Twenty-Three
Note: In case, you can't find Chapter 22, it's in the last part of the story.
Chapter 23
Enjoy reading!
3rd.
Nararamdaman ni Zync ang marahan at magaang kilos sa kanyang paligid pero nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata dahil sa antok at pagod. Ni hindi niya magawang kapain ang katabi. Kumunot ang noo niya nang maramdaman ang pagtusok ng kung anong bagay sa kanyang leeg.
He felt the hot liquid run through his veins from his neck. It was relaxing yet intoxicating.
Imumulat na sana niya ang kanyang mga mata nang maramdaman ang malambot na mga labi ni Katarina sa kanyang labi. Narinig niya ang marahan na pagsinghot nito at pagtulo ng luha sa kanyang pisnge.
'Umiiyak siya?' Tanong niya sa kanyang sarili.
"I love you but I'm sorry."
Kumalabog nang matindi ang puso niya dahil sa narinig. Six words were able to hurt him bigtime.
Hindi niya na kayang magmulat pa. Naramdaman niya ang pag-alis ni Katarina sa kanyang tabi at tuluyang paglabas nito sa cottage.
Napasinghap si Zync nang maimulat ang mga mata at agad sinubsob ang mukha sa unan nang makitang wala nang Katarina sa loob, wala na ang Katarina na kayakap niya kanina... iniwan siya ni Katarina.
Ano ang ibig sabihin ng huling sinabi nito? Ano ang ininject nito sa kanya? Maraming tanong ang namuo sa kanyang isipan.
Napahagulgol siya nang malakas dahil sa katotohanang iniwan siya ng babaeng tunay na tinitibok ng kanyang puso pagkatapos nitong magpaubaya sa kanya ng buong-buo.
Pwede naman niyang habulin si Katarina pero hindi na kaya ng loob niya dahil sa huling sinabi nito. Simple lang pero malaki ang naging epekto sa kanya. Sobrang sakit ng mga salitang 'yon para sa kanya. Pinaramdam ni Katarina sa kanya na isang malaking pagkakamali ang mahalin siya.
"Ang daya mo, Katarina... ang daya-daya mo."
He fell asleep because of too much pain.
**
Napabalikwas ng bangon si Zync. Nilibot niya ang tingin sa buong paligid na malinis at walang bakas ng gulo. Tiningnan niya ang sarili na nakasuot pa rin ng damit. Natawa siya dahil sa kakaibang panaginip na nagpagising sa kanya.
He dreamt that he was with a woman that has a wing tattoo covering her whole back. The woman came out naked from the sea and the next thing happened on his dream was, he was naked above her. He can't see the woman's face clearly but he could hear her voice calling his name non-stop.
Napailing siya at iwinaksi sa isipan ang panaginip. Tumayo siya pero napabalik ng upo dahil sa masakit na balakang.
"Psh. Bakit ang sakit ng balakang ko?" Tanong niya sa sarili at tumayo habang hinihilot ang balakang para makaligo.
Nagtaka siya nang makita sa salamin na namumula at namamaga ang kanyang mga labi.
"Anong ginawa ko?" Naguguluhang tanong niya.
Nang makabihis na at handa na siyang umalis sa beach resort, pagkalabas niya sa cottage ay nakita niya sa mesa sa labas ang isang bote ng wine na kaunti na lang ang laman. Napatango siya sa sarili nang mapagtantong naglasing siya.
Naalala na naman niya ang huling pagkikita nina Katarina no'ng isang linggo pa at ang mga sinabi nito.
"Siguro tama ka, Katarina... titigilan ko na ang kahibangan kong 'to." Saad niya saka tinungo ang kanyang kotse. Nagmaneho siya pagbalik sa siyudad.
Nang makarating sa bahay ay agad siyang naghanda para sa eskwela. Uminom na rin siya ng pain reliever dahil sa pananakit ng buong katawan.
Lunes na ngayon at rinig niyang ngayon ang balik nina Katarina at Rusty galing sa Nat'l Youth Conference sa Bagiuo. Napangiti ng malungkot si Zync at hinayaan ang sakit na nararamdaman na magpakaepal sa emosyon niya.
"Lilipas din 'to." Aniya.
