Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6


       Muli na namang nagulantang ang buong eskwelahan. Mabuti na lamang at walang pasok dahil ngayon ay sabado.

       Sumalubong kina Marck ang isang bangkay na may balot na ng puting tela. Naroon na rin sa lugar ang mag-asawang Santillan, panay na ang iyak ng mga ito.

        Halos manigas naman ang buong katawan ni Reya habang nakatayo siya malapit sa bangkay ng kaibigan. Napaluhod siya at nanatiling tulala. "Ayoko pang mamatay~" aniya.

        "Harold, ilayo mo muna rito ang bata," utos ni Marck sa kaibigan. Itinayo ni Harold si Reya at dinala malayo sa crime scene.

        Dumating na rin sa lugar ang mga kaibigan nito, "Reya! Anong nangyare?" balisang tanong ni Bingelle.

        "Si Myra~"

         Lahat sila ay natigilan nang marinig ang pangalang iyon, sa hitsura pa lang ni Reya, alam na nilang may hindi magandang nangyare sa kaibigan nila. Natutop ni Alison ang bibig niya at nanghihinang napaupo, nagsimula na itong humagulgol. Niyakap naman siya ni Bingelle at pinalakas ang loob.

        "Dumito muna kayo, huwag kayong lalayo. Babalikan ko kayo," paalala ni Harold sa kanila. Bumalik ito sa crime scene.

***

        Nasa harapan nina Marck ang tatlong estudyante. Dinala nila ito sa headquarters para malinawan.
 
        "Gusto kong maging malinaw ang lahat, may kinalaman ba kayo sa nangyare sa kaibigan n'yong si Cloe. Kung bakit siya nag-commit ng suicide?" seryosong tanong ni Marck sa mga bata.

        Si Bingelle na ang sumagot. "Officer, we admit, kasalanan namin kung bakit siya humantong sa ganoong desisyon. We were the one na nag-upload ng video nila ni sir Reggie. Nainis kasi kami after she dumped us over to her freak friends. Nakakainsulto iyon para sa amin. She abandoned us dahil sa mga weirdo na iyon!"

        "Pero hindi iyon dahilan para sirain n'yo ang buhay ng kaibigan n'yo," galit na sermon ni Marck. Naiinis siya dahil iyon lang naman pala ang naging dahilan ng mga ito.

       "I am sorry, that was my idea sir. Nagsisi na talaga ako officer, inutusan lang ako ni Bingelle para i-upload ang video na iyon," panananggol ni Reya sa sarili.

        Kinainisan naman ito ni Bingelle, "And now, iniiwan mo ako sa ere? Very nice of you Reya!"

       Napatayo naman si Reya, "Bakit totoo naman ah, aminin mo na kasi! Hindi naman talaga iyon ang dahilan kung bakit mo pina-upload sa akin ang video nila. Dahil ang totoo, gusto mo si sir, at nagseselos ka dahil mas pinili  ni sir Reggie si Cloe kaysa sa 'yo!"

        Nakatikim ng sampal si Reya mula kay Bingelle, "How dare you!" Ganoon din ang ginawa ni Reya.

       Agad na pumagitna si Harold sa dalawa. Ibinaling naman ni Marck ang atensyon kay Alison na nanatiling nakaupo, "Kasabwat ka rin ba nila?"

       "Hindi ko magagawa kay Cloe ang bagay na iyon. Kami ang mas higit na close sa isa't isa kumpara sa kanila. Wala rin akong alam na kagagawan pala talaga nila ang pag-viral ng video na iyon. Kung alam ko lang, pinigilan ko sana sila." Muling napahagulgol si Alison.

       Gayon pa man, hindi ito naging hadlang kay Marck para ipaalam sa mga ito ang natuklasan nila, "Paano kung sabihin kong, hindi nagpakamatay si Cloe, kundi, may isang tao ang nasa likod ng pagkamatay niya."

