Chapter 1: Meet Kate
Kate's POV
"Kate, matagal ko nang gustong sabihin 'to sayo pero....nahihiya kasi ako eh...haha. A-Ano kasi umm, I think I l-like you."
"Ganon ba? Thank you....and sorry. Babae din kasi hanap ko eh. Bye~"
"Eh...?"
.......
"Kate! Gusto kong malaman mo at ng lahat ng nandito sa canteen na gusto kita, na iniibig kita! Will you be my girlfriend?"
"I can't, may boyfriend na 'ko ih."
"Ehh?"
.......
"Kate, I lo—"
"Study first ako eh."
.......
"Kate ma—"
"Wala akong time para dyan ih, busy sa work."
.......
"Kate—"
"Strict tatay ko eh, pulis siya."
.......
"K—
"TAMA NA!"
"Excuse me?"
"Ah! M-Mrs. Gibson, ikaw po pala 'yan...hehe what can I help you ma'am?"
"Surely, you're aware of the upcoming acquaintance party, correct?"
"Yes, ma'am."
"Good. You see, my son Rm would like you to be his date."
"That would be lovely ma'am, but—"
"But but but but what's your but this time, Miss Kate Shelly?"
"My butt?" Napatingin ako sa likod ko.
"I mean your reason! You're known for your oh-so-creative excuses. Let me hear it this time, hmm?"
"Ah...haha. Well, it's not exactly an excuse but...I already have a date ma'am."
"Is that so? Very well. You may keep your date—but! If there is no sign of even a shadow of a man beside you at the party, do settle with my son, alright?"
'Patay.'
"That's all, thank you for your time."
"Wait, ma'am! Wait...."
Sigh
Sigh
"Bianca?"
"Dati akala ko, kapag maganda ka, wala ka nang problema. Pero sa tuwing nakikita kita? Napapa thank you lord nalang ako kase ganito lang yung mukha ko."
"Gaga, maganda ka rin naman."
"Well, not as beautiful as my friend~ Hay nako! Kung na sakin lang 'yang prinoproblema mo, siguradong tuwang-tuwa ako. Ba't di ka nalang kasi mamili ng isa sa sandamakmak na manliligaw mo? Para tantanan ka na ng mga lalaking umaaligid-aligid sayo."
"I can't. Even if I want to, I can't. I made a promise, you see. With a prince in his shining armor—"
"Riding his charming and majestic horse." Umirap siya. "Yeah right, mula nung high school pa tayo, 'yan ang sinasabi mo to the point na kaya ko nang i-recite 'yang linyahang 'yan kahit tulog ako."
"Eh ayon 'yung totoo ih."
"Eme mo! ' De sana matagal nang dumating 'yang 'guy in your dreams' mo. Pero hanggang ngayon? Wala! Walang prinsipe, walang kabayo."
"Bitter ka—"
"'Yan nanaman po siya, nagmamaganda nanaman."
"'No nanamang problema mo, Mysti? Kung inggit ka, pantayin mo muna 'yang kilay mo!" Hirit ni Bianca.
"Ba't nangengealam ka Bianca? Ikaw ba kausap ko?"
"Oo nga!" Singit pa ng dalawang alipores na nasa likod ni Mysti.
"Hoy, kayong dalawa. Kapag mapapanghe, i-shut nalang ang mouth."
Napasampal nalang ako sa noo 'ko. Kapag talaga nasimulan 'tong bunganga ni Bianca, wala ng preno.
"Ah gano...n."
"Baki....t?"
For some reason, sabay-sabay napalingon si Bianca, yung chararat girls, at yung iba pang babae na nakatambay dito sa hallway.
Lumingo lahat ng girls, and since girl din naman ako, syempre makikilingon din ang ate niyo.
I turned sideways, then there I saw him. The prince charming in my dreams —na all this time akala ko inimbento ko lang.
That prince doesn't have an armor, though. No majestic horse, as well... but he sure is charming—reaaally charming.
Pero bakit kung makatingin sya eh parang sinunog ko yung bahay nila? Nakakunot pa yung kilay oh!
Pasuplado talaga—as always.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com