Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16: Secret Wedding

Jocille's POV

Nandito ako ngayon sa bahay ni Raven, inaantay ko siyang dumating.

Naguguilty ako sa nangyari, napakabuti niya pa naman sa akin pero sinasaktan ko lang lalo ang kalooban niya. Dapat iklaro ko na sa kanya ang lahat.

"Jocille" Napalingon ako sa kanya

"Bakit nandito ka sa labas? Ang lamig lamig, binigyan nga kita ng susi diba?" Sabi niya saka akmang ibibigay sa akin ang coat niya pero pinigilan ko siya saka inabot ang susi ng bahay niya.

"Raven, hangga't nakakapit ka sa akin. Hangga't ako lang ang nakikita mo, hindi ka magiging masaya hindi mo makikita yung taong magmamahal talaga sayo ng sobra." Panimula ko.

"Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo ako eh. Hayaan mo lang akong-

"Mahal ko pa rin siya. At hangga't nandirito sa puso ko ang pagmamahal na yon, siya at siya lang ang makikita ko. Napakabuti mo Raven, at ayaw ko na saktan ka ng paulit-ulit." Dagdag ko pa.

Napayuko lang siya.

"I'm sorry Raven." Sabi ko bago siya tuluyang iwan.

Raven POV

Ano bang meron sa araw nato? Ang sakit.

Sumakay ako ulit ng sasakyan saka nagpunta sa bar.

Uminom ako ng uminom.

"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Napatingin ako kay Ralph.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko sa kanya

"Sinabihan ako ni Jocille na hanapin ka. May bad habit ka pa naman kapag nalalasing baka mag-eskandalo ka at makuhanan ng video malaking problema pa." Sabi niya sa akin.

Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy lang sa pag-inom.

"Alam mo naman na may mahal na ang tao sinisingit mo pa ang sarili mo. Alam mo kung bakit ka nasasaktan? Kasi minamahal mo yung taong dapat kaibigan mo lang." Sermon pa niya.

"Okay lang na hanggang kaibigan lang ako sa kanya, tanggap ko naman yon eh. Ang di ko matanggap na pagbawalan niya ako na patuloy siyang mahalin." Sagot ko kay Ralph.

Napangiti naman siya sabay hawak sa likod ko.

"Huwag kang mag-alala, kung kayo, kayo naman talaga." Sabi niya bago kinuha ang iniinom ko at ininom iyon.

Jocille's POV

Iniisip ko pa rin ang napag-usapan namin ni Raven. Alam ko tama ang ginawa ko, dapat lang na malaman niya ang totoo.

"Jocille." Napalingon naman ako kay Michael.

"Michael."

"Buti nakauwi kana, kailangan natin mag-usap pero huwag dito dahil baka marinig tayo ni Tatay Mario" Sabi niya at hinila ako papasok sa sasakyan.

"Bakit anong pag-uusapan natin? Tungkol ba sa kasal?" Tanong ko pagkapasok namin sa loob.

"Oo, at pasensya kana dahil bibilisan na natin ang kasal ninyo. Ngayong darating na linggo na. Pool wedding nalang daw kasi tayo-tayo lang naman ang dadalo." Sagot ni Mac

"N-ngayong linggo na?" Gulat na sabi ko

"Oo, kasi secret wedding ito. Gumagawa ng paraan ang Papa ni Sir Mac para di matuloy ang kasal niya kaya kailangan niyo ng makasal. Ikaw na bahala magsabi sa Tatay mo ha? Basta bukas susunduin kita dahil bukas na ang alis niyo papuntang Maldives, doon kayo ikakasal" Paliwanag pa ni Michael.

Tumango nalang ako sa lahat ng sinabi ni Michael.

Pagkatapos nga namin mag-usap ay pinaliwanag ko na kay Tatay ang lahat.

"Mahal na mahal ka talaga niya no? Dahil minamadali niya ang lahat. Nahiya tuloy ako sa ginawa ko dati." Sabi ni Tatay.

"Kalimutan niyo na yon Tay. Ako na ang bahala sa lahat." Ngiting sabi ko sa kanya.

"Hindi ka naman siguro titira kasama ang Papa niya? Baka apak-apakan nila ang pagkatao mo dahil sa maling desisyon ko noon." Pag-aalalang sabi niya.

