Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

          Kasalukyang nasa harap ng laptop si Alison, ka-skype niya ang mga kaibigang sina Reya, Bingelle at Myra.

           "Until now, hindi pa rin ako makapaniwala wala na rin si Patricia. Parang kailan lang kumakain pa tayo sa Mcdo." Bakas ang lungkot ni Reya sa boses nito.

          "Me too, nag-aalala na nga rin ang parents ko. Pinapabalik na nila ako sa Canada para raw mas safe ako," dismayadong pahayag naman ni Alison.

          "How about you Myra?" Hindi agad nakasagot si Myra, tila lumilipad sa kawalan ang pag-iisip nito.

           "Myra, a-are you okay?" puna ni Reya sa kaniya.

          Saka lang nakaalala si Myra na may kausap pa nga pala siya sa online, "Huh? I'm sorry, a-ano nga ulit 'yong sinasabi n'yo?"

            "We're just asking kung kumusta ka na? After all those terrible things happened."

           "I-I'm fine, I'm j-just, just thinking-- what if, sabihin na natin ang tungkol sa pagkamatay ni Clo--."

           Hindi pa man tapos sa sasabihin ay sabay-sabay nang sumagot ang mga kaibigan niya na para bang nagkaroon ng pagkakaisa ang mga isip nila, "No Myra!"

           "Iyan ang huwag mong gagawin, dahil for sure, madadamay tayong lahat sa pagkamatay ng mga sumunod kay Cloe. Basta tandaan mo! Wala tayong kasalanan, hindi natin ginusto ang nagyare sa kaniya. At saka hindi rin naman natin alam na aabot siya sa ganoon, we don't deserve to be in prison dahil sa katangahan niya!" giit no Bingelle.

           "I'm agree with Bingelle, we're too young for that! Uulitin ko, hindi natin ginusto iyon," iritable namang tugon ni Reya.

           "I can't help it! Nag-guilty na ako, We know what really happen to Cloe! Kung bakit ginawa niya iyon. And it was all our fault!"

            "If you do it! You'll regret this Myra!" May tono ng pagbabanta ang tinig ni Bingelle. Napatahimik naman ang dalawa pa nilang kaibigan na si Alison at Reya. Maririnig ng tatlo ang pagbitaw ni Myra ng malalim na buntong-hininga. "Okay, I'm sorry! I will not mention it again."

            "Promise?" Nag-pinky promise pa si Bingelle at inilapit ito sa camera, waiting for the others na ganoon din ang gawin nila. As she expected, iyon nga ang ginawa ng lahat, a sign that no matter what, they will keep their words and secrets untold.

            Maririnig naman sa background ni Myra ang boses ng mama nito, "Myra, why are you still up? Go and sleep now."

            "Sorry guys, I have to go now." Isinira ni Myra ang laptop at nagkunwaring kanina pa nakahiga. "Y-yes mom~ I'm about to..."

           "So paano ba iyan, Myra is out. I have to go na rin," paalam ni Reya.

            "W-wait Reya! Aren't you scared?" Namagitan sa kanila ang biglaang katahimikan.

          "A-afraid from w-what?" Kahit nagmamaang-maangan ito, bakas pa rin sa boses niya ang kakaibang kaba na dinulot ng tanong ni Alison.

           "If the slambook curse was true, it means posibleng malapit ka na rin sumunod kina Patricia? Ta—tayo?"

            Halata naman na hindi natuwa sa Reya sa mga ganoong usapin, "Alison, itigil mo na nga iyang kahibangan mo. Ilan beses ko bang sasabihin na walang kabuluhan iyang mga teyorya mo! They died because it was their time to die and some of them chose to die! That's it! I'm not in the mood  to talk to anyone anymore, I have to go now! Bye!" 

Nai-end call na rin ni Reya ang video call nila mula sa kaniyang iphone. Bakas sa mukha nito na may takot din naman siya kahit paano. Nagpalinga-linga siya sa loob ng kaniyang silid, maya-maya pa'y nahiga na rin at nagtalukbong.

               Naiwan namang blanko ang dalawa. Kanina lamang ay apat sila, ngayon ay dalawa na lamang silang online sa skype ni Bingelle. "So, I think, matutulog na rin ako. Good night, Alison. See you na lang in school tomorrow."

            Ngunit bago pa man i-off ni Bingelle ang kaniyang tawag. Bigla na lamang nanlaki ang mga mata ni Alison, habang titig na titig siya sa screen ng kaniyang pink na laptop. Hindi siya pwedeng magkamali, nakita niya si Mariz na dumaan sa likod ni Bingelle. Mabilis itong dumaan ng hindi man lang napapansin ng kaibigan. Balot ng dugo ang buong katawan ni Mariz at sa kabila nito'y nakikilala pa rin niya dahil pamilyar sa kaniya ang suot nito. Ito kase ang suot ng kaibigan ng huling makita niya ito. 

