TERRIFIED YET IN LOVE (a JAEVON FF) - Part II
Chapter 8:
“Hi Joric, kumusta ka? Kumusta naman ang Papi ko?” sabay halik sa noo ng ama.
“Ms. Divine, mabait si Sir today. Di ako pinahirapan nung pinapakain ko.” Malambing na sambit ni Joric.
“Ay ganun ba. Papi, magpakabait na po ikaw ha. Kawawa naman si Nurse Joric pagpinapahirapan nyo.” Paglalambing na turan ni Divine sa ama habang himas himas nito ang mga braso ng ama.
Smile lang ang itinugon ng ama. “Magpagaling na po kayo Pa para makalabas na tayo dito ha.”
“Hi Doc Pogi.” Bungisngis na bati ni Joric sa bagong parating.
Kinabahan si Divine nung matantong may dumating. Di siya makalingon kasi di niya alam paano papakiharapan si Jaime.
“How are you po?” tanong ni Doc Ives kay Mang Serion.
Nakahinga ng maluwag si Divine nung matantong di pala si Jaime ang dumating. Samantala, thumbs up lang ang sinagot ni Mang Serion kay Doc Ives. Di pa nakakapagsalita si Mang Serion kaya puro hand signals lang muna ang ginagawa nito.
“Hello Ms. Divine, you look pale. Are you alright?” pansin ni Dr. Ives kay Divine.
“I’m ok po. Pagod lang sa work. Nagtrabaho na ulit ako simula ngayong araw kasi.”
“You should take some vitamins and dapat you also should eat more. You’re under weight right? Are you having a hard time sleeping based on the dark circles in your eyes?” pagpupuna pa rin ni Dr. Ives sa kanya.
“Medyo po. Pagod lang po siguro ito.” Sagot ni Divine at may idudugtong pa sana siya sa nung marining ang mahinang tili ni Nurse Joric.
“Ay dalawang poging doktor ang nandito. Wow! Ang haba haba ng hair ko! Abot siya hanggang dulo!” sabay muwestra nitong mahaba daw ang buhok niya at kunyaring hinihila kasi natapakan.
Tumawa ang lahat ng nandun kasama si Mang Serafin maliban kay Divine na biglang nag hindi makagalaw nung naramdaman ang presensya ni Jaime. Kaya na ba niyang harapin ito?
“Kumusta na po Mang Serafin?” lumpait si Jaime sa pasyente at sinimulan nitong tingnan ang progreso nito. Pati ulong inoperahan ay sinipat din ng binatang doktor. “May nararamdamang ba kayong sakit?” habang may mga kinakapa ito.
Iling lang ang naging sagot ni Mang Serafin. Sumenyas ito na gusto magsulat at dali-daling binigyan ito ni Nurse Joric ng pansulat at papel.
Isang malaking salamat ang sinulat ni Mang Serafin at pinakita ito kay Jaime sabay ngiti dito. “Walang anuman po. Magpagaling po kayo ha.” nakangiting sambit ni Jaime. Nanatiling tahimik pa rin si Divine. Di niya matingnan man lang sa mata si Jaime.
Nakaalis na kanina pa si Ives kasi tinawag ito sa ER Si Nurse Joric naman ay lumabas muna para kunin ang gamot ni Mang Serion na kasalukuyang natutulog.
Nananatiling tahimik ang dalawa at kapwa nagpakiramdaman. Binasag ni Jaime ang katahimikan nung tanungin niya si Divine kung kumakain na ba ito. Isang iling lang ang sinagot ng dalaga. Inimbita siya ni Jaime na kumain ng hapunan pero tumangi ang dalaga. Inulit ni Jaime ang imbitasyon na tyempo naman sa pagdating ni Nurse Joric.
“Ms. Divine, sumama na kayo kay Doc Pogi. Ako na bahala kay fadir. Tulog na naman eh at nakakain na so wala ng pwedeng alalahanin.” ani ni Nurse Joric.
Todo tangi pa rin si Divine pero sige pa rin ang pagkumbinse ni Nurse Joric. Wala ng nagawa si Divine kundi sumunod dahil sa kakulitan ni Nurse Joric.
Matapos halikan ang ama ay sumama na si Divine kay Jaime palabas ng ICU. Ang inaakala niyang sa canteen sila kakain ay nagtataka siya na sa basement ang pinindot ni Jaime sa elevator.
“Huwag na tayong lumbas. Sa canteen na lang tayo.” malamig na sabi ni Divine kay Jaime.
“No, let’s have a decent dinner. You heard Doc Ives kanina na dapat kumain ka di ba.” sagot ni Jaime.
“Pero kailangan kong bantayan si Papa.” Pag-iinsist pa rin Divine.
“Nurse Joric is there to take care of him. Don’t worry we won’t be long.” Pag-aassure ni Jaime dito.
Pinili na lang ni Divine ang manahimik at magpatiayon sa gusto ni Jaime. Pagdating nila sa parking area ay inaalalayan siya ni Jaime sa pagpasok sa sasakyan. Wala silang kibuan hanggang makarating sila isang di pamilyar kay Divine na lugar. Nasa isang magarang subdivision sila.
“Nasaan tayo?” Pagtatanong ni Divine. Sa loob-loob ng dalaga ay nagpapanic na ito nung matantong hindi sila sa restaurant kakain kundi sa isang bahay.
“We’re in my house. Nagpaluto ako ng masarap. Halika na.” yaya ni Jaime kay Divine.
“Bakit dito pa tayo kakain? Sabi ko sayo sa canteen na lang tayo para mabilis.” Hindi pa rin tumayo si Divine sa kotse.
“Masarap magluto ang cook ko. Tsaka we need to talk.” Sabay lahad ni Jaime ng kamay para alalayan si Divine sa pagtayo.
Huminga ng malalim si Divine pero di nito tinanggap ang kamay ni Jaime at tumayo ito sa pagkakaupo.
Iginaya na siya ni Jaime sa loob ng bahay at hawak-hawak siya nito sa siko. Tumambad sa paningin ni Divine ang isang magarang bulwagan. Napasinghap si Divine sa nasaksihan. “Ang ganda!” sigaw ng isip ni Divine. Iginala nito ang paningin sa kabuuhan ng bahay habang naka-upo sa sala. Pinaupo muna siya ni Jaime habang pumunta ito sa kusina para tingnan kanilang pagkain.
Di napigilan ni Divine ang tumayo nung makita ang tokador na naglalaman ng mga picture frames. Isa-isa niyang tiningnan ang mga larawan. May mga larawan nung bata pa si Jaime kasama ng mga magulang. May isang solo shot ng mama ni Jaime. Nagagandahan siya sa mommy ni Jaime. Mestisahin ito at maputing-maputi. Nakasalubong niya ito minsan sa ospital at di niya mawari ang paghanga sa kagandahan nito.
May naramdaman si Divine na maiinit na bisig na pumupulupot sa kanya at ang mainit na katawan na nakadikit sa sariling katawan at ang mainit na hininga na nasa likod ng kanyang leeg.
Napadako ang tingin ni Divine sa isang frame na may lalaki at babaeng magka-akbay. Kuha ito sa isang photobooth. Si Jaime ang nasa larawan pero yung babae ay di niya kilala. Isa sa mga kuha ay nagpalitan ng kiss on the cheek. Morena at payat din ang girl. Actually magkasing profile sila nito. Ang pinakapanghuling kuha ay yakap yakap ni Jaime ang babae.
Dahil sa picture na iyon ay napabalik sa huwisyo si Divine at dun niya naramdaman na nakayakap na pala si Jaime sa kanya. Bigla siyang parang binuhusan ng malamig na tubig sa realisasyong iyon at bigla siyang kumalas sa yakap na iyon at lumayo dito.
“What is wrong?” sabay tanong ni Jaime sa kanya at pinipilit siyang abutin pero mas lalo siyang umiiwas.
Hindi kumibo si Divine pero pilit pa rin niyang nilalayo ang sarili kay Jaime. Galit siya dito. Galit na galit siya dito. Mas nadagdagan pa ang galit niya sa nakitang picture.
Pilit pa rin siyang niyayakap ni Jaime. “Divine, please let’s talk. I’m sorry sa nangyari kahapon.” pagsusumamo ni Jaime kay Divine pero bingi si Divine sa lahat ng paliwanag ni Jaime dahil sa galit.
Umiiwas pa rin siya dito hanggang macorner siya sa isang sulok at nakatukod na si Jaime sa kanya. Pilit hinahawak ni Jaime ang mukha ni Divine para tumingin ito sa kanya pero iniiwas pa rin ni Divine ang mukha. Nag-umpisa ng tumulo ang luha ni Divine dahil sa galit.
“Baby, please forgive me. Let’s start anew.” Muling pagsusumamo ni Jaime kay Divine.
“No! Stay away from me. Nandidiri ako sayo. Walang hiya ka! Wala kang puso sa ginawa mo sa akin!” pinagbabayo ni Divine ang dibdib ni Jaime. Hindi inaasahan ni Jaime ang lakas ni Divine kaya napa aray ito nung natamaan pero pinipilit pa rin nitong yakapin si Divine.
Tila nagka-adrenalin rush si Divine sa lakas nito. Mahawakan man ni Jamie ang isang kamay pero ang kabilang kamay ni Divine ay wala pa ring tigil sa paghampas. Nung makatyempo si Jamie ay nakawakan nito ang dalawang kamay ni Divine and pinned her on the wall.
“Stop it! Stop!” pilit na pagkocontrol ni Jaime sa nagwawalang si Divine. And para mapacify si Divine ay hinalikan ito ni Jaime na isang pagkakamali kasi mayamaya lang ay nalalasahan na ni Jaime ang likidong tumulo galing sa bibig niya. Kinagat pala siya ni Divine.
Tila nahimasmasan si Divine nung nakitang may dugong tumatagas sa bibig ni Jaime. Nanlaki ang kanyang mata sa nakita. Hindi niya sukat akalain ang nagawa.
Pinakawalan na rin ni Jaime si Divine at pinahiran ang likidong pulang tumulo ng kamay. Nagpang-abot na ang kilay ng huli at iniwanan ang dalaga na hanggang sa pagkakataong iyon ay shock pa rin sa nagawa.
Pumunta si Jaime sa powder room tiningnan at nilinis na rin ang sugat. Dura at lagaslas ng tubig ang tanging naririnig ni Divine na sa pagkakataong iyon ay parang nauupos na kandilang umupo sa sahig. Gusto niyang lapitan si Jaime para tingnan ang sugat nito pero ayaw siyang pagbigay ng kanyang pride. Nananatili sa ganung posisyun si Divine hanggang lumabas na si Jaime sa comfort room na iyon.
Balik sa pagiging seryoso ang mukha ni Jaime. Nawala na ulit ang compassion nito. Pero kahit halatang galit si Jaime ay nilapitan pa rin siya nito at itinayo. Nagpupumiglas na naman si Divine kaya nag hands-off sign na si Jaime. Seryosong sinabihan nito si Divine to follow him to the hapag kainan.
Magkaharap na kumain ang dalawa. Maraming pagkain ang nakahain pero tila parehong walang gana ang dalawa. Gustong gusto na ni Divine humingi ng tawad sa nagawa pero mas nanaig pa rin ang poot na nadarama sa binata.
Sa wakas ay nagsalita na rin si Jaime. “Did you get my text last night?”
Hindi sumagot si Divine. Tuloy tuloy lang itong humihigop ng sabaw.
Isang buntunghininga ang pinakawalan ni Jaime bago nagsalita.
“Gusto kong panagutan ang ginawa ko sayo. I wanna marry you.” Seryosong sambit ni Jaime kay Divine.
Tahimik pa rin si Divine na tila walang naririnig ni isa man sa sinasabi ni Jaime.
