Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Twenty-Six

Chapter 26

Enjoy reading!

3rd.

Napapalabi si Zync habang nakatingala kay Katarina na walang ganang nakatunghay lang sa kanya.

"Stand up... look at you. Mukha kang basang sisiw na inibandona ng inahin." Saad ni Katarina at tinalikuran siya na mukhang lalabas na ng banyo.

"H-hey! Hindi mo ba ako ikoko-comfort? Hindi mo ba ako tutulungang tumayo at bigyan ng comforting words, yayakapin tapos hahalikan? Hindi ba pwedeng maging mabait ka sa akin, kahit ngayon lang?" Sunod-sunod na tanong niya at tumayo. Tumigil si Katarina at muling siyang nilingon. Tumaas ang isang sulok ng labi ni Katarina kaya biglang napangiti na rin si Zync at akmang lalapit pero...

"Talk to my hand, O." Anito saka nilapit ang palad sa mukha niya at iniwan siya sa banyo.

Napanganga si Zync.

"Bakit ba ang manhid mo?! Hindi mo pa rin ba ako nararamdaman ha, Katarina? Sinasaktan mo 'ko eh! Pinaparamdam mong hangin lang ako sa'yo! Oo nga't pinoprotektahan mo ako sa mga masasamang tao pero bakit ikaw?! Hinahayaan mong saktan mo ako ng ganito?"

Hinabol ni Zync si Katarina na ngayon ay nakatalikod na nakaupo sa kama. Bahagyang nakayuko ito na tila may kinakalikot sa mga mata. Tumayo si Zync sa kabilang bahagi ng kama.

"Masamang tao ako, O." Simpleng saad ng babae kaya napailing ng ilang beses si Zync.

"Hindi dahil kung masama ka, sana isa ka rin sa kanila na hinahabol ang premyong nakapatong sa ulo ko na hindi ko alam kung sino ang pumatong! Dahil kung masama ka hindi mo ko ililigtas ng ilang beses! Dahil kung masama ka edi sana hindi ka maglalaan ng panahon para protektahan ako. Sabihin mo sa akin Katarina, bakit mo nga ba ito ginagawa?" Nanginginig ang kamao ni Zync habang nakatingin sa babaeng nakatalikod.

Ngayon niya lang napansing nakasuot pala ito ng ternong pajama at naka-messy bun kaya kitang-kita niya ang tattoo nito sa batok. Isang korona na may pulang bato sa gitna. Gusto sanang punahin ni Zync pero mas interesado siya sa sagot nito sa tanong niya.

"I need too." Sagot nito kaya nanlumo si Zync.

"You need to protect me? On what reason, C?"

"It's for me to know and for you to shut up."

Inangat ni Katarina ang ulo pero nakatalikod pa rin kay Zync, mukhang tapos na itong magkalikot sa mga mata nito. Tumayo si Katarina at may pinasok sa isang drawer. Pinatay ang ilaw kaya hindi na sila nagkakitaan ngayon dahil sobrang dilim ng kwarto ni Katarina.

"Why did you turn off the light?" takang tanong ni Zync habang nangangapa. "Bulag ako sa dilim, Katarina! Maawa ka!" dagdag niya na halatang kinakabahan.

"There are things you better not see but you must feel, Orlando." sagot ni Katarina. Hinanap ni Zync ang pinanggalingan ng tinig nito pero nabunggo lang ang tuhod niya sa bed side table.

"Araaay! Katarina naman eh. Buksan mo ang ilaw. Ayoko sa dilim." Reklamo ni Zync pero hindi na muling sumagot si Katarina at biglang tumahimik ang paligid.

"Katarina?" Ilang beses pa ulit tinawag niya ang babae pero feeling niya wala na ito.

Nabunggo si Zync sa pader kaya wala sa sariling napaupo na lang siya sa sahig at niyakap ang mga tuhod. Bakla man daw tingnan pero wala kayong pakialam. Muling nilukob ng sakit at lungkot si Zync, muling binalikan lahat nang nangyari sa kanya.

"Madilim diba?" Bigla siyang napaangat ng ulo nang maramdaman niya ang boses at hininga ni Katarina sa kanyang kaliwang tainga. Kinapa niya ang kanyang gilid pero wala doon si Katarina.

"Katarina?"

"Madilim diba?" Pag-uulit nito na nanggaling na naman sa ibang direksyon, nasa harapan na ito.

"Ano ba 'to Katarina? Gago ka talaga, kitang andilim tatanungin mo pa ako." Asar na aniya.

