KABANATA V
Saglit na nag-alinlangan ang dalaga kung dapat bang alisin ang unipormeng nakatakip sa kanyang palda, pilit itinatago ang palatandaan ng kanyang buwanang dalaw. Agad niyang dinampot ang nakasabit na baro't saya at lumapit sa matanda nang may pagmamadali."
"Kukunin ko na po ito."
Nakangiti ang matanda nang masilayan ang napiling kasuotan ng dalaga — isang baro't sayang kulay puti, pinaganda ng makukulay na burda ng iba't ibang disenyo ng bulaklak na tila sumasayaw sa tela.
"Iha, napakabagay sa iyo ang kasuotan na pinili mo — parang ginawa talaga ito para sa'yo."
"Maraming salamat po, Lola... may nais po sana akong itanong," mahina at may pag-aalinlangang wika ng dalaga. Napalunok siya, saka marahang lumapit at ibinulong ang kanyang tanong sa matanda.
"Ano 'yon, Iha?" pagtatakang tanong ng matanda sapagkat hindi maipinta ang mukha ng dalaga. Tila malalim ang iniisip nito at hindi niya maintindihan kung bakit.
"May napkin po ba kayong tinitinda?" Agad na tanong ni Estrella habang pinanliliitan ng mata ang ilang mga babae na kanina pa nakatingin sa kanya.
Ilang beses niya itong nahuling iniirapan siya, kaya itinaas pa niya ang kanyang noo upang tumigil ang dalawang nagtatatawanang dalaga
"Napkin? Ano 'yon?" napalakas ang boses ng matanda at napatingin naman ang lalaki na kakapasok pa lang sa tindahan.
Iniligay ni Estrella ang isang daliri sa kanyang bibig upang hindi pa muling mag-ingay ang matanda. Lumapit muli ito at muling binulungan ang matanda.
"Lola, may buwanang dalaw po ako at nais ko pong itanong kung ano po 'yong pwedeng gamitin—"
"Ah! Ang ibig mo bang sabihin ay pasado—"
" 'Yon na nga po." Mabilis na wika ng dalaga.
"Sige, Iha, mayroon pa akong ilang pirasong tela."
Iniabot ng matanda ang tela na kanyang tinutukoy at tinitigan lang ito ni Estrella sapagkat hindi niya mawari kung bakit ito ang ibinigay sa kanya. Isa itong kapirasong tela na tinahi ng parisukat at medyo makapal at malambot. Namula naman ang isang binata nang makita ang hawak ni Estrella at agad itong napalikod.
"Ano pong gagawin ko sa kapirasong tela na ito?" Nagtakang tanong ni Estrella at hindi mawari kung bakit nagtatatawanan ang ilang kababaihan. Ang isa namang binata na naka traje de borja ay ilang beses na hinahawakan ang kanyang kuwelyo. Napatikhim pa ito ng ilang beses upang tumigil ang pagtawa ng kanyang kasamang nobya.
"Iha, iyan ay pasador." Hinila agad ng matanda si Estrella at binulungan kung paano ito gamitin. Binalot agad niya ito sa lumang dyaryo at ibinigay sa kanya.
Tila naistatwa sa kanyang kinaroroonan si Estrella na ginustong maglaho na lang na parang isang bula sa lumang tindahan. Kinuha niya agad ito at napatungo nang makita ang ilang mga kabinataan na naiilang na rin sa kanilang kinatatayuan.
"I wanna disappear," napahilamos ng mukha ang dalaga sabay takip ng abanikong kinuha niya sa kanyang bulsa. Nagmadali siyang pumasok sa palikuran at agad na nagbihis, sinundan ang instruksiyon ng matanda kung paano gamitin ang pasador. Sa kanyang paglabas ng palikuran, agad na natigil ang mga kalalakihan sa kanilang pamimili dahil sa pagdating niya.
Napansin niya ang isang babae na kakapasok pa lang sa tindahan. May hawak itong payong na pula na parang gawa sa papel de Liha. Tinanggal ng babae ang pamaypay na nakatabon sa kanyang maamong mukha. Lalo nang namagha si Estrella sa itsura ng babae na parang isang manika. Kulot ang kanyang buhok, may maliit at matangos na ilong, at napakagandang mata. Nanlaki ang mga mata ni Estrella sapagkat natandaan niya kung sino ang babae na nasa kanyang harap.