“I said I want to marry you. Kelan mo gusto tayo magpakasal?” muling tanong ni Jaime.
“Ayoko.” Mahinang sambit Divine.
“What did you say?” ani ni Jaime
“Ayokong magpakasal sayo!” may diing pagkakasabi ni Divine.
Another rejection! Nagmumula na naman si Jaime. Halatang nagpipigil ito ng galit.
“Paano yung nangyari sayo? Gusto kong panagutan ang nagawa ko sayo.” Halos pasigaw na sambit ni Jaime kay Divine.
“Ayoko! I hate you! I hate you for doing that to me! Hindi ko inaakalang kaya mong gawin sa akin yun! Maano ba’t nakuha mo ang pagkabirhen ko! It was meant to broken anyway.” hilam na naman sa luha ang mga mata ni Divine. Mas dumilim ang expression ng mukha ni Jaime sa huling tinuran ni Divine.
“At yung pagtulong mo sa Papa ko, utang yun at gagawa ako ng paraan para mabayaran yun sa lalong madaling panahon.” Pagpapatuloy ni Divine.
“Very well! Sa’yo na rin nanggaling na ayaw mong pakasalan kita. Well, salamat sa regalo mo ha!” sarcastic na pagkakasabi ni Jaime.
“Utang turing mo sa pagtulong ko pwes ayokong bayaran mo ng pera ang inutang mo. Ako ang magdidikta kung ano at paano mo ako babayaran.” Galit na sambit ni Jaime kay Divine.
“Pera ang inutang ko sayo, kaya pera din ang ibabayad ko.” Galit na sigaw ni Divine kay Jaime.
“Gaya ng sinabi ko sayo, hindi ko kailangan ng pera. Marami ako niyan. Iba ang gusto kong kabayaran. Well, nagbigay ka na ng paunang bayad kaya konti na lang bubunuin mo.” Sarcastic pa rin si Jaime.
“What? Aba’y napakawalang hiya mo palang talaga!” shocked si Divine sa gusto ni Jaime na kabayaran.
“Walang hiya na kung wala hiya pero negosyante din ako at sa ngayon hawak ko ang alas kaya mamili ka sa dalawang, magpakasal sa akin o bayaran ako sa paraang gusto ko!” nakakalokong ngisi ang nagrehistro sa mukha ni Jaime.
“Over my dead body!” may diing pagkakasabi ni Divine.
“Suite yourself. I’ll wait for your reply tonight and if I don’t get one, maghanap ka ng mautangan bukas na bukas din kasi lahat ng ginastos ng ama mo ay sisingilin ko ora mismo! At kung tapos ka ng kumain ay tumayo ka na diyan at ihahatid na kita sa hospital. Yung sugat na tinamo ko pala sayo ngayong gabi ay kasama ito sa sisingilin ko!” sabay turo sa sugat nito at sinabayan nito ng tayo at iniwanan si Divine sa hapag kainan.
Walang imik na pinaharurut ni Jaime ang sasakyan papuntang ospital. Tutuk na tutuk lang ito sa daan at hindi umiimik.
Si Divine naman ay shock pa rin mapahanggang sa mga sandaling iyon sa gustong mangyari kay Jaime. Kung tutuusin ay pwede naman siyang magpakasal kay Jaime kasi may nararamdaman pa rin siya dito kaso galit siya sa ginawa ni Jaime at parang nagselos siya sa nakitang picture ni Jaime kanina kasama ng isang babae. Medyo may hawig sila nung babae na nasa picture. Magkasing katawan at magkasing kulay pa sila
Pagdating nila sa ospital ay di man lang siya tinapulan ng tingin ni Jaime at hinintay siyang bumaba. Nung pababa na si Divine ay saka pa lang nagsalita si Jaime.
“You have a deadline tonight. If I don’t receive any then I presume that mababayaran mo ako bukas na bukas din!” May diing pagkakasabi ni Jaime sabay pinaharurut nitong muli ang sasakyan.
Nagbabanta na naman ang mga luha ni Divine pero pinipigilan niyang tumulo ito. Pinapakalma muna ni Divine ang sarili bago pumasok sa ospital. Gulong-gulo ang isip ng dalaga pero hindi niya bibigyan ng satisfaction si Jaime pero gayun pa man ay saang lupalop ba siya maghahanap ng pambayad dito.
Kahit pagod na pagod ay punching bag pa rin ang napagdiskitahan ni Jaime para dun ibuntun ang galit na nadarama.
Naiinis siya sa pagtangi ulit ni Divine sa alok niya. Nandun na di kasing romantic ang naging proposal niya kay Divine pero hindi niya iniexpect na ganun din ang reaction ni Divine.
Hindi nagawang sumagot ni Divine kay Jaime nung gabing iyon kasi una di niya alam kung anong isasagot niya at pangalawa ay naging balisa si Mang Serafin nung gabing iyon. Sumasakit ang ulo nito at kumalma lang ito nung naturukan na ng pain reliever pero madaling araw na nung nangyari iyon.
Nakatulugan ni Divine ang pagbabantay sa ama at yung pagreply sa gusto ni Jaime ay di na niya naasikaso.
Pagkagising ni Jaime kinabukas ay salubong agad ang kilay nito nung mapagtantong walang ni isang text man lang si Divine para sa kanya.
“You want to play games Divine ha, prepare for the best game ever!” sabi ng isip ni Jaime.
Papunta na siya sa office nung tinawagan nito si Ms. Avi at nagpaschedule ng appointment dito.
Pagka park ng sasakyan ay diretso na agad si Jaime sa office ni Ms. Avi.
“You want me to do what Jaime? But why?” nababahalang tanong ni Ms. Avi sa gustong mangyari ni Jaime. Gusto nitong ipatigil na ang paglalagay ng mga babayarin ni Mang Serion sa tab niya. Gusto niyang singilin na ng ospital sina Divine kada may reseta o gamot na ibibigay sa pasyente. Gusto niyang ora mismo ay ipapatupad iyon.
“Pinapasakit mo ang ulo ko Jaime!” frustrated pa ring sambit ni Ms. Avi.
At nagpatuloy ito sa pagsasalita na “I really don’t agree on your plan before on putting all the bill in your tab. Pero sa nakikita ko ngayon ay parang sadyang ginigipit mo ang mga ito. We don’t work that way here Jaime. We help our patients manage their expenses. Give me one good reason para maconvince mo ako na sumunod sa gusto mo?”
“It’s quite personal and balato mo lang sa akin ang kasong ito. Don’t worry Ms. Avi, I got you covered for this.” Seryosong sagot ni Jaime kay Ms. Avi.
Iling na lang ang naisagot ulit ni Ms. Avi kay Jaime at umalis na ang binata sa opisina nito at nag-umpisa ng magrounds.
Napagawi siya sa room ni Mang Serion na sa pagkakataong iyon ay nasa ICU pa rin kasi di mailipat kasi nag-umpisa na itong lagnatin kaya kailangang tutukan. Si Aling Lily ang nakatokang magbantay at magiliw na kinakausap siya nito and he reciprocated the warmth treatment as well.
Still no reply from Divine kaya mag-uumpisa na ang kalbaryo nito. Ang singilan operation ay alam lang ng tatlong tao, si Ms. Avi, siya at si Nurse Joric. Ang specific instruction ni Jaime sa kanila ay tanging kay Divine lang ibibigay ang bayarin at walang ni isa man sa pamilya nito ang dapat makakaalam.
Pagdating ni Divine sa ospital ay binigay agad ni Nurse Joric kay Divine ang mga bill nila sa ospital. Napasinghap si Divine sa laki ng halagang kailangan niyang bayaran. Umaabot na ito sa kalahating milyon at may nakaindicate sa bayarin na pay immediately.
Nagbabanta na namang tumulo ang mga luha ni Divine pero pinipigilan niya ito.
“Napakawalang hiya talaga ni Jaime!” sambit ng isip ni Divine. Pero on the otherhand, dapat lang naman sigurong maningil na si Jaime kasi pumapatak araw araw ang gastusin ng ama sa ospital.
Sinubukan na rin ni Divine na mangutang kanina pero wala na talaga. Sagad na sagad na siya. Pikit matang nagdesisyon si Divine sa gagawin.
“Magbabayad ako ng utang sa paraang gusto mo pero nungkang magpapakasal ako sayo. Kinamumuhian pa rin kita pero dahil mahal ko ang pamilya ko kaya gagawin ko ang lahat ng ito.” Saad ng text na pinadala ni Divine kay Jaime.
Sumagot naman agad si Jaime, “Very well then. Come to my office and let’s talk business. Right now and I’m waiting for you.”
“Napakawalang puso mo talaga Jaime!” ang piping sigaw ng utak ni Divine at isang singhot ang pinakawalan para mapigilan ang nagbabantang mga luha sa pagtulo.
Isang mahinang katok ang narinig ni Jaime. Sumigaw ito ng come-in at bumungad si Divine sa paningin nito. Seryoso ang mukha ni Jaime nung humarap ito kay Divine. Iminuwestro ni Jaime na umupo si Divine sa harap bakanteng upuan sa harap nito.
Tahimik na umupo si Divine.
“Anong atin?” he asked mockingly.
“Paano kita mababayaran?” walang expressiong tanong ni Divine kay Jaime.
Hawak ni Jaime ang baba na tila nag-iisip pa daw bago nagsalita. “Paano nga ba? Ayaw mong pakasalan kita kay option B ang gagawin natin.” Sabay kindat pa dito.
“Ano naman ang option B?” tanong ni Divine.
“Madaling madali lang ang gagawin mo. You will be my mistress and you will fill my bed everytime and anytime I want you to.”
“Ano! Nahihibang ka na ba?” nanlaki ang mata ni Divine sa sinabi ng huli.
“No! My mind is sane and I know what I want and that how I want you to pay me.” May diing pagkakasabi ni Jaime.
“Hindi ako parausan Jaime.”
“The hell I care. But that’s the only way you can pay me. I offered you my name but you refuse it. I must admit, gusto pa rin kita, and I want to fuck you until I grew tired of you.” Galit na sabi ni Jaime kay Divine.
“Paano naman ako! Bakit napakawalang hiya mo!”
“Don’t worry honey, you’ll enjoy the ride and that I assure you!” sabay kindat kay Divine.
“Asshole!” sambit ni Divine.
“I know and this asshole owns you now!” nakakalokong ngisi ang pinakawalan ni Jaime.
Nagbabanta na naman ang mga luha ni Divine pero pilit pa rin niya itong pinipigilan pero may iilang butil na nakalampas pero dali dali itong pinunasan ni Divine.
“Hanggang kailan ang arrangement na ito?” galit na tanong ni Divine.
“Until aayawan na kita.” Sagot naman ni Jaime.
“That is not fair. Magbigay ka ng specific na panahon.” Ani ni Divine.
“Hmmmmnnnnnn…. Let’s just say 100 thousand per week so looking at your bill now, initially it’s just a week and a half and counting. Fair enough huh?” he said still mockingly.
“Hayop ka! Napakahayop mo talaga!” galit pa rin si Divine.
“At oo nga pala, you have to come to me willingly and you have to satisfy me otherwise madadagdagan ng isang linggo if you will not give me a good performance.” Sabay kindat dito.
“Ano! Aba’y tuso ka pala eh!” naiiling na sambit ni Divine.
“Negosyante ako Divine and I intend to claim what is mine…. With interest! Huwag mo ng subukang magmamatigas kasi alam kong di mo rin kayang pabayaan ang iyong pamilya. Don’t worry, magiging clear na ang utang niyo sa ospital at tuloy tuloy pa rin ang gamutan kay Mang Serion.”
Binirahan ni Divine tayo at nagbabantang aalis na nung muling magsalita si Jaime.
