Chapter 17: Back off, She's my Wife
Jocille's POV
Pagkatapos nga ng kasal namin ay kumain lang kami ni Mac kasama ang konting bisita sa Underwater resort nila.
Ayon nga sa plano namin ay mauunang umuwi si Tatay at Michael para isipin ni Tatay na nag hohoneymoon lang kami ni Mac.
Pagkatapos namin mahatid si Tatay at Michael ay bumalik na kami sa Villa nila Mac.
"Kumusta ka naman?" Tanong ni Joan sa akin. Naliligo kami sa pool, hindi pa siya bumabalik ng Canada dahil pinaleave siya ng isang buwan ng boss niya. Isa si Mac sa investor ng kumpanyang pinagtatrabahuan niya kaya walang dalawang isip siyang pinayagan ng boss niya.
"Okay lang, ganoon pa rin. Next year matatapos ko na rin ang kurso ko." Ngiting sagot ko sa kanya.
"Sinabi mo na ba sa kanya?" Tanong niya na nagpalaho ng mga ngiti ko.
"Alam mo naman na wala akong karapatang sabihin sa kanya." Sagot ko sa kanya.
"Kahit na, atleast man lang malaman niya ang rason kung bakit mo siya iniwan." Dagdag na sabi pa niya.
"Sa tamang panahon, sasabihin ko rin sa kanya." Sagot ko nalang
Pagkatapos namin maligo ay nakita namin si Mac na nagkakape sa sala habang nagbabasa ng libro. Kahit saang anggulo mo siya tignan maaappreciate mo talaga ang kagandang lalaki niya.
"Tapos na kayo? Wanna eat something?" Tanong niya sa akin
"Nakakain ba yang pandesal mo? Ibibigay ko lang sa Asawa mo." Ngiting banat pa ng bruhang si Joan.
"Ano ka ba! Napakalandi mo." Saway ko sa kanya.
"Asus! If I know baliw na baliw ka kay Mac dati!" Banat pa niya
"Tumigil kana! Ano ka ba" Kinurot ko pa siya sa tagiliran.
"Aray!"
Mataman lang kaming pinagmamasdan ni Mac.
"Maghanda na kayo dahil aalis tayo." Napalingon kami sa sinabi ni Mac.
"Ha? Uuwi na kayo?" Malungkot na tanong ni Joan.
"Yeah. Pero pupunta muna tayong Canada, ihahatid ka namin bago kami umuwi ng Pilipinas. May mga importante akong aasikasuhin." Paliwanag niya.
Tumango-tango nalang si Joan.
Raven's POV
Ilang araw na akong nagpabalik-balik sa bahay nila Jocille pero laging walang tao. At ngayon ay papunta ulit ako roon para magbakasakali, gusto ko lang malaman niya na tanggap ko na, na hanggang magkaibigan lang talaga kami.
Napangiti naman ako nang makita na may ilaw na sa labas ng bahay nila.
Agad akong nagdoorbell. Pinagbuksan naman ako ni Tatay Mario.
"O-Oh R-Raven ikaw pala." Namumutlang sabi niya.
"Tay okay lang kayo?" Tanong ko sa kanya.
"O-Okay lang ako. M-masama l-lang ang p-pakiramdam ko." Sagot niya.
"Sigurado po ba kayo?"
"S-sigurado a- Pero bago pa niya matuloy ang sasabihin ay nawalan na siya ng malay.
"Tay!" Sigaw ko sabay salo sa kanya. Agad ko siyang kinarga papasok ng sasakyan at nagmamadaling umalis papunta sa pinakamalapit na hospital.
Agad naman siyang ginamot ng mga Doctor habang pilit ko pa ring kinokontak si Jocille. Maya-maya nga lang ay sumagot na ito.
"Thank God sinagot mo rin! Sinugod ko sa ospital si Tatay Mario" Pagbabalita ko sa kanya
"A-ano?! Bakit anong nangyari? Nasaan kayo? Kumusta siya?" Sunod-sunod na tanong niya.
