Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA XVI

Nanlaki ang mga mata ni Sebastian nang makita si Estrella, tuluy-tuloy na iniinom ang sunod-sunod na baso ng lambanog na ipinagkaloob ng tiyuhin ni Cristobal. Ang bulwagan ay puno ng buhay at mga lamesang pinagkakasya ng masiglang mga panauhin, habang ang mga babae ay abala sa paghahatid ng inumin at pagbibigay-aliw sa paligid. Ang kisame, napakataas at napakagandang disenyo, ay naglalaman ng mga chandelier na kumikislap, nagpapakintab sa bawat sulok ng silid, at nagdadala ng mainit at mapang-akit na liwanag. Sa itaas, ilang kalalakihan ang dahan-dahang umaakyat sa pangalawang palapag, kasabay ng mga babaeng naglalaro ng kanilang alindog upang aliwin ang mga panauhin, na nagdadagdag ng kakaibang sigla at tensyon sa kapaligiran.

Ang gwapo naman ng mga nasa table na 'yon, lalo na 'yong dalawang may bigote," kinikilig na wika ng babaeng may makulay na kolorete sa mukha, habang namumula ang kanyang maninipis na labi sa tuwa at pang-aakit. Ang kanyang mga mata'y kumikislap, tila ba nagsasabing hindi niya maiwasang magmasid.

"Ngayon lang ako nakakita ng ganito kalakas uminom ng lambanog," sambit naman ng isang babaeng matagal nang nakatitig sa mesa nina Estrella, ang bawat titig ay puno ng paghanga at kaunting pangamba sa lakas ng loob ng babae.

Naibagsak ng isang lalaki ang kanyang baso sa mesa, bumagsak nang may malakas na tunog, at pilit niyang tinitigan ang mesa nina Estrella, na napapalibutan ng mga babaeng umaaligid at nag-aalok ng inumin at aliw. Ang kanyang mga mata'y nagliliyab sa pagtataka at selos.

"Sino ba ang mga bagong santa na iyan?" inis na tanong ng isang lalaki, habang pilit niyang inaagaw ang atensyon ng mga babae. Ngunit tila hindi niya mapigilan ang natural na atraksyon na nararamdaman ng lahat sa mesa, at sa bawat galaw nina Estrella, lalong tumitibok ang puso ng mga nakamasid.

"Hindi ko po sila kilala, Ginoo," natatakot na sagot ng babae, ramdam ang mabigat at nakakapigil na presensya ng binata. Halos parang bumibigat ang hangin sa paligid tuwing nakatingin siya sa lalaki.

Tumayo ang lalaki nang dahan-dahan, at marahang naglakad patungo sa mesa nina Estrella, dala ang isang bote ng lambanog. Nanlaki ang mga mata ni Estrella sa seryosong ekspresyon ng binata, na naglalakad na parang may sariling entablado. Hinawi niya ang kanyang buhok nang may galaw na nagbigay-diin sa kanyang mala-modelong pangangatawan. Unti-unting tinanggal ni Isagani ang ilang butones ng kanyang polo, at agad na napansin ng mga babae sa paligid ang mala-Adonis na katawang nakatayo sa harap nila, halos humahadlang sa liwanag mula sa chandelier na kumikislap sa kisame.

"Siya 'yong kapatid ni... Julian! Lagot!" Tumalikod si Estrella at kinusot ang kanyang mga mata, pilit pinipigilan ang tibok ng puso, iniisip kung baka nananaginip lang siya.

"Rina, takpan mo nga ang bibig mo at baka mapasukan ka na ng langaw," natatawang sambit ni Sebastian, habang pinagmamasdan ang namumula't nahihiyang kaibigan.

"Tol! Nakakalalaki ka na ah!" bulong ni Rina, hindi makatingin kay Sebastian, habang sabay na tatapik ang paa niya sa ilalim ng mesa, halata ang kaba at kilig na bumabalot sa kanya.

