Chapter Six: Destiny
"No report yet?" Tanong ni Gesa nang pinaunlakan ko ang kanyang video call request. Nitong mga nakaraang araw ay malimit siyang tumawag sa 'kin kaya't gayon na lang ang pagtataka ko ngayong nagparamdam ulit siya.
"I still can't find the alpha." Pag-amin ko. It's been a week after I moved and I'm still clueless. Isang linggo na rin ako sa eskwelahan pero ni anino ng Alpha ay hindi ko nasilayan. I'm starting to get frustrated and Gesa might have felt that. Binitawan niya ang mga papel na binabasa at itinuon ang buong atensyon sa akin.
"Hindi kaya kilala ka niya?" Tanong nito na agad kong inilingan.
That would be impossible. I've been discreet all the time, be it at the school or just around the house. Hell, I've consumed a bottle of the red pill already just to make sure I won't be noticed!
Tanging mga kasamahan lamang sa Headquarters ang nakakaalam ng pagkatao ko. My label and reputation was never a secret until now. The chances of someone knowing my real identity is zero unless I'll disclose it myself. Na alam ko namang hindi ko gagawin.
"Well, you make the probability. Why does the Alpha hides? Imposibleng hindi pa nakarating sa kaalaman niya ang pagpatay mo sa lobo." Dugtong ni Gesa at muling binasa ang mga papel na dala.
Iyon din ang ipinagtataka ko. Kung nakita man nila ang lobong iyon, hindi ba nararapat lamang na maghanap sila ng posibleng pumatay? Or if they didn't had the chance to see it, don't they make countings on their own members and see that one of them is missing?
Sinadya kong magpa-iwan sa eskwelahan noong pangalawang araw ng pasok, nagbabaka-sakaling may magawi kahit isa sa kanila. I told myself, if the Alpha won't show himself, I'll get one of his members to show me the way. Ngunit naabutan na ako ng hating-gabi sa puno ay wala parin akong naririnig ni isang kaluskos.
"I'm guessing he's on training or something. Probably, making his pack stronger." kibit-balikat na komento niya.
Nakakapanibago. Of all the Alphas I have encountered, this one is surely secretive as hell. I am betting he's thinking of his next moves. That means I need to think twice ahead of him.
Tumunog ang bagong bili kong cellphone. Nang kunin ni Karleen ang numero ko ay napagtanto kong hindi ako pwedeng magbigay ng maaaring maging koneksyon namin. That's when I decided to buy a phone solely for outsider's purposes.
Saglit ko pa iyong tinitigan habang nagpapakita doon ang pangalan ni Karleen. I grunted. Pati ba naman sa katapusan ng linggo, wala siyang patawad?
"Sagutin mo." ani Gesa. Binalaan ko siyang huwag mag-ingay at magsalita bago sinagot ang tawag. I put it on a loudspeaker for Gesa to hear.
"Good afternoon, Dianne! Alam kong hindi ka magsasalita pero gusto kitang tawagan since tinatamad akong magtype!" aniya sa maligayang boses. I rolled my eyes when I saw Gesa preventing herself from laughing.
"Anyway, wala ka bang ginagawa? Punta ka naman dito sa bahay. You know, let's hang out. Text mo ako kapag oo para doon ko nalang sasabihin ang house number namin! Sana makapunta ka! Ingat!" dagdag niya bago kusang pinatay ang tawag.
I threw my phone and pulled myself from the bed. Tuluyang natawa si Gesa nang makitang naghahanda na ako sa magiging lakad.
"This is new. Kailan ka pa natutong sumama sa weekend hang-outs?" Tanong niya. I didn't bother looking at her and made myself busy on the clothes.
"Dianne does this. I don't." Sagot ko at inilabas ang napiling damit. After a week of using the ridiculous mid-thigh uniform, I decided to use skirts more. Natanto kong kung magpapanggap ako ay iibahin ko rin ang estilo ng aking pananamit. That way, if and only if they will caught me lurking in the middle of the night, they won't easily acknowledge my posture.
"Whom am I speaking to? Dianne or Gabrielle?" She taunted, an evil smile forming on her lips. Hindi ko siya sinagot at pinatayan na lang ng tawag bago pumasok sa banyo.
