Two
CHAPTER 2
Enjoy reading!
3rd.
She drifted her big bike to park it in her space in the Laroa University's parking lot, seconds after her was another big bike driven by her close friend, Marie Henna Nishida /Ma-ri Hey-na/. Inayos niya ang kanyang sarili habang bumababa sa motor saka hinarap ang kaibigan. Nakangisi si Henna sa kanya kaya inirapan niya ito at iniwan.
"Hoy! Tandang Allaine Cortez!" sigaw ni Henna habang natatawang sumunod kay Laine /leyn/.
Sumabay si Henna kay Laine at inakbayan ito pero inis na hinawi niya ang braso ng kaibigan.
"Ang suplada talaga ng matandang 'to." Bulong na reklamo ni Henna saka pakamot-kamot sa ulo.
"Aaaa! Nandyan na sya. Ang astig nya talaga."
Napalingon si Henna sa mga schoolmates na inaabangan si Laine. Naghihiyawan ang mga ito at tumitili dahil dumating na rin ang kanilang iniidolo na ilang buwan rin nilang hindi nakita dahil sa summer vacation. Ngunit walang pakialam na naglalakad lang si Laine kaya umismid si Henna.
"Oh my. She's so cool."
"Hi Ate Laine! Ang ganda mo!"
"Ate look! I bought clothes like yours!"
"Hi Ate Henna! Kyaaa! She smiled!" Nilingon ni Henna ang bumati sa kanya at nginitian ito.
"Ang bait ko talaga. 'Di tulad ng tandang Laine na 'yan. Ang busangot kahit kelan." Lintanya niya sa sarili habang pakaway-kaway at pangiti-ngiti sa dinaraanan. Akala mo kandidato sa pulitika.
"Ang astig talaga nila! Huhu. Kaiyak."
"Sikat na talaga ako. Mwahaha. Hello. Hello. Oh, Hi. Hehehe. Good day sa inyo. Hehehe. Hello!" Ani Henna at pinagpatuloy ang ginagawa. Narating nila ang elevator kaya nabakasan ng saya ang mga estudyangteng nakasabayan nila rito.
"Hello." Bati ni Henna na may close up smile habang nanatiling nakakunot noo si Laine na walang pakialam sa paligid.
"Psh. Pa'cool." Mahinang bulong ni Henna pero nakatanggap siya ng malakas na pag-apak sa paa galing kay Laine. "Aww!" Hiyaw niya.
The two girls are not like those kikay and fashionista girls out there. They are just wearing a shirt and jeans with sneakers, simple but eye catching.
Ang maingay na classroom ay natahimik nang pumasok si Laine. Nilibot niya ang tingin sa buong silid at nakitang naroroon na ang kanyang mga kaibigan. Nilapitan niya ang ito at umupo na sa reserved seat para sa kanila ni Henna.
"Hi Laine! How was your summer?" Bati sa kanya ng kaibigang may pinakamagandang mukha at pinakamahinhin na babae sa buong klase.
"Fine. Francheska." Binigyan niya ito ng matipid na ngiti.
"Where's Henna by the way?" Tanong naman ng kaibigang may suot na malaking eyeglasses but not a nerd. Mahiyain ito at tahimik lang. Ito naman ang pinakamatalino sa buong batch nila.
"Oh Lara, you know her naman. Baka nakikipagbonding pa sa kanyang mga so-called fans." Maarte at pairap na sagot ng kaibigan nilang gwapo and hot yet with a girl's heart.
"Leche ka Al! Natapos na ang summer! Bakla ka pa din?!" Pang-iinis naman ng isa pa nilang kaibigan na mahilig ngumuya ng bubble gum.
"Heh! Summer is over yet may sa lahing kambing ka pa rin!" Sagot naman ni Al sa kaibigan.
"Hey. Hey! Stop it Al and Cynthia. Mag-aaway na naman kayo." Pumagitna si Francheska sa kanila dahil kahit kelan hindi talaga magkasundo ang dalawa.
Tumahimik ang paligid nang bumukas ulit ang pinto sa pag-aakalang professor na nila ang dumating ngunit...