Maaga siyang nakarating sa Laroa. Tumambay muna siya sa loob ng sasakyan ng ilang minuto. Nakita niya ang motor na papasok sa parking lot at batid niyang si Katarina iyon. Nagpark ito sa 'di kalayuan sa pwesto niya. Kasunod nito ang isang kotse na alam niyang kay Al. Bumaba doon sina Sia at Al na agad nilapitan ang kakababa lang sa motor na si Katarina. Pagkahubad nito ng helmet ay napangiti si Zync nang makita niyang muli ang magandang mukha nito.
Kumunot ang noo ni Zync nang biglang pinalo ni Sia ang balakang ni Katarina at nakita niya kung paano ngumiwi ang babae na tila ba nasasaktan. Napahawak pa ito kay Al bilang suporta dahil sa nanginginig na tuhod.
Nag-usap sandali ang tatlo at naglakad papasok ng campus habang nakaalalay si Sia sa kay Katarina. Bumaba na rin si Zync sa kanyang kotse at mas lalong napangiti nang makitang paparating na si Allaine. Nagpark ito sa tabi ng kotse niya. Nang makababa ang nobya ay agad niyang itong nilapitan at tinulungan hubarin ang helmet.
Nagtatakang nakatingin naman si Allaine sa kanya pero tanging ngiti ang isinukli niya dito. Masuyong hinalikan niya ang mga labi ng nobya at mahigpit na niyakap.
"I'm sorry babe. I love you." Aniya at natuwa siya nang maramdaman ang pagyakap rin ni Allaine sa kanya. Hindi ito nagsalita pero ramdam niya ang nais iparating ng nobya.
Sabay silang pumasok sa campus at ilang pamamaalam pa ang ginawa nilang dalawa bago maghiwalay para pumunta sa kanya-kanyang klase. Nakangiting pumasok siya sa classroom nila at agad binati sina Rexell at Bryle na mas nauna pa palang pumasok sa kanya.
"Good morning."
Napatingin naman sina Bryle sa kanya na may naniningkit na mga mata.
"Anong nakain mo?" Pangdududa ni Rexell sa kanya at nilapitan siya.
"Oo nga, parang may nag-iba sa'yo ngayon?" Saad naman ni Bryle. Kumunot naman ang noo niya saka humagalpak ng tawa.
"Ano ba kayo? 'Wag niyo 'kong simulan." Aniya saka umupo ng maayos pero nakangiti pa rin.
"Bakit parang blooming ka ngayon?" Pang-iinitriga ni Bryle sa kanya na ikinailing niya.
"Tapos nag-blush on ka ba? Namumula ang pisnge mo, dude." –Rexell.
"Then your lips, it looks tainted and swollen. Nakipaglaplapan ka ba?" –Bryle.
"Mga g*go kayo!" Saway niya sa dalawa pero natatawa pa rin. "Bakit ba?! Umayos nga kayo!"
"Parang may naaamoy ako, dude." Wika ni Rexell kay Bryle.
"Ano 'yon?''
"Amoy 'di na virgin ang kaibigan natin!" Bulalas nito saka nagtatalon kasama ni Bryle. Napalatak naman si Zync.
"Hoy! Nakakahiya na kayo! Nakatingin na sa atin ang mga kaklase natin oh! Baka may makarinig at itsismis pa 'yang pinagsasabi niyo!" Sita niya sa dalawa na agad tumigil at lumapit sa kanya na halos iduldol na ang mukha nila sa kanya.
"Magsabi ka ng totoo Zync." –Bryle.
"Oo nga, sabihin mo sa'min. Sinuko mo na ba ang Eifel Tower mo kay Allaine, ha?" –Rexell. Naningkit ang mga mata ni Zync at sinapok ang dalawa.
"Tumigil nga kayo. Hindi 'yan totoo. Naniniwala pa rin ako sa kasal muna bago mag-tutooot."
"Weh?" Utas ng dalawa.
"Kayo ah, ang rurumi ng isip niyo." Aniya saka sinimangutan ang dalawa pero agad rin naman siyang ngumiti.
"Eh bakit parang ang saya-saya mo ngayon?" –Bryle.
"Mukha kang nakascore dude ng mga sampung rounds." –Rexell na nakangising nakatunghay sa kanya.
"G*go! Walang may nangyaring malaswa, okay?