I spent a good one and a half hour on preparing. I decided to use a leg strap for my knives instead of hiding them under my shoes. Pala-kaibigan man ang ipinapakita ni Karleen ay hindi parin ako pakasisiguro. The minute our hands came in contact, I instantly felt her temperature. I knew then that if I'll be finding the Alpha, being close to his members gives me the best chance. Karleen wasn't an exemption.
I agreed to her plans. Saktong natapos ako sa paghahanda nang dumating ang mensahe niya, nagsasabi kung nasaan ang kanilang bahay.
I slipped into the driver's seat as soon as I received her text. I typed her address on my location tracker and it beeped. Sinundan ko iyon at ilang minuto lang ang nakalipas, tumunog muli ang tracker, hudyat na nasa tamang lugar na ako.
I notified Karleen of my arrival. I also sent a message to Gesa about my whereabouts. Iniwan ko sa sasakyan ang mga gamit bago tuluyang lumabas.
The soft, warm wind welcomed me. Isang dalawang palapag na bahay ang bumungad sa akin. From the looks of it, I am sure that it is made of wood, painted to look shiny. Napapaligiran ang lugar ng mga puno kung kaya't hindi masyadong nakakasilip ang araw. I checked my watch and found that it's only two in the afternoon, contrary to its view.
Hinintay ko si Karleen sa labas ng gate. Mula sa kinatatayuan ay malaya kong nakikita ang kanilang bakuran. Maaliwalas iyon dahil sa iba't ibang klase ng bulaklak na nakapalibot. May maliit na lamesa at dalawang upuan ang umuukopa sa espasyo. I even saw a swing on the far side.
Ilang sandali pa ay tuluyang lumabas si Karleen. I gave her a slight wave from the outside. Patakbo itong lumapit sa gate at nagmamadaling binuksan iyon.
Nabigla ako nang yumakap siya sa 'kin. She smelled chocolate and flour but other than that, her scent is actually nice.
She broke the hug and smiled. "Ang bango mo naman." komento niya. Nagulat man na naamoy niya ang red pill ay hindi ko iyon ipinahalata. Hindi rin nakatakas sa 'kin ang mabilis na pagkislap ng kanyang mata. It turned from black to gold in a split second.
Pumasok kami sa kanilang bahay. She made me sat on their couch while she headed to what seems like their kitchen.
"Kukuha lang ako ng juice. Hindi pa kasi ako tapos mag-bake." Aniya at tuluyang tumalikod sa akin.
The interior of their house is soothing and calm. May mga man-made trees na naka-display sa isang malaking banga sa magkabilang sulok. Their brown sofa and dark carpet matches the wood wall. Even the stairs going to the second floor are made of wood. Wala ring TV o radyo ang nandoon at tanging isang telepono ang nakapatong sa maliit na lamesa ang nakita ko.
Tumayo ako at sinuri ang mga nakadikit sa dingding. That's when I realized that those are charcoal drawings. Under those is a mini-bookshelf that I no longer checked.
"Dianne!" Pagtawag ni Karleen mula sa kusina. Agad akong nagpunta at naabutan siyang nagluluto. Itinuro niya ang high chair at agad naman akong umupo.
"Taste this!" Aniya at ibinigay sa akin ang kutsara. She served a bowl of baked macaroni with lots of cheese on it. Sinalinan niya rin ako ng juice sa baso at iniabot iyon. Ngumiti ako sa kanya bilang pasasalamat.
Maya-maya ay may inilabas siya mula sa oven. The smell of newly made pancakes attacked my nose. Naramdaman niya ang pagtitig ko doon bago siya bahagyang natawa.
"I would love to give you this pero it's exclusively for someone." sagot niya bago inilagay sa tray ang niluto. She even made it presentable by adding a slice of butter and a red syrup. Hindi pa nakuntento ay nagtimpla pa siya ng kape para doon.
"Saglit lang. Kain ka muna. Magpapalit na rin ako." Paalam niya at kinarga iyon. Tumango lang ako bilang pagsagot. She marched her way to the stairs and disappeared.