              "Are you okay Alison?" puna sa kaniya ni Bingelle. Hindi man niya aminin ay nakaramdam din siya ng kakaibang kaba. Na para bang may dumaan sa kaniyang likuran kaya nagpalinga-linga siya, ngunit wala namang iba ang nandoon bukod sa kaniya. Kakaiba rin ang lamig ng Aircon niya, hindi naman ito ganoon dati.

          "H-ha? Ahh-- I'm okay-- I think we should rest na rin," mungkahi na lang nito. Hindi na niya sinabi pa sa kaibigan kung ano ang nakita niya, ayaw niyang matakot ito.

           Ilang saglit lang ay wala na rin sa screen ang kausap. Napasandal siya sa gilid ng kama niya, habang nasa harapan niya ang bukas na laptop na nakapatong sa mini-table niya. Pagkasara niya rito'y biglang bumungad sa kaniya ang isang duguan at kakilalabot na mukha. Napatalon siya sa kama at mabilis na nakarating sa kabilang bahagi nito. Napapikit siya, subalit naaalala pa rin niya ang wasak na mukha na nakita niyang papalapit sa kaniya, lumalaro sa imahinasyon niya ang umaagos na dugo sa kabuuan ng mukhang nakita niya. Hindi na bilog ang hugis ng mukha nito kundi tabingi na dahil sa tila malakas na pagkakahampas dito. Hindi siya pwedeng magkamali, that was Mariz ayon na rin sa hitsura nang makita niya ito.

      Halos dinig niya ang bawat pintig ng puso niya, nakikipagtalo naman ang kaba niya sa isipan niya. Kung bubuksan na ba niya ang mga mata niya o hindi, pero sa huli, mas pinili niyang idilat ng dahan-dahan ang kaniyang mga mata.

          Saka lang siya nakahinga ng wala na siyang makita na kahit sino sa kwarto niya bukod sa kaniya at sa laptop niyang ngayon ay nakasara na.

Kinabukasan...

          Police officers agad ang naghihintay sa sala nina Myra, doon nag-aabang si Detective Marck at Inspector Harold. Kung susuriin, nasa trenta anyos pa lang si Detective Marck, habang nasa bente nuebe or bente otso naman ang kasama nito. Bakas sa pangangatwan ng mga ito na inaalagaan sa ehersisyo ang katawang taglay nila. At kung tititigan pa sila'y baka mahipnotismo ka pa sa mapang-akit nilang mga hitsura. Para silang mga model na pwedeng mabansagang Gwapulis.

          "Good morning Ma!" bungad ni Myra sa magulang niya. Pagkatapos ay humalik sa pisingi ng mga ito.

          "May bisita po pala tayo?"

          "Actually anak, they are cops and they are here to check on you."

          "Check on me? Ba—bakit, may kailangan ba sila sa 'kin?" sabi niya, hindi niya mapigilang kiligin ng kaunti. Hindi niya rin maiwasang humanga sa mga pulis na kaharap, in fairness, may hitsura naman talaga ang mga ito.

          "Wala naman, gusto lang nila makasigurado na okay ka, after ng mga nangyari sa kaeskwela mo. They received a tip na baka raw mapahamak k--" Hindi pa man tapos sa pagpapaliwanag ang mama nito'y sumabat na siya.

          "Sir, kung ito ay tungkol sa walang kwentang curse na iyon, it has nothing to deal with me at sa mga nangyari sa mga friends ko and seriously? Napaniwala nila kayo sa ganoong kwento?" bakas sa tono nito ang pangmamaliit niya sa dalawang propesyunal na nasa harap niya.

          "Aba'y sir, minamaliit 'ata tayo ng batang ito," pikon na bulong ni Harold kay Detective Marck.

               "I'm sorry Myra if you find it non-sense. But we're doing it for your own safety na rin. And don't worry, may lead na rin naman kami para sa ikauusad ng kaso ng mga kaibigan mo. Again, we're only here just to check on you at para sana tanungin ka na rin ng ilang mga katanungan." 

Nagsimulang ilabas ni Harold ang notepad niya at handa ng makinig at isulat ang anumang sasabihin ng malditang paslit na kausap nila.

            Sinimulan ni Detective Marck ang pagtatanong niya "May alam ka bang nakakaaway ng mga kaibigan mo?" 

            "As far as I know wala, pero naiingit sa kanila or sa 'min? For sure marami sila, hindi ko lang maibibigay ang mga pangalan nila dahil we don't even care kung sinuman sila."

