Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4: His scent

Kate's POV

Masyado akong nag-enjoy dito to the point na nakaligtaan ko na ang daloy ng oras. Kung di pa ako napasilip sa bintana eh di ko mapapansin na gabi na pala. Gusto ko na sana umuwi pero nakumbinsi ako ni tita Janna, mama nila Jude at Rin, na dito na maghapunan.

Habang kumakain ay 'di ko napigilang mamangha sa sarap ng luto ni tita Janna. Bukod kasi na masarap ito at may kakaibang lasa, nakadama rin ako ng nostalgia dahil gantong-ganto rin ang lasa ng mga pagkain na inihahain niya samin nila Jude dati pagkatapos namin mag-away.

Speaking of Jude, napansin ko na simula pa kanina ay hindi parin naaalis ang simangot sa mukha niya. Ayos lang kaya siya?

Pagkatapos  kumain....

"Oh Jude, ihatid mo na si Kate sa kanila." Utos ni tita Janna.

"Huh? Bakit ako?" Reklamo ni Jude na akala mo namang inutusan siya na putulin ang kamay niya.

"Tita ayos lang po, kaya ko na p—"

"Hindi Kate, delikado na dahil madilim ang daan." Putol ni tita sa sasabihin ko.

"Oo nga, magpahatid kana Kate. May motor naman 'yang si Jude, para mabilis ka ding maka-uwi sa inyo." Dagdag ni tito Jahn. Ang cool ng pangalan nila noh? Janna and Jahn, pangalan palang meant to be na.

"Tsk."

"'Wag ka nang mag-inarte dyan, Jude. Lumabas ka na't igayak mo na yung motor." Utos ulit ni tita.

Mukhang ayaw parin ni Jude sumunod, pero nang samaan siya ng tingin ni tita ay wala rin siyang nagawa kundi ang tumayo mula sa kinauupuan niya at lumabas para igayak yung motor.

"Ate Kate, bukas ah, babalik ka." Pagpapa-alala sakin ni Rin. Marami pa daw kasi siyang kwento sakin kahit na ilang oras din kaming nag chikahan kanina.

"Oo naman, Rin. I'll see you tomorrow."

"Owkay!"

"Ingat ka Kate ah, I hope you enjoyed your time here."

"Syempre naman po tita, na-miss ko po kayo eh, tsaka ang sarap po ng niluto niyo."

"I'm glad to hear that."

"Thank you po tita, tito. Una na po ako."

Matapos kong magpaalam ay lumabas agad ako dahil masyado na 'kong ginabi. Sa labas, nakita ko si Jude na nakahanda na sa motor niya habang lukot-lukot parin ang mukha.

"Tsk, tagal naman." Bulong niya na parang hindi naman bulong kasi rinig na rinig naman.

"Sorry ah, nagpaalam pa kasi ako kila tita." Pagpapaliwanag ko.

"Just ride."

"O-okay."

Dahan-dahan akong sumakay sa motor ni Jude. Nang makaupo na ako sa likod ng motor ay tsaka ko palang napagtanto na, "Oh my gosh, we're too close!"

I always did my best to avoid contact with other men so I never really got a chance to get near to one like this. I feel so tense and embarrassed. Pwede ba kay Mr. SUV driver nalang ulit magpahatid katulad kanina?

"Ano pang hinihintay mo? Humawak ka." Utos sakin ni Jude.

"S-saan ako hahawak?" Pagtataka ko. I genuinely don't know where! I don't know why but I'm feeling so timid right know, this is so not me!

"Huh? Tsk."

Wanting to just get this over with, dinakma ni Jude ang dalawa kong kamay at inilagay ito sa magkabilang tagiliran niya. Nabigla naman ako kaya balak kong alisin ang kamay ko pero ang kabaliktaran ang nangyari  nang biglang paharurutin ni Jude ang motor na sinasakyan namin.

"He's driving way too fast!" Habang nagrereklamo ako sa isip ko ay hindi ko na napansin ang paghigpit ng pagkapit ko sa kanya.

Dahil sa takot ay napapikit nalang ako, humihiling na sana ay makarating kami agad samin para makababa nadin ako.

Medyo kinakabahan ako kasi apakabilis ng pagmamaneho ng lalaking 'to, pero di rin nagtagal ay nabaling ang kaba ko sa amoy ni Jude.

I didn't do it it on purpose! Nagkataon lang na malapit ang mukha ko sa batok niya. He smells so.... manly? I don't know what the scent of a man is supposed to be but there's something about Jude's scent that is soothing, and strong at the same time, it gives you the sense of protection and certainty that nothing will go wrong.

Well, I was wrong.... things went too wrong!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com