Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ang katapusan


             "Ohh, hindi ko alam na imbitado ka pala sa bloody-party namin Detective Marck?" Napangisi pa si Alison matapos sabihin iyon.

            "Lumayo ka kay Bingelle."

            Ngunit muling nanumbalik ang maamong mukha ni Alison tumayo ito  at nagsimulang lumapit kay Marck, "Detective Marck, please save Bingelle, she's dying, and the killer went that way."

            Nanatili namang nakatutok ang baril ni Marck kay Alison at pinahinto ito. "Tumigil ka na Alison, alam ko na ang sikreto mo! Aminin mo! Ikaw si Kaila 'di ba? Ikaw ang pumatay sa lahat?"

             Sa halip na sumagot ay napahalakhak nang malakas si Alison. Nagsimula itong maglakad palapit sa pool. Kinuha naman itong pagkakataon ni Marck para makalapit siya sa nakahandusay na si Bingelle. Inalam niya kung buhay pa ito, ngunit mahina na pintig ng pulso nito.

            "Ano ka ba detective, I'm just trying to fool you again. Kaya lang mukhang hindi na epektib, sayang." Muli itong humalakhak. Kasabay naman nito ang pagradyo ni Marck ng back-up para mailigtas si Bingelle.

             "That's too late detective, bago pa makarating si Bingelle sa Hospital, she will die for sure." Napahalakhak na naman ito.

              "Sumuko ka na Alison, alam mong hindi tama ang mga pinaggagawa mo at kailangan mong pagbayaran lahat iyon."

                "Mali? Mali bang ipinagtanggol ko lang ang mga kaibigan ko? Excuse me, walang mali sa ginawa ko. Actually, tinutulungan ko pa nga kayong bawasan ang mga kriminal sa mundo. Ang katulad nina sir Reggie? He deserve to die, at iyang sina Bingelle? I am 100% sure na darating ang araw, magiging sakit sa ulo rin sila ng lipunan. So, I think ginawa ko lang naman ang dapat."

               "Nahihibang ka na, ang pagpaslang sa tao ay kailanman hindi magiging makatarungan. May karapatan silang magbago dahil tulad mo mga tao lang din sila."

            "Wow? At sa mismong pulis pa na tulad mo nagmula iyon. Hindi ba't pumapatay din kayo ng mga kriminal?"

               "Mga lisensyado kami, at may katwiran kami para gawin iyon, iyon ay kapag ang buhay naman namin ang nalalagay sa panganib."

               "So may lisensiya pala talaga ang pagpatay. That's awesome! Teka, paano ba kumuha niyon, I am so damn interested."

                
                "Huwag ka nang gumawa eksena Alison, sumama ka nang mapayapa sa akin at sa presinto ka na magpaliwanag."

               "Okay, madali naman akong kausap." Inilahad pa ni Alison ang dalawa niyang kamay para magpaposas. Agad inilabas ni Marck ang handcuff niya at marahan na nilapitan si Alison.

              Ilalagay na sana ni Marck ang posas nang muling bumukas ang pintong pinanggalingan niya kanina. Bumungad si Harold kasama ang ilang Medic. Nakuha ng mga ito ang atensyon ni Marck kaya hindi niya napansin na kinuha na pala ni Alison ang kutsilyong nakasuksok sa kaniyang likuran. 

          Itinulak ni Alison si Detective Marck at agad na itinapat ang hawak na kutsilyo sa sariling leeg, "Let me die officer, hinding-hindi ako sa inyo magpapahuli ng buhay," mahinahong saad ni Alison. Nahinto ang lahat dahil sa nangyare, maya-maya ay dumating na rin sina Rizza at Lhean. Gulat na gulat din sila sa naabutan nilang eksena.

             "Alison, stop it! Huwag mong gawin iyan!" pag-aalala ni Rizza.

             "Can't you see? I'm doing it for the sake of Cloe, You and Lhean? So dapat naiintindihan nyo ako! We're bestfriend right?"

                Si Lhean naman ang nagsalita, lumapit pa sila nang bahadya kay Detective Marck, "Pero mali pa rin ang pumatay ng tao Alison."

