhang batid na rin ng mga 'to na wala na siyang control sa sariling kotse.
Tumulo ang luha ni Zync dahil nagdilang demonyo nga siya sa sinabi kanina na may mangyayaring masama sa kanya ngayong gabi. Naiyak siya dahil mamamatay siyang walang laman ang sikmura.
Tatanggapin na sana ni Zync ang mapait na kapalaran nang makarinig siya nang kalabog sa pinto ng kotse sa kanan. Napalingon siya at nakita ang isang babae na nakasakay sa motorsiklo at pilit sinasabayan ang pagharurot ng kanyang sasakyan. Nagulat siya nang makita ang galit na mga mata nito habang nakaturo sa harap kaya napabaling siya agad sa harapan at nakitang didiretso ang kotse niya sa barricade ng kalsada na bilang pananggalang sa dagat. Pumosisyon na rin sa magkabilang gilid at likod ng kotse niya ang mga patrol cars para hindi makadamay ng iba.
Nilingon niyang muli si Katarina nang kumalabog muli. Sinenyas nitong buksan ang pinto kaya sa taranta agad niyang binuksan ito. Napasigaw si Zync nang biglang sumampa si Katarina sa bukas na pinto at pumasok sa loob. Samantala, tila may sariling isip naman ang motorsiklo ng babae na tumigil sa gilid ng kalsada.
"Tingin sa harap!" Sigaw ni Katarina nang mapansing nakatulala siya sa mukha nito.
Napamura ng ilang ulit si Zync nang makita ang isang matandang magbabalot na naglalakad sa gilid ng kalsada na hindi napapansin ang kanyang pagewang-gewang na sasakyan.
"Damn it! Ang matanda! Masasagasaan ko! Katarinaaa!" Sa takot at taranta ni Zync ay bigla siyang nahimatay kaya napamura si Katarina dahil dito.
Mabilis na hinawakan ni Katarina ang manibela at niliko pakanan, nagpapasalamat siyang lumiko pa ito kahit wala na silang control dito. Nagawa niyang sagipin ang matandang nahimatay dahil sa gulat. Binunot niya ang susi ng kotse ni Zync at napapikit si Katarina dahil sa malakas na pagsalpok ng kotse sa barricade. Nawasak ito at tumilapon sila sa dagat.
Bigla siyang nabingi at sandaling nawalan ng ulirat pero naisip niya ang walang malay na kasama. The car was fast drowning. Tari unbuckled Zync's seatbelt and tried to wake him up. The water was already leaking inside the car. Hindi niya magising si Zync kaya malakas niyang sinapak ang lalaki. Nagising ito at biglang nagwala.
"Waaa! Nalulunod na tayo! I'm gonna die! I'm gonna die! I'm gonna die!" Paulit-ult na sigaw nito habang parang kiti-kiti sa kinauupuan.
"Talagang mamamatay ka kung hindi ka lalabas! Get out!" Bulyaw ni Katarina sa lalaki.
Lumangoy na palabas at paahon si Katarina pero kinabahan siya bigla nang walang Zync ang nakasunod sa kanya. Humugot siya ng hangin at muling nag-dive. Gabi na at nahihirapan siyang hanapin ang kotse dahil itim ito pero buti na lang glow in the dark ang suot na sapatos ni Zync. Nakita niya itong nahihila pailalim kasama ang kotse. Mabilis siyang lumangoy papunta sa lalaki na naglilikot para makalangoy pataas pero naipit ang damit nito sa may pintuan kaya kaya ito nahihila.
Nang makalapit si Katarina mabilis niyang sinapok ang ulo ng lalaki dahil hindi ginagamit ang utak. Hinawakan niya ang laylayan ng damit nito at hinubad. Inakay niya si Zync pataas para makaahon dahil malapit na rin siyang mawalan ng hangin pero naramdaman niya ang pagbigat ng lalaki at nakitang nahihirapan na itong makahinga.