“Hey mistress, I expect you to talk to your family at mag-alibi ka na meron kang pang-gabing trabaho kasi simula bukas ay sa bahay ko na ikaw uuwi as part of your payment. You will fill my bed every night and I expect you to the best mistress serving your master.”
Ngitngit na ngitngit na si Divine sa huling tinuran ni Jaime. She’s stunned at di nakakilos at tinapulan ng masamang tingin si Jaime.
“Did you hear me mistress? Answer me!” sigaw ni Jaime.
“Opo demonyong kamahalan!” sabay alis sa opisina ni Jaime. At bago pa siya tuluyang makalabas sa opisinang iyon ay may pahabol na sambit si Jaime.
“And that will be the last time I will ask you to marry me. And by the way, thank you for saying no kasi I get to fuck you and not be tied up with you.”
Bagsak lang ng pinto ang isinagot ni Divine sa sinabi ni Jaime.
Chapter 9:
Bago pa tuluyang makalabas ng opisina ni Jaime si Divine ay hilam na ito sa luha. Dumiretso siya sa CR para ayusin ang sarili bago bumalik sa kwarto ng ama.
Nagkataon namang siya lang mag-isa ang nasa lugar na iyon. Pagkatapos maghilamos ay tinititigan niya ang repleksyon sa salamin. Ang laki na ng ibinagsak ng katawan niya. At nung muling naalala ang conversation nila kanina ni Jaime ay napaiyak na naman siya.
Hindi niya tuloy alam kung nagsisisi ba siya na di siya pumayag magpakasal kay Jaime. Hindi niya rin lubos naisip na possible pala na ganun ang gustong kabayaran ni Jaime. Huminga ng malalim si Divine at tinatagan ang sarili.
“Kaya mo ito Divine. Para sa pamilya, kayanin mo!” she said it aloud matapos pahiran na naman ang mga luhang pumatak.
Nahilamus siya muli bago bumalik sa ICU
Hapong hapo ang pakiramdam ni Jaime pagkatapos ng engkwentro nila ni Divine. He can’t believe how brutal he can be. Iba ang epekto sa kanya sa mga rejection na natamo kay Divine.
May inilabas itong isang frame sa drawer na de susi at masusing tiningnan ang picture na nandun. Kuha nilang dalawa ni Divine iyon during their happy days in high school. He’s terribly not over Divine yet. Nakailang girlfriends din siya pero hindi tumatagal ang relasyon nila kasi sa tuwina’y nawawalan siya lagi ng gana because he often ends up comparing his current girlfriend to Divine. Napagtantiya niyang he wants no one else but her.
Napukaw ang pagmuni-muni ni Jaime nung marinig ang pagtunog ng cellphone.
“J, see you on Sunday?”
“Hey D, yup will be there on Sunday. Can’t wait to see you.” Ang sagot ni Jaime sa natanggap na text.
Napingiti si Jaime sa alalahaning darating si Patricia Dana Madamba. D ang tawag niya dito kasi nakagawiang tawagin siya nitong J. Pangit naman daw kasi na tawagan niya itong P. Family lang ni D ang tumatawag sa kanya ng Patricia. She’s known in med school as D. She’s his bestfriend. They don’t keep secrets towards each other. Plantonic nga daw ang relationship nila kasi akala ng iba magkasintahan sila at pwedeng pwede sila kaso hindi pa umabot sa ganun ang level ng relasyon nila.
Pero may kasunduan silang dalawa na pag umabot sila sa edad na 35 at wala pa rin silang asawa ay magpapakasal na lang sila para may makakasama ang isa’t isa sa pagtanda kung baga. Masyado din kasing pihikan si D. Masyadong mataas ang standard nito. She has always been an achiever and si Jaime lang ang namumuk tanging nakakaka control o nakakalagpas sa kanya. Si Jaime nga lang ba?
Nagsimula ng magprepare si Jaime pauwi. Napansing nasa mesa niya pala ang chart ng tatay ni Divine kaya binasa niya ito at napangiti sa nakitang progress ni Mang Serion. Kung bubuti na ang pakiramdam nito ay ililipat na ito sa isang private room and in a weeks time ay pwede na itong umuwi ng bahay at magpagaling at magpakahealthy bago ooperahan ulit para sa prosthetic skull na ilalagay.
Bago siya umuwi ay dinaanan na muna niya si Mang Serion to recheck his progress. Naabutan niya na nag-uusap sina Nurse Joric at Divine. Ngiti ng ngiti si Divine dahil laging nagpapatawa si Nurse Joric habang si Mang Serion ay tulog na tulog.
“Hi Doc Pogi!” lambing na sambit ni Nurse Joric.
“Kumusta ang pasyente?” seryosong tanong ni Jaime kay Nurse Joric.
“Ay ok naman po. Mabait siya today at masunurin. Hindi po bugnutin. And wala na pong lagnat.” Paglalahad ni Nurse Joric sa status ni Mang Serion.
“Ms. Serafin, pag hindi na ulit lalagnatin si Mang Serion ay pwede na siyang ilipat bukas sa private room. Nurse Joric, magpareserve ka na ng room kay Mang Serion para mailipat na siya bukas ng umaga.”
Tango lang isinagot ni Divine. At umalis na rin si Jaime pagkatapos.
“Nurse Joric, pakibantayan sandali si papa ha. Kakausapin ko lang si Doc Jaime.” Paki-usap ni Divine.
“Sureness Ms. Divine.” Sagot ni Nurse Joric.
Sa bandang elevator na naabutan ni Divine si Jaime.
“Jaime” mahinang tawag nito sa binatang doctor.
Lumingon si Jaime pagkarinig nito sa pagtawag ni Divine.
“May ipapakiusap sana ako.”
“Ano yun?”
“Tungkol sa pagbabayad ko ng utang sayo, pwede ba saka na pagnakalabas na si papa dito sa ospital? Kakailanganin pa niya ako ngayon eh.” Nakiki-usap si Divine kay Jaime.
“Ok pero yung pagtira mo lang sa bahay ang mapostpone. Pero everything else will still be the same and non-negotiable.” Walang expression na sambit ni Jaime.
Ngitngit man si Divine sa kawalang modo ni Jaime pero kinuntrol pa rin niya ang sarili dahil napapagod na siyang magalit kay nagpasalamat na lang siya at umalis na agad.
Bumuntunghininga si Jaime bago sumakay ng elevator.
Sunday, Ruiz’ residence in Ayala Alabang.
“Jaime anak, finally you’re here!” salubong ni Dra. Mye sa anak. Sabik na sabik nitong niyakap ang anak. Kahit nagtatrabaho kasi sila sa iisang ospital ay seldom namang nagpang-abot ang kanilang schedule lalo na’t magkaibang floor ang kanilang mga specialties.
Yumakap din si Jaime ng mahigpit sa ina. Nag-iisang anak lang siya at close siya sa mommy niya. “I miss you too Mom.”
“Jaime anak, akala ko di ka na darating ah! I’ve been calling you but you’re not answering your phone.” Saad ni Dr. Dan sa anak sabay yakap din dito.
“Sorry Dad, my phone is in my bag. Nakasilent mode yun tiyak kasi nakalimutan kong ibalik kagabi after watching a movie. The traffic coming here was so bad! To think that it’s a Sunday!” sabay yakap din sa ama. He is close to his dad as well but it has always been serious matters with his dad.
“Daddy, what’s important is our son is her na and di ba son you promised to stay overnight?” sabi ni Dra. Mye. “Or you can stay the whole week.” Hirit pa ulit ni Dra. Mye.
“Mom, overnight lang ang napag-usapan natin.” Nakangiting sambit ni Jaime sa ina. Laging ganito sila. Hihingi ng overnight si Dra. Mye pero hihirit pa rin ito na magstay siya ng ilan pang-araw. Minsan napapagbigyan niya ang ina, pero kalimitan ay hindi dahil na rin sa trabaho.
Biglang lumungkot ang mukha ni Dra. Mye. Inalo ito ni Jaime at sinabihang sasabayan lagi ang ina sa paglulunch ng isang buong linggo. Dahil dun ay napangiti na rin si Dra. Mye sabay halik sa anak sa pisngi. Habang naglalambingan ang mag-ina ay napa-iling na lang si Dr. Dan sa nasaksihan.
Biglang bumukas ang front door at bumungad ang buong mag-anak ng Madamba bitbit nito ang mga dessert at mga bags kasi dun din ito magpapalipas ng gabi dahil nagkataon na holiday kinabukasan.
Nagbeso-beso at nagkamay ang magkumpare’t kumara at maya-maya ay may isang morena at balingkinitang babae na pumasok din sa front door.
“J!!!!!” sigaw ng bagong dating sabay lapag ng mga bitbit at tumakbo ito at yumakap kay Jaime! Binuhat naman ito ni Jaime at inikot ng inikot.
Nagkatawanan lang mga nandun sa nasaksihan.
“Hay nako, kayong dalawa para pa rin kayong mga bata!” puna ni Dra. Bite.
“Ay oo nga Mare. Who would ever think that these two are doctors.” Puna din ni Dra. Mye.
Masayang salo-salo ang nagyari sa dalawang pamilya. Ang mga topic sa hapagkainan ay ang kabataan ng apat na batikang doctor. Magkakabatch kasi silang apat nung nag-intern at duon na nga nagkadevelopan. Dahil sa magbestfriend si Doc Dan at Doc Bite ay natural na pati mga asawa nila ay naging close na din sa kanila at tumuloy iyon sa second generation.
Biglang nabilaukan si Jaime at D nung biglang nagsabi si Dra. Bite kung bakit di sila nagkadevelopang dalawa.
“Mom! Abiso naman. Dirediretso ka kasi agad eh!” natatawang sabi ni D sabay inum ng tubig.
“Di nga mga anak, we are just wondering why you two are never an item.” Inosenteng tanong naman ni Dra. Mye.
Napailing na lang ang dalawang tatay sa tinuran ng dalawang nanay. Nagtawanan na lang ang mga ito.
“Mom, easy! Easy!” natatawang sambit ni Jaime.
“Eh kasi naman gustong gusto na naming magka apo! We’re not getting any younger. And until when ba kami maghihintay ha?” pangungulit ni Dra. Bite sa dalawa.
“Hay nako kumpadre, ito na naman tayo. Halika ka na at dun na tayo sa den mag-usap. Hayaan na natin ang mga ito. Walang katapusang tanungan lang yan.” Yaya ni Doc Dan kay Mr. T.
Nagkatinginan naman ang magkaibigang Jaime and D at kinindatan ni D si Jaime signalling him to get up and exit. Naintindihan naman agad ni Jaime kay tumayo na rin ito and kissed the cheek of his amused mom and so as Dra. Bite. D did the same thing at umalis na ang dalawa at nagtungo sa may pool area.
“See! Tingnan mo ang mga ito Mare, nilayasan tayong dalawa.” Frustrated na sambit ni Dra. Bite na sinuklian lang ngiti ang frustration ni Dra. Bite.
Tumunog ang cellphone ni Divine at nagtext sa kanya si Yvette. “Girl, are you in Alabang area with Jaime? I wanted to say hi but mabilis kayong umalis eh. You ha, may nililihim ka sa akin.”
“Alabang? No. Nasa haus lang ako. Papunta na ulit ako ospital maya2x.” Sagot ni Divine sa text in Yvette.
“Ha? Oh! I thought it was you. Parang ikaw yung kasama niya eh. Ang sweet nga nila eh. Hala sorry ha.” Text back ni Yvette kay Divine. Hindi niya maintindihan pero parang may konting kurot siyang nadarama. Konting kurot nga lang ba? Parang hindi kasi she felt betrayed.
