Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA IX

Nagising si Estrella sa amoy ng usok na hindi niya matukoy kung saan nanggagaling. Bumangon siya mula sa malambot na kama at napatingin sa bukás na bintana, kung saan sumisilip na ang unang sinag ng araw. Kinusot niya ang mga mata at bahagyang humikbi, ramdam pa rin ang bigat sa dibdib. Tahimik ang silid—puno ng antigong kasangkapan: aparador, salamin, at ang malaking kamang kinahihigan. Wala ni isa mang modernong gamit. Tila ba nahuli sa oras ang mundong kanyang ginagalawan.

"Naririto pa rin ako. I am so frustrated!" Ilang beses siyang napakamot sa ulo at napaubo dahil sa naamoy na usok.


"Ano'ng nangyayari? May sunog ba?"

Mabilis na tumayo si Estrella mula sa kama at dumungaw sa bintana upang tawagin ang mga kalalakihang nagdidilig ng mga halaman. Matirik na ang araw at ramdam niya ang kaba sa dibdib. Naibsan lamang ang kanyang pangamba nang makita si Cristobal na may dalang timba ng tubig. Agad niya itong tinawag.

"Cristobal! Tulong, may sunog!" sigaw ni Estrella habang nagmamadaling lumabas ng kanyang kwarto.

Agad namang tumakbo si Cristobal kasama ang ilang hardinero, dala-dala ang mga balde ng tubig na kinuha mula sa balon. Pumasok sila sa loob ng bahay at nadatnan si Estrella na pababa ng hagdan, halatang balisa. Napatingin siya sa paligid, at doon nila napansin na ang kanyang kwarto lamang ang nasusunog.

"Naku po! Sa'n mandin may sunog, Senyorita?" tanong ni Cristobal na halatang balisa, habang pinupunasan ang pawis sa kanyang noo. "Ayos ka lang ba, ngani? Nasaktan ka ba, Senyorita?" sunod-sunod niyang tanong, punô ng pag-aalala.

"Naku, Cristobal, ba't di mo na lang aminin sa Senyorita ang nararamdaman mo, ha? Para ka nang kasintahan, eh." Napahinto sa pang-aalaska ang kaibigan niyang may hawak pang timba, sabay ngising aso.

"S-Sebastian! Tama na nga 'yan..." napakamot sa batok si Cristobal habang pilit itinatago ang pamumula ng kanyang mukha. "Uh, S-Senyorita... s-saan po... saan po ba may sunog?" tanong niya, halos hindi makatingin nang diretso.

"Sa taas! Sa aking kwarto—magmadali kayo!" sigaw ni Estrella habang itinuro ang hagdan gamit ang kanyang daliri.

Nagmadaling umakyat sina Cristobal, Estrella, at Sebastian patungo sa kwarto, kung saan mas lalong naamoy ang makapal na usok. Pagpasok nila, napaubo silang tatlo dahil sa amoy ng sinusunog na kamangyan.

"Senorita... mukhang galing sa ilalim ng kama ninyo!" nauubong wika ni Sebastian habang pilit sinisilip ang pinagmumulan ng usok. Sabay-sabay silang lumapit, at agad na lumuhod si Sebastian upang tingnan kung ano ang sanhi nito.

Napansin ni Sebastian ang ilang piraso ng bunot na patuloy na nasusunog sa ilalim ng kama ni Estrella. Agad niya itong inalis at ipinakita sa dalaga kung saan nanggagaling ang usok.

"Naku, tap-ong lang pala ito, Senorita!" nakangiting sambit ni Cristobal habang inaabot ang natitirang mga bunot. "Aba, baka nilagay ito para paalisin ang lamok. Karaniwan na 'to sa amin sa baryo."

"Malamok?" sagot ni Estrella, bahagyang nagtataka. "Teka, alam ko 'yan—ginagawa rin ni Dad dati. Sabi niya mas epektibo raw kaysa katol. Pero ang tanong, sino'ng naglagay nito sa ilalim ng kama ko habang natutulog ako?"

"Mandin pa, Senorita..." tugon ni Cristobal, nag-aalangan. "Baka nga, pero... ano kaya talaga ang dahilan kung bakit nando'n 'yon sa ilalim ng kama ninyo?"

"Kumunot ang noo ni Cristobal. Napatapik na lamang sa noo si Estrella nang maalalang nasa ibang panahon siya. Nakalimutan niyang hindi siya lubos na mauunawaan ng mga kausap niya."

"Kaya nga! Sino kaya ang naglagay nito dito?" pagtataka niyang tanong.

"Senorita!" umiiyak na sigaw ni Isabel habang nagmamadaling pumasok sa kwarto. Bitbit niya ang dalawang bayong na puno ng isda at gulay. Agad niya itong ibinaba sa gilid, at halos hindi mapigil ang kanyang pag-iyak habang sinenyasan si Sebastian na ilabas ang mga umuusok na piraso ng bunot.


"Buti na lang at nakaalis na sila..." hikbi niya, hablot ang laylayan ng kanyang saya.
"Pasensya na po, Senorita... huhu... Hindi ko po kayo nagising agad kasi ang dami ko pong pinamili...At 'yon pong si Marites, tuwang-tuwa pa raw nang lagyan ng bunot ang ilalim ng kama ninyo, utos daw po kasi ng inyong Lola... Huhu, hindi ko po alam na ganito ang mangyayari..."