"So ano nga ang nangyari?" –Bryle.
"Nagkaayos na kami ni Allaine." Nakangiting wika niya na ikinangiti ng malaki ng dalawa. Nag-apir pa ang mga ito at mahinang binatukan si Zync.
"Talaga lang huh? Siguraduhin mong hindi ka na maiinsecure sa akin tuwing nagpapapansin ako kay Katarina." –Rexell. Mahinang sinuntok naman ito ni Bryle sa sikmura dahil sa pagbanggit ng pangalan ng babae.
"Wala lang ako sa huwisyo no'n dude, alam niyo namang hindi kami okay ni Allaine no'ng mga panahong 'yon diba? Kaya kahit kayo ay nadadamay." Paliwanag niya na nakangiti pa rin.
"Nagdududa na ako sa ngiti mong 'yan ah." –Bryle.
"Oh? Bakit na naman?" Tanong niya.
"Wala lang. Nakakabigla kasi, kahapon para kang tangang naglalasing na hindi mo naman masabi sa amin kung ano ang dahilan tapos ngayon masayang-masaya ka. Feeling ko may nangyari sa'yo kagabi eh. Ano ba kasi ang ginawa mo do'n sa beach resort niyo?" Ani Bryle at biglang napasinghap. "Oh my gosh! 'wag mong sabihin na kumuha ka ng bayaran at kinalantari mo?!" OA na dagdag nito. Malakas niyang sinuntok ang braso nito.
"Damn it! Wala ngang nangyari kagabi. Kayo ah, kung anu-ano ang mga sinasabi niyo. Baka kumalat 'yan sa school patay talaga kayo sa akin!" Pikong singhal niya. Sabay na itinaas naman ng dalawa ang kanilang mga kamay.
"Chill! Masyado ka namang hot eh." –Rexell.
"Okay kung wala. Ang pikon mo talaga." –Bryle.
"Nakakaasar na kayo eh! Sinisira niyo ang umaga ko."
"Oo na nga diba. 'Wag ka ng highblood d'yan. Sige ka baka maistroke ka, mamamatay kang virgin." Biro ni Rexell.
*****
"Okay ka lang ba talaga?" Nag-alalang tanong ni Rexell kay Katarina.
Sinasabayan siya nitong maglakad papunta sa classroom niya. Nakipagkita kasi siya rito para humingi ng pasensya dahil sa biglang pagkawala niya sa huling araw ng conference.
"Yes, I'm fine." Aniya sabay ngiti.
"Namumutla ka eh. Sure ka ba talagang ayaw mong dalhin kita sa clinic?" Worry is written all over his handsome face. Napangiti si Katarina.
"Ikaw ah, nakakaintriga na 'yang pagiging mabait mo sa'kin. No'ng nakaraan lang parang gusto mo na akong ilibing, bakit ngayon ganyan ka na sa akin? Bakit nga ba, Rusty?" Aniya. Ngumiti si Rusty at ginulo ang buhok niya.
"I just came back to my senses na I am already overreacting dahil dagdag stress ka kasi." Sagot nito, narating nila ang kanyang classroom at si Rusty mismo ang bumukas ng pinto.
Nilingon ni Katarina si Rusty...
"Thank you, Mr. Jeturian." Aniya. Ngiti at isang yakap ang tinugon ni Rusty sa kanya na inani ng singhap at bulungan ng mga kaklase niya sa loob ng classroom.
Marahan niyang tinulak si Rusty saka tinaboy.
"Sige na. Umalis ka na. Masyado kang clingy, tadyakan kita d'yan eh." Aniya at pumihit paharap sa loob ng classroom.
Dumiretso siya sa kanyang upuan pero agad rin naman tumayo at paika-ikang lumapit sa isang kaklaseng lalaki.
"Pwede bang palit tayo ng upuan?" Malumanay na tanong niya dito.
"Oh sure, Katarina. Ikaw pa." Tumayo ang lalaki sabay bundol ng mahina sa pwet niya kaya napahiyaw siya.
"Fvcking*na! P*nyeta ka!" Mura niya sa lalaki kaya napatingin ang lahat sa kanya. Nakangiwi siya habang nakahawak sa balakang niya sabay sapok ng librong hawak ng isang kaklase sa ulo ng lalaking bumundol sa pwet niya.
