Chapter 1
Binalot nang takot at pangamba ang paaralan ng Saint Francis National High School, matapos nilang mapag-alaman ang kasong pagpatay sa isa na naman nilang kamag-aral. Nagkalat ang ilang miyembro ng soco sa banyo ng mga babae sa loob ng nasabing paaralan. Isang bangkay ng estudyante na naman ang kanilang pinagkakaguluhan doon.
Nakasubsob ang mukha't kalahating katawan ng biktima sa isang drum at tanging mga paa niya lamang ang nakikita ng lahat. At ang dugo nito'y humalo na rin mismo sa tubig kaya kulay pulang likido na ang nilalaman ng drum sa halip na malinaw na tubig. Maingat na inalis ng mga soco staff ang katawan ng biktima at inilagay sa stretcher para ipa-autopsy.
"Detective panglimang biktima na ito ngayong buwan. Seryosong usapin na ito at ang nakakapagtaka pa rito, ang lahat ng biktima ay nagmula sa Class B. Hindi kaya, iisa lang ang may pakana nito?" suhestiyon ni Agent Harold, isang Inspector na kasama sa nasabing kaso.
"Sige, alamin mo ang lahat ng kanilang pakakapare-pareho. Lahat ng posibleng magkokonekta sa lahat ng mga biktima. Kung ano ang kanilang mga huling ginawa o kung sino ang kanilang mga nakasama."
Isa namang babaeng estudyante ang bigla na lamang naghesterikal sa kalagitaan ng pag-iimbestiga ng mga pulis, kaya naagaw nito ang atensyon ng mga naroroon.
"No! We're next! I don't wanna die. Please! Bata pa ako! Ayoko pang mamatay!"
"Alison, shut up! Tumigil ka nga diyan!" saway ng kasama niya. Lumapit naman sa kanila sina Detective Marck at si Inspector Harold.
"Teka, bata, anong sinasabi mo na kayo na ang susunod?" kunot noong tanong ni Marck. Sa halip na si Alison ang sumagot, ang kasama nito ang siyang humarap sa mga pulis. "Sir, it just an illusion theory from her playful mind, it just nothing sir!" kalmadong paliwanag ng babae.
"No Reya! You shut up!" Nagkaroon pa nang pagtatalo sa pagitan ng dalawang estudyante hanggang sa awatin na rin sila ni Marck.
"Pasensiya na miss, pero mukhang may alam ang kaibigan mo sa mga nangyayareng ito. And it is our job to collect all the possible evidence that will lead us to what is really happening here. Sa ngalan ng batas, maari bang hayaan mo ang kaibigan mo na magpaliwanag."
Walang nagawa si Reya kundi itikom ang bibig at tumitig kay Alison na may halong pagbabanta.
"Its all about that curse! That damn slam book curse!" Napuno ng pagtataka ang lahat nang nakarinig na 'yon. Hindi nila malaman kung sila ba'y matatawa o magseseryoso matapos marinig ang ipinuputok ng butsi ng estudyanteng may pangalang Alison.
Kahihiyan naman ang mababanaag sa mukha ni Reya matapos ipangalandakan ng kaibigan ang walang kwenta nitong teyorya. Dahil kahit siya, hindi naniniwala. Hindi siya naniniwala lalo na sa mga ganoong ispekulasyon.
"Okay... paano mo naman nasabi na may kinalaman ang Slambook Curse na iyon sa pagpatay sa mga kakaklase mo?" bakas sa tinig ni Marck na hindi siya naniniwala sa sinabi ng bata sa kaniya, na sinasakyan na lamang niya ito.
"Namatay ang mga kaklase ko according sa pagkasunud-sunod nila sa sinagutan nilang slambook. Una, si Cloe, which is siya 'yong number one na nag-fill up sa slambook, pangalawa, si Mariz, sumunod sa kaniya si Sachi, 'tas pang-apat si Cyrodel, then ngayon, si Patricia! Siya ang panglima na sumagot sa slambook, at lahat sila mga patay na!" Mas lalo itong naghisterikal sa pag-iyak, luha't sipon ang makikita sa mukha niya.
Nakatungo naman si Reya, aminin man niya o hindi ay natatakot din siyang paniwalaan ang sinasabi ni Alison. Dahil isa rin siya sa mga nag-fill up sa slambook na tinutukoy ng kaibigan. At sa pagkakatanda niya, pampito siya sa mga nagsulat.
"Detective, after namin mapuno ang slambook, nagulat na lamang kami, isang araw, biglang nagkaroon ng kulay pulang sulat ang likurang bahagi ng notebook. 'All the names here are MINE!' Get ready , you're next!' Iyan po ang nakasulat doon. And since then, sunud-sunod na ho ang patayan sa mga klasmeyt namin! Natatakot na po talaga ako, and until now 'di ko ito magawang sabihin sa parents ko." Patuloy pa rin ito sa pag-iyak.
Awang-awa si Marck sa bata dahil sa tindi ng paniniwala nito na may kinalaman ang teyorya niya sa mga nangyayare ngayon. Kita niya ang panginginig at takot ng estudyante. Kaya naman ang kaibigan na lamang nito ang kinausap niya. "Maari mo bang sabihin kung sino ang owner ng slambook na sinasabi ng kaibigan mo?"
"S-si Bingelle po," nakatungong tugon ni Reya, habang kalikot ng daliri niya ang isa pa niyang mga daliri.
to be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com