May desisyong nabuo si Divine, gusto niyang mabayaran agad si Jaime sa lalong madaling panahon at tuluyang isara ang ugnayan nilang dalawa. Kahit hindi man niya kayang sikmuraing katawan niya ang magiging kabayaran ng pagpapagamot ng ama ay pikit matang tinanggap iyon ni Divine dahil sa pagmamahal ng pamilya. Isa na lang ang kunswelo niya na sa iisang tao lang iya kayang gawin iyon. Sa taong dati niyang minahal o baka mapahanggang ngayon ay espesyal pa rin sa puso niya.
“Wru?” ang saad ng text na natanggap ni Divine.
“Work.” Sagot niya.
“What time are you coming over?”
“Baka mga 7 na kasi dadaan pa ako sa grocery.”
“Text me pag nandito ka na.”
She took a deep breath to calm herself. Gusto man niyang magprotesta at magtaray na naman pero alam niyang wala na talaga siyang kawala sa sitwasyong ito.
“Opo kamahalan at huwag ka ng magtext ulit kasi nauubos na load ko.” Ang tanging na text ni Divine para kahit papaano ay maibsan ang inis na nadarama.
At tumunog ulit ang text tone niya at dalawang beses pa iyon. “Ang kulit mo talaga Jaime!” gigil na sambit ni Divine pero laging gulat niya nung basahin ang unang text na pinadalhan siya nito ng load na 100 pesos at ang pangalawang text ay nagsasabing “Here’s 100 load for you and magtext ka lang if you need more. I’ll just put it in your tab. :-D See you later.”
Gigil na gigil na talaga si Divine kay Jaime! At binuksan niya ang drawer at kinuha ang stress ball at pinisil ng pinisil para mailipat dun ang gigil!
Naabutan siya ni Mam Grace sa ganoong tagpo at tinanong siya if she’s alright.
“Ay Mam Grace, ok lang po. Nangigigil lang ako. May nambubwisit lang po.” Sagot niya sa tanong nito.
“Ah ok. Hinayhinay lang ha at baka maging flat yan. At oo nga pala, e arrange mo na yung schedule mo at pupunta ka ng cebu for our mass recruitment. In two weeks time ang alis mo.” Paalala nito sa kanya.
“Yup Mam, ok na po yung booking.” Sabay ngiti dito.
Kinagabihan nung dumating na si Divine sa ospital ay dumiretso na siya sa private room kung saan tumuloy ang ama. Inilipat ito kamakailan lang sa private room nung tuluyang bumubuti ang kalagayan nito. Sabi ni Jaime pag di na lalagnatin si Mang Serafin ay makakalabas na ito sa susunod na linggo at magpapahinga lang ito ng isang buwan at ooperahan ito ulit para lagyan ng takip ang bungong bukas.
Pagkatapos ayusin ang mga pinamiling gamit para sa ama ay tinext na rin ni Divine si Jamie para ipaalam dito na nasa ospital na siya.
“Meet me near the vendo machine na malapit sa ICU.” Ang sagot ni Jaime sa text ni Divine.
“Pa, sandal lang ako ha. May kakausapin lang akong tao sandali.” Sabay halik sa noo ng ama. Tango at isang smile ang isinagot nito. “Pao, ikaw na muna dito ha. Sandaling sandali lang ako. Huwag mo kalimutang punasan si Papa bago matulog.” Bilin nito sa kapatid.
“Oo Ate. Ako na lang magbantay kay Papa ngayong gabi. Wala kaming pasok bukas eh.” Sabi ni Pao sa kapatid.
“Talaga bunso? Ang bait mo talaga.” Sabay yakap dito bago nagpaalam at umalis.
Pagdating ng Divine sa vendo machine ay wala pa si Jaime doon. Palinga-linga si Divine at hinahanap ang pamilyar na bulto kaso wala siyang nakita. May narinig siyang tumawag ng pangalan niya at nung hanapin kung saan nanggagaling ang boses ay galing iyon sa silid na malapit sa vendo machine. Medyo madilim ang parteng iyon kaya medyo nahirapan pa si Divine na maaninag ang tumatawag sa kanya.
Biglang lumabas si Jaime sa silid na iyon at bigla siya nitong hinila papasok sa loob ng silid na iyon. Ang bilis ng mga sumunod na pangyayari. Narinig ni Divine ang pagclick ng pinto at nakita niyang may isang dalawang double deck sa loob ng silid na iyon at natantong nasa doctors’ quarter pala sila.
Namalayan na lang ni Divine na Jaime is kissing her hungrily. He pinned her at the back of the door and he’s starting to unbuttoned her office uniform. Tila nalimutan ni Divine ang sitwasyon at tumutugun siya sa ginagawa ni Jaime dahil siya na mismo ang nagtanggal ng pang-itaas ni Jaime.
Sunod na namalayan ni Divine ay nailipat na siya ni Jaime sa kama at nakakumbabaw na ito sa kanya at pareho na silang walang saplot sa katawan. And the next thing she knew is she called out his name when he brought her to a world of ecstasy. Nakakapit si Divine sa leeg ni Jaime, their bodies are interlocking and Jaime’s head is on the blade of her shoulders. Both are panting and are trying to catch their breaths.
May tumutunog na cellphone at dali-daling tumayo si Jaime para sagutin iyon.
“D, whatzup? Ha? Sige I’ll be right there. Just give me 15 minutes. Bye.” At mabilis na nabihis si Jaime at nung maalalalang kasama pala niya si Divine.
“Magbihis ka na din. Samahan mo muna ako. May susunduin lang tayo and let’s have dinner afterwards. Nakausap ko na si Pao and he told me na siya daw magbabantay sa papa mo ngayon.” Tila pag-uutos na sabi ni Jaime kay Divine.
Divine was too tired to argue kaya she just went with the flow. Tahimik siyang nagbihis at sumunod lang kung ano ang gusto ni Jaime.
Di na sila dumaan sa kwarto ng ama bagkus ay dumiretso na sila agad sa parking lot. Nagmamadali talaga si Jaime base sa mga aksyon nito at tahimik lang si Divine pero tila may may panibugho siyang nadarama kung sino itong si D kahit di pa man niya nakikilala.
Tahimik lang din si Jaime na nagmamaneho hanggang makarating sila sa kinaroroonan ni D.
“Nandito na kami sa mall, saan ka naka park banda? May bakante ba diyan? O ok, nakita ko na kotse mo. Sige.” At nakita ni Divine ang isang babaeng sing katawan at sing tangkad niya na nakatayo katabi ng isang kotse.
Jaime parked the car sa katabi ng sasakyan nito at dali-dali itong bumaba at nagbeso dun sa girl. Nag-uusap ang dalawa at binuksan ni Jaime ang hood ng kotse ni D para tingnan. May mga tinetest pero wala pa rin. Maya-maya ay nilapitan siya ni Jaime.
“Let’s have dinner na muna. Halika na.” Yaya nito sa kanya.
Tumayo na rin si Divine. “Divine, this is D. Dra. Patricia Dana Madamba.” Pagpapakilala ni Jaime sa dalawa.
Isang matipid na ngiti ang itinugun ni Divine kay D sabay lahad ng kamay nito. D smiled sweetly and said: “Ikaw pala si Divine, finally we’ve met.” Sabay abot ng kamay nito din kay Divine.
Pumasok na silang tatlo sa mall at naghanap ng restaurant namakakainan. Jaime and D were walking together and that leaves Divine trailing behind them. Nilingon siya ni Jaime at inabot ang kamay para she can be walking together with them. This time around ay hinawakan ni Jaime ang kamay ni Divine para sabay silang tatlo sa paglakad.
Nung makarating sila sa restaurant ay ang dalawa pa rin ang nag-uusap at nananatili pa ring tahimik si Divine. Pinagmamasdan niya si D at natantong ito nga ang kasama ni Jaime nung tinext siya ni Yvette. Magkahawig nga sila ni D. The have the same complexion at halos magkasing tangkad din sila. Masarap kasama si D, palakwento ito pero di maiiwasan ang konting pagseselos niya sa tuwinang pinagsisilbihan ito ni Jaime.
“Are you alright?” pag-alalang tanong ni Jaime kay D nung hinawakan nito ang sentido.
“I’m a bit dizzy. Can you just take me home? I think e overnight parking ko na lang ang kotse and ask daddy’s driver to pick it up tomorrow with the new battery.” Sagot ni D.
Tinawag ni Jaime ang waiter at nagbayad tapos hinatid na nito si D bago siya ihatid pauwi. Pagdating nila sa bahay ni D ay inaalalayan pa rin ni Jaime si D hanggang maihatid ito sa taas and naiwan siya sa loob ng kotse. Tumitindi na rin ang nararamdamang panibugho ni Divine sa pagkakataong ito. And inamin na niya sa sarili na nagseselos siya.
Makalipas ng sampung minutos ay bumalik na rin si Jaime. Determinado na si Divine na kausapin si Jaime tungkol sa agreement nila. Ayaw niya yung walang hangganan ang pagbabayad kaya sasabihin na niya ito uumpisahan na niya ang pagbabayad.
“Jaime, pwede ba tayong mag-usap?” panimulang tanong ni Divine.
“Tungkol saan?” he answered back while driving.
“Tungkol sa pagbabayad ko. Gusto ko sana matapos agad. Nagsubmit na ako ng application para sa Singapore at malaki ang tsansa ko na matanggap kasi sister company namin ang papasukan ko dun. Baka sa loob lang dalawang buwan ay pwede na akong umalis.” Sagot ni Divine.
Natahimik si Jaime sa sinabi ni Divine.
“Akala ko ba gusto mong hintayin muna na makalabas sa ospital ang papa mo? Pabor sa akin yan. Paano, umpisahan na ba natin ngayong gabi?”
Nagsimula na namang mainis si Divine kay Jaime pero huminga siya ng malalim bago nagsalita ulit.
“Pwede bang huwag mo akong tratuhing ganyan. Tao ako at huwag mo akong bastusin. Pwede naman tayong mag-usap ng maayos at di yung lagi ka na lang nang-iinsulto.” Ganting sagot ni Divine na may diin ang pagkakasabi.
Kibit balikat at isang whatever lang ang sinagot ni Jaime.
“Bukas na bukas din pwede na akong magsimulang magbayad. Sasabihin ko na lang sa pamilya ko na may nakuha akong pang-gabing trabaho.” Pag-eexplain ni Divine sa set-up nila.
“Bahala ka.” Maikling sagot ni Jaime kay Divine.
Habang tinatahak nila ang daan pauwi kina Divine ay nanatiling tahimik na naman silang dalawa.
Two blocks away sa bahay nina Divine ay may naramdaman siyang may humawak sa kanyang kamay. She looked at her hand and nakita niyang hawak ito ni Jaime but his gaze are still on the rode. Nung una ay pinipisil pisil lang ito ni Jaime. Maya-maya ay naka intertwine na ang kanilang mga daliri. Nuong una ay nanatiling manhid lang si Divine pero sa kalaunan ay nagrespond na rin siya.
Nasa tapat na sila ng bahay nina Divine pero nanatiling na nakahawak pa rin si Jaime sa kamay niya. She tried to let go but he won’t allow her.
“Salamat sa paghatid Jaime.” Divine broke the silence.
Tango lang ang isinagot ni Jaime but still hindi pa rin nito binitawan ang kamay niya.
“I have to go.” Dugtong ni Divine.
Nung matantong lumuwag na hawak ni Jaime sa kanyang kamay ay tila iyon ang hudyat ni Divine para bumaba na ng sasakyan. Pero hindi pala iyon ang plano ni Jaime. Matapos kalasin ni Divine ang seat belt at naghanda ng bumaba ay bigla na lang siyang niyakap at hinalikan ni Jaime. Huli na nung namalayan niyang nakayakap at tinutugun na rin ang halik ni Jaime. It seems that they cannot get enough of what they did several hours ago.
Sa mga taong hindi alam ang totoong nangyayari sa kanila ay aakalaing karaniwang magkasintahan lang sila.
