The Author's Backdoor
minsan ba naramdaman mong hindi ka enough sa mga importanteng tao na nakapaligid sayo? minsan ba naramdaman mong siguro kung "MAS" ako mas mapapansin nila ko, na siguro mas maappreciate nila yung existence mo, na siguro pag naappreciate ka na nila magiging masaya ka na, yung literal na masaya, yung totoong masaya.
since hindi naman ata alam ng mga magulang ko na nagsusulat ako ng kung anik anik dito kaya ok lang na i-open ko, siguro ilang beses ko ng nasabi na nagsusulat ako dito asa naman akong magkakatime silang basahin ang mga gawa ko, asa naman akong magiging masaya sila kasi kahit papano may nagagawa ako. kaya mas madaling i-share ang isang bagay sa taong hindi mo kilala eh, mas ang less judgement.
ilang beses kong sinubukang mapalapit sa mama ko, pero hindi ko magawa nahihiya ako eh, time is short yes pero kasi kung ilang beses ka ng nagreach out tapos wala pa rin sabagay hindi kasi showy si Mama, baka ako lang ang problema, nakakainggit minsan yung mga taong bestfriend nila nanay nila feeling ko ang sarap sa feeling nung ganun, yung magkukuwentuhan kayo ng nangyari sayo sa buong araw, yung nasasabi mo sa kanya kung sino yung nagugustuhan mong tao, yung nasasabi mo sa kanya kung may umaaway sayo. ang sarap siguro sa feeling ng ganun.
I was always the 2nd one, lagi akong pangalawa, mahirap maging laging pangalawa laging may "MAS" sayo, yung tipong halos sa ilang taong mong pag-aaral ikaw ang Vice President, ikaw ang laging kasunod ng Magaling, feeling mo lagi kang may kakompetensya, mafefeel mo na hindi ka enough, I'm always the 2nd priority masakit yun. sobrang sakit nun, alam mo yung minsan mo nalang dadamhin ang isang bagay ang lakas pa ng impact, ang tagal mong mararamdaman hanggang sa masanay ka nalang na ganun lagi ang nangyayari.
One time, nagkaron ako ng award may medal din, pero alam mo yun? parang feeling ko wala lang sa kanila, one time nakakuha ako ng 77 na grade (yes nakakuha ako ng ganyan when I'm in 2nd Year Highschool, mahirap kasi kumuha ng grade sa naging school ko) ayun ang haba ng sermon saken, habang buhay ko atang dadalhin na nagkaron ako ng palakol sa grade ko. gets niyo ba? pag may nagawa kang maganda wala lang sa kanila pero pag may mali kang nagawa dun mo makukuha ang atensyon nila. pero hindi ako yung tipong attention seeker, yung binababaan lalo ang grades para mapansin ng magulang nila, yung nagrerebelde. ako yung tipo ng mas pinag-iigihan ko pa lalo kahit walang nakakaalam, kahit ako lang ang may alam, atleast may isang taong proud saken. yun ay ang sarili ko.
siguro kung meron mang nakakaalam ng kung sino talaga ako, ako yun, sarili ko mismo, kasi nga diba mas kilala mo ang sarili mo, madalas hindi ko maipakita mismo sa mga tao sa kung sino talaga ko kasi feeling ko laging may mali, example? pag maingay ako sasabihan ako ng ang ingay ko, pag naman tahimik ako sasabihan ka ng "may problema ba?" diba hindi mo alam kung san ka lulugar? minsan lang pero madalas kong maramdaman, masayahin ako yes. tingin nila napakamasiyahin ko because of the signature smile I always wear, but behind those smile, behind those laughs, is an sad story. yung akala nila napakalakas mong tao, yung akala nila napakaperfect na ng buhay mo? yung akala nila wala ng kulang sayo? LAHAT NG YUN AKALA LANG NILA. HINDI NILA ALAM KUNG PANO MAGING IKAW, KUNG PAANO PAG NAGING SILA AKO.
ako yung tipo ng tao na kung pag may taong mahalaga saken, nalalagpasan nun ang description ng mahalaga. pero kasi yung akala mo mahalaga ka sa isang tao akala mo lang pala talaga, yung akala mo kaya sila nandiyan sa tabi mo kasi gusto nila yun pala may kailangan sila kaya siguro ko nahihirapan magtiwala, kasi kadalasan pag nagdesisyon ka ng pagkatiwalaan at gawing mahalaga sa buhay mo ang isang tao saka ka nila sasaktan, saka ka nila iiwan, ganyan sila eh. ganyan ang buhay napaka. kaya minsan maiiyak ka nalang, tapos kelangan hindi yun nakikita ng tao, kelangan walang nakakarinig kasi pag nalaman nila yun iisipin nilang ang hina mo, na ang rupok mo kasi simpleng bagay iiyakan mo. pero madalas kasi ang simpleng bagay para saten sobrang halaga sa iba.
laging may moment na pag kasama ko ang pamilya ko feeling ko outcast ako yung tipong parang may napakalaking pader dinaig pa ang great wall of china, madaming beses na pero pamilya mo nga sila diba, mahal mo syempre hindi ko man nasasabi hindi ko rin napaparamdam pero alam ko sa sarili ko na mas mahalaga pa sila sa kahit ano mang bagay ang meron ako sa buhay ko. MAS MAHALAGA SILA.
Pero one thing is for sure, even though I'm always 2nd, even though at times I felt an outcast, masaya pa rin ako, kasi diba buo kami eh. May tinatawag akong pamilya. siguro kung meron man akong pangarap talaga sa buhay yun yung masabi nila saken na PROUD SILANG ANAK NILA KO.
at bilang pagtatapos ng pagdadrama ko, I KNOW SOMEDAY, I'LL BE SOMEONE'S FIRST.
FIRST CONFESSION. HINDI KO NA KINAPSLOCK.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com