       Gulat na gulat sina Alison pagkatapos marinig iyon, hindi sila makapaniwala.

      "At sino naman ang gagawa ng bagay na iyon sa kaniya?" sarkastikang tanong ni Bingelle.

       "We don't know. Malay natin, isa iyon sa inyo?"

        "That's impossible! Hindi kami mga killer officer! We are just student. Yes, kaya namin sirain ang buhay ng isang tao but it doesn't mean na kaya na naming pumatay!" inis na bulyaw ni Bingelle.

       Sinang-ayunan naman siya ni Reya, "Bingelle is right, hindi namin magagawang pumatay!"

        "Well, according sa autopsy ni Cloe, namatay siya sa lunod at hindi sa pagkakasakal. As of now, wala kaming lead kung sino ang gumawa noon, dahil sira ang mga cctv sa school n'yo. Ang mayroon lang kami, ay ang identity ng huling tao na nakasama ni Cloe ng araw din na iyon."

        Sabay-sabay na napatingin ang tatlo kay Detective Marck, "Sino ho?"

        "Walang iba kundi si Mr. Reggie Crisostomo."

***

         Naabutan ni Mrs. Alviera ang anak na si Rizza at si Lhean sa sala. Nanonood ang mga ito. Dumiretso siya sa kusina at inilapag doon ang mga grocery na pinamili niya. "Nabalitaan n'yo na ba?"

       Napatingin sa kaniya pareho ang dalawa. "Ang alin ho tita?" tanong ni Lhean.

        "May murder na naman sa school n'yo. Aba'y sobra na ang nangyayare sa school na iyon. Dapat pabendisyunan na nila iyon sa pare, para maalis na ang bad awra na umaaligid doon," komento nito. Inilatag niya ng maayos ang mga sahog sa lulutuin niya.

       "Tita, kilala n'yo ho ba kung sino ang biktima?" Lumapit na si Lhean sa kusina.

        "Hindi ko alam e, pero estudyante na naman ang pinatay doon. Tsk tsk! Kung makikita mo lang ang magulang. Naku, kaawa-awa na talaga."

         Nagpalitan na lamang ang mga tingin ni Lhean kay Rizza at sa mommy nito. Maya-maya ay natuon ang pansin niya sa tumunog na cellphone ni Rizza.

         Kinuha ito ni Rizza at binitawan agad nang makitang nakatingin si Lhean sa kaniya.

        "Sinong nag-text?" Hindi na hinintay ni Lhean ang isasagot ni Rizza. Kinuha niya ang phone at tahimik na binasa.

        "Ang walang hiya, ang kapal talaga ng mukha niya. Sumosobra na siya, hindi ko na mapapayagan ito!" galit niyang komento. Nagsimula itong tumayo at maglakad palayo.

        "Teka anong gagawin mo? Saan ka pupunta?" pag-aalala ni Rizza.

       "Ipapakita ko sa kaniya kung anong gusto niya!"

       "Teka! Lhean! Ma pigilan n'yo si Lhean!"

        "O bakit? Saan pupunta iyon?" takang tanong ng mama ni Rizza pagkalapit nito sa kaniya. Nakita nilang palabas na ng gate si Lhean. Nahirapan naman makahabol si Rizza dahil sa maselang sitwasyon niya .

        "Oh, anong nangyare roon, inaway mo na naman ba?" Balot ng pangamba ang buong mukha ni Rizza. Kilala niya si Lhean, anuman ang sabihin nito ay ginagawa talaga nito.

        Hindi na rin siya nakasagot sa mama niya dahil ayaw niyang malaman nito ang tungkol sa totoong ama ng magiging anak niya, kung saan, ito ang pupuntahan ng kaibigan niyang si Lhean.

***

        Hapon na nang sunduin sina Bingelle at Reya ng kanilang magulang mula sa headquarters habang nagboluntaryo naman sina Marck at Harold na ihatid si Alison sa bahay nito. Wala raw kasing magsusundo sa kaniya dahil nasa ibang bansa pareho ang magulang niya.