           "Okay, how about Lhean? Do you know her?"

          "That weirdo? Duh, of course! Everyone knows that freak!" 

          "May galit ba siya sa grupo n'yo?"

            "Yes? Maybe? I don't know, sa lahat naman 'ata ay galit siya. Ni hindi nga 'ata marunong ngumiti iyon."

            "Okay, so far iyon lang ang mga katanungan namin. Salamat sa oras mo."

             "Good, kasi sa totoo lang late na ako sa school. So Mom, Dad, I gotta go!"

              "Sige, mag-iingat ka. Call us if there is something suspicious okay?" muling paalala ng daddy nito.

             "Yes Dad." Pero halata nina Marck na hindi seryoso ang anak ng mga ito sa babala ng magulang niya. Iniwan na nga sila ni Myra.

            Sa eskwelahan.

           Mukhang napaagap ng pasok si Myra dahil wala pa ang iba pa niyang mga kaklase para sa kaniyang PE. class. Kaya naman nagpunta na lamang siya sa locker room nila para magpalit ng PE uniform na gagamitin nila, total 'di rin niya mahagilap ang mga kaibigang kausap kagabi kaya mag-aayos  na lang din muna siya ng kaniyang sarili.

           Bumungad sa mismong locker niya ang isang note na nakadikit doon,

        "Hi babe, meet me on the science lab at 7:30 ^^"

       Ito ang nakasulat sa sticky note, kilala na niya kung sino ang nagsulat nito. Dahil ito lamang naman ang mahilig magsusulat ng ganoon, kaya walang pagdududa siyang nagpunta sa nasabing lugar. Total 10 mins pa before mag-seven thirty.

             Nang marating niya ang lugar ay agad siyang pumasok, walang nagkaklase sa laboratoryo ng ganitong oras. Bakante ang lugar, maayos na nakahilera ang mga arm chairs at mabango pa ang silid dahil sa Air freshener na madalas ilagay ng kanilang mga janitor sa bawat silid.

             "Hello? Andito na ako? Nasaan ka?" Nakailang tawag na siya ngunit wala sinumang tumutugon sa kaniya. Palabas na sana siya ng pinto nang biglang may sumulpot sa kaniyang harapan, nagkagulatan pa sila pareho pagkakita sa isa-t isa.

       "Teka? Ba—bakit ka nandito?" gulat niya pagkakita sa hindi niya inaasahang tao. Ngunit ang mga sumunod sa pangyayari ang nagpahinto sa oras at sa mga sasabihin pa sana ni Myra.

            "I warned you! You're next!" Sunod-sunod na saksak sa sikmura ang ipinukol nito kay Myra. Paulit-ulit, at mas ginaganahan pa siya sa tuwing huhugutin niya sa katawan ni Myra ang maliit na kutsilyong hawak niya. Kung ilang beses niya ginawa iyon, hindi niya mabilang. Hindi na nagawa pang makasigaw o manlaban pa ng kaawa-awang si Myra. Sa huling pagkakataon ay nangilid ang mga luha niya sa parehong mga mata niya. Hanggang sa tuluyan na ngang mandilim ang paningin niya.

           Sa tulony ng isang Window curtain, hinatak ng salarin ang duguang katawan ni Myra, dahil mas mabigat ito kumpara sa kaniya. Dinala niya ito patungo sa likod ng laboratoryo. Hindi na nahirapan pa ang salarin dahil tiles naman ang sahig ng dinadaanan niya. Mayroon doon na isang maliit na gate patungo sa likurang bahagi kung nasaan ang poso negro ng isa sa mga abandunadong banyo roon. Tila kabisado ng salarin ang lugar at matagal na niyang alam na may malaking basag o sira ang poso negro. Halatang matagal nang nakatengga ang abandunadong poso negro at di na ito ginagamit or sadyang napabayaan na lamang ng mga nagmi-maintenace sa school dahil tuyo na rin kasi ito. Walang anu-ano'y inihulog niya doon ang katawan na paulit-ulit niyang pinag sasaksak kanina. Kumuha lang siya ng mga sirang plywood at saka ipinantakip sa butas upang hindi agad sumingaw ang amoy nito kung sakali.

           Pagkatapos ay tinungo niya naman ang kabilang bahagi ng kinaroroonan niya at doon ibinaon sa lupa ang murder weapon na ginamit niya. Wala siyang balak na may makadiskubre sa krimeng ginawa niya. Ibabaon niya sa limot ang lahat kagaya ng pagbaon niya sa maliit na kutsilyo at sa iba pa niyang mga nabiktima.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com