"Darkness. It looks so sad, gloomy, melancholic and wretched thus we don't know what's happening inside, a mystery. Mmm. Maybe there's danger. Darkness brings danger but I will tell you why I love darkness..." saad nitong muli sa kabilang direksyon na naman medyo malapit sa kanya sa harap. Tumayo si Zync at pumunta sa direksyon na 'yon.

"Darkness gives me peace of mind that this colorful world couldn't give me." Natigilan si Zync nang sa ibang direksyon na naman niya narinig ang boses ni Katarina. Lumingon siya sa direksyong kanan. "Darkness is where I can be myself... it is where I could do anything without no one watching me."

Naglakad papunta sa direksyon na 'yon si Zync pero muling nagsalita si Zync sa likuran niya pero may distansya.

"Darkness gives me warmth but still darkness is dangerous. You could get killed without knowing your enemy, you might get stabbed in your back or you could fall in a cliff."

"But when you get used in the dark you'll learn to sense everything around you."

Pilit sinusundan ni Zync ang boses ni Katarina pero paiba-iba ang direksyon nito, hindi niya masundan.

"You will appreciate the importance of your other senses."

"Your vision is important but this is useless in the dark."

"Why are you telling me this, Katarina?" Tanong ni Zync at nagpalinga-linga pero hindi ito nagsalita.

"Katarina? Ba't mo ginagawa 'to?"

"Katarina?"

"Learn to appreciate your other senses, O." Napaharap siya nang marinig ang boses nito sa mismong harap niya napapikit siya dahil sa mabangong hininga nito. Aabutin niya na sana pero wala siyang Katarina na nakapa.

"In darkness, you could tell if who's bad or good. Do you know why?" agad niyang inunat ang kaliwang kamay dahil sa bulong ni Katarina sa kaliwang tainga niya pero hindi na naman niya naabutan.

"Para sa ano ba 'to Katarina?! Naiinis na ako ah."

"If you'll learn to appreciate your other senses, you will know how to use it until you'll feel their intention towards you, O." Napahakbang ng ilang beses si Zync nang marinig ang boses nito sa harap.

"W-what?"

It's not just in the eyes you could see the truth but you could feel it with their presence and you could tell it with their movements."

Nangangapa pa rin si Zync dahil talagang sobrang dilim ang paligid.

"In darkness... you'll learn the things you couldn't in the light." Nasa harap pa rin nanggaling ang boses nito pero malayo kaya humakbang siya.

"Ano?! Ang ibig mo bang sabihin na kailangan kong maging masama? Kailangan kong umanib sa kadiliman?! Hindi ako demonyo Katarina!" Bulyaw ni Zync, rinig niya ang tawa ni Katarina.

"Not all people in the dark are demons, O. Some are angels trying to hide in the dark to spread the light." Lumingon si Zync sa kanang gawi niya.

"Then what do you mean?! Why are you saying all of these things to me?!"

"I want you to learn how to protect yourself." Napayuko siya nang maramdaman ang hininga nito sa batok niya.

"What?! How can this help, huh? This is nonsense! Turuan mo na lang akong humawak ng baril! Matutuwa pa ako dahil mas gusto ko 'yon kaysa dito at inaantok na rin ako!"

Tumawang muli si Katarina pero mula sa malayo ang tawa nito.

"Not all things will be easy just because you want it, O. Hindi ka maaaring matulog hangga't hindi mo ako nahahanap sa kadilimang 'to." Nasa kaliwa na naman ang tinig nito kaya sinundan niya.

Napapikit si Zync.

"Kailangan mong matutong makiramdam, O. Kailangan mong matutong makakita sa dilim na hindi gamit ang iyong mga mata." Ang boses nito ay mula sa harap na medyo malapit.

Hindi umimik o gumalaw si Zync at nanatiling nakapikit lang.

"Gusto kong matuto kang kumilatis ng tao hindi lang sa mga mata nila kundi pati kung paano sila kumilos ng palihim." Lumayo ang tinig nito pero sa harapan pa rin.

"Darkness is the best training ground for it."

Dumiin ang pagkakapikit ni Zync at pilit pinapagana nang mas mabuti ang kanyang pandinig.

"Dahil sa makulay na mundong kinagisnan mo maraming mapanlinlang... maraming mapagpanggap."

Napalingon sa kanan si Zync nang maramdaman ang mabilis na paggalaw doon.

"Because of those many attractive colors you'll be blinded, O. You are blind even with the light."

Mabilis na pumihit patalikod si Zync nang maamoy niya ang nakakahalinang amoy ni Katarina sa likod.

