Game 102: Heart speak louder than your voice
Kinaladkad pa talaga ako ng babaeng ito pabalik doon sa kwarto namin. May Ghad di naman siya halatang excited ng lagay na iyan. Hanggang sa marating na namin ang hallway patungo sa silid kung saan sila naroon.
"Sige... sige... go ahead na sa likod mo lang ako." sabi ko pa sa kaniya may goodness hiningal ako dun infairness. Kaya hayun binitawan na niya yung kamay ko at last!. Nung palapit na kami sa pintuan bigla naging mahinhin kilos niya, ibang iba sa kung ano siya kanina. Ganito pala ang mga babae pag mag papakipot hehe.
Himala, tahimik 'ata sa loob? Baka inaabangan nila kung sino ang papasok. Di na ako magtataka kung sa pagpasok ni Yash biglang mag hiyawan ang mga iyon.
Pero...
Nakapasok ng lahat-lahat si Yash ay wala pa din humihiyaw sa kanila, bakit kaya? Akala ko ba ang magaganap eh yung sinabi sa akin ni Yash kanina sa may CR na napag planuhan na nila. Dala na din ng curiousity ko nagpasya na akong sumunod kay Yash, nagugulihaman na din kasi ako. Pagkatapat ko sa may pinto lahat sila nakatingin sa akin?
Teka? may dumi ba sa mukha ko? Kasi nakalimutan kong magsalamin kanina di ko na na-check. Napansin ko naman si Yash na nakatayo sa may gilid ni Lorry at Mimi at nagbubulong bulungan. Tungkol naman kaya saan.
"Ayyyyyiiiiiieeeeee!!!" hiyawan ng mga klasmeyt ko. Teka anong meron? Yung totoo ganito ba talaga ang epekto ng larong SPIN THE BOTTLE, unti-unti kang mababaliw. May Ghad mabuti na lang at umalis ako at di natulad sa kanila.
"Oh pa'no ba 'yan Singh si Caloi ang pangalawang pumasok. Ayyyiiieee gawin mo na yung DARE mo dali" pambubuyo pa ni TJ. Teka ano daw? Wala talagang nag s-sinc-in sa utak ko. Di ko gets? Tas napatigin ako kay Singh para tanungin sana siya kung ano nga yung nangyayare? Pero nagulat ako ng tumayo ito at nagtungo sa kinatatayuan ko.
Whaaaa! anong nangyayare? Itinuon ko naman kina Lorry ang pansin ko pero langya talaga busy sila sa pakikipag bulungan kay Yash na para bang nagpapaliwanag. HELP!! Pakipaliwanag ang mga nagaganap ngayon whaaaaaa!
Sa paglapit niya sa akin napapa atras naman ako. Bakit ganun siya makatingin, napaka seryoso di katulad dati kwela. Hindi man lang siya nakangiti, teka tama ba napapansin ko? Sa..sa..sa labi ko ba siya nakatingin? Oh no what's going on?
"T-teka nga S-singh a-ano ba talaga ang nangyayare?" nauutal na tanong ko, kasabay ang dahan-dahan kong pag atras hanggang sa makalabas na kami sa may pintuan at dumikit na ako sa pader. Di niya ako sinasagot, napaka seryoso pa din ng mukha niya na talagang nagbigay sa akin ng kakaibang kaba na para bang may magaganap na maaring kong magustuhan o di naman kaya ay pagsisihan. Hindi kaya? Whaaaaaaa! imposible yun.
*Dugdug*
*Dugdug*
*Dugdug*
Takte sound effects ng ano yun? Mas ikinagulat ko ang sumunod na aksyon ni Singh, di talaga normal kumpara sa pangkaraniwang asaran namin pag nasa school. Ito siguro ang kauna-unahang magkakalapit kami ng ilang inches lang ang layo sa isa't isa. Napansin ko ang pag dako ng mga mata niya mula sa labi ko hanggang sa mga mata ko? Teka anong trip to pinaglalaruan ba niya ako. At di pa siya nakontento ikinulong pa niya talaga ako sa mga bisig niya habang ako moon-t*nga sa mga nangyayare.
Oo, idinikit niya ang mga kamay niya sa pader at ikinulong ako na parang ewan lang. Habang yung iba nag kakantyawan na.
"Bakit ...mukhang kabado ka dyan?" tanong niya, shock! I can clearly smell his cool breath. Dahil mukha naman niya ang inilapit niya sa akin. Pakiramdam ko nangangamatis na yung mga pisngi ko. Whaaa!
"B-baliw ka ba? Ako kakabahan saan? T-teka umalis ka nga dyan, n-n-nakaharang ka sa dadaanan ko." whaaaaaaaaa halatang kinakabahan ako kasi nauutal ako whaaaaaa! I can't take it anymore dahil pag tumagal pa ako sa ganitong posisyon baka matutunan ko na ang mga salitang KILIG TO THE BONES. Naku di pede wala yun sa bokubolaryo ko. At saka hello hindi pa isinisilang sa mundong ito ang magpapakilig kay Cathryn Loise Litzellman a.k.a Caloi. Mangyayare lang yun pag nasa heaven na ako. Kaya... kaya... please Singh itigil mo na itong ginagawa mo sa akin.
Malaking destruction sa akin ang kagwapuhan mong iyan! Back Off please. Pero bakit ganun di ko mailabas sa bibig ko itong mga nilalaman ng brain ko WTH! Ngayon ko lang napatunayan ang salitang BRAIN FREEZE! kyaaaaaah.
