Kung nagsimula sa spin the bottle, s'an naman kaya magtatapos?
Cathryn Loise Litzellman POV's
Pagkatapos ng kalokohang iyon, pakiramdam ko naman magiging maayos ang lahat. Kahit over acting lang ang peg ko nun wala naman 'atang nakahalata mula sa mga kasama ko.
"Hoy Caloi umamin ka nga sa amin, pa'no ka niya napapayag na halikan ka niya?" seryosong tanong ni Lorry habang nasa iisang kwarto lang kaming mga girls. Nakabukod ang kwarto syempre ng mga babae sa lalaki. At sa ngayon di maiiwasan ang girls talk sa mga ganitong sitwasyon. Yikes ano sasabihin ko sa kanila? Magsasabi ba ako ng totoo?
"Oo nga then tell us anong pakiramdam nung hinalikan ka niya sa labi kyaaaaaaah ano gaano katamis ba Ayiiieee" kilig na kilig pang tanong sa akin ni Yash habang nakayakap sa kaniyang paboritong unan. Teka nga balewala lang ba sa kaniya yun ang alam ko may crush siya kay singh Anyare? Ambilis mag bago ng isip huh.
"Hoy Caloi! mag share ka naman sa amin, anong nangyare sa inyo nung nasa labas kayo? Ayiiieee dali mag kwento ka na" pag pupumilit pa sa akin ni Mimi na sinabayan pa niya ng pag alog sa balikat ko.
"Teka nga, w-wala nga sabi eh... ano kasi... basta may mahalagang bagay lang ang naka taya dun. Kainis kayo, dahil sa larong iyan may nakakuha na ng first kiss ko" natutop ko ang labi ko dahil nadulas ako at nasabi ang di na dapat sabihin naku lagot na talaga ako nito whaaaaaa!
"You mean.. si Singh ang first kiss mo yikes.. mas lalo akong keneleg kyaaaaah!" tinakpan ko ang bunganga ni Yash, medyo lumalakas na ang boses nito.
"Shhhhh tumahimik ka nga Yash, ang ingay mo. Baka marinig ka niya, nakakahiya" tas dahan-dahan ko ng inalis pagkakatakip ng kamay ko sa bibig niya. "Kung ako sa inyo matulog na tayo dahil wala akong balak sabihin at i-kwento sa inyo na kahit na ano Okay. Oh siya mag sibalik na kayo sa mga pwesto niyo dahil ako matutulog na okay." tas pinag tutulukan ko na sila sa kaniya-kaniya nilang higaan.
"Ang KJ mo talaga Caloi, pero sige na nga pabayaan ka na nga namin na alalahanin ang napaka gandang first kiss scene mo hehehe" sa inis ko ibinato ko sa kaniya si PITCHIEKO este yung unan ko, peborit ko kase yun eh tas nilagyan ko pa siya ng pangalan hihi. Binalik din naman niya sa akin ng pabato yung unan ko at pagkasalo ko kay pitchieko agad kong sinabayan ng higa para matigil na ang nakakaiinis na conversation na iyon kasunod nito ang pag talukbong ng kumot ko. Pero takte bakit ganun may isang bahagi ng pagkatao ko na kenekeleg sa nangyare dahilan para mapangiti ako sa ilalim ng kumot ko, nakakainis ano ba itong feelings na ito. Kailangan mawala ito bukas na bukas din, pero pa'no yung memories? Shocks! mananatili pala ito forever Oh no kyaaaaaaaaah!
_____________________________
Samantala... Sa kabilang silid kung nasaan ang mga boys XD.
