Chapter 2: Alyanna Nate Gan
Alyanna's POV
"Yana, may grado ba yang salamin mo?"
"Puwede patry ng salamin mo?"
"Puwede 'ko ba hawakan?"
Araw araw, laging ganyan. Kulang nalang pira-pirasuhin 'ko tong salamin na 'to eh!
Napagitnaan nanaman ako sa paaralang ito.
Inalis 'ko ang salamin na nakasuot sa'kin at namangha sila sa itsura ko.
"Sainyo na nga lang!" Ihahagis 'ko na dapat ang salamin pero ang ginawa ng kamay 'ko ay isinuot ito sa akin.
Bakit ba tuwing ipapahawak 'ko 'to sa iba ayaw gumana. Para bang ako lang ang pwedeng humawak nito.
"Ay ang damot naman."
"Plastik, ipapamigay daw."
"Pinapakita lang nya yan for fame"
Bakit ba kasi kakulay ng mata 'ko 'tong salami na 'to?!
Sa dinami dami ng kulay pink pa talaga!
Pink with purple stars.
Basta hindi nyo magegets. And, hindi sya mukhang pambata kung yan ang iniisip nyo.
Gusto 'ko na lumayas sa mundong ito. Mayghad.
Charot, paaralan lang. Gusto 'ko umalis sa paaralan na yun.
Tuwing umaga kasi, kusang gagalaw yung kamay ko para kunin yung salamin na 'to. Yawqna!
Sisirain 'ko talaga 'tong salamin na 'to. Balakajan.
Dudurugin 'ko na dapat ng biglang sumuot ito sa akin.
Kung may nakakita man, malamang nagpanic sila. Pero ako? Sanay na 'ko dyan.
Naman eh! Ayaw ko na talaga.
Pumunta ako sa sarili 'kong bahay. Yes sarili.
Wala na kasi yung parents 'ko.
Pero maliit lang naman 'tong bahay ko, parang isang unit lang pero two floors.
Oh diba?
Lumakad na 'ko papunta sa canteen. Magisa. Yep.
Wala akong kaibigan. Mayroon pero nakikipag kaibigan lang para sa lecheng salamin na 'to.
Pagkapasok 'ko sa bahay ay agad 'kong hinubad ang salamin na 'to at nag ayos.
Kinuha 'ko ang 'mahiwagang' salamin ko at humarap sa isang mirror.
Pagtingin 'ko sa sariling repleksyon ay napatingin ako sa mata 'kong may contact lense na color brown.
Tinanggal 'ko ito at lumabas ang tunay 'kong anyo-- My pink eyes. It's really pretty. Lalo na kung suot 'ko ang salamin 'ko.
Dahil gusto 'ko pang maging mas maganda, isinuot 'ko ang salamin ko.
M-My eyes. It's telling me something.
"Star Myst Academy" someone whispered. "Lady Nate, please come."
Wait sino ba yun-- Everything turned pitch black.
-
Uhh. Nasaan naman ako ngayon? Seems like nasa tabi ako ng isang magandang school.
Interesting.
Naalala 'ko ang narinig 'kong boses.
"Star Myst Academy"
Yung school na yun! Eto yun! Okay 'di 'ko ma-explain ng maayos.
Diba may narinig ako, ang sinabi sa akin 'Star Myst Academy' yun yung school na nasa harapan 'ko ngayon!
I can't believe this is happening right now.
Tumalikod ako para maglakad pauwi pero kusang naglakad ang katawan 'ko papasok. No! I don't want to stay here!
Kahit gaano pa kaganda ang school na 'to at kahit pa nakikipagplastikan lang ang mga tao sa akin ay kung saan ako lumaki, dun ako mamamatay.
Pinilit 'kong labanan ang katawan ko pero sa huli ay nasa isang parang unit ako. Na may dalawang palapag.
Bago pa 'ko matumba ay pumunta na agad ako sa isang kwarto. Mabuti at walang tao.
Pero bakit parang siyam ang kwarto dito sa second floor?
Meh, namalikmata lang siguro ako.
Gumising ako at halos magkanda-iyak iyak na dahil sa sobrang pagod.
Sinuot 'ko ang salamin 'ko at tiningnan ang repleksyon, napaluha naman ako ng kusa.
Naramdaman 'kong may enerhiyang dumadaloy papasok sa ulo 'ko. Damn, medyo masakit pero keri naman.
Sa loob ng tatlong minuto ay nabalot ako sa nakakasilaw na liwanag.
Phew, buti wala na. Kakastress yun.
Tumingin ako sa salamin at laking gulat 'ko nang maiba ang salamin na suot 'ko, parang mas pina-sosyal pa ito.
Ang aesthetic nung dating.
Nabago rin ang suot 'kong damit.
It became pink and dark violet uniform
Naging ponytail din ang ayos ng buhok 'ko, yung hindi ayos na ayos.
May clip din na parang salamin at isang bituin ang buhok 'ko.
Ang kawaii 'ko tuloy tingnan. Parang anime hihi.