Bumulong-bulong siya bago umupo siya agad sa upuang iyon at dumukmo sa desk.
Nagtatakang napapatingin naman sa kanya ang mga kaklase dahil sa biglang paglipat nito ng upuan at sa kakaibang Katarina ngayon.
"Bakit siya lumipat?" Nakangusong tanong ni Rexell habang nakatingin kay Katarina nasa kabilang row na nakaupo, malayo sa kanila. "At bakit parang bugbog sarado ang katawan niya kung makangiwi?" Pansin nito sabay tingin kay Zync.
"Kasi nandito ka. Ang pangit mo kaya at kinukulit mo pa siya parati." Pang-aalaska naman ni Bryle dito. "Saka alam mo namang basagulera rin 'yan, baka nakipagbugbugan 'yan kagabi. Alam mo na." Seryosong dagdag nito.
"Hindi naman ah. Tingnan niyo ang layo-layo niya na. Hindi ko na maabot." Utas ulit ni Rexell saka siniko ang katabing kanina pa tahimik pero nakangiti na si Zync. "Anong masasabi mo, dude? Gusto kong makitang makipagbugbugan si Katarina ng aktwal. Grabe siguro ang cool-cool niya."
"Huh?" Gulat na tanong ni Zync. Interesadong tumingin naman si Bryle sa kanya.
"Si Katarina."
Lumingon si Zync sa babaeng nakadukmo sa desk.
"Bakit may dapat ba akong sabihin?" Walang ka ngiti-ngiting aniya at nilingon muli ang mga kaibigan na may ngiti sa mga labi. "Wala naman diba?" Kumibit-balikat na lang ang dalawa at hindi na pinansin ang biglang pagbabago ng mood niya.
**
"Miss Clementin! Why are you sleeping in my class?!" Umalingawngaw ang sigaw ng guro nang makitang nakadukmo lang si Katarina sa desk.
"Katarina." Mahinang bulong ng babaeng katabi ni Katarina at mahinang tinapik ang braso nito pero agad rin binawi ang kamay saka napatayo.
"Ma'am! Ang init-init po niya! Mukhang nilalagnat!" Bulalas nito. Agad nila napansing nawalan na ng malay dahil sa sama ng pakiramdam.
"D'yos ko pong bata. Bakit pa pumasok 'to kung ganito kataas ang lagnat?" Saad ng guro saka tumawag sa clinic upang magpadala ng nurse at wheel chair para kay Katarina.
Pinaupo ng maayos ng guro si Katarina at marahang tinatapik ang namumutlang pisnge nito habang hinihintay ang nurse.
"Miss Clementin?" Biglang nag-alala ang guro nang hindi nagigising si Katarina kahit anong pilit niyang gisingin ito.
"Nako po... Miss Clementin?" Paulit-ulit niyang tinapik ang pisnge nito. Kinapa naman ng katabi ni Katarina ang kanyang pulso.
"Ma'am! Mahina at mabagal ang pulso niya!" Natatakot na wika nito.
Nataranta ang lahat sa buong klase nang biglang may dumaloy na dugo sa ilong niya. Naestatwa naman si Zync habang nakatingin sa walang malay na si Katarina, hindi siya makagalaw. Gusto niyang lapitan ito pero hindi niya kaya dahil sa ipinangako sa sarili hindi na siya lalapit dito, na titigil na siya.
Dumating si Rusty kasama ang nurse pati sina Sia at Al ay dumating rin. Agad nilang inisikaso si Katarina. Binuhat ni Rusty si Katarina...
"Ah ma'am, kami na ho ang bahala sa kanya." Saad ni Rusty at hindi na pinakinggan ang sinasabi ng guro na dapat dalhin sa ospital si Katarina.
Sabay na lumabas ng classroom silang tatlo kasama si Katarina.
**
Mataas na lagnat lang naman ang nangyari kay Katarina na minsan lang mangyari sa kanya. Nagtaka sina Sia kung bakit ito nagkalagnat, wala silang ideya sa mga pinaggagawa nito no'ng nakaraang araw. Kaninang madaling araw lang ito umuwi at halatang pagod na pagod na halos gumapang na papasok ng mansion. Inisikaso niya ito at pinainom ito ni Sia ng pain reliever saka pinatulog. Nagulat pa nga siya nang paggising niya ay gising na ito at tila hindi na pagod.