"And in the darkness they're true colors will come out. It will be a great opportunity for them to break you down." Nasa harapan na naman niya.

Natigilan si Zync at muling pinagana ang pakiramdam.

"That's why you need to learn to see in the dark without using your eyes."

Inunat ni Zync ang mga kamay niya paharap at naramdaman ang mabilis na hanging dumampi sa kanyang mga palad.

"Together with your senses you need to use your brain. Make your logic work. Be a keen observer, O."

Napahinga ng malalim si Zync at napaupo saka hinayaang magsalita at gumalaw si Katarina sa paligid niya pero patuloy pa rin sa pagmamatyag sa babae.

Bawat galaw ni Katarina at ang direksyon nito ay pinag-aralan niya. Mahirap sundan dahil sa bilis at sobrang gaang kilos nito na halos hakbang ay hindi na naririnig. Gusto niya nang sigawan si Katarina dahil feeling niya pinaglalaruan siya nito pero hindi niya kaya dahil alam niyang gusto nitong may matutunan siya.

Muling napapikit si Zync nang may napansin siya sa mga bawat direksyon ng galaw nito. Parang nakaadjust na ang pandinig niya at pakiramdam dahil kahit papano ay nasusundan niya na ang galaw nito.

"Hahahaha! Mahuhuli rin kita Katarina!" Biglang tawa niya nang may napagtanto sa galaw ni Katarina. Narinig niya ang mahinang tawa nito.

"When you learn to use your senses together with your brain, you'll definitely get what you want... you'll definitely catch the enemy in the dark." Galing sa likod ang boses ni Katarina kaya hinanda niya ang sarili.

Napangisi si Zync dahil nakuha niya na ang pattern ng galaw nito.

"And if you'll learn everything in the dark definitely you'll be good at the light..." Mabilis na hinuli ni Zync si Katarina sa harap pero nabitawan niya ito.

"Damn it! Ang daya mo! 'Wag kang pumalag! Touch move!"

Narinig niya ang tawa nito sa kaliwa.

"There's no such rule in the dark, O."

"Sisiguraduhin kong mahuhuli kita sa sunod na galaw mo, Katarina at pagbabayaran mo ang paglalaro sa akin ngayon!" seryosong saad niya saka hinandang muli ang sarili.

"Darkness will definitely help you enhanced your senses, O and you could use it within the light." Mabilis naging galaw ni Zync...

"Gotcha C." seryoso at madilim na saad ni Zync nang maipulupot niya ang kanyang mga braso sa bewang nito. "Nahuli rin kita."

Naramdaman niya ang pagpigil ng hininga nito kaya marahan niya itong pinaharap sa kanya.

"Pinahirapan mo 'ko pero masaya akong tinuruan mo 'ko kung paano magmilagro sa dilim. Hahaha!" tawa niya at muling niyakap ang babae nang mahigpit.

"K-katarina." Paos ang boses na tawag ni Zync. "Katarina, ba't ang manhid mo? Hindi ba talaga kapanipaniwalang may gusto ako sa'yo?"

"Tsk. You haven't learned my lesson very well tonight, O. Your other senses aren't still good enough to find the answers."

"W-what?" Kunot-noong tanong ni Zync dahil hindi niya maintindihan ang sinabi ng babae.

Hindi na umimik si Katarina pero hinila siya nito at marahan siyang tinulak sa kama upang mahiga. Humiga ito sa tabi niya pero may distansya. Napanguso si Zync saka kinapa ang katabi pero malakas siyang napahiyaw ng tinapik nito ang kamay niya.

"Wag ka ngang mangapa kung saan-saan. Turuan mong lumugar 'yang kamay mo!" Saway ni Katarina sa kanya.

"Ba't ba kasi ang layo mo?! Lumapit ka sa akin. Hindi naman kasi kita gagalawin. Diba sabi ko sa'yo 'Kasal muna bago tigasan at Kasal muna bago bukaka.' Kaya 'wag kang mag-alala. Good boy in bed ako, C!" Aniya na may malumanay at maamong boses.

Nagpapasalamat si Katarina na madilim dahil hindi makikita ni Zync kung gaano kalapad ang ngiti sa mga labi niya ngayon at ang pamumula ng pisnge dahil sa sinabi ng katabi. Gusto niyang tawanan ito dahil sira at bali na ang paniniwala ni Zync.

Naramdaman niyang muli ang pangangapa ni Zync kaya mabilis niyang hinuli ang kamay nito dahil baka kung ano pa ang makapa, hinila niya papalapit ang braso ng lalaki at pinayakap sa kanyang beywang.