"Felicia, para atang nakakita ka ng multo? May problema ba?" Hinawi ng babae ang kanyang buhok habang nakatingin sa reaksyon ni Felicia.
"Wala naman dapat problemahin, Lira," mahinhin niyang wika habang nakatingin kay Estrella. Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi at ang mga mata nito'y nakatingin ng matalim kay Estrella.
Hindi malaman ng dalaga kung bakit ganoon na lang ang trato sa kanya ni Felicia. Ibinigay niya agad ang bayad sa matanda na parang naistatwa nang iniabot niya ang pera.
"Iha, may sukli ka pa."
"Huwag na po, Lola, sa'yo na po ang sukli." Nakangiti si Estrella nang iniabot ang isang daang piso.
Napatakip naman ng bibig si Mirasol nang makita ang salapi na binabayad ni Estrella. Napalitan ng pagkamangha ang hindi niya maipintang mukha nang mapagmasdan si Estrella na ngayo'y nakasuot ng magarang damit.
"Ngunit, Iha?"
"Ok lang po 'yon, Lola. Sa tingin ko pa nga po na masyadong maliit ang isang daan. Paalam na po, Lola," nagmadali siyang kumilos at iniwan ang nakangangang matanda.
"Maliit pa sa kanya ang isang daan?" mahinang wika ng babaeng kaibigan ni Mirasol.
"Sa buong buhay ko'y ngayon lang ako nakahawak ng ganitong kalaking pera para sa baro't saya," dagdag pa ng matanda, ngunit hindi naman ito pinansin ni Estrella.
"Mukhang may mapapala naman pala ang lalaking 'yon."
PAGKALABAS ng dalaga, agad siyang sinalubong ni Cristobal na may dalang payong, hingal na hingal at halatang nagmamadali.
"Ay, Senyorita, akala ko'y may masama nang nangyari sa inyo! May nararamdaman ba kayo't kayo'y napasugod nang gano'n?" natatarantang wika ni Cristobal.
"Ayos lang ako, Cristobal.
"Buti naman po. Paumanhin po, Senorita, sapagkat hindi ko po ikaw naihatid sa tindahan," aakmang luluhod si Cristobal, ngunit kinapitan agad niya ang braso nito upang tumayo.
"Ano ka ba, Cristobal? Hindi bagay sa'yo ang mga linyahang ganito. Asan na ang Cristobal na kilala kong hindi marunong magsorry at ayaw utusan?" Napakamot si Estrella habang pinagmamasdan ang namumulang kamatis na si Cristobal.
"Namumula ka na naman, Cristobal. Hindi ko alam kung nasaan talaga tayo at kung bakit napunta tayo rito. Cristobal, pwede bang kausapin mo ako bilang 'yong kaibigan? Kanina pa ako naiistress sa mga nangyayari." Ilang beses na kinamot ni Estrella ang kanyang buhok.
MAAGANG nakauwi si Estrella sa kanyang bahay at agad na nagdiretso siya sa banyo upang pasikretong labhan ang damit ng binata. Binalot niya ito sa dyaryo na hiningi niya sa nagtitinda ng tunsoy bago makaalis sa bayan ng Boac. Hindi na rin niyang nagawa pang magsimba dahil sa pangyayari.
Kumuha siya ng batya at naisipan niyang labhan ang damit sa poso. Ang kinatatayuan ng poso ay napapalibutan ng bulaklak ng sampaguita. Naaamoy niya ang halimuyak ng mga bulaklak at ang preskong hangin.
"Naku! Nakalimutan kong itanong ang address ng lalaki na 'yon. Paano ko kaya siya babayaran? Baka mamaya'y ipatugis na lang niya ako sa kanyang mga alipures," bulong niya sa sarili.
Tinanggal niya ang damit mula sa dyaryo at tila nabuhusan ang dalaga ng malamig na tubig nang makita ito.
"Shocks! May mantsa!" Nagmadali niyang inilagay sa batya ang damit at kumuha ng tubig.
"Saan kaya makakabili ng uniporme na ito!"
"Senorita, bakit ikaw ang naglalaba? Hindi maaari sapagkat dapat kami ang gumawa niyan!"