"Mamaya ko na ipapaliwanag sayo, nasa Angel's Hospital kami." Sabi ko sa kanya.
"P-papunta na ako." Maluha-luhang sabi niya pa.
Wala pa ngang 20 minutes ay nasa hospital na si Jocille saktong paglapit din ng Doctor sa amin.
"Sino ang kapamilya ng pasyente?" Tanong ng Doctor
"A-ako po Doc." Naiiyak na sabi ni Jocille.
"I'm sorry to tell you this but nasa malalang stage na ng kidney failure ang pasyente. End stage renal disease at tanging kidney transplant nalang talaga ang option natin. Maaaring ma lessen ng dialysis ang pain na nararamdaman niya pero best option natin is magpa kidney transplant ang pasyente. However, dahil sobrang bagsak ang katawan niya ay kailangan din natin na antayin muna na bumalik ang lakas niya para sa kidney transplant na gagawin natin kung sakali" Paliwanag ng Doctor
Lalong napaiyak si Jocille.
"Diyos ko..." Niyakap ko naman siya
"Raven ang Tatay ko." Humahagulhol na sabi niya.
"Wag kang mag-alala magiging maayos din ang lahat." Pagpapatahan ko sa kanya.
Naupo kami sa upuan sa garden ng hospital habang inaantay na magising si Tatay Mario.
Inabot ko kay Jocille ang tubig para makatulong na magpakalma sa kanya.
"Kasalanan ko to eh. Kung sana mas nagsipag pa ako sa pagtatrabaho, kung sana nakatapos ako ng pag-aaral hindi na sana magpapagod sa pagtatrabaho si Tatay, hindi sana mas lalala ang kondisyon niya. Wala talaga akong kwentang anak." Naluluha na naman na sabi niya.
"Pwede ba huwag kang magsalita ng ganyan. Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil hindi mo kasalanan, at mas lalong hindi gugustuhin ni Tatay Mario na sisihin mo ang sarili mo." Pag-aalo ko sa kanya.
"Paano kung mawala siya? Paano kung hindi ako makahanap ng donor para sa kanya? Ano na ang gagawin ko?" Niyakap ko naman siya nang patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
"Huwag ka sabi magsalita ng ganyan eh. Magiging maayos din ang lahat." Sabi ko sabay haplos sa likod niya.
Nasasaktan ako na nasasaktan siya. Kung pwede lang na ako nalang ang nasa hospital at hindi na si Tatay Mario para lang tumigil na siya sa pag-iyak ay gagawin ko. Masakit makita na umiiyak ang babaeng ayaw mong makita ni sa panaginip na lumuha.
Mac Romer's POV
Papasok na ako sa Pension house nang tawagin ako ng isang housekeeper.
"Magandang Gabi po Sir Mac. May itatanong lang po sana ako sa inyo." Magalang na sabi niya
"Ano po yon?" Tanong ko
"Naalala niyo po ang binigay kong hikaw noong nakaraan? Akala ko po ay isa iyon sa mga babaeng kasama ninyo, pero sa dating part-timer pala natin iyon. Hinanap niya kasi kanina." Sagot naman niya
"Part-timer?" Nagtataka kong tanong
"Kasi po sa tuwing kakailanganin kong lumiban sa trabaho ay siya ang pumapalit sa akin na maglinis ng kwarto ninyo. Hinahanap niya nga yung hikaw baka raw naiwan niya sa locker eh hindi kasi kami nag abot kaya hindi ko nasabi sa kanya na nakita ko nga yon at nagkamali akong maibigay sa inyo." Paliwanag ni Manang
"Ahh, sino po ba yang part-timer na yan at napakatanga naman." Sabi ko sabay bukas ng pintuan at agad kinuha sa desk ang hikaw.