Napangiti si Zync dahil sa ginawa ni Katarina. Inunat niya ang kanang braso at pinahiga ang ulo doon ng katabi. Pinaharap niya ito sa kanya para mas lalong mayakap niya.

"Masaya ako, Katarina."

Sa maraming pagkakataon. Hindi umimik si Katarina na lihim na napangiti.


*****


Nagising si Zync na may ngiti sa mga labi dahil ito na siguro ang pinakamagandang tulog niya sa buong buhay. Kinapa niya ang katabi at biglang kinabahan nang wala na siyang katabi.

"Panaginip lang ba 'yon?" Mahinang saad niya at takot magmulat ng mata dahil hindi niya matanggap na panaginip lang iyon.

Ilang sandali ay minulat niya ang mga mata at nilibot ang tingin.

"Totoong nangyari nga." Nakangiting wika niya nang makitang wala siya sa sariling kwarto at nasa kwarto nga siya ni Katarina dahil nalingunan niya ang estante na puro armas.

Hanggang ngayon hindi niya pa rin alam kung anong klaseng tao si Katarina. Kung gangster ba ito o ano pero wala siyang pakialam dahil alam ng puso niyang gusto niya ang babae at walang makapagpipigil sa sigaw ng puso niya.

Nasaksihan niya na ring manakit at pumatay ang babae pero imbis na katakutan at layuan ay mas lalong gusto niyang mapalapit dito, hindi dahil para sa kaligtasan niya kundi dahil gusto niyang protektahan rin ito sa makakaya niya.

Nakangiting umupo siya sa kama at kinamot ang ulo. Walang Katarina sa kwarto pero amoy na amoy pa rin ni Zync ang amoy nito. Tumayo siya upang magbanyo nang marinig ang buzzer sa may pinto.

Nagtaka siya kung ano iyon kaya lumapit siya para tingnan at nasurpresa siya nang may maliit na monitor sa gilid ng pintuan. Nakikita niya sa screen ang isang babaeng mas matanda lang siguro sa kanya ng ilang taon na nakatayo at may pinipindot sa harap.

Nakasuot ito ng puting longsleeve na pinatungan ng itim na vest at naka-tuck in sa itim na pencil skirt, nakaitim na stockings at itim na sapatos na may takong. Malinis na nakapusod rin ang buhok nito. Noong una niyang punta sa bahay ni Katarina, pansin niyang ito ang mga uniform ng katulong sa mansion.

Hinuha niyang nasa labas ito ng kwarto ni Katarina kaya napangiti siyang may camera sa labas ng pinto na nakakonekta sa monitor.

"Astig. Magpapalagay talaga ako nito sa kwarto ko." Aniya saka binuksan ang pinto.

Medyo nagulat naman ang babae dahil sa biglang pagbukas niya. Namumutla ito at pinagpapawisan.

"G-good afternoon, M-mister Orlando." Alanganing bati nito na hindi makatingin sa mga mata niya.

"Ah... good morning?" Alanganing bati niya rin dahil nagtataka siya kung bakit ito takot. "Okay ka lang ba?" Napaangat ng tingin ang babae pero agad ring umiwas na para bang takot sa kanya.

"Hey, anong problema?" lalapitan na sana niya ito pero agad umatras ang babae.

"H'wag po kayong lumapit sa akin. Bawal po." Takot na saad nito.

"W-what?" Hindi makapaniwalang tanong niya dahil iba ang dating sa kanya... feeling niya tuloy rapist na amo siya kaya takot ito sa kanya at feeling niya rin na may relasyon sila ng katulong na natatakot itong mahuli dahil magkausap sila. Napangiwi si Zync sa naiisip.

"H-hindi po namin kayo maaaring hawakan o lapitan." Paliwanag nito nang mapansin ang kalituhan niya.

"W-what?!" at ngayon feeling niya may nakakahawa siyang sakit.

"Hindi rin po maaaring tingnan sa mga mata o kausapin." Anito.

"At bakit mo 'ko kinakausap kung gano'n?"

"Sorry po, Mr. Orlando. Patawad po." Yumuko ito kaya mas lalong nagtaka si Zync.

"Sino ba kasi ang nagsabi ng mga bawal na 'yan?" Tanong niya.

"Si Lady Katarina ho, Mr. Zync."

Natigilan si Zync at wala sa sariling napangiti nang malapad dahil feeling niya pinagdadamot siya ng babae sa iba. Pinigilan niya ang sariling mapahagikhik.

"Bakit daw?" Pigil ang ngiting tanong niya sa babaeng nakayuko.

