Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA II

MARINDUQUE, 1899

"Sus Maryosep! Anong ginagawa rito ni Senyorita? Bumangon ka na," gulat na sigaw ng isang babae habang marahang niyuyugyog si Estrella, na nakahiga sa damuhan sa tabi ng lawa. Basa ang kanyang damit, at ang malamig na simoy ng hangin ay parang bumalot sa kanyang buong katawan.

Napadilat si Estrella, nanlalabo pa ang paningin, tila nilalabanan ang bigat ng antok. Ang paligid ay tahimik, at sa kanyang harapan ay ang napakalinaw na lawa na tila sinlakas ng filter sa Instagram. May mga isdang parang nakikipaglaro pa sa mababaw na bahagi.

"Bakit... ako nandito?" pabulong niyang tanong, hawak ang kumikirot na sentido. "Grabe, may hangover pa yata ako. Anong nangyari kagabi?"

"Cristobal! Siguro naman, hindi ka na naman pumunta sa bahay aliwan kagabi? Pinabayaan mong mag-isa si Senyorita!" panunumbat ng isang tinig.

"Aba ah! Isabel, huwag mo akong pagbintangan. Hindi ako gano'ng klaseng lalaki ay," inis na tugon ni Cristobal.

Kumunot ang noo ni Estrella sapagkat nagtataka siya kung bakit nagkaroon ng punto si Cristobal.

Nilingon ni Estrella ang dalawa. Nakatayo sa lilim ng puno ang isang binatang may suot na simpleng kamiseta't salakot, at isang babae naman ang may suot na baro't saya—lumang-luma ang itsura pero may ganda sa kanyang maamong mukha.

"Wait... anong costume party 'to?" Kumurap si Estrella. "Photoshoot ba 'to? Prank 'to, no? Ang galing ah—pang-FAMAS!"

Napatingin sa kanya ang dalawa, nagtatakang nagkatinginan. "Ano po ang sinasabi ninyo, Senyorita?" tanong ni Isabel, kunot-noo.

"Guys, ang husay n'yong umarte! Pero seriously, wala bang camera dito? Nasaan sina Ate Rina? Gosh, ang effort naman ng prank n'yo," tawa ni Estrella, sabay hampas sa braso ni Cristobal. "Uy, Cris! Ba't parang 'di ka nagjo-joke ngayon? At... nawala 'yung eye bags mo?!"

Namula si Cristobal at umiwas ng tingin. Napansin iyon ni Estrella. Teka, bakit parang totoo ang reaksyon nila?

Naisip niyang kunin ang cellphone sa bulsa ng palda niya pero napahinto—iba ang suot niya. Mahabang puting saya, may burdang bulaklak, at mahahabang manggas.

"Okay, hindi na 'to funny. Anong ginagawa ko sa damit na 'to?"

"Senyorita, marapat po sigurong makabalik na kayo sa inyong silid. Malapit na pong magsimula ang pyesta ng Birheng Biglang Awa, hindi po ba?" tanong ni Isabel, bahagyang nahihiya.

"Birheng... ano?" bulong ni Estrella. Luminga siya sa paligid—walang speaker, walang sasakyan. Mga kalesa lang. Ang garahe kung saan dapat naroon ang kanyang kotse, ay punô ng kabayo.

"Where is the garage? Where is my car?" napabulong siya, habang unti-unting nararamdaman ang panlalamig ng balat.

Isang malamig na piraso ng katotohanan ang bumangga sa kanya. Napatingin siya sa kanyang kamay—may maliit na sugat.

"Paano ko nakuha 'to?" bulong niya, habang dahan-dahang kinikilatis ang sarili.

"Po?" tanong ni Isabel, tila hindi maintindihan ang mga sinasabi niya.

"Isabel," buong kaba, "anong petsa ngayon?"

"Disyembre a-syete, taong 1899, Senyorita."

Nanlaki ang mga mata ni Estrella. Hindi agad siya nakapagsalita. Napatigil siya sa paghakbang at nanigas ang katawan.

"1899? No. Hindi. Baka nagka-amnesia lang ako. O baka panaginip 'to—yes! Panaginip lang 'to," bulong niya habang sinasampal ang sarili.

"Senyorita!" agap ni Isabel, "tama na po 'yan! Namumula na ang inyong pisngi!"

Tumakbo si Estrella papunta sa lumang bahay ng kanyang Lola. Bumilis ang tibok ng puso niya. Sa bawat yapak sa kahoy na sahig, pakiramdam niya ay lalo siyang napapalapit sa isang hindi maipaliwanag na katotohanan.

Pagdating niya sa bulwagan, wala na ang dekorasyon ng kasalan. Wala na ang sound system. Sa halip, may piano, gitara, at lira. Sa kisame ay chandelier na animo'y ginto.

"Walang signal. Walang kotse. Wala ang kasal. Pati si Ate Rina..." Nanginginig na ang boses ni Estrella.

Biglang lumabas mula sa likuran ang isang matanda—elegante ang anyo, at may hawak na pamaypay.

"Estrella," mariing tinig. "Hindi kita tinuruang tumakbo sa loob ng bahay."

Napako ang tingin ni Estrella sa mukha ng babae. Siya ang Lola niya... pero mas bata. Mas matapang.

"Lo...la?"

"Anong nangyari sa'yong damit? At anong klaseng asal ang ipinamamalas mo? Saan ka ba nanggaling?"

Napatigil si Estrella. Sa isang iglap, hindi na niya alam kung saan talaga siya naroroon—at sino siya sa panahong ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com