Chapter 2: Awkward
Pinagmamasdan ko ang paglakad ni Mr. mean prince patungo sakin, na hanggang ngayon ay hindi parin nakaalis ang nakababaliw niyang titig.
Is this the power of time? How can someone's looks change so much!?
Dati gusgusin pa 'yan eh, sipunin, iyakin, at palaging mukhang kawawa kaya ang sarap asarin. Pero ngayon? Awra palang papasa na bilang lider ng sindikato.
He got really tall, as well, and when I say tall, he's waaay taller than your average guy.
Dati inaakbay-akbayan ko lang 'yan habang lumalakad eh. Ngayon 'di ko sure kung abot ko balikat niya—eme, may katangkadan din naman ang ate niyo, it's just that...there's an air around this guy na sumisigaw na, "I'm untouchable!"
Lalo na kapag napasulyap ka sa mga mata niya? Nako! Feeling mo nalang talaga napapagitnaan ka ng impyerno at ng Antarctica.
Ang cold kasi ng tingin niya eh, and that made him hot as hell.
Don't get me started sa ilong at sa labi niya.....
".....Oy...Hoy!"
"Huh? Aray!" Sinong pumitik sa noo ko!?
"Don't 'huh' me. What are you daydreaming for? Aga-aga eh."
"Natural, kaya nga DAY-dreaming eh." Bulong ko
"May sinasabi ka?"
"Walaaa."
"Tsk, ba't 'di mo nirereplayan mga text ko?"
"Nag-text ka pala?" 'Di ko napansin. Pinagtataguan ko inbox ko ih, daming nangungulit.
"Ay hinde."
"WHAHAHA Ba't nang-iirap ka?"
"Ehem, best friend? Baka naman?" Singit ni Bianca na ngayon ko lang napansin na nasa gilid ko parin pala—in fact, ngayon ko lang naalala na nasa hallway nga pala kami. Sheeet, ganito ba ang epekto ng isang Angelo Jude Villanueva?
"Ah yes. Bianca, meet my prin—este, childhood friend, Jude. Jude meet—"
"Bianca! I'm Bianca Calbanero. 19 years old, single since birth. My favorite color is yellow-green, my favorite food is—aray!"
"Okay na? Okay na diba?"
"Hindi pa sana—pero sige, may emergency nga pala samin sister. Una na 'ko ah, bye!"
"Ingat ka ah." Buti naman nakuha pa siya sa tingin. Basta lalaki talaga eh, hirap awatin ng babaeng 'yon. Apakakire!
Mula sa malayo ay nakita ko ang pagsenyas ni Bianca at ang mga pasigaw niyang bulong. Naintindihan ko naman agad, ang sabi, "Good luck, friend. Ngayon lang ako magpapaubaya kaya sulitin mo na. Ingatan muna ang halamanan ah, pa-isang linggo ka muna....
"Bitch!" Sinabi ko sa pamamagitan ng pagtapik sa hita ko ng limang beses. Alam na niya 'yon.
Napahagikgik nalang ng tawa si Bianca at pagkatapos ay kumindat sabay rampa palayo.
"What are you doing?"
"Ah—wala wala haha. Sinenyasan ko lang 'yung kaibigan ko na mag-ingat siya. 'Di ko nga pala natanong, pano ka napadpad dito?"
"Nag-enroll." Maikli niyang sagot.
"Talaga? So dito na kayo mag-stay sa pinas?"
Tumango lang siya.
"Buti nakahabol ka pa sa enrollment. Ano nga palang course kinuha mo?"
"BSBA."
"Ahh...."
"........"
"........"
Ang awkward......
"Tara na."
"San naman tayo pupunta?" Pagtataka ko?
"Sa bahay, sabi ni mama iuwi daw kita."
"Aww tita... na-miss ko na sila ni tito, pati si Rin—ang laki na siguro niya. Naaalala pa kaya niya 'ko?"
"Oo naman. Ikaw nga yung bukambibig ng batang 'yon eh."
"Really? I can't wait to see him na."
"........"
"........"
Ang awkward talaga!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com