               "No! Ang sabi niya sa akin, okay lang ang pumatay kung para naman ito sa mga taong mahahalaga sa 'yo." Ang tinutukoy ni Alison ay ang bulong na muli na naman nagsisisigaw sa isip niya. "Walang masama sa pagbubuwis ng buhay kung para naman ito sa mga taong pinahahalagahan mo." Napahawak sa kaniyang ulo si Alison, "Gusto mo bang kitilin ko ang sarili kong buhay?" aniya sa nagmamay-ari ng bulong.

              Nagtaka naman sina Rizza sa kinikilos ni Alison, bigla itong nabalisa, isa lang ang sigurado nila, may mali sa mga nangyayari at hindi nila matukoy kung ano iyon.

             Si Detective Marck naman ang sumuyo kay Alison, "Alison, ibaba mo iyang hawak mo. Hindi mo kailangan gawin iyan."

         Habang abala ang lahat kay Alison, agad namang tinungo ng mga Medic si Bingelle at binigyan ng paunang lunas. Matapos niyon ay  binuhat nila ito para madala sa hospital, dahil kapag nagtagal pa ito, tiyak na mamamatay ito.

                "Sa tingin mo, bubuhayin ka ng mga iyan? Kaila, Kaila, Kaila, huwag kang hangal. Papatayin ka rin nila. Kaya mas mainam, na ikaw na ang gumawa niyon sa sarili mo. Sumama ka na sa akin, ang dugo mo ang higit kong kailangan. Dugo ng isang perpekto alay, dugo ng isang makasalanan." Humalakhak pa ang garatal na boses na iyon sa isip ni Alison kaya tila mas nawalan tuloy  nang kosentrasyon si Alison. Hindi niya napansin na unti-unti na palang nakakalapit si Marck sa kaniya. Huli na dahil agad na inagaw ni Marck ang kutsilyong hawak-hawak niya, "Ibalik mo sa akin iyan!" Nakipag-agawan si Alison ng kutsilyo kay Detective Marck. Pinigilan naman ni Harold sa tulong ng mga kasamang  pulis sina Lhean at Rizza sa paglapit sa dalawa, nais ng mga ito pigilan si Alison, pero lubhang delikado kung lalapit sila sa mga ito.

             Aminado naman si Marck na kakaiba ang lakas na ipinakikita ni Alison, tinadyakan siya nito kaya naman nakabitaw siya sa kutsilyo at bumalandra sa samento.

             "Patayin mo na rin ang lalaking iyan Kaila." Ang bulong na iyon ang nagpaengganyo kay Alison, para isakatuparan ang naiisip niya. Sumilay ang ngiti sa labi ni Alison, agad siyang dumampa kay Marck at buong lakas na itinarak ang hawak na kutsilyo, naalerto naman si Marck at nadepensahan niya ang sarili.Sa kabilang bahagi ay naghuhumiyaw sina Rizza, nagbabakasakaling makikinig sa kanila si Alison, "Tama na Alison, itigil mo na iyan!" sigaw ni Rizza ngunit biglang sumakit ang kaniyang tiyan. Inalalayan siya ni Lhean, "Rizza, anong nangyayare?"

                 "Ang sa—kit, ang anak ko." Nakahawak ito sa kaniyang sikmura. Inalalayan naman sila ng dalawang pulis na kasama nila. "Dalhin ho natin siya sa hospital," wika ni Lhean.

                 Samantala, ang lakas naman na ipinakikita ni Alison ay hindi inasahan ni Marck, konting-konti na lang at dadait na sa mata niya ang dulong bahagi ng kutsilyo. Patuloy niyang dinedepensahan ang sarili, bumusal siya ng konting dasal sa Diyos at nang makabwelo ay buong lakas niyang naitulak si Alison, nakaalis ito mula sa pagkakadagan sa kaniya. Patayo na sana siya nang makita niyang pasugod muli sa kaniya si Alison hawak ang patalim nito. Ngunit nahinto ang lahat nang makarinig sila ng isang putok. Natuon ang pansin nila sa kung sino ang may pakana niyon, lahat sila'y nakatingin kay Inspector Harold. Napatulala rin ito dahil sa kaniyang ginawa, maging sina Rizza at Lhean na paalis na sana sa lugar ay nahinto rin sa kanilang kinatatayuan.