        "Sigurado ka bang okay ka lang na mag-isa rito?" panigurado ni Marck.

         "Oho officer, sanay na rin ho ako." Lumabas ng kotse si Alison.

         "Pwede kong ipaiwan si Harold ngayon gabi para lang makasigurado. After what happened sa friend mong si Myra, hindi ko hahayaan na mangyare ulit iyon dahil sa kapabayaan namin."

        "Ha~ bakit naman ako?" reklamo ni Harold hindi niya ito pinahalata sa dalaga. Pinandilatan tuloy  siya ni Marck.

       "Naku sir, hindi ho ba nakakahiya? Baka ho makaabala ako sa inyo?"

        "Huwag kang mag-alala, it is part of our duties. To serve and protect."

         Kamot-ulo na lamang napalabas si Inspector Harold sa kanilang kotse, "Sige sir, ako na ho ang bahala sa kaniya." Nahihiya namang ngumiti si Alison sa harap ng officer. Pinagmasdan nila ang papalayong sasakyan ni Detective Marck.

        "Sir, tara na po sa loob."

***

         "Ikaw lang talaga mag-isa rito?" tanong ni Harold nang makapasok sila sa condo unit ni Alison.

        "Yes sir, mga limang taon na rin ho ang nakakalipas simula ng mag-migrate sina Mom and Dad sa ibang bansa. Sir, ano ho ang gusto ninyong inumin? Water, juice, tea or coffee?" alok ni Alison habang kinakalikot ang fridge niya.

        "Okay na ako sa tubig."

        Tinignan ni Harold ang mga larawang nasa ibabaw ng cabinet. May mga larawan doon ni Alison kasama ang iba't ibang tao, may mga solo niya at kung anu-ano pa. "Ito ba ang mga magulang mo?" tanong niya.

        "Yes sir, ito na ho ang tubig n'yo." Inilapag ni Alison ang hawak na baso sa mesang nasa sala. Nilapitan niya si Harold at tinignan din ang larawang tinutukoy nito.

        "Iyan na lang ho ang larawan nila na mayroon ako."

        "Oo nga, mukhang ang luma na nga nito e. Ang kyut mo naman dito sa isang larawan, ilan taon ka na ba rito?"

        "Hindi ko ho alam, mga ten ho siguro."

       "Hmmn. At sino naman ang batang ito?" tukoy ni Harold sa isa pang larawan ng batang babae. Pagkatapos ay naupo siya sa sala at ininom ang tubig.

        "Kapatid ko ho."

         "May kapatid ka rin pala. Nasaan siya, kasama ba siya ng magulang mo?"

        "Hindi ho, she died when we we're younger. At kasalanan ko kung bakit nangyare iyon."

          "I am sorry to hear that. Pero may gusto akong sabihin sa 'yo. Whatever happened to her, it wasn't your fault, okay. Sometimes, kapag oras mo na, oras mo na talaga. By the way, bakit ka pumayag na maiwan dito ng mag-isa?"

        
        "Actually, pinapasunod na nila ako roon. Lalo na ngayon at may mga nagaganap na patayan sa school. Kaya lang ho, hindi ko ho maiwan ang mga kaibigan ko rito lalo na sa ganitong sitwasyon."

       "Naiintindihan ko."

       "Ah sir, pwede ho akong magtanong?"

       "Oo naman, 'wag lang patungkol sa math!" Natawa naman si Alison.

         "About po kay sir Reggie, alam n'yo na po ba kung nasaan siya?"

        Inayos ni Harold ang pagkakaupo niya, "Hindi pa, pero pinapahanap na namin siya."

        "Ahh~ sa tingin n'yo po, malaki ang posibilidad na siya ang pumatay kay Cloe?"

         "Maybe Yes, maybe No. Hindi namin alam. Pasensiya na, hindi ko kasi pwedeng sagutin lahat ng tanong mo."