Kinabig niya papalapit si Zync at nilapit ang labi nila sa isa't-isa. Binugahan niya ito ng hangin hanggang sa maramdaman niya ang paggalaw ng labi nito sa mga labi niya. Dumagundong ang puso ni Katarina sa simpleng galaw nito. Hindi na nila namalayan na nakaahon na pala sila, napapikit si Katarina dahil sa walang tigil na paggalaw ng mga labi ni Zync. Halos maubusan na siya ng hangin gano'n rin ang lalaki kaya dumistansya ng bahagya ang labi nila sa isa't-isa upang makahinga.
Dahil sa alon, natangay sila hanggang sa narating nila ang malumot na sea wall. Lumapat ang mga paa nila sa maliit na semento na nagsisilbing hagdanan pataas. Halos wala pa ring distansya sa pagitan nila dahil mahigpit silang nakakapit sa isa't-isa. Nakasandal si Katarina sa sea wall habang nasa harapan niya si Zync. Hanggang dibdib nila ang tubig-dagat pero tila wala silang pakialam dahil nalulunod sila sa mga mata ng isa't-isa.
Nagpapasalamat si Katarina na madilim at hindi maaninag ni Zync ang asul niyang mga mata dahil nahulog na ang suot na contact lenses.
"Katarina." Mahinang usal ni Zync saka hinawi ang buhok na dumikit sa kanyang pisnge.
Napapikit si Katarina nang muling naglapat ang kanilang nag-iinit na mga labi. Napayakap siya sa katawan ng lalaki habang ito naman ay nakahawak sa kanyang batok at pisnge. Gumalaw ang mga labi ni Zync at walang pag-alinlangan tinugon niya ang hinihingi nito. Napahawak si Katarina sa matipunong dibdib ng lalaki at dinamdam ang init ng katawan nilang dalawa habang marahang lumalakbay ang mga kamay ni Zync sa kanyang leeg papunta sa balikat at mga braso. Lumalim ang halikang nagaganap sa kanila. Ayaw bitawan ang isa't-isa.
Samantala, nagkakagulo sa taas, sa may kalsada. Nakadungaw ang mga police na nakabuntot kanina kay Zync sa dagat at hinahanap sila. Nagtawag na rin ng rescuers. Hindi sila kita dahil nasa bahaging madilim sila at dahil sa alon na tumangay sa kanila kanina ay napalayo na sila aktwal na pinangyarihan.
His wet lips left hers to kiss her cheeks. It travelled to her ears which send more hot desires in her body. She looked up giving him more access, her skin was salty because of the seawater but in Zync's tastebuds it was the most delectable thing he has ever been tasted. She was piquantly sweet.
Naglakbay ang mga kamay ni Zync sa iba't-ibang parte ng basang katawan ni Katarina hanggang sa narating ng isa ang nais puntahan. Marahan at may pag-iingat na pinisil ng kamay ni Zync ang kalambutan nito.
He planted small and wet kisses in her neck going to her clavicle. Napayakap ng mahigpit si Katarina dahil sa binibigay na sensasyon ng lalaki. Muling nagtapo ang landas ng kanilang mga labi. Naging marahas at mapaghanap ang halik na binibigay nila sa isa't-isa. Walang may gustong magpatalo hanggang pati ang mga dila nila ay nagpasing-abot. Napayakap na rin ng mahigpit ang lalaki sa kay Katarina.
Inabot ni Zync ang pang-upo ng babae at marahang pinadausdos ang mga kamay sa mga hita nito at tinaas upang iyakap sa kanyang bewang.
Napasinghap si Katarina sa matigas na naramdaman sa gitna ng kanyang mga hita nang mahigpit na nakayapos ang mga binti niya sa katawan ni Zync.
"O-orlando." Mahinang tawag niya dito na patuloy pa rin sa paghahalik sa kanyang leeg. "O-orlando, tama na." Nahihirapang saad niya. Gusto niya ng patigilin ang lalaki dahil hindi tama ang ginagawa nila. Kailanman ay hindi magiging tama, he is her subject. She's supposed to protect him not to hook him up.
"Katarina." Paos ang tinig na tawag ng lalaki sa kanya habang hindi mapigil sa ginagawang paghalik sa balat ng babae at pagpisil sa dalawang kalambutan nito.