"Alohaaaa! Good Morning soon to be business tycoons, managers, bosses and what-so and ever! Woooo! Hello. Kamusta kayong lahat? Ako eto. Prettyness pa rin. Hahaha!" Malakas na sigaw ni Henna ang pambungad niya sa lahat kaya nag-ingay na naman ang kanyang mga kaklase.
"Good morning Henna!" Bati ng lahat kay Henna. Umupo ito sa tabi Laine at tinitigan ang mukha ng kaibigan.
"Ito talaga, tatandang busangot. Ngumiti ka naman sa mga fans mo. Pa'cool na nga snob pa." Pang-iinis niya sa kaibigan kaya nakatanggap siya ng matalim na tingin. "Whoah! Just kiddin'!" depensa niya kaya binalingan niya na lang ng tingin ang mga kaibigan at binati ang mga ito.
"Hi Chesking! Ang panget mo pa rin!"
"Ikaw talaga." –Francheska.
"Uy Larang, tumalino ka na ba?! Ang bobo mo pa naman."
"Ansama mo." –Lara.
"Kyaaa! Hi baby Al. Kiss mo si wifey."
"Eww." –Al.
Siniko niya ng malakas ang katabing si Cynthia.
"Pengeng gum."
"Wala na."
"Andamot mo pa rin!"
Napalingon si Henna kay Laine na tahimik na pangiti-ngiti habang nagtetext. Pasimple s'yang sumilip upang basahin ang rason kung bakit napapangiti ang kaibigan.
From: Babe_Zync
Hi babe. Good morning! Have a good day mahal ko. Heart-Heart. Mwaa!
-End of Message-
To: Babe_Zync
Good Morning. Ingat ka, see you later at lunch.
-End of Message-
From: Babe_Zync
I love you Babe. Mahal na mahal kita. Mwaa.
-End of Message-
To: Babe_Zync
Okay.
-End of Message-
Nagulat si Laine nang sinundot siya ni Henna sa tagiliran. Nakapaskil sa mukha nito ang mapang-asar na ngisi.
"Ayiiiii. Kinikilig si Tandang Laine. Ajujuju! Nagbibinata na. Hahahaha!" Panunukso nito sa kanya at natatawang napailing na lang siya.
Napangiti na rin ang iba pang kaibigan dahil nakita nilang ngumiti ng matamis ang madamot sa emosyon na si Laine.
"Just hold on dear. Dedekwatin ko ang boyfriend mong si Zync." Ani Al kaya sinamaan niya ito ng tingin.
"Threatened ka 'no?!" Tumawa ng malakas na may halong landi at harot si Al kaya binatukan siya ni Cynthia. "Ouch! Ikaw ha?! Masakit yun!"
"Loko-loko 'tong baklang 'to. Halikan kita d'yan eh." Untag ni Henna kaya kinabahan naman si Al.
"Tell me Laine. Ilang minutes ang pinakamatagal n'yong tulip-tulip ni Zync? O hanggang anong base na kayo?" Mahinang pang-iintriga ni Cynthia. Napakunot naman ng noo si Laine at hinambalos ang hawak na notebook sa mukha ni Cynthia. "Aww!"
.
"Uyyy. Namumula siya." Panunukso naman ni Al.
"Share ka naman d'yan. Malaki ba?" Ani Henna na nakikitukso rin sa kaibigan.
"Anong malaki?" Inosenting tanong ni Lara.
"Bakit Lara? Hindi mo pa nadiscover ang secret weapon ni Bryle?" Tanong ni Cynthia kay Lara kaya napanguso ang huli.
"Shh. Ano ba kayo! Tigilan niyo nga si Laine at si Lara. Napaka'talaga ng mga isip niyo." Singit naman ni Francheska. Kaya sabay-sabay na lumingon si Al, Cynthia at Henna sa kanya.
"KJ!" Sabay ring bulyaw ng tatlo.
"Heh!" –Francheska.
Muli natahimik ang classroom nang dumating ang kanilang prof.