Singh Candelaria POV's
"Aba Singh akalain mo naka score ka kay Caloi, pa'no mo nagawa yun? Akala mo siguro di namin napansin na may ibinulong ka sa kaniya kanina. Yun siguro ang dahilan kaya napapayag mo siya" pang-aasar sa akin ni Runssel. Kahit naman kasi ako di inaasahan na ganun ang mangyayare. Basta ganun na lang, nakalapat na ang labi ko sa labi niya. *kasabay nito ang pag hawak niya sa bandang ibaba ng labi niya*
"Hayun oh dinadama pa din niya hanggang ngayon hahaha" puna pa sa akin ni Gino. Ano ba itong ginagawa ko, nakaka asar bakit ganito ako, pagkatapos nun di na ako makapag concentrate sa lahat tsk. Binato ko sa kaniya yung unan ko kaya hayun sapul siya sa mukha at natigil na sa pag salita.
"Sabihin mo na sa amin kung ano ibinulong mo sa kaniya?" pag pupumilit naman ni TJ
"Ano ako hilo? sa amin na lang iyon, umalis na nga kayo dyan sa kutson ko para makatulog na ako tabi!" pag susungit ko sa kanila para di na nila ako kulitin. Kilala nila ako pag nag sabi ako na ayoko, AYOKO talaga at di nila ako mapipilit. Ako kaya president ng klase at ng batch namin hehehe kaya mataas respeto nila, plus pa na matalino ako at higit sa lahat gwapo. Nakakapagod din kaya na hangaan ng madami. Di mo na alam kung sino sa kanila ang totoong may care sayo.
"Ang daya mo Singh, pero congrats! Dahil ayon sa nakalap kong chismis kaw daw ang first kiss ni Caloi naks naman oh hahaha." pakiramdam ko lumaki mga mata ko sa sinabing iyon ni Gino at di ko maiwasang mapangiti. Ako? As in ako ang first kiss niya, Wow!
"Mga sira! *binato sila ni singh ng ilang mga damit niya na nakabalandra malapit sa kaniya" Magsitulog na sabi kayo eh, io-off ko na ang ilaw bahala kayo dyan" kinuha ko ang remote control ng ilaw at pinatay na ito. Pagkatapos nun ay wala na silang nagawa dahil nakapag desisyon na ako at lights off na din.
Ang masaklap lang ngayon, dahil sa sinabi ni Gino about sa first-first kiss na iyon eh hindi na ako makatulog. Nakatitig lang ako sa kisame ng silid na iyon. At sa tuwing pipikit ako lagi na lang si Caloi nakikita ko, kung ano yung naging reaksyon niya ng mga oras na iyon. Ako? Ako ang first kiss niya dahilan para mamintana na naman ang ngiti sa mga labi ko.
Actually di naman talaga yun yung plano ko. Hanggang pisngi lang talaga ang inaasahan ko sa kaniya. Ang totoo niyan, tama si Gino siya talaga ang dahilan kung bakit pumayag na din akong sumama sa kanilang bakasyon. Ang pag kaka alam ko talaga di siya kasama dito pero nung nai-txt ako ni Gino na kasama nga nila si Caloi hindi na ako nagdalawang isip na sumunod sa kanila.
Aaminin ko, palihim akong humahanga sa kaniya. Kasi sa dinami-dami ng babaeng nagpaparamdam sa akin nagtataka lang ako bakit siya di ko man lang matanawan na may interest din siya akin katulad ng iba. Madalas siyang makipagtalo sa akin at naiinis daw siya. Ako naman itong cute na cute sa kaniya kapag nagdidikit na ang mga kilay niya tas kumukulubot yung noo niya ng dahil sa akin.
Ang ganda niya kaya, lalo na pag nag susungit siya sa akin. Kaya ang ginagawa ko di ako nag papatalo sa kaniya, nilalamangan ko siya sa lahat ng bagay sa school man at sa labas ng school. Para asarin siya at tuwang-tuwa ako kapag sinusungitan niya ako.
At saka nagulat din ako kanina ng napapayag ko siya na gawin ang dare sa kaniya dahil lang sa ticket ng PLanetShakers na iyon at chocolate. I actually did researched about her most likes and dislike and I found out nga na yun yung mga gusto niya. I simply offered those stuff to her and in my surprised, napapayag ko siya kaya tuwang-tuwa ako. At saka ginawa ko ang deal na iyon para magkasama pa kami ng matagal at saka para yayain ko na din siyang mag date ng di mahahalata ng mga kasama namin pati na din siya. Ang gwapo ko na ang talino ko pa hehehe akalain ko bang maiisip ko iyon.