"Dahil po papalayasin niya kami o papatayin na lang para mas masaya raw kung gagawin namin ang mga pinagbabawal niya."

Kumunot ang noo ni Zync dahil napaka-unreasonable naman ng dahilan na 'yon. Oo nga't kinikilig siya dahil possessive sa kanya ang babae pero hindi naman tama na papalayasin o papatayin ang mga lumabag.

"Bakit naman daw?"

"Kasi po may nakakahawa raw kayong sakit na kapag mahawakan ka ay masasalin sa amin ang virus mo at mababaliw kami katulad niyo po." Napaatras lalo ang babae palayo nang mapansin ang kakaibang aurang pinapalabas si Zync.

"WHAT?!" nagsilabasan ang ngipin ni Zync at gustong sakmalin ang babae dahil sa narinig.

"At nangangagat raw kayo! 'Wag po, ayoko pong mabaliw. Huhu! Tapos may invisible sore eyes po kayo kaya mahigpit niyang pinagbabawal ang eye contact sa'yo! Huhu." Napaiyak ang babae sa takot kay Zync kaya kinalma niya ang sarili sa pamamagitan ng paghinga ng malalim.

"Sinabi niya ba talaga 'yan?" mahinagong tanong niya. Tumango naman ng ilang beses ang babae.

"O-opo."

"Walanghiya ka talaga, Katarina. Humanda ka sa akin."

"Tsaka po..." napalingon siyang muli sa babaeng nakayuko.

"Ano?!"

"Kanina pa po kita ginigising, mga anim na oras na rin po akong nakatayo rito kaka'door buzzer." Nanlaki ang mga mata ni Zync. He found what he heard insane. 6 hours? Crazy.

"At bakit naman?"

"Binilin ho kasi ni Lady Katarina na gigisingin ka 7am para paliguan at bihisan saka pakainin dahil papasok raw ho kayo sa klase pero ala una ng hapon na po ngayon kaya patay ako nito. Huhu!"

"Ewan ko sa'yo! Ayokong pumasok!" Singhal ni Zync saka bumalik sa kwarto at padabog na nahigang muli sa kama ni Katarina.

"Nakakainis ka talagang babae ka! Mapang-api!" asar na aniya.

Masamang-masama ang loob ni Zync dahil akala niya may chance na gusto na rin siya ni Katarina dahil sa nangyari kaninang madaling araw, nagyakapan pa nga sila sa patulog at naramdaman niya ang affection nito sa kanya saka ngayon-ngayon lang akala niya pinagdamot na siya nito sa ibang tao pero sumama lang ang loob niya.

"Ang sama-sama mo!" at natulog na lang siyang muli.

Samantala...

Pagkasara ng pinto ni Zync ay natawa ang katulong na nakausap niya dahil nakakatuwa ang asar na asar na mukha ni Zync. Kinuha niya ang camera na naka'dikit sa pader na kaharap sa pinto ni Katarina at pinasok sa bulsa. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang number ni Katarina.

"Nagawa ko na po." Nakangising anito.

"Good." Katarina hanged up.

Naglakad na palayo ang katulong na may ngisi sa labi. Kanina inutusan ito ni Katarina na gawin 'yon para asarin si Zync at video-han.


*****


Hindi mawala-wala ang ngisi ni Katarina sa mga labi habang nakasandal sa kanyang motor. Sumasagi sa isipan niya ang asar na asar na mukha ni Zync, 'yong nanlalaki ang mga butas ng ilong, nandidilat ang singkit na mga mata na halos lumuwa ang mata, ang naglalabasang mga ngipin na tila asong mangangagat, ang mga litid sa leeg at higit sa lahat ang namumulang pisnge at tainga nito.

Excited na siyang umuwi at makuha ang video sa katiwalang inutusan niya kanina bago siya umalis sa mansion para mapanood ang asar na mukha ni Zync.

Agad niyang tinago ang ngisi nang dumating na ang kanyang hinihintay na tao.

"Nagawa ko na. Bayad mo." anito sabay lahad ng kamay.

Tinitigan muna ni Katarina ang babaeng tadtad sa tattoo ang katawan, maraming piercing sa tainga, kilay, ilong at dila, may pulang buhok at makapal na eyeliner.

Napangisi si Katarina saka dinukot ang brown na sobra sa kanyang bulsa at inabot sa babae. Tuwang kinuha naman ito ng babae saka binuklat, nang makita ang ilang panid ng isang libo ay napangisi ito.

"Sobra-sobra kang bumayad sa isang simpleng utos. Pwede bang sa susunod na may kailangan kang ipagawa, ako ang utusan mo?" Saad nito na may umaasang mga matang nakatingin sa kanya.