       "Okay lang po, gusto ko lang talaga maging updated sa kaso ni Cloe. She is a really close friend to me at gusto ko ho sanang makuha na niya ang hustisyang nararapat sa kaniya."

        "Natutuwa naman ako, nakikita kong concern ka talaga sa kaniya kumpara sa mga kaibigan mo. Hayaan mo, kapag tukoy na namin kung sino ang killer niya ay sasabihin ko agad sa 'yo."

       Ngumiti na lang si Alison bilang tugon. Biglang namang tumunog ang cellphone ni Harold, binasa niya ng tahimik ang natanggap niyang text.

       "Pasensiya na," paumanhin niya matapos mabasa ang text.

         "Okay lang ho."

        "Well, good thing may lead na rin kami kahit papaano kung nasaan si Mr. Crisostomo."

        "Good news po iyan ahh! Sana nga po ay mahuli na rin siya para maging malinaw na ang lahat."

       "Kaya nga." Inilapag ni Harold ang cellphone niya sa ibabaw ng mesa at muling uminom ng tubig.

      "Ah sir, magpapahinga na ho ako sa kwarto ko. Okay lang po ba na rito na lamang po kayo sa sala mag-stay? At kung nagugutom ho kayo, nandoon ho ang kusina."

        "Oo naman. Walang problema, salamat."

        Naglakad na papasok sa kwarto niya si Alison. Iniwan niya si Harold na ngayon ay nagpasyang magtungo na muna sa kusina. Nakaramdam kasi siya ng gutom.

        "Aba, ang dami naman pala ng pagpipilian dito," komento niya pagkabukas sa fridge.

       ***

Samantala ng gabing iyon.

         Galit naman ang baon ni Lhean nang magtungo siya sa sinasabi ni Reggie, ang propesor na nakabuntis sa kaibigan niyang si Rizza. Ang lakas ng loob na sabihin nito na ipakakalat daw niya ang larawan nila ni Rizza habang nagtatalik kung hindi ito makikipagkita sa kaniya.

        Gusto ng isampal ni Lhean sa mukha nito ang lahat ng kahayupang ginawa nito sa mga kaibigan niya.
Ngunit bago iyon ay sinigurado niyang pupunta ang mga pulis sa lugar kung saan tinutukoy nito. Tinawagan niya ang kapulisan bago tinungo ang liblib na lugar.

       Isang abandunadong building ang sumalubong sa kaniya, madilim ang lugar, pero ayon sa text ni Reggie, dito raw dapat sila magtagpo ni Rizza. "Ang hayop na iyon! Hindi na niya inisip ang magiging kalagayan ni Rizza. Napakawalang hiya talaga," litanya niya habang pinapasok ang madilim na lugar gamit kakarimpot na flashlight.

       Ilang saglit lang ay nakarinig siya ng mga ingay na para bang may nagbagsakan na mga drums. "Sinong nandiyan?" Naghanap siya ng maari niyang ipansandata. Natagpuan niya sa sahig ang isang dospordos. Kinuha niya ito at pinuwesto.

       Nagpatuloy siya sa paglakad, pinasok niya ang may kalakihang silid. Ngunit halos sakluban siya ng kilabot ng may kung sino ang humawak sa paa niya. Napaatras at napasigaw pa siya, nang itama niya ang liwanag ng flashlight na dala sa ibaba, laking gulat niya ng matukoy kung sino ito.

       "Tu-tulong~~" wika nito. Hanggang sa tuluyan na itong nawalan ng ulirat.

        "Sir Reggie?!"

       Muling naagaw ng atensyon ni Lhean ang isang imahe ng tao  mula sa pinanggalingan ni Reggie. Nakatayo ito di kalayuan sa kaniya at sigurado siyang nakita siya nito. Ngunit mabilis itong nawala sa harapan niya. Walang duda, ito ang may kagagawan kung bakit nakahandusay ngayon sa harapan niya si Mr. Crisostomo.

