Chapter One: Black Envelope
The loud ring of the telephone woke me up. I groaned and covered my ears with the pillow. Wala pa yatang apat na oras ang tulog ko at ngayon ay tinatawag na naman. I don't know what's the point of giving me a day off when I cannot sleep until afternoon. And come on! It's freaking Sunday! Ano bang plano ng taong 'to?
Ilang sandali pa ay tumigil ang tunog ngunit isang sigaw ang narinig ko mula sa intercom.
"Gabrielle Jaiyanna Trevino!"
I grunted and pulled myself from my comfortable bed. Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang inaasahang tao. Of course, who would ever dare to knock on my room except her?
Hindi ko na naitago ang pag-irap. Tuluyan siyang pumasok sa aking silid habang dumiretso ako sa banyo upang maligo. I yawned before opening the shower. I let the cold water drip into my body, waking up my sleepy senses. After the quick shower, I changed into my typical outfit: black jeans and white crop top together with my brown leather boots. I blow dried my hair and made it into a high ponytail. I put on my black leather watch, then grabbed my shades, keys, and of course, my knife.
"Oh come on! Ngayon na lang tayo magkakasama, mag-iinarte ka pa!" Bulyaw ni Gesa sa akin ngunit inirapan ko lang. Umagang-umaga ay may kinakalikot na naman ito sa kanyang gadget. Natawa ito nang iminuwestra ko sa kanya ang pinto. She giggled as she passed by me. Isinara ko ang pinto habang pinapaalalahanan ang sarili na huwag masyadong mainis. I, then, started to walk towards the elevator. Nakasunod ito sa akin habang may kausap sa kanyang earpiece. Napailing ako dahil mas committed pa yata siya kaysa sa akin.
The carpeted hallway is already occupied by the hunters. Some of them greeted us with good morning. Tanging si Gesa lang ang sumasagot sa kanila, ang iba ay hindi na nag-abala pang bumati sa 'kin. They know I won't respond to them. It's better anyway.
"You know, it's no need and useless to knock." ani ko sa kanya bago pinindot ang close button ng elevator pagkatapos naming pumasok. Umandar iyon patungong ground floor. Tamad kong pinagmasdan ang pagpapalit ng floor number habang nakikipag-usap pa rin ang kasama ko.
Tamihik kaming nakarating sa ground floor ng building. Mas maraming tao dito kumpara sa fifth floor kung saan kami galing kanina. Nandito ang tanggapan at café ng headquarters which is the busiest place during regular days. Kapag papasok mula sa main door, nasa kaliwang bahagi ang tanggapan. May sampung pabilog na lamesa ang nakapwesto roon at bawat lamesa ay may limang upuang nakapalibot. Some plastic trees are placed in the corners of the room, making the place livelier. May mga paintings na nakasabit sa dingding, most of it are abstract. Sa kanang bahagi naman ang kainan na nagsisilbing pinaka-kitchen ng headquarters. Maaaring dito kumain ang mga hunters o sa sarili nilang kwarto kung gusto nilang magpa-deliver. In short, tila regular na hotel ang gusali. I see some early birds, siguro'y may mga trabahong kailangang gawin. Some are eating and some are roaming around the place. I saw Theron at the telephone just beside the main door. Nang makita ako ay kumaway ito sa 'kin. Hindi ko siya pinansin at tumuloy sa paglalakad.
Dumiretso kami ni Gesa sa café. Umupo kami sa dati naming pwesto which is the table with a high chair. Nagtawag si Gesa ng tagapag-silbi habang nanatili akong nakamasid sa paligid. Hindi ko na sinabi sa kanya ang gusto kong kainin dahil alam kong alam na niya ito. I glanced at the clock in the wall, telling me it's only five o'clock in the morning. Bahagya akong sumilip sa bintana na katabi lang namin. It's still dark outside, even if the grounds are surrounded by torch lights. May mga iilang bantay rin na naglalakad sa paligid.
"Welcome back, Jaiyanna." ani Prestel. Inilapag nito ang pagkain namin sa lamesa habang nangingiti pa rin na nakatingin sa akin. Napailing ako. Masyadong mataas ang enerhiya niya sa akin.
"Milagro at nagawi ka rito ngayon." dagdag niya. I shrugged at her comment. Minsanan lang kasi kaming magkita sa loob ng ilang buwan.
"Miracles happen everyday." komento ko na tinawanan niya lang. Maging si Gesa ay nakisabay sa kakulitan niya. I don't need reminders why they are friends though. Same wavelength it is.
"Any additional orders?" Tanong niya.
"Nah. We're good, Prestel. Thank you! See you around!" maligayang sagot ni Gesa.
Napatingin ito sa akin. "Well, enjoy your stay!" aniya bago kami iniwan.
Muli akong umiling. I sipped on my hot chocolate. By times like this, I want to drink hot chocolate instead of coffee. Kapag may mission ay pinipili ko naman ang kape. Well, it's still early but I just want to assume that my day off is still running. Kung mayroon man ay uulit na lang ako mamaya.
Nagpatuloy si Gesa sa pakikipag-usap sa kanyang earpiece. Muli ko namang inilibot ang mata sa lugar. Ngayon pa lang ako nagtagal ulit kaysa sa mga nakaraang pagbalik ko. I usually come here just to see my missions and to report, kaya nasabi rin ni Prestel na milagrong nagawi ako sa kainan.
Halos walang pinagbago ang headquarters. The walls are still painted with a mix of black and gray colors. The floor is tiled white. The black tables and red chairs in the receiving area are still in the same places. Ang masasabi kong nagbago ay ang style ng café. Mas madami na itong silya at lamesa, dahil na rin siguro mas dumarami ang nagpupunta dito.