“Jaime, I have to go.”
“Ok. Thank you ha.” Sabay hawak nito sa mukha niya. He traced his fingers on her forehead to her jaws. “I’ll fetch you to work tomorrow. Diretso ka tayo sa bahay afterwards. And for our deal, it will just be good for one month then after that I’ll let you go and all your debts will be paid.”
Tango lang isinagot ni Divine. Pagod na din siyang makipagbangayan kay Jaime. Alam din kasi niya na dun ang punta nila. It’s just a matter of starting it.
Nung makababa na si Divine ay bumukas ang bintana ni Jaime at muli siya nitong tinawag. Pagkalapit ni Divine ulit sa kotse ay bumaba si Jaime at pinindot nito ang lock ng kotse at sumama sa kanya papunta sa bahay nila.
At their doorstep ay muli siyang hinalikan ni Jaime. He cupped her face and give her a very intimate kiss na nagpapagulay ng mga binti ni Divine kaya wala siyang mapagpipilian kundi kumapit sa binata kung hindi ay baka babagsak siya.
Nasa ganung tagpo sila nung mabuksan ni Auntie Lhee ang pinto.
“Vine, ikaw na ba ya...” di natapos ni Lhee ang sasabihin.
Namula ang dalawa at napatawa na lang. Napayakap si Divine kay Jaime and hid her face literally in his chest. Si Jaime naman ay napatawa ng mahina at muling binigyan si Divine ng quick kiss.
“Good evening po. Inihatid ko lang si Divine.” He said shyly.
“Ay napansin ko nga. Good evening din. Aalis ka na nga ba or kulang pa?” tudyo ni Lhee.
“Auntie! Tumigil ka!” saway ni Divine at kumalas na sa pagkakayakap kay Jaime.
Nagkatawanan na lang silang tatlo at tuluyan ng nagpaalam si Jaime sa kanila.
“Tapatin mo nga ako Ate, kayo na ba ulit ni Dr. Jaime?” seryosong tanong ni Lhee kay Divine. Karaniwan ng tinatawag na Ate sa bahay ng mga Serafin si Divine.
Hindi sinagot ni Divine ang tiyahin. Patuloy lang itong nagliligpit ng gamit sa kwarto nila.
Huminga ng malalim si Lhee sabay iling.
“Ate, kahit hindi mo aminin sa akin pero base sa nasaksihan ko, may namumuong relasyon ulit sa inyong dalawa. Siguraduhin mo lang na kakayanin mo ito ha at kaya mong kontrolin ang sitwasyon. Gusto ko lang ulit ipaalala sayo ang nangyari dati.”
Gusto ng isigaw ni Divine ang nilalaman ng utak niya. “Auntie Lhee! Walang kami! Parausan at nagbabayad lang ako ng utang kay Jaime!” Pero sa halip na iyon ang sasabihin ay iba ang isinagot ni Divine sa tiyahin. “Auntie Lhee, kaya ko ang sarili. Sana ilihim niyo muna kina Mama ang nasaksihan mo kanina. Oo nagkikita kami pero basta hanggang duon na lang muna ang kaya kong sabihin sa inyo.”
“Talagang ililihim ko muna sa nanay mo ang lahat ng ito. Sa dami ba naman ng problema natin ngayon ay daragdagan ko pa ang mga alalahanin nila. Oo nga pala, sabi pala ni Dr. Ives kanina na baka sa susunod na araw ay pwede na lumabas si Kuya Serion.”
“Opo Auntie Lhee. Sana nga makalabas na si papa at sabi ni Dr. Ruiz na hintayin lang daw ng isang buwan at lalagyan na ng takip yung butas sa ulo ni papa. Nga pala, umpisa bukas ay may part-time job na ako. Actually contractual job lang ito para makabayad ng utang. Di lihim sayo na si Dr. Ruiz ang tumutulong sa atin sa kalagayan ni papa di ba? Magtatrabaho ako sa kanya after office hours. Isa ako sa magiging medical transcriptionist niya.” Paglalahad ni Divine sa tiyahin.
“Medical transcriptionist? Bakit medical student ka ba para pwede ka dun?” nagtatakang tanong ni Auntie Lhee.
“Kahit hindi Auntie Lhee ay kakayanin ko yan para sa pamilya natin. Kahit anong trabaho para lang makabayad tayo sa utang natin kay Dr. Ruiz ay gagawin ko.” At dahil dun ay nag-umpisa ng tumulo ang mga luha ni Divine.
Natameme si Auntie Lhee at naawang niyakap ang pamangkin at tuluyan na din itong naiyak.
“Di bale Ate, may awa ang panginoon. Kakayanin natin itong lahat. Tahan na ha. Ako na bahala mag papaintindi kay Ate Lily. Paano pala, anong oras ang trabaho mo? Paano ang iba mong trabaho?” rapidong tanong ni Auntie Lhee.
Pinahid na muna ni Divine ang luha bago nagsalita. “Isa pa pala yun Auntie Lhee, magboboard na muna ako para di ako mahirapan magcommute papunta ng trabaho. Napag-usapan na namin yan ni Dr. Ruiz at kasama sa sweldo ko ang board and lodging at siya na din po ang bahala sa tirahan ko.” Paghahabi ng white lies ni Divine. She need to do it para di mag-alala ang pamilya and she said it like how Jaime instructed her to say it.
“Ganun ba? Ang bait talaga ni Dr. Ruiz ano. Magpakabait ka duon ha. At huwag kang makakalimut bumisita sa atin.”
Tango lang ang isinagot ni Divine at di pa rin matingnan sa mata ang tiyahin dahil natatakot siyang mabisto. Sa isip ni Divine, “Auntie kung alam niyo lang po ang totoo baka po di niyo kayang sabihan ng mabait ang Dr. Ruiz na yan!”
Habang nag-aayos si Divine ng mga gamit para sa pagtira sa bahay ni Jaime ay hindi nito maiwasang isipin kung bakit bigla na lang iniksi-an ni Jaime ang kasunduan nila. Dahil ba kay D ang lahat?
“Divine, magbabayad ka lang ng utang and nothing else kaya umayos ka.” Pangaral ni Divine sa sarili silently.
Chapter 10:
Isang blink ng headlights ang nagtuntun kay Divine sa pupuntahan. Di niya nakilala ang kotse kasi di ito ang dala ni Jaime lagi.
Lumapit siya sa kotse at bago pa siya makalapit ay lumabas na ang pamilyar na bulto ni Jaime at nakabukas na rin ang trunk sa likod. Sinalubong siya ni Jaime para tulungang bitbitin ang dalawang may kalakihang bags. Nagtataka siya bakit sa likod siya iginaya ni Jaime at yun pala dahil nasa harap si D naka-upo.
“J, ako na diyan sa likod. Mauna din naman akong bababa di ba?.” Sabi ni D.
“No, just stay. Nahihilo ka kanina pa di ba?” Sagot ni Jaime kay D.
“Hi Divine. Kumusta ka na? Pasensya ka na ha. Nahihilo lang talaga ako.” Pagbati ni D kay Divne.
“Ok lang Dr. D. Kumusta na po pakiramdam mo?” tanong ni Divine kay D.
“Mabuti buti na pero medyo nahihilo pa rin ng konti.” Sagot ulit ni D.
At umusad na ang kotse at di pa rin maawat si Jaime sa pag-alala sa kalagayan ni D. Ayaw man ni Divine na pansinin pero parang nagseselos siya sa tuwinang pinagtutuunan ng pansin ni Jaime si D.
Naihatid nila si D sa bahay nito at hinatid ulit ito ni Jaime sa may pinto. Pinalipat siya ni Jaime sa harap katabi nito pagkabalik nito ng kotse at umusad na ulit sila pauwi sa bahay ni Jaime.
“Kumain ka na ba?” Malumanay na tanong ni Jaime.
Iling lang isinagot ni Divine. Normal na silang nag-uusap pagkatapos ng tanong na iyon. Mukhang hindi na galit sa kanya si Jaime at wala pa siyang naririnig na sarcasam galing dito.
Pagdating nila sa bahay ni Jaime ay inalalayan siya nitong bumaba at sinabihang hayaan na ang mga gamit sa mga katulong na magdadala na sa loob ng bahay. Nagpahanda si Jaime ng pagkain nilang dalawa at inihatid siya nito sa kwartong gagamitin.
Laging gulat ni Divine na hindi pala siya sa kwarto ni Jaime matutulog nung sabihin nitong ookupahin niya ang kwartong katabi ng kwarto nito. Pero nanatiling tahimik lang si Divine at di nagtanong kay Jaime bakit di sila tabing matulog. Somehow she’s disappointed knowing about it.
“Magpahinga ka muna ng sandali and let’s have dinner after 30 minutes. I’ll just take a quick shower too.” At umalis na rin si Jaime para pumasok sa kwarto nito.
Isang mahinang katok ang gumising kay Divine. Bago pa siya makatayo ay nakita niyang may sumilip sa kanyang pintuan sa banyo. Connecting at share sila ng banyo ni Jaime. Hubad baro sa pang-itaas si Jaime at naka pajama lang. May kalamigan ang kwartong iyon kaya nasa ilalim ng comforter si Divine. Tumabi si Jaime sa kanya at nakishare ito sa comforter. Magkaharap silang dalawa at walang imik na nagtitigan lang.
Kanina nung kumain sila ay napagkasunduan nilang magtruce at huwag na munang mag-away. They agreed to enjoy the one month that they are together.
They’re both lying on their sides facing each other. Tinabig ni Jaime ang iilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ni Divine at pinalandas nito ang mga daliri tracing the bones of her face. Napangiti si Divine at tila nakikiliti sa ginagawa ni Jaime. Patuloy na lumalandas ang mga daliri ni Jaime and this time ay bumaba na ito shoulders down to her waist area at pumapaloob na ito sa ilalim ng t-shirt ni Divine.
Naging busy man ang kamay ni Jaime pero di pa rin umaalis ang mga titig nito kay Divine. May epekto kay Divine ang ginagawa ni Jaime. Nag-iinit na ang kanyang pakiramdam and her body is slowly responding. Mas lumapit na si Jaime kay Divine this time. Nawala na ang espasyong pumapagitna sa kanila.
Bumalik ang kamay ni Jaime sa mukha ni Divine and this time he traced her soft lips and his went down to her chin to tilt it for him to be given a better access of her lips and he savoured her sweet soft lips na nagpasinghap kay Divine.
Nung una ay banayad lang ang halik ni Jaime pero di nagtagal ay naging mapusok na ito at mapaghanap. Hindi na rin maiwasan ni Divine na tumugun na siyang nagpapangiti kay Jaime at tila naging hudyat nito para maisakatuparan ang pag-iisang katawan nilang dalawa.
It was blissful when they both reached their peaks. It is the first that Divine fully surrendered herself to Jaime with no inhibitions. Jaime guided and teached her how to do it and she’s a very good student.
Hapong-hapo silang dalawa pagkatapos pero nanatiling magkayap ang dalawa at nagsimulang umidlip. Hindi na alintana ni Divine ang lamig na dulot ng aircon dahil mainit ang katawang lupa ng kaniig. Si Jaime na ang humila ng comforter para itakip sa parehong hubad nilang katawan at hinalikan muna si Divine bago tuluyang umidlip.
Naalimpungatan si Jaime makalipas ng ilang oras at tila nabuhay na naman ang kanyang kalamnan nung matantong may katabi pala niyang natutulog si Divine.
Divine has nice long neck that is so hard to resist and Jaime didn’t stop himself to devour it once again. Jaime planted little kisses on Divine’s neck na nagbibigay ng kiliti kay Divine at dahil dun ay nagising itong humahagikhik.
