Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOGUE



                                                    TAKE ME BACK TO 2023

"God... I have served You for a decade. I have prioritized You above all else. I asked for Gabriel, I prayed for him with all my heart—yet why did You take him away from me?"

Her voice cracked in the stillness of the night.

"I deserve him... He brings me joy. He made me feel alive again. God, bakit? Bakit mo ito ginawa sa akin? Do You even love me?"

Tumayo si Estrella sa tabi ng bintana ng lumang bahay ng kanyang Lola. Tanging huni ng mga kulisap ang kanyang naririnig habang unti-unting lumalakas ang ulan, tila sinasalamin ang bigat ng kanyang damdamin. Napangiti siya ng mapait habang naglalakad palayo mula sa bahay, dalang-dala ang mga alaala kay Gabriel—ang mga tawang ngayo'y tahimik, ang mga pangakong ngayo'y wala nang katuparan.

Naramdaman niya ang mga patak ng ulan sa kanyang balikat, malamig, ngunit mas malamig ang puwang sa kanyang puso.

"Lord... sana nabuhay na lang ako sa ibang panahon. Sa panahong wala si Gabriel—para hindi ko na kailangang maranasan ang sakit ng pagkawala. Sana... ibang pagkatao na lang ako."

Napahinto siya sa ilalim ng mga alon ng kidlat. Lumuha siya habang nakatingala sa langit.

"Why is life so unfair? Nakikita ko sila sa social media—masaya, kumpleto, parang walang bitbit na sakit. Ako? Araw-araw akong lumuluhod, pero tila hindi Ka naman nakikinig. Ano pa bang kulang, Lord? Ano pa?!"

Umalingawngaw ang dagundong ng kulog. Bigla, sa kalagitnaan ng dilim, napansin ni Estrella ang kakaibang liwanag sa langit. Iba't ibang kulay ang naglaro sa ulap—ginto, asul, lila—parang pagsabog ng pintura sa kalangitan.

Napako ang kanyang mga mata roon.

"What is happening... is this the Aurora Borealis?"

Pero ito'y higit pa roon. Isa-isang bumagsak ang mga bolang apoy mula sa langit. Mabilis. Mabigat. May sariling direksiyon. Isa sa mga ito—kumikinang sa asul—ay bumagsak malapit sa kanyang kinatatayuan. Napapikit siya sa silaw.

Pagdilat niya, isang liwanag ang bumalot sa paligid. Parang apoy, ngunit hindi nanunuot sa balat—mainit, ngunit hindi nasusunog. Tila ito'y bumabalot hindi lang sa kanyang katawan, kundi sa kanyang damdamin.

Hindi niya na matanaw ang bahay ng kanyang Lola. Lahat ay nagliliyab—hindi ng pagkawasak, kundi ng presensya. Ng banal na apoy.

Napaupo siya, nanginginig.

"Gab..." Mahina niyang wika. "Paalam."

Hinawakan niya ang kanyang dibdib, ramdam ang hapdi, ang init, ang bigat ng damdaming hindi maipahayag. Bumagsak siya sa lupa, nanlalambot, tinatangay ng pagod, luha, at pag-aalinlangan.

Pero bago siya tuluyang mawalan ng ulirat, may narinig siyang bulong—hindi mula sa mundo, kundi tila mula sa kalangitan.

"Hindi siya ang gantimpala, anak. Ako ang iyong kagalakan."

At sa gitna ng apoy, lumambot ang kanyang puso. Hindi nawala ang sakit, ngunit may bahid ng liwanag—parang unang sinag ng araw matapos ang bagyo


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com