KABANATA 1
"Rina is so gorgeous in her wedding gown, and her groom looks so handsome. Bagay talaga sila," ani ng isang matandang babae malapit sa kinatatayuan ng isang dalagang mahigpit ang hawak sa kubyertos.
"Hey! Vien, isa pa ngang alak!" sigaw ni Estrella habang itinaas ang kamay upang mapansin ng kaibigang abala sa pag-inom sa kabilang mesa.
Napalingon ang ilang bisita. May mga bulungan. May ilang napapakunot-noo, lalo't kasalukuyang masayang nagsasayaw ang bagong kasal.
"Girl, tama na nga 'yan," maagap na agaw ni Isabel sa baso ng alak mula sa kaibigan. Kita sa kanyang mukha ang pag-aalala.
"Isabel, would you please stop lecturing me? I know what I am doing, and I am not drunk!"
Ngunit bahagyang namamaga na ang mga mata ni Estrella. Halatang kanina pa umiiyak. Halatang hindi na niya alam kung saan patutungo ang sakit na bumabagabag sa kanya.
"Estrella, are you out of your mind? Please, bago ka pa mahuli ng daddy mo," mariing saad ni Isabel habang sumusulyap sa mga bagong kasal.
"No," sagot ni Estrella, mariin, sabay kuha ng isa pang bote mula sa waiter.
Bawat lagok ng alak ay tila pagtatangkang lunurin ang alaala. Ngunit kahit paulit-ulit, hindi pa rin siya nalulunod — siya'y lalong lumulubog.
"Hinihintay na tayo ni Cris sa kotse. Ihahatid ka na niya pauwi—"
"Isabel, do I look okay?" tanong ni Estrella, halos pabulong. "Kapalit-palit ba ako? Ano pa bang kulang sa akin para piliin niya ang iba? Am I not beautiful enough?"
Tinakpan niya ang bibig habang pinapahid ang luha. Sa loob-loob niya: Walong taon. Walong taon ng pangarap, ng pangakong tanging siya lang.
"Estrella, you are worth it! Kung natapos ang relasyon ninyo, may dahilan si Lord. God is close to the brokenhearted, and I'm sure He will heal you."
Tumawa siya, isang mapait na tawa ang namutawi sa kaniyang labi . Hindi naman ito nakaligtas sa ilang mga bisitang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. Nagbubulong-bulungan na para bang pinagtatawanan ang kaniyang sinapit.
Ngunit wala siyang pakialam!
"Para ipakasal ako sa isang lalaking hindi ko kilala? I don't even know his name! I don't care if he's the son of a governor. Why is God punishing me like this?"
Sigaw iyon ng pusong hindi na makahanap ng direksyon.Napalingon muli ang mga bisita. May mga mata nang sumusubaybay sa bawat kilos niya. Para kay Estrella wala na siyang pakialam kung anong tingin ng mga tao sa kaniya. Gusto na lang niyang maglaho na parang isang bula at makawala sa kaniyang nararamdamang pait.
Nanginig ang loob ni Isabel. Kilala niya si Estrella — hindi lamang anak ng Senador Salvacion, kundi batang pinalaki sa dangal at pangalan. Ang balitang ipapakasal siya sa anak ng makapangyarihang gobernador sa Batangas ay hindi na lang tsismis — ito ay kasunduang politikal.
"God has a good plan for you, Estrella. Please, magtiwala ka lang. God loves you..."
"But I love Gabriel!" sigaw ni Estrella, sabay hampas sa mesa na siyang dahilan kung bakit napatingin ang ilang bisita sa katabi nilang mesa. Naghingi naman ng paumanhin si Isabel at sinusubukang mapakalma si Isabel.
"Kung mahal ako ng Diyos, bakit Niya kinuha ang taong mahal ko?"
Tahimik ang saglit. Tila bumagal ang oras.
At saka isang boses ang muling pumunit sa katahimikan:
"Tala? Are you okay?"
Napalingon siya.
Si Gabriel.
Lahat ng kulay sa paligid ay nawala; tanging si Gabriel ang malinaw sa kanyang paningin—para siyang tanawin mula sa panaginip na hindi niya kayang takasan
Sa isang iglap, ang lahat ng pait, lahat ng tanong, at lahat ng luha ay tila nabuhos sa isang titig.
Sa kabila ng dagsa ng tao at ingay ng tugtog, mas malinaw niyang dinig ang tibok ng sariling puso—mabilis, magulo, parang pasabog na pinipigilang sumabog.
At naroon siya. Si Gabriel.
Nakatayo sa gitna ng liwanag, suot ang itim na tuxedo na lalong nagpalalim sa kanyang anyo. Parang eksenang lumabas sa alaala—mas totoo, mas masakit.
Tila huminto ang paligid.
Ang mga mata ni Estrella'y dumikit sa kaniya, at kahit anong pilit na iwas, hindi niya kayang hindi pansinin ang lalaking minsan ay mundo niya.Gusto niya itong yakapin. Gusto niyang iluhod ang lahat ng sakit, isumbat ang walong taong nawala.Ngunit pinigilan niya ang sarili.Wala na siyang karapatan. Hindi na siya ang tahanan nito.
"Gab..." bulong niya habang nangingilid ang luha. Nanatili ang titig niya sa mga matang minahal niya. Ang lalaking nagpakilala sa kanya sa Diyos, at siyang bumasag sa kanyang puso.
