Twenty-Nine
Chapter 29
Enjoy reading!
3rd.
Sabado at walang pasok kaya naisipan ni Zync na umuwi sa mansion ng mga Orlando. Bibisitahin niya ang mga katiwala doon at para na rin makahinga siya dahil masyadong nakakasakal ang tensyon sa mansion ng mga Clementin. Hindi niya alam kung bakit pero parang may nangyayari na hindi niya alam.
Sampung araw na at tulog pa rin si Sia, binisita niya muna ito bago umuwi kaya nakapag-usap sila ni Al.
"Al, 'wag mo sanang masamain... I just want to ask if what happened to you? I mean ba't naging kayo ni Sia bigla? Hindi ka ba talaga bakla?" usisa niya kay Al na nakaupo sa couch sa gilid ng kama ni Sia.
Nakatingin ito sa babae at ngumiti. Kahit nasa coma si Sia ay wala namang mga apparatus na nakakabit dito maliban na lang sa IV at dextrose. Ito lang 'yong pasyenteng comatose na nakita ni Zync na parang natutulog lang ng mahimbing na ipinagtaka niya.
"Diba ilang beses mo nang nakita si Katarina na iniligtas ka sa kapahamakan?" tanong nito na ipinagtaka niya. Tumango siya rito at hindi na nagsalita.
"I'm sorry to say Zync but I WAS once you're supposed to be killer too." Saad nito na ikinagimbal niya. Hindi agad nakapagsalita si Zync at biglang tumigas ang mukha.
"What do you mean?" seryoso at mariing tanong niya, pinipigilan ang sariling 'wag sugurin ang kakilala na itinuring niyang kaibigan.
Hindi pa rin nakatingin si Al sa kanya na nanatiling nakatitig sa mukha ni Sia.
"Remember the poisoned arrow that Katarina caught for you? I was the culprit of it. You were my target but Katarina was able to sense it ahead of time so she did that stunt for you."
Napatayo si Zync at mabilis na nakarating sa kinauupuan ni Al. Kinwelyuhan niya ang lalaki at marahas na pinatayo.
"Bakit mo ginawa 'yon?! Nang dahil do'n biglang nanganib ang buhay niya! Nang dahil do'n nagsimulang magkagulo ang lahat! Ba't mo 'ko gustong patayin?! Sino ang nag-utos sa'yo?! Gangster ka rin ba?! Ano ba ang premyo na hinahabol niyo na kahit patayin ako ay gagawin niyo para makuha lang ang put*ng*nang premyong 'yan?!" namumula sa galit at nagsilabasan ang mga litid sa leeg na wika ni Zync.
Umiling si Al ng ilang beses at hindi nagsalita pero biglang nabitawan ni Zync si Al nang bigla itong umiyak.
"Nang dahil do'n... nahanap ko ang pag-asang mabuhay pa Zync. Kung hindi ko ginawa 'yon siguro patay na ako ngayon Zync." Napasipa si Zync sa paanan ng couch dahil hindi niya matanggap ang rason nito. Umiiyak pa rin si Al at napaupong muli sa couch.
"Kaya nagawa mong manakit para mabuhay ka?! Anong klaseng rason 'yan?! Makakahanap ka naman ng ibang paraan siguro 'wag ka lang manakit ah?!"
Ilang beses muling umiling si Al.
"Hindi mo 'ko maiintindihan."
"Pwes! Ipaintindi mo! Magpaliwanag ka nang maliwanagan ako! Alam mo bang gulong-gulo na ako?! Pagod na rin naman ako Al, bawat araw sa tuwing gigising ako hindi ko alam kung aabot pa ako kinabukasan! Hindi ko alam kung ano maghihintay sa akin sa buong araw! Hindi ko alam kung bakit gusto niyo akong patayin?! Palagi niyong sinasabi na hindi ko maiintindihan, paano ko maiintindihan kung kayo mismo ay ayaw ipaintindi sa akin?! 'Wag niyo naman akong gawing tanga dito oh! Para na akong mababaliw Al. Please maawa ka, ipaliwanag mo sa akin ang nalalaman mo." Tumulo ang luha ni Zync.
