Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Twenty-One

Chapter 21

Enjoy reading!

3rd.

Lunes na at ngayon ang balik ni Katarina sa Laroa. Magdadalawang buwan na siya sa Pilipinas pero gusto niya nang matapos ang lahat para makauwi na siya sa pinanggalingan.

Marami na rin siyang absences sa klase kaya kumuha siya ng module sa L.U website para maka'catch up sa mga lessons nila kahit na kailangan.

Papalabas na siya ng bahay nang mapansin niya si Ryleen na umagang-umaga pa lang ay lumalamon na ng mamahaling chocolate, Ferrero Rocher. Napangiwi siya dahil hindi kaya ng sikmura niyang kumain ng matatamis sa umaga. Hindi niya na kinuha ang atensyon nito dahil alam niyang kukulitin lang siya ng dalagita. Hindi rin nag-aaral si Ryleen dahil ayaw nito mas gusto pa nitong magkalat kaysa mag-aral.

Mabilis nakarating si Katarina sa Laroa, pagkapark ng motor ay hindi agad siya bumaba nang may napansin siya, hindi niya na naabutan sina Al at Sia kaninang umaga. Natigilan tuloy siya at napaisip kung ano na ang estado ng dalawa. Kagabi nakita niyang nagyayakapan ang dalawa sa may garden sa gilid ng bahay tapos nang bumangon siya ng madaling araw para uminom ng wine na pampatulog ay nakita niya si Al na lumabas galing sa kwarto ni Sia. Mukhang kailangan niya nang regaluhan ng panty na may padlock si Sia. Napailing siya dahil sigurado siyang hindi na lang pagiging fvcking word automated machine si Sia, magiging fvck automated machine na rin gaya ni Morry, natatawa na lang siya sa naiisip.

Pumasok na si Katarina sa loob ng campus. Balot na balot siya ngayon dahil sa suot na hoodie jacket. Nasa bulsa ang dalawang kamay at naglalakad na nakayuko. Pinagtitinginan siya hindi dahil siya si Katarina kung hindi dahil nawewierduhan ang mga nakakakita sa kanya. Napakainit kaya ng panahon tapos siya nafe-feeling winter.

Papaakyat pa lang siya sa hagdan nang may biglang bumangga sa kanyang balikat kaya nahulog ang suot na hood, nilingon niya ang bumangga at nakita ang likod ng isang pamilyar na babae. Lumingon ito kaya nagtama ang kanilang mga mata.

"Miss Cortez." Aniya sabay yuko nang bahagya, hindi umimik si Laine pero nakatitig lang sa kanya ng masama. Tinaasan niya ito ng kilay.

Nagtatagis ang bagang nito at lumalabas ang mga litid nito sa leeg kaya batid niyang galit ito. Nakaramdam siya ng kaba dahil sa reaksyon ni Laine, bigla siyang nakokonsensya sa nangyaring hindi dapat niyang hinayaang mangyari.

"Tigilan mo na kami, Katarina." Mahina ngunit mariing banta nito sa kanya. Biglang nawala ang kung anong reaksyon sa mukha ni Katarina at tumango lang bilang tugon. Tinalikuran niya ito.

Napapatingin ang ibang estudyante sa kanya at nagtataka dahil sa paghaharap nina Laine. Napakagat labi siya at muling yumuko sabay suot ng hood.

Muling bumalik sa kanyang alaala ang nangyari noong isang gabi at nakaramdam ng kirot sa puso kasabay ng kirot sa batok. Napailing siya at pilit iwinaksi sa isipan ang bigat ng loob.

**

Tahimik lang si Zync habang nakaupo sa kanyang seat. Nakatingin sa kawalan nang biglang naagaw ni Rexell ang kanyang atensyon dahit sa binubunganga nito.

"Hahahaha Dude tingnan niyo 'to! Hulaan niyo kaninong bag 'to?" Masayang wika nito at nilahad ang hawak na itim na backpack sa kanilang dalawa ni Bryle. Mukhang pamilyar ito sa kanya pero hindi niya matukoy kung kanino.

"Tss. Kay Katarina 'yan eh. Kinuha mo no'ng nakaraan nang tumalon siya sa bintana. Magnanakaw, nakakahiya ka." Walang ganang saad ni Bryle kaya napatingin si Zync sa katabi pabalik sa bag na hawak ni Rexell at kay Rexell na nakangisi.

