Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12: The Unforgotten Promise

Mac Romer's POV

Nagising ako kinaumagahan sa sunod-sunod na pag ring ng telepono. Hindi ko sana papansinin kaso noong tumigil iyon sa pag ring ay sinundan naman ng pag ring ng cellphone ko.

Pangalan ni Michael ang nakarehistro. Agad kong sinagot yon.

"Ano na naman?" Tanong ko na inaantok pa rin.

"Sir Mac! May problema tayo! Sinuntok ni Don Cezar ang isa sa biggest investor natin!" Pagbabalita ni Michael

"Ano?!" Napatayo naman ako agad.

"Oo, may di raw pagkakaintindihan at ngayon ang investor gusto ng umatras sa deal."

"Sunduin mo ako, pupuntahan natin ang bastardong yan." Galit na sabi ko

"Huwag kang mag-alala Sir kanina na ako nandito."

Pinatay ko na ang tawag at agad nagmadaling naligo.

"Sir, ayon sa balita sa akin eh yung investor naman daw ang nauna binastos daw ang kadate ng kapatid ninyo-

"Wala akong pakialam kung sino ang nauna at ano ang dahilan. Hindi talaga nag-iisip ang hayop na yan. Vice President pa naman siya ng Chua Groups tapos ganyan ang inaasta niya." Galit na putol ko sa sasabihin niya pa.

"Sir, kumalma ka lang ha baka magpatayan na naman kayo magkapatid." Sabi pa ni Michael.

Pero gaya nga ng hula niya ay nangyari nga. Agad kong sinuntok si Don Cezar pagkakita ko sa kanya. Hindi mabilang na suntok ang binigay ko bago kami tuluyang naawat.

"Wala ka na ba talagang ibang gagawin kundi ipahiya ang kumpanya ko? Hanggang kailan mo ba sisirain ang buhay ng ibang tao?!" Sigaw ko sa kanya.

Hinawakan niya muna ang sugat sa mukha niya bago sumagot.

"At hanggang kailan mo ba ako sisisihin sa mga kasalanan na hindi ko naman ginawa? Oo sinuntok ko yung investor na yon. Aaminin ko! Pero ginawa ko lang yon dahil binastos niya ang-

"Kailan ka pa nagkaroon ng puso sa mga babae? Eh wala ka namang ginawa kundi mangkama ng babae gabi-gabi! Hindi mo man lang inisip na nakasalalay ang pangalan natin?! Nag-iisip ka ba ha!" Galit na sigaw ko sa kanya.

"Wala naman akong pakialam sa pangalan ng kumpanya natin dahil hindi ko naman pag-aari iyon." At akmang susuntukin ko sana siya ng hinarang kami ng isang babae.

"J-Joyce?" Bulong ng kapatid ko.

"Tama na! Wala naman siyang kasalanan! Bakit ganyan mo tratuhin ang kapatid mo? Hindi naman niya kasalanan kung naging bastardo siya ha! Hindi niya kasalanan kung nambabae ang Papa mo. Bakit sa kanya mo binubunton ang galit mo sa Papa niyo?!" Mahabang sabi niya

Hindi ako nakasagot.

"Buong buhay niya galit na galit siya sa mundo dahil pinanganak siyang bastardo. Nagsisisihan kayo, nagkakagalit kayo kahit wala naman kayong mga kasalanan. Sana naman maisip mo yon bilang nakakatandang kapatid." Sabi niya saka hinila si Don Cezar papunta sa kung saan. Naiwan akong tulala.

"Sir" Bulong ni Michael.

Hindi ko na siya pinansin pa at bumalik na sa sasakyan.

"Mag set ka ng appointment kay Mr. Buen." Sabi ko kay Michael habang nagmamaneho siya ng sasakyan.

"Yes Sir." Sagot niya

Katahimikan ang sumunod na nangyari.

Raven's POV

Kakauwi ko lang galing sa shooting inumaga na naman kami.

"Raven, matulog ka ng mabuti ngayon ha? Na cancel lahat ng appointments mo ngayon kaya dapat magpahinga ka." Sabi ni Ralph habang nagmamaneho.

Tumango lang ako habang nakapikit. Pagod na pagod ang katawan ko.

"Oh? Si Jocille ba yon?" Agad naman akong dumilat sa sinabi ni Ralph. Si Jocille nga. Nag-aantay sa gate.

"Ano na naman ginagawa niya dito. Raven magpapahinga ka ha huwag kang gagala." Dagdag pa niya.

"Huwag ka ng bumaba ng sasakyan. Iwan mo na kami." Sabi ko bago bumaba ng sasakyan. Wala naman siyang nagawa kundi umalis.

"Jocille." Ngiting tawag ko sa kanya. Pakiramdam ko nawala lahat ng pagod ko sa katawan pagkakita ko sa kanya.

"Buti nandito kana." Ngiting bati rin niya.

