Sorciere 4: Starlight Courtyard
"Never ever doubt your worth..."
ERIS
Pinanood kong umalis si Shad. I was not really used to call anyone 'Prince'. Wala rin naman sa hinagap ko na makakasalamuha ko ang isang prinsipe. Sumampa sa balikat ni Shad si Willow habang nakatingin sa 'kin. Napansin ko ang pagkinang ng kulay pilak niyang mga mata at nagpakawala ng malambot na ingay.
I didn't know if he was trying to talk to me or what, but I shrugged my shoulders and ignored Willow. Naglakad ako patungo sa direksiyon ng courtyard nang bahagyang matigilan.
Teka? Nakausap ko si Shad? 'Di ba, kasasabi ko lang kanina na imposibleng mapansin ako ng magkapatid na prinsipe? Tapos ipinahihiwatig pa ni Shad na nagkita na kami noon? Saan? Wala akong matandaan. Wala akong masyadong nakakasalamuha kundi ang mga tao sa baryo namin. At malayo ang baryo namin sa palasyo ng Zithea. Nasa dulong bahagi kami ng kaharian kung saan napapalibutan ito ng malawak na kakahuyan.
Nakausap ko si Shad pero parang hindi naman katulad nina Gianna at Faena ang reaksiyon ko. Siguro abnormal talaga ako? Hindi ba talaga ako kinikilig?
Napailing ako. Siguro dahil sa rami ng problema ko, naubos na ang kilig sa katawan ko. Pumasok ako sa isang gate na gawa sa kahoy at bumungad sa 'kin ang malawak na Starlight Courtyard. May dalawang malalaking bahay sa kanan at kaliwa. Sa gitna naman makikita ang malawak na bahay na tinutuluyan ng Headmaster.
Sa gitnang bahagi, makikita ang isang fishpond na may mga lumalangoy na gintong karpa. Even though I couldn't use magic, I could sense it. This courtyard was protected by a powerful magic and I was sure there was an invisible barrier preventing outsiders from coming in here. Pear trees stood on the corners of the courtyard and the willow trees growing this yard also glowed in the night. Naglakad ako sa isang malaking bahay kung saan nagpapahinga ang mga Mistress.
Nakita agad ako ni Mistress Viola na kanina lang ay nakatingala sa kalangitan habang nakaupo sa sahig na gawa sa kahoy.
Ngumiti sa 'kin si Mistress Viola. Although she could control the Dark, she was not ill-mannered nor arrogant and I respected her a lot. "May kailangan ka, Eris?"
Tumango ako. "Pinapunta ako ni Mistress Armina rito. I need to consult something about my silver bracelet tattoo. She sensed a faint magic from here but she can't tell if this bracelet tattoo is special," saad ko. Itinaas ko ang manggas ng robes ko at ipinakita ang silver bracelet tattoo sa kanang kamay ko.
Kinuha ni Mistress Viola ang aking kanang kamay. The sleeves of her white robes swayed in the air as her gray eyes carefully inspected my tattoo.
"Indeed. There is a faint magic coming from here. Where did you get this?" kunot-noong tanong niya nang tumingala sa 'kin.
"This is a memento from my father," sagot ko. Tila nagkaroon ako ng pag-asa.
"Maybe your father used magic to create this. This is the first time I've seen a silver bracelet tattoo. There aren't books for this kind of spell. Maybe it is a protective charm? Or a mark to indicate that you are his child?" hindi siguradong tugon ni Mistress Viola. "Teka. Tatawagin ko sila." Tumayo siya at pumasok sa loob ng bahay. Tila nawawalan ako ng pag-asa na espesyal ang tattoo sa kamay ko.
Lumabas ang mga Mistress sa kanilang silid at tiningnan ang aking silver bracelet tattoo pero hindi sila pamilyar sa mahikang nararamdaman nila. Maging ang mga Masters ng Warlock division ay tiningnan na rin ang aking kamay pero wala ni isa sa kanila ang may kasagutan.
"Maybe we can do a research about that tattoo. We will let you know when we find answers," saad ni Mistress Viola. Marahan akong tumango at pilit itinago ang pagkadismaya. Nagpaalam na ako sa kanila upang bumalik sa Sorciere Courtyard.
Pumasok ako sa malawak na dormitory na tinutuluyan namin. May ilan pang naglalakad sa hallway. Kasama ko sa silid sina Faena at Gianna kaya kami naging magka-kaibigan. Nang akmang aakyat na ako sa hagdan patungo sa ikalawang palapag, may mga nakasalubong akong babae na pababa ng hagdan at walang pag-iingat na nabangga ako.
"Aray! Ano ba!" maarteng saad ni Tharah. I almost rolled my eyes. Ako dapat ang masaktan dahil ako ang binangga, 'di ba? Bakit siya ang umaaray? She even flipped her chestnut brown long hair.
