Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA XV


January 1 , 1900 -BOAC

NAKAKABINGING putukan ng kwitis at sinturon ni Hudas ang bumasag sa katahimikan sa labas ng mansion ng pamilyang Salvacion. Ang ilang mga batang paslit ay patuloy sa pag-ihip ng kanilang torotot at pagkalembang ng mga lata. Ang mga mesa'y puno ng iba't ibang putahe tulad ng lechon, paya, calamares, at ilang kakanin. Maraming tao ang nakisalo sa pagsalubong ng Bagong Taon kasama ang isa sa mga kilalang pamilya sa Marinduque. Lahat ng tao'y nagkakasiyahan—maliban kay Estrella, na nasa loob ng kanyang kwarto, nakatanaw sa bintana habang pinagmamasdan ang matagal na niyang sinisinta.

"Señorita, wala po ba kayong ganang tikman ang mga pagkain sa baba?" tanong ni Rina habang maingat na inaayos ang mahabang buhok ni Estrella.

Lalong naging matamlay ang kilos ng dalaga. Tila isang lantang gulay siyang humiga sa kanyang kama. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga habang pinipigilan ang pagtulo ng namumuong luha sa kanyang mata.

"Nawalan na ako ng gana. Nakakabitter kasi ang tinginan ng mga mag-jowa sa ganitong panahon," bulong ni Estrella habang pilit binubura sa isip ang kanyang nakita.

Napansin ni Rina si Gabriel at Clarita na patuloy na nagtatawanan habang masiglang sumasayaw ng Carinosa, sinasabayan ng ilan sa mga kabinataan at kadalagahan. Samantala, abala naman ang mga kalalakihan sa pag-inom ng tuba at paminsang sumusubo ng balakwit at calamares bilang pulutan.

"Hayaan mo, Señorita, darating na rin ang iyong kasintahang si Heneral Julian. Mukhang mas lalo pang dadami ang mga kababaihang susulyap sa mga mukhang Adonis na darating," panunukso ni Rina.

Pumaltik ang tenga ni Estrella nang marinig ang pangalan ng kanyang kinaiinisan. Lalong nag-iba ang timpla ng hangin sa loob ng silid, at naramdaman ni Rina ang biglaang lamig sa paligid.

"Pasensya na, Señorita. Natutuwa lang ako sa inyo ni Julian sapagkat—"

"Huwag mo nang banggitin ang pangalan ng mokong na 'yon! Lalo lang nadaragdagan ang aking stress. Gusto ko nang umalis dito!"

"Ano po ang stress, Señorita?" tanong ni Rina, sabay kuha ng kwaderno upang isulat ang bagong salitang natutunan. Naturuan siya ng kanyang ina ng pagbasa at pagsulat bago sila naghirap, ngunit may ilang salitang hindi pa niya ganap na nauunawaan.

"Stress? Ang hirap i-explain... Sobrang pagod?" Napakunot-noo si Estrella habang pilit hinahanap ang tamang paliwanag.

"Gosh, mukhang stress din po ako sapagkat nagwalis po ako kanina," sagot ni Rina, tuwang-tuwa sa natutunan niyang bagong salita.

Biglang bumangon si Estrella nang marinig ang mahinang pagkatok sa pintuan ng kanyang kwarto. Marahang binuksan ni Rina ang pintuan, at hindi maipinta ang mukha ni Estrella. Sa kanyang pakiwari, si Marites na naman ang pinapunta ni Clarita upang siya'y piliting kumain.

"Siguro'y gusto na namang magpainggit ni Clarita," nakabusangot na wika ni Estrella habang sinisilip ang nasa labas ng pintuan.

"Cristobal, ano ang pakay mo?" tanong ni Estrella. Napansin ni Rina na pasimpleng tinitingnan ni Cristobal si Estrella, kaya't siniko niya ito nang ilang ulit. Hindi naman ito umimik dahil sa matalim na tingin ni Estrella.

"Ay eh... Señorita, baka gusto niyong kumain. Pinagluto ko po kayo ng puto na may kasamang pansit at dinuguan," nanginginig na wika ni Cristobal habang inaabot ang pinggan na nakasapin sa dahon ng saging.

"Napakabuti mo naman, Cristobal, sa panahong ito," pagtatakang sagot ni Estrella, sapagkat ang Cristobal na kilala niya'y madalas humingi ng pagkain. Kumalam ang sikmura ng dalaga matapos maamoy ang inihandang pagkain ng binata.

"'Sana lahat,' inaalala at may tagadala ng pagkain," pang-aalaska ni Rina.

Hindi naman napansin ni Estrella ang sinasabi ni Rina dahil abala siya sa pagkain. Tuwang-tuwa naman si Cristobal habang pinagmamasdan si Estrella na halos mabulunan sa pagkain ng puto at pansit.

Hindi naman nahalata ng dalaga ang sinasabi ng dalaga dahil abala siya sa pagkain . Tuwang tuwa naman si Cristobal habang pinagmamasdan si Estrella na halos mabulunan na sa pagkain ng puto at pansit.