"P-please stop." Pagmamakaawa ni Katarina.
Subalit muling nilapat ng lalaki ang mga labi sa kanya at hindi niya magawang tumutol at nakipaghalikan muli hanggang sa si Zync ang kusang tumigil. Mas lalong lumapat ang likod ni Katarina sa sea wall nang sumandal paharap si Zync habang hinahabol ang hininga. Nakayakap naman siya sa batok nito at dinantay ang ulo sa balikat.
Malakas siyang napasinghap na may kasamang ungol nang biglang ginalaw ni Zync ang baywang. Nararamdaman niya ang katigasan nito kahit may mga telang nakabalakid. Ilang ulit pa itong gumalaw na tila sinisigurong mararamdaman niya si Zync.
"Do you feel that?" Paos pa rin ang tinig ni Zync nang magtanong habang patuloy pa rin sa paggalaw. Napakagat naman si Katarina sa balikat nito. "You said you would protect me and I'm glad you're true to your words but why are you making me this hard, Katarina? You already cross the line and I don't want you to go back anymore nor to go further."
Tumigil ito sa paggalaw. Marahan siyang hinalikan ni Zync sa noo na puno ng pagrespeto.
"Ginugulo mo ako, Katarina..." Napatingin siya sa mga mata nito at nakita niya ang kaguluhan sa mga mata ni Zync. She felt guilty dahil sa nakikitang paghihirap ng lalaki. Hinawakan siya nito sa magkabilang pisnge gamit ang dalawang kamay. Naaninag niya ang pagtulo ng luha nito.
"O-orlando..."
"Sssh..." Saway nito. "Pero gusto ko ang kaguluhang ito kasama ka. You're indeed dangerous, Katarina."
Napanganga siya habang nakatingin sa mga mata nitong may pagmamakaawa pero nakikita niya rin ang pag-aalinlangan dito. Kagaya niya hindi rin maintindihan ni Zync ang nararamdaman.
"Katarina, can you be my chaos?" Mahina ngunit seryosong tanong ni Zync.
Kahit may pag-alinlangan ay tinuloy pa rin ni Zync ang sinisigaw ng alab ng damdamin.
"Please, Katarina Clementin... be my own meaning of chaos." Dagdag nito sabay ng pagdikit ng kanilang mga noo.
"O-orlando..." Nahihirapang sambit ni Katarina. Pati siya ay naguguluhan na rin. Marami siyang gustong sabihin pero hindi niya kaya, hindi pwede at hindi kailanman maaari.
"Katarina, please say something." Pagmamakaawa ni Zync habang nakatingin sa mga mata niya.
"N-ni... nilalamig na ako. Ahon na tayo, please." Napapikit si Zync dahil sa narinig.
"K-katarina." Hindi makapaniwalang sambit nito.
"Orlando, I want to be your chaos and at the same time I will be your peace too." Taos pusong wika ni Katarina ngunit kasabay ng kanyang pagsasalita ay ang malakas na tunog ng mga ambulansya at helicopter sa taas nila.
Hindi narinig ni Zync ang sinabi kaya napangiti siya ng malungkot at piniling sarilinin na lang ang sinabi. Mas mabuti 'yon para wala siyang may masirang relasyon.
Marahan niyang tinulak ang lalaki at nang makatayo ay naramdaman niya ang panlalambot ng kanyang mga tuhod pero pinilit pa rin ang niyang maglakad pataas sa malumot na semento. Ilang beses siyang muntik nang madulas pero narating niya ang kalsada.
Nanatiling nakatayo naman si Zync sa semento habang nakayuko dahil sa nangyari.
Sinalubong si Katarina ng mga rescuers saka binigyan ng bathrobe at tuwalya pamunas. Tinanong rin siya ng mga 'to pero hindi siya nagsalita at naglakad lang papunta sa nakaparadang motor sa 'di kalayuan. Maraming tao ang nasa kalsada dahil sa nangyari ngunit nasa paligid na rin ang mga tauhan ni Katarina para hindi maikalat ang balita tungkol sa aksidente para sa proteksyon ni Zync.