"Alam mo ba kung bakit ako sumama dito..?" bulong niya as in bulong na ako lang ang nakakarinig, ewan ko kung sinasadya niya yun or sadyang maingay lang itong mga kasama namin kaya di nila napansin na kinausap na ako ng hinayupak na ito. Tas out of no where napalunok ako, hindi ng laway kundi ng hangin. May ghad, pakiramdam ko yung heart ko anytime mailuluwa ko sa tindi ng sensasyong nararamdaman ko right now.
"As if naman na interesado akong malaman ang dahilan mo. ASA ka!" pagsusungit ko, ito lang ang alam kong paraan para matanggal si KABA and I hope it will work. Duh bakit nga ba siya nandito?
Akala ko ba di siya makakapunta, kaya nga ako napapayag na sumama kasi nga wala siya. Naku Caloi, di daw interesado wag ka't gustong malaman kung sino ang tinutukoy ni Gino na dahilan ni Singh sa pagsama dito. Ngumiti muna siya sa akin at maniwala kayo sa hindi tumigil ng 2 sec. sa pag tibok ang puso ko. 2 sec. lang naman.
"... Alam mo ba ang Dare ko? kailangan ko daw halikan sa pisngi ang pangalawang tao na papasok sa pintuan na ito. And in my surprise ikaw ang maswerteng babae na iyon. Ano? will you let me to do that kasi kung hindi they gonna grab my one month allowance. At umaasa ako na hindi mo ako hahayaan na mamulubi sa loob ng isang buwan." at mukhang sinasabayan pa niya ito ng CUTENOTISM para mapapayag ako.
Aminin ko man o hindi, napaka effective talaga nun, kasi.. kasi.. sabi ng isang utak ko SIGE NA PUMAYAG KANA KISS LANG NAMAN SA PISNGI EH, tapos yung kabilang side naman WAG KANG PAPAUTO SA GWAPONG NILALANG NA IYAN. Ano ba yan ang hirap pumili sa pagitan ng OO at HINDI.
"Tama si Singh, kapag hindi niya nagawa ang Dare na ito. Mapapasa amin ang one month allowance niya yehey!" sigaw ni Runssel sa amin na nagpadagdag sa pressure na nararamdaman ko.
"So magiging kasalanan ko pa pag di ako pumayag. Aba.. aba.. aba... hindi p-pwede iyan." sagot ko kay Singh, pero napaka unfair niya dinadaan niya ako sa titigin alam naman niyang isa sa mga kahinaan ko ang mga mata.
"Please Caloi, wala talaga akong makukuhaan ng pera if ever mapunta sa kanila ang allowance ko. Ah ganito na lang." tas may ibinulong siya sa akin. Oh may Gulay! alam niya ang kahinaan ko whaaaaa! Paano nangyare yun? Sabihan ba naman ako na ililibre niya ako ng ticket para sa concert ng PLANETSHAKERS dito sa pilipinas. (NOT REAL HEHE)
No. 1 fan talaga ako ng PlanetShakers at isa din iyan sa dahilan kung bakit naghahanap ako ng part time job para makabili ng ticket. Pero yung sa offer ni Singh ang hirap tumanggi. O tukso layuan mo ako! takte napapa kanta na ang utak ko whaaaaa!
"Then, may one month supply ka sa akin na slice ng kahit anong cake na gusto mo, pero one slice lang huh." dagdag pa niya sa offer niya na talaga naman makalaglag panga. Oh no anong gagawin ko? Nakuha ng lalaking ito ang kiliti at kahinaan ko. Baket? bakeeeet! Nagtataka lang ako pa'no niya nga kaya nalaman ang mga bagay na iyon patungkol sa akin.
"Ano, it's a DEAL or NO DEAL? Ikaw din bahala ka, nalalapit na ang concert ng Planetshakers and until now I'm sure di ka ba nakakabili. Siya nga pala I already have 2 available ticket." evil ata ang lalaking ito ang lakas makapanghatak ng tukso. Pagkatapos niyang sabihin iyon tinaggal na niya ang mga bisig niya mula sa pag kakakulong sa akin.
Kyaaaaaaaah sinusubukan talaga ako ng lalaking ito. Nagsimula ng mang asar ang iba naming mga kasama sa pag aakalang makukuha nila allowance ni Singh kasi di pa ako pumapayag.
Caloi, desicion making na dali. Pakakawalan mo ba ang concert ng Planet shakers at isang suppy ng chocolate cake o ibibigay mo na lang kay Singh ang virgin mo pang cheeks para ma avail ang napaka gandang offer na iyon na minsan lang dumating sa buhay mo?
"Pa'no ba yan, mukhang talo ako. O heto allowance ko iyan sa isang buwan." dinukot na niya ang pitaka niya. Seryoso ba talaga sila kukunin talaga nila ang pera ni Singh? Wait pa'no na yung concert at chocolate? No hindi pwede. Di ko na palalagpasin ito. Kyaaaaah bahala na, kiss lang naman at sa cheeks lang naman mag iinarte pa ba ako? At saka hindi na iba sa akin si Singh kahit papaano may closeness na naman kami kahit madalas kaming magbangayan sa isang bagay. Dahil pinanganak na 'ata kami na mag ka opposite ang utak or against ang ideya sa isa't isa. Iaabot na sana ni Sign ang Limang libo ata na halaga ng pera niya.
"Sandali!" lahat sila huminto sa pag iingay at muling nabaling na naman sa akin ang atensyon nila pati na din si Singh na ngayon ay namimintana na ang mga ngiti sa labi niya.
"P-p-p-payag na ako halikan mo ako sa pisngi!" Okay lahat sila nagulat sa sinabi ko pati na din sina Lorry, Mimi at higit sa lahat si Yash.
__________________________________
to be continue...
Pag mamay- ari ni Yhin2x
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com