For sure naman ako na hindi yun papayag makipag date sa akin kasi iba ang tingin niya sa akin kumpara kung ano ang tingin ko sa kaniya. Hindi lang siya basta simpleng kaeskwela ko o mahigpit na kakumpetensiya kundi, siya yung nagpapasaya at kumukumpleto sa araw ko, teka ano nga ba ang tawag dun?
Bigla akong nagulat ng may tumama na unan sa akin.
"Singh, matulog ka na wag ka ng kiligin pa dyan halata ka naman masyado eh" badtrip napansin ba nila na kinikilig ako tsk asar nakakahiya naman oh.
"Just shut up!" bulyaw ko sa kanila at nagtalukbong na lang ako ng kumot ko para di na nila masilayan ang nakadungaw kong ngiti. Asar naman kasi bakit di ko mapigilang ngumiti ngayon at dahil iyon sa kaniya. Ano nga ba ulit ang tawag sa ganitong pakiramdam? LOVE? Weh!
End of His POV's
_____________________________________
Caloi's POV's
Pagkatapos ng malaking kalokohan na bakasyon na iyon, balik na ulit sa dati. Naalala ko may deal nga pala kami ni Singh di ako papayag na di niya iyon tuparin after all. Hindi ako papayag! Hindeee!
"Hoy sinong kaaway mo dyan?"
"Ay baklang kalabaw!" takte napasigaw tuloy ako, teka sinong bang hudas na iyon. Pag tingin ko si Singh, yikes lagot.
"Ano ba bakit ka nanggugulat, papatayin mo ba ako? Alam mo naman nerbiyosa ako ah" inis na bulyaw ko sa kaniya. Ganito talaga kami pag nagkikita, ito na ang magandang batian namin sa umaga papasok sa school. Nagpatuloy ako sa pag lalakad ganun din siya.
"Eh pa'no kasi para kang baliw dyan, nag-uusap ka ng mag isa. Wag mong sabihin... natuluyan ka na? NOooo! Wala na akong magiging kakumpitensya." inalis ko ang pag kakasuot ko sa bag pack ko at pinag hahampas sa kaniya.
"Eh kung patayin na lang kita total sabi mo baliw na din naman ako and I'm sure di ako makukulong kaya heto sayo, heto pa! Kyaah hah!" pinag hahampas ko talaga sa kaniya yung bag ko, magaan lang din naman kasi ito.
"Aray... ar-ray! naku bahala ka, baka magbago isip ko about dun sa concert sige ka" pananakot naman niya sa akin, aminin ko man o hindi natakot ako dun, takte kinilabutan talaga ako. Hindi pwede yun pagkatapos ng lahat ganun ganun na lang NO!!! Lugi ako nun! Kaya naman napangiti ako ng wala sa oras, as in ngiting aso talaga hehehe tas pinagpagan ko pa yung polo niyang nagusot dahil sa pag hampas ko hehehe. Mag aala anghel muna ako ngayon.
"Good! hehehe" nakakainis talaga si Singh yung ngiti niya abot sa mars. Whaaaaaa! bakit naman kasi nalaman niya weaknesses ko, siguro admirer ko ang lalaking ito? What?! teka nga muna, ano ba itong pinag iisip ko, hindi siya admirer ko pwede pa siguro stalker ko, stalker! stalker!
"Tignan mo, tuliro ka na naman dyan Hoy! ano? Ah ganito na lang daan muna tayo ng bake shop tara, mukha ka ng gutom dyan nag almusal ka ba?" saka lang bumalik yung ulirat ko nung marinig ko yung keyword - Bake shop? Oo nga pala parte iyon ng deal namin. Nanlaki ang mga mata ko kasi natatakam na naman ako sa chocolate cake whaaaa!