Walang pinapalampas na sandali ang dalawa at nag-umpisa na namang magliyab ang di matulog tulog na apoy ng bawat isa. This time around ay si Divine naman ang naging mapusok at hinahayaan at ginaguide ito na Jaime sa gagawin.
Walang nagawang tulog ang dalawa dahil bukang liwayway na ay nagliliwaliw pa rin sa makamundong pagnanasa ang dalawang nilalang na kahit sa pagligo ay di pa rin naghihiwalay at di pa rin maawat ang tawag ng kamunduhan.
Hinatid ni Jaime si Divine sa office at pareho silang nalate dahil magbibihis na lang kanina ay naka isang bout pa ulit silang dalawa. Hindi maawat ang kakulitan ni Jaime talaga.
“I’ll fetch you later.” Sabi ni Jaime bago bumaba si Divine.
“Huwag na Jaime. Dadaan ako sa ospital mamaya. Sana makalabas na si Papa bukas.” Sagot ni Divine sa sinabi ni Jaime.
“I’ll clear him later para makalabas na siya bukas. After a month, ooperahan na natin ulit siya para matakpan ang butas. D will do the prosthetics and kami din magkateam na magkakabit.” Explain ni Jaime kay Divine about sa kalagayan ng ama.
Isang mahinang thank you ang isinagot ni Divine kay Jaime. Bago siya bumaba ay hinalikan muna siya ni Jaime not just once but thrice!
He just can’t get enough of her!
“Sa bahay na muna ako matutulog mamayang gabi Jaime ha. Uuwi na kasi si papa at kailangan ko lang asikasuhin.” Text ni Divine kay Jaime.
“Ok. No problem. Text me paglalagnatin ang papa mo ha.” Sagot naman ni Jaime.
“Ok. Salamat sa lahat ha.” Ganting sagot ni Divine.
Isang smiley lang pinapadala ni Jaime kay Divine. He can’t believe himself that he’ll be sending those kinds of texts. Aaminin man niya o hindi pero nagugustuhan niya ang set-up nila ni Divine simula nung nag-umpisa ang kanilang kasunduan. Simula ng nagtruce sila ay di na sila ulit nagbangayan. Si Divine man ay nagpapakita din ng sweetness sa kanya at lagi siya nitong inaasikaso. Napipilitan na siyang magbreakfast kada umaga kasi nagluluto si Divine tuwing umaga kasi kumakain talaga ito ng breakfast.
Tila nawaglit na nga ata sa isip ni Jaime ang pinaplanong paghihiganti kay Divine.
Masaya ang pamilya Serafin sa pag-uwi ng padre de pamilya sa tahanan nila makalipas ang dalawang buwan nitong pananatili sa ospital. Masayang nagsalo-salo ang pamilya nung may narining silang katok sa pintuan.
Si Pao ang tumayo para buksan ang pintuan at laking gulat ni Divine nang masilayang si Jaime pala ang dumating.
“Doc, hali ka saluhan mo kami sa pagkain. Pagpasensyahan niyo na din po ang munting salo-salo namin.” Yaya ni Aling Lily sa doctor.
“May dala po akong lechong manok at pansit Aling Lily at talagang makikisalo ako sa inyo. Paborito ko po ang nakahain sa mesa niyo.” Sabay nguso nito sa sinigang.
“Ay nako ganon ba. Sinigang pala paborito niyo. Gawa po ni Divine yan. Halika na po kayo. Nak, ikuha mo na ng plato’t kubyertos si Doc Jaime.” Natarantang sabi ni Aling Lily sa anak.
Napangiti na lang si Divine sa ina at ikinuha pa din ng gamit si Jaime. Magkatabi sila sa hapag kainan at nilagyan niya ng pagkain si Jaime. Si Pao at Auntie Lhee ay sarap na sarap na pinapapak ang manok na dala ni Jaime habang si Mang Serion ay nakangiti lang na pinagmamasdan sila. Nakikipagkwentuhan na rin ito sa kanila.
May mga dessert ding dala si Jaime na pinagsasaluhan nilang lahat pagkatapos kumain. Hindi na pinatulong ni Aling Lily sa pagligpit ng kinainan si Divine. Pinahatid na lang nito si Jaime sa sasakyan matapos itong pasalamatan nung nagpapaalam na.
“Salamat sa pagdalaw Doc ha. At maraming salamat sa pag-aalaga sa asawa ko.” Pagpapasalamat na sambit ni Aling Lily kay Jaime.
“Walang anuman po. Tungkulin ko din po ang tumulong alinsunod sa aking sinumpaang tungkulin.” Nakangiting sambit ni Jaime.
“Ma, hatid ko lang si Doc Jaime sa labas.” Pagpapaalam ni Divine sa ina.
“Oo nga hatid mo muna si Doc. Huwag kang magtagal ha!” panunuyang sambit ni Auntie Lhee sa pamangkin sabay kindat dito.
Pinandilatan lang ni Divine ang tiyahin at umalis na rin ito para ihatid sa labas si Jaime.
Nung malapit na sila sa kotse ni Jaime ay walang pasabing sinambulat ni Jaime si Divine at hinalikan. Dahil sa gulat ay napakapit si Divine kay Jaime.
Mabuti na lang pundido ang ilaw ng Meralco sa bahaging iyon at di sila aninag ng mga tao. Di na rin nagpakipot si Divine at tinugun na rin ang halik ni Jaime.
“I miss you. I wish you could go home with me tonight.” Sabi ni Jaime in between kisses.
“Pasensya na Jaime but kailangan ko munang samahan sila papa.” Sagot naman ni Divine.
“I know. I just can’t get enough of you.” At mas lumalim pa ang halik nito nung sambitin ang mga katagang iyon.
Natatangay na si Divine pero nung maalalang nasa daan sila ay pinigilan na nito si Jaime.
Niyakap siya ni Jaime at hinalikan muli bago tuluyang nagpaalam na ito sa kanya. Umandar na ang kotse ni Doc Jaime nung biglang nagpreno ito at binuksan ang bintana. Tinawag muli nito si Divine at may binigay ito na isang regalong nakabalot sa isang magandang box.
“Ano ito Jaime?” tanong ni Divine.
“Buksan mo mamaya para malaman mo.” Nakangiting sambit ni Jaime at sa muli ay inabot nito ang kamay sa mukha ni Divine at sa muli ay hinalikan ulit ito bago tuluyang umalis.
Pagdating ni Divine sa bahay ay naulingan niyang tinatanong ng mama niya si Auntie Lhee tungkol sa kanilang dalawa ni Jaime.
“O ayan Ate, si Divine na lang tanungin mo tungkol sa kanila ni Doc Jaime. Wala akong alam diyan.” Sabay kindat nito kay Divine.
“Hay nako Ma, masyado kayong tsismosa. Wala po. Wala!” at binirahan niya ito ng alis at pumunta sa kwarto at excited na binuksan ang box na binigay ni Jaime.
Tumambad sa kanya ang isang white gold na bracelet na may palawit na cookie monster incasted still in white gold. Napasinghap si Divine sa nakita at napangiti nung maalalang natatandaan pa rin pala ni Jaime ang kanyang favorite character. Bumungisngis si Divine dahil naalala niya ang pantulog na cookie monster. Siguro yun ang nagpaalala kay Jaime kaya binigyan siya nito ng ganun.
Tinext niya ito para pasalamatan. At nagreply ito na “I’m glad you like it. I still miss you and still wishing you’ll be in my arms tonight.”
“Hehehe...bukas po, I’ll be sleeping in your arms na.” Sagot naman niya kay Jaime.
“I’m glad we’re like this now. Someday we need to talk. Gud nyt and sleep tight.”
“Nyt nyt mwah!” ang panghuling text ni Divine kay Jaime.
She slept with a smile on her face that night but she admitted to herself that she indeed missed the body heat coming from Jaime.
“Honey I’m home!!!!” sigaw ni Jaime pagdating niya ng bahay.
Palabas na si Divine galing sa kusina papunta sa dining area bitbit pagkaing niluluto. May tatlo pang helper na nakasunod sa kanya at may bitbit din ang mga itong pagkain.
Napangiti si Divine nung makita si Jaime na lumapit sa kanya at binigyan siya ng halik kahit nasa harap ng mga katulong.
“Jaime, teka teka. Baka mabuhos ko sayo ang pagkain.” She said in between kisses.
Pero di pa rin nagpaawat si Jaime kaya kinuha na ng mga katulong ang bitbit ni Divine at umalis na rin ang mga ito at hinayaan silang dalawa sa ginagawa. Kinakalas na ni Jaime ang apron na nakakabit kay Divine but still not releasing her mouth. Biglang pinangko ni Jaime si Divine.
“Jaime, ano ang ginagawa mo?” shock na sabi ni Divine nung namalayang wala na pala sa lupa ang kanyang mga paa.
“Dinner can wait but I can’t.” pagmamadaling bitbit ni Jaime kay Divine patungo sa silid na inuokupa ng dalaga. And they shared a quick heavenly appetizer right before dinner.
Pagbaba nila ay pinainit na nalang nilang muli sa mga katulong ang pagkain at nagkatawanan na lang. Kung titingnan ay parang tunay silang mag-asawa dahil asikasong asikaso ni Divine si Jaime and vise-versa.
“Jaime, pupunta pala ako ng Cebu sa Thursday at Sunday na ako makakabalik.” Pagpapaalam ni Divine kay Jaime. “Meron kasi kaming mass hiring for Visayas and Mindanao personnel.” Pagpapatuloy na sabi ni Divine.
Tango lang ang isinagot ni Jaime pero tumahimik ito. Napansin ni Divine ang pananahimik ni Jaime kaya hinawakan nito ang kamay ng doctor sabay sabi “I’ll be back on Sunday morning kaya huwag na po ikaw magalit.” Paglalambing niya dito.
“Aasahan ko yan ha.” Sabi nito na nakangiti sabay halik kay Divine at ipinagpatuloy na ulit nito ang pagkain.
Malaki ang ipinagtataka ni Divine dahil kung sa ibang pagkakataon ito ay nagsnap na agad si Jaime pero simula ng nagtruce sila ay di na ito nagagalit.
Ganun pa rin ang kanilang set-up, may sariling kwarto si Divine that Jaime would end up spending the night with her all the time.
Nung gabing iyon ay nagtataka si Divine nung pagising niya ay wala si Jaime sa tabi niya. They just made love that night and she slept in his arms and ended up waking alone in her bed.
Pumunta sa banyo si Divine para hanapin si Jaime pero di niya ito mahanap. She knocked on the connecting door to his room pero walang sumasagot kaya itinulak ni Divine ang pintuan at nakita niyang nakaupo si Jaime sa lazyboy at natutulog. May hinahawakan itong isang velvet na bluebox. May malumanay na tugtug playing on the background.
Kumuha ng kumot si Divine at kukumutan sana si Jaime nung maalimpungatan ito. Mabilis nitong tinago sa likod ang bitbit na blue velvet box at umupo ng maayos.
Tanging mga lampshade lang ang nakasindi sa kwarto ni Jaime kaya aninag nito ang kabuuhan ni Divine na manipis na nighties lang ang suot. Inaya ni Jaime si Divine to sit on his lap and she obliged.
“Have I told you that I am very happy when I’m with you.” malambing na sabi ni Jaime kay Divine.
He continued, “I wish this would never end. I wish that we can like this for the rest of our lives.” And slowly planting little kisses on her neck.
“I wish that I can keep you.” Continued Jaime. Jaime deepened his kiss to the willing Divine. Divine wanted to answer Jaime that she felt the same way though she still feel terrified.
Tumayo si Jaime sa kinauupuan at bitbit si Divine papunta sa kama nito ng hindi pa rin tinantanan ang paghalik sa mga labi nito.