"Este, Rico nga pala ang pangalan mo," napangiwi si Sebastian habang pinipilit takpan ang pagkakabuko ng kanyang kaibigan.

"Ano ang pangalan mo?" tanong ni Isagani, nakatitig kay Estrella nang may matalim na pagbabanta sa mga mata, na halos parang sinusubukan niyang basahin ang bawat lihim sa kanyang puso.

Umubo si Estrella at pinalalim ang kanyang boses, pilit tinatago ang kaba na kumakapit sa kanyang dibdib. Ramdam niya ang bigat ng presensya ni Isagani, parang hangin na mabigat sa paligid, at ang malumanay na humihip na lamig mula sa chandelier sa taas ay tila nagiging kaakibat ng tensyon.

"Frederiko Malakas ang pangalan ko," seryosong sagot ni Estrella. Itinaas niya ang paa sa mesa, nakahalukipkip ang mga mata, at sabay kindat sa mga babaeng nakatitig sa kanya. Ang bawat galaw niya'y puno ng kumpiyansa, halos parang entablado ang buong bulwagan para sa kanya.

Napatayo si Cristobal at naglakad patungo kay Estrella upang hinarangan siya, ngunit agad siyang pinaupo nito. "P're, okay lang ako. Dating ninja 'to," wika ni Estrella, mabilis na kumuha ng dalawang baso mula sa babaeng malapit sa kanya. Ang aroma ng lambanog ay sumasama sa bawat galaw niya, nagpapainit sa hangin at nagpapatingkad sa eksena.

"Señor, ako na lang po ang hahamon sa lalaking ito," biglang alok ni Rina, itinaas ang kamay nang may determinasyon, at ngumiti nang makita ang pagkagulat ni Sebastian sa tapang ng kaibigan.

Puno ng pag-aalala si Rina. Nakikita niyang marami na ang nainom ni Estrella, at ramdam niya ang responsibilidad na protektahan ang Senorita. Ang kanyang mga mata'y nakatutok, at bawat malumanay na humahaplos ng lamig ng hangin at tunog ng baso sa mesa ay nagbibigay ng dagdag na tensyon sa paligid. Hindi niya hahayaang mapahamak ang kanyang kaibigan, kaya boluntaryong isinampa ang sarili, handang harapin ang anumang maaaring mangyari.

"Aba, sige kung 'yan ang nais mo," nakangising sagot ni Estrella bago muling tumungga ng lambanog. Naparami ang inom ng dalaga kaya naramdaman niya ang hapdi sa kanyang lalamunan. Matamlay siyang kumuha ng tubig, iniisip ang masasayang ngiti nina Gabriel at Clarita.

"Bawiin mo ang sinabi mo ha!" mariing wika ni Isagani kay Rina, bahagyang kinuwelyuhan niya ito, at napatingin si Rina sa kanya nang may halo ng takot at pagtataka.

Ngunit sa kabila ng kanyang paninindigan, ilang segundo lang, may kakaibang kiliti na tumama sa puso ni Isagani. Hindi niya maintindihan—bakit ganito ang pakiramdam niya sa isang lalaki? Namangha siya sa malamlam at malalim na mga mata ng dalaga, sa maputing kutis nito na para bang kumikislap sa liwanag ng chandelier. Sa bawat maliit na galaw, bawat banayad na ngiti, bawat kilos na hindi inaasahan, naramdaman niya ang kakaibang tensyon sa loob ng kanyang dibdib.

"Ba't ganito ang tibok ng puso ko... sa isang lalaki?" bulong ni Isagani sa sarili, puno ng pagkabigla at pagkalito. Hindi niya alam na ang iniisip niyang lalaki ay isang babae pala—at sa bawat sandali, unti-unting nahuhulog siya sa isang damdamin na hindi niya lubos na nauunawaan.

"Hoy, bitawan mo si Rico," singhal ni Sebastian sabay hila kay Rina mula kay Isagani.