"Akin na 'yan!" Nagulat ang dalawa nang bigla siyang tumayo at marahas na inagaw ang bag kay Rexell.

"Hoy! Ano ba! Ako ang nakapulot n'yan eh!" Inagaw ulit ni Rexell ang bag saka lumayo kay Zync.

"Sabing akin na 'yan!"

"Bumili ka na lang ng gaya nito! Akin na 'to eh!"

"Yan ang gusto ko!"

"Bakit ba?! Ako ang nauna eh."

"Wala akong pakialam basta ibigay mo sa'kin 'yan!"

"Ano ba?! Napakainggitero mo talaga Zync!"

"Masasapak na talaga kita! Ibigay mo sa akin 'yan! Ngayon din!" Galit na sigaw ni Zync kaya napalingon na sa kanilang dalawa ang lahat.

"Ako ang nakakuha nito, itinago ko ng maayos at ngayon ko isasauli saka ko 'to hihingiin sa kanya! Maghanap ka nga ng iyo! 'Wag mong pakialaman ang akin!" Bulyaw ni Rexell habang yakap nang mahigpit ang bag.

"Isa!"

"Ayoko!"

"Dalawa!"

"Ayoko sabi!"

"Tatlo!"

"Tseh! Hindi mo 'ko madadaan sa pabilang-bilang mo. Si Mama nga hindi umuubra, ikaw pa kaya? Neee! Neknek mo!" Binehlatan siya ni Rexell na parang nang-aasar.

"Ayaw mo talaga?" Nagtitimping tanong niya.

"A... Yo... Ko..."

Nanlisik ang mga mata ni Zync at hahakbang na sana para dambahin si Rexell nang hinawakan ni Bryle ang nakakuyom na mga kamay. Marahas siyang lumingon...

"Dude, may problema ka ba? Okay ka lang?" Malakas niyang binawi ang kamay saka tiningnan ng masama si Rexell na nakakunot-noong nakatingin sa kanya. Tahimik na mang nakatingin sa kanya ang lahat ng kaklase. Walang salita siyang naglakad palabas ng classroom nang hindi pinapansin ang mga tanong ni Bryle.

Bubuksan na sana niya ang pinto nang bumukas na ito ng kusa at bumungad sa kanya ang mukha ng babaeng gumugulo sa kanyang isipan, napaatras siya dahil sa lakas ng kabog ng kanyang puso na parang lalabas na sa kanyang dibdib. Ilang sandali silang nakatitigan at naglaro sa isipan ni Zync ang namagitan sa kanilang dalawa.

Gusto niyang hawakan ang babae o kausapin man lang pero hindi niya magawa dahil sa itim nitong mga matang walang buhay. Napakunot ang noo niya nang maalala ang mga matang nakita niya no'ng gabing iyon kung kailan nakita niya kung paano ito naglabas ng maraming emosyon at kung paano siya nilunod sa magulong nararamdaman. Gusto niya ulit makita ang mga matang iyon, nais niyang lunurin siyang muli sa mga emosyon nito dahil nasasaktan siyang makita ang itim at walang buhay na mga mata ngayon.

Umiwas ng tingin si Katarina saka yumuko at dumaan sa kanyang gilid. Napasinghap siya nang bahagyang nagkabanggaan ang kanilang mga siko. Napakuyom nang mahigpit ang kanyang mga kamao upang pigilan ang kamay na abutin ito at muling palandasin ang mga palad sa balat ni Katarina.

Napatulala na lang si Zync na kahit may biglang humila sa kanya palabas ng classroom ay hindi niya na napansin.

"What's wrong with you?!" Napamulagat siya dahil sa sigaw na 'yon at nagulat nang makita si Allaine sa kanyang harapan. Naluluha ito, halatang nasasaktan. "I hope you're aware that you're drifting away from me, babe." Puno ng hinanakit na pahayag ni Laine saka siya tinalikuran nito at umalis ng tuluyan sa kanyang paningin.

Nanginig ang kalamnan ni Zync dahil sa nangyari. Parang bigla siyang binuhusan ng timba-timbang yelo... nakalimutan na naman niya si Allaine. Sa mga nakalipas na araw tanging kay Katarina lang umiikot ang kanyang utak at ni hindi niya napansin na walang Allaine ang dumadayo sa isipan.

