Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

            "Okay, nasaan ang Bingelle na ito at ang tinutukoy n'yong slambook?" Nabanaag ni Reya na hindi naniniwala sa kanila ang detective kahit nagtanong pa ulit ito, kaya naman nawalan siya ng ganang magsalita pa at hinayaan si Alison na lamang ang sumagot. Kagaya ng iniisip niya, walang maniniwala sa kanila.

           "Fo-for sure na sa ba-bahay lang nila si Bingelle and about the slambook, we buried it yesterday!" Inilagay nito ang mga palad sa mukha at muling umiyak at nanginig sa takot.

       This time, muling inako ni Reya ang mga susunod na sasabihin ni Alison. "Nagdesisyon kami na ibaon na lamang iyon sa lupa. Hoping the curse will end there but it didn't, namatay pa rin si Patricia. She was actually with us, when we buried it." Hindi na rin napigilan ni Reya ang maluha nang maalala ang kamamatay pa lamang niyang kaibigan.

         Ilang saglit lang ay dumating na rin ang magulang ni Patricia. Halos himatayin ang mommy nito pagkakita sa nangyare sa nag-iisang anak niya habang hinagpis at galit naman ang nararamdaman ng daddy ni Patricia. May mga lumapit na rin na officer sa kanila upang paliwanagan sila sa mga nangyare at para tanungin na rin. 

           Inalalayan naman ni Marck ang dalawang bata patungo sa kanilang police mobile. Wala silang mahanap na anumang rason kung bakit pinatay ang kaawa-awang dalagita kaya kinagat na lamang din nila ang mga pinaniniwalaan ng mga ito-- kahit para sa kanila wala naman itong kabuluhan.

         "Susunduin daw ako ni mommy," mahinang sabi ni Reya habang papasok na sila ni Alison sa sasakyan. Si Detective Marck naman ay agad na tinungo ang driver seat.

         "I will call my parents too," saad naman ni Alison nang makapasok na sila sa loob ng sasakyan. 

          Agad nitong inilabas ang phone niya, maya-maya'y nakaramdam siya ng kakaibang lamig, lamig na animo'y nagpapatayo ng mga balahibo niya sa katawan. "Sir, pwede n'yo po bang hinaan ang aircon ng inyong sasak--" Ngunit bago pa man niya matapos ang sasabihin ay napasigaw siya.

        Isang nakatalikod at duguang babae ang nakaupo sa driver seat, humalo ang malapot na dugo nito sa mahaba niyang buhok. Nakatalikod ito sa kanila, nakasuot din ito ng headband na pink na pamilyar kay Alison at kilala niya kung sino ang mahilig magsuot niyon--Walang iba kundi si Patricia.

          Nagbabalak itong lingunin siya, ngunit bago pa man mangyare iyon ay napapikit na siya at nagpupumilit sumiksik sa sulok ng kinauupuan niya. "No! No! Get off! Ahhh!" paulit-ulit niyang sigaw.

          "Alison! Alison! What's going on!" Pilit siyang pinapakalma ng kalapit na si Reya. At nang imulat ni Alison ang mga mata niya, bumungad sa kaniya ang kaibigan at si Detective Marck na takang-taka sa kung ano ang nagyare sa kaniya. Nagpalinga-linga si Alison na tila may hinahanap, bakas sa butil-butil niyang pawis ang takot sa kaniyang nakita.

         "Bata, ayos ka lang ba?" tanong na rin ni Marck.

         "I-I'm okay sir..." naginginig pa niyang tugon. Hindi niya maipaliwanag kung anong nakita niya, pero isang bagay lang ang alam niya. Ang nakita niya'y si Patricia, ito lang naman ang mahilig mag-headband ng gan'on mula sa mga kaklase niya.

Nang sumunod na araw...

         Maagap na pinuntahan nina Marck at Harold ang tinutukoy ng dalawang estudyante kung saan daw nila ibinaon ang slambook. Ilang minuto lang ay nakuha na nila ito, hindi naman gaanong kalalim ang pagkakabaon dito.

       Para sa kanila , isa lamang itong ordinaryong notebook. May mga tanong at sagot mula sa iba't ibang mga estudyante. Kabilang dito ang kanilang mga sikreto,mga nakakahiyang karanasan at ang mga hindi malilimutan pangyayari mula noon hanggang sa ngayon. Tama ang dalawang bata, ang unang lima sa listahan ay wala na ngayon, at ito'y sina Ma. Cloe Sanchez, Mariza Orbe, Sachi Buencamino, Cyrodel Patrimonio at si Patricia Olivarez. Lahat sila ngayon ay nasa morgue na at ang ilan naman ay pinaglalamayan pa rin magpasahanggang ngayon.

          Nagpasya sina Marck at Harold na pauwiin muna ang dalawang bata, mas makakabuti kung makakasama ng mga ito ang kani-kanilang pamilya. Nasa poder naman nila ang SlamBook na tinutukoy ng dalawa, nais nila itong pag-aralan. Kung ito ba'y mahalaga o may kabuluhan man lang sa kanilang imbestigasyon.

          "Most of them here, ages 15 to 16 years old," panimula ni Harold habang kinakalkal ang notebook. Abala naman si Marck sa pagtingin sa mga larawan ng mga napatay na estudyante na nasa kaniyang monitor. "So, ito pala ang hitsura ng isang slambook. Who-is-your-crush? Hehe," nangingiti pa ito habang binabasa ang mga sagot ng estudyante na nakalahad doon.