Ilang sandali munang tumahimik si Al bago naglakas loob na magsalita.
"Hindi ako isang gangster Zync. Isa akong assassin galing sa isang prominenteng clan sa Russia ngunit tatlong taon na ang nakalipas pinaalis ako sa grupo at parang laruang ibinigay sa isa pang organisasyon na parehas ang layunin ng clan na 'yon. Ipinatapon ako dito sa Pilipinas para sa isang mission hanggang sa nakatanggap ako ng bagong mission at iyon ay ang patayin ka pero hindi ko magawa-gawa dahil naging kaibigan kita... kaibigan na kita, nabalitaan ko na lang na ang organisasyon ay ipinag-utos rin sa mga sakop nilang gangs na patayin ka at nilagyan ka ng premyo sa ulo. Dahil do'n nagkaroon kami ng deadline para sa pagpatay sa'yo..." nilingon ni Al si Zync na nakatingin lang sa malayo pero nakikinig.
"...nakakatawa na parang project lang na may dapat kaming habuling due date. Iba-iba ang deadline na ibinigay sa amin depende sa yamang mayroon ang bawat isa sa amin. Ako bilang assassin at pinakaunang binigyan ng mission na ito ay ako ang may pinakamaagang deadline. Naubos ang kayamanan ko dahil sa bawat araw na lumilipas na humihinga ka pa ay katumbas do'n ang ilang milyong bawas sa amin at isang araw bago ang deadline ko ay nagawa ko 'yon sa'yo hindi dahil ubos na ang yaman ko kundi dahil pinatay nila ang pamilya ko, Zync."
Humagulgol si Al.
"Hindi kita gustong patayin no'ng mga oras na 'yon, gusto lang kitang bigyan ng babala dahil hindi lang isang kundi maraming gangs ang naghahabol sa'yo. Gusto kitang balaan bago ako mamatay dahil wala na akong oras pang natitira. Ang premyo naman na minimithi ng bawat isa sa amin ay ang immunity o ang kalayaan. Makakaalis kami sa grupo nang buhay at may pera gano'n rin sa mga gangs pero pwede nilang kunin ang prebilihiyong maging rank one gang dito sa bansa. Kaya ang buhay naming lahat ay nakasalalay rin sa buhay mo."
Hinintay ni Al na magsalita si Zync pero hindi pa rin ito makaimik.
"Subalit, dumating siya... dumating ang pag-asa ng bawat isa sa'min at naging pag-asa mo rin Zync. Iniligtas ako ni Katarina... siya ang dahilan kung bakit ako malaya at buhay pa hanggang ngayon. Kaya hinding-hindi ako magsisisi na nagawa ko 'yon dahil nakilala ko siya... patawarin mo ako Zync sa nagawa ko."
"B-bakit? Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit gusto akong patayin ng sinasabi mong organisasyon at si Katarina... naguguluhan pa rin ako." Garagal ang boses na saad ni Zync saka yumuko.
"Mahahanap mo rin ang kasagutan tungkol kay Katarina, Zync at tungkol sa organisasyon, hindi ko alam kung ano ang rason nila kung bakit ka nila hinahabol."
Napayuko si Zync saka napaupo rin sa couch at sinapo ang mukha gamit ang dalawang palad.
"Sa ngayon manatili ka lang sa tabi ni Katarina, Zync. Siya lang ang tanging taong mapagkakatiwalaan mo, natin." Tinapik ni Al ang kanyang balikat. Tumayo si Zync at umalis ng silid ni Sia nang walang salitang sinasabi.
May kaguluhang nangyayari ngayon sa kanyang isipan ngunit may mga tanong na rin ang nasagot dahil sa inilahad ni Al. Hindi niya ito masisisi dahil naipit rin ito sa isang mahirap na sitwasyon. Kaya pala parang mga gutom na mabangis na hayop ang humahabol sa kanya.