"Tsk. Tsk. It's getting complicated 'no? Don't let them clash in here..." Sabay turo sa noo ni Zync. "...and in here." Turo nito sa kanyang puso.

"W-what?" Nagtatakang tanong niya kay Sia na nakangisi.

"Don't act idiot when you're not." Sagot nito saka umalis na, sinalubong ito ni Al at naghawak kamay ang dalawa saka naglakad palayo.

Sa sobrang gulo na ng kanyang kalooban ay malakas niyang sinuntok ang pader sa kanyang gilid, nagulat pa ang ibang estudyante dahil sa ginawa niya. Napalayo ang mga ito dahil sa takot sa kanya.

"Hala? Bakit ang daming galit ngayon?"

"Oo nga, kanina si Laine pagkatapos niyang banggain si Katarina kanina, nanuntok pa siya then now, look at Zync..."

"Baka nag-away sila ni Laine."

"Pwede rin."

Nagsimulang magbulungan ang mga estudyante sa paligid. Bumalik na lang siya sa kanilang classroom dahil baka mas lalo siyang mainis. Natahimik ang lahat dahil sa masamang aurang pumapalibot kay Zync pero napako lang ang mga mata niya kay Katarina na kinukulit ni Rexell ngunit hindi pinapansin ng babae, nakatingin kasi ito sa kanya... specifically sa kamao niyang dumudugo. Nag-angat ito ng tingin pero agad ring umiwas nang magtama ang mga mata nila.

Umupo si Zync sa kanyang seat at napatitig na lang sa likuran ni Katarina. Iniisip niya ang lahat nang nangyari at ang mga nangyayari sa buhay niya ngayon.

**

Naging normal ang kanilang klase ngunit hindi silang dalawa dahil pareho nilang ramdam ang tensyon sa pagitan nila. Nakapako naman ang mga mata ni Zync sa likuran ni Katarina, kanina niya pa pinipigilan ang sarili na magpapansin dito at kanina niya pa rin pinipigilan ang kamao na paliparin sa mukha ni Rexell dahil ito ang nagpapapansin sa babae.

"Ayy nahulog! Ano ba naman klaseng ballpen 'to. Tumatalon." Mahinang wika ni Rexell habang pangisi-ngisi, matalim niyang tiningnan ito pero hindi siya pinansin at tinuloy pa rin ang kalokohan.

Nakita niya ang sadyang paghulog nito ng ballpen sa ilalim ng upuan ni Katarina na umabot sa paanan nito.

Yuyuko na sana si Rexell upang kunin ang ballpen nang unahan niya ito. Malakas niyang tinabig ang kaibigan saka yumuko at inabot ang ballpen. Nilusot ni Zync ang kanyang ulo sa ilalim ng upuan saka inunat ang kamay para abutin ang ballpen subalit iba ang nakuha niya kaya napasigaw siya nang malakas na nakakuha ng atensyon ng lahat.

Napahiga si Zync sa sahig habang sapo-sapo ang mukhang sinipa ni Katarina.

"Ouch! Damn it!"

"Mr. Orlando! What's with the noise?! What is happening there?!" Nagmartsa palapit sa kinaroroonan niya ang guro.

Napatayo naman si Katarina dahil nagulat nang marinig ang boses ni Zync na sumigaw. Hindi niya alam na si Zync pala ang nasa ilalim ng upuan niya. Akala niya si Rexell na naman na kanina pa siya kinukulit.

"Dude!" Agad dinaluhan ng dalawa si Zync na patuloy pa rin sa pagdaing.

"Araaay! Ma'am, ang sakit-sakit ng mukha ko! Mamamatay na yata ako! Dalhin niyo 'ko sa clinic!" Dumadaing na sigaw niya.

Nag-alala naman ang guro dahil mukhang nasasaktan nga ang estudyante. Nataranta ito at agad inutusan sina Bryle na asikasuhin si Zync.

"Ano ba kasi ang nangyari ha?!" Tarantang tanong ng guro.

"Sinipa ako ni Katarina sa mukha ma'am!" Sagot ni Zync na ayaw tumayo at patuloy pa rin sa pagulong-gulong sa sahig.