"Good Morning 2nd year BA first block section." Magiliw na bati ng prof. "Alam kong kilala na ako ng iba dito sa inyo but for those who don't know me yet, I am Professor Mojica Remedy." /Mo-hi-ka Re-me-dee/
"I am glad to be in front of you and to be your adviser for the whole Sem. You can call me Prof. Moj." /modj/
"Good Morning Prof. Moj." Bati ng lahat sa kanya. Nasa mid-thirties ang edad ni Professor Moj. Maganda, matangkad, may balingkinitan na katawan at isa pang dalaga. Agaw pansin rin ang foreign features nito lalo na ang mga matang may magkahalong kulay ng abo at berde.
Dalawang taon na itong nagtuturo sa Laroa University at kilala bilang mabait ngunit halimaw na guro dahil istrikta ito sa kanyang mga estudyante yet approachable.
Marami pa itong sinabi sa harap nilang lahat ngunit naputol ito nang biglang may kumatok. Professor Moj hissed and marched to the door. She opened it widely. Natigilan ang guro dahil sa taong bumungad ngunit maya-maya ay napangisi na rin dahil sa babaeng nakatayo sa harap ng pinto.
Napatingin ang lahat sa kanya. Nakangiti siya. Bumungad sa kanila ang babaeng may dirty blonde na buhok na hanggang balikat na medyo may pagkakulot. Maputi, nasa 5'5 ang height, malaman pero sexy, malalaki ang nangungusap na mga matang may foreign color gaya ng kay Prof. Moj. Maganda ito kaya halos mabali ang leeg ng mga lalaking estudyante na pati si Al ay napatitig sa mukha ng babae. Nakasuot lang siya ng simpleng ragged pants, sneakers at V-neck grey Mirmo printed shirt then a backpack. Simple pero malakas ang dating.
The girl was grinning while looking at them.
"Yes? How may I help you missy?" tanong ni Prof. Moj.
"Good Morning. Is this 2nd year BA first block section?" Nakangiting tanong niya sa guro. Tumango naman si Prof. Moj.
"Yes. Do you belong in this class?"
"Mmm. Yes ma'am. Can I come in?"
"Grabe teh. Talbog ang beauty ng pinakamagandang Franchesca. Hahaha!" Ani Al na hindi maiwasang humanga sa ganda ng babae.
"So lalaki ka na n'yan?" Bulong ni Cynthia sa kaibigan kaya inirapan niya ito at tinuon ang pansin sa babae.
Mas lalong kumunot ang noo ni Laine habang titig na titig rin sa babae habang si Henna ay nakataas ang kilay.
"Come in and your 15 minutes late but I will consider it since it is first day of school. Please introduce yourself." Wika ni Proj. Moj at minuwestra ang babae na tumayo sa gitna.
"Okay Ma'am." Sagot ng babae.
"Call me Prof. I don't like being called ma'am." Striktang pagtatama ni Prof. Moj.
"Tuhraaay." Mahinang komento ni Henna.
Pumasok ang babae saka pumagitna.
"Sorry Prof. Hmm. Good morning to all of you. I am Iseah /Ay-se-yah/ Frost but you can call me Sia (see-yah) for short. You know, I'm a transferee so please be good to me." Pasimpleng umirap sa kawalan si Sia dahil sa hindi niya pa rin matanggap na isa na s'yang estudyante. "Oh fvck this." Mahinang dagdag niya saka ngumiti ng matamis sa lahat.
"Okay Miss Frost, from what school did you came from?" Tanong ni Prof. Moj na may kakaibang tingin sa kanya kaya nakipagtitigan muna siya dito bago sumagot na ngisi sa labi.
"Clementin Empire University, Prof." Natigilan ang Professor saka lumunok. Pasimpleng umismid si Sia sa mga mata ng mga kaklaseng titig na titig sa kanya.
"I never heard about that university." Tanong muli ni Prof. Moj kaya napatawa ng marahan si Sia.
"It is located at Slovenia in South Central Europe, Prof."
"Oh, that explains about your accent and your features." Komento nito saka bumaling sa buong klase. "Anyone would like to give Miss Frost a question?"
Nagtaas ng kamay si Francheska kaya tumango ang guro.
