Chapter 6: Leigh Fate Shain
Leigh's POV
Dear Diary,
Hanggang kailan ko ba ito maitatago? Bakit ba kasi sa lahat ng tao sa mundo ay sa akin pa napunta kapangyarihan na ito? Si dinami dami ay apoy at kalikasan pa talaga. Kahit naman pagbabasa lang ng isip kuntento na ko. Bakit kailangan eto pa?
Nagmamahal,
Leigh Fate
"Yan!" Sabi ko pagkatapos magsulat sa diary ko. Ang diary ko ang kalahating ako, halos lahat ng tungkol sa akin ay makikita mo diyan. "Hooh! Antagal mo na sa'kin diary, buti hindi ka pa napupuno. 'Di bali, didikitan nalang kita ng papel kung sakaling mapuno ka, 'di kita kayang iwanan 'no."
"Bulaga!"
Napasigaw ako ng malakas at nagulat ako dahil si Rain pala yun. Bestfriend ko.
"Ano ka ba, Rain! Ginugulat mo naman ako! Sa susunod dapat magsabi ka!" Inis na sabi ko sakanya at inirapan siya.
"Edi ang tangeks ko naman nun! Batukan kaya kita dyan! Halika nga rito!" Bigla nya akong niyakap at dahang dahang kiniliti kaya nagpumiglas ako
"Rainnnn!! Pag ako nakawala sasapakin talaga kita!! Rain Cruz, tigi-HAHHAHAHAHA -lan HAHAHA mo a-ako" Tawa ako ng tawa dahil sa pangingiliti ng lalaking ito, hindi niya ako tinigilan hanggang sa napagod na siya. Hay salamat, pagod na pagod ako.
"Kinakausap mo nanaman 'yang diary mo!" Sigaw sa'kin ni Rain
"Pake mo ba?" Pagtataray ko sakanya.
"Kilitiin ulit kita dyan eh!"
"Dayaaa! Blackmail!" I said
"Tara sa likod ng bahay n'yo." Aya niya.
Lumabas kami ng kuwarto at naglakad papunta sa backyard namin, ako, si rain at ang pamilya ko lang ang nakakaalam tungkol sa kakayahan ko.
"Leigh, tanong lang. Wag ka sana magagalit pero nako-kontrol mo na ba 'yang kapangyarihan mo? Kung oo, puwede patingin?" Tanong ni Rain
Napabuntong hininga ako dahil hindi ko naman kaya magsinungaling sa lalaking 'to at 'di ko din sya matitiis.
"Medyo, pero 'yung sobrang liit na bagay lang ang nakakaya ko." Sabi ko at nagfocus para magkaroon ng rose ang isang parte ng aming backyard.
Nilapitan namin 'yun. "Don't touch it!" I said
Ginamit ko ang kapangyarihan ko para matanggal ang thorns na nasa rosas.
Pumitas s'ya ng isa at nilagay ito sa tenga ko. Aww, ang sweet ng bestfriend ko.
"Kuya!" May cute na boses akong narinig.
Humarap kami sa pinaggalingan ng boses. Awieee cutee, si Audrey. Kapatid ni Rain.
Tumakbo s'ya papunta sa'min at nagpabuhat sa kanyang kuya.
"Kuya, uwi nya daw tawo shabi ni mimi" Sabi ni Audrey.
Wahhhh ang cute n'ya talagaa! Gusto ko pisilin 'yung cheeks n'ya kaso baka sapakin ako ni Rain. Huehue.
"Princess! Kakausapin ka namin ni daddy mo. Tara na dito!" Pagtawag sa'kin ni mommy.
"Rain, uwi na kayo ni Audrey. Ingat kayo." I said and kissed him on his cheek, walang malisya.
Naupo kami sa sofa at sobrang direkta ni daddy kaya halos umabot sa punto na hindi na ako nakahabol.
The first words he said were "Lilipat kana ng school for your safety."
"But dad-?"
"Sorry, princess. You need to take care of your powers." Mom said.
"Ayos lang naman po, kaso 'yung gamit ko sa school and sayang po yung tuition ko." Sayang kaya sa pera!
Dad snapped his fingers and lahat ng gamit ko sa school ay napunta sa lamesa. "You're welcome."
I sweetly smiled. "Kailan po ang alis natin?"
"Now. Pero syempre magpapaalam muna ako ng kaunting impormasyon about sa school na lilipatan mo." Dad said.
"Star Myst Academy?" I asked.
Both of them were shocked "How did you know?"
"Lagi po ako kinukuwentuhan ng stories about sa academy na 'yun mula nung 6 years old ako. Kasi po takot na takot ako nung nalaman ko 'yung about sa kakayahan ko so ayun po. Marami na po akong alam tungkol sa school so don't worry. I can manage." I said
"Seems like we're ready to go."
