Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Seven: Swayed

Umaga ng Lunes at kailangan kong pumasok ulit. Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula nang lumipat ako. Aside from Karleen, I am pretty adjusted to the whole situation. Somehow, I've already adapted the ambiance and style of my modern house. Kung hindi ko lang alam ang tunay na pakay ay iisipin kong nagbabakasyon lang ako.

Sa loob ng dalawang linggo ay sa mga parehong gawain ako okupado. Sa umaga hanggang hapon ay pumapasok ako sa klase at sa gabi naman ako nagplaplano kung paano papatayin ang Alpha.

Papatayin...

Simula nang nagpunta ako sa bahay nila Karleen ay pakiramdam ko, wala akong nagagawang tama. Hindi ko siya maiwasan sa eskwelahan dahil siya itong nakadikit sa akin. Inisip ko na lang na magandang bagay iyon para hindi masyadong halata ang mga galaw ko.

The good part is, Duke never attended the class for two whole weeks. That's an advantage for me since I wasn't prepared yet for another confrontation. Hindi ko nga lang maiwasang isipin ang dahilan kung bakit hindi pa siya pumapasok. For two weeks, I never killed a wolf, even though I see some roaming around when I patrol at night in the woods.

Nagtipa ako ng mensahe para sa pinsan bago umalis ng bahay. Dumating ako sa eskwelahan na mas maaga kaysa dati. Suot ang uniporme na ibinigay sa akin, dumiretso ako sa locker room at hinanap ang sa akin. Nilagay ko doon ang iba kong gamit at extra t-shirt bago naglakad papunta sa silid.

And since I was early than the normal, wala ring tao sa paligid. The rooms are empty and only the sound of my footsteps are heard on the vacant hallways. Palagi akong nandito tuwing gabi pero ngayon lang ako naging maaga. I thought the silence of midnight is the best but watching the morning sunlight gradually fill the place, natanto kong mas maganda ang tahimik na oras ng umaga.

Ang sumunod na araw pagkatapos kong makita ang Alpha, naisipan kong sabihin ito kay Gesa. I told her she was Karleen's brother and that, I met him at his own house. Siguro'y nakasanayan narin na ganoon ang ginagawa ko. Everytime I have an update, no matter how small it is, I always inform her.

But I know, it's not that right now. Alam kong may iba pang rason ang pagsasabi ko sa kanya.

"I told you, mahahanap mo rin siya." aniya. Si Gesa lang ang tanging sinabihan ko na nakita ko na ang Alpha. From that day, I have always convinced myself that I found the Alpha. Pero may iba sa pakiramdam ko, hindi ko lang masabi-sabi kung ano. Nahanap ko ba talaga siya?

Sinabi ko rin kay Gesa na huwag na muna nitong ipaalam kahit kanino ang nangyaring pagkikita namin. Ang gusto ko, kapag nagreport ako sa kanila ay tapos na ang aking misyon. That's what I do in the past. She agreed before I decided to end the conversation.

Masyadong malawak ang silid para sa akin kaya nagdesisyon akong mag-ikot muna sa paligid. Umupo ako sa isang putol na kahoy at bumuntong-hininga, inulit-ulit ang tanong sa utak.

How will I kill Duke?

It should be easier right now. I know where he lives and I can fish information from her sister alone. Karleen seems to be easy to convince. Hindi rin malayong iisang lugar ang gagalawan namin sa mga susunod na araw. I can study his routine, I can calculate his moves, I can read his actions.

It should be easy. I have done this before. Heck, I wasn't the assassin for nothing. Yet I couldn't get the reason why do I feel like this is the hardest mission I ever had.

Naubos ang isang oras sa pag-iisip. Hindi narin tumawag si Gesa sa akin. Nang marinig ko ang pagdami ng estudyante ay saka pa lamang ako nagpasyang umalis.

Pagdating sa classroom, si Karleen ang unang bumati sa akin. Hanggang ngayon, napapatingin pa rin ang ibang mga kaklase ko sa akin. May mga ibang sinasadyang titigan ako at may iba naman na walang pakialam. But I was stunned when I saw Duke, sitting a row before my chair. His head, thrown back as he languishly held his place. Taliwas sa una naming kita na halos nakakunot siya ng noo, he seems peaceful right now. Nakapikit ang mata nito at halatang tulog.