Umangkas si Katarina sa kanyang motor.

"Let's see kung maayos ang pagkakagawa mo ngayon." Aniya saka sinuot ang helmet.

"Sige! Salamat! Pula is my name! Don't forget to call me when you need me!" masayang pamamaalam ng babae sa kanya nang umalis na siya sa lugar.

"Jackpot ako sa babaeng 'yon!" Usal ng babae at tuwang-tuwa na nilisan na rin ang lugar.


*****


Pagkatapak ng alas dies ng gabi ay agad pumasok si Katarina sa Jewel Pastry Shop. Napangisi siya nang makita ang apat na babaeng empleyado sa loob at ang lalaking inaasahan niyang naroroon. Isa-isa na ring nagsilabasan ang ibang customer. Umupo si Katarina sa pinakadulong mesa at tinaas ang kamay para umorder.

Lumapit sa kanya ang isang waitress. Magsasalita na sana siya nang unahan siya nito...

"I'm sorry ma'am pero closing time na ho namin at may nag-rent ho ng buong lugar for tonight. See that guy?" Turo nito sa lalaking likod pa lang ay kilala na ni Katarina. "VIP customer ho namin siya. He rented the whole place."

Napatango naman si Katarina saka tumayo. Apat na empleyado lang ang naroroon at puro babaeng magaganda.

Pasimpleng tiningnan niya ang waitress na kumausap sa kanya.

'Daniella Ong.'' sambit ni Katarina sa isipan.

Nilingon niya naman ang waitress na umaasikaso sa VIP customer.

'Rafaella Ong.'

Binalingan niya ang babaeng nasa counter na nakatingin sa kanya.

'Tiarra Lopez.'

Huli niyang tiningnan ang babaeng binababa na ang folds ng glass walls ng buong shop.

'Narkizza Lopez.'

DaRaTiNa Gang. The gang consisting of two pairs of twins, her next target and currently, Rafaella Ong is seducing Zync Orlando... Jewel's VIP customer.

This is their chance to kill him and to get the prize. Little did they know, the game manipulator is with them to play for tonight's game.

**

Hindi na maipinta ang mukha ni Zync dahil sa bagot. Kanina pa siya dumating sa Jewel pastry shop dahil nakatanggap siya ng text kanina na nagsasabing makikipagkita si Allaine sa kanya dito ngayong gabi.

Naiinip na siya, kanina niya pa rin tinatawagan ang number na nagtext sa kanya pero hindi naman ma'contact. Sinabi rin kanina ng isang waitress na ni'reserved raw ang buong lugar ngayong gabi sa pangalan niya.

Ayaw niya sanang pumunta dahil hindi ugali ni Laine na mag-text lang kasi tatawag ito kung sa ganitong sitwasyon at baka prank text lang ito, pero dahil gusto niyang makausap ang babae ay pinatos niya ang walang kasiguruhang text.

Tinanong niya kung sino ang taong nagpa'reserved ng buong shop ay sinabi lang ng isang cashier kanina na 'pula', hindi niya naman ma-gets pero hindi na rin siya nagtanong pa dahil kinakabahan siya sa muling paghaharap nina Laine. Huling kita niya kasi rito ay no'ng araw na nangyari 'yong gulo, sinundan niya si Laine sa bahay nito pero tinaboy naman siya.

"Excuse me po, Sir. What do you want for drink? Coffee, tea, soda or juice?"

Napalingon si Zync sa waitress, nagulat pa siya nang cleavage nito ang nabungaran niya. Malanding nakayuko sa kanya ang waitress na naka-unbutton na ang blusang suot. Kitang-kita niya tuloy ang malalaking dibdib nito pero napangiwi siya at iniwas ang tingin.

"Just give me Caramel Macchiato, please." Hindi nakatinging aniya dito.

"How about for pastry, Sir? Cake, pie, cookie or bread?" muling tanong nito sa kanya na mas lalong yumuko at nilapit ang dibdib sa kanya. Napausog siya palayo.

"No thank you." Naasiwang aniya. Nakangiting umalis ang waitress pero tinawag niya ito.

"By any chance, do you know that a woman named Allaine Cortez is coming over here tonight?" hindi mapigilang tanong niya dahil uwing-uwi na siya, gustong-gusto niya nang makita si Katarina at pagbayarin ito sa pang-iinis nito.

"Why are you asking me, po? Diba dapat ikaw ang nakakaalam n'yan?" nakangiting sagot ng waitress na si Rafaella sa kanya. Umiling na lang si Zync saka binalik ang tingin sa labas pero nakababa na nag folds.