Bumaling ang matatalim niyang asul na mga mata sa 'kin. "Eris. Ano ba? Tumabi ka naman kapag dumadaan kami," mataray na saad niya.
Nagsalubong ang mga kilay ko. Siya ba ang may-ari ng daan na 'to?
"Ano ba, Tharah. Hayaan mo na 'yang si Eris. Wala na ngang alam sa paggamit ng mahika, aawayin mo pa," sarkastikong saad naman ni Sasha at napansin ko pa ang pag-irap niya sa 'kin.
"Bakit kayo tumigil sa paglalakad?"
Napalingon kaming tatlo kay Mira na pababa na ngayon ng hagdan. Mabini ang boses niya at nagtatanong ang amber na mga mata habang nakatingin kina Sasha at Tharah. She was one of the most beautiful Sorciere in this academy. She gracefully walked down the stairs with her black robes and curly long amber hair.
"'Eto kasing si Eris, nakaharang sa daan. Bakit kasi pumapasok pa siya rito? Normal lang naman siyang tao. Naiirita ako kapag nakikita ko siya," nakasimangot na saad ni Tharah.
Bumaling ang tingin sa 'kin ni Mira. I knew she was not sympathizing with me. She just stared at me indifferently as if I was just a speck of dust not worthy of her attention. Muli siyang tumingin kina Tharah na tila hindi ako nakita.
"Huwag ka nang makipag-away, Tharah. She's not worth your time. Hayaan mo na siya kung gusto niyang manatili sa academy at ipagsiksikan ang sarili rito," saad niya na tila walang pakialam. I was not a threat to her at all and that was why she was not giving me a second look. Nagkibit-balikat sina Tharah at Sasha at ipinagpatuloy na ang paglalakad na tila walang nangyari. Nilagpasan ako ni Mira at hindi na ako sinulyapan pa.
Napabuntonghininga ako. This trio really gets in my nerves.
Dumiretso na ako sa loob ng silid namin nina Faena at Gianna. Nagbabasa sila ng kanilang spell books at nag-aaral gumamit ng mahika. Nang mapansin nila ako, iwinasiwas lang nila ang mga kamay sa hangin upang bumati. They were busy studying. Umupo ako sa kama ko at may napansin akong isang puting envelope kung saan nakasulat ang pangalan ko.
"Kanino galing ang sulat na ito?" tanong ko sa dalawa.
Bumaling ang tingin nina Faena at Gianna sa 'kin. "Hindi ko alam," sabay nilang sagot.
Kumunot-noo ako pero tumango. "Ah sige. Mag-aral na kayong dalawa."
I tucked my wavy purple wine hair behind my left ear. Binuksan ko ang sulat.
Return home. It's about your mother.
Natigilan ako. What happened to her? She's sick again? Kadarating ko lang sa academy noong isang araw dahil simula na ng klase pero mukhang kailangan kong umuwing muli sa bahay. Magpapaalam na lang ako kina Mistress Viola bukas pero alam kong hindi ako makakatulog nang mahimbing ngayong gabi.
Bumuntonghininga ako. Kinuha ko ang libro ko. Maybe I should just study until sleep showed kindness to me.
~~~
Nagpaalam ako kina Mistress Viola at pumayag naman sila na alagaan ko ang aking ina sa loob ng isang linggo. Agad akong bumalik sa baryo namin sakay ng isang lumang karwahe. Tumigil ito sa isang maliit na bahay na gawa sa halos sira-sirang kahoy sa gitna ng kagubatan.
Nagbayad ako ng sampung pirasong pilak sa kuchero bago ito umalis upang bumalik sa Sorciere Academy. Nang pumasok ako sa bahay, natigilan ako dahil isang lalaki ang nakasandal sa dingding, sa bandang ulunan ng aking ina.
He looked like he was already in his mid-thirties. His purple wine hair had streaks of silver on it. He also had silver eyes that showed matureness and oldness in his gaze when his attention turned to me. There was something ethereal about him and he looked just like me. And if I didn't know my mother well, I would certainly think that he was my long-lost brother.
My mother was only in her fifties and it was impossible to have a mid-thirty son because she only met my father when she was twenty-nine years old. Maybe my cousin? Or an uncle?
He smirked at me as if he knew what I was thinking. "You're wrong," he said with a soft but powerful voice. Pakiramdam ko, tumindig lahat ng balahibo ko sa katawan. Nabasa ba niya ang iniisip ko?
Bumaling ang mga mata ng lalaki sa aking ina. His gaze turned a little softer and yearning was visible in his eyes but I couldn't understand that.
"Erina, nandito na si Eris. We must fulfill our promise now," he gently said.
Naalerto ako. Anong pangako ang tinutukoy niya?
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com