Mas lalo akong napangiti dahil sa ngiti niya. Ang ganda niya talaga

"Tara pasok na tayo." Pag-aya ko sa kanya.

"Dinalhan kita ng breakfast kasi alam ko na walang magluluto sa iyo." Sabi niya sabay labas sa mga dala niya.

"Parang nagutom tuloy ako bigla." Ngiting sabi ko.

"Sige na maupo kana." Sabi niya nang mahanda na niya ang dala niya.

"Sabayan mo ako." Pag-aya ko sa kanya

"Tapos na ak-

"Hindi ako kakain kung hindi ka sasabay." Pagbabanta ko pa

Tumawa lang siya.
"Para ka talagang bata." Sabi niya bago naupo at kumain kasama ko.

"May tanong ako." Napatingin naman siya sa akin.

"Ano na naman yang kalokohan mo?" Natatawa niyang sabi

"Naalala mo yung kwento ko tungkol sa buwaya na nasa ilog?" Tanong ko pa

"Ano na naman ang tungkol sa kanila? Ikaw kapag yan corny jokes na naman ipagkakalat ko na talaga yan sa mga fans mo." Pagbabanta niya pa.

Tumawa muna ako bago sumagot.

"May mga baka at baboy kasi na gustong tumawid sa ilog-

"Eh di tumawid sila, wala naman ang mga buwaya roon dahil nasa party ng leon diba?" Putol niya sa sasabihin ko sana.

"Aba, nag-iisip ka na ha. Pero mali dahil nakauwi na ang mga buwaya."

"Bakit? Tapos na ba ang party ng haring leon?" Seryosong tanong niya na nagpatawa sa akin.

"Parang ganon na nga. So noong tumawid ang isang baka, kinain siya ng mga buwaya. Tumawid ulit ang isa at ang isa pa pero ganon pa rin, kinain pa rin sila ng mga buwaya. Pero ang nakapagtataka, nung ang mga baboy na ang tumawid hindi sila kinain ng buwaya hinayaan lang sila. Bakit kaya?" Tanong ko sa kanya

"Akala mo mauuto mo ako ngayon ha. Hindi talaga kakain ng baboy ang mga buwaya dahil buhay pa naman yon at saka buo ang gusto nila yung tinadtad na na baboy." Proud pang sagot niya.

Tumawa naman ako ng malakas.

"Tama ako?" Excited na tanong niya.

"As usual, mali ka na naman." Natatawa ko pa ring sabi.

"Tss. Bakit ano ba ang mas tamang sagot don?" Naiirita niyang tanong

"Hindi talaga sila kakainin ng buwaya kasi...."

"Kasi?"

"Kasi Muslim ang religion ng mga buwaya." Sabi ko sabay tawa ng sobrang lakas.

Tumayo naman siya at nagstretching.

"Matagal-tagal na noong huli akong naka gulpi ng tao mukhang ngayon na ang tamang panahon." Sabi pa niya

Tumayo naman ako at lumayo sa kanya.

"Teka, Jocille joke lang naman yon eh." Natatawang sabi ko pa.

Jocille's POV

Nang masiguro ko na nakatulog na si Raven ay saka ako umalis ng bahay niya. Binigyan niya ako ng spare key niya para kung sakaling pumunta ako ay hindi na ako mag-aabang.

Nagpunta na ako sa opisina ni Mac dahil pag-uusapan namin ang tungkol sa kasal.

"Jocille" Bungad sa akin ni Michael.

"Bad timing ka ngayon, wala sa mood si Sir" Pagbabalita niya.

"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya

"Nag-away sila ng kapatid niya."

Nabalitaan ko nga na may mga kapatid siya pero hindi niya kaapelyido dahil apelyido ng Papa niya ang dala ng mga ito. Noong iwan ko siya wala pa siyang mga kapatid non.

"Babalik nalang ako bukas." Sabi ko sa kanya

"Oo ganon na nga. Tara ihahatid na kita sa inyo." Pag-aaya ni Michael

"Naku wag na mag tataxi nalang ako. Mas kailangan ka ni Mac ngayon." Sagot ko.

"Mas lalo akong mananagot kapag hinayaan kitang umalis na hindi man lang nahahatid. Tara na" Pag iinsist niya. Wala na akong nagawa kundi tumango nalang.

"Kapag hanapin ako ni Sir sabihin niyo nalang may pinuntahan akong importante ha?" Paalam niya sa mga kasamahan niya.

"Yes Sir." Sagot nila.

Pagbaba nga namin ng building ay nag-aantay na ang napakagandang sasakyan.

"Ang ganda talaga ng sasakyan nato." Sabi ko kay Michael.

"Isa to sa pinakamahal na sasakyan sa buong mundo, alam mo ba na nasa 19 million dollars ito?"

