Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20: Living on

5 years later

".....A, Sir A. Gising po."

"Hmnn....Sir Christian? What can I help you?"

"Ayos ka lang po ba? Lumuluha ka po kasi eh."

"Ah, wala 'yan, napuwing lang siguro 'ko."

"Habang tulog 'teh?" Bulong ni Sir Christian sa sarili niya. "Anyway, Sir A, may dapat ka pong malaman."

"Let me guess, drama club nanaman?"

"Opo, ano po kasi—"

"Tch! Sabi na eh. Ano nanaman ginawa ng mga 'yon? Sigh, nothing can surprise me anymore."

"Ano po...... ano po kasi—"

"Spill!"

"Nakasunog po kasi sila ng bagong kawali sa cooking area ng HM habang nagluluto ng spaghetti...."

"Nakasunog lang pala eh—HA!? Pano naman nila nasunog 'yung kawali? In the first place, pano naman sila nakarating sa cooking area niyo?"

"S-Sabi po nila, utos mo daw po."

"Ano!? Sabi nino?"

"Nung Noraine at Chelsy po."

"Huh.....DRAMA CLUB!!!!"

.....In the HM's cooking room.

"Si sir ba 'yung narinig kong sumigaw?" Pagtataka ni Noraine.

"Nasa ulo mo lang 'yan, palagi kasing si sir ang laman ng isip mo eh." Eka ni Chelsy.

"Hindi kaya!"

"Hindi man si sir 'yung sumigaw, pero sigurado 'kong mapepektusan naman niya tayo pag nagising na siya." Pag o-overthink ni Rome habang pasimpleng tumitikim-tikim sa sunog na spaghetti sa plato.

"Okay lang kaya 'to? Lagyan kaya natin ng dahon para mas maganda." Suggest ni Noraine

"Ahhh oo sige~ yung katulad sa master chef?"

"Anong dahon naman ang ilalagay natin?" Singit ni Ash.

"Wait, meron don sa labas~"

"Yung oregano?"

"Pwede bayun?"

"Guys, kinakabahan na talaga ako, feeling ko mayayari tayo kay sir." Saad ni Rome na hanggang ngayon ay hindi parin tapos mag overthink.

"Wala 'yan, okay lang 'yan." Ani Ricky.

At sumang-ayon pa talaga si Jake, "Tama."

"Anong tama? Mayayari tayo noh?" Hiyaw ni Rome na mukhang kanina pa pinagsisisihan ang pinasok niya—eh siya unang nag-aya.

"Eh bakit, hindi naman natin kasalanan ah." Banat ni Jake.

"Eh sino may kasalanan?"

"Edi si sir." Sagot niya.

"Bakit naman si sir?" Isang rare genuine question mula kay Noraine.

"Bakit ba tayo nagluto ng spaghetti?"

"Kasi birthday ni sir...."

"Mismo!  Kung hindi siya nag birthday ngayon, de sana hindi tayo magluluto, de sana walang masusunog."

"Sa bagay."     "Tama tama."    

"Oo nga noh!"        "Legit."

"May point ka, medyo pointless ngalang."      

"Pero tama naman diba?"

"True, kasalanan talaga ni Angelo."

"So....kasalanan ko?"

"Natural, ikaw 'tong—SIR!?"

"All of you. In my office. Now!"

"Lagot."

"Yari."

"My office, my office, di lang naman siya nando—"

"Shut up, Jake!"

"Totoo naman love ah."

.........

Back to the teacher's office.....

"I can't believe you all—"

"Sir sorry na..."

"Patawarin mo na kami sir, wala ka bang awa?"

"Oo nga!"       "Tama tama."

"Para naman sa birthday mo kaya namin nagawa 'yon! 'Di mo manlang inisip 'yung nararamdaman namin?"

"Oo nga!"     "Legit."   "Tama tama."

"Medyo cold pala si sir noh?"

"Ang mean niya—"

"SHUT UP! Hindi pa nga ako nakakapagsalita pero kala nyo namang binibitay na kayo—pero sige, sa ngayon, pagbibigyan ko kayo."

"Talaga sir?"

"You're forgiving us?"

"Sabi ko sa inyo mabait si sir eh~"

"Best teacher!"

"Oo na, oo na! Magsilayas kayo sa paningin ko."

"Pwede na kami umalis sir?"

"May sakit yata si sir kaya pinakawalan tayo ng ganon-ganon lang."

"Shhh! Tara na bago magbago isip ny—"

"Sir A! Yung oven sa room ng HM pumutok!"

"Oh, ba't sakin mo sinasabi?"

"Eh kasi...."

"Ayy! Naiwan ko yatang nakasalang yung cake~"

"Luh"

"DRA. MA. CLUB....."

"Patay"

"Run"

"Takbo!!

"HUMANDA KAYO—BUMALIK KAYO DITOOO!!!"

Dear Kate,

Araw-araw ay sinusubukan kong tuparin ang hiling mo para sakin na maging masaya pero.....kung nakikita mo naman ang dinaranas ko ngayon ay hindi ko na siguro kailangang magpaliwanag pa.

Pero sige, para sayo, titiisin ko 'to, kakapit ako—pero sa ngayon, hindi ko maipapangako ang kaligtasan ng mga istudyanteng 'to sa kamay ko.

P.S. I still love you, kahit na may utang ka pa sakin ng mga dancing lessons.

P.S.S. With my current students, I doubt that I'll be able to stay happy; as for living, I'll keep on doing it—for the two of us.









The end................

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com