Alam ni Divine na talo siya sa larong ito pero she’s willing to take the risk. Hindi na pagbabayad utang ang nadarama niya sa mga pagkakataong ito bagkus ay inamin na niya sa sarili na mahal pa rin niya si Jaime. Gusto na niyang ipagsigawan kay Jaime na yayain siya ulit magpakasal pero nahihiya siya.
Nasa ruruk na sila ng pagniniig at parehong windang sa nadarama. Kung baga nasa cloud 9 na ang pakiramdam ni Divine nung tila may narinig siyang sinabit ni Jaime ang katagang I LOVE YOU. She uttered the same words in her mind silently.
kasabay ng pagwakas ng tugtug sa radio ay kasabay din ang pagpapakawala ni Jaime sa mga sundalo sa kampo ni Divine. Magkayap silang natulog finally sa kama ni Jaime sa pagkakataong ito.
Chapter 11:
Cebu Waterfront Hotel, Conference Room
Nagmamadaling pumunta sa registration area si Divine para salubungin ang delivery man matapos ibalita sa kanya ng kasamahan sa trabaho na may delivery daw para sa kanya. Shock is an understatement sa naramdaman ni Divine nung makitang hawak-hawak ng delivery man ang isang boquet na tantiya niya ay tatlong dosenang pulang rosas at isang malaki ding cookie monster na stuff toy.
“See you tonight – J” lang ang nakasulat sa kahita na nakalagay sa may leeg ng stuff toy.
Kinahapunan ay nasa lobby na si Jaime na naghihintay sa kanya. He looked so fresh in his white longsleeve polo na naka tupi sa siko and in his blue jeans. Parang nakalimutan ni Divine ang sitwasyon at bigla siyang napayakap dito and Jaime gave her a kiss.
Hindi nakaligtas sa mga mata ng kasama ni Divine sa office na kinikilig sa nasaksihan ang nangyari.
“Bakit nandito ka pala? May business trip ka rin ba?” tanong niya kay Jaime.
He just smiled at muli siyang niyakap.
“I missed you that why I’m here.” Sagot ni Jaime sa tanong ni Divine.
“Ha? Sira ka talaga! Uuwi naman ako bukas ah!” naiiling na sambit ni Divine.
“Well, I can’t wait bukas.” Nakangiting sagot ulit ni Jaime.
Divine can only roll her eyes at nagpaalam sa mga kasamahan nung yayain na siya ni Jaime na umalis.
Jaime asked her to check-out in her hotel and moved to his hotel room and yun pala yung ticket niya ay extended na rin kagaya ng return trip ni Jaime.
Lulan sila sa car service ng hotel where Jaime is staying and pabalik na sila sa Shangri-la Hotel Mactan. They’re staying there for the weekend and Jaime prepared for that trip. Nag-alala pa si Divine dahil wala naman siyang appropriate na damit para sa weekend na iyon pero pagdating niya sa room nila ay nandun na lahat ng kakailanganin niya.
Last night na nila sa resort and they had an exclusive dinner in one of the cabanas by the sea at sa kalagitnaan ng dinner ay may inilabas si Jaime. Isang blue velvet box at pinabubuksan niya ito kay Divine. Kinakabahan si Divine dahil feeling niya yayayain na siya nitong muli magpakasal.
Tumambad sa paningin ni Divine ang isang 2 karats heart shape solitaire diamond ring. Hindi siya mahilig sa diamond pero parang nagsparkle ang kanyang mga mata sa nakita. She became speechless.
Hinihintay ni Divine ang itatanong ni Jaime pero iba ang sinabi nito.
“I want you to have it. I was supposed to give you that when I asked you to marry me.” Pasi-unang sabi ni Jaime kay Divine.
“It’s really for you and your name is engraved on the ring. Pagbalik natin sa Manila, you can go home to your family.” Hinawakan ni Jaime ang kamay ni Divine. “I am being unfair to you. I’m so sorry for what I have done.” Kinuha nito ang kamay ni Divine and dinala sa bibig at hinahalikan. This time, may mga luha na sa mata ni Jaime.
“I’m so sorry. I just don’t know what to do and I cannot afford to lose you. I’m letting you go Divine. I promised not to mend with your life again.” At tumayo si Jaime away from Divine. Divine is already crying. Just when she was about to say yes to his proposal ay saka naman nag-give up si Jaime sa kanilang dalawa. Nanatiling naka-upo si Divine habang si Jaime ay nakatayo malapit sa dagat. He was trying to calm himself. Hithit buga ang ginawa niya sa sigarilyong sinindihan.
Binalikan ni Jaime ang pag-uusap nila ni D bago siya tumulak papuntang Cebu.
“J, you have to let her go. Unfair yung ginagawa mo.” Seryosong sabi ni D kay Jaime tungkol sa current set-up nila ni Divine.
Tahimik lang si Jaime pero halata na namumula at nagpipigil ng galit.
“Look, be reasonable. Unfair kay Divine ang ginagawa mo. What if hindi niya gusto ang set-up niyo? What if napipilitan lang siya? Have you even asked her about it?” sunod-sunod na tanong ni D kay Jaime.
“But we’re ok since she moved in with me. I mean we’ve had great sex since then.” Pag-eexplain ni Jaime.
“But ang tanong is did you ever ask her if she’s happy? If she’s happy with you? Baka merong ibang napupusuan si Divine but she’s just being a good child that’s why she agreed with you.”
Ang mga sinabi ang nagpapa-isip kay Jaime.
“Alam mo J, if you really love her, you have to let her go. Be a man. Manligaw ka ulit. Start from the beginning. Give her back her life. Ok friend?” Niyakap ni D ang kaibigan at tumayo na ito at iniwan sa kinauupuan nila.
Paglingon ni Jaime ay wala na si Divine sa kina-uupuan. Huminga siya ng malalim at hinayaan na muna ang dalaga. Saka na siya aakyat sa kanilang silid para maiwasan ang anumang kumprotasyong maaring mangyari. Hindi pa siya kalmado at natatakot siya kung saan na naman hahantong ang lahat.
Nasa silid na si Divine at nasa gitna siya ng kama at yakap yakap ang mga binti. Di pa rin maawat ang mga luhang kanina pa tumutulo.
Iba ang naglalaro sa isip niya kung bakit bigla na lang siyang pinakakawalan ni Jaime. Dahil ba kay D? Papakasalan na ba nito si D? Nalaman pa man din niya sa mayordoma ni Jaime na kababata daw nito si D at parang silang dalawa ang gusto ng mga magulang ni Jaime na makatuluyan nito. At dahil umuwi na si D ay baka magpapakasal na nga dalawa.
Ang dami-daming mga alalahanin na naglalaro sa isip ni Divine pero nanghihinayang pa rin siya dahil akala niya patungo na sila ni Jaime sa pag-iisang dibdib.
Naagaw ang pansin niya sa blue velvet box na nasa side table. Pinahiran niya ang luha at kinuha ang box at binuksan. Kinuha ang singsing at sinipat muli. Ang ganda ng singsing. Pumapatak na naman muli ang mga luha ni Divine nung mahawakan ang singsing. Naagaw ang pansin niya sa mga katagang naka inscribe sa loob. “Ur My Lyf” At mas napa-iyak si Divne sa nabasa. Isinuot niya ang singsing sa daliri at mas lalong napaiyak nung matantong kasyang kasya sa kanya at bagay na bagay sa kanya. Tila parang hinulma talaga ito na parang kanyang kanya.
“Akala ko pa man din may patutunguhan ang lahat ng ito Jaime. Akala ko...” at nakatulugan niya ang alalahaning iyon.
Madaling araw na nang pumanhik si Jaime. Nag-umpisa na namang magbantang pumatak ang mga luha nung makita si Divine. Letting go of her is the hardest part. But he has to do it to be fair to her.
Maingat na humiga si Jaime sa kamang pinagsasaluhan nila. At instinct ata kasi nung maramdaman ni Divine unconsciously ang katabi ay nagsusumiksik ito at nakikiamot ng init ng katawan ng katabi. Kinabig ni Jaime ang katabi at niyakap. Ang kaninang pinigilang mga luha ay unti-unti ng tumutulo. He tried his best to conceal it but isa-isa na itong tumutulo so he look up for it to stop from flowing.
Maya-maya ay yumuyugyug na rin ang balikat ng kayakap na babae at dun na tuluyang pinakawalan ni Jaime ang mga luha. Niyakap nito ng mahigpit si Divine na yumakap na rin sa kanya. Kapwa hilam sa luha ang mata nung tiningala ni Jaime ang baba ni Divine so that they can see each other eye to eye.
Walang salitang namutawi sa kanilang dalawa. Bagkus ay bumaba ang mga labi ni Jaime sa labi ni Divine and captured it. They made love that night. It was slow and sweet at dinama nila ang katawan ng isa’t isa na animo’y minimemorya ang bawat detalye.
When they both reached their climax ay sabay nilang pinakakawalan ang mga damdamin at di na napigilan ni Jaime na bigkasin ang katagang matagal na gustong marinig ni Divine. She replied again silently in her mind for she find it no use to let him know because matapos ang gabing ito ay tapos na ang ugnayan nilang dalawa.
Natulog silang mahigpit na magkayakap.
Kinabukasan ay late na silang nagising pareho at di na nagkaroon ng pagkakataong mag-usap dahil kapwa nagmamadali ng magligpit ng gamit at maghanda papunta ng airport. Ilang minutos na lang ay boarding na nung dumating sila.
All throughout the trip ay binirahan nilang pareho ng tulog or baka nga sadyang iniiwasan nilang dalawa ang pag-usap ang ukol sa kanilang dalawa.
Pagdating nila sa Manila ay hinatid ni Jaime si Divine sa bahay nito.
“Thank you.” Sabay hawak nito sa pisngi ni Divine.
“Thank you din sa lahat.” Ganting sagot ni Divine na nakasmile kay Jaime.
“I’ll miss you.” Ani ni Jaime na di nilalayo ang titig kay Divine.
“I’ll miss you too.” And this time si Divine na mismo ang humalik kay Jaime. Nagtagal ang halik na iyon dahil ayaw ni Jaime maglet go.
Chapter 12:
Pagdating ni Jaime sa bahay ay diretso siya agad sa kwarto at inihiga ang pagod na pagod na katawan. He covered his eyes with his arms dahil nagsimula na namang tumulo ang mga luha. Can he totally let of Divine?
Isang pasya ang nabuo kay Jaime. Simula bukas ay liligawan niya ulit si Divine at gagawin niya ang lahat sa ubod ng kanyang makakaya na mapapasagot ulit ito. He won’t care even if she will reject him again. Ang importante ay maipaalam niya kay Divine ang totoong naramdaman at intension.
Tumayo si Jaime at binuksan ang travelling bag para makuha ang mga gamit nung mapansing nandun ang blue velvet box na binigay niya kagabi kay Divine. Kinakabahan man ay naglakas loob na rin siyang buksan ito at dun tumambad ang isang nakatuping papel na nakapaloob nito. He started reading the letter at mabilis pa sa alas kwarto ay bigla nitong sinara ang box and grab his keys and umalis sa bahay.
Wala pang isang oras ay nasa labas na siya ulit ng bahay nila Divine. Lumabas ng kotse si Jaime at kumatok sa pinto ng mga Serafin.
Si Auntie Lhee ang nagbukas ng pintuan at tila nagulat din sa pagdating niya.
“Doc, napadaan kayo? Si Divine po ba sadya niyo?” tanong ni Auntie Lhee.
“Magandang hapon po. Opo, pwede po bang maka-usap si Divine?” pagbibigay galang ni Jaime kay Auntie Lhee.
“Eh nasa kwarto po eh. Dumating kanina at di namin maka-usap kasi masama daw pakiramdam. Hanggang ngayon ay di pa rin lumalabas ng kwarto. Teka puntahan ko muna. Pasok po kayo. Pao, bigyan mo ng juice si Doc.” Sigaw ni Auntie Lhee kay Pao.