Sana naman ay magkaroon ako ng friends dito.
Lumabas ako kuwarto at bumaba, napatili naman ang isang babae nang nakita nya 'ko.
Medyo nagpanic din ako dahil sa inakto nya.
"CHILL!" I shouted.
Nagulat sya at napangiti "Sorry, Lady."
Lady? What?!
"Alam 'kong naguguluhan ka. Syempre ako din dahil tulad mo, bagong tapak 'ko lang rito sa paaralang ito." Natatawa nyang saad "Pero may pinaalam naman silang kaunting impormasyon."
Napatango ako at nagpakilala, mukha namang di sya katulad nang iba. "I'm Alyanna Nate."
"I know" she said "And, I'm Welliana Aeri. Just call me Lianna"
"Wel" I said. Tamad 'ko ba?
"Lianna"
"Wel"
"Lianna"
"Wel"
"Lian-- ugh fine call me whatever you want."
I smirked "Kelan ka pala napunta dito sa school na 'to?"
She sighed "Ganito kasi yun" pinakita nya yung sneakers nya. Oh, just like my glasses. "Etong sapatos na 'to, tinigil yung oras pagkatapos dinala ako dito ng wala man lang akong kaalam alam!"
Napatawa ako, same thing that happened pero parang teleportation ang nangyari sa'kin.
"Eh ikaw ba?" Curious nyang tanong
"Nahimatay ako dahil sa salamin na 'to, then ayun. Nateleport ako, wag mo sabihing swerte dahil sobrang napagod din ako." I said.
"Siguro kasi 'di pa sanay yung katawan natin."
"Yeah you're right." Pagsang ayon ko. "Nga pala, puwede bang magsabi ka naman about sa sneakers thingy and salamin 'ko na 'to."
"Actually, Aly.. It all started with a princess. Yung prinsesang yun, sobrang halaga. She was treasured by everyone. Ngunit isang araw, isinalin nya ang kapangyarihan nya sa iba ibang bagay." Napatingin sya sa'kin "At ang may ari ng mga bagay na 'yun ay tayo."
I was shocked. "P-pano naman tayo napili?"
She shrugged. "Ang tawag satin ay The Seven Stars, the SHOES, the GLASSES, the BRACELET, the EARRINGS, the RING, the NECKLACE, and-- THE CROWN"
Now I understand kung bakit ganito ang salamin 'ko.
And I guess I have no choice but to accept it.
"Does that mean tayo ang pinaka makapangyarihan?"
She smiled "Although our powers are still asleep."
I want to leave but I also want to stay at the same time.
"Just stay, Aly. They won't let you go." She said.
How the what?
"I have this rare skill; mind hearing. Kung ang mind reading ay nababasa mo ang iniisip ng isang tao, ang akin ay kung nagkaroon man tayo atleast ng eye contact, maririnig 'ko ang iniisip mo." She said.
"That's really cool." I said amazingly.
Ayon sa mga nabasa 'ko, pag may nagbabasa ng isip mo ay dapat mag imagine ka na sarado ang utak mo. So I tried it.
"Remember, I hear not read. And wow. Tree walls eh?" Tumatawa nyang saad.
Inirapan 'ko sya at naramdaman 'kong kumulo ang tyan 'ko.
Narinig nya yun kaya medyo natawa sya. '"Kakagaling ko lang sa cafeteria but I'm going back anyways.".
Habang naglalakad ay nakatingin samin ang mga tao.
I heard a voice inside my head "Don't mind them, masasanay ka din."
Napatingin ako kay Wel at kumindat sya. So alam nya din kung anong sound ng inner voice 'ko ganern?
"Yep, you're right."
Pagpasok namin ay tinginan sila lahat. Umubo naman si Wel at bumalik sila sa kani kanilang ginagawa.
"Anong gusto mo?" Wel asked.
"Kahit ano basta dapat mabusog ako." I said and laughed.
May nakita akong table sa gitna and may ilaw yung 'Dame Aeri'
I guess si Wel yun. Hinanap 'ko ang 'Lady Alyanna' ngunit wala. False alarm ata, di ata ako kasali sa The Seven Stars.
"Oh, Aly. Bat ka namomroblema dyan?"
"Wel, 'di ata ako part ng The Seven Stars. Wala yung name ko."
"As far as I know, you are Alyanna Nate Gan." Humarap sya sa'kin ng naka-poker face at itinuro ang 'Lady Nate'
Ohh, sorry na di ako sanay sa nate eh bakit ba?
"Hehe" ang nasabi 'ko nalang pagkaupo at sinabi ng machine na "Welcome, Lady Nate."
###
A/N: sa gabi ako lagi gumagawa ng update. Ewan ko rin eh AHAHHAHAHAHAHA mas feel ko lang. Mas gumagana nga ata utak 'ko tuwing gabi pero my part ng lutang din. So ayon matutulog na ko kasi past 2 na HAHHAHAHAHA gnight!
-jijijill/Ms. A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com