Tinulungan ng mga rescuers si Zync na makabalik sa kalsada. Nagpalinga-linga siya, hinahanap si Katarina pero pinagkaguluhan na siya ng mga rescuers at media. Agad namang nagsilapitan ang mga tauhan ni Katarina para awatin at paalisin ang mga media.
Nakita ni Zync si Katarina na naglalakad tungo sa nakaparadang motor.
"Katarina!" Sigaw niya at tumakbo tungo sa babae pero hindi siya pinansin.
Nang makalapit ay agad niyang hinawakan ang braso nito pero hindi ito lumingon sa kanya.
"Katarina..." hindi mahanap ni Zync ang tamang salita para sa nais sabihin sa babae.
"Umuwi ka na." Walang buhay ang boses na saad ni Katarina.
"W-what? No, mag-uusap pa tayo."
"Wala na tayong dapat pag-usapan, Orlando. You're safe now at mag-ingat ka palagi." Sabay hawi sa kamay niyang nakahawak sa braso nito.
"Katarina please, mag-usap tayo. Hindi ako matatahimik nito."
Hindi umimik si Katarina.
"Paano 'yong nangyari? Hindi ko kayang isawalang bahala 'yon, Katarina. Totoo ang lahat na sinabi ko! Please, huwag mo naman akong baliwalain oh... Katarina na---"
Natigilan si Zync sa panunumbat nang malakas siyang sinampal ni Katarina.
"Umayos ka, Orlando. Hindi ka na nakakatuwa." Galit na saad ni Katarina. Hindi makapaniwalang tiningnan ni Zync si Katarina.
"Naramdaman kita! Ipinaramdam mo sa akin na pareho tayong naguguluhan... Katarina please---"
"Tumahimik ka kung ayaw mong ako mismo papatay sa'yo Orlando! Ayusin mo 'yang isipan mo! H'wag kang tanga!" Dinuro ni Katarina si Zync.
"Kung gano'n, why did you kiss me back? Why did you let me do those things?! Hinayaan mo ako Katarina! Ipinaramdam mong gusto mo rin ang mga ginawa ko! Alam kong masyadong mabilis pero alam ko rin kung ano itong nararamdaman ko! Nakikita ko ang kaguluhan d'yan sa mga mata mo na ako ang may gawa at hindi ako magsisisi na ginulo kita. Tandaan mo Katarina, hindi ako titigil sa panggugulo sa'yo. Guguluhin kita sa ayaw mo o sa ayaw nila dahil gusto ko!" Naghalo-halo ang mga emosyong pahayag ni Zync saka tinalikuran si Katarina.
*****
Kagat-kagat ang labi habang seryosong nagmamaneho si Katarina. Lutang pa siya sa lahat nang nangyari sa pagitan nina Zync. Pinapagalitan niya ang sarili dahil sa ginawang pagpapaubaya niya dito. This stupidity must be stop before it goes deeper. She won't deny that she felt something weird towards him but she won't let this feeling to grow more for this is all nonsense!
Hindi lang siya ang masisira kung sakali, marami.
Kanina, hinintay niyang makaalis ang sasakyan ni Zync ngunit may nakita siyang kahina-hinalang tao na umaaligid sa kanyang teritoryo. It was a balloon vendor. Kung hindi ba naman tanga, sino ang bibentahan niya ng balloon sa gawing 'yon eh wala namang bata sa kanila, siguro kung street foods pwede pa kundi nabisto ito sa masamang plano.
Kinorner niya ang lalaki at pinaamin hanggang sa umamin itong pinakialaman niya ang makina ng kotse ni Zync kaya sa galit ni Katarina tinuhod niya ang baba ng lalaki at muntik nang maputol ang dila dahil nakagat nito. Binihag niya ito sa black house.
*****
THE NEXT DAY... (sunset)
It's already been half an hour since she was hiding in the shadows. She was keeping an eye to a guy named Melo, the leader of Dark Note Gang. He was a vocalist of a band and he's on a gig right now in a public plaza.