Namula ang pisngi ni Rina sa ginawa ni Sebastian. Iniisip niya kung nagseselos ito.

Namangha si Estrella sa nangyayari. "Parang mga tagpo sa pinapanood kong K-drama," bulong niya sa sarili habang marahang pumapalakpak.

"Sana all pinag-aagawan," biro niya. "Bueno, aalis lang ako at maghahanap ng CR. I shall return. Adios!" Kumaway siya bago lumabas, dala-dala ang bote ng lambanog. Pinaupo niya sina Cristobal at Rina, sinenyasan na huwag sumunod.

Samantala, sa labas ng mansyon, nagmamadaling bumaba si Tinong mula sa karwahe. Maingat niyang inaayos ang suot na kamesa de chino, habang ang kanyang mga mata'y walang tigil na pinagmasdan ang napakalaking bahay na tila nagtatago ng maraming lihim sa loob ng malalawak nitong dingding at bintana.

"Sigurado ka bang dito mo nakita si Alias Oscar?" tanong niya sa isang binatang may dalang tubo sa sako, habang ang hangin ay may halong amoy ng damo at alikabok mula sa daang tinahak nila. Ang bawat sagot ay tila may bigat, at ang bawat kilos ay puno ng tensyon na nagsasabi na may malalim na misteryo na naghihintay sa kanila sa loob ng mansyon.

"Opo, Heneral. May dala pa siyang mga babae na halos kita na ang kaluluwa," sagot ng binata, halatang kinakabahan ngunit determinadong ipabatid ang obserbasyon.

Hawak ang baril, tumungo si Tinong sa malaking tarangkahan na binabantayan ng dalawang lalaki. "Magandang gabi," bati niya, matapang ngunit may halong tensyon sa boses.

"Heneral!" Nanlaki ang mga mata ng mga bantay, at agad siyang pinapasok, ramdam ang bigat ng bawat hakbang sa matibay na kahoy na sahig.

Sa loob, bumungad ang ingay ng mga taong nagkakatuwaan—halakhak, malalakas na biro, at tugtugin na halos sumasalamin sa bawat sulok ng bulwagan. Kasabay nito, pumailanlang sa hangin ang amoy ng sigarilyo at lambanog. Napangiwi si Tinong; hindi siya sanay sa ganitong kapaligiran, at tila bawat hininga ay pumupuno sa kanyang ilong ng kakaibang sakit at gulat.

Napatigil siya nang marinig ang sigaw ng pangalan ng kanyang kapatid. "Rico! Rico!" sigaw ng mga babae, kasabay ng malakas na "Isagani! Isagani!" ng mga lalaki. Napakunot ang noo ni Tinong, alam niyang paparating na ang mga pulis upang salakayin ang lugar.

Sa di kalayuan, nakita niya ang lalaking mahaba ang balbas at may peklat malapit sa mata—mata sa mata ang kanilang titig.

"Alias Oscar," mahina niyang bulong, halos nagulat sa tindi ng presensya ng lalaki.

Nanlaki ang mata ng tulisan at agad na tumakbo palayo sa kanya, mabilis at halos parang multo.

"Saglit!" Nagpaputok si Julian ng baril upang takutin ang lalaki, ngunit lalo lamang itong tumakbo patungo sa ikalawang palapag. Ang ingay ng putok ay nagdulot ng kaguluhan: nagulat ang mga tao sa loob, ang mga baso ay nabangga, at ang ilan ay napasigaw. Sa di-inaasahang pagkilos, nagmadali silang lumabas, bumubulusok palabas ng pintuan habang ang tensyon ay nadaragdagan sa bawat hakbang.

"May mga parak!" sigaw ng nakararami.

"Malas!" Tumakbo ng mabilis si Julian at umakyat sa hagdan upang hanapin ang tulisan.