Pumasok sa isipan niya si Katarina at naalala ang lahat ng ginawang pagprotekta nito sa kanya. May ideyang namuo sa kanyang isipan. Simula nang dumating ang babae kasama si Sia ay doon nagsimula ang kapahamakan sa buhay niya.
"Kaya ba dumating ka sa buhay ko para protektahan ako dahil alam mo ang mga panganib na tatahakin ko? Ako ba ang rason kung bakit nandito ka sa Pilipinas, Katarina?" usal niya habang nagmamaneho pauwi sa kanilang bahay.
"Who are you, Katarina?"
*****
Kanina pa paikot-ikot si Zync sa buong mansion dahil wala siyang magawa. Ayaw niya ring umuwi muna sa mansion ng mg Clementin dahil pinapakalma niya pa ang isipan at damdamin dahil sa nalaman galing kay Al.
Nakasalubong niya ang isang katulong sa hallway sa second floor.
"Sir Zync, may bisita ho kayo." anito.
"Sino po manang?" tanong niya sa matanda.
"Kaibigan mo raw hijo. Hindi ko natanong ang pangalan eh, nakalimutan ko. Bumaba ka na lang at harapin siya. Maganda pa naman ang batang iyon." Saad nito kaya nagtaka siya kung sino ang kanyang hindi inaasahang bisita.
"Sige ho manang." Aniya pero nagulat siya nang bigla siyang paluin ng matanda sa pwet.
"Manang!"
Salubong ang kilay na hinarap siya ng matanda.
"Ikaw'ng bata ka?! Akala mo papalagpasin ko lang 'yang ginagawa mo?! Bakit hindi ka na natutulog dito? At ano 'yong nababalitaan kong nakatira ka sa bahay ng isang babae?!" biglang buga nito sa kanya kaya napakamot siya ng ulo.
"Manang naman eh. Pinayagan naman ako ni Daddy."
"Kahit na! Hindi maganda tingnan na nagsasama kayo ng isang babae tapos nabalitaan ko pang hindi si Allaine ito. Ano ba ang nangyayari sa'yong bata ka? Hindi ka na nagkikwento sa akin."
"Manang masyado ho kasing kumplikado. Hayaan niyo kapag naayos na lahat, ikikwento ko sa inyo ang lahat at ipapakilala ko sa'yo si Katarina." Maamong paliwanag niya.
"Katarina?"
"Oo manang. 'Yan po ang pangalan niya."
"Siya ba 'yong tinutukoy ng Daddy mo?" mahina at wala sa sariling usal ng matanda pero narinig ni Zync kaya nagtaka siya.
"Ano po ang tinutukoy ni Daddy?"
Biglang natauhan ang matanda sa asiwang ngumiti sa kanya.
"Ah... wala-wala. Sige na! Bumaba ka na, naghihintay ang bisita mo." Tinulak siya ng matanda paalis kaya wala siyang nagawa kundi bumaba na lang.
Palinga-linga pa rin si Zync sa paligid ng kanilang bahay na tila bago pa lang siya nakatungtong rito. Napangiti siya nang makita ang kanyang latest portrait. It was a black and white picture of him. Nakaupo siya sa isang high stool. Nakasuot siya nang white long sleeve at maong pants. Nakabukas ang kanyang long sleeve kaya kitang-kita ang maganda niyang katawan. Napangisi siya at napailing...
"Witiwew!" sipol niya dito at nagpatuloy sa paglalakad para maharap ang bisita.
Bahagya siyang nagulat kung sino ang bisita.
"Z-zync." Usal nito habang umiiyak. Napatingin siya sa mukha ng babae na tila may pinagdadaanan.
"Franchesca? What happened? Ba't ka umiiyak?" tarantang tanong niya nang makalapit siya dito. Humagulgol ang babae.
"I-I need you, Zync." Umiiyak na saad nito sabay lapit sa kanya.
Nagsalubong ang kilay ni Zync saka napayakap sa sarili at agad lumayo sa babae. Tinuro niya ito na may nagdududang tingin. Bigla siyang kinilabutan.
