Truyen2U.Net quay lại rồi đây! Các bạn truy cập Truyen2U.Com. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19: The Scandal

Raven's POV

"Cut! Ano bang problema mo Raven? Nakailang take na tayo sa scene di mo pa rin makuha?!" Galit na sabi ng Director sa bago kong ginagawang pelikula.

"I'm sorry Direk, wala lang talaga ako sa kondisyon ngayon." Sagot ko nalang.

"My goodness! Sige mag break ka muna ng dalawang araw, uunahin ko muna ang mga scenes ng kapartner mo." Sabi niya bago ako tinalikuran.

"Hoy! Ano bang nangyayari sayo? Bakit ka ba nagkakaganyan" Sermon naman ni Ralph.

Hindi ko nalang siya pinansin at agad sumakay sa sasakyan at umalis.

Pagdating ko ng bahay ay agad kong kinuha ang isang beer sa ref saka ininom to.

Di ko alam kung bakit ako nasasaktan na alam ko naman na sa laban nato talo na talaga ako. Hindi talaga ako ang mahal niya, at kahit anong gawin ko hindi ako ang para sa kanya.

Jocille's POV

Nagising ako sa sinag ng araw. Umaga na pala. Nagulat ako na wala na akong katabi, umalis na siguro.

Pagtayo ko ay naramdaman ko ang matinding pananakit ng katawan. Ganito ba talaga ang kapalit ng matinding sarap?

Bigla naman bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwa si Mac.

"Gising kana pala. Maligo kana at dadalawin natin si Tatay Mario." Ngiting sabi niya

Para naman akong natauhan nang maalala na nasa hospital nga pala ang Tatay ko. Jocille! Inuna mo pa ang landi!

Tatayo na sana ako nang maalala ko na hubad nga pala ako, agad ko namang tinakpan ang sarili ko.

"Nakita ko na lahat sayo, no need to be shy." Malambing na sabi ni Mac bago ako hinalikan.

Pagkatapos nga namin magbihis ay lumabas na kami ng hotel. Pinagtitinginan naman kami ng lahat ng empleyado, medyo nahiya naman ako dahil katrabaho ko pa ang ilan sa kanila.

"Good morning Sir Mac, handa na po ang lahat ng employees sa lobby." Salubong sa amin ng Hotel Manager.

"Good." Tipid na sagot ni Mac

Pagdating nga namin sa lobby ay nandoon na halos lahat ng empleyado.

"Good morning Sir Mac" Sabay-sabay na sabi nila.

"Good morning. Pinatawag ko kayo dito para ipakilala ang asawa ko-Mrs. Jocille Chua. Gusto ko na itrato niyo siya kung ano ang pagtrato niyo sa akin. Ayoko na may masasamang chismis akong maririnig tungkol sa kanya or else, mawawalan kayo ng trabaho. Understood?" Puno ng awtoridad na sabi ni Mac

"Yes, Sir" Sagot naman ng lahat.

"Nababa na ba lahat ng gamit ko?" Narinig kong tanong niya sa Manager.
"Yes Sir, pinahatid ko na po sa sinabi ninyo na Mansion." Sagot naman nito.
Umalis naman kami agad pagkatapos ng maikling announcement ni Mac.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko ang sasakyan na nakaparada sa labas ng hotel. Bago na naman ito.

"Pinalista ko na si Tatay Mario para sa mga nangangailangan ng kidney donor. Ayon sa kaibigan kong Doctor medyo mahihirapan lang tayong makahanap ng donor kahit number 1 na siya sa list dahil napaka rare ng blood type ni Tatay Mario. Pero wag kang mag-alala, gagawin natin ang lahat okay?" Hinawakan niya pa ang kamay ko.

Napangiti naman ako kahit papano.

"Salamat Mac, ang laki na ng utang ko sayo." Sagot ko sa kanya.

"You don't owe me anything. Mag-asawa na tayo, hindi na kita papakawalan remember? Kaya lahat ng kailangan mo sabihin mo sa akin huwag sa Raven na yon." Mas napangiti naman ako sa sinabi niya

"Nagseselos ka ba sa kanya?" Pang-aasar ko pa.

"Hindi no! Bakit ako magseselos sa asungot na yon. Eh di hamak na mas gwapo ako ron, kung di lang ako busy baka mas naging sikat na artista pa ako. Dami nga nagsasabi kamukha ko si So Ji Sub yung korean actor." Defensive na sagot niya.

Nakangiting tumango-tango nalang ako.

"Sabi mo eh." Maya-maya nga lang ay nasa hospital na kami.

Wala pa ring malay si Tatay. Mabuti nalang at nandoon si Tiyo Jaime para bantayan siya. Nilipat naman si Tatay Mario sa VVIP room ng hospital dahil ang main investor rin pala ng hospital ay ang pamilya nila Mac.

"Naku Sir Mac, pasensya na at hindi namin nalipat agad ang pasyente hindi namin alam na Ama pala siya ng asawa ninyo." Paghingi pa ng pasensya ng Director ng hospital.

"Okay lang. Basta balitaan niyo kami kapag pwede na siyang mag undergo ng surgery."

"Sa ngayon po Sir kahit may donor na tayo eh kung bagsak pa rin naman ang immune system niya ay mahihirapan tayo na ipursue ang transplant." Sagot naman ng Doctor

Para naman akong matutumba sa sinabi niya buti at nasa tabi ko si Mac at agad akong nasalo.

"Huwag kang mag-alala, gagaling si Tatay." Paninigurado niya.

Pagkatapos namin sa hospital ay umuwi na muna kami para kuhanin ang mga gamit ko. Lilipat na raw kami sa isa sa mga Mansion na pagmamay-ari nila.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ang Mansion na sinasabi ni Mac.