"Do you know how to speak tagalog?"
Ngumiti si Sia. "Konti lang but I hope you guys could help me though." Sagot niya.
Marami pa ang nagtanong hanggang sa natahimik ang lahat dahil nagtaas ng kamay si Laine na bihira lang mangyari.
"Why did you transfer here?" Tanong nito sa kanya. Tumititig si Sia sa kanya na may kakaibang ngiti sa mga labi.
"Actually, I am with my bestfriend. She also transferred here but she's taking Accountancy, the two of us transferred here to have some business with someone." Sagot niya na ikinataas ng kilay ni Laine at hindi nilubayan ng tingin si Sia.
"No more questions?" Tanong ni Prof. Moj nang tumahimik ang lahat. "You may now take your sit Miss Frost beside Miss Manuel." Itinuro nito ang upuang bakante sa tabi ni Cynthia.
"Thank you Prof."
Umupo si Sia saka nginitian si Cynthia.
"Hi." Labas sa ilong na bati niya sa katabi. Kung hindi lang siya pinagbawalan ni Katarina ay kanina pa siya nagmumura and she needs to be friendly para sa kanilang mission.
"Psh. Hindi ako friendly." Prangkang saad ni Cynthia sabay irap kay Sia.
Napairap rin si Sia saka minura ng ilang daang beses ang katabi sa kanyang isipan. Nagpakilala rin ang ibang kaklase sa harap hanggang sa ang grupo na ni Laine.
"Hello Al Ryan Villarosa here. I know that I am hot, sexy and handsome but I believe that I am confidently beautiful with a girl's heart. Kaya mga gurls d'yan, hindi tayo talo ha." Pakembot-kembot itong naglakad pabalik sa kanyang upuan.
"Hi, I am Franchesca Lim at your service. I am your year representative in University Student Council. Kung may problema kayo sumbong niyo lang sa akin and I will help you if I can. Okay?"
"Cynthia Manuel and I love gums." Sabay palubo ng nginunguyang gum pero nagulat siya nang mahinang hinampas ito ni Prof. Moj gamit ang hawak na teacher's stick kaya nagtawanan ang lahat.
"No eating or chewing a gum inside my class."
"Ede okay." Pabalang na sagot ni Cynthia saka umupo sa kanyang upuan at nagdadabog na tinatanggal ang gum na dumikit sa mukha.
"Hey, I'm Lara Steeve. I'm happy to see you guys." Sabay ayos ni Lara sa kanyang malaking salamin.
"Hahaha. Ako na! Yey. Kilala niyo na ako. Haha. Sikat ako eh. Haha! Diba? Choz lang. Ako nga pala si Marie Henna Nishida, maganda, matalino at talented. Haha." At sobrang mayabang.
Tumayo si Laine saka pumwesto sa harap.
"Kyaaa! Siya na."
"Ang astig niya talaga."
Nagsimulang magbulungan ang buong klase dahil sa paghanga kay Laine. Tumingin siya kay Sia na nakatitig rin sa kanya.
"Allaine Cortez. You can call me Laine." Agad s'yang umupo.
'Who are you Sia?' Tanong ni Laine sa kanyang isipan.
Nag-early dismissal si Prof. Moj at naiwan ang grupo ni Laine sa loob pati na rin si Sia.
"Hi." Bati ni Sia sa kanila na tumayo sa kanilang harapan.
"Hello Sia. Ako nga pala si Franchesca." Sabay abot ng kamay.
"Hi Al." Bati ni Sia kay Al na nakatitig sa kanya. Ngumiti si Al na pang'machong ngiti kaya napatingin sa kanya ang mga kaibigan.
"Hala siya." Untag ni Cynthia sabay batok sa binabaeng kaibigan kaya nagsimula na naman silang magbangayan.
"Hey, I'm Henna. Who are you Sia?" Tumawa ng malakas si Sia na ipinagtaka nila.
"I am just nobody who wanted to be friends with you."
-End of Chapter Two-
Thank you for reading freaks. God bless you!
Hugs and kisses,
DK (^_^")7
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com