           Narinig nila ang pagbagsak ng patalim na hawak ni Alison, at nang tignan nila ito, nagsimula nang tumulo ang dugo sa bigbig nito. Napapangisi pa si Alison sa kabila ng mga nangyare. Napatingin siya sa dibdib niya kung saan tumama ang bala, hinipo niya ang dugong lumabas mula roon. "Ito ang gusto mo di ba?" tukoy niya sa garatal na boses na nasa isip niya. Inikot niya nang tingin ang buong paligid, doon ay nakita niyang magkakatabing nakatayo sina Mariz, Sachi, Cyrodel, Patricia, Myra at Reya. Sa kabilang bahagi naman ay sina Sir Reggie, ang mag-asawang Dionisio at ang mga batang napaslang niya noon.  Lahat sila'y nakatingin sa kaniya, puno ng galit ang mababanaag sa mga mata nila. Ang pinakahuling nakita niya ay si Cloe, naglalakad ito palapit sa kaniya at nang makalapit ay huminto ito sa harapan niya, "Ginamit ka niya. Ang pinakamaling nagawa mo'y pinakinggan mo siya." Puno ng lungkot at awa ang mga mata niyang iyon. Unti-unti silang naglaho sa paingin ni Alison, at sa huling sandali ay tumingin siya sa kinatatayuan nina Rizza at Lhean, gulat na gulat pa rin ang mga ito. Nangusap siya ngunit ang tinig niya'y hindi sapat para marinig ng mga ito, "Paalam–"

        Tuluyan na ngang bumigay ang katawan ni Alison, agad siyang nilapitan ng mga natirang Medic at sinusubukan siyang isalba. "Akin ka na ngayon Kaila, kay tagal ko rin itong hinintay, ang iyong kaluluwa'y susunugin sa impyerno kasama ko, hindi na ako mag-iisa, hinding-hindi na!" Sinundan ito ng mga malulutong na tawa ng tinig na nasa isip ni Alison, at ang mga tawa na iyon din ang huling narinig niya bago bitawan ang huling hininga niya.

           
***

After four & half years...

                "Athena, nagsumbong sa akin ang mommy ni Amie, tinulak mo raw si Amie sa slide. Bakit mo ginawa iyon? Mabuti na lang at nasalo siya ng daddy niya." Gustong pagalitan ni Rizza ang anak niya pero nais niya munang alamin kung ito ba'y may katotohanan. Hindi nagsalita ang batang si Athena, nakatungo ito habang yakap ang magarang manika. Kaya naman lumapit na sa kaniya ang tita Lhean niya, mahinahon siyang kinausap nito "Athena, alam mo bang bad ang ginawa mo? Ang pananakit ng kapwa ay hindi tama."

               "But tita Lhean, she told me to do that to Amie," Makikita sa mga mata nito na hindi pa niya gaano alam ang kaibihan ng tama sa mali. Labis namang nagtaka sina Rizza at Lhean, kaya't nagkatinginan pa ang mga ito bago linawin ang sinabi ng batang si Athena sa kanila. "Athena, tell me? Who told you to do that?"

             "That kid." May itinuro si Athena sa di kalayuan ngunit nang tignan ito nina Lhean ay wala namang bata ang naroon. "Athena, listen, nandoon ba siya ngayon? Anong pangalan niya?" Kinakabahan man ay tinanong pa rin ni Rizza ang anak.

            "She told me that her name is Kaila, and she's the one who gave me this doll. Look oh, its very nice."

Kapwa napatingin si Rizza at Lhean sa manikang hawak ni Athena, ang magarang hitsura nito kanina ay biglang naglaho at napalitan ng isang nakakakilabot na hitsura. Ang manika kung saan kilala nila ang dating nagmamay-ari, walang iba kundi ang batang nakilala nila noon bilang si Kaila.

Wakas...

[Signing out
Pra & Ate Yhin]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com