"Miss Clementin?!" Nandidilat ang mga matang binalingan ng guro si Katarina na nanlalaki rin ang mga mata at bahagyang nakanganga.

"P-po?"

"Why did you kicked Mr. Orlando's face?!"

"K-kasi ano po... k-kasi..." Hindi makasagot ng tama si Katarina.

"At paano ka naman niya nasipa sa mukha Mr. Orlando, hindi ko nakitang tumayo si Miss Clementin ah?!" Baling naman ng guro kay Zync na ayaw pa rin tumayo kahit pinipilit na siya nina Bryle.

"Syempre, ginamit niya ang paa niya! Sinipa nga eh! Alangang kamao. 'Nukaba ma'am?! Bakit? Nakatayo lang ba ang pwedeng sumipa?! Kahit fetus nga sumisipa, siya pa kaya 'e ang haba ng biyas n'yan!" Aniya habang sapo pa rin ang mukha.

Biglang namula ang mukha ng guro dahil sa pamimilosopo ng estudyante. Babanatan na sana si Zync ng guro nang bigla siyang sumigaw.

"Aaaa! Ang sakit! Nahihilo na ako! Tulungan niyo ako!" Nagpagulong-gulong siya ulit sa sahig na para bang namimilipit sa sakit.

"Mr. Monteclaro, buhatin niyo 'yang kaibigan niyo at dalhin sa clinic dahil mukhang malala na 'yan o 'di kaya ediretso niyo na sa morgue para hindi na mahirapan! Ilibing niyo na rin." Saad ng guro nang mahalatang nagdadrama lang ang estudyante.

"Huhu! Hindi ko na kaya, ang sakit talaga ma'am!"

"Mr. Orlando! Ano ba? Dinisturbo mo ang klase ko! Ano ba ang gusto mo?!" Sigaw ng guro dahil nagmamatigas pa rin si Zync na tumayo pati sina Bryle ay naiinis na sa nag-iinarteng kaibigan.

"Huhu! Dalhin niyo ako sa clinic o 'di kaya ay iuwi sa'min, utusan mo ang may gawa nito sa akin ma'am!" Sigaw niya at pasimpleng sumilip sa pagitan ng daliri upang makita ang reaksyon ni Katarina. Nakanganga pa rin ito at nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa kanya kaya mas lalo niya pang minabuti ang pag-aarte.

"O'sya-sya! Miss Clementin kaladkarin mo 'yang taong 'yan palabas ng silid na 'to dahil baka makalimutan kong estudyante at hindi punching bag." Naiinis na saad ng guro at nagmartsa pabalik sa teacher's table.

Bata pa ang guro nila nasa early 30's pa lang ito at wala pang asawa kaya mukhang busangot at highblood parati.

"A-ano po?" Tanong ni Katarina saka kumurap-kurap.

"Bingi ka ba?! Lumabas na kayo sa classroom ko kung ayaw mong ihambalos ko ang table na 'to sa inyong dalawa!" Nanggagalaiting sigaw ng guro kaya napaatras ang mga estudyante sa takot.

Mabilis namang tumayo si Zync nang makitang bubuga na ng apoy ang guro at hinawakan ang kamay ni Katarina saka hinila palabas.

"Ma'am! Excuse mo kami ha? Salamat po." Bilin ni Zync sa guro bago sila makalabas.

Hindi naman nakaimik si Katarina pero nang maramdaman ang mahigpit na hawak ni Zync ay natigilan siya at marahas na inagaw ang kamay sa lalaki.

"What are you doing?" Mariing tanong niya kay Zync na nagtatakang nakatingin sa kanya.

"Sasamahan mo ako sa clinic, diba? Pwede rin kung gusto mo, ihatid mo na ako pauwi sa'min." Inosenting sagot nito.

Naging matalim ang tingin ni Katarina sa kaharap. Buti na lang class hours pa kaya silang dalawa lang ang nasa hallway.

"Ouch!" Biglang daing ni Zync sabay sapo sa ilong na namumula na natamaan ng sipa ni Katarina kanina. "Ang sakit ng ilong ko, Katarina. Samahan mo na ako please." Nagpapaawang wika ng lalaki at nagpa-puppy eyes pa pero matalim pa rin ang tingin ni Katarina kaya pumikit si Zync at mas lalong nagpapaawa.