        Nagpasya si Lhean na umalis na sa lugar, mahirap ng mapagbintangan lalo na't parating na rin ang mga pulis na tinawagan niya.

       Subalit ang pagtakas niya ay huli na. Dahil nakasalubong pa niya ang mga papasok na grupo ni Detective Marck. "Freeze! Huwag kang gagalaw!"

***

        Kausap ni Marck si Lhean sa interrogation room, "Bakit mo pinatay si Mr. Crisostomo?"

           "Sinabi ng hindi ko siya pinatay! Pero kung naabutan ko siyang buhay, mapapatay ko talaga siya. Pero maniwala kayo officer! Hindi ako ang pumatay sa kaniya!"

         "Well sino ang gagawa noon sa kaniya. Gayong kayo lang naman ang naabutan namin doon?"
 
        "Kagaya ng sinabi ko kanina, may iba pang tao bukod sa akin ang nandoon. Nakita ko siya!"

         "Anong hitsura niya?"

          "Ahhrg! Paano ko sasabihin ang hitsura niya kung napakadilim ng lugar. Officer, maniwala kayo. Hindi ako ang gumawa noon sa kaniya! At saka, ako kaya ang nagbigay sa inyo ng impormasyon patungkol sa kinaroroonan niya. Bakit ko naman ipapahamak ang sarili ko kung alam kong pupunta kayo sa lugar. What the-- ano ako, baliw!"

         "Sige, sabihin mo na lamang sa akin kung bakit ka nakipagtagpo kay Mr. Crisostomo? Alam mo bang primary suspect namin siya sa kaso ni Ms. Ma. Cloe Sanchez. Hindi kaya pinatay mo siya para may pagtakpan ka?"

         "Walang kwenta! Detective, matanong ko lang ho kayo, may alam ho ba talaga kayo sa takbo ng kasong ito? Hindi na ako magtataka kung si sir Reggie talaga ang pumatay kay Cloe, dahil sa kahihiyan ng bidyo nila at pagkasira ng propesyon niya, malamang mapapatay niya talaga si Cloe. But what the hell? Kasalanan naman niyang lahat iyon! Demonyo siya at hindi dapat maging guro! Ginamit niya lang si Cloe, pinagsamantalahan niya ang pagkagusto nito sa kaniya. Baliw din naman kasi itong si Cloe, sa sobrang pag-ibig niya kay sir, nakaya niyang gawin ang lahat ng iniuutos nito sa kaniya. Kaya pati pag-record sa pagtatalik nila, sinang-ayunan niya. Dahil sa pagmamahal niya para sa lalaking iyon! Napakawalang hiya niya, sinira niya ang buhay ni Cloe. At hindi lang si Cloe ang siniraan niya ng buhay, pati si Rizza dinamay niya!"

        "Rizza? Sinong Rizza?" takang tanong ni Marck, hinayaan niyang magsalita pa si Lhean, masyado itong maraming nalalaman patungkol sa kasong kaniyang hinahawakan.

          "Ako, si Cloe at si Rizza. We're bestfriend. At walang makakatumbas sa pagiging close namin na isa't isa. At sobra akong nasaktan sa mga nangyare sa kanila sa kamay ng hayop na lalaking iyon. Dalawang buwang buntis si Rizza at ang ama ng dinadala niya ay ang walang hiyang propesor na iyon." Naluluha pa si Lhean habang sinasalsay niya ang lahat sa kaharap niyang detective. Ang matapang niyang hitsura kanina ay nagsimula ng manlupaypay

        Nagpatuloy si Marck sa pakikinig. "Hindi alam ni sir Reggie na ako ang makikipagkita sana sa kaniya sa halip na si Rizza. Nag-send si sir ng message kay Rizza na kapag hindi raw nagkipagkita si Rizza sa kaniya, ipapakalat niya raw ang larawan nila habang nakikipagtalik sila sa isa't isa. Sa sobrang galit ko, nagpasya ako, na ako na ang makikipagtagpo sa kaniya. At nangyare nga ang bagay na iyon sa kaniya."