Tahimik akong kumain habang nililibot ang paningin sa kanilang kitchen. Unlike their living room, the kitchen seems a bit modern. Kompleto ito ng gamit gaya sa bahay. The dining table looked classic and elegant as well.
Tumayo ako upang tignan ang kanilang likod-bahay. The wind from the forest seems a bit colder than it was a while back. Hindi rin nakatakas sa akin ang lagaslas ng tubig mula sa hindi kalayuan. May mahabang lamesa ang nandoon at napapaligiran iyon ng kahoy na upuan. Natatabunan ng mga bato ang lupa at may mga halamang tanim din. I thought their front house was the best part but their backyard is breathtakingly awesome.
Pabalik na ako nang makita ang isang lalake. Nakatalikod ito at may kinukukuha sa kanilang refrigerator. Nang lumingon ito sa akin ay halos maibuga niya ang kanyang inumin.
"A visitor?!" gulat na sigaw niya. Napakunot ang noo ko sa kanyang naging reaksyon. Narinig ko ang apuradong paglapit ni Karleen sa amin at kulang na lang ay ihagis niya ang bitbit na tray sa lalake.
"She's with me! Ano ba, Vil?! You want us to be dead? Huwag kang maingay!" aniya sa kontroladong boses. Napahawak sa sentido ang lalake, tila natauhan sa sinabi ng kasama.
"Nagulat ako!" sagot niya at madramang hinawakan ang dibdib. Umirap lang si Karleen sa kanya at naglabas ng plato. Inilagay niya iyon sa hapag-kainan kasama ng iba pang niluto niya.
"I'm sorry. Please take a seat. What's your name?" tanong ng lalake sa akin at umupo.
"Hindi siya nakakapagsalita. Her name's Dianne." sagot ni Karleen dito. I gave him a slight bow before taking the seat in front of him.
"I'm Vil. Ngayon lang kita nakita dito." aniya sa akin. Saktong inilapag ni Karleen ang papel at ballpen sa harapan ko. Kumindat pa ito sa akin bago bumalik sa ginagawa.
I sighed as I wrote on the paper. Dumungaw doon si Vil at hinayaan ko siyang makita iyon.
Transferee. Classmate kami ni Karleen. Sulat ko. Iniabot ko sa kanya iyon. A small smile crept on his lips. Halatang nasisiyahan siya sa paraan ng pakikipag-usap ko. Kinuha niya mula sa 'kin ang ballpen at nagsulat ng kung ano sa halip na magsalita na lang.
Nice to meet you, Dianne. Aniya. Tumingin ako sa kanya at nakita siyang ngumiti. The dimple on his left cheek appeared. Tipid akong ngumiti sa kanya at sinimulan ang pagkain.
Karleen sat beside me and started the conversation about our daily schedule on the school. Araw-araw kasi ay kami ang magkasama sa klase. Kahit sa oras ng vacant at lunch time ay hindi rin siya humihiwalay sa akin. One week and I became used to her endless talking. Maging si Lara ay hindi na umaangal kapag hindi siya matahimik sa pagsasalita.
"Pero papasok naman kayo this week, 'di ba?" Tanong niya kay Vil. Napatingin ako sa kaharap at maligaya naman itong kumakain.
"Yeah. Nakakabagot na rin dito sa bahay." Sagot niya at muling sumubo. Hindi naman siya makalat pero mabilis siyang kumain. I wonder if he's chewing his food. Halos siya yata ang nakaubos sa isang bandehadong spaghetti.
Tahimik akong nagpasalamat nang hindi nila ako idamay sa usapan. Siguro'y upang hindi narin ako gaanong magsulat, puro tango at iling lang ang naibahagi ko.
"Classmate niyo rin si Lara?" Tanong ni Vil sa akin. Tumango ako at uminom ng tubig. Patapos na ako pero patuloy pa rin siya sa pagkain. For someone who has a lean body, he surely eats a lot.
"Mataray siya no?" Aniya. Napatitig ako, nag-aalangan sa magiging sagot. Tila nakuha niya iyon kaya't simple siyang tumawa.
"Nah, no need to answer. I knew how she can be the goddess of hell sometimes." Dugtong niya. Maging si Karleen ay tinawanan ang kanyang komento.