"Pinapatawag ka ni Chief sa office niya. Seven hundred sharp." ani Gesa habang kinakalikot ang kanyang tablet. Tumango lang ako bago kumain ng pancake. Maybe he'll ask about my previous mission.
"Some wolves are killed in Klestive District." ani Gesa. Napatingin ako sa kanya. She's sending some report to the office using her tablet.
"Two in Lacuston District." dagdag niya. She continued scrolling on her tablet while I boredly listen.
"And the Alpha in Riwenford District. Wow! Wala ka talagang patawad." komento nito. I just shrugged her compliment. Ang lahat ng binanggit niya ay mismong pinatay ko. Ako ang nagpadala sa kanya ng mga balitang iyon ngunit hindi ko maintindihan kung bakit sa akin niya ulit ito sinasabi. Ang trabaho niya ay taga-tanggap ng balita mula sa mga hunters. Siya na rin mismo ang naghahatid ng mga balita sa Chief. Kaya dapat sana, siya ang sisipot kay Chief mamaya. I should be laying in comfort right now.
"Siguradong nakarating na ang pagpatay mo sa Alpha ng huling district." aniya. I ate the last bite of my pancake and sipped on my hot chocolate.
"Good for them. Para naman makapaghanda sila." I confidently answered. Nakita ko ang lihim na pag-ngisi ng kasama ngunit nanatili siyang tahimik. Imbes ay nag-kwento nalang siya ng mga kaganapan noong wala ako.
Nang matapos sa pagkain ay dumiretso na kami sa office ni Chief. Nasa pinakataas ito ng building which is on the sixth floor. Buong palapag ang opisina niya at may sarili itong service elevator. Until now, I still don't get the significance of his own service lift. Ni hindi nga siya bumababa at nagiging bahay na ang sariling opisina. But then, I'm not in the position to question.
"Any news about him?" Tanong ni Gesa habang umaandar ang elevator. And when I thought she will no longer ask, she will drop the bomb. Umiling na lang ako at iniwas ang tingin. Hindi na siya nagtanong ulit hanggang sa makarating kami sa tamang palapag.
Dim light welcomed us. Tanging mga pin lights ang nakabukas sa palapag, hindi katulad sa mga palapag na nasa ibaba. Itim ang kulay ng tiles at puti naman ang dingding. Portraits of the faces of the greatest hunters are pinned on both of the walls. May limang larawan ang nakadisplay dito. Sa ibabang bahagi ng mga larawan nakalagay ang kanilang mga pangalan kasama ng kanilang mga armas noong sila'y nabubuhay pa lang.
Napatigil ako sa huling larawan. The woman with black hair and hazelbrown eyes captured my gaze. Tila tinitignan din ako nito habang pinagmamasdan ko siya. Her porcelain skin matches everything about her. Her facial features scream gentleness and peace but her eyes tell a whole different story.
"Feels like staring at a mirror, huh?" Ani Gesa bago binuksan ang double doors ng opisina.
Hindi na niya hinintay ang naging sagot ko at tuluyan siyang pumasok, tila sanay na sanay na ginagawa iyon. Nakasunod lang ako sa kanya habang pinagmamasdan ang paligid. Ang opisina ni Chief ang pinakamalawak na silid sa buong Headquarters. Puno ng nagtataasang aparador ang buong silid na hindi ko alam kung ano ang laman habang mga libro naman ang mga nasa mas maliliit na istante. May mga armas din na nakalagay sa mga kwadrong nakadikit sa dingding. Tahimik ang buong silid ngunit maliwanag dala ng ilaw galing sa chandelier.
Tahimik akong lumapit sa kanya habang siya'y nakatalikod sa'kin.
"Assassin reporting for duty." ani ko sa malamig na boses. Humarap siya at tipid na ngumiti. Kapansin-pansin ang pagkukulay puti ng ilan sa kanyang buhok ngunit makikita parin sa kanyang tingin at galaw ang lakas na kaya niyang gawin.
I remember the time when I watched him on a duel. Theron said that he didn't have enough sleep and never ate food on that day. But still, he dominated the match. Kung hindi lang tumunog ang bell ay siguro'y napatay niya ang kalaban.
But of course, he won't really kill his best friend.
Iminuwestra niya sa akin ang upuan sa harap ng kanyang lamesa. Umupo ako doon at tahimik siyang pinagmasdan. May kinuha siya mula sa drawer. Hindi nagtagal ay iniabot niya sa 'kin ang isang itim na envelope.
I glanced at Gesa and saw her curious eyes on it. By the rules, a white envelope means mourning from another Headquarters. Red envelopes are occassional since they are for wedding invitations. Blue are too familiar to me since it is used for urgent meetings and calls from another Headquartes. And black means death missions.
Tinanggap ko iyon gaya ng dati. The opening is sealed with a gold trademark of our clan. Sa oras na buksan ko iyon, ibig sabihin ay tinatanggap ko ang trabahong nakapaloob. Hindi ko alam ngunit iba ang naging pakiramdam ko. But then, when my life is yours, you don't get much choices. Sa huli ay tuluyan kong binuksan iyon.
Papers are inside the envelope, just like the typical mission files. Ngunit maging si Chief ay hindi na makapaghintay pang basahin ko iyon.
"Ang bago mong misyon ay nasa huling district. Nasa loob ng envelope na iyan ang lahat ng kailangan mo." ani Chief.
Nagkatinginan kami ni Gesa. Napangisi siya sa narinig. Excitement and adrenalin came to me. Finally...
"Kill all of the wolves in the West District." dagdag ni Chief.
"Kill those who killed your mother."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com