Ngunit kanina pa siya nagdududa nang mapansin ang mga pulang marka sa leeg nito at ang namamagang mga labi saka halos lumuwa ang mga mata niya nang bihisan niya ito kanina ay puno ng kissmarks/hickey ang katawan ng babae na para bang may ginawa itong kababalaghan buong magdamag.
"Tell me Katarina, how many rounds did it goes that made you limp and ill now?" Pang-iintriga niya dito nang magising ito kinagabihan pagkatapos nilang inuwi si Katarina kanina nang umeksena ito sa eskwelahan. "Then tell me the bastard's name! Tah-tah-dyakan kow siya sa bah-yag."
"Stop saying nonsense, Iseah. Please, let me rest." Nanghihinang wika nito, hinila naman ni Al si Sia palabas ng kwarto ni Katarina.
Nang maiwan siyang mag-isa ay nag-unahan sa paglandas ang kanyang mga luha.
*****
"Parang may kulang." Biglang sambit ni Zync. Nasa student's lobby area sila ngayon, tumatambay dahil may dalawang oras silang vacant. Kasama nila ang grupo nina Laine. Napatingin naman si Laine sa kanya na katabi lang naman niya.
"Ano ang kulang, dude?" –Bryle.
Nagkamot naman ng ulo si Zync. Kahapon pa siya ganito na para bang may kulang sa kanya at hindi niya alam kung ano.
"Hindi ko masabi kung ano. Basta parang may kulang." Paliwanag niya.
"Si Al, siya ang kulang." Saad ni Cynthia na nakasimangot habang ngumunguya ng bubble gum.
"Oo nga 'no? Hindi pa natin nakakausap ang baklang 'yon." –Henna.
"Ano kaya ang nangyari at biglang lumayo siya sa atin saka sila na ni Sia." –Francheska.
"Nagtataka nga ako eh, lalaking-lalaki na siya ngayon tapos tamang tango lang ang tinutugon niya sa atin." –Lara.
"Hayaan niyo na si Al, kitang nagbibinata. Ganyan talaga, hormonal imbalance. Naninibago pa siguro sa pagbibinata niya." Natatawang saad ni Rexell.
"Oo nga, pabigyan niyo na dahil ilang taon niyang sinayang ang kamachohan niya sa pagiging bakla at jackpot siya kay Sia 'no. Ang ganda-ganda at sexy pa." –Bryle na nakipag-apir kay Rexell.
Ilang sandali silang nagharutan pero nanatiling lutang si Zync dahil sa nararamdamang kulang sa pagkatao niya at hindi napansin si Allaine na tumayo saka naglakad palayo sa kanila.
Naging mabilis lahat nang nangyari. Ang kaninang nagkakatuwaan na mga estudyante sa Student's Lobby area, ngayon ay nagkakagulo...
*****
Nagpapalipas ng oras si Katarina sa Laroa's lake lagoon pero dahil sa kakabato niya ng bato sa kung saan-saan ay may natamaan siya at galit na galit ito... si Rusty.
"May galit ka pa ba sa akin?! Ba't mo 'ko binato, Katarina?! Akala ko ba magkaibigan na tayo!" Reklamo ni Rusty habang hinihimas ang noong tinamaan ng malaking bato.
"Sorry, hindi ko naman sadya. Edi sana umiwas ka." Sagot ni Tari, mahina man ang boses pero bakas pa rin ang katamlayan.
Bumuntong hininga na lang si Rusty at hindi na dinibdib ang pagbato niya. Umupo ito sa tabi niya at nagsimulang magkwento nang magkwento ng kung anu-ano. Hindi siya nakikinig dahil lutang pa rin ang isipan niya dahil sa nangyari no'ng gabing 'yon. Hindi niya inaasahan na magkakasakit siya dahil sa ginawa nila ni Zync, baka nanibago ang katawan niya kaya siya nilagnat ng malala.
She's still sore and she could still feel his lips and hands in her skin. She could still feel him inside her. Everything is still fresh in her mind.
"Nakikinig ka ba?" Tanong ni Rusty nang mapansing malayo ang tingin niya.
"Oo." 'Rinig na rinig ko ang pag-iyak at sigaw ng aking puso.'