       Muli  binasa ni Harold ang mga nakasulat, "Person-you-hate-most? And why? Hmmmn," binasa niya ang mga sagot na nandoon. At napansin niya na tila karamihan ng pangalan doon ay Lhean ang nakalagay. "I hate her, kasi malandi siya. Hey Marck, mukhang kailangan mo itong makita,"

          Binigyan naman siya ng pansin ni Marck kahit ang atensyon niya'y nasa computer pa rin, "Anong mero'n diyan?"

          "Nagtataka lang ako kung sino itong Lhean, halos lahat kase ng mga nagsulat dito ay ayaw sa kaniya." Dito na ibinaling ni Marck ang atensyon niya. Kinuha niya ang may kalakihan notebook, puno ito ng sandamukal na mga burloloy at pambabaeng design, tinignan niya ito. Tama so Harold, puro Lhean nga ang sagot na nakalagay sa tanong na Person you hate most. Na-curious tuloy siya kung sino iyon. Bigla naman may kumatok at pumasok sa silid na kinaroroonan nila. "Sir, nandito na ho si Ms. Bingelle Lozada together with her parents."

          "Sige, patuluyin mo na." Wala pang isang minuto'y pumasok na rin si Bingelle kasama ang magulang niya at pinaupo sila.

          "Ikaw si Bingelle 'di ba?"

          "Y-yes sir." Unang tingin pa lamang ni Marck kay Bingelle ay tila spoiled brat ito. Kaya nitong makuha ang lahat ng nais na luho.

          "Hmmn pamilyar ba sa 'yo ito?" Ipinakita nito ang notebook na kanina pa nila kinakalkal.

           "Y-yes sir." 

           Hindi ito tumitingin sa mga mata nina Marck, nakatungo lang ito at nilalaro ng paulit-ulit ang mga daliri niya.

         "Then, kilala mo lahat ng mga estudyante na nagsulat dito?"

          "Y-yes sir. At pili lang din ang makakapagsulat diyan. Not all my classmate is allowed to sign up sa slambook ko. I have my own rules, if you can't afford us, then you are  not allowed to touch my things," biglang tumaray ang tono ng pananalita nito kaya sinaway siya ng kaniyang mama.

          "Bingelle, ayusin mo nga ang pagsagot! Alalahanin mo, mga pulis ang kaharap natin." Muling napatungo si Bingelle na para bang napaamong tupa. "O-okay, I'm sorry."

         "Kilala mo ba si Lhean?" Napatingin muli sa kaniya si Bingelle.

          "Of course! Everyone knows her. That wench! Weird and Psycho girl! Actually sir, everyone hates her!"

          "Bingelle, lower your voice. Maging magalang ka sa mga sagot mo," muling puna ng mommy nito. 

          Ang daddy naman ni Bingelle ang nagtanong, "Ahm excuse me sir, may I know kung bakit tinatanong n'yo ang anak ko ng mga ganyan? Ano ba ang koneksyon niya sa imbestigasyon ninyo?".

          "Ahmn, sir, believe it or not. Sabi ng mga estudyante, ang pagkamatay ng kanilang mga kaklase ay may koneksyon sa notebook na ito na pagmamay-ari ng iyong anak. And if that's the case, maaring nakasulat sa loob nito ang mismong pagkakakilanlan ng killer. And it is our duty to get all the possible evidences na maaring magturo sa tunay na salarin. Kahit pa nga sa paningin ng iba, it doesn't have any sense." Hindi na nagtanong pa ang mag-asawa at hinayaan na lamang ang dalawa na tanungin pa ang kanilang anak.

          "Can you tell me, kung sinong Lhean ito?"

          "Y-yes sir, she is one of my classmate. She belongs to class B too. But she's kinda weird. I bet, anak siya ng mangkukulam dahil sa hitsura niya. Lagi siyang nakablack. Lahat ay takot sa kaniya, kasi bali-balita na siya raw ang nagkulam sa isa naming klasmeyt na ngayon ay hindi na nakakapasok dahil sa sakit na mayroon daw siya. Si Lhean daw ang nagbigay ng sakit na iyon. Sa pagkakaalam namin, isa siyang mang-aagaw-- mang-aagaw siya ng kaibigan.That's why, everyone hated her, 'tas ang weird pa niya," mahabang litanya ni Bingelle.

           Kapwa naman nagkatinginan sina Marck at Harold at kapwa kinakapa nila ang kanilang mga susunod na hakbang matapos marinig ang side ng estudyanteng si Bingelle. Pagkatapos din niyon ay pinauwi na rin nila ang mga ito.

          "Kailangan natin malaman kung sino itong si Lhean. May kakaiba akong nararamdaman sa kaniya e."

          "Sir Marck, kung totoo nga ang sinasabi ng dalawang bata kahapon na may pattern ang pagkamatay ng mga estudyante sa school na iyon. Siguro its time na i-check din natin ang estudyanteng kasunod ng biktimang si Patricia Olivarez."

          "Mabuti pa nga, by the way, sino ba ang pang-anim sa listahan?"

          Tinignan muna ni Harold ang pang-anim na sumagot sa slam book,"Its Myra Santillan sir," wika nito.

to be continued...

~Pra_993~

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com