"Teka, first day ng klase ngayon after nun sembreak di ba, baka madami tayong ma miss na lesson?" paalala ko pa sa kaniya.
"Hindi iyan, tara!" tas hinatak niya yung kamay ko at patakbo kaming lumabas ng gate, napatingin tuloy sa amin yung ilang estudyante kasi palabas ng school ang tungo namin.
"Teka s'an kayo pupunta?" tanong nung guard sa amin pagkalampas namin ng gate.
"Kuya Aldo babalik din po kami" paalam pa ni Singh, Oo nga pala tropapits nga pala sila nung guard kaya medyo malakas siya dito. Ako naman tuluyan ng nagpahatak sa kaniya, about chocolate cake kasi ang pinag uusapan eh hahaha, at saka sabi niya siya na bahala sa mga lesson. Siya na matalino, siya na -_-.
_______________________________
Dinala niya ako sa isang store ng mga cakes at doon niya ako pinapili ng kahit anong gusto kong slice ng cake. Syempre ako pa ba ang aayaw haha kaya, yung pinaka favorite ko ang kinuha ko yung pinaka mahal na din, magsisi siya dahil siya ang first kiss ko at ito palang ang simula na babawiin ko sa kaniya kung anuman ang kinuha niya sa akin hahaha *Evil smile*
"Ano nakapili kana?" tanong niya, tas tumango lang ako at itinuro yung mukhang masarap na nakita ko, worth P290 lang siya per slice. Sayang napaka mura nun para sa kaniya.
Then binili na nga niya iyon tag-isa kami tas dun na din namin kinain para tuloy ang nangyare nag DATE kami? Wait teka nga muna tama ba pag kakaintindi ko DATE as in boy and girl getting to know each other? Whaaaaaaaaa! bakit parang nasa ganung sitwasyon kami? O maybe... its just an accident right? Aksidente lang ang lahat ng nangyayare sa amin ngayon.
"Hoy Caloi, may chocolate ka dito oh" turo niya sa mukha ko. Oh no ganito yung napapanood ko sa TV, big NO di dapat matuloy ang susunod na eksena, rated SPG yun para sa akin whaaaaaaa! Kaya kinuha ko ang tissue at pilit pinunasan ang chocolate na di ko alam kung san parte ng mukha ko nagkalat -_-.
"Amin na nga!" nagulat ako ng kinuha niya yung hawak kong tissue, tas ipinunas dun sa upper lip ko. Whaaaaaa! ito na nga yung sinasabi ko eh takte nagsimula na naman tumigil sa pag tibok yung puso ko tas pakiramdam ko ang bagal ng lahat ng nasa paligid ko. Oh may ghad! What's going on. Ako na naman itong moon tanga kasi di ako nakapalag akala ko ba kailangan mapigilan yun kyaaaaah hindi sinusunod ng katawan ko yung utak ko bakit ganito. T_T Inversely Proportional lang ang peg ng katawan ko. MADUGAS, traydor ang katawan ko Arhgg!
Kailangan kong makaisip ng paraan para di mag mukhang sweet ang lahat, kaya kumuha ako ng icing gamit ang hintuturo ko at ipinahid sa pisngi niya. Kaya hayun meron na din siyang Icing sa mukha hahaha. Nagulat naman siya, may saglit na katahimikan ang pumagitna sa amin. Akala ko magagalit siya dahil sa ginawa ko pero bigla naman kaming napatawa dahil sa kalokohan na nagaganap sa amin ngayon. Hala tawa lang kami ng tawa tas pinahiran niya din ako sa mukha ko, gumanti ulit ako at ganun din ulit siya haha.
Napapatingin na lang sa amin yung ilang mga staff ng store at mga costumer sa harutan na ginagawa namin. At take note we already forgot na may klase pa nga pala kami hahaha. Teka nga naguguluhan ako, Did I really broke the sweetness between us? Mukhang hinde kyaaaaaaaah!
________________________________________
Caloi's POV's
Makalipas ang dalawang linggo. Concert na!
To be continue... >>>>>>>
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com