"Utos? Bakit niya nagawang lagyan ng bunot ang ilalim ng aking kama?" nagtatakang tanong ni Estrella.

Napakunot ang noo ni Isabel, halatang nagtaka rin sa kanyang naging reaksiyon.

"Hindi mo ba natatandaan, Senorita? Lagi po 'yong ginagawa ng inyong Lola kapag natatanghali ka ng gising," pagtatakang tanong ni Isabel.


"Inutusan niya si Marites na maglagay ng bunot bago pa man sila umalis para tumulong bilang hermana sa nalalapit na pista sa Amoingon. Isinama niya rin po ang Ate mo, kasi sabi raw, wala naman daw itong ginagawa dito sa Laylay," paliwanag ni Isabel.

Napaisip si Estrella. Unti-unti niyang tinatanggap na iba ang panahon na kinalalagyan niya ngayon—at maging ang mga taong kilala niya noon ay tila may ibang katauhan. Ang kanyang Lola, na dati'y tahimik at hindi dumadalo sa mga pista, ngayon ay masigasig na tumutulong bilang hermana. 

"Kakaiba talaga ang mundong ito," bulong niya sa sarili, pilit iniintindi ang bagong ayos ng buhay na kanyang ginagalawan.

"Senorita, nilabhan ko na rin po ang damit ni Heneral Tinio. Sabi niya, kapag lumabas pa kayo ng kwarto sa alanganing oras ng gabi, ikukulong na niya kayo," ani Isabel.

"Ikukulong? Teka, ano ba ang nangyari kagabi?" Napangiwi si Estrella at nakaramdam ng kirot sa kanyang sintido. Napaupo siya sa kama at agad kumuha ng pamaypay habang pilit inaalala ang mga naganap.

"Hindi niyo ba natatandaan, Senorita? Sinukahan niyo pa po si Heneral Tinio kagabi," sagot ni Isabel na may halong kaba.

Napalunok si Estrella ng ilang ulit nang unti-unting bumalik sa kanyang alaala ang kahapong pangyayari. Kinagat niya ang kanyang labi at napabuntong-hininga nang malalim.

"Girl! Oh my! Naalala ko na ang lahat! Nagawa ko pang singahan ang suot niyang uniporme!" namumulang wika ni Estrella. "Ano pa bang nangyari? Si Tinio ba talaga 'yon? Gosh! Sa dinami-rami ng lalaki, bakit siya pa ang nakakita sa akin sa gano'ng kalagayan?"

"Ay, aalis na po muna ako, Senorita," biglang sambit ni Cristobal at dali-daling lumabas ng silid. Napatingin ang dalawa sa isa't isa, nagtaka sa naging inasal ng binata. Ilang ulit itong nagbuntong-hininga bago tuluyang nawala sa kanilang paningin.

"Anong nangyari don? Parang kanina pa balisa si Cristobal?" nagtatakang tanong ni Estrella.

"Senorita, nais ko pong sabihin ang isang bagay na matagal ko nang iniisip..."
Alam po ninyo, may nararamdaman si Cristobal para '

Biglang sumingit si Sebastian, may matalim na tingin at mahigpit na tono

"Tama na, Isabel! Sobra-sobra na ang mga haka-haka mo! Hindi mo alam ang buong kwento, "
Hinawakan ni Sebastian ang balikat ni Isabel nang mahigpit, pinatahimik siya.

"Ano ba ang ginawa ko, Isabel? Si Tinio ba talaga 'yon?" napasabunot si Estrella.

"Itinaas niyo po ang inyong palda hanggang sa inyong mga binti! Kahit ako, nagulat sa ginawa mo. Sa tingin ko, naalarma na rin ang Heneral dahil sa reaksyon niya. Siguro ikaw lang ang gumawa noon sa harap niya dahil sa tindi ng kanyang pagkagulat. Buti na lang at walang nakakita kasi mabilis kumalat ang balita."

Napalunok si Estrella ng ilang beses; sa tingin niya, hindi normal na makita ng mga kalalakihan ang sakong o binti ng isang dalaga. Napahiga siya sa kama at bahagyang sinabunutan ang sarili dahil sa mga nakakahiya niyang ginawa sa harap ng binata. Bukod dito, ikinababahala niya na baka hulihin siya ng Heneral dahil sa kanyang mga aksyon.

"Senorita, huwag po kayong mag-alala. Sigurado akong walang nakakita sa inyong dalawa."

"Girl! Kailangan ko na talagang makaisip ng gagawin para manahimik siya. Ano kaya magandang peace offering, girl?" tanong ni Estrella.

"Girl? Peace offering? Ano 'yon? Regalo ba?" tanong ni Isabel.

"Kailangan ko nang maibalik ang damit niya at mabayaran ang utang niya," determinado niyang wika, lalo na't natatakot siyang hulihin at dalhin sa prisinto. "Isabel, napansin mo ba ang wallet ko? Este, kalupi ba 'yon?"

"May utang ka po ba kay Heneral?" pagtatakang tanong ni Isabel, kaya agad niya itong sinensyasan na huwag mag-ingay.

"Tulungan mo na lang akong hanapin ang kalupi o pitaka," saad niya rito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com