Hinawakan ko naman ang mga kamay niya.

"Tay, hindi ako papayag na ganon ang gawin sa akin. Huwag na po kayong mag-alala." Paninigurado ko sa kanya

"Paano ang susuotin natin? Nakakahiya naman kung sila lang ang gagastos, ibenta ko na kaya ang taxi ko?" Tanong niya

"Naku Tay, wag na kayo mag-abala pa okay? Hayaan mo na kami ni Mac mag-asikaso sa lahat may ipon naman ako eh." Pagsisinungaling ko sa kanya.
Lahat ng gastos kay Mac, kasama ito sa kontrata namin.

Kinabukasan nga ay sinundo kami ni Michael.

"Wow, ang ganda naman ng sasakyan nato. Sa iyo ba to?" Manghang sabi ni Tatay kay Michael.

"Sana nga sa akin nalang to Tatay, kaso kay Mac po to. Aabutin pa siguro ng sampung taon o higit pa bago ako makabili ng ganito ka garang sasakyan." Sagot ni Michael

"Hay, ano ka ba dapat bumili ka ng ganito ka gandang sasakyan para naman may babaeng pumatol sa iyo. Wala kang mauuto niyan eh." Banat pa ni Tatay

"Ano bang nagawa ko sa Tatay mo Jocille bakit ganyan siya sa akin?" Nakasimangot na tanong ni Michael sa akin.

Tumawa nalang ako bilang sagot.

Mas namangha naman kami ni Tatay nang makapasok na kami sa private plane ni Mac.

"Wow" Sabay naming sabi ni Tatay

"Eroplano ba ito o mansion? Nasa langit na ba ako?" Manghang sabi pa ni Tatay.

"Welcome on board Mang Mario." Napalingon naman kami sa nagsalita-Si Mac.

Nakaupo siya sa isang upuan. Napakagwapo niya talaga.

"Mang Mario? Simula ngayon Tatay Mario na ang itawag mo sa akin ha?" Ngiting sabi ni Tatay sa kanya.

"Okay po." Tipid na ngiting sabi niya.

"7 hours pa ang byahe papunta sa Maldives pwede kayong magpahinga na muna. Magpapahanda ako ng lunch para sa atin." Sabi ni Michael.

Tatabi na sana ako kay Tatay

"Oh? Bakit dito ka sa akin tatabi? Doon ka sa asawa mo." Pagtutulakan niya sa akin.

"A-Ahh kasi ano-

"Kasi Tatay Mario diba masama daw sa ikakasal kapag nagkita sila bago ang kasal? So dyan muna yan si Jocille sa inyo. Tandaan ninyo pagkatapos ng kasal eh hindi niyo na siya makakasama ng matagal dahil may asawa na siyang aalagaan" Singit ni Michael

"Tama si Michael Tatay." Ngiting sabi ko nalang.

"Oo nga pala. Hindi kana uuwi sa bahay natin." Malungkot na sabi ni Tatay

"Hindi po papayag si Jocille na maiwan kayo sa bahay ninyo kaya kasama po kayong lilipat sa Mansion na titirahan nila." Dagdag pa ni Michael.

"Anak ano ka ba, hindi naman tama na kasama ako sa lilipat. Kung nag-aalala ka sa akin pwede mo naman akong dalawin paminsan-minsan at isa pa makikitira pansamantala ang Tiyo Jaime mo sa atin hindi ba?" Pang sesermon pa ni Tatay sa akin.

"Hindi ko naman pwedeng hindi kayo isipin. Kayo nalang ang meron ako Tay." Sagot ko sa kanya.

"Ah basta, sumama ka sa asawa mo at ako ang maiiwan sa bahay okay?" Hindi nalang ako sumagot.

Matapos nga ang mahabang biyahe ay narating na namin ang Maldives.

First time ko na makapunta dito at sobrang napahanga ako sa magagandang tanawin na nadaanan namin.

At ang villa ni Mac mas maganda pala sa personal kesa sa larawan lang.

"Dito gaganapin ang kasal niyo bukas ng umaga, kaya Tatay Mario, Jocille magpahinga na muna kayo sa kwarto ninyo." Sabi ni Michael pagpasok namin sa loob ng villa.