"Hey!" Tawag niya sa isang waitress na nagbaba ng folds pero laking gulat niya nang may dumamba sa kanya kaya natumba ang upuan at nadaganan siya nang kung sinong dumamba sa kanya.

Pagmulat ng mga mata niya ay seryosong mukha ni Katarina ang bumungad. Umiling-iling ito...

"Tsk. You got easily fooled, Orlando." Wika nito na ipinagtaka niya. "Too credulous that's why you don't notice that you've been fooled already."

Tumayo si Katarina na may hawak ng hunter knife, nakita niya kung paano ito sugurin ng kausap niyang waitress kanina.

"Katarina!" napahiyaw si Zync sa takot nang makitang sasaksakin nito si Katarina pero mabilis nitong nasipa ang kamay ng waitress.

"Intruder!" sigaw ng waitress. "Who are you?! Ikaw ba 'yong sinasabi ni Pula na nagpaplano ng masama sa amin?! Huli ka ngayon, hindi ka na makakalabas pa kasama si Zync Orlando. Paalam sa inyo."

May hawak na itong muli ng hunter knife at sinugod si Katarina na nakangisi dahil nagawa ngang maayos ni Pula ang inutos niya. Isang sipa muli ang natanggap ni Rafaella sa kamay.

Tumayo si Zync na namumutla dahil sa nakikita at narinig.

'Ibig ba sabihin nitong na-set up ako at ang mga taong 'to ay isa sa mga nagtatangka sa akin?' tanong ni Zync sa isipan.

Pagkatayo niya ay nagulat siya nang tinulak siya ni Katarina, sisigaw na sana siya para pagalitan ito ngunit nakita niya ang nabasag na mug sa kanyang gilid na sa kanya dapat tatama. Pagbaling niya kay Katarina ay tatlo na ang umaatake sa babae pero tila wala lang ito kay Katarina.

Binalingan ni Narkizza si Zync na nakasalampak sa sahig at susugurin na sana pero mabilis na hinablot ni Katarina ang buhok nito at tinulak palayo.

Nilapitan ni Katarina si Zync... She pulled him away to dodge Daniella's incoming attack. She pushed him to the left and gave Daniella a kick in the stomach. She reached the mug in the table and threw it hard to Tiarrah who was also preparing for an attack with a knife. The mug broke when Tiarrah effortlessly punched it.



"Araaay!" Napalingon muli si Katarina kay Zync at nakitang nakadapa na ito sa sahig na parang mukha ang unang bumagsak.

Katarina forcedly tossed her daggers to Narkizza who was the one who pushed him and the latter wasn't able to avoid it. The sharp things hit her and made a deep cut on her arm's flesh.

"Huhu! Ayoko na! Iuwin mo na ako, Katarina! Kagabi ka lang nakipagbugbugan ah... magpahinga ka naman." Nguwa ni Zync dahil sa kaba at akala niya mabubungal na siya sa lakas ng bagsak ng mukha niya.

Zync was about to stand up when Tari somersaulted to pull him over to the corner and made herself to be his shield. Daniella ran towards them with a katana, she smites it to Tari but the latter was cautious enough to elude her attack immediately.

Tari moved to ploy her by punching on her face.

"Aaaa! Andyan na siya!" Hiyaw ni Zync nang makita ang muling pagwasiwas ng katana ni Daniella sa kanila.

Daniella turned to her left so she could avoid her fist but it was a wrong move when Tari took a step back to bang her face using the flower vase and followed it with a round house kick on the neck. Daniella fainted because of the impact, soaked with blood and fragments of the vase on the face.

Katarina pulled off her belt which happens to be a chain whip. She encircled the other end of it around her hand and flings it away going to Rafaella.

The chain whip hit Rafaella which made her nose bleed. Hinugot ni Rafaella ang isa pang hunter knife at sabay na ibinato kay Katarina.

"Ilaaag!" sigaw ni Zync na nasa likuran pa rin ni Katarina.

Malakas na hinampas ni Katarina ang chainwhip sa ere at sinalubong ang lumilipad na kutsilyo. Minaniubra niya ang kadena at pinaikot ito kaya nasagi rin si Rafaella at Narkizza. Palibot siyang tumakbo nang mabilis kina Narkizza kaya nagapos ang dalawa sa chain whip. Ni-lock rin agad ni Katarina ang chain whip upang hindi na makagalaw ang dalawa.

"Hoy! C..."

Napalingon si Katarina sa kinaroroonan ni Zync nang marinig ang tawag nito at nakita niyang hawak na ito ni Tiarrah sa leeg.