"Huhuhu! It hurts so much. I need to see a doctor, Katarina. Please, dalhin mo 'ko sa clinic baka ano na ang nangyari sa ilong ko. Huhu. Pero mas maganda kung ikaw ang magiging nurse ko. Tara uwi na tayo sa bahay. Huhu!"

Ngunit tumagos ang tingin ni Katarina sa taong nasa likuran ni Zync. Nakatayo roon si Allaine na malungkot ang mga mata habang nakatingin sa kanila. Binalik ni Katarina ang tingin sa lalaking nagdadrama pa rin habang nakapikit saka binalingang muli si Allaine. Ilang ulit niyang ginawa iyon at napagdesisyonang lampasan si Zync. Walang ingay siyang naglakad at tumigil nang nasa gilid na siya ni Allaine.

"He needs you." Aniya.

Hahakbang na sana siya ngunit marahas na hinablot ni Allaine ang kanyang braso at malakas siyang sinampal.

"I hate you." Galit na saad ni Allaine.

Samantala, natigilan si Zync nang marinig ang malakas na tunog na iyon at batid niyang isang malakas na sampal ito at kinabahan siya nang marinig ang boses ni Allaine sa kanyang likuran, natuod siya at hindi makagalaw.

Sinalubong ni Katarina ang nanlilisik na mga mata ni Allaine saka umiling.

"Hate me much you want but I don't care." Walang kabuhay-buhay na saad ni Katarina at nilisan ang lugar.

Mariing napapikit si Zync at napayuko. Naramdaman niya ang paghawak ng isang pamilyar na kamay sa kanya at hinila siya nito papunta sa clinic.

Habang kinakaladkad siya ni Allaine ay tumulo ang kanyang luha at mabilis na pinahid.

**

Walang lingon-lingon na naglalakad si Katarina papunta sa Laroa Lake Lagoon sa likod ng campus. Nang makakita ng isang lugar na tahimik at hindi madaling makita ng iba ay agad siyang umupo doon. She was surrounded with thriving bushes and a big wide tree. Napapagod na sinandal niya ang likod sa puno at tumingala.

Malungkot siyang napangiti.

"When am I going to be happy?" Tanong niya sa mga mayabong na dahon ng punong sinasandalan. Mapait siyang tumawa.

She took out her phone and scanned a picture of them. A genuine sweet smile curved on her lips seeing them grinning wide on the image.

"I miss you." Aniya.

**

Lumipas ang mga araw at balik na sa dati ang lahat. Magkakasama na ulit ang grupo nina Laine at ang grupo nina Zync, maliban kay Al... tuwing break time at vacant, sabay nang umuuwi sa hapon at balik ang masayang samahan. Hindi naman mapaghiwalay sina Sia at Al na kalat na sa buong university na may relasyon silang dalawa. Balik sa dating gawi si Rusty, istrikto at supladong presidente ng student council.

Samantala, balik sa walang pakialam sa mundo si Katarina. Palaging nag-iisa na kahit sumama kina Al at Sia ay ayaw niyang gawin dahil nauurat siya sa kakornihan ng dalawa. Simula no'ng araw na sinampal siya ni Laine ay dinistansya niya ang sarili sa kanila, ayaw niya ng gulo at gusto niya lang pagtuunan ng pansin ang mission. Nakabantay pa rin naman siya kay Zync pero madalas may inuutusan na lang siyang tao para sundan ito kahit saan samantala si Sia naman ay gano'n rin ang ginagawa kay Allaine.

**

Isang hapon ay hindi dumating ang guro nina Zync kaya naisipan nilang lumabas at pumunta ng cafeteria. Nagtatawanan silang tatlo ni Rexell at Bryle habang naglalakad. Pagkarating nila sa cafeteria ay natigilan si Zync nang makita niya si Katarina na nakaupo sa pinakadulong mesa, nag-iisa habang malayo ang tingin. May umuusok na mug ng kape at Cinnamon roll sa harap nito.

Pero natigil ang pagtitig niya sa babae nang tinapik ni Bryle ang kanyang balikat at marahan itong umiling kaya agad siyang umiwas ng tingin saka umupo sa pwesto nila palagi. Hinayaan niya na lang ang dalawa na mag-order para sa kanya. Ang kanyang kinauupuan ay nakaharap sa gawi ni Katarina, nakatagilid ito sa kanyang paningin kaya malaya siyang pagmasdan ito.