"Francheska ah! Mapagsamantala ka... hindi porke't malabo na kami ni Allaine at binabalewala ako ni Katarina ay papatol na ako sa'yo. Oo maganda ka at sexy pero hindi kita type! Pormal at matino akong lalaki ah." Nanlalaki ang butas ng ilong na wika niya.
Natigilan sa pag-iyak ang babae at takang tiningnan siya dahil sa sinabi hanggang sa unti-unting nagbago ang hilatsa ng mukha nito.
"Leche! 'Wag kang feeler, boy! Assuming ka ha!" bulyaw nito sa kanya sabay sapok. Lumambot muli ang mukha ni Francheska saka nagmamakaawang tiningnan sya. "Samahan mo naman ako Zync oh."
"Saan?" ayaw pa rin lumapit na wika niya dahil baka: 'IT'S A TRAP!'
"You need to see something. Basta sumama ka na lang." Saad nito sa kanya sabay hawak sa kamay niya kaya napapiksi siya at nagkarate pose.
"Wag kang lumapit. Nakakaduda ka!" aniya pero muli siyang sinapok ng babae kaya wala siyang nagawa ay sumama na siya, total ay kilala niya naman ito. Magbibihis pa sana siya pero hindi na siya hinayaan ni Franchesca.
"Saan ba tayo pupunta?" pangungulit niya sa kasama na hindi na umiimik simula nang makapasok sila sa kotse. Seryoso ang mukha nito at tila biglang nawala ang kilala niyang Franchesca.
Nagtaka siya kung bakit pumasok sila sa loob ng Laroa. Dumiretso sa field saka umikot sa likod ng mga building at tumigil sa harap ng gubat.
"What are we doing here?" kinakabahang tanong niya pero ngunit hindi pa rin siya pinansin.
Bumaba ito at saka binuksan ang pinto niya.
"Bumaba ka na Orlando." Malamig na saad ni Franshesca na ikinagulat niya dahil wala ng emosyon ang mukha ng babae.
"Teka! Teka! Ano ang nangyayari? Bakit mo 'ko dinala dito? At bakit ka nagkakaganyan? Siguro tama ako 'no?! May pagnanasa ka sakin eh!"
"Sumunod ka na lang kung ayaw mong papuputukin ko 'yang bungo mo." Sabay bunot ng baril sa likod at tinutok sa noo niya.
Namutla si Zync pero biglang tumigas ang mukha.
"You're one of them, huh?" sarkastikong aniya pero hindi umimik ang babae. "Isa ka rin sa gustong pumatay sa akin."
Napayuko si Zync at pinigilan ang sariling 'wag umiyak. Nasasaktan siya dahil isa na namang kaibigan ang gustong patayin siya. Napagtanto niyang pinapalibutan siya nang mga taong kayang pumatay ng tao.
"Get out. Don't let me repeat it."
Nawalan ng buhay ang mukha ni Zync, even his eyes are now void of any emotion. Lumabas siya ng kotse at sinunod ang gusto ni Francheska.
Naglalaro sa isipan niyang, katapusan niya na ngayon. Hindi siya umaasang dadating si Katarina para sagipin siya.
Narating nila ang gitna ng gubat. May tatlong tao ang naghihintay sa kanya doon. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ni Zync ang lalaki. Mas lalo siyang nasaktan nang makita ang taong iyon.
Niloko at pinaglaruan siya ng mga taong ito. Kinuha ang tiwala niya at inalagaan pero sisirain lang naman pala sa pagkakataong ito. Kahit kailan hindi niya naisip na tatraydurin siya ng mga taong tinuring niya nang kapatid.
"B-bryle." Utal niya.
Lumingon sa kanya ang lalaki na may hawak na baril at ngumisi.
"Sorry dude." Kibit balikat nito saka umiwas ng tingin.
"Hayop ka!" Tumawa lang ito.