"Isabel! Pwede bang magpakita ka muna bago ka magsalita? Kinakabahan tuloy ako." Napabuntong hininga si Isabel habang mahigpit na kinakapitan ang nilalabhan niyang damit. Lalo siyang nagulat nang inagaw ni Isabel sa kanya ang damit upang labhan ito.
"Teka, Isabel! Ako na lang!" Hinigit ni Estrella ang damit sa pag-alalang baka kung anong itanong nito sa pagkakaroon ng damit ng isang lalaki.
"Señorita! Damit 'yan ng isang Heneral — at sa aking palagay, nagmula siya sa bayan ng Torrijos."
Tumigil siya saglit, tila pinipilit alalahanin ang isang mahalagang alaala. "Ang pulang triángulo na nakatahi sa gilid ng kanyang damit... hindi ko malilimutan 'yan. Kay Heneral Tinio ang damit na 'yan!"
Napatakip ng bibig si Isabel, nabigla sa matinding rebelasyon. Isang malamig na kilabot ang gumapang sa kanyang balat habang pinagmamasdan ang damit na hawak ni Estrella. Hindi niya sukat akalaing bahagi ito ng isang makasaysayang pagkatao.
"Stay calm, Isabel, I mean, kumalma ka at huwag mong sasabihin kay Lola kung ano ang 'yong nakita."
"Opo," maikling sagot nito.
"Ngayon... pwede bang malaman kung saan siya nakatira sa Torrijos?" mahina at may pag-aalalang tanong ng dalaga. Ilang ulit siyang lumingon sa paligid, wari'y tinitiyak na walang ibang makaririnig sa kanyang tanong.
"Señorita, hindi maaari ang iyong nais dahil nakatakda na siyang ipakasal sa anak ni Doña Rosalinda. Kung makikipagkita ka sa kanya, baka ipatugis ka ng mga alipores ni Doña Rosalinda... "
Kumuha si Estrella ng pandesal mula sa kanyang bulsa at isinubo ito kay Isabel upang mapatahimik siya. Sa kanyang pakiwari, kung gaano katahimik si Isabel na kilala niya ay siya namang kadaldalan nito sa panahong ngayon.
"Teka, Isabel! Wala kaming relasyon ng lalaking 'yon, at isa pa, kanina ko lang siya nakilala!" mariing paliwanag ni Estrella.
Mabilis na nginuya ni Isabel ang pandesal at agad itong nilunok nang may mapansin sa damit ng binata. Napakapit pa ito sa kanyang bibig bago nagsalita nang may kaba.
"Señorita! Ano po ang inyong ginawa? Bakit may bahid ng dugo sa damit ng Heneral?" tanong ni Isabel, na halos magpula ang mukha sa kaba at takot.
"Isabel, pwede ba, huwag kang mag-isip ng masama tungkol sa akin?" sagot ni Estrella, na hindi maitagong namumula ang pisngi, lalo na nang makita si Cristobal na papalapit sa kanila.
Hinila niya agad si Isabel at tinabunan ang bibig nito gamit ang damit ng Heneral. Natakot si Isabel sa maaaring mangyari kaya't hinayaan niyang hilahin siya ni Estrella papasok sa silid nito.
Disyembre 11, 1899
Pinagmasdan ni Estrella ang munting lampara sa lamesa at ang ilang piraso ng aklat tungkol sa pagtatahi. Bukas pa ang malaking bintana na gawa sa capiz kaya't malinaw niyang natatanaw ang liwanag ng buwan. Kaunti lamang ang gamit sa kanyang silid: isang malaking kama, salamin, upuan, at aparador.
"Paumanhin po, Señorita, sa aking inasal at inisip noong nakaraang ilang araw. Dala lang po ito ng aking pag-aalala," nahihiyang wika ni Isabel.
"Kalimutan mo na iyon. Wala naman akong pakialam sa lalaking 'yon!" mariing tugon ni Estrella.
"Sa inyo ko lang po narinig ang mga salitang 'yan, Señorita. Alam ko pong maraming kababaihan ang nagbabasakaling makuha ang loob ng Heneral. Siya ay nagmula sa isang mayamang angkan, at ang kanyang ama ay may mataas na posisyon sa lipunan. Marami rin pong kababaihan ang nag-aasam na makita ang kanyang mukha."