Napaiwas na lang ng tingin si Julian sa mga babaeng bumababa ng hagdan, nababalutan ng kumot at kasama ang mga kalalakihan. Napahilamos siya ng mukha, hindi makapaniwala na nakapasok siya sa isang bahay aliwan. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang mga babae sa ganoong uri ng pananamit, at naguluhan siya.

Isa-isa niyang binuksan ang mga pintuan, itinaas ang baril upang hanapin ang tulisan. Ramdam niya ang mabilis na tibok ng kanyang dibdib, natatakot na baka may armas din ito. Nasiglawan niya ang tulisan na humahakbang papasok sa isang pintuan, ngunit hindi niya ito mabuksan.

"Ginoong Oscar, sumama ka na lang sa akin sa kulungan at sumuko ka na," pakiusap ni Julian.

"Tapos ano? Kukulong ako habang buhay at hahayaang mabulok roon. Para ko na ring itinatapon ang aking buhay sa pagsuko sa iyo," tugon ng tulisan at puno ng poot ang kaniyang boses.

Sa kabilang kwarto, napabangon si Estrella mula sa kanyang pagkakahiga nang may narinig siyang nagsisigawan sa labas. Napakamot siya ng mahabang buhok at tinanggal ang bigote na nakatago sa kanyang mukha. Nanlalabo ang kanyang paningin habang tumatayo siya upang tingnan at patahimikin ang mga tao sa labas.

"Dad, ! Bakit ba ang iingay ng mga tao sa labas? Magkaka-insomnia na naman siguro ako nito," inis na wika ni Estrella habang nagpasuray-suray patungo sa pinto.

Pinihit niya ang tumbok ng pintuan at napansin ang isang lalaki na nakatalikod. Mahaba ang kanyang buhok, ngunit hindi niya maaninagan ang mukha nito. Sa kanyang isipan, naisip niya si Mang Pepito, ang kanilang hardinero, na may ganitong kahabang buhok.

"Mang Pepito, I thought sinama ka ni Dad sa Pangasinan? Bakit nandito ka at nag-iingay kayo?" Kinalbit niya ang lalaki na nakangisi sa kanya.

Bigla siyang nabigla nang hinila siya nito at mahigpit na nahawakan. Napasigaw si Estrella, humingi ng tulong sa isang lalaki na nasa harapan. Pinipilit niyang maaninagan ang mukha nito ngunit nagpatuloy ang kanyang paningin.

Samantala, nagsimula nang maiinis si Julian nang lumabas ang babae na hindi niya akalaing makikita sa sitwasyong ito. Walang emosyon ang kanyang mukha, ngunit halatang may pawis na tumutulo mula sa kanyang sentido.

"Ibaba mo ang baril, kung hindi ay tutuluyan ko nang patayin ang babaeng ito," pananakot ng tulisan, kinuha ang patalim mula sa kanyang bulsa at inilagay ang ilang sentimetro sa leeg ng babae.

"Sige, patayin mo na lang ako, kuya, dahil wala namang saysay ang buhay ko. He left me! At sa tuwing nakikita ko sila, parang paulit-ulit na pinapatay ang puso ko. I hate this earth!" mangiyak-ngiyak na wika ng dalaga habang sinusubukan kunin ang kamay ng tulisan, pinipilit na ilapit ang patalim sa kanyang leeg.

Nanlaki ang mga mata ng tulisan sa sinabi ng dalaga. Hindi niya hinahayaan na mapalapit ang patalim sa leeg nito; kailangan pa niyang gamitin ang babae para makatakas. Hinila niya ang babae palayo sa binata at nag-utos na ibaba ang baril.

"Huwag niyong susundan kami, kung hindi madadamay ang inosenteng babaeng ito!" sigaw ng tulisan.

"Ganyan ba kayong mga tulisan? Nagtatago sa likod ng isang inosenteng babae na walang kalaban-laban?" ngumiti ng bahagya ang binata, dahilan ng paglabas ng biloy sa kanyang pisngi.