Inilibot ni Tari ang paningin upang makita ang ibang kasamahan ni Melo. Hindi nagtagal natanaw niya ang dalawa sa mga ito na nakaupo sa may bangketa. Pasimple siyang naglakad palabas ng plaza saka inabangan sina Melo at mga kasamahan nito sa labasan.
Nakasandal si Tari sa isa sa mga motor ng Dark Note. Nakasuot siya ng faded jeans saka hoodie at bonnet.
"Oh, nakontak mo na ba si Liro? Kanina pa 'yon ah." Tanong ni Melo sa mga kasama.
"Hindi pa nga eh pero narinig ko ang balita na naaksidente na raw si Orlando at tuluyang lumubog ang sasakyan." Sagot ng isa. Tumawa naman si Melo.
"Siguradong tiba-tiba tayo rito." Singit naman ng isa.
"Mabuti at naunahan natin ang ibang gangs. Wala pala sila eh. Haha! Hindi lang pera matatanggap natin pati ang pagtaas ng ranggo. Masasapawan na natin ang mga mayayabang na high ranks." Saad ni Melo. Napangisi naman si Katarina.
Nang makarating sila sa mga nakaparadang motor. Nagtagis ang bagang ni Melo nang makita siyang nakasandal sa motor nito. Sinita siya ni Melo...
"Hoy! Umalis ka d'yan!" Inangat ni Tari ang ulo kaya nakita nila ang mukha niya. Napanganga ang mga lalaki at natulala sa gandang nakalahad sa harapan nila.
"Pwedeng makisakay?" Malumanay at malambing na tanong ni Tari.
Pinaunlakan naman agad iyon ng mga lalaki at inanyaya pa nila siyang sumama sa kanilang hideout. Dinala siya ng mga lalaki sa isang abandonadong health center ng isang tagong barangay. Naabutan nila doon ang limang lalaking naglalaro ng baraha.
"Uy may chix ka boss!"
Nang makapasok sila agad hinapit ni Melo sa baywang si Tari. Sumipol ang mga kalalakihan. Pinalibutan siya ng mga nito kaya 'di na siya nagsayang pa ng oras dahil hindi maganda ang pakiramdam niya, gusto niya agad parusahan ang mga ito sa ginawang kagaguhan kay Zync kahapon.
Mabilis niya isa-isang sinugod ang mga lalaki at binigyan ng tig-iisang hiwa sa leeg. Iniwan niya ang leader ng Dark Note Gang na nanginginig na sa takot dahil sa nakikitang kabrutalan.
"S-sino k-ka? A-ano ang kelangan mo sa amin? P-pinatay mo sila!" Sigaw nito ngunit tiningnan niya lang ito saka bumaling ulit sa mga lalaking bulagta at naliligo sa sariling dugo.
Hindi pa siya nakuntento. Pinulot niya ang nakitang tubo. Pinagsaksak niya gamit ang tubo ang mga puso nito at siniguradong wasak ang dibdib.
"Mga walanghiya kayo! Muntik niyo na siyang patayin! Ito ang kaparusahan niyo!" Nanggagalaiting sigaw niya. Nadagdagan ang galit niya nang makita ang background ng gang na ito. Ilang babae na ang ni'gang rape at pinatay ng grupo kaya hinding-hindi siya magsisisi sa pagpatay.
Hinarap niya si Melo saka tinapon sa harap nito ang tubong puno ng dugo. Napaatras ito at nanginginig na sa takot.
"Did you see that? Habang buhay nang tatatak sa isip mo kung paano namatay ang mga kasama mo sa mga kamay ko. 'Yan ang magiging kabayaran sa ginawa niyo sa kanya kahapon. Habang buhay ka rin hahabulin ng alaalang ito, sisiguraduhin ko. Tingnan mo sila isa-isa... ganyan ang gagawin ko sa'yo kapag hindi ka susunod sa lahat ng ipag-uutos ko." Mahina at mariing sabi niya kay Melo na agad ring tumango ng sunod-sunod.
-End of Chapter 20-
Thank you for reading freaks.
Hugs and kisses...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com