"Hi, Dianne!" pagbati ni Karleen sa akin. Pagkabanggit niya sa pangalan ko ay agad na lumingon si Duke sa gawi namin. Hindi ko alam kung sino ang mas nagulat sa aming dalawa: him that caught me staring or I that realized I was watching him for too long.

Napaayos siya ng upo at sinundan ako ng tingin hanggang sa makarating ako sa sarili kong upuan. Sinundan ako ng kanyang kapatid na hindi pa man nakakaupo ay nagsimula na naman sa pag-kwento.

Ramdam ko rin ang paninitig niya sa akin kahit sa klase. It made me uncomfortable but I choose not to stare back. Wala siya ng dalawang buong linggo at bigla na lang susulpot kung saan. Hindi ko naman siya narinig na pinagalitan kaya't siguro'y ganoon na talaga noon pa.

The usual lectures proceeded. Wala namang bago at walang nakakaintrigang gawain. I remember the time when Gesa told me she wants a... normal life, whatever normal means for her. Kung ganitong pag-aaral lang din naman ang gagawin ay mas gusto ko nalang sa Headquarters. It was never easy but at least, it was something that I can really use.

Dumating ang lunch at isinama ako ni Karleen sa kanya. May dalawang bagong mukha ang bumati sa akin sa mas malaking lamesa ng canteen. I guess it's not Karleen and I only anymore. Sa isang upuan si Duke, katabi niya ang lalakeng may pangalan na Vil at si Lara. Napansin ko ang kanilang palitan ng tingin at nagkunwaring hindi ko ito naramdaman. Umupo ako sa tapat ni Duke dahil iyon nalang ang natitirang bakante.

"Kamusta?" tanong ni Vil sa akin. Nagsulat ako sa notebook at sinabing maayos naman ako. Napatingin ang bago nilang kasama sa akin habang ginagawa iyon.

"She's a mute." ani Karleen sa mga ito bilang paliwanag.

Ipinakilala ako ni Karleen sa dalawa. Si Nicholas, ang may kulay gray na buhok at si Bryan na simple at tahimik. Nakipag-kamayan ang dalawa sa akin bago bumalik sa pag-uusap. Napatingin ako kay Duke at nakita ang nakakunot nitong noo sa dalawa. Natawa naman si Karleen na katabi ko lang. Hinayaan ko silang mag-usap gamit ang kanilang mga mata at inisip na lang kung ano ang gagawin ko mamayang gabi.

Vil and Duke volunteered to get our food. Si Karleen na ang nagsabi ng para sa akin. Hindi ko pa maalis ang tingin sa dalawa dahil sa duda. I cannot risk being poisoned if ever they thought of doing something. Ngunit nang nagsimula kami sa pagkain ay natanto kong wala naman akong dapat ipag-alala.

They don't know me. To them, I am just this new student that cannot speak. I was a liability for the group. They will never see through my façade because I will never let them through it.

Nagkatitigan kami ni Duke nang makitang pareho ang pagkain namin. A two banana pancake with peanut butter spread and iced coffee with whipped cream topping.

Nagsimulang kumain ang mga kasama namin pero dahil hindi matanggal ang tingin niya ay hindi ako makagalaw. I felt like he wants to strike a conversation or give a semi-smile, semi-smirk. Bago niya pa man iyon magawa ay nauna na akong nag-iwas ng tingin.

Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya bago ginalaw ang sariling pagkain. I concentrated on eating. We only have an hour of lunch break and I don't want to spend my time eating too slow if I can eat faster enough to have extra time to roam around.

But on the other hand, what would I really search for? I am already in front of my enemy. What's more to look?

Kaya naman imbes na bilisan ang pagkain ay binagalan ko na lang. Paminsan-minsan ay sinasama nila ako sa usapan ngunit dahil nakikitang kumakain pa ako at maaabala kapag magsusulat sa notebook ay hindi na ako tinanong pa.

They are planning for a barbeque night at Karleen's place. I didn't even agree to anything yet but Karleen already counted me in. Even though I decided not to go there anymore, wala akong nagawa dahil tingin ko'y mas mabuti rin iyon. I could familiarize the place more before making a move.

Muli akong napatingin kay Duke na ngayon ay nakikinig sa kung anong sinasabi ng ibang lalake. And because he wasn't looking, I had the chance to stare and wonder.