Pagak siyang tumawa kaya napatitig si Rusty sa kanya ngunit naisturbo sila nang biglang may nagtitiling dalaga na tumatakbo papalapit sa kanila.
"Ate Katarinaaa! Pres. Rustyyy!" Sigaw nito.
Napatayo naman silang dalawa. Mabilis na sinalo ni Rusty ang dalaga nang hindi nito makontrol ang pagtigil dahil sa mabilis na pagtakbo. Hinihingal na ito habang inaalalayan ni Rusty upang makatayo ng tuwid.
"A-te! Ate! Waaaaaaaa! Ate!" Natatarantang sigaw nito kaya hinawakan ito ni Katarina sa pisnge at pinakalma.
"Hinga ka muna." Aniya. "Okay ka na?" Tumango naman ang babae. "Ano ang nangyari?"
"Kyaaaa!" Hiyaw nitong muli nang maalala ang rason kung bakit nito hinanap si Katarina.
"Sssh. Kumalma ka muna. Hey!" Alo ni Katarina dito saka muli itong kumalma.
"Ate, si Ate Sia!" Matinis ang boses na saad nito.
"Bakit? Ano nangyari?" Kinakabahang tanong niya.
"Ate Katarina! Si Ate Sia nakikipagrambulan kay Ate Allaine sa lobby area! Waaa!" Nagpapanic na wika nito.
Sumeryoso naman ang mukha ni Katarina at walang salitang tumakbo siya papunta sa lobby. Habang ang dalagang nagdala naman ng balita ay hindi pa nakakahulma ay hinatak ni Rusty saka mabilis na tumakbo sunod kay Katarina.
"Kyaaa! Iwan mo na lang ako, Pres!" Hiyaw nito.
**
Narating ni Katarina ang lobby area at pinaghahawi ang mga estudyanteng nakaharang. Aalma na sana ang mga hinawi niya pero agad tumiklop nang makilala siya. Nang makapunta sa harap, tumigil siya ilang metro ang layo sa dalawang nag-aaway. Akala niya talaga nagpipisikalan pero nakaupo lang naman si Sia sa bench na tila walang pakialam kay Laine nakatayo sa harap nito na masama ang tingin kay Sia na para bang pinapanatay nito ang babae sa isipan. Kinabahan siya kanina hindi para kay Sia kundi para kay Allaine dahil kayang-kaya patumbahin ni Sia si Allaine sa isang iglap lang.
Nilibot niya ang tingin...
Nakita niya si Al na hinahawakan nina Henna at Cynthia, si Bryle at Rexell na pinipigilan si Zync na lumapit sa dalawa pero nagawang makatakas nito sa kapit ng dalawa at agad lumapit kay Laine pero hindi nito hinawakan ang babae.
"Babe! Please calm down." Saad ni Zync pero tila walang narinig si Laine.
"Shut up!" Galit na baling ni Laine kay Zync nang muli itong magsalita. Napaatras si Zync dahil sa nakitang galit sa mukha nito.
Binalingan ni Laine si Sia saka dinuro.
"Since you and your friend came here, everything went wrong! Now I know why I really hate the two you the first time I met you!" Sigaw nito kaya napakunot ang noo ni Katarina habang nakikinig.
"Why aren't you answering?! Are you mute? Or you're just guilty in messing around with us?! Do you think that I am not aware of what you're doing to my boyfriend?! You tried to kill him many times! Katarina and you are the one behind all those death threats!"
Napasinghap ang lahat dahil sa saad ni Laine.
"Allaine! That's too much!" Sigaw ni Zync na umagaw ng atensyon ng lahat.
"Bakit Zync?! Ipagtatanggol mo na naman ang dalawang babaeng 'to?! Ipagpipilitan mo na naman na hindi sila taong gustong patayin ka?!" Galit na baling ni Laine kay Zync.
"No! It's not like that! You don't have a proof kaya 'wag kang magsalita nang ganyan! Naninira ka na ng tao!"
"Ah? Hanggang ngayon 'yan pa rin ang pinaniniwalaan mo?! You don't know what you're talking about! You don't know what kind of people are them! Wala kang alam habang ako alam ko kung anong klaseng nilalang sila! I don't need any proof to confirm my accusations because knowing who they really are, is all enough for me to believe that they are the one who wants you dead!"