Tila walang buhay na hinahalo nito ang mainit na kape at humigop. Tumitig ito sa Cinnamon roll at inunat ang kamay. Kitang-kita ni Zync kung paano nanginginig ang kamay nito na imbis sa tinapay ang sadya ay dumiretso ito sa sariling pisnge at parang may pinahid, hindi niya kita kung ano ang pinahid roon dahil nasa kabilang side ito ng mukha pero pakiramdam niyang luha ang pinahid nito.

Yumuko si Katarina saka tumayo at iniwan ang pagkain pero tumigil rin nang may sumalubong. Kumunot ang noo ni Zync nang makita si Rusty na tila may seryosong sinasabi sa babae.Tumango si Katarina na mukhang sumasang-ayon sa sinasabi nito. Sabay na lumabas ang dalawa sa cafeteria. Sinundan niya ng tingin ang mga ito hanggang sa nawala sa kanyang paningin.

"Dude."

Napalingon siya kay Rexell at nakitang nasa harap na niya ang merienda. Nagsimula silang kumain at nag-uusap ng kung ano nang marinig nila ang tsismisan ng estudyante.

"Alam mo bang si Katarina ang napiling Laroa's ambassador para sa Nat'l Youth Conference sa Baguio?" Rinig nilang wika ng isang babaeng estudyante sa kabilang mesa.

"Oo, sinabi sa akin ni Jessy kanina. Si Pres. Rusty raw ang pumili sa kanya." Sagot ng kasama nito.

"Talaga? Ang swerte naman niya. Anrami pa namang incentives kapag ikaw ang napili."

"Nagtataka nga ako eh dahil ang student body naman diba ang pumipili ng ambassador at sa pagkakaalam ko si Allaine ang nanalo sa selection."

"Tumanggi kaya siya, ang sayang-sayang nga pero nagdududa ako kay Pres. Rusty dahil second spot sa selection si Francheska kaya dapat siya ang piliin."

"Oo nga 'no? Kita mo ba 'yon kanina, sinundo niya pa talaga si Katarina. Tapos iba 'yong tingin niya sa babae."

"Pero bakla naman siya..."

"Pero... hindi naman napatunayan 'yon. He didn't deny nor confirm it saka matagal ko nang inobserbahan si Pres talagang mapino lang siya kumilos pero hindi naman bakla."

"So you mean, may pagtingin siya kay Katarina kaya ito ang pinili niya?"

"Ewan. Baka. Hindi natin alam baka nga magulat na lang tayo d'yan sila na sa makalawa, tingnan mo si Sia ginawang lalaki si Al Ryan. Sh*t! Kung alam ko lang na may chance siyang maging lalaki sana matagal ko na siya sinulot. Nagagwapohan pa naman ako kay Al."

"Haha! Oo nga. Tingnan mo naman kasi sina Katarina at Sia, ang gaganda sino ba naman ang hindi mabighani sa kanila. Saka limang araw kaya silang maging magkasama ni Pres. Rusty sa Bagiuo. Grabe, ano kaya ang mangyayari sa kanila do'n?"

"Ngunit nakakatakot kaya sila. 'Yong feeling na baka bigla ka na lang sakalin lalo na si Katarina... haha!"

"Ay agree ako d'yan, pero teh in all fairness... bagay sina Katarina at Pres. Rusty."

"At baka pagbalik nila dito plus one na silang dalawa, for sure magiging maganda o gwapo ang combination nila."

"Tama! Ayiii. Kinikilig ako kapag magkakatuluyan silang dalawa."

Nakaramdam ng panibugho si Zync dahil sa narinig. Gusto niyang e-sungalngal sa lalamunan ng dalawang estudyante ang hawak na tinidor.

"Dude/ Zync."

Napabaling siya nang sabay siyang tawagin ng dalawang kaibigan.

"What?" Tanong niya at hindi pinahalata ang inis na nararamdaman.

"Ang tinidor mo..." -Bryle.

"...nabali mo na." -Rexell.

Agad na napatingin si Zync sa hawak at tama nga ang sinabi ng dalawa. Binitawan niya ang kalahati ng tinidor at tumayo.