Nagpaalam si Vil sa amin habang tinulungan ko si Karleen sa pagliligpit. She insisted on washing the dishes alone and shoved me instead to their sala.
"Tatawagin na lang kita mamaya. Kaya ko na 'to." Aniya at iniwan ako doon.
Instead of sitting, I decided to take a tour outside. Muli akong lumabas upang makita ang harapan ng kanilang bahay. From their porch, I can see some houses from afar. Nasa mataas na bahagi kasi ang bahay nila kaya't may kalayuan mula sa kabihasnan. Sa daan paakyat ay wala rin akong nakitang iba pang bahay maliban sa kanila.
I can't help but be amazed on their location. Iniisip ko pa lang ang pagtitig sa palubog na araw mula sa ikalawang palapag ay namamangha na ako. This was Gesa's dream spot, on the top of the hill, overlooking the city's view. Kaya lang ay kabaliktaran ang nangyari at hanggang sa silid lang siya ng Headquarters namamalagi.
Tinawag ako ni Karleen pagkaraan ng ilang minuto. Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa likod ng kanilang bahay.
"Alam mo, I like your dress today. Bakit hindi 'yan ang gamitin mo tuwing free day sa school?" Tanong niya at pinaikot ako. She praised my peach, skater skirt dress for few times before letting me sit.
"Next time, wear a dress! Akala ko maganda ka na kapag naka-pants but you're prettier with these kind of outfits." Dagdag niya. Nagkibit-balikat lang ako bilang pagsagot. She chuckled and opened the tupperware.
"Mahilig kasi kami sa campings." Pagpapaliwanag niya. Sa isip ay napapailing nalang ako. If I only knew that we'll do this, hindi na sana ako nagpunta pa.
"Si Vil, may bahay naman pero mas madalas siya rito dahil sa mga pagkain. Madalas, siya ang nagluluto pero minsan, tinatamad kaya nakikikain na lang. Sayang nga lang at wala si Lara dahil may pinuntahan. Baka doon din pumunta si Vil." Aniya at nagsimula sa pagtusok ng mga hotdog. She handed her finished work to me. Ako naman ang naglalagay ng marshmallow sa dulo at nag-aayos sa lalagyan.
"Si Lara, hindi naman talaga siya masungit." Kwento niya at bahagyang napatawa. "Sadyang ganoon siya simula nang mamatay ang magulang niya."
I halted and looked at her. Nakapokus siya sa ginagawa habang ako ay napapaisip.
There's a possibility that I have killed her parents.
The mere thought made me shudder for a minute. Iniling ko ang ulo upang mawaksi iyon.
"Since then, sa amin na siya nakatira. There's no problem though. I grew up with her and she's a good friend, I assure you. Akala mo, wala lang siyang pakialam pero ang totoo, iniisip ka niya." Dugtong niya, ngayon ay wala na ang lungkot sa boses.
Nang tumunog ang telepono mula sa kanilang sala ay nagpaalam siya upang sagutin iyon. I continued doing my work and even ate some of the mallows. I thought of Lara's parents. Of course I knew that they are werewolves as well. But the thought of me killing them makes a bitter taste in my mouth.
One time when I was alone at the girl's comfort room, some students made fun of me. Hindi ako pumatol dahil alam kong sa oras na gawin ko iyon ay magsisisi rin ako. Someone even pulled my hair, saying that it was a wig. Naabutan iyon ni Lara at hindi ko alam kung sa akin ba siya nainis o sa mga babae. The next thing I knew, those girls were kneeling in front of me asking for my forgiveness because Lara threatened them.
"Dianne," pagtawag ni Karleen nang bumalik siya. I snapped at my thoughts and looked at her.
"Something came up. May kailangan akong puntahan. I'm sorry." Aniya. Tumango ako upang ipaalam na naiintindihan ko iyon.
Tinulungan ko siyang magligpit ng mga gamit. Iniwan niya ako sa sala at sinabing may kukunin lang sa kanyang silid.
I just found myself walking towards their garden. Naisip kong pumunta roon mamayang gabi dahil pakiramdam ko ay maganda ang paligid. But since I need to go earlier than planned, I won't miss the chance of going. Besides, I don't think I'll come here again.