Naiiyak na siya dahil sa katrayduran ng mga kaibigan pero ayaw niyang ipakita sa mga 'to na natatakot siya, na isa siyang duwag. Tanggap niya na ang kanyang kapalaran kung kaya ayaw niyang pasayahin ang mga ito sa huling pagkakataon na makita siyang takot sa kamatayan.
Napatingin siya sa dalawang babae. Si Aica Sanguila na nobya ni Jameson ay nakangiti sa kanya ng nakakaloko habang ang isa naman ay hindi niya kilala. Maganda at matangkad ito pero kung makatitig mukhang nangangagat.
"Zync Orlando." Sambit ng babaeng iyon sa kanyang pangalan kaya gamit ang matigas at walang emosyong mukha ay hinarap niya ang babae.
"What do you want from me?" Tapang-tapangan na tanong niya pero nag-uumapaw ang galit at pagkadismaya.
Ngayon kaharap na niya ang apat na pawang may ngising nakakakilabot sa mukha.
"Wala kaming kailangan sa'yo dude." Nagtaka siya sa sagot nito. "Siya ang kailangan namin." dagdag ni Bryle sabay turo sa likuran niya.
Dahan-dahang pumihit patalikod si Zync hanggang sa nakita niya ang babaeng kakarating lang at parang walang ganang nakatayo na nakasandal pa sa puno.
Nakaitim ang babae, may cape at may suot na bandana. Kita niya ang mga mata nitong asul. Kung hindi niya lang alam siguro hindi niya ito makilala ngunit ang pares ng mga matang 'yan, ang mga matang matagal niya nang gustong muling makita.
"K-katarina." Mahinang usal niya sa sarili. Natuwa siya dahil nandito ang babae, ang kaninang galit na nararamdaman ay napuno ng galak dahil binabantayan pa rin siya nito.
Naramdaman na lang ni Zync na may brasong nakahawak sa leeg niya at ang malamig na bakal sa sentido niya.
"You don't need to make him as a bait for me to show up, Bermond Reaper." saad ni Katarina na seryosong nakatingin sa kanya at sa babaeng may hawak sa kanya.
"Hindi na ako makakapaghintay pa sa araw na itinakda mo, Wing Regal kaya kahit gamitin ko pa ang taong iniingatan mo ay gagawin ko para mabawi lang sa'yo ang bagay na kinuha mo." wika ng babae kaya napaisip si Zync. Narinig na naman niya ang tawag na iyon kay Katarina... Wing Regal.
Mas diniin ng babae ang baril sa kanyang sentido kaya muli syang napatingin kay Katarina na nakatayo na ng tuwid sa harap nila.
"Let go of him and face me, cowardly Xylah Bermond District X leader." Pangungutya ni Katarina kaya mas lalong nagngitngit ang babae na halos sakalin na si Zync.
"Shut up, you b*tch! Papatayin ko ang lalaking 'to!"
"Try it Xy and you'll surely die." Mapanganib na saad ni Katarina saka nilabas ang kanyang silver handgun.
Nilingon ni Katarina sina Bryle, Franchesca at Aica. Napaatras ang mga ito dahil aware sila sa kung ano kayang gawin ng babae.
"Attack her!" utos ni Xylah sa mga kasama ngunit hindi gumalaw ang tatlo. "MOVE!" Pag-uulit nito pero hindi pa rin sila gumalaw.
Tinulak ni Bryle sina Franchesca at Aica.
"Sundin niyo siya! Leader niyo 'yan. Hindi ko naman siya master para sundin! Kayo ang reapers kayo ang gumawa. Gangster ako! Gangster!" bwelta ni Bryle.
"Napakawalang kwentang delingkwente. Fres and A, get her." Utos ni Xylah.
Nagkatinginan ang dalawang babae at kinakabahang lumapit kay Katarina na nakatungo.
"Let's have a deal, girls." Biglang wika ni Katarina kaya natigilan sila.
"Don't play game with us, Wing." banta ni Xylah.
"But you're already inside my game. There's no way out but to deal with me, Bermond people."
"Shut up! Give me back my necklace!"