How many hours passed? 12? 24? 48? 72?
Ang haba nung biyahe na yun ah! Grabe wala pa talagang stopover!
"Welcome to the Academy, Princess." mom said
Tumingin ako sa napakalaking gate na nasa harapan ko and masasabi 'kong sobrang protektado nito. Pero wow ah, exterior design palang pak na pak na. Paano pa kaya 'yung interior design?
Pumasok kami and may mga students na naglalakad lakad lang.
Pumunta kami sa isang office and seems like na kakilala ng parents ko ang mga tao dito.
"So nasa kanya ang kuwintas?" Tanong nung babaeng nasa harapan namin.
"Unfortunately and fortunately, yes."
Nagbow ako to show respect.
"Bakit parang walang nagbago sakanya? Diba napapalabas na nya ang kapangyarihan n'ya?" She asked.
"Yes, pero don't expect po na kaya 'kong gawin lahat sa isang go." I said and smiled sweetly.
Nag usap usap lang kami sa loob ng office about sa mga pangyayari sa paligid ko and pumunta na kami sa isang maliit na building, well not building kasi bahay (ata) ito.
Pumasok kami sa loob pero walang tao.
"Mom, isn't this trespassing?" I softly asked
"It wouldn't be if it is your own house." She replied, smiling.
Hinatid nya ko sa ikalawang palapag sa isang kuwarto. Sabi n'ya tawagan ko nalang daw s'ya kung may kailangan ako.
Well, okay. Sleeping is life so goodnight, people.
Pagkagising ay pumunta ako sa banyo para maligo and surprisingly iba na pala ang kuwintas ko, is that normal? I think it is.
"Sa ilalim ng puting ilaw~
Sa dilaw na buwan~"
Sinabayan ko ang pag agos ng tubig gamit ang pagkanta.
"Pakinggan mo ang aking sigaw,
Sa dilaw na buwan~"
Marami-rami na rin akong natapos na kanta kaya malapit na akong matapos maligo.
Pagkalabas na pagkalabas ay hindi ko alam kung anong susuotin ko.
May maliliit na apoy naman ang tumuro sa closet at kung ano ang susuotin ko.
Lagpas sa balikat ang buhok ko, mga 2 or 3 inch siguro and may ipit sa dulo ang buhok ko na kulay pula. Ang pantaas ko ay puti at ang palda ko naman ay pula at berde.
Lumabas ako dahil tinatatamad ako gamitin yung cellphone ko kaya hahanapin ko nalang si mommy
Pagbaba ko ay sakto may dunatung na limang babae. "Omg ayan na siya!"
Nagbow sila "Hail, Star. Hail!"
I bowed, too.
"So magpapakilala na ko dahil ayoko na maulit yung experience ko kahapon sa mga babaeng 'to." Sabi ni girl with earrings or known as Empress i-dont-know-her-name
"Anong experience? And kahapon lang kayo dumating?" I asked
"No, ako 'yung kahapon." the girl with earrings answered
"Uhh, I'm Leigh Fate Shain. Nice to meet you all" I said and smiled
"Welliana Aeri Flond" the girl with cool sneakers said
"Alyanna Nate Gan" The girl with pink eyes said
"I'm Daylight Whirl Watson" she's so cute, pati yung boses nya.
"I'm Kayleen Flame Arist" The really pretty girl said
"Hello, I'm Francine Reia Jimenez. Pareho tayong dalawa, Water and Air ang elemental power ko. Ikaw ba?"
I nodded "Nature and Fire ang akin. Cool, magkabaliktad tayo."
"Since kailan ba kayo nandito except kay Francine?" I asked
"Halos parehas kayo ni France ng mga tanong nung unang tapak n'ya dito. Anyways, about a week ago kami nakatapak dito." Daylight answered.
I looked at my wrist watch. 12:19, kaya pala medyo nagugutom na ko.
"Gutom kana?" Kayleen asked
"Medyo." I answered
"Don't worry, may ihahatid na pagkain dito."
Kumain kami and kung ano ano lang ang ginawa namin kung kaya't di namin napansin na kumakagat na ang dilim.
7:19, kanina 12:19 palang. Wow, tumatakbo talaga ang oras.
Pumunta kami sa cafeteria, grabe ah nakakahiya naman sa school ko dati.
Kaming anim ay pumunta sa gitna. Circle Of Light ata ang tawag dito?
"It's not. Table Of Light 'yan" Welliana said and I nodded.
It seems like it follows a chronological order, starting from Welliana up to the highest.
"Princess Fate" pagbasa ko sa upuan na may nakaukit na pangalan ko.
Pagkaupo ko ay winelcome ako ng machine and nagsabing I should enjoy my stay.
I really wish I would.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com