May mga batong nakabaon sa lupa at nagsisilbing tapakan ng kung sino mang gustong magpunta sa parteng iyon. Sinundan ko iyon hanggang sa makarating sa gitna ng hardin. Beside the stonepath are bushes and different kinds of flowers. May isang puno rin doon na dinudumog ng mga alitaptap. The fireflies added light to the place besides of the lamp posts. Beautiful isn't enough to describe the place.
Napatingin ako sa langit. It was painted with mixed colors of warm yellow and indigo, making it a breathtaking view. Mas lumamig na rin ang ihip ng hangin kumpara nang dumating ako. I embraced myself as I felt the cold air brushing against my skin. Hinayaan kong sumasabay ang aking bestida sa direksyon ng hangin. I inhaled the air and breathed comfort.
Tumingin ako sa aking orasan at nakitang alas singko na ng hapon. Pabalik na ako nang makita ang isang paggalaw sa likod ng puno. Napatigil ako at muling nagmasid. Pagkatapos ng ilang segundo ay nanatili na itong tahimik.
Naglakad ako pabalik sa bahay. Hindi pa man ako nakakarating ay napatigil na ako nang makita ang isang lalake hindi kalayuan sa akin.
His lazy yet deadly eyes pierced through me. I halted and didn't dare to make a move. Nanatili akong nakatayo dalawang metro ang layo mula sa kanya. He sluggishly combed his thick, black hair. Mas lalo itong nagulo ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, tila mas bumagay pa ito sa kanya. He's wearing a black pants, a white V-neck shirt, and a black, leather boots.
The wind blew, making his hair and mine danced. The light from the lamp post illuminated on his face. Agad kong nakita ang kabuuan ng kanyang mukha. Thick brows and long eyelashes. His nose is carved perfectly that it matches his red, red lips. His well-defined jaw ringer everything about him.
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nakatayo sa harap ng isa't isa. Suddenly, I became stiff in place. Napaawang ang kanyang bibig nang makita ang reaksyon ko. Something unexplainable just clicked inside me. Like a volt that sparked and its electricity flowed on the rest of my body. My breathing became ragged as my heart beated faster than its normal pace.
"Who are you?" tanong nito sa mababa at malamig na boses. I let out a heavy exhale. Even his voice gave a peculiar effect to me. Pakiramdam ko ay napuno ng hangin ang baga ko.
"Oh, Kuya? Gising ka na pala?" ani Karleen mula sa kanyang likod. Tinanggal ko ang tingin mula sa lalake at itinuon iyon sa kanya. She walked towards me and handed me a yellow jacket.
"Nakilala mo na siya?" Tanong ni Karleen sa lalake. Nanatiling itong tahimik at nakatitig sa akin. Napakunot ang noo ko sa nagiging reaksyon niya, ganoon din ng katawan ko. What is happening? Dahil ba 'to sa kape na ininom ko kaninang umaga?
"No." malamig na sagot nito at tinanggal ang tingin sa akin. Napatango naman si Karleen sa kanya.
"She's Dianne, classmate ko. Dianne, meet my brother, Duke." ani Karleen sa pagitan namin. I avoided his gaze. Sandaling katahimikan ang namayani bago ako muling tumingin kay Karleen. Hinatid niya ako sa labas ng kanilang bahay. Nagpasalamat ito sa pagpunta ko at pinaalala pa ang overnight. She waved me goodbye as I started the engine of the car.
Saglit akong napatingin sa kanilang terrace. Nakita ko siyang nakatayo doon at nakahalukipkip na tinitignan ang pwesto ko.
Nag-iwas ako ng tingin. He's far more... gorgeous than the picture I have him. Dapat sana sa ngayon ay natatakot na ako sa kanya ngunit ang reaksyon ng katawan ko ang hindi ko maintindihan. I just stood in front of him with uncalmed nerves which I never had before.
I furiously stepped on the gas, neverminding that I'm going down the hill. I knew then that I will never land a feet in there. I just met my mortal enemy, the greatest rival of my blood.
Humigpit ang kapit ko sa manibela habang pinapaalalahanan ang sarili.
He is the Alpha. I am the Assassin. And I am destined to kill him.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com