"Ano?!" Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Gulat ka no? Ganon kayaman ang pamilya nila Sir. Pero sayang lang tong sasakyan nato dahil hindi naman siya nagmamaneho." Sabi pa ni Michael.

Tama. Napansin ko nga rin yon.

"Oo nga. Marunong naman siyang magmaneho diba? Naalala ko nga dati pinagmamaneho niya ako ng sasakyan-

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ng biglang may maalala ako.

"Na gets mo ba ang rason kung bakit?" Ngiting tanong ni Mac

Napatingin naman ako sa kanya.

Flashback

Inaantay ko ngayon si Mac dito sa convenience store dahil susunduin niya ako para pumunta sa bahay nila Joan. Birthday kasi ngayon ni Joan.

Nang makita ko na ang sasakyan niya ay abot tenga na ang ngiti ko na agad din naman nawala nang makita ko na may babaeng nakasakay sa front seat.

"Pasensya kana Jocille nalate ako, dinaanan ko pa kasi si Ana pupunta rin daw kasi siya." Paliwanag niya

Bakit naman pupunta ang isang to eh hindi naman siya invited. If I know, makikipaglandian lang siya kay Mac-alam kasi ng lahat na crush na crush niya ito.

At ang bruha hindi man lang bumaba sa front seat. Si Mac naman pinagbuksan ako sa back seat. Hindi ako papayag!

"Hoy! Ako dyan sa front seat." Sabi ko sa kanya

"May pwesto naman sa likod ha? Doon kana total nauna naman ako sayo dito."

Aba't umaattitude pa ang bruha. At ang Mac wala man lang ginawa. Naiinis na sa back seat nalang ako sumakay.

Buong gabi akong wala sa mood hindi ko pinapansin si Mac, bahala siya dyan.

"Hoy, anong problema mo? Hindi ba masarap mga handa ko?" Puna ni Joan sa akin.

"Huwag mo akong disturbohin please lang." Iritang sabi ko sa kanya.

"Attitude ka girl? Anong problema mo?" Pamimilit pa niya.

"Wala! Uuwi na ako" Sagot ko sa kanya saka nagmamadaling umalis.

"Hoy!" Narinig ko pang tawag niya.

Akmang papara na ako ng taxi ng hilahin ako ni Mac.

"Saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang party ha?" Tanong niya

"Uuwi na. Wala na ako sa mood." Sagot ko

"Ihahatid na kita-

"Huwag na. Yung Ana nalang ang ihatid mo." Sabi ko pa sa kanya

"Nagseselos ka ba sa kanya?"

"Bakit naman ako magseselos? Bakit tayo ba-

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang halikan niya ako sa labi.

Tanging tunog lang ng umaandar na sasakyan ang maririnig habang pauwi kami ni Mac. Nakasakay ako sa front seat ng sasakyan niya.

Nagulat naman ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"Bakit ka ba nagalit sa akin?" Basag niya sa katahimikan.

Pero di ko siya sinagot.

"Dahil ba sa pag-upo dito ni Ana sa tabi ko? Sinadya ko naman yon para tignan ang magiging reaksyon mo."

Napatingin naman ako sa kanya.

"Pinag-eexperimentuhan mo ba ako?" Naiirita kong sabi

"Parang ganon na nga." Nakangiti niyang sagot

Inirapan ko naman siya.

"Huwag kang mag-alala, mula ngayon ikaw lang ang ipagmamaneho ko ng sasakyan. Ikaw lang ang dapat katabi ko kapag nagmamaneho ako dahil kung hindi rin lang naman ikaw, hinding hindi ako papayag na magmamaneho na hindi ka katabi o hindi ikaw ang kasama ko. Pangako ko yan sayo." Ngiting sabi niya.

"Talaga?" Bulong ko.

Hinalikan naman niya ang kamay ko na nagpangiti sa akin.

End of Flashback

"Alam ko kahit hindi sabihin ni Sir Mac sa akin, alam ko na yung pangako niya sayo ang dahilan kung bakit kahit kailan mula ng umalis ka hindi na siya nagmaneho pa ulit sasakyan gaano man kaganda ito." Dagdag pa na sabi ni Michael.

Nang makarating ako sa bahay ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko. Hindi ko akalain na kahit iniwan ko siya ay tinupad niya pa rin ang pangako niya sa akin.

"Anak ayos ka lang ba?" Tanong ni Tatay sa akin. Napansin niya siguro na tulala ako.

"Ayos lang ako Tay. Sige po magpapahinga na muna ako." Pagkasabi ko non ay iniwan ko na siya at pumasok na sa loob ng kwarto ko.

Hindi ko namalayan na napaluha na pala ako. Bigla ko naman naramdaman ang literal na pagsakit ng puso ko. Hindi ako makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Siguro ay ito ang kabayaran sa nagawa kong pag-iwan kay Mac noon. Kahit na sinaktan ko siya ay pinili niya pa rin ang maging tapat sa pangako niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com