         "... pero bago ko siya matagpuan sa ganoong kalagayan, nakarinig pa ako ng ingay. Na parang may mga drum na nagbagsakan. Pinuntahan ko iyon, hanggang sa nakita ko na lang siya, nakahandusay at humihingi sa akin ng tulong. May nakita pa akong ibang tao na kasama namin sa lugar, akala ko papatayin niya rin ako, pero bigla itong lumayo. Doon na ako tumakbo palayo hanggang sa nakasalubong  ko na kayo."

        Pumalakpak ng tatlong beses si Marck, "Napakagaling, ang galing ng pagkagawa mo sa kwentong iyan."

         "Wala na akong pakealam kung hindi n'yo ako paniniwalaan. Mabuti na lang din siguro at namatay na rin ang lalaking iyon. Bagay lang iyon sa kaniya. Magiging panatag na ako dahil hindi na malalagay sa kapahamakan ang kaibigan kong si Rizza."

          Pinaniniwalaan ni Marck ang mga sinasabi nito sa kaniya ngunit hindi naman pwedeng basta pakawalan na lamang niya ito. Malakas ang kutob niyang totoo ang lahat ng sinasabi ng dalaga. Ang gumugulo lang sa isipan niya, sino kaya ang taong nakita ng estudyanteng ito. Sino ang pumatay kay Mr. Crisostomo?

        Hinayaan niyang sa kulungan na magpalipas ng gabi si Lhean. Sinimulan na rin niyang alamin ang binanggit nitong pangalan sa kaniya, Rizza. Hanggang sa nalaman niya na ang taong ito pala ang tinutukoy sa chismis na ipinupukol sa batang si Lhean. Na kinulam daw di umano ni Lhean si Rizza kaya hindi na ito nagpapasok sa ekskwelahan. Pero ang totoo, buntis na pala ito ng dalawang buwan. Mas lalo tuloy nagiging interesante ang lahat para kay Marck.

***

Kinabukasan...

        "Kumusta iyong bata?" tanong ni Marck kay Harold pagkakita niya rito. Sabay silang pumasok sa kotse nito.

       "Ayos lang, hindi nga lumabas ng kwarto iyon e. At saka, infairness ang dami ng pagkain niya sa bahay. Halatang anak mayaman. Maganda rin ang tinutuluyan niya, nakita ko ang security system, mainam din. Sigurado akong walang makakapasok na iba bukod sa mga nakatira talaga roon. Kaya huwag kang mag-alala. Ligtas ang batang iyon sa tinutuluyan niya."

        "Ganoon ba?"

        "Teka, saan ba tayo pupunta? At saka, kumusta pala iyong si Mr. Crisostomo?"

        "Wala na, pinatay na siya~"

      "Ano!?"

        Mabilis na pinaandar ni Marck ang kotse niya. Pupuntahan nila ang batang si Rizza.

       
        Narating nila ang bahay nina Rizza. Ang ina nito ang sumalubong sa kanila.

       "Nasa taas ho siya, nag-aalala na siya ng sobra dahil hindi pa tumatawag ang kaibigan niyang si Lhean."

       "Huwag ho kayong mag-alala. Nasa mabuting kamay ho si Lhean."

        Sinamahan sila ng ginang sa silid ng dalaga. Naabutan nila itong nakatingin sa terrace ng kwarto niya.

       "Rizza?" Napalingon sa kanila ang dalaga.

***

          Samantala, dumalo naman ang magkakaibigang sina Reya, Bingelle at Alison sa mass offering sa school nila. Ang alay na panalangin para sa mga napatay na estudyante sa paaralang iyon. Kasama rin nila ang ilan sa mga kaeskwela nila.

        Lahat ay nakaitim, simbolo ng paghingi nila ng hustisya sa mga nangyare.