Pumasok si Jaime sa salas at naghihintay kay Divine. Tensyonado ito habang naghihintay. Pumasok naman si Auntie Lhee sa kwarto ni Divine at kinausap ang dalaga.
Maya-maya lang ay lumabas ulit ito at sinabi kay Jaime na hindi makabangon si Divine dahil sa sama ng pakiramdam. Nag-aalala si Jaime sa kalagayan ni Divine kaya sinabi nito kay Auntie Lhee kung pwede ba niyang suriin si Divine na pumayag naman agad ito dahil nga doctor ang kausap.
Napasukan ni Jaime si Divine na namimilipit sa sakit ng tiyan. Pawis na pawis ito. Mainit ito at nung hinawi ni Jaime ang kumot na nakatakip dito ay nababanaag niya na may dugo ang damit nito sa bandang ibaba.
“Mam, ganito ba lagi si Divine pagdinadatnan?” tanong ni Jaime kay Auntie Lhee. Pero iba ang kutob niya.
“Hindi po Doc. Regular po yan at parang wala lang pagdinadatnan.” Sagot ni Auntie Lhee na sa pagkakataong iyon ay nagsimula ng kabahan.
“Dadalhin ko po siya sa ospital. Sundan niyo na lang kami duon. Kayo na po ang magpaliwanag sa kanila at magdala na rin po kayo ng mga gamit ni Divine.” At pinangko na ni Jaime si Divine palabas ng bahay na nawalan na ng malay.
Pinaharurut ni Jaime ang sasakyan at dali-daling ibinaba sa ER si Divine. Habang nasa daan ay tinatawagan na ni Jaime ang inang si Dra. Mye kasi malakas ang kutob niyang buntis si Divine at baka nagbebleeding ito.
Agad agad na tiningnan ng ina ang babae at nagperform ng mga test to check if she’s really pregnant and indeed she is. Inultra-sound ni Dra. Mye si Divine at duon nalaman na she’s 6 weeks on the way at muntik ng magthreaten abortion kung di agad nadala ito ni Jaime sa ospital.
Nailipat na si Divine sa isang private room at mapayapang natutulog. Hindi umalis si Jaime sa tabi nito kahit dumating na ang pamilya ni Divine. Hindi na muna kina-usap ng mga ito si Jaime pero nalaman na rin ng mga ito ang kalagayan ni Divine dahil sa pag-eexplain na rin D nandun din.
Napa-iyak sina Aling Lily at Auntie Lhee nung nalaman ang kalagayan ni Divine. Si Pao ay di na sumama kasi ito ang naiwan kay Mang Serion.
Pinayuhan na muna ni D sina Aling Lily at Auntie Lhee na hayaan na muna ang dalawa na makapag-usap and she assured them that everything will be alright at balikan na lang kamo si Divine kinabukasan. Si Jaime na ang bahala sa anak nila.
Napapayag naman ni D ang dalawa basta nangako itong e tetext sila pagnagising na si Divine at nangako naman si D.
Binalikan ni Jaime ang liham ni Divine sa kanya na nakalakip sa blue velvet box.
Dear Jaime,
Hindi ko alam kung para ba talaga sa akin ang singsing na ito o karapat dapat ba ako sa singsing na ito kaya minarapat kong ibalik na lang ito sayo. I cannot afford to wear this knowing that I am not the one you want to spend your life with. Mas nararapat siguro na ibigay mo ito sa babaeng totoo mong papakasalan. Gusto ko din magpasalamat sayo sa lahat ng tulong mo sa pamilya ko.
These past few days, in my wishful mind, I thought things are doing well between us but I guess I’m wrong. I was about to give ourselves a chance but I think somethings are not meant to be. Gaya ng pagpapalaya mo sa akin ay pinapalaya na rin kita.
Sa lahat lahat, maraming maraming salamat. Sa pagmamahal at atensyon, maraming maraming salamat pa rin.
This time I will say it to you out loud that Yes I love you Jaime. I love you still. Nuon at mapahanggang ngayon.
So I guess this is good-bye.
Love,
Divine
Hinawakan ni Jaime ang kamay ni Divine at hinalikhalikan. “Honey, please wake up. I love you so much.”
Nakatulugan ni Jaime na hawak ang kamay ng babaeng sinisinta. Bakas pa rin ang mga natutuyong dugo sa puting polo ni Jaime dahil namantsahan iyon nung pangkuin nito si Divine para isakay sa kotse.
May pumasok sa loob ng kwarto ni Divine at hinawakan ang balikat ni Jaime.
“Jaime, anak. Wake up.” Malumanay na pag-gising ni Dra. Mye sa anak.
“Mom...” sagot ni Jaime.
“Hijo, you need to rest. Pabantayan na muna natin si Divine kay Nurse Joric at halika at mag-usap muna tayo.” Yaya ni Dra. Mye sa anak.
“No Mom. Ako na magbabantay kay Divine. I want to be here when she wakes up. How is she? How’s our baby?” direktang tanong ni Jaime sa ina.
“What do you mean by that Jaime?” nagtatakang tanong ni Dra. Mye sa anak.
“You heard it right Mom. How’s my baby?” ulit ni Jaime sa tanong sa ina.
“You mean anak mo ang ipinagbubuntis ni Divine? Anak naman, bakit naman binuntis mo si Divine without marrying her? I know you’ve lived in the US for so long pero it’s still unacceptable to me na magkaroon ng bastardong apo. You have to marry her iho.” Tensionado man si Dra. Mye ay kalmado pa rin nitong kinakausap ang anak.
“Don’t worry Mom, before my kid will be born rest assured that we are already married. So kumusta ang baby namin?”
“If hindi mo nadala agad si Divine ay baka nalaglag na ang bata. Pero so far, matindi din ang kapit ng angel niyo. But Divine has to be in bed rest kahit one week lang para di matagtag ang kanyang katawan. She needs a lot of rest.”
“I’m taking her home from here Mom. Pahiram muna kay Yaya Carmen para maalagaan niya si Divine habang nasa trabaho ako.”
“Oo anak. Ipapadala ko agad si Carmen sa bahay mo tsaka magtalaga ka na rin ng isa pang maid mo para laging may kasama si Divine. Kelan nyo ba balak magpakasal?” tanong ulit ni Dra. Mye.
“Soon Mom soon.”
“Nako ang anak ko magiging daddy na. I’m gonna ba a grandmother soon.” Sabi ni Dra. Mye at nag-umpisa ng tumulo ang luha ng kaligayahan nito. “Wait till your Dad would know about this. Can I tell him now?”
Niyakap ni Jaime ang umiiyak na ina at hinalikan sa pisngi.
“Nasaan ako at anong nangyari?” tanong nito kahit di pa maaninag ng maayos ang mga taong nasa tabi.
Hiwakan agad ni Jaime ang kamay ni Divine. “Honey, you’re in the hospital. Nagpass-out ka kanina. You are safe now. Ikaw at ang baby natin.” Sabi ni Jaime na nakangiti.
“Ha?”
“Rest now Hon. Let’s talk tomorrow.” At hinalikan nito ang noo ni Divine na napapikit na ulit na hawak hawak nito ang kamay ni Jaime at kahit nung tumagilid ay di nito binitiwan ang kamay na parang ginawa pang unan.
Napangiti na lang si Dra. Mye sa nasaksihan at nagpaalam na rin ito sa anak at sinabihan ito na papahatiran ng gamit sa driver.
Nagising si Divine sa ingay ng paligid.
“Shhhhhhhhh” di maiwasang sambit ni Divine na parang pangkaraniwang ginagawa niya pagnasa bahay siya at maingay si Mama niya at Auntie Lhee. “Konting katahimikan naman at may mga natutulog.”
Lalong umingay ang mga taong nandun at lumapit agad kay Divine.
“Shhhhhh! Shhhhhh! Shhhhh! Ang ingay!” sambit ni Divine na nakapikit pa rin ang mga mata!
“Honey, wake up! We’re all here.” Malumanay na sabi ni Jaime kay Divine.
Unti-unting dumilat ang mata ni Divine and was shocked to find out na ang dami palang tao sa kanyang kwarto.
“Ay sorry po. Good morning docs.” Nahihiyang sambit ni Divine and she pulled the blacket till her neck.
“Guys, pwede bang iwanan niyo muna kami. We just need to talk.” Sabi ni Jaime sa kasamahan.
Nagchorus ang mga ito sa pagsagot at isa-isang umalis sa kwarto ni Divine at solo na finally nina Jaime at Divine ang kwarto.
“Honey, how are you?” and he planted a kiss on her forehead.
“Jaime, anong nangyari?” nagtatakang tanong ni Divine kay Jaime.
Naintindihan ni Jaime kung bakit di matandaan ni Divine ang sagot niya sa parehong tanong nito kagabi kasi fully sedated ito kagabi.
“You’re pregnant Honey. We’re going to have a baby.” Nakangiting sambit ni Jaime kay Divine.
“Ha?” at wala sa loob na nahawakan ang maliit pa na tiyan. “Pero bakit ako nandito at bakit nakadextrose ako?”
“Muntik ka na kasing makunan Hon. Dinugo ka kahapon at buti na lang at naagapan agad.” Pag-eexplain ni Jaime kay Divine.
Napa-iyak si Divine sa isiping iyon at hiwakan muli ang tiyan.
“Hey, tahan na. Makakasama kay baby ang pag-iyak mo. Tahan na please.” Pag-aalo ni Jaime kay Divine.
Pero di pa rin maawat ang pag-iyak ni Divine kaya niyakap na ito ni Jaime.
“Sinong nagdala sa akin sa hospital? Wala akong matandaan eh. Last kong tanda ay nilalagnat ako at humiga.” Paglalahad ni Divine sa huling natandaan.
“Ako ang naghatid sayo sa ospital.” Maikling sagot ni Jaime.
“Paanong ikaw?” naguguluhan pa rin si Divine.
“Bumalik ako sa inyo matapos kong mabasa ang liham na nasa loob ng box.” At nilabas ni Jaime ang velvet blue box at kinuha ang laman nun at isinuot kay Divine.
“Will you marry me Honey?” proposed ni Jaime.
Muling tumulo ang luha ni Divine at di na ito makapagsalita.
“The words inscribed in the ring are true and are for you. I’ve had that engraved because that is how I felt towards you. Please marry me Divine. I promise to be a good husband and good father to our kids.”
“Please marry me.” Muling paki-usap ni Jaime kay Divine.
Hindi na sumagot si Divine pero niyakap na lang niya si Jaime.
“I thought you’ll never ask. I thought you’ll never ask again! Yes! Yes! Yes!” sabay halik sa fiancée.
Nagpalakpakan ang mga taong nasa labas ng kwarto ni Divine at isa isa ulit itong bumalik sa kwarto niya at binabati silang dalawa.
Nagpepresinta na agad si Dra. Bite na ninong at ninang daw sila ni Mr. T. Niyakap ng mag-asawang Dr. Dan at Dra. Mye si Divine gayun din si Mama Lyn at Auntie Lhee.
Nag-uusap na ang mga matatanda sa details ng kasal. Napangiti na lang sina Divine at Jaime.
Makalipas ang isang buwan ay ikinasal sina Jaime at Divine sa civil at ikinasal ulit sa simbahan makalipas ang tatlong buwan. At natupad nga ang napag-usapan dahil si Mr. T at Dra. Bite ang naging isa sa mga ninong at ninang. Si D at Ives naman ay secondary sponsors.
Hindi matatawaran ang kaligayahang nadama ni Divine sa kasal niya dahil naihatid siya ng ama sa altar. He is walking perfectly and looks very handsome in his three piece suit and a black fedora hat.
W A K A S
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com