Umiling-iling si Zync sa sinabi ni Allaine. Gusto niyang sabihin dito na hindi kayang gawin ni Katarina na saktan siya dahil ito ang palaging nasa tabi niya sa tuwing nalalagay siya sa panganib. Tinikom ni Zync ang bibig at nagmamakaawang tinititigan si Allaine na muling bumaling kay Sia na walang gana na nanonood lang sa kanila.
"What now? What else do you want to say, Miss Cortez?" nakataas ang kilay na tanong ni Sia saka sinilip ang wrist watch. "You're wasting my time, y'know that?" nilibot nito ang tingin sa paligid at mukhang nagulat pa nang makita maraming tao ang nanonood sa kanila. "Oh? Wow! This is what you want right?" tumawa si Sia nang malakas. "Am I right Miss Cortez? This what you want?!" Tinuro ni Sia ang mga tao sa paligid.
"What the hell are you talking about?! You freak?!"
"This is what you want!" saad ni Sia habang nakangisi. "Look at them, they're looking at you. Look at how they look at you. They have those sympathizing eyes for you, Miss Cortez while look at how they look at me. If looks could kill, I'll be dead by now. C'mon Laine, this is all what you want!"
"Shut up, B*tch!"
"Ow? Now, you want me to shut up?! What's wrong with you? Why are you so mad at me?! Is it because you believe that we would want Zync dead? Are you serious?! If we want to kill him, I could kill him right here, right now in front of you... in front all of you! If that's what we really want why do we need to make it longer if we could kill him in an instant?!" galit nang saad ni Sia saka tumayo at hinarap si Laine.
"Please Sia, stop it." Nag-alalang saway ni Al kay Sia pero hindi man lang lumingon si Sia.
"Zync's right, you don't have any proof but because you hate us... you hate Katarina the most that's why you keep on insisting that we wanted to kill him... you keep on believing that we will hurt him. Do you know why?"
Hindi umimik si Laine at nanatiling nanlilisik lang ang mga matang nakatingin kay Sia.
"Of course, you know... it's because you are threatened!" Sigaw ni Sia. Huminga muna ito ng malalim bago magsalitang muli. "You are afraid that you will gonna lose the spotlight you have, you are scared that we will snatch everything away from you, your fame and your crown being the queen of this school! You are insecure to Katarina because your boyfriend here, Zync is slowly drifting away from you for his attention was not only yours... you always caught him looking at her! You always caught him smiling just by seeing her! You are insecure!"
Nagulantang ang lahat dahil sa naging pahayag ni Sia. Walang may nakaimik lalo na si Zync na nakanganga habang si Katarina naman ay nakakuyom ang kamao at nakayuko.
"That's not true!" sigaw ni Laine.
"Yes it is---" Hindi na natuloy ni Sia ang sasabihin nang bigla siyang sinuntok ni Laine sa mukha.
Hindi gumanti si Sia dahil alam nitong hindi kakayanin ni Laine kung masimulan nitong saktan ang babae.
Sinuntok muli ni Laine si Sia.
"Sia!"
"Laine! Stop it!" sigaw ni Al na nagagalit na dahil pananakit nito sa nobya.
"Allaine!" Sigaw naman ni Zync at sinubukan awatin si Laine pero laking gulat niya nang pati siya ay sinuntok ng nobya. Napasalampak siya sa sahig at sinapo ang panga.
Hinawakan ni Laine ang damit ni Sia saka binalibag sa isang mesa. Nawasak ito pero ni hindi man lang ngumiwi si Sia. Tumayo pa ito nang parang wala lang at pinagpag ang damit saka ngumisi.
"Is that all? Oh poor Miss Cortez... you're nothing against us. Hahaha! I'm gonna laugh my ass out when time comes that Zync will gonna leave you because of Katarina! Can't you see it?! He's in love with her! You'll be obsolete, Miss Cortez. You'll gonna lose everything!"
"Sia! Ano ba?! Stop provoking her! You're not helping!" Sigaw ni Zync na nakatayo sa likod ng nanggagalaiting si Laine.
"Not helping? Huh? Did you hear yourself? You're not helping either! You made her more mesirable! You made her lonelier---"
"Iseah Frost, that's enough!" Napalingon ang lahat nang biglang nagsalita si Katarina na naglalakad na nang palapit sa kanila.