"Sino ka para sirain ang plano namin?! Ikaw siguro ang may kagagawan ng hindi matuloy-tuloy na pagpatay namin sa lalaking 'to?! Ngayon sisiguruhin kong patay na ang Zync Orlando'ng 'to at mapapasakamay na namin ang premyo at ang pinakamataas na ranggo saka isusunod na kita kung sino ka mang babae ka."

Dinikit na ni Tiarrah ang kutsilyo sa balat ni Zync habang nakatingin lang si Katarina sa kanilang dalawa na parang wala silang kwentang bagay.

Nang akmang hihiwain na ni Tiarrah ang leeg ni Zync ay nagulat silang dalawa nang binato ni Katarina ang hawak na dagger sa kanilang direksyon at base sa direksyon ng dagger sa leeg ni Zync tatarak ang dagger.

"Aaaa! Ansama-sama mo talagang manhid ka! Hayuf ka, C!"

Napapikit si Zync at hinintay ang sakit sa leeg pero naramdaman niya ang pagluwag ng hawak ng babae. Sa pagmulat niya, mukha na ni Katarina ang nabungaran, nakangisi ito kaya lumingon siya sa likod at nakita si Tiarrah na nakanganga habang hawak-hawak ang klabikula (clavicle) kung saan nakatarak ang dagger ni Katarina.

"Hurting Zync Orlando is a crime. Humanda ang kung sino mang manakit sa kanya dahil sasaktan ko ng doble at mas masakit." Biglang saad ni Katarina habang nakatingin sa maliit na sugat ni Zync sa itaas ng labi dahil sa pagkabagsak niya kanina.

"K-katarina..." parang may isang mainit na palad ang humaplos sa puso ni Zync nang marinig ang sinaad ni Katarina. Gusto niyang yakapin ito at paliguan ng halik pero...

Tinulak siya ni Katarina palayo at nilapitan nito si Tiarrah. Napanguso si Zync at nilibot ang tingin sa buong pastry shop.

Wasak ang lahat ng gamit.

"Because you hurt him... akin na kayo." wika ni Katarina kay Tiarrah na namumutla na dahil sa sugat na tinamo, tumingin ito sa kanya. Umiiyak na umiling.

"P-patayin mo na lang kami dahil papatayin rin naman nila kami." saad ni Tiarrah. Hindi nagsalita si Katarina. "Wala na kaming silbi sa kanila dahil nakuha na nila lahat ng yaman ng mga pamilya namin at hindi rin namin nagawa ang utos nilang patayin si Zync na makakapagbigay ng immunity sa amin."

"Immunity?" Katarina asked.

"N-ngayong gabi ang deadline na binigay nila sa amin. P-papatayin na nila kami bukas kaya please patayin mo na lang kami kaysa sila tumapos sa buhay namin. Iregalo mo na lang sa'min 'to na kahit sa katapusan namin ay hindi sila ang gumawa." umiiyak na pagmamakaawa nito sa kanya.

"Just say yes and you'll be under my wings." simpleng saad ni Katarina at tinalikuran ang umiiyak na babae.

Nakakunot-noo naman si Zync nang makitang umiiyak ang babae sa harap ni Katarina. Hindi niya rinig ang pinag-uusapan ng dalawa, lalapitan na sana niya ang dalawa ngunit humarap na si Katarina sa kanya. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang braso saka iginiyang umalis na...

"W-wing regal!" Napatigil si Zync at nilingon ang babae. Nakita niyang nanghihinang nakasunod ito sa kanila.

Pagharap ni Katarina ay biglang lumuhod ang babae sa paanan nito at halos halikan ang mga paa ni Katarina.

"Y-yes... pag-aari mo na kami, Wing Regal. Maraming salamat." Paulit-ulit nitong sambit kaya nalito si Zync dahil nakaka-imbang isipin na sinaktan sila ni Katarina pero pagkatapos nagpapasalamat pa ito. Nilingon niya ang dalawang babaeng nakagapos, nakangiti ang mga ito at umiiyak rin habang nakatingin kay Katarina.

Binalingan niya si Katarina at nakangiting nakadungaw ito sa babaeng nakaluhod sa harapan. Napatitig siya sa mga ngiti nito at napasimangot siya dahil ito ang ngiting gusto niyang siya lang ang makakita.

"Don't smile, Katarina!"

"Sabing 'wag kang ngumiti!"

"Katarina! Hayuf ka talaga!"


-End of Chapter 26-

Thank you for reading freaks.

Hugs and kisses...


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com