He's young for an Alpha position. In fact, if I don't know his background, he would seem like he's a normal boy. At kahit ilang oras ko palang na nakasama ay alam kong may ibang epekto siya sa mga kababaihan. I wonder if he ever notices the girls around him. Kulang na lang ay maging buntot niya ang mga ito dahil sa kakasunod.

I cannot blame them. In the picture, he seemed ruthless. With those intense eyes, piercing stares, a side smirk, and strong aura, he can capture everyone's heart. But now that I spent time with him, I noticed his moves are graceful and well-calculated, making him easier to stare to.

Bumalik kami sa klase pagkatapos. Karleen and I are walking side-by-side while Lara is behind us. Nahuli ang dalawang lalake na kanina pa seryosong nag-uusap.

Dalawang klase ang mayroon kami sa hapon. The first one came and gave us an assignment after checking the attendance. Nagtagal pa ang tingin niya kay Duke nang marinig ang pagsagot nito sa kanya. Umalis din ito kalaunan. However, the second class didn't proceed sa hindi ko alam na dahilan. Napabuntong-hininga na lang ako. This never happened in the Headquarters.

Agad nagplano si Karleen ng pwedeng puntahan. It's still two in the afternoon and no one wants to go home yet. Even if I want to go already, I figured that if they will go to another place, I should check it as well for additional information.

Huli na nang natanto kong hindi ko madadala ang sasakyan. I parked it far from school this morning. Wala ring dalang sasakyan ang grupo kaya't napilitan akong maglakad nalang kasama sila.

I almost shot my brow up when I noticed Karleen is avoiding me. Nasa unahan na ito kasama nila Lara at Vil habang nakasunod si Duke sa likod ko.

Lumingon ako at nakitang nasa daan ang kanyang mga mata. His hands are in his pocket and it seems to me that he is in a deep thought.

Natigil ito nang hindi ako gumalaw sa kanyang harap. Nakaharang ako sa kanyang dinadaanan sa hindi ko rin malamang dahilan.

I can take him down right now. Napalayo na ang tatlo sa amin and he is totally defenseless. I have my knives on my leg strap and one hidden under my right shoe.

But I couldn't move.

Sa huli'y bumuntong-hininga ako at tumalikod. I cursed myself nonstop because of that.

I was taught to never hesitate. Hesitation kills, as the Chief said during one of my bloody trainings. I lived to that principle for years and it is only now that I did otherwise.

It took us almost ten minutes before arriving. Sampung minutong katahimikan din ang binigay ni Duke sa akin. He was silently walking behind me. I wonder if he is really Karleen's brother. They are totally on each side of the pole. Sino kaya ang ampon sa dalawa?

Binati kami ng babaeng bantay. Karleen immediately pulled me to the stalls with Lara. Tahimik akong napatianod, hindi kagaya ni Lara na busangot talaga ang mukha sa kaibigan.

Karleen chose a red dress for me while she handed a dark blue one for Lara. Hindi ko iyon tinanggap dahil wala akong maisip na pagsusuotan. I am not the best with this kind of thing but it is obviously for a party. I don't do parties.

"Take it! It's my treat!" aniya sa maligayang boses. Her eyes are sparkling with excitement. Napabuntong-hininga ako bago kinuha iyon sa kanyang kamay. She even pushed me to the fitting room that I almost cursed.

"Tell me when you're done! I want to check it!" sigaw ni Karleen mula sa labas. Umirap ako. I wasn't planning to try the dress but Karleen is smart.

Ginawa ko ang kanyang nais. Surprisingly, the dress fitted me well. Matingkad ang kulay pulang bestida sa may kaputian kong balat. It extended above my knee but long enough to cover a strap. It showed a good view of my chest but I am comfortable enough to wear it. I removed the knife strap on my leg before letting her see me.

Lara was beside her when I opened the door. Tumaas ang kanyang kilay nang makita ako. Karleen dropped her jaw as she gazed me from head to foot.

"Damn, you're hot!" puri niya sa akin pagkatapos ng ilang segundo. Excited niyang kinuha ang itim na heels at ibinigay iyon sa akin. I figured she's good at this when she got the right size for me.

Bumalik ako sa fitting room at isinuot iyon. I exhaled a huge amount of air when I'm done. Muli akong bumalik sa kanila at mas lalo lang lumaki ang ngisi ni Karleen sa akin.

Hindi na ako umangal nang magdesisyon siyang bilhin iyon para sa akin. I don't think I will go to whatever she's planning anyway.