"It's not yet the right time for your reunion with your crest, Xylah and now I want you to let go of him. 'Wag mo siyang idamay dito."
"Damay siya, Wing! Damay na siya sa simula pa lang!"
"Have you already delivered my message, Bermond Gangster?" tanong ni Katarina na nakatingala sa langit.
Kaya napatingala rin silang lahat. Napansin ni Katarina iyon kaya natawa siya. Napatingin ulit sa kanya ang lahat.
"I'm asking you." wika niyang muli. Nagkatinginan silang lima kung sino ang tinutukoy niya.
"What are you talking about?" inis na tanong ni Xylah.
"Lexus." tawag ni Katarina kaya napaigtad si Bryle.
"Oh?" bigla napaisip si Bryle at may naalala."Oo nga pala, message sent."
Tiningnan ito ng masama ni Xylah pero nagkibit balikat lang si Bryle.
May kinuha si Katarina sa bulsa at ipinakita sa kanilang lima.
"Beautiful, isn't it?" she smiled and look at thing she's holding. Xylah's necklace.
"B*tch! Give it back to me!"
Matayog na initsa ni Katarina sa ere ang kwintas kasabay nito ang malakas na pagtulak ni Xylah kay Zync.
Sinalo ni Katarina si Zync at pinihit papunta sa kanyang likuran. Tumalon si Xylah upang masalo ang kwintas ngunit humangin nang malakas kaya bahagya itong nag-iba ng direksyon. Nag'tumbling si Katarina saka bumwelo sa pagtalon, nakuha niyang muli ang kwintas saka mabilis niyang pinutol ang distansya nina Zync.
"You sneaky little freak!" sigaw ni Xylah sabay paputok ng baril na may silencer tungo kay Zync.
"Noooo! Zync!"
"Zync!"
Napapikit si Zync at hinintay ang paghalik ng bala sa kanya ngunit may biglang marahas na sumabunot sa kanyang buhok at malakas siyang hinila sa kung saan.
Hindi siya natamaan ng bala...
...pero muntik na siyang makalbo sa pagkakasabunot ni Katarina sa kanya.
"Aaaa! Ang buhok ko! Ang anit ko!" sigaw niya sa sakit.
Nagpaputok muli si Xylah ng ilang beses. Hawak-hawak ni Katarina ang dalawang kamay ni Zync gamit ang dalawa rin niyang kamay mula sa likod at ginagabayan niya ang galaw ng lalaki upang mailagan ang balang pinapaulan ni Xylah sa kanila.
Tila nagsasayaw silang dalawa hanggang sa naubos ang bala ni Xylah at malakas nitong ibinato ang baril sa direksyon nilang dalawa nina Katarina.
Pero maagap si Katarina, inikot niya ang katawan ni Zync. Inabot niya ang ulo ng lalaki saka pinayuko niya ito, bumwelo si Katarina para sipain ang baril nang malakas at lumipad patungo kay Bryle na hindi nakaiwas. Sapol na naman sa ilong. Knock out!
"Dude! / Bryle!" Sabay na hiyaw ni Zync at Franchesca nang makitang nawalan ng malay ang lalaki.
"I will give this back to you when me and your wicked queen meets."
Nagitla pa si Zync nang tapikin ni Katarina ang kanyang balikat at nagsimulang maglakad palayo sa kanila.
"W-wait! Isama mo 'ko baka patayin ako ng mga 'to!" tarantang sigaw niya sa naglalakad na babae sabay ismid kina Franchesca.
"Hindi ka namin papatayin, g*go!" Napalingon siya kay Franchesca dahil ngayon niya lang ito narinig magmura.
"W-wala akong tiwala sa inyo! Leche ka!"
Pagbaling niya para sumunod kay Katarina ay wala na ang babae doon kaya napasigaw siya sa inis pero laking gulat niya nang nakatayo pala ito sa kanyang gilid. She chukled.
"Why are you so cute when you look so stupid?"
-End of Chapter 29-
Thank you for reading freaks!
Hugs and kisses...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com