May narinig silang mga yapak ng sapatos na papalapit sa kanila kaya umatras si Cristobal ilang dangkal pa ang layo sa pintuan.

"Cristobal ay kanina pa mandin kita hinahanap! Kaytagal pa mandin kitang hinintay dahil tayo ay may pupuntahan?" Napatingin si Sebastian kay Estrella at agad na napangiti na may kahulugan.

Nagningning naman ang mga mata ni Estrella sapagkat mukhang may lakad ang dalawa.Inilapag niya ang pinggan sa maliit na lamesa sa tabi ng kanyang kama na pinagawa niya ay Cristobal.

"Sebastian, mukhang bihis na bihis ka," pagtatakang tanong ni Rina habang tinitingnan ang suot nitong kamesa de Tsino na damit. Naaamo'y niya ang ginamit na gugu ng binata sa kanyang basang buhok.

"Kasi pupunta kami sa..."

"Manghaharana kami ni Sebastian." Mabilis na wika ni Cristobal at agad na nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

"Sino namang dalaga ang inyong haharanahin at..." matamlay na wika ni Rina at halos basag ang kanyang boses sa pagsasalita.

"Sama kami!" Agad na tumayo si Estrella at tinapik pa ang balikat ni Cristobal. Ang mga mata nito'y puno ng pagmamakaawa.

"Sige ...." Namumulang wika ni Cristobal.

"Teka, Hindi maaari Senorita sapagkat maraming ligaw na aso at ahas sa paligid. Mayroon ring nababalitang manananggal, segben , asuwang at kapre na kumukha ng mga dalaga." Pananakot ni Sebastian na hinihila si Cristobal. Ang mga mukha nito'y puno ng pagtutol.

"Kaya naman tayong ipagtanggol ni Cristobal di ba Rina? Sama tayo Rina!"

'Sige Senorita," nakangiting wika ni Rina na nakailang sulyap na kay Sebastian. Pinagmamasdan nito ang singkit nitong mga mata at manipis at mamula mulang labi.

"Oo...' namumulang sagot ni Cristobal at hindi halos makatingin sa mukha ni Estrella. Namumula ito at pinipigilang ngumiti.

Labis naman ang pagtataka ni Estrella sa inaasal ng dalawa at kanyang naiisip kung may lihim na pagtingin si Rina at Cristobal sa isa't isa. Kaya lalong lumawak ang ngiti niya sapagkat naiisip niyang tudyuhin ang dalawa.

"Mukhang may hindi ako nalalaman sa inyong dalawa ha," nakangisi si Estrella .

Hinila ni Sebastian si Cristobal at kinausap ng masinsinan ilang dipa ang layo sa dalawa.

"Hindi maaari na isama natin sila sapagkat tayo'y iinom ng tuba sa bahay ng kaibigan ng iyong Tiyo Juan. Isa pa, ngani pala, paano ako makakadiskarte sa anak ni Don Manrique kung kasama natin sila? Bahay ali.. ah este tuturuan pa naman naming ikaw ng iyong Tiyo na dumiskarte sa baba este dumiskarte sa pag-inom."

'Pag-inom? Isama naman ninyo kami ni Rina, Cristobal. Please," Kinapitan ni Estrella ang kamay ni Cristobal na siya namang ikinagulat ni Sebastian at Rina. Mabilis namang napabitaw si Estrella nang makita ang reaksyon ni Rina. Namumulang kamatis naman si Cristobal at abot taynga na ang pamumula nito.

"Sorry, I forgot dahil MU nga pala kayong dalawa," nasapo ni Estrella ang kanyang noo.

"MU?" sabay na tanong ni Cristobal at Rina.

"Sige, Huwag niyo ng inintindihin ang aking turan," palusot ng dalaga dahil napapagod na rin siya sa pagpapaliwanag.

"Cristobal!" Napakamot na lang ng ulo si Sebastian at nasapo ang kanyang noo.

NAKAILANG ulit na tumingin si Estrella sa maliit na salamin habang hinihipo ang pekeng bigote at balbas.

'Kamusta Binibini?" malagong ang boses ni Estrella at inilahad ang kamay kay Sebastian na tinatamad maglakad papalapit sa bahay na kanilang pupuntahan. Inayos ni Estrella ang kanyang buhok at pinahiram na barong tagalog ni Cristobal. Nakasunod naman si Rina na nakadamit ng kamisa de Tsino na pinahiram naman sa kanya ni Sebastian. Hinahawakan din nito ang peke niyang bigote sa takot na ito'y malaglag.

"Kamukha ko na si Mr. Suave, lakas makapanglalaki ng pekeng bigote nito ah. Bakit tila maingay ang bahay ng haharanahin mo Sebastian? Ah! Di bale na lang dahil ang mahalaga'y makakatikim tayo ng alak.' 

Tahimik ang gabi ngunit tila may kinikimkim na kuwento ang bawat ihip ng hangin.