Sinundan ko siya hanggang sa kahera. I saw Vil and Duke, boredly waiting for us on the couch. Nang makita ako ni Duke ay doon lang ito naging atentibo. I saw him staring at whatever Karleen is buying. Kumunot ang noo nito bago muling tumingin sa akin.

I avoided his eyes and turned my back. I inhaled air when I felt my heart beating faster than usual.

Dalawang oras kami roon dahil ayaw ni Lara sa naunang damit. It took three changes until she decided to take the last one. Dalawang oras din akong nakatayo dahil ayokong tumabi sa dalawa. I took Duke's hint when he moved closer to Vil to make space for me but I still remained standing.

Kaya naman laking pasasalamat ko nang matapos kami. I thought we are done for today but they dragged me again to another shop, and another, and another. Halos nalibot na namin ang buong lugar at napasok na ang lahat ng tindahan pero walang kapaguran ang grupo.

Napapamura na ako sa isip. Gesa never had the courage to pull me, let alone drag, because she knows I don't want to be touched without permission.

We entered a resto after what feels eternal of window shopping. Pagod akong napaupo at agad nagsalin ng tubig sa baso. Halos nakalahati ko ang laman noon bago muling humugot ng hininga.

Karleen, Lara, and Vil left to order our food. Aangal pa sana ako ngunit hindi na sila lumingon. Napatingin ako kay Duke na nasa harapan ko. Napaawang ang labi niya nang nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Why are we always left behind anyway?

I absentmindedly fixed the way I seat. Tumikhim siya at ganoon din ang ginawa. I always admired the silence but right now, everything feels awkward.

"Are you tired?" tanong niya kalaunan. This is the second time I heard him speak. I was stunned for few seconds, not knowing what to tell. My heartbeat is really uncooperative this time. Masyado nga yata akong pagod sa paglalakad.

Sa huli'y natanto kong hindi ako pwedeng magsalita. Tumango nalang ako bilang pagsagot.

He curtly nooded. "Are you hungry?" tanong niyang muli.

Napasinghap ako at muling tumango. Obviously, he is making it easier for me to answer. He is only asking polar questions so I won't need to write.

Napatingin siya sa tatlo na ngayon ay kausap na ang kahera. He tapped his fingers on the wooden table while still watching them.

Bumalik muli ang tingin niya sa akin.

"This will take longer time. They still need to cook the food." paliwanag niya sa pagtatagal nila Karleen.

I took my notebook and pen to answer him.

'It's alright.' I wrote and gave it to him.

I watched his expression changed from curious to gleeful. The adoration in his eyes didn't escape me as well. Pinadaan niya ang dila sa bibig bago kinagat iyon. His naturally red lips became sultry after that quick move.

I took a big gulp of water to ease the foreign feeling. What did I just say?

Bumalik sila Karleen sa lamesa at hindi na siya muling nagtanong. Kagaya ng sinabi ni Duke ay natagalan nga ang paghatid ng pagkain sa amin.

While waiting, Karleen mentioned what are the dresses for. Apparently, a friend of her is throwing a party at Lacuston, another district of Lair, and we are invited.

Well, technically, they are.

I've been to Lacuston already during one of my missions. Kumpara sa Winston ay mas masigla ang distritong iyon. It is known for its nightlife so it isn't a surprise to me that we will go there for the party.

Few more minutes and the food arrived. Walang nagsasalita sa amin habang kumakain kaya nasisiguro kong hindi lang ako ang nakaramdam ng gutom.

Napatigil ako nang may napagtanto. Everyone is busy on their food, even Duke. Yet the realization dawned to me.

I am eating on the same table with my enemies, the people I am going to kill someday.

The food immediately tasted bland. Nawalan ako ng gana habang pinapanood silang masayang kumakain. How can I do... this?

"Are you done?" ani Karleen na katabi ko. Tipid akong umiling at muling ginalaw ang pagkain. I am holding a knife bread in front of Duke.

One quick slash and I'm done with this mission. I will no longer need to pretend someone I am not. No longer need to spend time with them eating or roaming around. No longer need to listen to Karleen's endless stories.

But when Duke's eyes darted to me, I dropped the knife in an instant. Like it was a natural move to cause no harm to him.

Napabuntong-hininga ako at pilit nagpatuloy sa pagkain.

I can't wait to go home.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com