Pinahid ni Julian ang pawis na tumutulo sa kanyang sentido gamit ang panyo na may binurdahan ng bulaklak. Unti-unting binaba ng binata ang baril. Sa hindi inaasahan, may isang lalaki mula sa likod ang lumapit sa kanya. Malaki ang tiyan nito at ilang pulgada ang taas sa kanya. Sinubukan nitong saksakin siya sa likod, ngunit naiwasan ito ni Julian.

"Bahala ka na sa kanya, Felipe!" sigaw ng tulisan.

Unti-unting napansin ng dalaga ang mukha ng binatang sinusubukang patayin ng isa pang tulisan. Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na tumibok ang kanyang puso nang makita ito. Tila bumalik siya sa kanyang ulirat at kinabahan sa maaaring mangyari. Kinagat niya ang braso ng tulisan, kaya agad siyang nabitawan nito.

"Estrella?" Naaninagan ng binata si Estrella na papalapit sa kanya; lumuhod ito at kinuha ang baril mula sa lupa upang itutok sa tulisan.

"Bitawan niyo siya, o ako ang makakalaban niyo!" seryosong wika ng dalaga, kinasa ang baril na may determinasyon.

"Anong alam mo sa paghawak ng baril, Binibini?" natatawang wika ng dalawang tulisan, ngunit napatigil sila sa kanilang mga kilos nang pinaputok ni Estrella ang baril. Alam niya ang paggamit nito; tinuruan siya ng kanyang Tiyo Alberto, isang sundalo na nakipaglaban sa modernong panahon.

Dahil sa takot, ang dalawang tulisan ay agad na tumakbo palayo. Napakamot ng ulo si Julian; siya sana ang makakahuli sa mga tulisan kung hindi sumulpot ang dalaga. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga nang makita na ligtas na ang dalaga. Ang mga mata nito ay nakatingin sa kanya, puno ng emosyon na hindi mawari ni Julian.

"Kahit galit ako sa iyo, hindi ko kayang makita kang sinasaktan ng mga tulisan na iyon!" mangiyak-ngiyak na wika ni Estrella habang mabilis na lumapit sa harapan ni Julian.

"Estrella?" nakakunot ang noo ng binata, sinisikap na basahin ang reaksyon ng dalaga. Ngayon lang niya nakita ang maamong mukha nito, sapagkat madalas nitong pinagtataasan ng kilay at iniirapan siya. Ngayon, puno ng pananabik ang mga mata nito.

"Bumalik ka na sa akin, please," niyakap niya ng mahigpit ang binata at napansin nitong mugto ang kanyang mga mata mula sa pag-iyak. Gulo-gulo rin ang kanyang buhok, at may ilang mantsa ang kanyang pantalon.

"Anong ibig mong sabihin?" pagtatakang tanong ni Julian. Ang pisngi nito ay tila namumulang kamatis. Sinusubukan niyang alisin ang pagkahawak ng dalaga sa kanyang beywang. Alam niyang hindi nararapat silang makita ng iba sa ganitong sitwasyon. Tahimik ang paligid, at tanging ang mabilis na kabog ng kanyang puso ang naririnig, na akala niya'y dulot ng matinding kaba.

"Gabriel, mahal pa rin kita at naisip kong aagawin kitang muli kay Clarita," seryosong wika ng dalaga.

Nabitawan ni Julian ang hawak na panyo at nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. Naririnig niya ang mahihinang hikbi ni Estrella, at hindi niya maintindihan kung ano ang kanyang gagawin. Hinawakan niya ang balikat ng dalaga, nag-aalala na baka may makakita sa kanila.

"Kapatid ko, Julian?" nakangising wika ng isang binata na may kulay asul na mata.

"Kuya Isagani," napalunok si Julian nang ilang beses at agad na pinasok si Estrella sa loob ng pinto.

"Isusumbong kita kay Estre..." Hindi na natuloy ang kanyang sinabi sapagkat agad siyang bumagsak sa lupa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com