Maingat na lumabas sa kanilang bahay sina Estrella at Rina, kapwa nakasuot ng damit-panglalaki—barong tagalog at pantalong kayumanggi. Maingat na itinago ng kanilang sombrero ang kanilang buhok at pagkakakilanlan. May kaba sa kanilang mga puso, ngunit mas matimbang ang pananabik. Kasama nila sina Cristóbal at Sebastián, parehong nakasuot ng pangkaraniwang kasuotan ng manggagawa ng hacienda.

"Handa na ba kayo?" mahinang tanong ni Cristóbal.

Tumango si Estrella habang mahigpit na hawak ang laylayan ng kanyang suot. "Oo. Gusto ko nang makatikim muli ng alak!" 

Sumakay sila sa isang lumang kalesa—may gulong na kahoy at kulandong na lumang telang asul. Humahampas sa pisngi nila ang malamig na hangin habang tinatahak nila ang daan papunta sa hacienda.

Pagdating sa malawak na bakawan, napahinto ang kalesa.

Napanganga si Estrella.

Ang dilim ng gabi ay biglang binasag ng daan-daang alitaptap na tila mga bituin sa lupa, sumasayaw sa hangin habang dumadapo sa mga sanga ng mangga't gilid ng ilog.

"Parang... panaginip," bulong ni Estrella.

"Tila binabantayan ng langit ang lugar na ito," sabi ni Rina habang tinatanggal ang sombrero.

"Ganiyan talaga kapag pinagpala ang lupa," sabay tingin ni Sebastián sa langit.

Ngunit napansin ni Estrella ang isang bagay na tila bumalot ng hiwaga sa gabi: lahat ng bahay sa paligid ng hacienda ay sarado na. Walang ilaw. Walang ingay. Wala ni anino.

"Bakit sarado ang mga bahay?" tanong ni Estrella, bahagyang kinakabahan.

"Maaga silang nagsasara dito kapag kabilugan ng buwan," paliwanag ni Cristóbal. "May paniniwala ang mga taga-rito... na ang gabi ng kabilugan ay para sa mga espiritung nagbabantay sa lupa."

Tahimik silang napaisip.

Ngunit sa gitna ng hiwaga, nadama ni Estrella ang isang matinding koneksyon—hindi lamang sa lupa ng kanyang mga ninuno, kundi pati na rin sa kalikasan, sa liwanag ng alitaptap, at sa mga taong kasama niya.

"Ngayon ko lang ulit naramdaman... na ako'y bahagi ng lugar na ito," sambit niya, habang nakatingala sa buwan.

"Sigurado ba kayong umiinom talaga ng alak ang Senorita? Alam ko'y kailanma'y hindi pa yan nakakatikim ng alak,"pagtatakang tanong ni Sebastian habang tinuturo si Estrella na nauna na sa kanila.

"Aba'y, kahit nga ako'y nagugulat mandin sa kinikilos at sinasalita ng Senorita,"nag-aalalang wika ni Cristobal habang tinatapik ang sarili dahil sa mga umaaligid na mga lamok.

"Ano kaya P're kung patawasan natin sa kakilala kong albularyo si Senorita? Hindi kaya totoo ang mga sanib dito? Isama kaya natin sa simbahan dahil ..."

"Tumigil nga kayo sa pag-iisip ng masama kay Senorita kung hindi ay isusumbong ko kayo sa kanya," pananakot ni Rina at tinaas pa ang kanyang noo na tila naghahamon ng suntukan.

"Nagbibiro ngani kami ni Sebastian," sabat ni Cristobal

"Mananahimik na kami ni Cristobal," Inilagay pa ni Sebastian sa tapat ng kanyang puso ang kanyang kamay/

Ang bahay na kanilang pinuntahan ay may isang kilometro ang layo sa Hacienda ng pamilya Salvacion. Napipintahan ng silak ang labas ng bahay at gawa naman sa kapis ang bintana nito. May ilang mga tao na nakabantay sa labas ng bakod na nagmamatyag sa mga pumapasok.

"Ano ang hayan na hayan na hindi pa makita, " tanong ng lalaki kay Estrella.

" Aba! Malay ko? Kahit siguro igoogle niyo ay hindi yaan masasagot," inis na wika ni Estrella na pumilit pumasok.

"Hindi ka pwedeng pumasok. Espiya ka ba?" tanong ng isang lalaki na may hawak ng baril.

Nanlaki ang mata ni Sebastian dahil nagpupumilit pumasok si Estrella kay mabilis itong tumakbo.

"Saglit kasamahan po namin siya, Ang sagot sa bugtong na yan ay hangin,"

"Sigurado ka talagang kasama niyo siya at hindi mapapahamak ang pinuno," tanong ng isang lalaki

"Opo," sagot ni Sebastian.

Nagmadali namang binuksan ng lalaki ang pintuan para papasukin sila.

"Password pala yon. Salamat Sebastian at kung hindi mo ako pinigilan ay baka napaaway pa ako,"nahihiyang wika ni Estrella dahil nagtatangka siya kanina na awayin ang bantay.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com