"I'm sorry. Mauna na ako sa inyo, kailangan ko pa palang makipagkita kay Daddy sa office." Aniya at lumabas na ng cafeteria at naglakad diretso sa parking lot.

**

"Are you sure, Miss Clementin?" Paniniguro ni Rusty kay Katarina sa kanyang desisyon.

Naglalakad sila ngayon papasok ng campus. Galing silang dalawa sa bookstore sa harap lang ng eskwelahan dahil may kinuha itong inorder na libro doon at sinamahan niya ito. Kanina sa cafeteria nang palabas na siya ay sinalubong siya ni Rusty at nagtanong ito kung pwede ba silang mag-usap na sinang-ayunan niya naman dahil wala siyang gagawin ngunit bago pa sila makapagsimulang mag-usap ay biglang may tumawag sa lalaki galing sa bookstore kaya sinamahan niya na lang ito doon.

Sinabi na ni Rusty sa kanya ang nais pag-usapan kanina habang nasa bookstore pa sila.

"Oo. I'm really sorry for rejecting your offer, Mr. Jeturian. I have prior matters to attend this week and for the next then the next next."

Napatawa si Rusty sa sagot niya at tumigil sa harap ng student lobby kaya tumigil rin siya sa paglalakad at hinarap ang lalaki.

She don't want to accept his offer of being the Laroa's Ambassador for youth because she's not worth a title when she doesn't even know how to act as a role model of youth... she kicks ass, she punch faces and the worst is she kills. So, how can she be an ambassador when she breaks rules?

Then, she has a mission to heed. She has someone to protect, someone to look after and that someone is now looking at her intently, standing from the distance...

Their eyes were nailed on each other for a moment.

Umiwas ng tingin si Katarina at tinanguan si Rusty nang magpaalam na ito. Marahan siyang tinapik ni Rusty sa balikat pero nagulat siya sa sunod nitong ginawa.

Rusty gave her a smack on the lips then walked away like nothing happened. Nanlaki ang mga mata ni Katarina at hindi makagalaw.

**

Umusok ang ilong at tenga ni Zync dahil sa nakita. Gusto niyang magwala dahil sa ginawa ng walanghiyang lalaki kay Katarina. Gusto niyang pahiran ang bibig nito ng paulit-ulit, mawala lang ang bakas ng labi ng mapangahas na lalaki. Gusto niyang sigawan si Katarina kung bakit ito pumayag na halikan siya ng ganun-ganon ng kung sinu-sino. Gusto niyang kaladkarin ang babae at iuwi sa kanilang bahay saka ikulong sa kwarto. Gusto niyang siya lang ang may karapatang halikan ito. Uminit ang gilid ng kanyang mga mata dahil sa galit at selos na nararamdaman.

He's not aware he's being territorial the way he thinks. He didn't notice that he looks murderous at the moment. He didn't know that he's now again crossing the line after how many days of trying hard neglecting his feelings for Katarina.

He took a step forward then another.

Nakita niya kung paano umatras ng ilang hakbang si Katarina ngunit mataimtim na nakatingin sa kanya. Walang bakas na kahit anong emosyon ang mukha nito pero nararamdaman niya ang kaguluhan sa kaloob-looban ng babae.

He could feel her chaos. He could tell, though he can't see the true emotions of her eyes. He feel and could tell that there's connection between them, the connection of being one even with distance that for sure will strengthen when they'd hold on to each other.

Subalit...

Si Zync ang kusang tumigil sa paglalakad nang makita ang mabilis na pagtakbo ni Katarina papunta sa kanya. His heart galloped like a violent horse as she was fast approaching.

Niyakap ni Katarina si Zync at mabilis na kinabig upang matumba sila. Pumihit ang babae at si Katarina ang sumalo ng lahat ng bigat dahil likod niya ang bumagsak sa semento. Muli niyang pinihit ang kanilang mga katawan at magkasamang nagpagulong-gulong. Tumigil sila sa likod ng isang malapad na poste.

They heard the continouos clinking of metals. Natulala naman si Zync pero nagawa niyang lingunin ang kanilang pinanggalingan at nakita ang isang kotse na puno ng butas ng bala. Napatingin naman si Zync kay Katarina na nakaluhod paharap sa kanya nang bigla itong naglabas ng isang baril na may silencer at tinutok sa direksyon ng isang matayog na gusali na katabi lang ng Laroa. Hindi naman masyadong malayo ang distansya kaya sa isang pagkalabit ng gatilyo ay nagawang patamaan ni Katarina ang sniper na nasa rooftop ng gusali.

