Chapter 9: Not again
Kate's POV
Pagkabalik ko sa cafeteria ay nahagip ng mga mata ko ang pagkaway-kaway ni Bianca mula sa isa sa mga lamesa dito. Lumapit naman agad ako sa kanya.
"Gosh, friend! San ka ba nanggaling? Kanina pa ako nag-aantay dito ohh? I'm so hungry na. Sabi mo sa text mo kanina nandito ka na, pagdating ko wala ka nama—OH. MY. GOSH. Kate is that a hicke—" Bago pa may lumabas na kung anong hindi maganda sa bunganga ni Bianca ay tinakpan ko agad ito ng mga kamay ko.
"Shut up Bia!" Saway ko.
"So it's true!?" Tili niya, pero nang mapansin niya ang pagtitinginan ng mga tao sa paligid namin ay naging pabulong na lamang ang pagsasalita niya. "Is it true then? That's a hickey?"
"Of course not! We only kissed—" Sa bibig ko naman ngayon napatakip ang mga kamay ko nang mapagtanto ko na nadulas ang dila ko.
"Kyaaa!!! Oh my gosh oh my gosh oh my gosh!" Pagwawala ni Bianca na Akala mong naipit na daga.
Mas marami nang tao ang nakatingin samin ngayon, pero sa puntong 'to ay wala na siyang pakealam.
"So? Who's the guy, sister? Spill it!"
"What are you talking about?"
"'Wag ka nang magmaang-maangan! Just tell—wait, isn't that your—"
Buti nalang talaga ay mabilis ma-distract 'tong babae na 'to, who is it she's talking about, anyway—shoot!
Nang makita ko si Jude na palinga-linga sa entrance ng cafeteria ay dali-dali akong nagtago sa ilalim ng lamesa.
"Sis, what are you doing?"
"Shhh!"
"Oh my gosh, don't tell me he is the one—"
"Just shut up, okay?"
"Okay."
Shumat up naman siya, nanahimik naman siya—pero ang bruha, nakuha pa talagang senyasan na lumapit ang lalaking pinagtataguan ko.
Putik ka talaga!
Mayamaya pa ay narinig ko ang pag-ubo ni Jude habang lumalapit siya. Angas ng ubo niya noh? Minsan lang lumalabas.
"Hello, you're Angelo Jude Villanueva, right? Right? Galing ko noh, naalala ko pa, slay ~"
"Where's Kate?"
"Kate? Who's Kate?"
Seriously? This girl definitely wants me to get caught.
"Tch, nevermind."
Not wanting to waste any more time with my silly friend, Jude walked away, as he should.
"Girl, wala na siy—aray!"
Hinila ko ang buhok niya para mabilis akong makatayo.
"Teh, ang dami-daming pwedeng gamiting pang-alalay oh! Pwede naman yang upuan, bakit buhok ko pa?"
"Deserve mo 'yan, aso ka! Bakit mo naman tinawag 'yung tao? Pano kung nakita niya 'ko?"
"Eh ba't mo naman Kasi pinagtataguan? Akala ko ba siya yung prince charming mo?"
"Wala nga siyang kabayo diba?"
"Teh, required pa ba talaga yung kabayo?"
"There you are, kanina pa kita hinaha...nap."
"Oh my gosh! sorry Robert, hindi ko sinasadyang matapunan ka ng tubig. Nagulat kasi ako eh." Pagpapaliwanag ko.
"Teh, hindi ba delay 'yang gulat mo?" Tanong ni Bianca.
"Hinde, ako talaga may kasalanan, bigla-bigla Kasi akong sumusulpot eh."
"Kahit na kuya, sya parin nakatapon ng tubig sayo." Pagtataray ni Keesha. "So you better accompany my brother get change, girl."
"W-What? No, Kate, you don't have to."
"It's alright, let's go." Baka bumalik dito si Jude eh.
"R-Really? S-Sige."
Bago kami tuluyang makalabas ni Robert sa cafeteria ay napansin ko ang pamumula ng tenga niya.
Oh dear, not again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com