"Estrella, maaari ba kitang makausap? May kailangan akong sabihin. Gusto ko sanang—"
Isang tinig ng babae ang biglang sumingit, malambing at may kasamang ngiti na parang alon sa dagat ng katiwasayan ni Gabriel.
"Gab, love, andito ka lang pala," anang babae habang marahang hinagkan si Gabriel sa pisngi, wari'y walang ibang taong naroroon kundi sila lamang.
Napakuyom si Estrella. Hindi sa galit. Hindi rin sa inggit. Kundi sa isang damdaming matagal nang ikinukubli ng kanyang puso.
"Claire Buenavista," bulong niya sa hangin, halos hindi naririnig kundi ng sariling loob.
Anak ng Bise Presidente.
Maganda.
Maputi.
May lahat ng bagay na hindi kailanman kanya.
Ang pangalan nito ay parang palasong bumaon sa kalmadong balat ng alaala.
"Estrella, halika na," bulong ni Isabel, marahang hinila ang braso niya — hindi marahas, pero may pakiusap sa bawat haplos.
Bago pa siya makasagot, isang boses na tila ginintuan ang bumalot sa pagitan nila.
"Oh, hello! And who is she, love?"
Ang ngiti ng babae'y perpektong kurba, parang isinadya ng langit upang saktan ang mga mortal. Dahan-dahang humakbang si Claire palapit, hinawakan si Gabriel sa braso, at humalik sa pisngi nito na parang walang ibang nakatingin.
"She's—"
"A friend." Nauna na ang dila ni Estrella bago pa makapili ng tibok ang puso.
"My name is Estrella."
May pilit sa tono, tulad ng ngiting isinuot niya na masyadong masikip para sa gabing iyon.
Claire laughed, light and effortless.
"Oh! How come you never mentioned her? She's so pretty, right?"
Pinisil ni Estrella ang baso. Ang alak ay nanginginig na sa gilid ng labi nito — halos kasabay ng kanyang puso.
Sa di-kalayuan, tahimik si Gabriel. Pero ang mga mata niya'y nagtatanong — at nagtatago ng lungkot na ayaw niyang ipakita.
Natahimik ang paligid. Ang musika, tila lumayo. Ang alak, tila lumalim.
"Tala... are you drinking?"
Ang tanong ay halos bulong, pero bawat pantig ay parang basag na salamin sa hangin.
Tumango si Estrella, hindi nagpalusot. Tumitig siya sa kanya — hindi upang magpaliwanag, kundi upang makita kung naroon pa ba ang lalaking minahal niya sa likod ng matang iyon.
At nang hindi niya ito makita, sumabog ang katahimikan.
"I am drinking because I want to forget the pain! I gave everything to that jerk I love so much! And now I'm left alone in this nightmare!" sigaw niya, sabay tulak sa mga bote sa mesa.
Ang boses niya'y paos, nanginginig. Hindi na ito sigaw — kundi huling hibik ng pusong pinilit manatiling buo.
Walang nagtanong kung bakit siya uminom.
Walang nagtangkang saluhin ang bigat sa dibdib niya.
At dahil wala, ang mga bote ang naging saksi.
"Estrella! You're bleeding!" sigaw ni Isabel.
Ngunit hindi doon masakit.
Hindi sa kamay.
Kundi sa mga matang nagbitiw ng pangakong hindi kayang panindigan.
Tumayo siya. Hindi para ipakita ang tapang, kundi dahil ayaw na niyang manatili sa upuang pinili niyang umasa.
Ang kamay niya, nanginginig.
Mabigat.
Parang ayaw gumalaw, pero napilitang gumalaw.
Hinawi niya ang mesa. Hindi dahil galit siya—kundi dahil pagod na siyang kimkimin lahat.
Tiningnan ni Estrella ang kaniyang kamay — may dugong sumisirit mula sa maliit na hiwa, gumuguhit sa balat na parang paalala ng lahat ng binitawan. Pero ang sakit ay hindi naroon.
Ang puso niya ang tunay na sugatan — tahimik, pero wasak sa loob.
Sa kabila ng kaguluhan, nanatiling nakatitig si Gabriel. Hindi siya kumibo. Hindi siya lumapit.
"Tala... let me—"
"Don't touch me! Don't ever follow me!" sigaw niya bago tumakbo palayo.
Nagpatuloy ang dalaga sa pagtakbo hanggang marating niya ang gilid ng lawa. Pinagmamasdan ang repleksyon ng buwan, ang bahay ng kanyang lola, at ang lahat ng alaala nila ni Gabriel—mula unang pagkikita sa Pasko, hanggang sa mga dasal na ipinagkatiwala niya sa Diyos noon pa.
"Sana bumalik na lang ako sa nakaraan... sana, hindi ko na lang siya minahal!" sigaw niya.
At sa pagitan ng kanyang hikbi, biglang lumamlam ang gabi.
Isang liwanag ang bumalot sa langit—mga kulay na hindi kayang ilarawan ng mata.
Asul. Kahel. Lila.
Mga bolang apoy na tila mga bituing nahulog, nagsasayaw sa hangin, at bumagsak sa paligid niya na parang isinulat ng langit ang kanyang pagtatapos.
"What is happening?"
Hindi siya makagalaw. Hindi siya makasigaw.
"Gab... paalam..." bulong niya, at tuluyan siyang bumagsak sa lupa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com