"Sikat pala ang lalaking iyon, pero wala nang mas gwapo pa sa lalaking gusto kong makita," sagot ni Estrella. Napatungo siya, tila nawalan ng sigla, at napansin ni Isabel na nais na niyang magpahinga. Hindi na rin nag-usisa si Isabel tungkol sa binanggit ng kanyang amo.
Humarap si Estrella sa salamin at biglang napamulagat sa kanyang nakita.
"Labis talaga akong nagtataka kung bakit bumata tayo sa panahong ito. May anti-aging ba ang mga iniinom dito? Mas bumata ako ng pitong taon! Ikaw rin, Isabel. Para kang 19 years old pa rin, at ganoon din si Cristobal."
"Hindi ko po kayo maintindihan, Señorita. Paumanhin po, ngunit marapat na po akong umalis," mabilis na sagot ni Isabel, sabay labas ng silid at pagsara ng pinto.
"Teka, Isabel! Ano ba ang nangyayari?" Napasabunot si Estrella at tinanaw ang paligid mula sa bintana.
Dumungaw siya at pinagmasdan ang malawak nilang lupain na puno ng iba't ibang kulay ng rosas. Nagbabakasakali siyang muling makita ang lalaking iniibig niya nang mahabang panahon. Isasara na sana niya ang bintana nang mapansin ang isang kalesang papalapit sa kanilang bahay.
"Si Dad na kaya iyon? Asan nga pala si Dad?" bulong ni Estrella sa sarili, halos hindi namamalayan na may nakarinig.
"Dad? Edad?" tanong ni Isabel, bahagyang nakakunot ang noo. "Estrella... nasa ibang bansa ang tatay mo. Matagal na. Kaya nga nakapagtataka—bakit parang hindi mo alam?"
Sandaling nanlamig ang pakiramdam ni Estrella. Parang may malamig na hangin na dumampi sa kanyang batok. Nag-aalangan siyang sumagot, dahil kung ipilit pa niya ang narinig o naramdaman, baka isipin ni Isabel na siya'y nasisiraan ng bait... o mas masahol pa, nasasaniban.
Kaya agad niyang tinapos ang usapan. "Ah... wala, Isabel. Siguro napagod lang ako. Tara na, huwag na nating pag-usapan." Pilit siyang ngumiti, kahit ramdam niyang hindi kapanatagan ang nasa loob niya.
Napakapit siya sa gilid ng bintana habang pinapanood ang pagbaba ng dalawang binata na parehong nakasuot ng magarang barong Tagalog. May bitbit na bilao ang isa sa mga lalaki, na mabilis namang kinuha ni Cristobal. Pinagmasdan ni Estrella ang bawat galaw ng binata—pamilyar na pamilyar ito sa kanya. May angas sa kilos at pananalita nito.
"Nariyan ba si Clarita? May nagsabing darating raw siya ngayon," sabi ng lalaking may malalim at baritonong boses.
Lumapit si Isabel sa may binata, at ganoon din si Estrella. Sa hindi inaasahan, nasagi niya ang isang plorera sa lamesa. Napakagat-labi siya nang matapunan ng tubig mula sa plorera ang binata. Agad niyang nahawakan ito bago tuluyang mahulog. Nang inangat ng binata ang kanyang mukha, nagtama ang kanilang mga mata. Nagulat si Estrella. Napatakip siya ng bibig habang mabilis ang tibok ng kanyang puso.
"Gabriel..." bulong niya sa sarili.
Umihip ang malamig na hangin habang nagtititigan sila. Tahimik ang paligid, tanging ang tunog ng mga kulisap at palaka ang naririnig.
Nasa ibaba ng bintana si Gabriel, nakatayo at nakatingala sa kanya. Sa liwanag ng buwan, mas malinaw na nasilayan ni Estrella ang maputing kutis nito—tisoy na tisoy, parang nililok ng Diyos ang bawat linya ng mukha. Ang matangos na ilong, ang mapupungay na mata, at ang bahagyang ngiti sa kanyang labi ay tila baga'y sadyang iginuhit upang makabighani.
Ang barong tagalog na suot ni Gabriel ay lalong nagpatikas sa kanyang tindig. Kumakampay nang banayad ang manggas nito sa ihip ng hangin,
"Nananaginip ba ako? Nandito si Gabriel?? Sino si Clarita?" pagtatakang tanong ni Estrella.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com