Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18: See you tomorrow

Jude's POV

Halos hindi na ako nakatulog dahil kinakabahan ako para sa magiging date namin ni Kate mamaya.

What does a guy suppose to do in a date? Wait search ko lang.

'Aim to be polite, attentive, and engaged...'

'Don't be late...'

'Movies are a must...'

'Don't talk about anyone else...'

'Give compliments...'

'Listen well...'

'Be funny...'

Ang dami namang kailangan gawin!

Wait, nasaan yung binili kong singsing.....ito!

Ibigay ko na kaya 'to sa kanya mamaya? Hindi ba masyadong advance?

Natural, first date niyo palang!

Pero hindi ba mas okay kung mag-iiwan ako ng good impression sa kanya?

Good point, pero ang OA naman sa singsing.

Eh ano nalang ibibigay ko?

Oo nga noh, sige ibigay mo nayang singsing.

Sure ka?

Oo, para sure. Tutal mag c-confess kadin naman.

Wait, mag c-confess ako!?

Diba napagdesisyunan mo nayan kagabi?

Hindi ko pa yata kaya....

Mag confess ka na!

S-Sige subukan ko.

Kate's POV

Hindi na ako natulog dahil masyado akong na-excite sa date namin ni Jude.

8:00 a.m. pa ang usapan namin pero alas kwatro palang ay nakagayak na ako, at dahil nga wala naman akong gagawin dito sa bahay kundi ang maghintay ay pumunta na agad ako sa amusement park na napagkasunduan namin ni Jude as our dating place.

4:36....ang aga ko! Tagal kong mag-aantay nito.....or not.

"J-Jude?"

"Kate? Anong ginagawa mo dito? 8:00 pa ang usapan natin....ah."

"Look who's talking, excited ka noh?

"Eh ikaw?"

"....ehe."

"Tch, tara nga. Mag kape muna tayo. 'Di mo naman sinabing maaga ka pupunta, para nasundo kita."

"Malay ko bang gising ka na."

.........

Nag breakfast muna kami ni Jude habang nag-aantay sa pagbubukas ng amusement park.

Wala akong tulog, pero hindi ako nakakaramdam ng antok dahil sa kadaldalan ni Jude. Well, it's partly my fault kase tanong ako ng tanong tungkol sa kung ano ang naging buhay niya habang nasa States pa sila noon.

Nang tumungtong sa alas otso ang orasan ay nagtungo na kami ni Jude sa amusement park.

Doon, marami kaming ginawa, tulad ng pagkain, paglalaro, pagkain, pagsakay sa rides, pagkain, panonood ng movies, pagkain, pagpasok sa hunted house, pagkain, pagkain, at pagkain ulit.

"WHAHAHAHA ang takaw natin!"

"Wala payan, gusto mo ng corn dog?"

"Saan!?"

"Ayun oh."

"Tara tara, I love corndogs!"

"Really?"

"Yup! Come to think of it, may nabilhan ako ng corn dog one time..."

"Then?"

"Alam mo kung anong tawag sa kanya ng mga bumibili?"

"Ano?"

"Manong Jude~"

"Seryoso?"

"Yup WHAHAHAHA. Ikaw nga agad unang pumasok sa isip ko nung bumili ako siya eh."

"Talaga?"

"For real."

"So hindi mo talaga ako nakalimutan?"

"Bakit naman kita makakalimutan?"

"Well, I was gone for 9 years, Saka mga bata pa tayo when we last saw each other, so...."

"Ikaw ba nakalimutan mo 'ko?"

"Not even once."

"Same for me."

"Kate...."

"Oh look! There are fireworks!"

"Right, now that I looked at the sky, I realized...."

"Gabi na pala." Sabay naming sabi kaya nagkatinginan kami.

"Bilis ng oras noh?" Wika niya.

"Yup, too fast."

"Like those fireworks!" She said. "Everything beautiful—like love, for example—tends to disappear after it works."

"Whose quote is that?"

"Mine."

"Really?"

"Beautiful, right?"

"Right.....like you."

"........"

"........"

"HAHAHAHAHAHAHA"

"Are you seriously laughing right now, Kate. Sayang yung moment oh."

"No no no, first date palang natin noh? Hindi ka muna makakaisa."

"Oh come on, nag mouth wash pa naman ako!"

"Not my problem~"

"Tch!"

"Remember your promise, Jude? 9 years ago...."

"Yup, and I've already fulfilled it."

"Right. As for mine, have I already fulfilled it?"

"Well....the thing is...."

"Don't tell me you forgot!?"

"Kind of...."

"Nevermind, I'll just tell you next time."

"You better!"

..........

Jude's POV

'Mag c-confess na ba ako?' Kaya ko na ba? Oy! Sumagot ka self!

"Jude, dito nalang ako. Thank you sa paghatid."

"Sure ka dito ka nalang? Pwede ko naman ipasok 'tong motor sa iskinita."

"Ayos lang, dyan nalang naman yung samin oh."

"Sure ka?"

"Yup!"

"O sige."

Nagtatalo parin ang isip ko kung aamin na ba ako ng nararamdaman ko kay Kate o hindi habang ibinabaling ko ang motor ko.

Gawin ko na ba?

Sasagutin kaya niya 'ko?

Pano kung ma friend zone lang ako?

Pano kung ma-reject lang din ako?

Pano kung—

"Jude!"

"Yes?"

"Did you have fun?"

"Syempre!"

"Are you happy?"

"I couldn't be happier."

"That's all I need to hear." Bulong niya.

"Huh?"

"Wala....sabi ko thank you, for letting me have the best day of my life."

"......"

"Ano? Ba't natameme ka dyan?"

"I love you...." 

"Ha?"

"W-Wala!"

Shit, what did I just said? Buti pabulong lang. Narinig ba niya? Mukhang hindi naman.....

"Sige na, gabi na oh."

"S-Sige, bye." Damn it, 'di ko nasabi sa kanya?

Ano ba talaga? Gusto mo bang sabihin o hindi?

Nah...I have plenty of time, bukas nalang siguro?

Bukas ah! Tatandaan ko 'to—

"Ingat Jude!"

"Thank you, Kate! And oh yes, I have something to tell you tomorrow."

"Ako din."

"Talaga?"

"Yup!"

"Sige, abangan ko 'yan. See you tomorrow!"

























See you tomorrow...........

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com