Kinuha ni Katarina ang cellphone.

"Hey. I need you to cover me for something... the Madisson Condominium rooftop.... I got the sniper shot... Okay." Binaba ni Katarina ang cellphone pagkatapos makausap si Sia saka huminga ng malalim.

"W-what was that?" Nagulantang na tanong ni Zync sa kanya habang namumutla dahil sa takot.

"Just being true to my words, Mr. Orlando." Seryosong sagot niya.

"A-ano?"

"Keeping you safe." Aniya saka tumayo at humakbang paalis.

Agad namang tumayo si Zync at sinundan si Katarina.

"Will you please explain what just happened? And why the heck you have a gun? What was that all about?" Sunod-sunod na tanong ni Zync kaya tumigil si Katarina at hinarap ang lalaki.

"Doing my job protecting you."

"I-I don't understand. N-nalagay na naman sa panganib ang buhay ko at ikaw na naman ang nandyan. P-paano kung natamaan ka ng bala? P-paano kung nasaktan ka na naman? P-paano kung mawala ka? Paano kung---"

"Stop." Pigil niya sa pag-alburuto ng lalaki.

"K-katarina." Kaunting kalabit na lang kay Zync tutulo na ang luha nito pero pinipigilan ang sarili sa mangyari.

"Tama na pwede ba?" She pleaded but remained her flat voice. Mga simpleng salita ngunit nagahatid ng pagkabahala sa buong pagkatao ni Zync.

"No!" Biglang bulyaw ni Zync. "Ayoko! Ayoko! Ayoko!" He yelled repeatedly.

"Shut up!"

"Ayoko! Ayoko please... ayoko." Tila batang umiling-iling si Zync na nangmamakaawang nakatingin sa kanya. Tinalikuran ni Katarina ang lalaki at nagsimulang maglakad. Sumunod naman si Zync.

"Katarina, please... hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang binabalewala mo 'ko. Please, ayoko sa kapayapaang 'to kung iiwasan mo lang naman ako. Total, nakabuntot naman sa akin ang panganib bakit hindi mo na lang mas lalong guluhin? Mas gugustuhin ko pa 'yon Katarina kaysa sa ganito."

Hinarap ni Katarina si Zync saka walang pag-alinlangang sinapak nang sobrang lakas. Tumalsik ang lalaki at napaupo sa semento. Pinasok ni Katarina ang baril sa loob ng jacket at nilapitan si Zync.

"Gumising ka! 'Wag kang tanga! Don't wait until someone important to you gonna drift away from you. Don't wait until you lost her! Don't wait until she left you! Don't wait until nothing's left. Stop before it's too late, Orlando. Open your eyes and see that you're just making things up, that your said feelings are just freaking erroneous..." Dire-diretsong saad ni Katarina kay Zync na nakatulala sa kanya. Namamaos na ang boses niya dahil sa pigil na emosyon.

"'Wag mo 'kong gawing dahilan para sumira ng tao, Orlando. Babae rin ako at alam ko kung ano ang mararamdaman niya kaya maawa ka sa'kin, tama na." Umiling si Katarina at kinagat ang labi. "Kung hindi mo na kaya mas lalong hindi ko kaya, Orlando. Hindi ko kayang makita kang ganyan nang dahil sa akin. Kung ayaw mo na mas lalong ayoko na masira ka dahil sa sinasabi mong nararamdaman sa akin. Kakakilala mo palang sa akin, hindi mo alam kung anong klaseng tao ako." Tumalikod si Katarina at huminga ng malalim ng paulit-ulit saka tuluyang umalis.

Napayuko naman si Zync nang iwanan siya ni Katarina. Nagpaulit-ulit sa kanyang isipan ang mga sinabi nito na halos ikinadurog ng kanyang puso. Napaiyak si Zync saka sinuntok ng ilang beses ang magaspang na semento.

"A-ayoko pa rin, Katarina." Aniya. "Ayokong makinig sa'yo. Ayoko. Ayoko. Ayoko..."

-End of Chapter 21-



God bless you.
Hugs and kisses...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com