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay di ko maiwasan na makaramdam ng matinding kasiyahan. Ikakasal ako sa lalaking matagal ko ng mahal, kahit pa pekeng kasalan lang ito ay di ko pa rin maiwasan na sumaya.

Mac Romer's POV

Naging busy ako sa pagmamasid sa mga nag-aarange para sa kasal namin ni Jocille bukas. Ewan ko kung bakit ako nakakaramdam ng kaba. Kahit na peke lang ang kasal na to gusto ko pa rin na maging maganda ang kalalabasan. Gusto ko na kahit peke lang ang lahat ay makita ko na sumaya rin siya kahit papano.

"Sir Mac, nasa secret room na po ang surprise guest niyo para kay Jocille" Pagbabalita ni Michael.

"Good. Siguraduhin mo na hindi sila magkikita. At ikaw umayos ka ha, alam ko noon pa crush na crush mo na siya. Ikaw ang best man ko kaya wag kang marupok."

"Mas marupok ka sa akin." Ganting banat niya pa.

"Tumigil ka."

"Pikon pa." Sabi niya at agad lumayo dahil sisipain ko na sana siya.

Nang matapos na nga ang paghahanda ay naisipan kong magpahinga na.

Kinabukasan ay maaga akong naligo saka ako inayusan ng kinuhang hair stylist ni Michael.

"Sir wag kayo masyadong kabahan okay?" Ngiting sabi pa ni Michael.

"Tigilan mo ako." Sita ko pa sa kanya

Jocille's POV

Inaayusan na ako nang bigla nalang akong tinawag ng isang pamilyar na boses. Laking gulat ko nang makita ang pinakanamimiss kong best friend- Si Joan.

"Joaaannnn!" Sigaw ko at agad siyang niyakap.

"Namiss kitang bruha ka! Hindi mo man lang ako sinabihan na ikakasal ka na pala kay Mac!" Galit na sabi niya

"Paano mo nalaman na-

"Sinabihan ko siya." Napalingon kami kay Michael.

"Gusto ni Sir Mac na may maid of honor ka kahit papano." Dagdag niya pa

"Akala mo ba palalampasin ko ang kasal mo kahit peke lang to?" Singit ni Joan na ikinagulat ko.

"Oo alam ko. Pero umaasa naman ako na mapupunta rin kayo sa totohanan." Kinikilig pang sabi ng bruha.

Napangiti akong yumakap sa kanya.

"Namiss kita!"

"Oh, siya tama na yan at magsisimula na ang kasal."

Maya-maya nga lang ay nagsimula na ang simple wedding ceremony. Napakaganda ng paligid.

At nang ako na ang maglalakad nakita ko si Mac na nag-aantay na sa akin sa altar.

Napakagwapo niya, habang naglalakad ako naalala ko ang mga panahon na nakakulong ako sa mga bisig niya o di kaya ay sakop ng mga labi niya ang mga labi ko. Sana totoo nalang ang lahat ng ito. Sana nga ikakasal ako sa taong tanging minamahal ko....

Mac Romer's POV

Naramdaman ko ang pamilyar na kabog ng dibdib ko nang makita ko si Jocille na naglalakad papunta sa akin.

Napakaganda niya, lalo na ng ngumiti siya. Naalala ko ang mga panahon na una ko siyang nakita, una ko siyang minahal at kahit ngayong araw lang aaminin ko sa sarili ko na siya pa rin, siya lang ang minahal ko ng ganito katindi.

"I take you to be my wife" -Mac

"to have and to hold" - Jocille

"From this day forward" -Mac

"For better, for worse" -Jocille

"For richer, For poorer" -Mac

"In sickness and in health" -Jocille

"To love and to cherish" -Mac

"Til death do us part"- Jocille

"According to God's holy law."- Mac

"And this is my solemn vow."- Jocille

Pagkatapos namin bigkasin ang mga katagang iyon ay nakita ko ang luhang pumatak sa kanyang mga mata.

"And now I pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride" Ngiting sabi ng Pari

Agad kong tinaas ang belo niya saka siya dahan-dahang hinalikan sa mga labi. Walang pinagbago, ganon pa rin katamis ang mga labi niya. At gaya ng una naming halik ay ganon pa rin ang lakas ng tibok ng puso ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com