Matigas ang kanyang mukha habang diretsong nakatingin kay Allaine.
"Ow, the b*tch is here... so what are you going to say, lowly woman?! Ha?! Anong masasabi mong putang*na ka?!" Sigaw ni Laine habang nakaduro kay Katarina.
"How dare you point your finger on her?! You don't know whom you are disrespecting Miss Cortez! Lowly huh?! You are the lowly human here fvcking woman! Damnare!" Nanggagalaiting sigaw ni Sia na tinabig ang kamay ni nakadurong kamay ni Laine, galit na galit ito na tila bang isang malaking kasalanan ang pagsalitaan ng gano'n si Katarina. "Because of what you did, I have all the rights to kill you right now! Disrespecting her will cost your life! You fvcking---"
"I said that's enough Iseah Frost..." Katarina is now emitting a serious yet dangerous aura. She's now radiating authority and power.
Naramdaman ng lahat ang kilabot na dulot ng babae kagaya no'ng una itong tumapak sa Laroa.
Tila isang tuta'ng sumunod si Sia sa sinabi ni Katarina. Yumuko ito bilang pagpaumanhin. Nakita nilang lahat kung paano ang isang mabangis na leon ay naging kuting.
They couldn't see Sia and Katarina's friendship anymore, all they can see are the tamed slave and the powerful master.
Ngunit ang sunod na ginawa ni Laine ang nakapagpabangis sa kalmadong dragon na si Katarina.
Dahil nakayuko si Sia ay kinuha ni Laine ang pagkakataon na hablutin ito. Allaine gave a blow on Sia's chest.
A critical attack that is very familiar to Katarina. It was an attack direct to the heart that could make a person paralized, fall into coma or can cause any heart complication and the worst case will be death.
Hindi na malayan ni Laine ang mabilis na pagdapo ng paa ni Katarina sa kanyang mukha. Tumalsik siya palayo at tumama sa isang isang bakal na bench.
Mas lalong namula sa galit si Katarina nang makitang sumusuka ng dugo si Sia na dinaluhan na ni Al at Francheska. Nandilim na ang kanyang paningin...
Naglakad siya papalapit sa namimilipit na si Laine. Tumayo ito pero hindi pa man nakahulma ay mabilis niyang sinakal ang babae. Naghiyawan ang lahat dahil hindi na ang dyosang Katarina ang nakikita nila kundi isang galit na galit halimaw na hindi magdadalawang isip patayin ang biktima. Lumutang sa ere si Laine dahil sa lakas nang pagkakasakal ni Katarina.
"Stop! Katarina! Stop! You might kill her!" Sigaw ni Zync at halos madapa na sa pagtakbo papunta kay Katarina pero sarado na ang isip ni Katarina at tanging patayin si Laine lang ang nasa isip nito.
"Y-you killed him... y-you killed my father." Nahihirapang saad ni Laine habang nakatingin sa mga mata ni Katarina. "Y-you're a demon!" Biglang binagsak ni Katarina si Laine na halos mapigtas na ang hininga.
Madilim na nakatingin lang si Katarina kay Laine na hinahabol ang hininga pero mas lalong dumilim iyon nang biglang pumagitna si Zync. Galit na galit ang mukha ng lalaki habang nakatingin mismo sa kanyang mga mata.
"How could you hurt my girlfriend?! You're a monster, Katarina..." Mariin at seryosong saad ni Zync pero biglang nagbago ang hilatsa nito nang makita ang nasasaktang ekspresyon sa mukha ni Katarina. Biglang kumirot ang puso niya at nagsisi sa sinabi sa babae. Tumalikod ang babae upang lapitan si Sia, hahabulin niya sana ito pero hinawakan ni Allaine ang kamay niya.
Nakalapit na si Katarina kay Sia. "Don't die yet, Iseah. I still need you." Wika niya na puno ng pagbabanta at kaseryosohan. Napatanga naman ang nakarinig no'n.
Tumawa ng mapakla si Iseah na nagawa pang tumayo kahit dumudugo na ang bunganga.
"I will heo maieste." at nawalan ng malay.
-End of Chapter 23-
Thank you for reading freaks!
Hugs and kisses...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com