"Tayong dalawa lang ang titira sa ganito kalaking Mansion?" Tanong ko sa kanya.

Napangiti naman siya.

"Kulang pa nga yan. Gusto ko palasyo, kasi yon ang nababagay sa reyna ko." Pambobola pa niya.

Agad kaming pumasok sa loob. Napakalaki talaga ng bahay nato para sa aming dalawa.

"Andito na pala ang bagong kasal." Napalingon kami sa nagsalita- Si Michael.

"Naihanda mo na ba ang mga pagkain?" Tanong ni Mac sa kanya.

"Ako pa. Tayo na." Ngiting sabi ni Michael.

"Nandito na ba ang bagong kasal na hindi man lang ako sinama?" Salubong sa amin ng isang matandang babae.

"Nanay Toots!" Agad naman yumakap si Mac sa kanya habang ako para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa pangalang binanggit ni Mac.

"Siya na ba ang asawa mo? Napakaganda niyang babae." Ngiting sabi ni Nanay Toots.

"M-magandang gabi po." Medyo awkward na sabi ko. Sana hindi nila napansin.

"Kaya naman pala pinakasalan ka ni Mac ay dahil napakaganda mo" Nakangiting puri niya sa akin.

"Tama na nga yan at nagugutom na ako." Singit ni Michael

"Che! Bakit kasi ganyan ang itsura mo hindi na talaga ako aasa na magkakamanugang pa ako ng magandang katulad ni Jocille." Saway nito kay Michael.

"Nanay naman! Wala ba kayong tiwala sa mukha ko-

"Wala!" Sagot agad ni Nanay Toots saka kami hinila ni Mac papunta sa hapag-kainan.

Kumakain na kami nang bigla nalang tumunog ang cellphone ni Michael.

Sinagot naman ito ni Michael.

"Ano?!" Galit na sabi ni Michael.

"Ang lakas talaga ng boses ng batang to." Reklamo ni Nanay Toots.

"Ano!" Napatayo pang sigaw ni Michael.

"Anong nangyari?" Tanong naman ni Mac sa kanya.

"Sir, may scandal photo raw po si Jocille" Sagot nito at pinakita nga ang picture na kumakalat sa social media.

Kuha yon sa hospital noong niyakap ko si Raven dala ng matinding kalungkutan ko sa nangyari kay Tatay.
Raven's POV

Sunod-sunod na ring ng cellphone ang gumising sa akin. Nang tignan ko iyon ay si Ralph ang tumatawag.

"Hmm?" Inaantok na sabi ko.

"Bakit ba hindi ka nag-iingat? Ano na naman tong pinasok mo? Huwag kang lalabas ng bahay mo at maraming reporters ang nag-aabang sa labas!" Galit na sabi niya bago ako binabaan.

Nagulat naman ako ng tignan ang bintana ko at nakita ang sobrang daming reporters. Agad ko naman tinignan ang social media ko at nagulat nga ako sa kumakalat na balita.

Mr. Raven Lee, nang-aagaw ba ng asawa ng may asawa? -Title ng article

Kuha ang litratong ito ng isang paparazzi. Isang araw matapos nga i-announce ng Chua Group na si Ms. Jocille Cervantes ang asawa ng President of Chua Group and companies.

Ngayon marami ang nagagalit sa ginawang ito ng sikat na aktor at marami rin ang namumuhi sa babaeng kayakap niya lalo na ng mga fans niya dahil nga ay pinagsasabay niya ang dalawang bigateng lalaki. Marami tuloy ang tumatawag sa kanya na isang gold digger.

Agad kong tinawagan si Jocille matapos nga na mabasa ang article.

"Hello? Jocille, Im very sorry. Hindi ko ineexpect na mangyayari to." Sabi ko sa kanya.

"Okay lang. Ako nga dapat mag sorry sayo dahil kung di lang dahil sa pagtulong mo sa amin hindi sana malalagay ang career mo sa alanganin." Sagot naman niya

"Huwag kang mag-alala, aayusin ko to. Hindi ako papayag na madumihan ang pangalan mo." Dagdag ko pa.

Pagkatapos nga namin mag-usap ni Jocille ay tinawagan ko si Ralph para magpatawag ng press conference.

Mac Romer's POV

"Nagpalabas na ako ng statement Sir, sinabihan ko na rin si Ralph na ayonan nalang iyon para tumahimik na ang media." Pagbabalita ni Michael.

Nasa study room kami ngayon.

"Siguraduhin mo na huling beses na na maglalabas sila ng ganyang paninira kay Jocille." Sagot ko sa kanya.

"Yes, sir. May isa pa po tayong problema. Hindi pa rin daw nagrerequest ng board meeting ang Papa ninyo. At tumawag siya sa akin na gusto niya kayong makausap ulit." Dagdag pa ni Michael na nagpakuyom ng kamay ko.

"Sige, pupunta tayo bukas. Ipasama mo ang family atty. nila Mama para mapamukha sa kanya ang last will ni Mama. Tignan ko lang kung papalag pa siya." Galit na sabi ko.

Pagkatapos namin mag-usap ni Michael ay nagpaalam na sila ni Nanay Toots.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto namin ay nakita ko si Jocille na kausap pa sa ang cellphone ang Tiyo Jaime niya.

"Opo, huwag po kayong mag-alala. Pupunta po ako dyan bukas para magbantay kay Tatay. Sige po mag-iingat kayo." Pagkababa niya sa cellphone ay agad ko siyang niyakap.

"Don't worry too much okay? Everything will be fine." Sabi ko sa kanya.

Humarap naman siya sa akin saka ako niyakap pabalik. Gumaan naman ang pakiramdam ko sa mainit na yakap ng asawa ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Com