"Magkasing edad lang kayo Sir. Jocille ang pangalan niya, di kayo nagkikita non kasi tuwing siya ang pumapalit sa akin lagi kayong tulog o di kaya ay wala-
"Anong sabi ninyo? Ano ang pangalan niya?" Putol ko sa sasabihin pa ng matanda.
"Jocille Cervantes po. Kilala niyo po ba siya?"
Saka naman ako parang nabuhusan ng malamig na tubig nang maalala ko ang isang pangyayari na akala ko ay panaginip lang.
Flashback
Nagising ako non na may humaplos sa mukha ko at nakita ko nga si Jocille.
"Jocille." Tawag ko sa pangalan niya.
"Galit ka pa rin ba sa akin?" Tanong niya.
"Hindi. Hindi ako galit. Napatawad na kita. Miss na miss na kita." Naiiyak ko pang sabi.
"Patawarin mo ako, patawarin mo ako." Nakita ko na naluluha na rin siya.
Kinabig ko naman ang mukha niya at buong pananabik na hinalikan siya. Saka ko lang naalala ang itsura niya non, nakasuot nga siya ng housekeeper uniform at suot din niya ang hikaw niya.
Hindi panaginip iyon, totoo yon. Agad akong nagmadaling umalis.
"Sir!" Narinig ko pang tawag ng matanda.
"Hello?" Tawag ko sa Manager ng Hotel
"Yes po Sir Mac?" Sagot niya
"Ihanda mo sa harap ng hotel ang sasakyan ko."
"Tatawagan ko po ba si Sir-
"No, wag na. Ako ang magmamaneho." Sabi ko bago binaba ang sasakyan.
Pagkababa ko nga sa hotel ay nakita ko na nasa labas na nakaparada ang sasakyan ko.
"Sir, ako na po magmamaneho" Pag-aaya pa ng Manager
"No need." Sagot ko bago sumakay sa loob ng sasakyan
Huminga muna ako ng malalim bago nagmaneho.
Tama si Jocille ng sabihan niya ako sa rason kung bakit hindi ako kailan man nagmaneho na ng sasakyan. Dahil ang gusto ko siya lang ang ipagmamaneho ko. Siya lang ang babaeng katabi ko sa sasakyan. Dahil yon ang pangako ko sa kanya. Nakangiting binilisan ko ang pagmamaneho.
Pagdating ko sa bahay nila ay bukas ang gate at pinto. Pumasok na ako sa loob at nakita ko nga ang nagkalat na jewelry sa mesa ng sala. Nang tignan ko iyon ay nakita ko ang kapareha ng hikaw na hawak ko. Agad akong napangiti.
"Sino ka?" Napalingon ako sa matandang lalaki na sigurado akong ang Tiyo Jaime na tinutukoy ni Tatay Mario.
"Ah, asawa po ako ni Jocille. Hinahanap ko po siya." Sagot ko sa kanya.
"Ahh ikaw pala ang asawa ng pamangkin ko. Wala siya dito, sinugod kasi sa hospital si Kuya."
"Hospital? Saang hospital po?" Gulat na tanong ko
Nang masabi niya sa akin kung saang hospital dinala si Tatay Mario ay nagmamadali akong pumunta roon.
Papasok na ako sa loob nang makita ko sila ni Raven sa isang upuan habang nakayakap ang tarantado sa kanya.
Hanggang kailan ba eepal sa amin ang isang to? Galit na bulong ko sa sarili ko.
Agad akong lumapit sa kanila at hinila si Jocille mula sa pagkakayakap niya. Nagulat naman silang dalawa sa ginawa ko.
"M-Mac"
"Ano bang problema mo?" Galit na tanong pa nito sa akin.
"Ano ang problema ko? Niyayakap mo lang naman ang asawa ko." Galit na sagot ko sa kanya.
"A-asawa?" Gulat na tanong niya sa akin.
"Oo, so back off, she's my wife now." Pagkasabi ko non ay hinila ko na si Jocille papunta sa sasakyan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com