          "Please, tell me, hindi ako mamatay," hagulgol ni Reya sa mga kaibigan. Yakap siya ni Alison at pilit pinapahupa ang pag-iyak niya.

        "Shhh, Reya, 'di ba't ikaw ang nagsasabi sa akin na magpakatapang. Huwag mo naman akong iwan lalo na ngayon. Kailangan ko ang tapang mo." mangiyak-ngiyak din na wika ni Alison. Niyakap na sila ni Bingelle, dinamayan sila nito sa lungkot at takot na nararamdama nila.

***

         "Totoo ba na ang ama ng dinadala mo ay si Mr. Crisostomo?"

       "Shhh please~ huwag kayong maingay! Baka marinig kayo ni mama. Hindi niya pwedeng malaman."

      Ipinagtaka naman ito nina Marck, "Bakit naman ayaw mong malaman niya?"

           "Please~ just don't ask officers. Ano po ba ang ipinunta n'yo rito?"

         "Mr. Crisostomo found dead last night. At nasa crime scene si Lhean, ang kaibigan mo, nang matagpuan namin ang katawan ng biktima. We just heard na close pala kayo sa isa't isa. Alam mo rin ba na suspect namin si Mr. Crisostomo sa pagpatay kay Cloe Sanchez?"

         Habang abala si Marck sa pagtanong ay abala rin si Harold sa pagmamasid sa paligid. Napapatingin rin ito sa mga larawang naka-display sa kwarto.

        "What! Where's Lhean, how is she? Kailangan ko siyang makita! Please officer!"

         "Okay, pero sagutin mo muna ang tinatanong ko sa 'yo."

         "Yes Officer, matagal na namin pinanghihinalaan na may kinalaman sa Reggie sa pagkamatay ni Cloe. Pero ang hirap kapag wala kang maipakitang ebidensiya. At saka, simpleng mga estudyante lang naman kami."

         "E, sa pagkamatay ng mga kaeskwela mo. May nalalaman ka rin ba tungkol sa pagkamatay nila."

      "I don't know! Hindi ko alam! Pero sabi ng kumakalat sa school. Namamatay sila dahil daw sa isang sumpa. Siguro, sinisingil na rin sila ng karma dahil sa kasamaan nila."

         "Sige, sa ngayon, iyon lang muna. Huwag kang mag-alala about Lhean, makakalabas na rin siya sa kulungan mamaya. Wala naman kaming ebidensiya na pwedeng gamitin laban sa kaniya."

        "Salamat po sir, magiging panatag na ako ngayon. Officer, isa lang ho ang sinisigurado ko, mabuting tao ho si Lhean. Iniisip niya lang ang kapakanan ko at ang magiging anak ko."

        "Alam ko~ Inspector Harold, let's go! Tapos na tayo rito."

        "Okay."

         Inihatid ng mama ni Rizza sina Marck sa may gate, "Sigurado ba kayong hindi na kayo magmemeryenda?"

       "Salamat po misis, pero kailangan na ho naming umalis."

       "Oh sige kayo bahala."

        Sumakay na nga ng kotse ang dalawa, bigla namang nagsalita si Harold, "Para talagang nakita ko na ang hitsura na iyon sa kung saan. Hindi ko lang talaga matandaan e."

        "Hoy! Anong sinasabi mo riyan?" puna sa kaniya ni Marck. Pinaandar na nito ang kotseng sinasakyan nila.

        "Iyong isa sa mga larawan sa itaas. Basta~ ewan!"

        Nasa kalagitnan na sila ng kalsada nang bigla ulit magsalita si Harold mula sa kawalan.

       "Tama! Alam ko na kung saan ko nakita ang nasa larawang iyon! Tama, iyon nga!"

       "Ha? Saan?" takang tanong ni Marck kahit ang totoo, hindi niya alam kung ano ang tinutukoy ng kaibigan.

***
To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com